Charm Academy School of Magic

By april_avery

61.7M 1.7M 521K

She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang... More

Charm Academy: Prologue
Chapter 1: What's Your Charm?
Chapter 2: The Fire Ball
Chapter 3: Deadly Deal
Chapter 5: The Rebel's Punishment
Chapter 6: The Four of Us?
Chapter 7: The Quest for Evergreen
Chapter 8: Caught in the Trap
Chapter 9: The Modifying Charm
Chapter 10: Training Mishaps
Chapter 11: The Thing with Trust
Chapter 12: The Puzzle Game
Chapter 13: The Academy Secret
Chapter 14: The Bow and Arrow
Chapter 15: Training Arrow
Chapter 16: Fire Against Light
Chapter 17: The Escape
Chapter 18: The Full Moon
Chapter 19: Ariela Against Hades
Chapter 20: The Deal with Augury
Chapter 21: Mystic Gifts
Chapter 22: The Mystic Ball
Chapter 23: The Head Masters
Chapter 24: The Society of Mirandi
Chapter 25: Leon Lancaster
Chapter 26: For Those Who Remain
Chapter 27: Love Him or Hate Him
Chapter 28: The Harvest Festival
Chapter 29: Finally Captured
Chapter 30: The Royal Ball of Mirandi
Chapter 31: The Real Traitor
Chapter 32: The Augury's Revenge
Chapter 33: The Charm Stealer
Chapter 34: All In Battle
Chapter 35: Charm Diffused
Chapter 36: The Final Chapter
Charm Academy: Epilogue
Charm Academy: Special Chapter
Academy Series: Self Published Books

Chapter 4: Welcome to Enchanted Forest

1.8M 51.9K 14.1K
By april_avery

Chapter 4: Welcome to Enchanted Forest

Lumipas ang araw at mabilis na dumating ang Sabado. Ang araw na pinag usapan namin. Ang araw na kinatatakutan ko. Hangang ngayon kasi hindi ko parin alam ang charm ko o kung meron nga ba talaga ako ng bagay na yun. Kaya hindi ko alam kung paano ako makakasurvive sa deal na ito.

"So, anong balak mong gawin?"

Naka upo ako sa kama ng tanungin ako ni Snow. Hapon na at ilang oras nalang bago ang napagusapan naming deal ni Jett. "Hindi ko talaga alam Snow."

Hindi ko talaga alam itong napasukan ko. Bakit ba ako pumayag? Padalos dalos din kasi ako minsan. Nakakainis! Umupo si Snow sa gilid ng bed ko.

"West Wood is one of the most dangerous places in the Academy, Ariela. Ilang beses kong sinabi sayo yun. Sa mga gubat na nakapaligid sa Academy West is considered the Enchanted Forest. Maraming kakaibang bagay ang nagkalat sa lugar na yun."

Lalo akong nanghina sa narinig. Snow naman. Sa halip na palakasin ang loob ko tinatakot pa ako. Wala naman kasi akong choice. Bigla nalang akong iniwan ni Jett sa ere at pagkatapos hindi na ako kinausap nitong mga nakaraang araw. Hindi pa pumapasok sa klase!

"Pero sabi ng kambal rumor lang yun. Ayaw lang talaga ng school na pumunta tayo doon."

"Dahil delikado. They are protecting us."

I sighed. "But I have to try. Snow pagkatapos nito hindi na ako guguluhin ni Jett. Yun lang ang gusto ko. Isa pa hindi naman tayo sigurado na yun nga ang ipagagawa niya. Malay mo pasayawin niya lang ako o pakantahin."

Natawa si Snow sa sinabi ko. "Si Jett? Malabo. Baka lalo kang tuluyan nun kapag ginawa mo ang iniisip mo."

I folded my arms. "Geez, Snow. Salamat sa pagpapalakas ng loob ko."

"You're welcome!"

"But seriously Snow, kailangan ko talaga ito. Matapos malaman ng buong year level natin. Hindi na ako pwedeng umayaw. Gusto kong patunayan na I deserved to be here."

Hindi ko alam kung paanong nangyari pero nalaman ng ibang estudyante ang tungkol sa deal namin ni Jett. Inaabangan nila kung anong gagawin ng transferee na gaya ako. I know they're expecting me to withdraw. Lalo na si Freya.

Ang hinala nila Snow ay siya ang nagkalat ng usapan namin para ipahiya ako kung sakaling aayaw ako. But sorry to bursed her bubbles but I will prove her wrong. Though I don't exactly know how.



























Twelve midnight nang tahimik kaming lumabas ni Snow sa dormitory. Kinakabahan ako I swear. Lalo pang nakapagdagdag sa kaba ko ang malamig na hangin sa madaling araw na tumatama sa balat ko.

Madilim at tahimik ang school campus nang oras na yun. Ang tanging ilaw lang na nagbibigay liwanag ay ang mangilan ngilan na nagkalat na lamp post at mga nakabukas na ilaw mula sa dormitory.

Pakiramdam ko tuloy magkakasakit ako. I've never been in this kind of situation before. The what ifs are starting to get in my nerves and it's making my hands tremble. Sigurado ba ako sa gagawin ko?

"Ariela, you don't have to do this." Ulit ni Snow for the hundredth time.

I glanced at her and tried to smile. "I'm going to be fine. I guess."

Nakalampas na kami sa school garden. Malapit na kami sa dulo ng school premises kung saan naghihintay ang ibang classmate namin na gustong makita kung paano ko ipahiya ang sarili ko.

"Oh, look. Nandito na pala ang bida natin." Ito ang bati sa akin ni Freya nang makarating kami sa harap ng Enchanted Forest. "Are you ready to make a fool of yourself?"

I just rolled my eyes at hindi siya pinansin. She's the least of my concern right now. Napatingin ako sa paligid. Mas madami pa palang pumunta kesa ng inaasahan ko. There's Freya and her group. Ang kambal. Ilang lalakeng classmate namin na hindi ko man lang kilala. May ilan ding taga ibang section. At kami ni Snow. But where's Jett?

Napatingin ako sa loob nga kakahuyan ang a lump form in my throat. The place really gives me the creeps. Seriously parang gusto ko na talagang umatras. I don't know what gave me the courage to do this in the first place. For the longest time I've been afraid to take risk. I'm the girl who always takes the safest route to anything.

Hindi ako matapang. Believe me, I might be the lamest person you could met. Ni hindi ko kayang ipagtangol ang sarili ko. Not until now. Pero sigurado ba ako sa ginagawa ko? O dala lang ito ng pride dahil ayokong magpatalo kay Jett at gusto kong patunayan ang sarili ko. Do I have to really do this?

"Hindi ko akalain na darating ka pa."

Tumingila ako sa puno kung saan nanggagaling ang boses. Nandoon si Jett nakaupo sa isang malaking sanga at nakasandal sa trunk nito. Medyo madilim pero kitang kita ko parin sa liwanag ng buwan ang mukha niya. It gave me an uneasy feeling. Bakit ba nakakaramdam ako ng ganito basta malapit siya?

Tumalon si Jett mula sa puno at eksaktong bumagsak nang nakatayo sa harap ko. As in harap na harap. Yun bang halos wala na kaming pagitan na space. My breath hitched at biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Hindi ko napigilan na umatras palayo sa kanya. Ano bang meron sa kanya at ganito nalang ako magreact? Hindi na ito nakakatuwa.

Napatingin siya sa likod ko at bigla ko nalang narinig ang tili ng ibang mga kasama ko. Lumingon ako sa kanila at nakitang pinapalibutan na pala kami ni Jett ng apoy. Gusto niya ba kaming tustahin pareho?

"Ano bang gusto mong ipagawa? Sabihin mo na para matapos na ito." sabi ko.

Seryoso akong tinignan ni Jett na para bang sinusubukang basahin ang isip ko. "Hindi mo ba talaga alam kung sino ka?"

The way he looked at me para bang takang taka siya at gusto niya talagang malaman ang sagot. Pero ano bang klaseng tanong yan? Syempre kilala ko ang sarili ko. Ako si Ariela Davis!

"Ano bang ibig mong sabihin? Ako si Ariela Davis."

Nagkaroon ng panandaliang katahimikan. Yung tingin niya sa akin hindi na nakakatuwa. Ano ba talagang iniisip niya?

"Hindi nga ako nagkamali sa pagtawag sayo ng stupid."

Napanganga ako sa sinabi niya. Babalik nanaman ba tayo sa topic na yan? Ito nga at ginagawa ko na ang lahat para hindi niya na ako ulit ako mabully tapos stupid parin ako. Nakakasakit na siya ng damdamin. Hindi nga ako ang pinakamatalinong tao pero hindi naman siguro tama na paulit ulit niya nalang akong tawagin ng ganun.

"Sa gitna ng gubat na ito may tatlong forbidden tree. Ang hahanapin mo ay ang puting puno. Kumuha ka ng bunga nun. Kung nagawa mo yun hindi ko na guguluhin ang walang kwenta mong buhay."

Bunga? Ang dali naman pala nito. Para ka lang manunungkit hindi ba? Akala ko naman kung anong kababalaghan ang ipapagawa niya.

"Sigurado ka bang merong ganung puno sa gubat ?" paninigurado ko.

He stared down at me then smirked. Sa isang iglap lumiyab ang ilang tuyong dahon sa tabi ng paa ko.

"Bakit natatakot ka ba?" tanong niya na sa nakakalokong tono. "Kung may charm ka wala kang dapat ikatakot. Pero alam naman nating dalawa na wala ka nito kaya tingnan nalang natin kung hangang saan ka magtatagal."

Bigla siyang nawala sa paningin ko. Naramdaman ko nalang ang isang mainit na hininga sa batok ko.

"Good luck."

Mabilis akong lumingon pero hindi ko man lang siya naabutan. Kainis! Ang bilis niya. Paano niya ba nagagawa yun? Nakatayo nalang ako ngayong magisa sa harap ng nakakatakot na gubat sa gitna ng dilim. Nawala na din sila Snow sa paningin ko. Umalis na kaya sila?

Pakiramdam ko tuloy biglang tumahimik ang lahat. Ni wala man lang akong marinig na kaluskos o ingay ng mga insekto katulad ng ibang ordinaryong gubat. Totoo nga bang enchanted ang lugar na ito? I sighed to gather my strength at nagsimulang maglakad papasok sa gubat. Kailangan ko lang ng isang bunga para matapos na ang parusang ito.

Bawat apak ko sa tuyong mga dahon sa lupa ay umaalingawngaw sa paligid. Yun ang tanging tunog na naririnig ko. Madilim ang paligid at hirap akong makakita. Dapat pala nagdala man lang ako ng flash light. Paulit ulit akong natatalisod sa mga nagkalat na sanga at nakaangat na ugat ng puno.

Hindi kaya ako maligaw nito? Pakiramdam ko pare pareho nalang ang nakikita ko. Puro puno. Tama pa ba ako ng dinadaanan? Napatingala ako sa malaking buwan na tanging liwanag ko sa gubat at nagpatuloy sa paglalakad.

KWAK! KWAK!

Napatili ako sa gulat ng marinig ang malakas na ingay na sumira sa katahimikan. Nahagip ng paningin ko ang isang itim na uwak na nakadapo sa sanga ng isa sa mga puno. It's cocking his head to one side and looking at me with curious sharp eyes. Kinilabutan ako. The way the crow looks at me. Para bang may isip siya. There is something in its gaze that made the hair on the back of my neck stand.

KWAK! KWAK!

Tinakpan ko ang tenga ko this time at napapikit dahil sa lakas at impact ng ingay na ginagawa niya. Masakit ang tunog. Para bang sasabog ang eardrums ko! Napaupo ako habang hawak padin ang tenga ko. Stop it! Stop that sound! Sigaw ng isip ko. Pero ayaw umaalis ng tunog. Para bang nakabaon na siya. Nasa loob na mismo ng tenga ko at ayaw maalis. Palakas ito ng palakas!

KWAK KWAK!

"STOP IT! JUST STOP IT!"

Biglang naglaho ang tunog. As in biglang tumahimik. Ngayon naman sobrang tahimik. And it's creeping me out. Ano ba talagang nangyayari?! Sinubukan kong tumayo at muling naglakad pero nagulat ako ng umapak ako sa lupa. Wala man lang akong narinig. Paulit ulit kong tinapakan ang mga tuyong dahon with the hope na marinig ang mga tunog nun pero wala akong marinig!

Tuluyan na akong natigilan. My mind is racing as well as my hearbeat. Kung kanina halos marindi ako sa ingay ngayon I was being swallowed by the silence. Nagsimula akong matakot. What the hell is happening to me? Am I in some kind of spell? Bakit wala akong marinig?!

Then another realization hit me. I'm talking. I'm talking! I'm not just thinking inside my head right now but I'm opening my mouth. For Pete's sake I'm talking and there's no sound coming out! Oh crap. What's happening to me? Where am I exactly? Am I even alive? Is this some kind of a nightmare?!

I run. I pushed myself to run as fast as my worn feet could take me. I have to get out of this place. Habang tumatakbo ako ng walang patutunguhan sa loob ng gubat, unti unti kong narinig ang mga tunog at ingay. Ang kaloskos ng mga puno sa hangin at ang pagtapak ng paa ko sa lupa. Hingal na hingal akong napaupo sa damuhan. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko nangaling ako sa isang bangungot.

Muli akong napatingin sa buwan sa hindi malamang dahilan. I feel something strange. Like there's something about the moon and the forest— Natigilan ako at mabilis na napatayo nang makita ang kanina ko pa hinahanap. Ang isa sa mga forbidden tree!

Mabilis akong lumapit at muntikan pang matalisod sa mga nakaangat na ugat. Nasisinagan ng buwan ang itim na puno kaya madali ko itong nakita. Tumingala ako para makita ang kabuuan nito. Malaki ito pero katamtaman lang ang taas at itim na itim. Halos tuyo ang mga sanga niya at wala man lang dahon. It reminds of dead trees during winter season.

Sinubukan kong hawakan ang mismong puno pero nagulat ako. Sa pagdampi pa lamang ng daliri ko sa katawan ng puno ay unti unti itong naging abo. Gumuho ito na para bang nasira ko. Nanlaki ang mga mata ko and I was frozen in place. Biglang nanlamig ang kamay ko. Napaatras ako nang unti unti. Bakas ang takot sa mukha ko.

Lumutang ang ilang itim na abo sa hangin. They formed something. Something resembling... a crow. Halos matutop ko ang bibig ko sa takot. Napatras ako hangang sa mapaupo sa lupa. Siya yan! Hindi ako nagkakamali siya ung uwak kanina!

Lumipad sa tabi ko ang uwak and it seems like mocking me. I saw its red eyes blazed and the next thing I knew I was screaming non-stop.



















Snow's POV

Mag i-isang oras na simula ng umalis si Ariela at pumasok sa gubat. Mula sa kinatatayuan namin nakita namin siyang pumasok doon pero sa tingin ko hindi na niya kami nakita. Nakapasok na kasi sila sa perimeter ng Enchanted Forest kung saan bina-block ng forest ang mga bagay mula sa labas nito.

Natatakot ako para kay Ariela. Hindi ako mapakali kanina pa. Pakiramdam ko kasi may nangyayari na sa kanya sa loob.

"Ano Layla? Wala ka ba talagang naririnig?" tanong ko sa isa sa mga kambal na nasa tabi ko.

"Pinipilit ko pero wala talaga. Sa tingin ko pinipigilan ng forest ang charm ko na makapasok." Iritableng sagot niya.

Nag aalala na din kasi sila. Ilang oras nalang maguumaga na. Lagot kami nito. Stress na stress na ang bangs ko.

"I told you. She won't make it alive." Freya sneered. Prenteng nakaupo siya sa damuhan kasama ang mga alipores niya. Ano ito camping lang? Kung makaasta parang walang taong nasa panganib ah.

"Shut up! Hindi namin kailangan ng opinion mo!" naiinis kong sagot.

Nakakaasar na siya eh. Akala mo kung sinong magaling! Ilubog ko kaya siya sa mainit na tubig para madefroze ang charm niya.

"Whoa. Barbie girl lumalaban ka na pala ngayon. Ano hah? May ibubuga ba ang mga walang kwenta mong pangkukulam sa charm ko?" Nakuha niya pang magflipped ng buhok nang sabihin niya ang salitang charm.

Grr. Konting konti nalang talaga. Kapag ako hindi nakapag pigil—!

"May nariring ako." biglang nagsalita si Layla.

Hindi man lang siya kumukurap habang nakatingin sa loob ng gubat. Ganyan siya kapag nag co-concentrate. Minsan natatakot ako kapag ganyan ang reaction niya pero ngayon kailangan kong marinig ng mabuti ang sasabihin niya.

"Humihingi siya ng tulong. Nasa itim na mystic tree si Ariela. Nasa panganib siya!"

Hindi ko na namalayan ang sumunod na nangyarari. Everything happened in a hazy blur. Pero bago yun nakita ko siya.

Si Jett. Mabilis siyang pumasok sa gubat.

***

Continue Reading

You'll Also Like

5K 662 12
[NOW A PUBLISHED NOVEL UNDER TDP PUBLISHING HOUSE] Akala ni Ryan ay isang masayang weekend getaway lang ng barkada ang magaganap. Malayang panahon pa...
242K 1.8K 5
Para sa mga taong torpe at sa mga taong hindi marunong dumiskarte. Idaan na yan sa banat! :D
383K 1.7K 1
Ang University na ito ang namamahala upang tulungan ang napiling humanimal na protektahan ang mundo laban sa gustong sumakop nito. Humanimal, half hu...
19M 578K 53
She vowed to stay. She just needed a keeper for maintenance. Henrietta Arturia is a drop-dead, gorgeous ice princess and yeah, a Freniere Mafia Reape...