MY CHRISTMAS LOVE ♥ (one-sho...

By Misxhii_xhannet

3.4K 94 49

Alumni Homecoming and Christmas Eve na in 8 hours sa HS school nila at mamemeet nanaman ni Maine ang longtime... More

MY CHRISTMAS LOVE ♥ (one-shot story)

3.4K 94 49
By Misxhii_xhannet

a/n: Another one-shot from me!!

Mukang ginagawa ko nang pang warm-up ang one-shots ah?? HAHAHA :"))

Pamasko ko toh sa lahat...

Sorry kung d masyadong maganda ang story. Wala po kasi akong plot regarding this story.

Random lang po ito pero hope na magustuhan niyo ♥

------------------------------------------------------------------

"Trishaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!" sigaw ko.

8 hours nalang kasi at Christmas eve na at dahil dun, EXCITED NA TALAGA AKO.

Makikita ko nanaman kasi ang taong nagpapabilis ng tibok ng puso ko, si Mike!! kyaaah =//////=

"Oi bruha para ka kamong tanga diyan!! Bakit ka ba excited e wala naman tayong gagawin dun. Mas maganda pa nga atang matulog nalang kesa umattend dun kasi for sure OP tayo!!"  Trisha

May Alumni Homecoming kasi mamaya sa old school ko. Ewan ko nga kung bakit naka-schedule sya ng Christmas Eve e. Dba muntanga lang? Pero ok na din kasi naandon si Cruuuuussshh!!

"OP?" tanong ko. Malay ko ba kung ano ung O-P!!

"Out of Place gaga! Alala mo naman ata nung highschool tayo e 'Ms.Nobody' lang tayo. Tsaka bakit ba talaga gusto mong umattend sa Alumni Homecoming na yan? Di naman recommended satin yan e!!"

"Trisha naaalala mo ba si Mike? Balita ko kasi dadalo daw syaaaaa =////="

"Haaaay...libre nga naman talaga mangarap. Cge gudluck nalang sayo" sabi ni Trisha tapos huminga sya ng malalim "...at sakin"

"Tara na nga!! Ang tagal-tagal mo mag-ayos!! Kanina ka pa dyan!! 6 hours nalang po kaya at maguumpisa na ung party!! Dapat kasi kahapon nalang talaga tayo nag-shopping e! Yan tuloy, rush tayo!!" sabi ko kay Trisha

"Oo na tapos na po!!" sabi nya sabay tayo "Bwisit naman!! Bakit ba kasi kelangan ko sumama?"

"Kasi po, BESTFRIEND kita!! Gets?"

"Ano pa nga ba??" HAHAHA no choice nanaman po sya!! ako nanaman ang panalo HURRAAY!!

"Ui Trisha tingin mo sino si Miss Nerdy Glasses?? Sya kasi nabunot ko e"

"Aba malay ko! Tayo lang naman ang babaeng geeks nung Highschool e"

"Male ung nakalagay sa kanya e....Weird nuh?"

"Ah ewan basta umalis nalang tayo ng matapos na toh!!" sabi nya at nauna na syang umalis. Sumunod nalang ako.

Sino nga kaya un?? Miss Nerdy Glasses?? Di kaya bakla?? Ano kaya ireregalo ko sa kanya? ang HIRAAAAAAAAAP!!

E kay Mike kaya?? Regaluhan ko kaya sya?? E kso baka i-reject nya lang at itapon. Sayang naman.

Si Mike lang naman ang pinakasikat na lalaki sa school. For short, HEARTTHROB sya. Ni minsan nga d ko nalapitan or nakausap un e. EWAN KO BA KUNG BAKIT AKO NAINLOVE DUN!! Teka, wait!! Did i just said inlove?? Crush lang, crush...

FAST FORWARD >> 

Kakauwi lang namin galing sa mall at Grabe lang! 1 hour nalang start na ng party!!

"Trisha naman kasi sabi ko sayo dapat kahapon nalang tayo nag-shopping!! Yan tuloy super rush na tayo AS IN SUPER RUSH!!" reklamo ko

"Grabe lang Maine d ko talaga maimagine na isa kang One Liner at Geek nung Highschool tayo!! Tingnan mo naman kasi ngayon, Nag-evolve ka na tlaga!!" sabi ni Trisha na parang namamangha pa.

Sus pakunwari epek pa e sya din naman!!

"Parang ikaw hindi ah?" sabi ko tapos tumawa na kami

After 1 hour e natapos na din kami sa pag-aayos and so whatever. 

"Sure ka ba na pupunta ka doon ng ganyan ang suot? Nag-end na din ba pagiging 'manang' mo?" sabi ni Trish na parang nangiinsulto pa

"Masama na ba mag-gown? Ha Trisha?? Parang ikaw hindi 'manang' dati ah?? PAREHAS LANG PO KAYA TAYO!!"

"MAS MALALA KA NAMAN!!" Sabay tawa ulit namin.

Grabe talaga! Pag naaalala ko kung ano kami noon e natatawa na lang ako. 

After 4 long years e syempre nagbago na kami ni Trisha. Kung dati e lalampa-lampang geeks kami e ngayon baka mabigla ka!! Isa lang naman kaming dalawa sa Campus Princesses ng pinapasukan naming University ngayon!!

Nagsawa na din siguro kami sa bullies and insults kaya kami nagbago?? Tsaka syempre para lumovelife na din. Pero ang puso ko ata isang tao lang ang hinahanap-hanap?? Kaya eto, EMPTY pa din ang lovelife ko.

"Oi tama na daydreaming mo dyan at aalis na tayo!!" sabi ni Trisha

Tingnan mo tong babaeng toh! Kanina aayaw-ayaw tapos ngayon, excited na din. Gulo nya tlaga!!

"OO NA PO!!" Sigaw ko tapos bumulong ako ng "kanina aayaw-ayaw tapos ngayon parang mas excited pa sya sakin!"

"Di ako excited noh!! Gusto ko lang talaga makita magiging reaksyon nilang lahat pag nakita nila ang BAGONG TAYO!!" sabi nya with evil smile.

Narinig nya yon?

"Kala ko ba ma-OOP tayo?" tanong ko

"Nakalimutan ko kasi na hindi na nga pla tayo GEEKS ngayon!" sabi nya sabay tawa naman naming dalawa.

Oo nga noh? Ano nga kaya magiging reaksyon nila? At si Mike?

"Tara alis na tayo. 10 mins late na oh!" sabi ni Trisha

"Hala!! Oo nga noh? Tara na!!" sabi ko sabay alis naming dalawa.

FAST FORWARD >>

Okey...alam niyo naman atang late kami noh?? So ang naging entrance namin eh....Ano pa nga ba? Edi engrande!!

Pinagtitinginan lang naman po kami ng lahat!! And guess what?? Eto mga naririnig ko...

"Pare ang hot ng mga bagong dating oh!"

"Ingat mga boyfriend nyan baka mamaya nasulot na ng iba Girlfriends nila"

"Wow pare chicks!!"

"weeewit!!"

Di na ba talaga nila kami nakikilala? 

"Maine tara dun oh! May vacant table pa" Sabi ni Trisha

"Cge tara"

Naglakad na kami papunta dun sa vacant table. At habang naglalakad e may naririnig akong mga chismis...

"Girl! Alala mo pa ba si Mike hanggang ngayon?" G1

"Ah ung Basketball Captain ba nung batch natin?" G2

"Oo un nga. Balita ko single pa yun!! Kyaaaah =/////=" G1

"Kyaaaaaaah  =////=" G2

Ay ang lalandi?? weh? bat patanong??

Nasiyahan naman ata tenga ko dun! Napa-smile ako oh?

"Ai kinikilig ka? Ngiti mo o abot hanggang langit. Narinig lang na single ung tao e kinilig na agad? Di ba pwedeng matuwa muna?" sabi ni Trisha

Di ba pwedeng ipasulit muna sakin ung atmosphere? Un na eh!! Sinira pa =___=

"Ewan ko sayo!!" sabi ko nalang sabay lakad ng mabilis papunta dun sa table.

Okey so andito na kami sa table, nakaupo. Boring.

"EVERYONE PLEASE PAKILAGAY NA PO DITO UNG GIFTS FOR THE EXCHANGE GIFT. WE'LL START AFTER A COUPLE OF MINUTES. THANK YOU" Rinig kong sabi ng emcee

"Maine tara lagay na natin."

"Sige tara"

Nilagay na namin ung gifts namin at makalipas ang 3 minutes ay nagumpisa na nga ang Exhange Gift.

Pupulot lang ng regalo dun sa table ung emcee  then itatanong nya kung kanino galing yon then papalapitin nya ung may-ari ng gift na yon para sya mismo magbigay sa pagbibigyan nya at syempre kelangan may message.

Daming ek-ek na nalalaman. Gusto ko makita si Mike. San ba sya??

Madami na natatawag. Pati si Trisha natawag na din.

"MIKE ALCANAR, MIKE ALCANAR" tawag nung emcee

"MR. ALCANAR kayo na po next. Please proceed here in the stage." sabi pa nung emcee

"So i guess Mr. Alcanar is not here? Let's just pro------------" Di na natapos pa ng emcee ung sasbaihin nya ksi may biglang sumigaw.

"Ahm...sorry? Am i late??"  sabi ni Mike hab------ ....wait!! Teka!! si Mike? as in si MIKE tlaga??

Grabe ang gwapo nya pa din pala =/////////////= Grabe ang landi ko!! Di naman ako ganto dati!! Ganto pala hehe....Nagiging ganto lang naman ako pag nakikita ko si Mike e!

"Yes Mr. Alcanar. You're very much late! Just go here with your gift blah blah blah.." sabi nung emcee.

Wala na ko plano pakinggan mga cnasabi nung emcee. Nakatingin lang ako kay Mike. Napansin kong napatingin sya sakin pero saglit lang yun. Pansin ko kasing may hinahanap sya. Sino naman kaya?

Pumunta na ng stage si Mike at nag-message...

"Itong gift na toh e para nga pala sa babaeng gustong-gusto ko na nung Highschool pa lang. Sya dahilan kung bakit di ako nagkaka-girlfriend. Para sa kanya lang kasi tong puso ko." sabi nya sabay turo sa heart nya. Ang swerte naman ng babaeng yun (_ _ .)

Sige na. Wala na akong chance.

"Ewan ko ba pero natotorpe kasi ako sa twing nakikita ko sya kaya twing nagkakasalubong kami e d man lang kami nakakapagusap." dagdag pa nya. Okey ang masokista ko na ata dahil nandito pa din ako at pinapakinggan ang speech nya about sa love of his life nya,

"Pero ngayon may lakas na ako ng loob na sabihin sayo tunay kong nararamdaman." Oh sheyt! Ang swerte nung babae!!

"Naalala ko umiiyak ako nun, Nakakabakla man sabihin pero umiiyak ako nun. Namatay kasi ung mama ko nun. Nagwala talaga ako ng sobra nung mga panahong un kaya walang makalapit sakin. Tapos may naramdaman nalang ako na may lumapit saking isang babae. Una pinagtabuyan ko sya pero hindi pa din sya umalis. Sinigawan ko nga din sya e pero d pa din umalis. Inabutan nya lang ako ng panyo at may sinabi sya sakin...

'Hindi masamang malungkot o magalit sa isang bagay. Pero tandaan mo sana na may mga kaibigan ka na handa kang damayan pag may problema. Wag na wag mo na sila ipagtatabuyan ulit ha? Kundi baka sa susunod wala na sila.'

....nag-smile pa sya pagkatapos nya sabihin un. Kaso bigla syang nahimatay kaya dinala ko sya sa clinic. Iniwan ko na sya dun. Matapos nun, lagi na sya naiisip. Nakakahiya man sabihin pero naging stalker nya ko. Kaso nung grumaduate tayo lumipat na ko sa States. Akala ko makakalimutan ko na sya pagpunta ko dun pero un pala e hindi."

Di ko na kinaya at napaiyak na nga ako. Ang swerte naman nung babae na yun dahil matagal na pala sya gusto ng lalakeng mahal ko. Teka? bakit mahal? Crush lang...Oo crush lang pero bakit ganito kasakit?

"Kaya ngayon na nagbalik na ako....Di na ako magpapaligoy-ligoy pa at ipagsisigawan kong mahal ko siya."

Tumalikod nalang ako at nagumpisa nang maglakad papalabas.

"Buti nalang tlaga hindi codename ang isinulat nya. Buti nalang pangalan isinulat nya, At buti nalang din ako ang nakabunot sa kanya."

Coincidence ba? Pangalan din sinulat ko e. GAYA-GAYA sya!!

"Ms. Maine De Guzman....I just want you to know na ako ang nakabunot sayo"

Natigilan ako sa paglalakad.

A-ano? A-ako d-daw?? Ako daw nabunot nya?

".....and I LOVE YOU!!"

O__________O

Loading...

Loading...

Loading...

Syntax Error!! >______<

"Maine!! Pentium 1 ka ba?? Mahal ka daw oh!!" habol at sabi sakin ni Trisha.

"So hindi pala ako nagkamali ng dinig?"

"Oo Maine!! Pumunta ka na dun sa stage daliiiiiiiiiiiiii!!" Sabi ni Trisha at pinagtulakan pa ako.

Di pa din talaga ako makapaniwala. Panaginip lang ba toh? Please po sana wag na ako magising.

Pumunta na ako dun sa stage at kinuha ang regalo nya sakin.

Di ako makatingin sa kanya!! Naiilang ako sheeeeeeeet!! =/////=

"thank you.." Ang tangi ko nalang na nasabi.

Binuksan ko na ung regalo dun sa stage tulad ng ginawa ng iba at nagulat sa laman ng regalo. Yun yung panyo ko.

Kinuha nya sakin ung panyo at lumuhod....

"Ms. Maine De Guzman....pwede ka bang ligawan?" sabi ni Mike.

Teka...teka....Loading pa....

Loading...

Loading...

Loading...

Syntax Error ulit...

"ARAAAAAAAAAAY!!" sigaw ko

Binato kasi ako ni Trisha ng bag. Ang sakit amp!!

"Hoy gaga ngayon ka pa ba magpapakaslow? Liligawan ka nga daw oh!! Sasagot ka ba o hindi? Sige ka baka magbago isip!! Ikaw din magsisisi ka" sambit sakin ni Trisha

Nahiya naman ako dun...

Humarap na ako kay Mike at sinabing "Yes"

Nakita ko namang natuwa sya sa naisagot ko. Siguro nga mahal nya ako. :">

"Pangako pag sinagot mo ko Hinding-hindi kita sasaktan o papaiyakin. Ikaw ang buhay ko Maine.     I LOVE YOU" sabi nya. Naghiyawan naman ang lahat.

Biglang may nagputukan sa kalangitan. FIREWORKS!!

Pagkaputok na pagkaputok palang ng fireworks e may narealize agad ako. Di ko pala crush si Mike. MAHAL KO SYA. Naging in-denial lang ako.

Kaya naman ngayon, d ko na sasayangin ang pagkakataon.

"Mr. Mike Alcanar

....will u be my boyfriend?"

Nakita ko namang ngumiti sya tapos niyakap ako.

"Di mo na kelangang itanong Maine....I love you!" Sabi nya sabay smile

"I love you too."

We kissed each other passionately and declared that....

THIS IS THE BEST CHRISTMAS WE EVER CELEBRATED.

-THE END-

---------------------------------------------------------

AuThor's sTiCkY nOTe:

Okay okay wag nyo po akong giyerahin!! Alam kong hindi maganda ung story >___<

Wala nga po kasing plot yan. Kumbaga e trip ko lang.

Tsaka d pa ako kumakain nung sinulat ko to noh!!

Nagugutom na ako TT____TT

Kaya wag kayo magtataka kung medyo magulo pagkakagawa. Pagkain lang kasi iniisip ko ng mga oras na sinusulat ko toh MWAHAHAHAHHA!!!

VOTE

      - Kung nagustuhan niyo naman kahit papano ung story!!

LIKE

      - Kung may facebook man kayo!!

BE A FAN

      - Pampalubag-loob lang MWAHAHAHA!!

COMMENT

      - Ung mga reklamo, suggestions at recommendations niyo!!

SORRY TALAGA KUNG D KO NA-REACH UNG EXPECTATIONS NYO!!

DI NAMAN KASI AKO WRITER!! =__________=

TRIP LANG TOH! TRIP!!

MERRY CHRISTMAS ♥♥♥

Continue Reading

You'll Also Like

432K 16.1K 35
"If someday, when you realize that I could somehow be a part of your life , I'll always be your shooting star." Santi X Martee
136M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
49.8K 127 15
SPG