“What?! Lilipat ka sa MSU?!” gulat na sabi ni Alden.
“Yup.” Nakangising sagot ni Elmo.
“Naku lagot! May bago na namang playground ang mokong.” Nailing na sabi ni Kris.
“Moe, parang awa mo na. Stay away from our girls and their friends. Doon nag-aaral ang barkada ni Louise.” Pagmamakaawa ni Alden.
“Ano naman akala nyo? Guguluhin ko ang mga girls doon? Of course not.” Sagot ni Elmo.
“Eh anong balak mo? Bakit ka lilipat?” tanong ni Kris.
“Nothing. Gusto ko lang mawala yung mga linta na sunod ng sunod sa akin. I’m sick and tired of flirting. I just wanna stay away from them… ” Sagot ni Elmo.
Tiningnan nila Alden at Kris si Elmo.
“Mas okay din yun, one school na lang tayo. Mas malapit din kasi yun sa bahay ko.” Dagdag pa ni Elmo para maniwala sa kanya ang mga kaibigan.
“Really?” nakataas ang kilay na sabi ni Kris.
Napaikot ng mata si Elmo. “Kung ayaw nyo maniwala, edi wag.” Tumayo na at iniwan ang dalawa.
“Elmo! Wait!” habol ni Alden.
Huminto si Elmo at lumingon. “What?”
“Saan ka naman pupunta ngayon?” tanong ni Alden.
“Mag-eenroll. Then, aayusin yung house blessing ng bahay.” Sagot ni Elmo at nagpatuloy na sa paglakad.
“Sama ako!” habol ni Alden. “Hindi pa ako nakakapag-enroll eh.”
“Ako rin!” habol ni Kris.
Sumakay ang tatlo sa kotse ni Alden at pumunta sa MS University.
“Alam mo, nagtataka talaga ako kung bakit sa MSU mo naisipang lumipat.” Sabi ni Alden habang nagda-drive.
“It’s just the closest school to my house. Maganda din yung school and I have friends na doon kaya doon ko napiling lumipat.” Sagot ni Elmo na nakaupo sa backseat.
“Promise us one thing, Moses.” Sabi ni Kris at tiningnan si Elmo. “Don’t play your dirty tricks at school. Iwan mo na yung mga kalokohan mo sa dating school mo.”
Tiningnan ni Elmo si Kris at ngumisi. “Why should I?”
“Moses, ayaw lang naming ng gulo. Siguradong damay kami pag ginawa kang kalokohan doon dahil kaibigan ka naming.” Sabi ni Alden.
“So?” tanong ni Elmo.
“Hindi kami papayag na mag-enroll ka doon pag hindi ka nangako na babawasan ang mga kalokohan mo lalo na sa mga girls.” Sabi ni Kris.
“Am I really that bad for you tell me that?” natatawang sabi ni Elmo. “Okay fine, promise. Promise I won’t do anything bad on that school. No more bad boy Elmo.” Sabi ni Elmo.
Nagkatinginan sila Alden at Kris. “Good.” Hindi pa rin nila mabasa kung ano ang nasa isip ni Elmo at kung tutuparin nito ang pangako. Pero wala silang magagawa ngayon kundi ang hawakan ang pangako nito at umasa na hindi ito gagawa ng gulo.
“We’re here. Welcome to MSU.” Sabi ni Alden pagpasok ng kotse sa gate ng school.
Pinagmasdan ni Elmo ang school. Madami ang nagbago. Dito nag-aral si Elmo nung elementary pa sya. Lumipat sya ng school nung high school.
ELMO’s MIND
“It’s been a long time since I’ve been here. Ang ganda na ng MSU.”
“Welcome back to MSU. Dito ka nag-elementary, dib a?” sabi ni Kris kay Elmo habang naglalakad sila sa hallway.
“Yup.” Nakangiting sagot ni Elmo.
“Tsk! Tsk! Tsk! Ayan na naman ang pamatay na ngiti ni Moe. Kaya lumalapit sayo ang mga girls eh.” Nailing na sabi ni Alden.
“Eh ikaw nga, Makita lang yung dimple nagkakagulo na ang mga girls.” Natatawang sagot ni Elmo. Hindi alam ni Elmo kung bakit pero Masaya sya na sa MSU na sya papasok. Parang maluwag sa pakiramdam. Masarap ang feeling na bumalik sa school nay un.
“Kayo na gwapo!” natatawang sabi ni Kris sa dalawa.
“Ehem! Kris, yung mga chicks mo palapit na.” natatawang sabi ni Alden sabay turo sa mga cheerleader na palapit sa kanila.
“Naks! Kami pinag-uusapan lang pero ikaw nandyan agad!” sabi ni Elmo. “Lakas mo, pre! Ikaw na gwapo!” Nag-appear sila ni Alden.
“Tumahimik nga kayo dyan. Halika na, mahaba pa ang pila sa registrar.” Sabi ni Kris at nauna ng naglakad.
“Lagot kay Joyce!” sabay na bulong nila Alden at Elmo at nag-appear.
“FYI, okay na kami ni Joyce at wala ng sisira ng relasyon namin.” nagmamalaking sabi ni Kris at nagpatuloy na silang tatlo sa paglalakad.
Sabay na nag-enroll ang tatlo. Hindi naman sila nahirapan at natagalan dahil mabilis ang process sa school. Same course sila pero hindi sila classmate sa lahat ng subject.
“Labo naman nun! Hindi pa parehong sched ang binigay sa ating tatlo!” reklamo ni Kris. Nasa school ground na sila.
“Okay lang yan. Malay mo classmate mo naman sa lahat ng subject si Joyce, edi masosolo mo sya.” Biro ni Alden.
“Oo nga. Okay lang yan, tol.” Dagdag pa ni Elmo.
“Eh ikaw Elmo, pano ka na? Hindi tayo parepareho ng sched.” Sabi ni Alden.
“Okay lang ako. Kayak o na sarili ko. Wag kayo mag-alala, behave ako.” Sagot ni Elmo.
“Siguraduhin mo lang.” sabi nila Kris at Alden.
“So, enrolled nap ala kayo.” Sabin g isang babae sa likod ng tatlo. Napalingon naman sila Alden, Kris, at Elmo.
“Louise!” gulat na sabi ni Alden.
“Hi.” Nakangiting bati ni Louise.
“Hi, enrolled ka na?” masayang tanong ni Alden at nagbeso kay Louise.
“Yup!” sagot ni Louise at nagbeso kay Alden.
“Talaga?! Patingin ng sched mo baka pareho tayo.” Sabi ni Alden.
“Sure.” Inabot ang sched.
“Uhm, Louise, kasama mo ba si Joyce?” tanong ni Kris.
“Yup, papunta nay un dito. Kasama nya yung ibang girls eh, sabay sabay kami nag-enroll.” Sagot ni Louise.
“Talaga?” masayang sabi ni Kris.
“Uy! Excited Makita si Joyce!” pang-aasar nila Alden at Elmo.
“Hindi naman.” Sabi ni Kris na napakamot ng ulo.
“Ayan na sila Joyce.” Sabi ni Louise.
“Joyce!” tawag ni Kris.
“Kris!” lumapit sa apat at nagbeso kay Kris.
“Hello, girls.” Bati nila Alden, Kris, at Elmo.
“Hello din.” Bati nila Barbie, Bea, Lexi, at Sarah.
“Magalona? Bakit nandito ka?” tanong ni Sarah.
“Nag-enroll ako.” Sagot ni Elmo at ngumiti.
“Ikaw?! Nag-enroll sa MSU?!” gulat na sabi ni Sarah.
“Oo. Bakit? May masama ba?” tanong ni Elmo na nakakaloko ang ngiti.
“W-wala naman.” Sagot ni Sarah.
SARAH’s MIND
“Patay!”
“Don’t worry, Sarah. Hindi manggugulo yan si Moe. Nag-promise sya sa amin na behave sya dito at babawasan ang kalokohan. Kami na bahala dyan.” Sabi ni Alden.
“Talaga lang ha?” mataray na sabi ni Sarah.
“Hayaan nyo na si Moe. Kain na lang tayo, treat ko.” Sabi ni Kris.
“Gutom ka na naman?!” sabi ni Alden.
“Haba kasi ng pila kanina eh. Tara na! Girls, sama na kayo.” Sabi ni Kris at sumakay sa kotse ni Alden.
“Okay!” sagot ng girls.
“Pass muna ako. May aasikasuhin pa ako eh.” Sabi ni Elmo.
“At ano naman yun, Magalona?” tanong ni Alden.
“Yung house blessing. Hindi ako palilipatin nila mommy sa bahay ko hanggang hindi nabe-bless yung bahay. Gusto ko na makalipat dun bago mag-start ang pasukan.” Sagot ni Elmo.
“Okay. Tawagan mo na lang kami pag kailangan mo ng tulong.” Sabi ni Alden.
“Ihanap nyo na lang ako ng catering para sa food tapos pumunta kayo sa house blessing.” Sagot ni Elmo.
“Yun lang pala eh. Kami bahala, pwede mag-cater yung resto ng Tita ko. Sabihin mo lang kung kelan.” Sagot ni Alden.
“Sige, text na lang kita kung kelan. Bye!” sabi ni Elmo at naglakad na palayo sa kotse. Nag-taxi na lang sya papunta sa simbahan para kausapin ang pari.
-----
“Okay na po yung house blessing, Mom. Nakausap ko na yung priest and yung catering for the food. All you have to do is attend the house blessing.” Sabi ni Elmo sa mommy nya habang nagdi-dinner sila.
“You’re really moving out.” Malungkot na sabi ni Pia.
“Mom, I’m old enough. Kaya ko na ang sarili ko. Don’t worry about me.” Sagot ni Elmo.
“Elmo’s right, Pia. Besides, napag-usapan na natin ito kaya hayaan mo na sya. He’s old enough to take care of hiself.” Sabi ni Francis.
“Wala na talaga akong magagawa para pigilan ang pag alis mo. Just take care of yourself, okay? Visit us when you have time. And please, son. Be responsible. Don’t bring your girls in that house.” bilin ni Pia.
“Don’t ever try your dirty games in that house. Ayokong mabalitaan na nagdala ka ng babae sa bahay mo at pinaiyak mo na naman. Ipapabawi ko sa lolo mo ang bahay nay un. Lalong lalo na ayaw kong mababalitaan na nakabuntis ka dahil sa pag sasarili mo!” bilin ni Francis.
“Yeah, yeah…” sagot ni Elmo at nagpatuloy sa pagkain.
“Elmo, I’m serious.” Sabi ni Francis.
Tiningnan ni Elmo ang ama. “I won’t. I promise. I’ll be good.” Sabi ni Elmo.
“Good. We’ll be there for the house blessing.” Sabi ni Francis.
Ito na ang huling araw ni Elmo sa bahay ng mga magulang. Lilipat na sya bukas sa bahay na regalo ng lolo nya para mag-ayos. Tradisyon na sa pamilya nila ang mag-sarili ang anak pag college. Para na rin ihanda sila at matutong tumayo sa sarili nilang paa.
ELMO’s MIND
“I just can’t wait to live alone. That’ll mean fresher air. I can’t wait to leave this house… leave all the stress.”
Maagang natulog si Elmo at gumising. Naglipat agad sya ng mga gamit at nagpaalam sa mga magulang.