Killer-killer

Von charamelwrites

65K 481 67

Diane Perez would occasionally find murders in her school. She has to find out who's the killer before everyt... Mehr

Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
2021 update

Killer-killer

10.9K 159 20
Von charamelwrites

Prologue

Lucky enough I'm not one of them.

But unlucky enough to witness each and every one of them get killed...

A game everyone thought was normal

Turned to a devilish game being controlled by one...

As a child, the result of the game is not what you expect...

After so many years...I forgot about it...

Until history repeated itself...

HIM...

He's at it again....

Why is he doing this? What for?

That's when I came into the picture

I'm a nobody...

But this nobody is determined to solve the puzzle, stop the game and save everyone...

I am Dominic Perez at we are all included in the game...

Killer-killer

Chapter 1

"Tulong! Tulungan niyo ko!!! Domi--"  Nanlalaki at mangiyak-ngiyak kong pinanood na paslangin ng isang mamamatay-tao ang isa sa mga kaklase ko.

Naputol na ang pinakahuling sigaw nang sinaksak niya ito sa lalamunan dahilan para magsitalsikan ang dugo sa paligid.

Mahina akong napahagulgol. H-hinde.. hindi to nangyayari.. P-panaginip lang to.. Tama. Panaginip lang to.

Itinaas ko ang ulo ko para siguraduhing nananaginip na naman ako sa klase. Kaso walang nangyare.

Ganun pa rin ang eksenang nakikita ko. Nagkalat pa rin ang dugo at patay na katawan ng mga kaklase ko.

Ngunit kinabahan ako nang mapansin kong may kulang. Asan na siya?

Asan na ang killer? Ang may gumawa ng lahat ng ito?

Pinilit kong tumayo kahit na sobrang hina ko na dahil sa mga nasaksihan ko. Ginamit ko ang kaunting lakas ko upang makatayo. Kailangan ko ng makaalis dito.

Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mata ko at paika-ikang naglakad papunta sa pintuan.

Hindi ko maiwasang maiyak habang naglalakad dahil sa nakakalat na katawan ng aking mga patay na kaklase. Hindi sila nararapat na mamatay ng ganito na lang.. 

Itinuon ko ulit ang pansin sa pinto na malapit ko na maabot. Rinig na rinig ko ang malakas na pintig ng puso ko.

Nakahawak na ako sa pinto. Ngunit bago ko pa ito mabuksan ay nagulat ako nang may biglang humila sa paa ko dahilan para mapasigaw ako. Mas nilakasan niya ang paghila sa paa ko kaya't napabitaw ako sa pinto at nadulas, dahilan para mabagok ang ulo ko sa sahig.

Nagising ako ng hingal na hingal. 

Hinawakan ko ang mukha ko at.. pawis na pawis ako. Ramdam na ramdam ko rin ang mabilis pa rin na tibok ng puso ko sa sobrang kaba.

Napabuntong-hininga ako. Isa na namang panaginip. Isang bangungot...

"O Diane! Gising ka na pala? Sayang! Gigisingin sana kita eh!"

Napatingin ako kay Tiara na nasa pintuan ko. May hawak siyang isang baldeng tubig.

Bigla ko siyang sinimangutan. "Ewan ko sayo Tiara. Ang sama mo talaga. Bespren ba talaga kita?"

Ngumiti siya. "Eto na nga't nagpapakabait pa akong gisingin ka eh! Che ka na nga!" sabi niya at sinarado ang pinto.

Tipid akong napangiti at tumayo na para maligo at magbihis.

Fudge. Monday na pala ngayon. Masyado akong nawili sa pagtulog.

Hello! Ako nga pala si Diane Nicole Perez! Isang Grade 10 student. Kung hindi dahil sa bagong kurikulum ay fourth year ang tawag sa amin ngayon.

 Ang seksyon ko ay ang mga paborito kong kulay. Neon. 10-Neon.

 Si Tiara ba? Siya ang aking bestfriend simula grade 1. Motto namin ay 'Kahit saan, walang iwanan' Dubah? May pamotto-motto na kami!

 Tiara Neavilla Ocampo ang buong pangalan niya. Siya lang talaga ang kinakausap ko dito sa school dahil snob ako. Hindi ako mahilig makipagkaibigan. Tama na sa akin ang isa lang.

Sabay na kaming pumasok ni Tiara sa eskwelahan. BTW, parehas kaming nakatira sa isang apartment na malapit lang sa eskwelahan namin.

Halata naman atang masyadong malayo ang house namin noh?

"Hoy Diane! Bilisan mo! Malelate tayo eh!" pag-angal ni Tiara kaya't nagmadali na rin akong sumunod sa kanya.

5 minutes away lang naman yung school namin kapag nilakad kaya hinding-hindi na kami nale-late.

"Oh, tamang-tama lang kayo ng dating! Bilisan niyo at baka ma-late pa kayo sa first subject niyo!" sabi sa amin ni manong guard.

"Sige! Salamat manong guard!" sabi ko bago kami magmadali ni Tiara sa pag-akyat papunta sa silid-aralan namin.

Nagulat ako nang may mabangga ako nang lumiko kami. "Sorry!" sabi ko kaso ni hindi ako tinignan ng lalake. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad.

Nagtatakang tinignan ko lang siya papaalis ngunit bigla naman akong hinila ni Tiara.

"Bilisan mo! Kay bagal talaga oh!" angal niya.

Just in time lang kami nang makarating sa room. Kasabay lang rin namin pumasok ang unang subject teacher.

Yes! Nakahinga rin ng maluwag!

"Good Morning class. Mayroon kayong mga bagong kaklase ngayon. Pasok na kayo" sabi ng guro sa harap at sinenyasan na pumasok ang mga bagong kaklase daw namen.

Pumasok sa loob ng klase ang dalawang estudyante, isang babae at isang lalake. Nakangiti ang babae pagpasok habang nakasimangot naman yung lalake.

"Hello 10-Neon! Ako nga pala si Rizialen Sy Cruz. Masaya akong makilala kayo!" masaya niyang sabi. 

Natuon naman ang pansin namin doon sa isang lalake. Hindi siya kumikibo, bagkus nakatingin lang siya sa amin.

Kahit sinipa-sipa na siya nung babaeng kasama niya ay parang wala siyang pakealam. Parang sinasabi ng mukha niya na 'Wala akong pakealam kahit anong gawin mo'.

Mukhang nainis na yung babae kaya tinulak na lang niya sa tabi niya yung lalake.

"At siya nga pala si Renz Sy Cruz! Ang kapatid ko" pagpapakilala niya. Pinaupo na sila ng guro at hindi na ako nagtaka nang umupo sila sa dalawang bakanteng upuan sa tabi ko.

Nasa harapan ko kasi si Tiara sakaling nagtataka kayo.

Yung babae ang tumabi sa akin at katabi niya naman yung kapatid niya.

"Hi! Rizia nga pala! Anong pangalan mo?" tanong niya sa akin habang nakangiti at nakalahad ang kamay.

Tinignan ko lang siya dahil nagdadalawang-isip pa ako kung makikipagkamay at magpapakilala ako sa kanya. 

"Oh? Wag ka ng mahiya! Hindi naman ako nangangagat eh" pagbibiro niya.

Hay. Nakipagkamay na ako at ngumiti ng pilit sa kanya. "Diane Perez" sabi ko.

Bigla niyang binitawan ang kamay ko na ipinagtaka ko. Anyare?

"P-perez? A-ahh..hehehe. Nice to meet you" sabi niya habang nakangiti na rin ng pilit.

Nagpatuloy ang klase ng hindi kami nagpapansinan. 

Pagkatapos ay lunch break na namin. Kami lang ni Tiara ang laging magkasama pagpunta doon.

Paalis na sana kami nang narinig ko ang pagtawag ng pangalan ko. "Diane! Wait lang!" sigaw nito kaya't lumingon ako.

Si Rizia pala. Kasama ang kapatid niyang si Renz. "Pwede ba kaming sumabay sa inyo? Wala pa kasi kaming kilala dito eh" sabi ni Rizia.

Tumango naman ako at sumunod sila sa amin papuntang canteen.

"Hmm.. nakakagutom dito. Teka lang, bili lang ako ng pagkain ha?" sabi ni Rizia at iniwan kaming tatlo sa table.

"Uhm Diane. Bili na rin ako ng pagkain naten" sabi naman ni Tiara at nagmamadaling tumayo.

Nabaling naman ang tingin ko kay Renz na nakatingin rin sa akin. "Anong tinitingin-tingin mo?" mahinahon kong tanong.

"Ikaw malamang. Kitang-kita mo naman diba?" sagot niya ng mahinahon din.

"Hindi ka ba magpapakilala sa akin?" tanong ko.

"Kilala mo na rin naman ako diba?" sagot naman nito.

Argh. Napipikon na ako sa mga sagot nitong lalakeng to ah.

*SPLASH!* 

"Wahahahaha! Serves you right, nerd!" 

Nabaling ang tingin namin sa gitna ng canteen kung saan may isang grupo ng mga babae at isang lalake na binubully ang isang kawawang nerd.

Napabuntong-hininga ako. Sad to say na presidente namin ang pinuno ng grupong iyon.

Bumalik na sila Tiara at Rizialen dala ang mga pagkain namin.

Kumain na lang kami ng tahimik dahil hindi kami sanay ni Tiara na may kasamang ibang tao kapag lunch.

"Ay oo nga pala!" biglang sambit ni Tiara. Tumingin siya sa akin.

"Diane, may nahanap akong impormasyon na gayang-gaya ng panaginip mo!" sabi niya at ako naman ay tutok na tutok ang mga mata't tenga.

Pero hindi na siya nagsalita pa. Bagkus, nagpatuloy ito sa pagkain. Bigla ko siyang hinampas.

"Umayos ka Tiara. Ano na yung nahanap mong impormasyon?" 

"Ay oo nga pala! Nakalimutan ko eh. Hmm... ayun! Sa isang eskwelahan daw isang bundok, may isang klase daw na namassacre ng sarili nilang kaklase." pagsisimula niya.

Parang natigilan din sa pagkain ang dalawa naming kasama at nakinig.

"Ang sabi doon, nagsimula daw ito sa larong killer-killer. Alam niyo yun? Yung magbubunutan tapos kapag nakuha mo ang police, ikaw ang manghuhuli ng killer. Kapag naman civilian, dapat iwasan mo ang killer. Kung ikaw naman ang killer, dapat mangindat ka at magdasal na sana hindi police yung nakindatan mo.

Kapag nahuli ko ng police, ang mga katagang 'You're under arrest!' ang maririnig mo" pagkwekwento niya.

"Isang batang babae lang daw ang nakaligtas sa malagim na patayan. Ang isang batang lalake daw kasi ay ginawang totoo ang laro dahil siya ang nakakuha ng killer."

Nagulat na lang kami ng may biglang sumingit sa kwento. "Oooooh~ katakot naman yan!" 

Napatingin kami kay Jihannah dela Rosa, ang aming presidente. Ang babaeng tinutukoy ko sa inyo kanina. Hindi namin namalayan na nakikinig pala siya sa mga istorya namin.

Hindi namin siya kinibo dahil inaantay naming siyang umalis. Maya-maya ay napikon siya sa amin kaya't umalis na nga ito.

"Dominic Perez. Siya daw yung babaeng nakaligtas" pagpapatuloy ni Tiara

Narinig na lang namin ang paghagulgol ni Rizia, na siyang ipinagtaka namin ni Tiara.

"B-baket siya umiiyak?" tanong ko. 

Napabuntong-hininga si Renz. "Si ate kasi.. may isa siyang kaibigan na nasali sa massacre na tinutukoy niyo" 

Syempre, nagulat kami sa sinabi niya. Hindi ko akalaing may kasama kami dito na may kaugnayan sa massacre na nangyari noon.

"Let-let ang pangalan niya. Matalik kaming magkaibigan.. pero nung umalis kami ng pamilya ko para magbakasyon, nabalitaan naming namatay na siya" naiiyak na tugon ni Rizia.

Narinig namin ang pag-ring ng bell kaya't dali-dali na kaming tumayo upang iligpit ang pinagkainan namin. Lumapit ako kay Rizia at bumulong, "Sorry. Hindi namin alam. Dapat pala sinabi mo nang hindi na namin ipinagpatuloy yung kwento" 

Pinahid niya ang luha niya at ngumiti. "Wala yun. Wala ka namang kasalanan. Kasalanan ko rin to dahil hindi ako maka-move on." sabi niya.

Pagpasok namin sa room ay tabi-tabi ulit kami as usual. Si Tiara lang ang nahiwalay sa amin.

Napasimangot ako nung biglang tumabi ang presidente kay Tiara dahil may quiz kami ngayon sa Araling Panlipunan. Sigurado akong mangongopya na naman yan. 

"Hoy ikaw. Pengeng 1/2 crosswise! Bilis!" utos niya sa akin na malapit sa kanya. Nakapokerfaced ko siyang binigyan ng papel para wala ng away-away. Ang unfair ng school na ito noh? Sobra.

Mabilis na lumipas ang oras. Hindi namin alam na patapos na pala ang klase. 

Nagliligpit na kami ng mga gamit para sa pag-uwi.

"Halika na Tiars. Sabay na tayo" sabi ko kay Tiara.

"Uy wait! Sabay na ulit kami sa inyo" nahihiyang sambit ni Rizia.

Tumango naman kami dahil madalas na rin naman naming silang kasama. Paglabas ng pintuan ay nagulat ako nang may tumulak sa akin.

"HAHAHAHA! Ayan kasi! Aanga-anga!" pang-aasar ni Jeravem, isa sa mga miyembro ng grupo ng presidente.

"Hay nako gurls! Wag na wag niyong gagayahin ang lampa na yan ha!" sabi naman ni Raniel, ang pinaka-unique na miyembro ng grupo dahil siya lang ang lalake. Ay..hindi pala siya lalake. Half lang.

Bigla akong hinila patayo ng kung sino man at kinaladkad na palayo sa kanila.

Napatingin ako sa taong kumakaladkad sa akin. Si Renz. Bigla siyang bumulong.

"Wag ka na mag-alala. Hinding-hindi ka na maaapi ngayo't nandito ako"

***

A/N:

First time kong gumawa ng horror story *__*

Some of you may be familiar na dito, pero kasi edited itong version na to. 

WARNING: May scenes po na masyadong kadiri. Gore kumbaga. Kung hindi niyo kaya, wag niyo pong basahin ^_^v

ENJOY READING! ^_^

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

864K 58.5K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...
382K 12.4K 81
chat story #1- [Luhan×Yoona] "bestfriend, nagsusungit ka na naman? may pms ka ba?" - Story of a bubbly girl and her cold and snob bestfriend. Highes...
25.3M 849K 53
Crimes. Mystery. Clues. Detectives. Deductions. Love story. Detective Files. File 1 Written by: ShinichiLaaaabs (FILE 1 of 3)
KAHIMANAWARI Von talesofdemi

Mystery / Thriller

1.7M 67.5K 44
When Saru finds out about her twin sister's mysterious suicide, she assumes her sister's identity to uncover the truth. ***** Saru Sumiyaya...