Story of A Campus Girl

By Mnemonicss

4.1M 50.8K 4.8K

"Love at first sight". Yan ang tawag sa mga taong naiinlove sa isang taong nakasalamuha nila sa unang pagkaka... More

Prologue
Chapter 1: Meet the Sarmiento
Chapter 2: Welcome to Xavier School of Arts
Chapter 3: First Encounter
Chapter 4: Meet Mr. Almost Perfect
Chapter 5: Meet Ashley and Kristoff
Chapter 6: Love at first sight?
Chapter 7: Seat mate
Chapter 8: Meet the other friends
Chapter 9: Phone Call
Chapter 10: Long Lost Cellphone
Chapter 11: Unexpected Visitor
Chapter 12: Class Activity
Chapter 13: When They Become Closer
Chapter 14: Jealous?
Chapter 15: Unexpected Bonding Moment
Chapter 16: Waterpark Bonding (Part 1)
Chapter 17: Waterpark Bonding (Part 2)
Chapter 18:Mr. Heart throb meets Mr. Almost Perfect
Chapter 19: Marjorie's Threat (Part 1)
Chapter 20: Marjorie's Threat (Part 2)
Chapter 21: Finding Nikki
Chapter 22: Piece of Shattered Memory
Chapter 23: Say Hello to Nikki's Friends
Chapter 24: Battle for Nikki's Heart
Chapter 25: First Heartache
Chapter 26: Student Assistant (Dance Instructor)
Chapter 27: Student Assistant (Vocal Coach)
[Warning: This is not an Update]
Chapter 28: Vinci, Watchout!
Chapter 29: The Loveteams
Chapter 30: Xander's Secret
Important: Must Read
Chapter 31: Nikki's Broken Heart (Part 1)
Chapter 32: Nikki's Broken Heart (Part 2)
Chapter 33: Tomorrow is Another Day
Chapter 34: Make Her Happy (Part 1) [Nikki's POV]
Chapter 35: Make Her Happy (Part 2) [Vinci's POV]
Chapter 36: Acting Club President
Chapter 37: Friend or Love (Part 1)
Chapter 38: Friend or Love (Part 2)
Chapter 39: Friend or Love (Part 3)
Chapter 40: Friend or Love (Part 4)
Chapter 41: Twist of Fate
Chapter 42: It's Time to Move On
Chapter 43: Vinci's Unexpected Move
Chapter 44: Detention
Chapter 46: Nikki's not my type
Chapter 47: Unexplained Emotions
Chapter 48: Nicole Sarmiento (Beast mode version)
Chapter 49: Other Side of Mr. Almost Perfect
Chapter 50: The Unexpected Auditionist
Chapter 51: Unforgettable Audition for A Campus Girl
Chapter 52: Confession of the Heartthrob of All Campuses
MAJOR ANNOUNCEMENT!
Chapter 53: Marius' Weakness
Chapter 54: Result of Desperation
Chapter 55: The Bitch is Back
Chapter 56: Lovesick (Part 1)
Chapter 57: Love Sick (Part 2)
Chapter 58: Strange Noise (Part 1)
Chapter 59: Strange Noise (Part 2)
Chapter 60: I choose you
Chapter 61: Mystery Girl (Part 1)
Chapter 62: Mystery girl (Part 2)
Chapter 63: The Incoming Rival?
Chapter 64: Meeting the Rival

Chapter 45: James Vs. Vinci

4.9K 133 3
By Mnemonicss

Short message: Hi guys! may bago po akong pinost na Story sa Wattpad Profile ko.. "Love is" po ang title kaya sana po kung may time kayo, mabasa nyo siya.. ^_^

Anyways, ayun lang po.. ^_^ Enjoy reading! And let the chapter begin..


_______________

 Chapter 45: James vs. Vinci


Ashley's POV:


"Ok class dismiss"


Pagkatapos kong marinig ang pagdismiss samin ni sir, nagmadali nakong magligpit ng gamit at agad na tumayo sa kinauupuan ko. Kailangan ko na kasing magmamadali dahil baka hindi ko na maabutan si Xander eh. Nandun daw siya sa auditorium at nagpapa-audition na.


Alam kong sabi naman ng klasmeyt kong si Jam na ok na siya. Pero..


..pero kasi eh. Hindi talaga ako mapalagay. At habang nagkaklase nga kami, wala na akong ibang maisip kundi ang nangyari sa kanya. Halos di ako makapag-concentrate nun dahil naguiguilty talaga ako. Kaya napag-isipan ko nalang na hangga't hindi ako mismo ang nakakakita sa kanya, hindi matatahimik ang aking kalooba---


"Ash wait!"


Huh? Teka. Sino yun?


Bigla akong huminto sa paglalakad ng mabilis nang makarinig ako ng boses na tumatawag sakin. Lumingon ako sa likuran ko at nakita kong si Jam pala yun na tila humahabol.


"Bakit Jam?" sabi ko nang makarating siya sa harapan ko.


"Uhh. Wala naman." Sabi nya habang hingal na hingal pa. "M-May nagpapabigay ulit sayo"


Nagulat ako nang makita kong may hawak na naman siyang pink envelop. Tulad yun nung natanggap kong love letter nung nakaraan. At mukhang galing nanaman 'to sa nag-ngangalang "Marius"


"Uhm. Thanks"


Hindi ko na tinanong kung kanino galing. Basta kinuha ko nalang dahil nagmamadali na rin ako. "Sige Jam, una na ako ah. Nagmamadali na rin kasi talaga ako eh. Bye."


"Sure sige." Sabi nya "Bye, Ash. See you tomorrow"


"Ok. See you. Ingat"


Pagkatapos kong makausap si Jam, tinuloy ko na ang naudlot kong paglalakad. Sinilid ko na sa bag ko yung envelope habang nagmamadali at dumiretso na sa pupuntahan ko.


Sa loob ng mahabang minutong paglalakad, sa wakas, nakarating na rin ako dito sa auditorium. Pa-diretso na sana ako sa main gate kaso shocks. Bigla akong napahinto dahil sa nakikita ko ngayon.


Hala. Mukhang mahihirapan yata akong makapasok dito. Ang dami kasing tao sa harap at karamihan pa nun, puro babae. Paano yan?


"Uhh excuse me, miss? Nakapila ka ba?"


Huminto ako sa pagtingin sa main gate nang marinig kong may nagsalita mula sa likuran ko. Babae yun at dahil sa tanong nya, bigla akong tumingin sa paligid. Hindi ko napansin na sakto pala akong nakatayo sa dulo ng pila.


"Uhh ehh. Hindi naman, miss. Sige mauna ka na" ngiting sabi ko at tumabi para maka-abante siya.


"Ahh. Ok salamat" ngiting sabi nya at lumakad na rin paharap.


Pagkatapos ko siyang makausap, nanatili lang akong nakatayo sa kinalulugaran ko. Tinignan ko ulit ang main gate at napaisip.


Hmmm.


Nandito pa kaya si Xander?


Baka wala naman na siya dito at nagsasayang lang ako ng oras.


Hmm.


Dahil sa naiisip ko, napagdesisyunan kong kausapin muli ang babaeng nagtanong sakin kanina.


"Excuse me, miss. Pwede ba akong magtanong?"


Lumingon naman siya sa akin. "Sure. Ano yun?"


"Nandun pa ba si Xander sa loob ng auditorium?"


"Ayy si Xander?" nagulat ako nang bigla siyang kiligin. "Aba oo naman! Nandun pa siya! Haha! Kaya nga ako nandito eh. Mag-aaudition para makita siya. Yiee" sabi nya.


"Ahh ganun ba? Hehe." Mukhang isa din pala siya sa mga may crush kay Xander. Parang si BFF lang. "Hmm. Anyways, Salamat miss."


"Naku, walang anuman yun" ngiting sabi nya.


Pagkatapos nya kong kausapin, tumingin ulit ako sa pilang napakahaba at napabuntong hininga nalang.


Hays.


Next time nalang siguro, Ash. Mukhang hindi pala ito ang tamang oras para ma-kamusta siya eh.


"Ok, Next?"


Habang pinagmamasdan ko ang napakahabang pila, biglang napunta ang atensyon ko sa main gate. May lumabas kasi na lalaki mula sa loob at mukhang magtatawag na yata ng susunod na auditionist. Kaya ang lahat ng nakapila, kagaya ko, ay nakatingin na rin dun.


"Waaah! Kuya! Kuya! Ako po, ako po!"


Nagulat ako nang biglang may sumigaw na babae mula sa pinakaharapan ng pila. Napatingin ako dun at..


"Hoy, babaita! Wag kang echosera! Ako yung mas nauna sayo!"


Uhhm. Sumigaw din ang babaeng nasa tabi nya?


"Hindi, ako talaga ang nauna sayo! Kaya ako na! Ako na!"


"Kuya, wag kang maniwala! Ako talaga ang nauna! Ako talaga ang nauna!"


Oh-kay? Parang nag-aaway na yata silang dala--


"Oh kuya oh! Nag-aaway na silang dalawa! Kami nalang paunahin mo oh. Ako nalang ang unang papasok!"


"Hoy! Anong ikaw nalang ang mauuna?! Wag ka nga! Second rate ka lang dahil mas maganda ako sayo, kaya ako dapat ang mauuna sayo!"


"Wow! Teka, nagsalita ang kagandahan ah! Malaki boobs mo te? Flat ka naman kaya ako ang mauuna sayo!"


Uh-oh. M-Mukhang di na maganda ang nangyayari dito.


"Kuya! They're making away away na oh! Kaya palayasin mo na sila! Ako na ang mauuna!"


"Shut up, bitch!"


"What the?! Sino tinawag nyong bitch?!"


"Ikaw, bitch!"


"Argh! How dare you! Humanda ka sakin, babaeng haliparot!"


"Ughh! Wag mo'kong sabunutan, bitch! Wag mo kong sabunutan! Argh!"


H-Hala! Parami na sila ng parami!


Mabilis akong tumabi ng mas malayo sa kanila nang makita kong nag-aaway away na ang mga babaeng auditionist. At hala! Nagsasabunutan na sila! Nakakagulo na sa pila! *kinabahan*


Naku, kailangan ko na talagang makaalis dito. Masyado ng delikado. Baka madamay pako!


Dahil sa panic ko, nagmadali akong humakbang palayo ng pila. Pahakbang na sana ako nang..


"Hey, you! Babaeng nakasalamin!"


B-Bigla akong napahinto sa paglalakad.


*gulp*


Halos ma-froze ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses ng lalaking nagtatawag mula sa main gate. Nagulat rin ako dahil tila biglang tumahimik ang paligid ko.


Dahil sa katahimikan ng mga babaeng nagkakagulo sa pila kanina, unti-unti nakong nagtaka kaya naman dahan-dahan na akong humarap sa main gate at..


Wait.


S-sa akin ba nakatingin ang lalaking nagtatawag ng auditionist? *turo sa sarili*


"Oo. Ikaw nga miss. Babaeng nakasalamin!"


Dahil sa sinabi nya, biglang kumunot ang aking noo. Maya-maya, unti-unting lumaki ang mga mata ko nang marealize kong oo nga, naka-salamin nga pala ako. At dahil dun, bigla kong binalik ang tingin ko sa paligid at..


H-hala. Ako nga ang tinatawag nya!


Dahil sa pagkagulat ko, bigla akong nakaramdam ng hindi malamang kaba sa dibdib ko. Dahan-dahan ko ring ibinalik ang tingin ko sa paligid at..


*gulp*


P-Patay. A-Ang sama ng tingin nila sakin.


*dugdugdug*


P-P-Pero bakit? H-Hindi naman ako nakikisali sa gulo ah. M-May nagawa ba akong mali?


"Hey!"


"Ay shocks!"


Napahawak ako sa dibdib ko nang marinig kong biglang may nagsalita. Agad akong tumingin at nagulat ako nang makita kong nasa harapan ko na pala ang lalaking nasa gate kanina. Nakatingin siya sa akin ng diretso kaya lalong lumakas ang kaba ko.


*dugdugdug*


"Woah, Chill. Haha. Sorry kung nagulat kita" Ngiting sabi ng lalaki at nabigla akong hawakan nya ang magkabilang balikat ko.


"Ah ehh. A-ayos lang k-kuya. He-he" sabi ko at bigla nalang napayuko sa nangyayari. Sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ko pero dahil sa nararamdaman ko ang mga taong nakatingin sa akin, hindi ko magawa yun. Huhu.


A-Ano ba kasi ang nangyayari eh? Bakit ba kasi ako ang nilapitan nito?


"Haha. Ang cute mo naman. Kaya no wonder, crush ka ni President"


Bigla kong inangat ang tingin ko nang muli siyang magsalita. Dahil sa kaba ko, di ko masyadong narinig ang sinabi nya.


"H-Ha?" sabi ko habang nangangatog pa sa kinatatayuan ko.


"Ahh wala miss. Haha. Pft. Wag kang mag-alala, di kita papagalitan kaya relax" Tumawa siya at binitiwan na ang balikat ko. Dahil sa sinabi nya nakahinga naman ako ng maluwag. Whew. Akala ko may kasalanan ako. "Anyways, you're Ashley Michelle Zamora, right?"


Tuluyang nawala ang kaba ko nang marinig ko ang pagbanggit nya sa pangalan ko. Dahil dun, bigla akong nagtaka kaya unti-unting kumunot ang noo ko habang tinitignan siya.


"O-Opo" sabi ko habang nagtataka. "P-Panong----"


"Woah! Sabi na eh! Tama nga ako! Ikaw nga yung bestfriend ni crush Nikki! Haha. Kahit nakasalamin ka, nakikilala kita.


Nagulat ako nang biglang na-excite ang tono ng pananalita nya. Dahil na rin sa sinabi nya, lalo akong nagtaka sa kanya.


"Huh? Wait. H-hold on." Pigil na sabi ko. "Crush Nikki? As in.. hmm. si Nicole Jane Sarmiento ba ang tinutukoy mo?"


"Exactly. Crush tawag ko dun eh. Haha. "


Dahil sa sinabi nya, bigla akong napaisip. Dahan-dahan akong tumango hanggang sa unti-unti ring nawala ang pagka-confuse ko.


Ah. Oo nga pala, sa acting club nga rin pala si BFF.


Pero.. Hmm.


Kinekwento ba nya ako dun?


"By the way, I'm Jacob" ngiting sabi ng lalaki at inilahad ang kamay nya. Nawala naman ang inisip ko at napatingin sa kamay nya. "Pleasure to meet you."


"Hmm. Pleasure to meet you din" sabi ko. Mukha naman siyang mabait kaya ngumiti na rin ako sa kanya at shinake ang kamay nya.


"Haha. Nice. Pft." Binitawan na nya ang kamay ko. "So you're here for the audition, right?"


Audition?


Dahil sa sinabi nya, bigla kong naalala na nasa pila nga pala ako ng mga auditionist. Nakaramdam naman ako ng pamumula dahil naalala ko rin na nakatayo pala kami sa kalagitnaan ng maraming tao at pinagtitinginan.


Kahit kinakabahan ako, sinubukan ko nalang kumalma at tumingin kay Jacob.


"Well, actually Jacob. Uhh--"


"Tara! Ikaw na ang next!"


"Wait, WHAT?!"


Nanlaki ang mga mata ko nang bigla kong marinig ang sinabi nya. Hindi ko rin natuloy ang sinasabi ko dahil nagulat ako nang bigla nya akong akbayan. Dali-dali nya akong hinila ngayon papunta sa main gate kaya kusa akong nakakapaglakad papunta dun.


"T-Teka, J-Jacob. Sandali la---"


"Don't worry. Special audition ka na since bestfriend ka ni Crush. Haha" ngiting sabi nya sakin hanggang sa tuluyan na kaming nakapasok sa loob ng auditorium. Sinarado na ang pinto at tumingin siya sakin. "And don't mind those bitches. Kasalanan naman nila yun, nagkagulo sila."


"Pero n-nagkakamali ka. Hindi ako nandito para mag-au---"


"Hey, Jones!" huminto kami sa paglalakad nang makita kong may tinawag siya. Lalaki yun at agad na lumapit sakin. "Ikaw na bahala kay Ms. Ashley Zamora, ok?"


"J-Jacob. Hind—"


"So paano, Ms. Zamora? Break a leg!" ngiting sabi nya at nagsimula ng pumunta sa may bleachers.


"W-Wait! Jacob. Jacob!"


Sinubukan ko siyang tawagin pero nagtuloy tuloy na siya sa paglalakad papunta sa may bleachers. Susubukan ko rin na habulin siya pero nagulat nalang ako nang biglang sumarado ang ilaw. Napunta ang atensyon ko sa stage habang naka tutok ang spot light sa gitna.


Hala, anong gagawin ko dito? Wala naman akong planong mag-audition eh.


"Tara na, Ms. Zamora. Punta ka na sa may stage" narinig ko na sinabi nung nagngangalang Jones.



Xander's POV


"Sure ka na bang ok ka na, president?"


Habang nagsusulat ng remarks mula sa previous auditionist, lumingon ako sa tabi ko nang biglang magsalita si Joseph, isang member ng Acting club. Nakaupo kami dito sa bandang harap ng stage upang mag-judge para sa audition ngayon.


"Oo nga. Ang kulit nyo talaga. Haha. Ok naman nako." Ngiting sabi ko habang tinutuloy ang sinusulat. Kanina pa nila ako kinukulit sa bagay na yan. "Besides, malayo naman sa bituka yung nangyari sakin eh. Kaya wala na kayong dapat ipag-alala."


"Well, malayo nga yan sa bituka pero sobrang lapit naman nyan sa utak." point na sabi nya. "Saka tignan mo nga oh. Ang laki pa ng pasa mo sa mukha. Sinubukan mo na bang tumingin sa salamin? Ang laki nga oh. As in sobrang laki. Tss. Mukhang matindi talaga pagkakasuntok sayo nung mayabang na anak ng Director."


"Well at least, kahit sabihin na natin na malapit nga yung pagkakasuntok sakin sa utak, nakakalakad pa naman ako ng matuwid. Nakakagalaw pa ako ng maayos at nakakakita pako ng tama. Haha."


"Ha-ha. Ang pilosopo mo talaga. Tss. Di ka magaling mag-joke, pre. Tandaan mo yan" sabi nya.


"Besides, kilala nyo naman ako eh. Ayoko talaga na pinapasa sa iba yung tungkulin ko. Kaya sa ayaw nyo't sa gusto nyo, wala kayong magagawa. Tutulong nako dito sa audition."


"Fine. Sabi mo eh. Tss. Ikaw na bahala" sabi nya at nagsulat nalang rin ng remarks. "Pero eto ha. Kung nahihilo ka ulit, sabihin mo nalang agad. Tulad ng sabi satin ni Nikki, mas mahalaga pa rin ang health ng members kaysa sa mga activities natin dito. Kaya wag mong subukang maglihim samin kung sakaling may nararamdaman ka na. Kundi dadagdagan ko pa yan, Xander. Sinasabi ko sayo. Kahit president ka pa ng Acting club. Wala kong paki"


"Pft. Ok ho. Naiintindihan ko ho" pabirong sabi ko sa kaibigan ko. Sinubukan ko nalang ibahin ang topic para naman matigil na ang pag sesermon nya sakin. "Oh. Ito ah. Pinasa ko na yung kaninang auditionist. Mukhang magaling naman eh."


"Ok, sige. Ako rin." sabi nya at pinagpatuloy ang pagsusulat.


Pagkatapos kong i-finalize ang remarks ko, kumuha na ako ng panibagong papel at binigay ito kay Joseph. Kumuha na rin ako ng para sakin at tumingin sa kanya.


"Oh siya. Tara na. Magsimula na tayo ulit" sabi ko.


"Ok, sige." Sabi nya at tumingin sa paligid. "Ay teka. Wala pa si Jacob, president."


"Huh? Si Jacob?"


Inangat ko ang ulo ko mula sa pagsusulat at tumingin sa bakanteng upuan na nasa tabi ko.


"Hala, oo nga noh. Hmm"


After kong makita ang nasa tabi ko, tumingin na rin ako sa paligid upang hanapin siya.


"Nasaan na yun? Diba nagtawag lang yun ng susunod na auditionist?"


"Oo nga eh. Ba't parang ang tagal naman nya." Sabi ni Joseph na naghahanap na rin.


"Ok, everyone! Speaking of Jacob the Great! Haha. I'm here."


Nagulat naman kami ni Joseph nang biglang may sumulpot sa bandang likuran namin. Si Jacob yun at agad na tumabi sa bakanteng upuan na nasa kanan ko. Si Joseph kasi ang nasa kaliwa ko.


"Oh. Saan ka ba galing? Ba't ang tagal mo?" sabi ko sa kanya.


"Sikretong malupit. Haha" ngiting sabi nya at kumuha na rin ng papel. "Oh siya. Tara na't magsimula na tayo..


..at nang magka-inspirasyon na ang ating butihing presidente! Haha"


"Huh?" sabay kaming napaisip ni Joseph sa sinabi nya.


"Anong inspirasyon ka dyan?" sabi ko.


"Basta. You'll see." tumingin siya sa akin at biglang kumindat.


Hmm. Ano na namang kalokohan ang ginawa nito?


"Ok, Jones! Curtain up! Spotlight ready!" sigaw ni Jacob sa technical team ng Acting club at tumingin na sa harap.


Dahil sa kilos nya, nagkatinginan nalang kami ni Joseph at nagkibit balikat. Napailing nalang rin ako at binalewala ko nalang kalokohang sinabi nya kanina.


Kung ano man yun, Hayaan na nga. Mas kailangan kong magfocus ngayon dahil kailangan kong bumawi.


"Ok, state your name, age and class section please" narinig kong panimula na sinabi ni Jacob sa ngayong auditionist.


Since siya na ang unang nagtanong, hinawakan ko na ang ballpen at sinimulan ko nalang sulatan ang papel na hawak ko.


Ok. Pang ilan na nga bang auditionist to?


Ahh, ok. Tanda ko na. Hmm


Auditionist number 4--


"H-Hi! Uhh. I'm A-Ashley Michelle Zamora. Theater Arts student class 302."


Bigla akong napahinto sa pagsusulat nang marinig ko ang sinabi ng latest auditionist.


Dahil sa familiar na boses na yun, unti-unti kong naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Tila huminto rin ang nasa paligid ko at dahan dahan kong inangat ang ulo ko para ma-tignan ang nasa harapan ko.


"A-Ashley" gulat na sabi ko habang tinitignan ang..


...ang magandang babae na pinapangarap ko.


Nakatayo ngayon sa stage ang babaeng 'yon habang nakatutok sa kanya ang spotlight. At kahit madilim ang nasa paligid nya, kitang kita ko pa rin ang kutis nyang sobrang kinis. Tila nangingibabaw ang ganda nya at hindi talaga ako makapaniwala sa aking nakikita.


P-pero wait.


*kusot mata*


Si Ashley ba talaga to? Hindi ba talaga ako nanaginip?


"Uy, si president natameme bigla. Pft"


Nawala naman bigla ang pagkatulala ko kay Ash nang marinig ko ang sinabi ni Jacob. Lumingon ako sa kanya at nakita kong tumatawa na pala siya habang nagkukunwaring sumusulat.


"A-Ano na naman ginawa mo, ha? B-Bat nandito siya?" bulong na sabi ko sa kanya. Hininaan ko ng sobra ang boses ko para di ako marinig ni Joseph. Pati na rin nang iba pang member ng acting club na nakikinood mula sa likuran namin.


"Uy, wala ah. Kusa kaya siyang pumunta dito. Haha." sabi nya at biglang lumingon sa akin. Nakita ko ang pagngisi nya. "Oh. Ano na? Ikaw na yung magsalita uy! Wag mo ng paghintayin ang princesa mo. Haha"


Dahil sa sinabi nya, biglang tumaas ang dugo ko. Napadiretso ako ng matuwid sa kinauupuan ko at agad na tumingin sa harapan.


G-Geez. Oo nga. Nag-aantay na siya. *sampal sa noo*


Pagkatapos ko siyang makitang naghihintay, mabilis kong hinawakan ang papel ko at agad na nagsalita.


"Ok A-Ash.. Uhh Ehem. *clear throat* Ashley Michelle.. Uhh.. Z-Zamora." Panimulang sabi ko.


Sinubukan kong huminto muna saglit upang makahinga ng malalim. Naramdaman kong mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko kaya pinakalma ko ang sarili ko. Pagkatapos, tumingin na ako sa kanya ng pormal at hinawakan kong mabuti ang ballpen ko dahil... ramdam kong n-nanginginig talaga ako "Uhh Hi! I-I'm.. I'm.. Uhmm. I-I'm.."


T-Teka...


"I-I'm. Uhh..ano uhh."


S-Shit!


Ano nga ulit ang sasabihin ko?


H-Hala! Na-b-blanko ako. Urghh. *creased forehead*


G-Geez! Xander, umayos ka. Ughh. Focus. Focus!


"I-I'm.. I'm—"


"Ok, Miss Zamora. Hindi na kami magpapakilala ah. Since bestfriend mo naman na si Nicole Jane Samiento at nakilala mo na ako kanina, I'm sure. Alam mo na'ng kami ang Xavier's Acting Club. Pft"


Napatigil ako sa pagsasalita nang marinig kong bigla akong sinalo ni Jacob. Dahil dun, agad akong tumingin sa kanya at lumingon rin siya sakin. Kumunot ang noo ko pero kinindatan nya lang ako. Pagkatapos ay tumingin ulit siya kay Ashley.


"Ok, let's proceed to question and answer portion." ngiting sabi ni Jacob at tumingin sa hawak nya. Siya na ang nagpatuloy dahil alam nyang kabado ko. Kaya naman napabuntong hininga nalang ako sa kinauupuan ko.


*sigh*


Nakakahiya. Bakit kasi hindi ko mapigilan yung kaba ko eh? Hays. Masyado kong halata.


"Ms. Ashley, why do you want to join Xaviers Acting Club?"


Matapos sabihin ni Jacob yun, dahan dahan na akong lumingon sa harap at sinubukan kong balewalain ang nangyari kanina. Huminga nalang ako ng maluwag at tumingin na kay Ashley.


"W-why do I join.. Uhm.. Xavier Acting Club...po?"


"Yes." Sabi ni Jacob


Habang tumatagal ang pagtingin ko sa kanya, hindi ko namamalayan na unti-unti na naman pala akong napapangiti sa kinauupuan ko. Mukha man siyang kinakabahan ngayon pero.. hindi pa rin talaga mapagkakailang maganda siya. Kahit ano pa man ang kinikilos nya ngayon, mala anghel pa rin ang ganda nya sa paningin ko.


"U-Uhh. Kuya Jacob. Sorry po ah. P-Pero.. Hmm. H-Hindi po talaga ako nandito para mag-audition eh."


Wait, what?


Hindi siya nandito para mag-audition?


Biglang nabawi ang ngiti ko nang marinig ko ang sinabi nya. Dahil dun, agad akong tumingin kay Jacob at sinalubong ko ang kilay ko habang tinitignan siya ng masama.


Anong nangyayari? May kalokohan ka na naman bang ginawa?


"R-Really?"


Bigla namang nawala ang pagsalubong ng kilay ko nang marinig ko ang sinabi ni Jacob. Nagulat ako dahil mukhang nagulat din siya sa sinabi ni Ashley.


"Pero b-bakit? Bakit ka nakapila kanina? Saka anong ginagawa mo dito?" patuloy na sinabi nya kay Ashley.


"A-Actually, yun nga po eh. Hindi naman talaga ako nakapila kanina para mag-audition. Kaya lang naman talaga ako napadpad dito ay dahil gusto ko lang sana makausap si Xander"


"W-What?!"


Agad kong binalik ang tingin ko kay Ashley at nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil hindi ako makapaniwala sa narinig ko.


"Si X-Xander? Hinahanap mo?" paglilinaw na sabi ni Joseph.


"Oo. S-Siya nga po" sabi ni Ashley.


Dahil sa pag-ulit ni Ashley, naramdaman ko na biglang napatingin sa akin sila Jacob at Joseph. Pati na rin ang members nang acting club na nasa likuran namin. Hindi ako tumitingin sa kanila at nanatili lang akong nakatingin kay Ash pero kagaya ko, panigurado nagtataka din sila.


P-P-Pero bakit? Bakit nya ako hinahanap?


"Sorry, Ms. Ashley. Don't get me wrong. Pero kung ang president lang namin ang hinahanap mo, mas mabuti pang umali—"


*pok*


"Aww!"


Naalis bigla ang tingin ko sa harapan nang magulat akong binatukan ni Jacob si Joseph.


"Lintek! Para saan yun, Jacob?!"


"Para sa pag gaya mo. Line ko yan nung nakaraan eh!" sabi ni Jacob. "Saka, ibang babae yan, wag mong ganyanin"


"Huh? Paanong ibang babae yan?" pagtatakang sabi ni Joseph


"Basta" sabi naman ni Jacob.


Bago pa makahirit si Joseph, nagulat ako ng tumingin sa akin si Jacob.


"At ikaw naman, magsalita ka. Wag kang tameme dyan."


Dahil sa sinabi nya, biglang nag-init ang pisngi ko. Lumakas rin ang kaba sa dibdib ko.


"A-Ano namang sasabihin ko sa kanya?" bulong na sabi ko.


"Kung ano ang nasa puso mo. Haha." sabi nya at bigla akong napatayo sa kinauupuan ko dahil sa biglaang pagsiko nya.


Magsasalita pa sana ako nang magulat akong tumayo rin si Jacob sa upuan nya. "Wait lang, Ms. Zamora ah. Nagreready si Xander. Haha."


"Huy! Ano bang ginagawa mo?!"


Hindi nya sinagot ang sinabi ko. Tinignan nya lang ako at kinindatan. Pagkatapos ay umalis siya sa pwesto nya. Para mabigyan ako ng way. "Oh. Labas na dali."


Dahil sa ginawa nya, napailing nalang ako.


"Tsk. S-Sira ka talaga" sabi ko at wala na akong nagawa kundi ang lumakad palabas.


"See. Lalabas din pala. Pfft" rinig kong sabi ni Jacob pero binaliwala ko nalang.


Tumingin nalang ako kay Ash at huminga ng malalim. Lumunok muna ako para maiwasan ko ang nangyari kanina. Ang pag-utal ng salita ko.


"H-Hinahanap mo ko?" bigla akong nagsalita sa kinatatayuan ko.


"Xander?" sabi ni Ashley habang tila hinahanap ako. Dahil sa sobrang liwanag ng spot light, hindi nya ako makita mula sa audience entrance. "Oo. H-Hinanap kita. Nasaan ka?"


Bigla naman akong napatayo ng tuwid ng maramdaman kong muli ang pagsiko sakin ni Jacob. "Huy. Dalian mo. Wag mo na siya pahirapan. Haha"


Dahil sa ginawa nya, tumingin ako saglit sa kanya at bumulong. "Oo na. I-Ito na" sabi ko at tumingin ulit kay Ash.


Bago ako magsimulang maglakad paharap, huminga ulit ako ng malalim. Pagkatapos, sinimulan ko ng ihakbang ang mga paa ko upang makababa na sa may stage at hanggang sa makarating na sa part kung saan nya na ako makikita.


"B-Bakit mo ano hinahanap?" panimulang sabi ko habang lumalakas ang tibok ng puso ko.


Lumingon naman siya sa kinaroroonan ko. Nakita kong nanlaki ang mga mata niya ng makita nya ako.


"X-Xander" sabi nya.


Bago pa ako makapagsalita, agad siyang lumapit sa akin at nagulat ako nang maramdaman kong hinawakan nya ang pisngi ko. Dahil dun lumakas bigla ang tibok ng puso ko.


"Ayos ka lang ba? S-Shocks. Mukhang malaki ang pasa mo" sabi nya.


"Ayyiiieee"


Nagulat ako nang makarinig ako ng sigaw sa audience area. Dahil dun, bigla namang inalis ni Ashley ang kamay nya. Nakita kong namula ang pisngi nya dahil mukhang nahiya.


Pagkatapos nun, sinamaan ko ng tingin ang mga nasa audience area at naramdaman kong bigla silang tumahimik. After nun, binalik ko ang tingin sa kanya.


"U-Uhh. O-Okay lang ako, Ash. Ha-Ha!" sabi ko at napahawak sa batok ko. Medyo yumuko ako dahil hiyang hiya ako. Di lang dahil sa ginawa nya. Kundi pati sa inasal ng mga Acting club members.


"S-sure ka?" sabi nya at tumingin sa akin.


"O-Oo sure ako" sabi ko.


"Ayiiee. Si president, nagbblush. Hahaha"


Nagulat ulit ako nang makarinig ako ng sigaw sa bleachers. Dahil dun agad akong tumingin.


Nakita kong si Jacob yun na nakangisi at dahil dun muli ko silang sinamaan ng tingin.


Pagkatapos, nilayo ko nalang si Ash sa may microphone para di nila marinig ang paguusap namin. At tumingin nalang ulit ako sa kanya.


"Naku, pasensya ka na. Hehe. Mga maloko talaga yun"


"Naku, ok lang. Hehe" sabi nya at tumingin sa akin. "Uhm. May gagawin ka ba mamaya?"


"H-Huh? Mamaya?"


"Oo. Mamaya." Sabi nya.


"Ah, wala naman." Sabi ko. "B-Bakit?"


"Hmm. Ittreat sana kita. Para naman makaganti ako sa nangyari sayo."


"I-ttreat?" nagulat ako sa sinabi nya. "Naku, hindi na kailanga---"


"Wooh! Pumayag ka na!"


"President, minsan lang yan. Haha"


Napatingin ako sa audience dahil nagtataka ako kung paano nila narinig yun. Gayong malayo na kami sa micropho—


*napahinto* *tingin sa taas*


Ugh. Jacob. Pasaway! Sinentro ang sensitive microphone sa tapat namin.


Dahil dun, inaya ko nalang si Ash sa may backstage. Huminto kami sa part kung saan walang microphone at pinaalis ko muna ang mga technical staff.


"Pero.. Pero sige. I'll meet you later. Uhm. Pasensya ka na talaga sa kanila" hiyang hiya sabi ko.


"Ok, sige. Salamat." Ngiting sabi nya. At dahil sa ngiti nya, kinabahan ako.


"Sige, wait mo nalang ako sa labas ah. Pasensya na talaga."


"Sige. Ok lang" ngiting sabi nya. "See you later"


"O-Ok. Sige." Sabi ko


After kong makipag usap sa kanya, nagsimula na siyang maglakad palabas ng auditorium.


Pagkatapos, huminga ako ng maluwag para mawala ang kaba ko. Nagsimula na akong maglakad papunta sa audience at bumalik na ako sa upuan ko kung saan nakaupo si Joseph at Jacob.


"Oh, kamusta? Haha ayiee." Sabi ni Jacob sakin pagka-upo ko sa upuan ko.


"Ano ba nangyayari? Crush mo ba yung babaeng yun, Xander?" agad namang sabi ni Joseph sa tabi ko.


"Wag ka nga magulo, Seph. Ako unang nagtanong. Mamaya ka na"


"Eh curious kasi ako. Ano ba talaga meron sa babae na yun"


"Basta mamaya ka na" sabi ni Jacob at nilingon ang mukha ko sa kanya " Ano na uy. Kamusta? Haha. Kinikilig ako sa inyo kanina."


"Pft baliw" sabi ko at inalis ko ang kamay nya sa mukha ko. "Ok naman."


Pagkatapos kong sabihin yun, ngumiti ako at sinimulan ng hawakan ang papel ko. Tumingin ako sa kanilang dalawa. "Tara na. Bilisan na natin to para matapos na...


...dahil may pupuntahan pa kami mamaya."


"Yun oh! May first date na sila. Hahaha. Nice one Xander"


"Tsk. Pasaway" napailing nalang ako at nagsimula ng magsulat. Tumingin ako sa pintuan at sumigaw. "Next!"



Vinci's POV


"Kasi nga iba ang gusto ko... at hindi siya yun"


Tila naging seryoso ang atmosphere namin matapos kong mabanggit sa kanya ang mga salitang yun. And I was shocked dahil pagharap ko sa kanya ay di ko inexpect na magiging sobrang lapit nya sakin.


Due to this unexpected scene..


I'm starting to find myself looking at her innocent brown eyes while having this very close sight on her face.


*dugdug.. dugdug..


It seems a bit awkward and I just felt my heart starting to beat faster. Same as me, I know deep in my heart na mukhang nagulat din siya sa biglaang pagharap ko.


At..


*dugdug.. dugdug..


Oh s-shit.


Nagiging reckless na naman ata ako sa actions ko.


"S-si-sino ba yun?"


Habang tinitignan ako, nagulat ako nang mapansin kong unti-unting namumula ang mukha nya. It gave me goosebumps dahil first time ko lang makita to sa kanya.


Dahil rin sa "first time" na yun..


...hindi ko maiwasang lalong mapatitig sa kanya.


*dugdugdug


Nabigla rin ako sa pag-utter ng words nya. Nabigla rin ako dahil kahit ramdam kong naiilang siya ay patuloy pa rin siyang nakatitig sa mga mata ko.


But right now..


P-parang..


..nagsisimula na atang mangibabaw ang paglakas ng kaba ko dahil sa tanong na binitiwan nya.


*dugdugdug


Among all her questions, ito na ata ang pinakamahirap sagutin sa lahat. At dahil rin sa tanong na to, nagsisimula na ring magtalo ang puso't isipan ko.


*dugdugdug


My mind tells me.. "it's still not the right time". But my heart keeps telling me that..


"I should tell her".


But..


Geez.


W-What should I do now?


*dugdugdug


I took a deep breath. And tried to figure out the things I must do just by looking at her eyes..


But as the way she looks at me, the moment is starting to drive me so crazy. To the point na mas nangingibabaw na ang puso ko para sabihin sa kanya ang totoong nararamdaman ko.


P-Pero paano kung...


*deep sigh*


Fine. B-Bahala na.


I wiped all my worries away. And then, I sincerely looks at her and starts to break this awkward silence..


*took a very deep breath*


Nikki..


"Ika----"


"Woah. May tao pala dito?"


Ughh damn it!


She moved away nang makarinig kami ng taong biglang nagsalita mula sa pintuan. Mabilis siyang tumingin doon and because of it, hindi ko maiwasang mapabuntong hininga sa kinatatayuan ko. Pumikit rin ako dahil pilit kong pinipigilan ang sarili ko ngayon pero..


ARGH! DAMN! F*CK! B*LL$%IT!


BAKIT BA PALAGI NALANG TSUMETSEMPO TONG MGA BASTARD NA TO SA PART NA MAGLALAKAS LOOB AKONG MAGTAPAT SA KANYA?! PALAGI NALANG PANIRA NG ORAS, NG MOMENT, NG CHANCE!


ARGH! MGA BWISIT! BWISIT TALAGA! NAKAKAINIS!


"And look pre. Si Nicole pala yun"


AND OH GREAT! DALAWA PA PALA SILANG ASUNGOT! NICE! REALLY NI--


Wait.


What did.. they say?


Nicole raw?


Natigil ang pagwawala sa isipan ko nang marinig ko ang pagbanggit sa pangalan ni Nikki. Due to my curiosity, I began to open my eyes and look at these f*cking bastards and...


S-Shit.


It's..


"James?"


Because of Nikki's voice mentioning this bastard's name, nagsimulang tumindi ang pagkaseryoso ng mukha ko. Dahil rin sa taong nakikita ko sa pintuan ngayon, unti-unting sumasarado ang kamay ko at nararamdaman ko sa sarili ko na unti-unting nanunumbalik ang pagkainis ko mula pa kaninang umaga. Lalo na't siya pa pala ang dahilan kung bakit naudlot ang sasabihin ko sa makulit nato.


And yes! That's the JAMES STAMBOUGH! Ang mayabang na kaklase ni Nikki na kinaiinisan ko simula't sapul. Next to Ian Jimenez!


"Aba oo nga noh. Si Nicole nga. Haha. Lika pre, lapitan natin"


He's wearing this leather black jacket while being accompanied by his friend. And great, oh great! Nagsisimula na silang maglakad papunta sa amin.


Tsk. Badtrip!


Kaya pala parang ang sama na ng kutob ko dito sa room na'to.


"Hi Nikki. Andito ka pala. Haha. Swerte ko naman"


Nagpantig ang tenga ko nang marinig ko ang sinabi ni Stambough. And I couldn't help myself but to tighten my fist really hard as I watch him move right now.


Napakapresko talaga ng bwisit! At ngumiti pa ngayon na akala nya maakit nya si Nikki ng ganyan. Kainis. Sarap basagin ng mukha.


"Hi James. Hehe. Anong ginagawa mo dito? May class ba kayo dito?"


"Class? Pft. Nah. Wala naman akong class dito. And actually, may gig lang kami later kaya nagpaalam kami sa administration na kung pwede dito nalang kami magpraktis ng band dudes ko. Sakto nga eh. Nandito ka pala."


Biglang kumulo ang dugo ko nang makita kong kinindatan pa nya si Nikki. And what's my mind right now?


Gusto ko ng sumabat sa usapan nila at hatakin si Nikki palabas ng kwartong to!


"Ahh ganun ba? He-he. Ok."


Bwisit. Napaka yabang talaga! Akala mo kung sinong--


Wait.


T-Tama ba yung nakikita ko?


Nilayuan ni Nikki si.. Stambough?


Napahinto ako sa kinatatayuan ko nang makita kong magsasalita pa sana si Stambough pero biglang lumayo sa kanya si Nikki. Tumingin siya sakin and now she's heading towards...


Wait.. me?


At..


T-Teka..


W-what was happening right now?


Hinawakan nya ngayon ang braso ko at nagulat ako nang sinimulan nya akong hatakin papunta sa last row ng upuan. Dahil sa sobrang pagtataka ko, agad na tumingin ako sa kanya.


I was about to asked her when..


"Tara na, Vinci. Tapusin na natin 'to at ng maka-alis na tayo dito" bumulong siya sakin habang naglalakad kami.


Hmm.


Parang.. naiintindihan ko na.


Nang marinig ko yun mula sa kanya, pasimple akong lumingon kay Stambough. And my hunch was right. Umiiwas siya sa mayabang na lalaking yun.


Tinignan ko rin ang facial expression ni Stambough. Nakita ko na medyo napahiya siya sa ginawa ni Nikki.


And because of this..


Bigla akong napangiti ng palihim.


Pft.


Mukhang di ko na pala kailangang ilayo si Nikki sa kanya.


"Sige" bulong na sabi ko at nagpatuloy na rin sa paglalakad.


Nang makarating kami sa last row ng upuan, she removed her hand through my arm at nag-simula na siyang mag-ayos ulit.


I was about to help her nang bigla kong maramdaman na papalapit nanaman si Stambough at..


Shit!


Bigla nyang inakbayan si Nikki?!


"Nga pala, gusto mong sumama sa gig mamaya? Tara. Nood ka samin. Tutal naman, mukhang kailangan ko nga ng inspirasyon mamaya eh. Diba pare?"


"Aba. Oo, Nikki. Kailangang kailangan ng inspiration ni James dun. Kaya sama na. Dali."


Dahil sa pag-akbay ni Stambough kay Nikki, nagsimula na namang sumarado ang kamay ko. Sumeryoso ang mukha ko at nagsimula ring tumindi ang pagdilim ng paningin ko sa kanya.


This time..


..I am ready to punch this asshole.


*glare*


Humanda ka sakin, James Stamb--


"Naku, James. Di pwede eh. May gagawin pa kami ni Vinci. Di ba Vinci?"


Wait, w-what?


Biglang nawala ang concentration ko nang marinig ko ang pagbanggit ni Nikki sa pangalan ko. Tumingin siya sakin after nyang tanggalin ang kamay ni Stambough sa balikat nya. Dahil rin dun, nawala ang pagsarado ng kamao ko and.. and..


Wait.


W-What did she say again?


"Totoo ba yun, dude?"


Napatingin ako kay Stambough nang bigla nya akong kinausap. Nakatingin na pala siya sa akin kasama ang kaibigan nya. And because of what he said..


Ah. Yeah. Natandaan ko na ang sinabi ni Nikki kanina.


"Naku, James. Di pwede eh. May gagawin pa kami ni Vinci eh. Di ba Vinci?"


Dahil sa pag-recall ko sa sinabi niya, unti unting bumalik ang pagkaseryoso ng mukha ko. Before ako sumagot kay Stambough, tinignan ko muna si Nikki.


Nakita ko sa mga mata nya na parang sinasabi nya na umoo nalang ako. And the usual way, I responded to her just by looking at her eyes.


Tss.


Don't worry, Nikki. Hindi mo na ako kailangang tignan ng ganyan dahil..


Wala akong balak ipamigay ka sa lalaking yan.


After that, I looked back at Stambough's douchebag face na tila naghihintay na ng sagot mula sakin.


"Yeah. She's right. May gagawin pa kami." Seryosong sagot ko at lumapit na sa kanila. Tumabi ako kay Nikki.


Tinignan ako ng ilang segundo ni Stambough dahil sa sinabi ko. Then after that, he moved his sight back to Nikki.


"Ahh. Ganun ba? Hmm. Sayang naman." Sabi ng mayabang na James at pumitik pitik pa. Tss. Nagpaawa pa ang lintek. "Ay wait. Ano pala ang gagawin nyo? Ito ba? *turo sa chair* Well, kung ito man, aba. Tutulungan na namin kayo. Para makasama ka, Nikki. Di ba pre?"


"Tama. Pwede. Para makasama kayo" sabi ng isa.


Nakatingin lang ako kay Stambough habang patuloy na tinuro ang paligid. And I guess ang tinutukoy nya ay ang paglilinis namin dito sa music room.


Bago pa makasagot si Nikki sa kanila..


"Nah. It's ok. We can do this all by ourselves."


..nakielam nako sa usapan at ako mismo ang sumagot para sa kanya. "Besides..."


Sinimulan kong akbayan si Nikki at ilipat siya sa kabilang side ko para ako na ang makatabi ni Stambough. Unti-unti akong humarap sa mayabang na to at sinimulang i-deretso ang tingin ko sa kanya. "It would be better if she can't go.. bukod sa hindi katiwa-tiwala ang mga taong nandun, I'm sure it's definitely...


..'boring'"


And I slightly smiled at him sarcastically.


Dahil sa sinabi ko, napansin kong unti-unting dumiretso ang pagtindig ni Stambough. Humarap siya sakin hanggang sa magkatapat na kami at nakita kong sumeseryoso na rin ang mukha niya habang tinitignan ang mata ko ng diretso.


"Boring, huh? Pft." sabi nya then he began to smirk like an idiot. "How did you just say so, dude?"


"Well, based on your attitude, dude." Agad na sinabi ko. Like he did, I playfully smirked. "Mukhang puro ka lang yabang at wala namang binatbat."


"V-Vinci." Rinig kong pigil sakin ni Nikki. Naramdaman ko na medyo hinila nya ng konti ang shirt ko.


But I don't care. Ayoko sa lahat ay yung hinahawakan siya ng ibang lalaki. Especially him.


"Eh pare! Loko pala tong—"


"Hey, Mike pre. Chill. Pft." pigil na sabi ni Stambough sa kasama nya habang nakatingin sakin. "Let me handle this"


I saw his fist starting to tighten up. Mukhang naiinis na siya sa mga sinasabi ko pero sinusubukan nya lang maging cool sa harap ko. Tss. Kahit magsama pa kayong dalawa eh. Wala akong pake.


He was about to say something when..


"Addition to this rubbish invitation, I'm sure di magugustuhan ni Nikki yan." Pinagpatuloy ko ang sinasabi ko bago pa sumatsat ang kasama nya. "She's not interested in metallic rock music and also definitely in what you are doing right now.."


Tinignan ko ng diretso sa mata si Stambough.


"...So Back. Off." I said.


"Tss. Ayos pala to pre. Kung makapagsalita parang kilalang kilala na si Nicole Jane Sarmiento. Pft." Agad na sinabi ni Stambough sa kasama at tumingin sa akin. Sinimulan nya rin ang pagngiti sakin ng nakakaloko. "At teka, teka, teka? Ano nga ulit yung sabi mo sakin kanina? Back. OFF? Pft. *smirked* Bakit dude..? Sino ka ba para gumamit ng salitang BACK OFF na yan?...


Boyfriend ka ba nya?"*smirked*


Bigla akong natigilan nang marinig ko ang sinabi ni Stambough. Shit. Hindi ko man inaalis ang tingin ko sa mga mata nya dahil ayokong ipakita na nagulat ako sinabi nya pero..


Damn.


W-Wala akong maisagot.


"Ahh ehh. N-Naku. Hindi ko siya boyfriend"


Naalis ang tingin ko kay Stambough nang biglang sumingit sa usapan si Nikki. Humarang siya sa harapan ko at pumagitna sa amin. "Uhm. Friend ko siya, James. I m-mean Special close friend. Ganun. Ha-ha. Kaya medyo kilala na nya ako. Basta mahirap explain eh. He-he."


Sa kinilos ni Nikki, napansin kong parang nakakaramdam na siya ng tension mula sa pagitan namin ni Stambough. Pero dahil ayokong magpatalo sa lalaking yan, binalewala ko yun. Seryoso kong binalik ang tingin kay Stambough at..


S-Shit.


Mukhang hindi maganda to.


"Sus. Special close friend lang pala eh. Tapos ang angas na. Pft"


Lalo nagsmirk si Stambough dahil sa sinabi ni Nikki. May ilang segundo siyang tumingin sakin ng nakakaloko bago nya ibalik ang tingin kay Nikki.


"Well anyways Nikki, friend man yan o special close friend, FRIEND pa din yang FRIEND MO. Kaya sana wag siyang umasta ng ganyan."


"Tama. Wag siyang umasta ng ganyan" sabat ng kasama nya.


"At alam mo ba, Nikki? Sa nakikita ko ngayon? *smirked*


...mukhang MORE THAN FRIENDS na ata ang turing nyan sayo eh."


Bigla akong nakaramdam ng kaba nang marinig ko ang sinabi ni Stambough. He's starting to overpower me in this situation but f*ck. Dahil sa sinabi nya wala akong magawa kundi ang mapasarado nalang ng kamao ko. Di ako makalaban dahil this time..


..parang hawak nya ko sa leeg.


"H-ha? Naku. Nagkakamali ka, James. Di naman ganun si Vinci eh. Di ba Vinci?"


Lalo akong kinabahan nang marinig ko ang sinabi ni Nikki. Dahil rin dun, unti-unti akong napatingin sa kanya at nakita kong nakatingin siya sakin.


Hindi ako nakapagsalita kaagad dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Nanatili lang akong tahimik dahil pinag-isipan ko ang tamang isasagot ko.


Sinubukan kong tignan ulit si Stambough. Nakita kong tumindi ang pag-ngisi niya dahil nakita nyang di ako makapagsalita. Ganun din ang pakielamerong kasama nya.


At dahil dun,..


..tumindi at mas nangibabaw ang pagkulo ng dugo ko.


Kaya muli kong ibinalik kay Nikki ang tingin ko at agad na sinagot ang tanong nya.


"Yeah. H-Hindi ako ganun"


Yun nalang ang nasabi ng bibig ko at ibinalik ang tingin kay Stambough.


"See? Sabi sayo, James. Di ganun si Vinci eh." Agad na sabi ni Nikki at tumingin sa kanya.


Nakaramdam ako ng matinding panghihinayang dahil sa sinabi ko. Gusto ko mang aminin sa kanya ang lahat pero..


..Wala akong nagawa. Dahil pag-umamin ako sa ganitong situation..


Hindi ko na alam kung ano na ang mangyayari sa pakikitungo sakin ni Nikki. Lalo na't sa nakikita ko ngayon..


..sobrang laki na ang tiwala nya sakin at ayokong mapahiya siya sa harap ni Stambough.


"Fine. Siguraduhin nya lang. Pft"


Nanatiling nakatingin sakin si Stambough habang nakangisi ng nakakaloko. Hindi nya inaalis ang pagngising yun at napansin kong lalong tumindi ang pagkasarcastic ng mukha nya bago ibalik ang tingin nya kay Nikki.


"Anyways, ano Nikki? Try mo dali. Baka gusto mo talaga pero sinasabi LANG ng iba dyan na ayaw mo"


Tumindi ang pagsarado ng kamao ko nang marinig ko ang sinabi nya. Gusto kong barahin ang sinasabi nya pero f*ck! Naiinis ako dahil di ko magawa.


Yun ay dahil.. sa kasinungalingang sinabi ko.


"Ahh ehh. Sorry talaga, James. Pero tama si Vinci. Hindi ako mahilig sa ganun"


Dahil sinabi ni Nikki, sinimulan kong labanan nalang ang tingin ni Stambough. Di ko man siya malabanan ng verbally but I sarcastically smirked para ipakita sa kanyang natuwa ako sa pagkapahiya nya.


Nakita kong naasar siya sa tingin ko pero di nya pinahalata. Kaya ibinalik nalang ang tingin kay Nikki.


"Ganun ba? Pft. Ok sige. Di na kita pipilitin" sabi ni Stambough at ngumiti pa sa kanya. "So paano? Kita kits nalang sa acting club ha"


Wait. What?!


Napahinto ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang sinabi ni Stambough.


F*ck. Anong acting club ang sinasabi ny--


*flashback*


[Chapter 39: Friend or Love Part 3]


"Ano pre? Nakapasa ka ba sa audition ng acting club?"


"Sus pre. Syempre oo. Maning-mani lang sakin yun eh."


"Haha. Ikaw talaga, pre. Talagang desidido ka ng sumali dun ah."


"Naman, pre. Nandun si Nikki eh"


*end of flashback*


S-Shit.


Nawala sa isip ko ang tungkol dun.


"Acting club?" pagtatakang sabi ni Nikki. "You mean sumali ka sa—"


"Yes." Sabi ni Stambough at pasimpleng tumingin sa akin "Kaya kahit hindi ka man makakasama sa gig namin ngayon, alam kong makakasama pa rin kita sa Acting club"


Lalong tumindi ang pagkairita ko nang paulit-ulit nyang pinaparinig sa akin ang acting club na yan. And I guess na sinasadya nya yun dahil napansin nyang naapektuhan ako sa sinabi nya.


Tinignan ko rin ang kasama nya at nakita kong sinasarcastic na din ang tingin sakin. Tss. Mga bwisit. Nakahanap na naman ng butas para maasar ako.


"Ah ganun ba? He-he. Sige. See you"


Tinignan ko si Nikki matapos nyang sabihin kay Stambough yun. Mukhang wala talaga siyang paki sa sinabi ng mayabang na lalaking to at alam kong napansin rin yun ni Stambough. Kaya ibinalik ko sa kanya ang pagkasarcastic ng tingin nya at mukhang siya naman ang naasar sa ginawa ko.


Tss. Pero panigurado...


"Nga pala, Nikki. Ano nga ulit no. mo?"


Sabi na. Di talaga siya magpapatalo. *close fist*


"At bakit mo natanong sa kanya yan? Para saan?"


Dahil sa sobrang pagkadespirado ni Stambough, hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya muli akong sumabat sa usapan nila. Inunahan ko si Nikki at tumingin ako ng diretso sa mayabang na lalaking to.


"Para saan, dude? Pft. Obviously, para sa ACTING CLUB. *smirk*" sabi ni Stambough at muling tumingin sakin ng nakakaloko. "Why? Responsibility rin ba yan ng pagiging FRIEND mo kay Nikki? Ang tanungin ako kung bakit at para saan?"


Natigilan nanaman ako sa sinabi nya. F*ck! Bakit ba ang galing mambara ng Stambough na to?! Bwisit! Wala na naman akong nagawa dahil..


..dahil sa bwisit na fact na kaibigan nya lang ako.


"Ahh eh.. Asan ba phone mo? A-Akin na. Check ko nalang kung yun yung no. ko na nakalagay dyan"


Agad na pumagitna na naman samin si Nikki. Dahil sa sinabi nya, tinignan muna ako ng nakakaloko ni Stambough bago nya ilabas ang cellphone nya at ibigay to sa kanya.


"Here" *smirked*


Kinuha ni Nikki ang phone ni Stambough at chineck kung tama ang no. nya. Habang ginagawa nya yun, tinignan ko ang cellphone na hawak nya.


And what's on my mind right now?


Gusto kong ibato yun sa pagmumukha ng mayabang na James na yan.


"Nacheck ko na James. Tama. Yan pa din" sabi ni Nikki at binigay kay James.


"Thanks Nikki. Kaya crush kita eh. Ang bait mo" ngiting sabi ng James at feeling ko sinasabi nya yun para lalo akong mainis sa kanya.


"Ahh. He-he." Sabi ni Nikki.


Matapos kausapin ni Stambough si Nikki, binalik niya ang tingin nya sakin. Nagulat ako nang bigla nyang iabot sakin ang cellphone nya. Dahil dun, tumindi ang pagkaseryoso ng mukha ko.


"Oh. Ikaw naman. Pakilagay ang no. mo dude"


Nanatili lang akong nakatingin sa cellphone nya matapos niyang sabihin sakin yun. At pagkatapos, tinignan ko ang mata nya na seryosong nakatingin sakin.


"Siguro naman pwede kong tanungin kung para saan yan. Dahil di ako mahilig magbigay ng walang dahilan" agad na sinabi ko.


"Eh di ba, sabi nila music genius ka DAW? At ahh! Oo nga pala. Bigla kong naalala. Ikaw yung isa sa mga coach na inassign ni sir nung Basic acting namin. Pft. So hindi rin naman siguro masama kung magpatulong din ako sa'yo diba? Lalo na't kasali nako ngayon sa ACTING CLUB nila Nikki" then he smirk.


Biglang kumulo ang dugo ko dahil sa sinabi nya. Tinignan ko lang siya ng masama habang sinasarado ng matindi ang kamao ko dahil bukod sa pa-ulit ulit na pagbanggit nya sa acting club na yan, naiinis ako sa sobrang kayabangan nya.


F*ck! Siya na nga tong may kailangan pero siya pa tong maangas. Bwisit! At alam kong may binabalak lang siya kaya kung sa tingin nyang ibibigay ko sa kanya ang number ko, nagkakamali siy--


"Ahh.ehh Akin na"


Wait, what?!


Agad akong napatingin kay Nikki nang bigla nyang agawin ang cellphone ni Stambough. Mabilis nyang tinype ang no. ko.


"Nikki?!" pigil na sabi ko sa kanya.


Hindi nya ako pinansin at binigay na nya yung phone dun sa mayabang na James. "Ayan. Nandyan na din number nya. He-he. Pasensya ka na. H-Hindi kasi kaagad nagsasalita yan sa iba."


"Ayos lang. Pft." Ngising sabi ni Stambough kay Nikki habang nakatingin sakin. "Thanks Nikki.


F*ck! Bakit nya ba binigay?!


"Oh siya. Sige na. Dun nalang kami magppraktis sa kabilang music room. Baka nakaabala pa kami sa paglilinis nyo ng FRIEND mo, Nikki"


Agad na tumingin sa kanya ang kasama nya. "Huh? Diba dito tay—Aww" nakita kong siniko siya ni Stambough. "Ah eh. sabi ko nga"


"Paano, alis na kami Nikki ah. Bye." Sabi ni Stambough at tumingin kay Nikki "At ingat ka pala. Di lahat ng friend, friend lang ang turing sayo"


"Ha? Paano---"


"Wala. Haha" sabi nung James at hinatak na ang kaibigan nya. "Ge. Dyan na kayo. Haha. Bye Nikki"


"Uhh. Bye. Hehe" sabi ni Nikki.


Pagkatapos nilang makaalis sa kwartong to, nanatili lang ako sa kinatatayuan ko. Nanatili lang rin akong nakatingin sa pintuang kinalabasan nila at sinubukan kong pigilan ang nararamdaman kong pagkaasar sa pamamagitan ng pagsarado ng kamao ko.


Pero argh! Bwisit! Nakakainis! Naiinis ako sa sarili ko dahil di man lang ako nakalaban sa kanya! Badtrip! Badtrip talaga! F*ck.*close fist*


Kung wala lang talaga si Nikki ngayon, makakatikim talaga sakin yung lalaking yun!


"Vinci"


"Ano?!"


Napatigil ako sa kinatatayuan ko nang mabigla ako sa nasabi ko kay Nikki. Agad akong tumingin sa kanya at mukhang nagulat siya sa sinabi ko.


"S-sorry. Nabigla lang ako" matipid na sabi ko at huminga ng malalim. Pagkatapos, agad akong umalis sa harapan nya at binilisan ko nalang ang pag-aayos ng mga upuan nang matapos na to.


"O-Ok ka lang ba? Ba't parang naging sobrang beast mode ka ata kanina?" rinig kong sabi nya nang maramdaman kong nasa tabi ko na siya.


"Wala. Dahil sobrang yabang ng lalaking yun. At di ko siya gusto sa totoo lang." sabi ko at umiwas ako sa kanya.


Ayokong mapunta sa kanya ang galit ko kaya pilit kong umiiwas sa kanya. Pero nang maalala ko ang ginawa nya, hindi ko natiis ang sarili ko kaya tumingin ako sa kanya. "At teka nga. Bakit ba kasi binigay mo yung number ko sa kanya ng walang paalam?!"


"S-Sorry. Adrenaline rush. Ganun. Natatakot na kasi ako sa mga tinginan nyo kanina eh. Kaya pumapagitna nako." sabi nya at sinundan ako. "Saka bakit ba kasi kayo naging ganun kanina? Bakit ganun nalang ang sagutan nyong dalaw---"


"Wala! Wag mo na alamin. Ayokong pagusapan" asar na sabi ko at agad na pinagpatuloy ang ginagawa ko. "Kaya bilisan mo na dyan at ng makaalis na tayo. Gusto ko ng makauwi"


Nakita ko sa gilid ng mata ko na parang gusto nya pa akong tanungin ulit. Pero di na nya sinubukan dahil sa reaction ko ngayon. Kaya nanahimik nalang siya.


Tss. Bwisit na araw to. Napakamalas!


When I see your face.. it's not a thing that I would change..


"Ahmm. V-vinci. Yung phone mo. Tumutunog ulit." Rinig kong sabi ni Nikki.


Lumingon ako sa kanya at nakita kong inaabot nya sa akin ang phone ko.


"Thanks." Tipid na sabi ko at kinuha ang cellphone ko.


Tinignan ko ang screen at nakita kong may text message.


*open text message*


From: Unknown number

Alam kong more than friends ang tingin mo sa kanya. At may alam rin ako na pwedeng ikasira mo.

Kaya kung ako sayo. Ingat ingat din sa galaw mo, music genius. Dahil pag ako ang nagselos at hindi ko nagustuhan ang kilos mo, asahan mo. Malalaman nila ang lahat ng tungkol sa inyo.


------------> See you in Next Chapter 46: Nikki is not my type

__________________

Author's note:

Hi guys! (Hopefully, nandito pa kayo.. haha!)

Sana mabasa nyo po yung bago kong story.. makikita nyo po siya sa profile ko kaya sana magustuhan nyo po.. ^_^

Anyways, see you sa next chapter ng SACG. Godbless! ^_^

-Ms. A <3

Vote. Comment.Thanks

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 75.9K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
77.7K 5K 14
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
24.7M 558K 156
This is not a love story. This is a story about LOVE.
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...