Runaway Prince

By ohpurplerain

34.8K 378 133

Is it possible for a Runaway Prince to come back and make our own happy ending? More

Runaway Prince
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Six ~ 2
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Fifteen ~ 2
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Six ~ 2
Chapter Thirty Seven

Chapter Eighteen ~ 2

684 5 0
By ohpurplerain

Chapter Eighteen ~ 2

ARIA's POV

Pinilit kong paniwalaan ang sarili na baka nagjojoke lang si Tynnie pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya tinatapos 'yon. Panay ang tanggi ni Tyler pero hindi naman siya pinapakinggan ng kapatid. Kahit ang mom niya ay tinatawanan lang siya, sinsabi na nagiging in denial lang ito.

Nasa gilid lang ako ng garden, nakaupo sa may swing. Nakaupo naman sa kabilang swing si Anneth habang si Miley ang nagsilibing taga-ugoy namin. Ganun talaga, siya ang ate sa barkada eh! Hahaha!

"Bakit kasi hindi ka tumanggi?"  tanong ni Miley.

"I don't know what to say. Parang nawala rin ako sa sarili kanina dahil sa sobrang pagka-shock." sagot ko naman.

"Kami rin naman na-speechless e"  sabi ni Anneth. "Pero mukhang botong boto sa'yo yung mommy niya and even Tita Tess gave her full support." 

"Well, I came to agree that Mama is right, may chemistry nga kayong dalawa."  pag-sang ayon ni Miley. 

Bigla akong napangiti. Bagay ba talaga kami? :)

"Same here, friend. you really look good."  kinikilig na sabi ni Anneth. Pati tuloy ako, kinikilig din.

"Sana nga totoong kami." bulong ko pero mukhang narinig ni Anneth kaya bigla niya akong tinulak, napaupo tuloy ako sa damuhan. 

"Don't tell me may gusto ka sa kanya?" nanggigil na tanong niya. Oo nga pala, kay Miley pa nga lang pala ako umaamin. Haha. Napansin ni Anneth na napatawa si Miley. "And you already knew this?"  tanong niya kay Miley pero ngumiti lang ito.

"Ang daya-daya niyo! Bakit hindi nyo man lang 'to sinasabi sa akin!" parang bata na nagmamaktol itong si Anneth. Natigil ang kasiyahan nang biglang dumating si Tyler.

"Can I talk to Aria?"  tanong niya kay Anneth. 

"Sure sure."  si Miley ang sumagot. Hinila niya si Anneth bago pa man ito magprotesta.

Ako naman na nakaupo pa rin sa damuhan ay patayo nang biglang inalalayan ako ni Tyler. Ngumiti ako sa kaniya. Shet, kinilig ako don! He's so gentleman. 

Umupo ako sa swing at doon siya umupo sa kabila. Nakatingin lang kami sa mga batang naghahabulan sa garden. Nakaligpit na ang mga upuan at nagsiuwian na yung ibang mga guests and sponsors. Yung iba nasa loob at nakikipagkwentuhan pa kina Tita Tess.

"Sorry ha." napatingin ako sa kaniya. Nakita ko ang sincerity sa mga mata niya. Pero ano ba yung inihihingi niya ng tawad? Yung sa beer pa rin ba? Jusko, wala lang naman yun. Sasabihin ko na sana yun sa kaniya nang magsalita uli siya. "First, about the kiss in the play .."

Nang marinig ko 'yun ay bigla na lang tumibok ng malakas ang puso ko. Ito na ba yung hinihintay ko? Magtatapat na ba siya sa akin?

"I'm sorry, I didn't mean to do that." biglang gumuho ang mundo ko sa aking narinig. I wasn't expecting for that. He didn't mean that?Why?

Ngumiti na lang ako na parang balewala sa akin ang nangyari. "Okay lang, dapat kasi ininform mo ako. Hahaha." pero mukhang hindi siya natawa sa joke ko. "Joke lang."  pagkatapos ay naging seryoso na ulit ako. 

Akala ko, ipagpapatuloy niya ang pag-eexplain doon pero nagchange topic siya. "Second, I want to appologize for my sister's behavior. I tried to defend our part but you've seen how they make fun of me."  nalulungkot na sabi nito. 

Hindi ko alam ang sasabihin ko. May part rin kasi sa puso ko nagsasabing gusto ko yung ideang kami ni Tyler, na boyfriend ko siya at girlfriend niya ako.

"But for the mean time, please bear with my Mom. Sobrang kulit noon at nakita mo naman na gustung gusto ka niya." sabi niya. "Hayaan mo na lang muna. Don't worry, kakausapin ko siya some other time, yung hindi na eepal si Tynnie."

"I understand."  yun na lang ang nasabi ko. 

Naalala ko si Mama. Parehas sila nung mommy ni Tyler, sobrang kulit at ang daming kalokohan! Tama nga yung sinabi ni Tynnie noon, na magkakasundo sila. Pero sana naman hindi ito makarating sa kaniya kasi kung hindi .. patay na!

TYNNIE's POV

When I saw Tyler kissed Aria on the play, I knew he has something for her. Wala naman silang binanggit sa akin na nasa script yun eh. And when I asked him kung may feelings na ba siya kay Aria, hindi niya ito nasagot. That means, yes! Positive! 

Whenever I think that Kuya had moved on, napapangiti na lang ako. I am so very happy. Masaya ako kasi nakawala na si Kuya sa isang relationship na wala nang patutunguhan. Dahil nga sa sobrang saya ko, I even told Mom that Aria's already his girlfriend. Nakakatuwa kasi approved yun kay Mom. Gustung gusto nga niya si Aria e.

And the way Tyler denied, grabe! Natatawa na lang ako. Umuusok na ang ilong nito kanina sa sobrang inis pero kami nina Mom, tawa lang ng tawa. It's pretty obvious! Para saan pa kung papatagalin natin di ba? Dun naman ang punta noon eh, magkakatuluyan rin sila!

Lumabas ako para tingnan yung dalawa, si Kuya at si Aria, ayon kasi kina Miley at Anneth ay lumapit ito sa kanila at gusto raw makausap ng kapatid ko ang kaibigan namin. Pero ang una kong nakita ay si Shem na nakatayo dito sa may pintuan at lihim na tinitignan yung dalawa. 

"You like Aria?"  di ko napigilang itanong. Napansin ko kasi kanina ang pagiging malapit nila.

At dahil magaling ako makakilatis ng tao, alam kong may gusto siya kay Aria. The way he looked at her was like how my brother looked at Aria.

Agad namang kumunot ang noo nito nang makita niya ako. Bakit ba parang ang laki ng galit niya sa akin? Hindi ko naman siya inaano. Tumalikod ito sa akin pero agad kong nahawakan ang braso nito. 

"Bakit ba lagi na lang akong pangalawa? Hindi ba pwedeng ako naman? Kailan ba ako mamahalin ng taong mahal ko?!"  nakita ko ang galit at sakit sa mga mata niya. At bigla na lang tumulo ang mga luha nito. Dahan-dahan kong inalis ang kamay ko sa kanya. 

Bakit ganun? Parang bigla kong naramdaman yung sakit na nararamdaman niya? Naguilty naman ako. Kasi ako, tinanong ko pa! Masyado talaga akong pakealamera.

"S-sorry."  sabi ko na lang. Pero tumalikod na ito at umalis na.

ARIA's POV

"Thank you kasi palagi mo kaming iniintindi. Pasensya ka na sa gulo na dala namin ha."  sabi niya sa akin. Na-touch naman ako kasi parang nag-aalala siya sa akin. Ngumiti naman ako sa kaniya at sinabing okay lang. Paulit-ulit na eh! 

Tumingin ako sa langit habang patuloy na nagswi-swing. 

"Sayang walang stars ngayon."  sabi niya.

"Akala ko ba hindi ka nagagandahan sa mga stars?"

Bigla itong ngumiti. "Ngayon ko lang narealized na maganda nga sila."

"Tingnan mo, ang lungkot ng langit kapag walang stars."  sabi ko sa kanya at napatingin ulisa langit.

"Di ba sabi mo para ka ring stars?"  napatingin ako sa kaniya. Naalala pa pala niya yun? "Kung ikaw ang star, ako naman ang langit."

"Bakit?" tanong ko.

"Malulungkot ako kapag nawala ka."

Bigla naman akong natawa. Hindi ko alam na marunong pala siyang bumanat. 

"Bakit ka tumatawa? Ikaw ang may sabi na malungkot ang langit pag walang star."

Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagtawa. At kasabay nun ay biglang bumuhos ang malakas ng ulan. Ay ano ba yan! Bigla-bigla naman. Agad na lumapit sa akin si Tyler at idinikit ako sa katawan niya. Gamit ang kaniyang coat ay ipinandong niya ito sa amin at sabay na naglakad papasok. 

Kung may ilalapad pa ang ngiti ko, siguro abot hanggang likod ng ulo ko yung ngiti ko. Sorry na, masaya lang. 

Continue Reading

You'll Also Like

2.9M 95.2K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
1.4M 35.5K 38
Dylan has always had a one-sided rivalry with Yno, the class top student since elementary that he could never beat no matter what he did. It wasn't u...
79.1K 3.4K 15
When her lifelong rival finally moves on after years of unrequited affection, Philosophia Altreano is forced to sort out the feelings she's been runn...
116K 1.9K 44
(COMPLETED) Bradley Teo Lauchico High school friends fell in love with each other. Haunted by a traumatic upbringing and a cruel false accusation tha...
Wattpad App - Unlock exclusive features