A reason to stay (Short Story)

By glimpseofsmile

1.6K 25 4

"If someone gave you a hundred reasons to leave, what would be your 1 reason to stay?" A short story that wil... More

Prologue ♥
Chapter 2: "The shorty and fatty" ♥
Chapter 3. "To the star and the moon" ♥
Chapter 4: "Beneath the lit up sky" ♥
Chapter 5: "Fighting for what's real" ♥
Chapter 6. *Anything for Ellie*
Chapter 7: "A love that is like stars" ♥
Chapter 8. *His princess*
Chapter 9. "Truth or Dare?"

Chapter 1: "The Reason" ♥

184 4 1
By glimpseofsmile

She is a popular girl in their school. She is a head turner, a member of the student council, an artist who really loves to draw .She's bubbly and there's something with the way she moves and smiles that catch a man's heart. Beautiful, rosy white skinned, dark brown eyes and pretty reddish lips. She is like a living doll. A very beautiful girl with a not-so-beautiful heart. Why not so? Because she is kind of spoiled. But once she knows what she really wants, she will do everything just to not lose that. She is almost physically perfect except she is short, so he called her shorty. Her name is Ellie.

He is an ordinary guy. It takes a while before you notice him. He only has two SOLID best friends to always be with him, Nathan and Thomas. He is a typical Chinese looking guy with a very pleasing personality. He is very patient, and always true to his words. When he says he loves you, he means it more than you'll ever know. He is good with words, he loves poetry and his vocabulary is truly admirable. But there are two words that he doesn't know. "Giving up". A not-so-handsome guy but with a very beautiful heart. He is kind of chubby he likes food. Who doesn't like food? That is why she called him fatty. His name is Billy.

They are so different in many ways. They don't agree much on everything, they have different personalities, have different perspectives but there is one reason why they chose to be together..

They are crazy, madly, deeply, genuinely in love with each other.

How did that happen? Well, here's their love story..

----

CHAPTER 1

Since grade school palang crush na crush na talaga ni Billy si Ellie. Siya lang yung nakikita niya, siya lang yung gusto niya, siya lang yung pinapangarap niya. Bukod kasi sa sobrang talented nito sa pag dadrawing, ang cute niya pa pag nagsusungit. Oo, medyo masungit si Ellie. Suplada siguro kasi mayaman at spoiled. Lagi siyang officer sa klase kasi responsable at ng dahil narin sa kasungitan niya, takot sakanya lahat ng mga kaklase niya kaya wala silang ibang magagawa kundi sundin si Ellie. Pero pag nakita mo yung ngiti niya, para ka naring nakasilip sa langit. Para kay Billy, walang kasing ganda yung mga ngiting yun. Para bang pag nakita niya yung mga ngiting yun, automatic mapapangiti narin siya. Yung mga kaibigan niya sinusuportahan nalang siya kahit alam nilang suntok sa buwan ang nag iisang babaeng gusto ng kaibigan nila.

One time nagkaron sila ng partner partner sa klase para sa Science exhibit nila. Kailangan nilang mang huli ng insects. Yung isang kaibigan ni Billy na si Nathan na kung tawagin nya ay NatNat, nakipag palitan ng upuan sakanya para maging mag partner sila ni Ellie. Laking tuwa nun ni Billy. Bata palang siya, pero alam niyang gusto niya talaga si Ellie. Napag pasyahan nilang catterpillar yung hulihin at ieexhibit nila ito. Pumunta silang dalawa nung araw rin na yun sa playground ng school nila at naghanap ng catterpillar.

"Billy, ayun oh! May catterpillar sa may dahon ng puno. Pero pano natin makukuha? Medyo mataas hindi natin abot." 

"Alam ko na! Bubuhatin kita tapos kunin mo yung catterpillar ilagay mo sa jar." at umagree naman si Ellie. Nakasampa siya sa mga balikat ng batang lalaki habang kinukuha nya ang maliit na catterpillar. Nakakuha siya ng dalawa at nung kukunin nya na yung pangatlo, nagulat nalang siya at biglang gumapang sa kamay niya yun. Nagsisisigaw siya at dahil sa sobrang panic, nahulog siya mula sa pagkakabuhat ng batang lalaki.

"ELLIEEE! ELLIE! Ayos ka lang ba?!" Nakita nyang nasaktan talaga mula sa pagkakabagsak si Ellie sobrang galit na galit si Billy at sinisisi nya yung catterpillar ng dahil sa nangyari sa nag iisang babaeng gusto niya.

Lumapit siya dun sa catterpillar at inapakan nya yun. Alam niyang masamang gawin yun dahil para mo naring pinatay ang napakagandang future butterfly, pero sinaktan nya si Ellie! Nang dahil sakanya nahulog si Ellie!

"AYAN! BAD KA! SINAKTAN MO SI ELLIE! DAHIL SAYO NAHULOG SI ELLIE! AYOKO NA SAYO! AYOKO SA LAHAT NG MANANAKIT KAY ELLIE! AYOKO NA NG CATTERPILLAR!"

Napangiti nun si Ellie. Kahit bata pa siya noon, naramdaman niya kung gaano siya kahalaga sa taong kaharap niya. Hindi niya na napigilang tumawa ng mahina. Nilingon naman siya ni Billy.

"Bakit ka tumatawa? Diba dapat galit ka rin?"

"Haha! Ang cute mo kasi. Para kang papa ko. Ayaw niya rin sa mga taong mananakit sakin." Sabay ngumiti siya, at yung mga ngiting yun, yun yung hindi niya makakalimutan sa Science exhibit na yun. Nakalimutan nya na ngang nakakuha sila parehas ng Grade na A nun eh, ang naalala nya lang, yung magandang ngiting yun.

Nung nag high school sila, akala niya mawawala na yung nararamdaman niya para kay Ellie. Akala niya puppy love, infatuation or kung ano ano pa lang yun. Pero kahit anong gawin niya, alam ng puso't isip niya na kahit mas nag mature na siya ngayon, kahit na ang dami ng taong lumipas, kahit ang dami nya ng nakilalang magagandang babae at yung iba mas maganda pa kay Ellie, ay alam niyang isang babae parin yung gusto niya. Yung babae paring nag mamay ari ng ngiting yun, si Ellie parin. Siya parin talaga. At kahit suntok sa buwan ang babaeng katulad niya, humanap parin siya ng lakas ng loob. Nag ipon siya ng ilang buwan dahil alam niyang kung hindi siya gaanong kagwapuhan kailangan niyang maging ma-effort. Nagbasa siya nang nag basa ng mga libro na makakatulong sakanya. Humingi siya ng tulong at tips sa mga kaibigan niya. Isang linggo siyang pumunta sa simbahan para mag dasal at humingi ng tulong at lakas ng loob sa Diyos. Naniniwala siyang tutulungan siya nito dahil alam ng Diyos kung gaano niya kamahal ang babaeng pinagdadasal niya. At finally, nung stable na siya financially, emotionally, at spiritually, sinimulan niya ng gumawa ng mga bagay na alam niyang magpapahulog sa babaeng gusto niya.

Third year high school sila nun at eto ang mga steps na ginawa niya.

Una - Maaga siyang pumasok para wala pang tao sa classroom nila Ellie. Hindi na kasi sila classmates ngayon eh. Nilagyan niya ng life sized teddy bear yung upuan ni Ellie. Pinuno niya ng sticky notes at love letters yun. Pakiramdam niya matotouch si Ellie pero nagkaron din siya ng doubt na baka mainis lang si Ellie sakanya kasi baka wala siyang maupuan ng araw na yun.

Pangalawa - Isinulat niya ng tula si Ellie. Sabi kasi sa librong nabasa niya, suyuin mo yung babae gamit yung paraan na alam mong magaling ka. Sa isip isip niya, magaling siyang mag sulat ng poetry. Kaya isinulat niya sa papel lahat ng nararamdaman niya para sa pinakamagandang babae para sakanya. Nung nabasa yun ni Ellie, dun unang beses nakita ni Billy na napangiti niya yung babaeng mahal nya. Napangiti niya si Ellie! SA WAKAS! Yung ngiti niyang yun ang naging dahilan kung bakit mas lalo pang nahulog si Billy para sakanya. Heaven kasi talaga eh. Kay gandang anghel. ♥

Nakasilip sila nun sa pintuan ng classroom ni Ellie. Kumpol kumpol silang magkakaibigan. Masayang masaya si Billy nung makita niya ulit yung ngiting yun at masaya rin yung mga kaibigan niya ng makitang masaya yung kaibigan nila.

Ginulo ni Nat Nat yung buhok ni Billy. "Oy ikaw! Taena mo! Elementary palang tayo, deads na deads kana dyan kay Ellie. Kelan mo ba balak umamin? Pag nanay na si Ellie?"

"Gagu! Ako makakatuluyan ni Ellie!"

Tumawa naman si Thomas o kung tawagin ni Billy ay Mang Tomas, "Hahaha! Sige na, sige na. Ikaw na makakatuluyan ni Ellie, pero bro, para makatuluyan mo siya, kailangan mong umamin sakanyang ikaw gumagawa ng mga yan ah. Baka mapunta sa iba yan si Ellie ikaw rin!"

"Oo mga paps! Aamin ako. Hindi pa nga lang ngayon."

"Kung di ngayon, kailan pa?!" sabay na bigkas ng dalawa niyang kaibigan.

"SA TAMANANG PANAHON!"

"Nak ng patola paps! Ang drama mo. Tara na nga Eto na ang favorite subject ko eh, RECESS! Tara na! Gutom na ko!" sabay hila ni Mang Tomas sa dalawa niyang kaibigan.

Pangatlo - Hinarana niya si Ellie sa bahay nila kasama yung dalawa niyang kaibigan. Sumilip naman sa bintana si Ellie gaya ng mga nasa palabas. Kaya lang natawa lang siya dahil nakita niyang pinagtitinginan na si Billy ng mga kapit bahay nila. Pati mga kasambahay nila, guards nila, driver nila nanonood sa harana niya. Sa loob loob ni Billy, di bale ng pagtawanan siya ng mga tao basta malaman lang ng babaeng gusto niya na handa siya gawin lahat para lang sakanya. Na kahit sintunado siya, handa parin siyang kantahan siya sa harap ng maraming tao. Kasi basta para sayo Ellie, kahit ano gagawin ko. Makita ko lang yung mga ngiti mo.

Pang apat - Nalaman ni Billy na sumali sa contest si Ellie. Painting contest. At botohan yun. Bawat estudyante, isang boto. Sa isip isip niya, kailangan ni Ellie ng tulong niya! Kailangan niya ng maraming boto! Dahil para sakanya yung gawa ng pinakamamahal niya ang pinakamaganda sa lahat. Talented talaga si Ellie! At isa yun sa mga dahilan kung bakit mas lalo siyang nahulog sakanya. Daig niya pa parents ni Ellie sa sobrang pagka PROUD NIYA! Naging #1 fan ni Ellie si Billy. Sa tulong ng mga kaibigan niyang kung tawagin nya ay Natnat at Mang Tomas, humakot sila ng maraming boto! Naglibreng puppet show siya sa mga grade school tapos yung dalawang kaibigan niya ginawa niyang mascots. At ayun, nakay Ellie na boto ng lahat ng natuwa sa kalokohan ng tatlong kolokoy. Tapos nag bigay siya sa mga lower years ng high school ng broschure. Oo, broschure at andun yung picture ng painting ni Ellie. Nakalagay sa brochure na iboto niyo ang painting ni Ellie dahil deserve niya yun at hindi kayo magkaka love life ng 10 years pag hindi niyo yun ginawa. Natakot at humanga naman yung mga nakatanggap nun kaya bumoto silang lahat para kay Ellie. At nung lalabas na yung result, halos hindi na mabilang ng teachers yung boto para kay Ellie. Nanalo siya at nilagay sa museum ng eskwelahan yung painting niya. Masayang masaya si Billy para kay Ellie. Kasi alam niyang deserve niya yun. Basta talaga mahal mo yung isang tao, magagawa mo lahat para sakanya. Ellie, nanalo kana sa contest. Ako kaya? Kelan ako mananalo sa puso mo? Pucha! Heavy!

Pang lima - Ang pinaka magandang gawin daw ayon sa libro, eh sabihin yung nararamdaman mo ng harap harapan. Kaya nung araw na yun, hinanda niya yung sarili niya. Bumili siya ng maraming bulaklak, chocolates at inantay niya si Ellie. Malayo palang si Ellie at busy sa pakikipag usap sa mga kaibigan niya eh para na siyang nag marathon sa sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Sobrang kinakabahan siya.

"Natnat, Mang Thomas, next time nalang kaya? Taena natatae na ata ako sa kaba!"

"Mamaya na! Magpigil ka. Eto na eh! THIS IS IT, PANSIT!" Sabi ni Mang Thomas. Si Nat Nat naman hinarang si Ellie at yung mga kaibigan niya.

"Magandang umaga sa mga magagandang binibini. Hi Ellie. Kung okay lang, may sasabihin daw tong kaibigan namin sayo. Medyo shy type siya eh, pero sana bigyan mo siya ng konting time kasi ilang taon na yang may gusto sayo eh. Haha yun lang bbye." sabi ni Mang Thomas sabay higit kay Natnat papa alis. Sinama pa nila yung mga kaibigan ni Ellie para maiwan yung dalawa na sila lang.

Nung finally magkaharap na sila para bang napipi siya. Napipi ata siya sa sobrang ganda ng babaeng kaharap niya. Nanginginig na binigay ni Billy yung bulaklak at chocolates kay Ellie. At napangiti siya nung tinanggap niya yun. Hiyang hiya siya pero nilalakasan niya yung loob niya dahil alam niyang ayaw niya ng palagpasin ang araw na to ng hindi niya nasasabi sa babaeng kaharap niya kung gaano niya ito kamahal.

Napahawak siya sa batok niya. "Hmm.. Hi? Hehe. Long time, no talk?"

AWKWARD!

"Hello?" sabay ngumiti si Ellie. "Science partner! Thank you sa flowers and chocolates. Ikaw yung nang harana sa harap ng bahay diba? Harana ba yun or solicit?"

Para namang nahurt si Billy dun. Oo Ellie, solicit yun. At inaasahan niya sanang yung puso mo yung ibibigay mo. WAHAHA! Sasapukin ko tong narrator eh! Nakuha pang mag joke in serious situations like this. Eto seryoso na. "Oo ako nga yun. Naalala mo pa pala.  Haha! Hmm, Harana yun Ellie, sana okay lang." bumwelo siya, tapos huminga siya ng malalim.

"Ako rin yung naglagay ng life sized teddy bear at sticky notes sa upuan mo. Sorry baka nagalit ka pero kasi inisip ko lang na kung hindi ko kayang sabihin ng harap harapan yung mga gusto kong sabihin sayo, isusulat ko nalang. At kung hindi ko kayang ibigay yun sayo, yung teddy bear nalang yung gagawa nun para sakin. Tsaka ako rin yung gumawa ng poem. Sorry kung corny, pero kasi nagiging corny talaga ang isang tao pag in love eh. Sorry din may pagka stalker ako at nalaman ko kung saan ka nakatira. Sorry kung sintunado ako nung hinarana kita, wala na kasi akong maisip na ibang paraan para mapansin mo ko eh. Kung pwede lang sanang Science partners ulit tayo eh. Sorry din pala ha, iisa lang ako. Hindi ko kayang bumoto ng marami para sa painting competition. Kaya ayun, gumawa ako ng paraan para humakot ng boto at akalain mo yun, effective. Nasa school museum na yung painting mo. Dapat lang yun dahil sobrang ganda. Proud na proud talaga ko sa gawa mo, sobrang ganda, kasing ganda mo. Congrats Ellie. Deserve mo talaga yun. At higit sa lahat, sorry. Sorry kasi iniistorbo kita ngayon. Hindi ko na kasi kayang hindi sabihin eh." napahawak nanaman siya sa batok niya at para bang hiyang hiya.

"Ellie, sorry. Akala ko puppy love lang. Akala ko pag lumipas yung mga taon makakalimutan ko rin yung nararamdaman ko para sayo simula nung grade school pa tayo. Pero bakit ganun Ellie? Hanggang ngayon, walang nag bago. Sorry Ellie ah?  Pero sa tingin ko, mahal na talaga kita eh."

Nakatingin lang si Ellie kay Billy at naluluha siya. Sobrang touched na touched siya sa lahat ng sinabi at ginawa nito para sakanya. "Hala! Bakit ka umiiyak? Sorry. Sorry na talaga. Wag ka mag alala, hindi na ko magpapakita ulit. Ngayon lang. Sorry na Ellie wag ka nang umiyak please."

At wala ng nagawa si Ellie kundi yakapin siya ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit. "Bakit ka nag sosorry? Dapat nga kong magpasalamat sa lahat ng ginawa mo. Lahat ng mga kaibigan ko gusto ka makilala at sabi ko sa sarili ko, sabihin mo lang sa harap ko yung nararamdaman mo, handa akong tanggapin ka." kumalas si Ellie sa pagkakayakap. Yung ngiti ni Billy abot magkabilang tenga.

"Talaga? Tatanggapin mo ko? Bibigyan mo ko ng pagkakataon na ligawan ka araw araw?"

Tumango si Ellie at nagtatatalon si Billy sa tuwa. Halos gusto niyang ilibre lahat ng tao sa paligid niya ng dahil sa sobrang saya. Yung babaeng matagal niya ng pangarap, eto at bibigyan siya ng pagkakataon. Pagkakataon na alam niyang kahit anong mangyari, hindi niya sasayangin.  "Billy.." mahinang tawag ni Ellie. Nanlaki yung mga mata ni Billy.

Napangiti si Ellie ng sobrang laki. Ngiting walang kapantay. Ngiting ang lakas ng epekto sa taong kaharap niya. "Haha!  Gusto ko lang malaman mo na yakap yakap ko sa gabi yung teddy bear. Nilagay ko sa box lahat nung sticky notes, nagustuhan ko yung poem at touched na touched ako. Tuwing binabasa ko yun, hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Yung kinanta mo nung nang harana ka sa bahay namin na 'beautiful in my eyes', dinownload ko at gabi gabi kong pinapakinggan. At nalaman ko yung ginawa mo mula sa mga kaibigan ko nung sumali ako sa painting competition. Nakatanggap rin sila ng broschure mula sayo. Science Partner, Billy, Thank you."

Nung narinig ni Billy yung mga salitang yun mula kay Ellie, parang gusto niyang kumanta ng Joy to the World! sa sobrang saya niya. At sinumpa niya sa sarili niya na favorite subject niya na ang Science at pangalawa nalang ang Lunch at Literature.

Nung araw na yun, totoo nga na araw araw parang nililigawan ni Billy si Ellie. Araw araw niya tinitext si Ellie ng mahahabang good morning messages at dahil nga magaling si Billy sa pag gawa ng mga poetry, araw araw napapangiti niya si Ellie.

To: My beautiful Ellie

 To the beautiful Ellie, Good Morning! Thank you for adding beautiful attractions in our world just by simply existing. Your smile is the greatest curve that makes everything right, and I want to see that everyday. Can I see that beautiful smile today? see you later! :) 

Dahil sa pagiging ideal man ni Billy at sa pagiging sweet at loyal niya kay Ellie.. Dumami ang mga babaeng nagkaka gusto kay Billy. Dumami rin ang mga babaeng naiinggit kay Ellie. Pero kahit na ganun, kahit na yung lalaking hindi napapansin noon eh gusto na ng karamihan ngayon.. Yung puso niya, nakay Ellie lang. Kay Ellie lang at wala ng iba. Araw araw sabay sila mag recess, lunch at umuwi. Pag tagal ng panahon, para na silang kambal na hindi mailayo sa isa't isa. Naging mga kaibigan narin ni Ellie si Natnat at Mang Tomas. Ang dalawang kolokoy na laging nakasuporta sa kaibigan nilang kung tawagin nila eh, Billybilbil. Dahil nga may pagka chubby si Billy. Hindi naman sobrang taba mala John Lloyd Cruz lang.

Masaya si Ellie sa araw araw na magkasama sila ni Billy. Araw araw, mas nakikilala niya ito. Kung gaano ito kabuting tao, kung gaano ito kagaling sa pag gawa ng mga quotes, poetry at lahat na. Minsan nga iniisip niya na may future to kung sakaling magsusulat siya ng libro. At sa araw araw na magkasama sila, mas nakikita niya kung gaano kaseryoso sakanya si Billy. Kung gaano siya nito kamahal. Never pang naramdaman to ni Ellie sa kahit na sinong lalaki. Yung pakiramdam na sobrang importante ka sa isang tao, na mahalaga ka at iniingatan ka ng isang tao. At para sakanya, isa yung biyaya. Isa siyang IDEAL MAN! Kumbaga, dream come true para sa mga babae. Rare! Endangered na yung ganitong lalaki kaya para sakanya, hindi nya na yun hahayaang mawala.

At si Billy ang naging katunayan na daig na ma-effort ang gwapo. At nararamdaman niyang nahuhulog narin sakanya si Ellie. At alam niya sa sarili niya na hindi siya mapapagod na mahalin at ligawan araw araw ang babaeng to. Si Ellie lang. Siya lang talaga.

To be continued...

Continue Reading