100 Steps To His Heart [Publi...

Girlinlove द्वारा

28.2M 300K 100K

Now a published book under Pop Fiction || Summit Media ♥️ Go grab a copy! Si Hope ay isang simpleng babaeng m... अधिक

[PROLOGUE] 100 Steps To His Heart
[1] Meeting Venice and the TRES GWAPITOS <3
[2] The planner
[3] LRT + Party = Confession?!
[4A] First lunch.
[4B] Nosebleed. Literally.
[5A] First REAL Conversation!
[5B] Key chain.. To His heart and my happiness?
[6A] What the freak is "DIZZY" + Field Moments <3
[6B] Iba talaga ang kamandag ng isang Bryle Ortega. <3
[7] Meeting Kuya Nathan + Bryle's Game + Date sa Kikiam-an?!
[7B] Mga kaganapan sa tindahan ni Aling Bibyan + Carlos Miguel
[7C] Wala na. Inlove na. at WALA NA DIN ANG PLANNER OMG!
[8] Magbabati kaya kami? Mukhang malabo.
[8B] Uyyy bati na kami :">
[9] Palengke date with the guy of my dreams. <3
[10] First hug! >:D< At first... OMG!
[11] Patay, nabuking ni Loyola! At ang kapalit? Goodluck!
[11B] Ang alamat ni Enzo at ang pagpapahirap ni Mico!
[12] Ang nosebleed na away ni Enzo at Mico
[12B] Challenge pala ah. Tingnan natin!
[13] Confrontations + Bawian :">
[14] MALIGAW SA GUBAT? Thank you, Lord!
[14B] Stuck sa gubat: Mico+Hope+Enzo = 20 Questions
[15] Bonding sa gubat kasama ang Tres Gwapitos!
[16] Heart to Heart talk namin ni Bryle.
[17] Bryle and Venice. Ang mag EX.
[18] GIRLINLOVE UNIVERSITY INTRAMURALS.... Na napadpad sa Quiapo.
[19] Ang text na may emoticon at ang text na wala. :|
[20] MVP ang Section F!
[21] Saving the dolphins. At right decision ba na iniwan ko siya?
[22] Unang dinner ni Mico sa bahay ko.
[23] I'm ending our Master-Slave relationship.
[24] Tita Mindy?! Mico's family, and his realizations?
[25] Miss Red Umbrella <3
[26] Dare, double dare.
[27] August 28, 2013 Enzo Miguel Gutierrez' Birthday
[28] Pag may nawawala, may natatagpuan.
[29] Bryle the Bestfriend? The Reunion ng Tres Gwapitos
[30] Tres Chikas is back!
[31] First Date. First Fight.
[32] Tita's despedida party.
[33 Part 1] Ang clingy ni Mico at badtrip si Enzo. Sinong pipiliin. Bow.
[33 Part 2] A night in jail.
[34] Wrong First Impression
[35] Dance and Kiss under the rain.
[36] Why is there only one Bryle Ortega?
[37] Tres Gwapitos' Day
[38] Pwede ba kitang ligawan?
[39] Hello, Eula
[40] OPLAN pagbatiin si Eula at Enzo. Anong nangyari MICO?
[41] Confessions.
[42] Bati na tayo, Mico.
[43] The PLANNER
[43] Hidden Feelings
[44] Ang pagamin ni Michael Ortiz
[45] We're back to being 'NOTHING' // Closure
[46] Venice' Birthday Part 1
[47] Venice' Birthday Part 2
[48] Happy New Year, Hope Yazon!
[49.1] Training Camp
[49.2] Muling ibalik? Kung may ibabalik...
[49.3] Secret Angel, don't make me fall for you... again.
[49.4] 'Designing'
[49.5] He's Back...
[50] #100STHHSunset
[51] #100STHHValentinesBall
[52.1] #100STHHJealousGuy
[52.2] #100STHHHisPOV
[53] #100STHHUntoldSecrets
[53.2] #100STHHHisMessages
[54] #100STHHSecondChances
55 #100STHHEulasLetter
[56] #100STHHARVD
[57] #100STHHAlmostForever
[58] #100STHHSGOLs
[59.1] #100STHHMeetTheParents
[59.2] #100STHHTheKaribal
[60] #100STHHLigawan
[61] #100STHHTheTask
[62] #100STHHTheOtherSideOfHim
[63] #100STHHCEBUtifulLove
[64] #100STHHOneBigFIGHT
[65] #100STHHGalawangGutierrez
[66] #100STHHDiLangIkaw
[68] #100STHHTheFirstTime
[68] #100STHHTeamAF
[70] #100STHHTheBrokenHeartedOne
[71] #100STHHOneLastTRY
[72] #100STHHHulingHiling
[73] #100STHHLastFavor
[74] #100STHHWeddingMarch
[75] #100STHHGoodbye
[END] #100STHHEpilogue
Announcement

[69] #100STHHGraduationDay

45.2K 1.1K 625
Girlinlove द्वारा

Hi guys! Sorry kasi ang late na naman ng update ko. Again, LAW SCHOOL and LAW RELATED na naman ang reason ko, pero thank you sa'yo if nagbabasa ka pa rin. Sobrang loyal mo. Mahal na kita. (Oo, may nagmamahal sa'yo manalig ka ;) 

Anyway, yung title na may hashtag ang ibig sabihin niyan pwede niyong itweet yung mga reactions niyo tapos lagyan niyo ng hashtag na yan kasi cnclick ko yan para basahin mga reactions niyo. Mas active ako sa twitter kaya if gusto niyo ako makausap tag niyo lang ako @GirlinloveWatty :) Anyway, ENJOY. 

4 to 5 chapters to go and we're done!! 

Please re-read the past chapters. Or not ;) Malalaman niyo sa ending bakit hindi ;) hint hint. Anyway, don't forget to play the song.... and THANKS FOR STILL READING THIS STORY. YOU ARE THE BEST!!


Chapter 69

Hope's POV

March 30, 2015

Graduation Day

Lord ito na! Sa wakas! Sa kabila ng lahat ng pangongopya, pagpapalabas sa akin sa classroom, sa mga bagsak ng quiz at quarterly exams ito na... Naitawid ko din. Nakasuot ako ng toga ko. Sabi ko na eh, dasal lang, dasal lang talaga!

Noong nakauwi pala kami, sinabi ko kila Miks and Chelsea yung nangyari sa amin ni Enzo.

"MALANDI KA! ALAM KONG MALANDI KA PERO BAKIT ANG LANDI MO?! ALAM MO BANG MALANDI KA?!" sigaw ni Miks. Grabe yung emphasis sa word na 'Landi'.

"Hindi ba pwedeng nagmamahal lang? Hindi ba pwede yun?" sagot ko.

"Maging conservative ka naman minsan. Gumamit ka ba ng proteksyon?" sagot ni Miks. Napakagat labi na lang ako. "ANO?! HINDI?! CHELSEA PIGILAN MO AKO SASABUNUTAN KO LANG 'TONG KAIBIGAN NATING HALIPAROT NA BUKA NG BUKA YANG LEGS!!!" galit na galit na sabi ni Miks.

Hindi ko alam ang mafefeel. Mali ba talaga ginawa ko? Ginagawa naman ng iba yun ah? Tsaka boyfriend ko naman si Enzo ah? Hindi naman one night stand lang yung nangyari.

Galit na galit pa rin si Miks. Si Chelsea naman hindi nagsasalita, pinapakalma lang si Miks. Ako nakatahimik lang doon. Naiiyak na ako. Best friends, pwede maging supportive kayo?

"Intindihin na lang natin si Hope, Miks." Sabi ni Chelsea. Tumingin siya sa akin at nagsalita. "Hindi ko namang sinasabing mali ang ginawa mo, Hope pero palagi namang mas okay ang maghintay. Oo rampant na ang pre-marital sex, but that doesn't mean that you have to do it. Pero ano pa bang magagawa ng sermon ko. Alam ko namang nagawa mo lang yun kasi mahal mo si Enzo. And kung iisipin, nagsesex ang dalawang tao kasi mahal nila ang isa't isa. Mahal naman nila ang isa't isa. At alam namang nating... sa dulo, sila ding dalawa. Kahit anong mangyari sila din. End game sila din. Isa pa, sila naman ang may hawak niyan. Ano pang silbi kung mangjujudge tayo? Tanggapin na lang natin na nagawa na niya."

Natahimik na lang ako, maya maya nagsalita si Miks.

"Okay. Nagegets ko naman eh. Naiintinidihan ko naman. Mahal mo si Enzo, mahal ka ni Enzo. Ginawa niyo. Pero naiinis lang ako isipin na bakit hindi kayo nakapaghintay? Nirerespeto ko si Enzo akala ko maayos siyang tao tapos ganyan—"

"KASI WALA NG TIME OKAY?! KASI HINDI KO ALAM KUNG... KUNG HANGGANG KAILAN KO NA LANG KASAMA SI ENZO! Sa tingin niyo ba hindi ko naiintindihan yang mga sinasabi niyo? Sa tingin niyo baa yaw kong maghintay? Gusto ko, kaso hindi ko alam kung may karapatan pa akong maghintay, kung may oras pa ako maghintay. Sabihin niyo na lahat pero ginawa ko yun kasi mahal ko si Enzo at gagawin ko ang lahat para sa kanya." At umiyak na nga ako derederetso. Nilapitan naman ako nung dalawa tapos niyakap ako.

"Sorry na, alam ko naman kasing malandi ka pero hindi ko alam na aabot sa ganon. Pero naintindihan kita. Sorry na. Panget mong umiyak tama ka na." Sabi ni Miks, natawa na lang ako. Matapos noon nagasaran na lang kami.

"So anong feeling bes?" Tanong ni Chelsea. Bigla namang sumabat si Miks.

"OY PRESSURE KA NAMAN."

"Anong pressure doon?! Tinanong ko lang naman kung anong feeling! Curious lang!" sagot ni Chels.

"Siyempre... ano ka ba? Ano ba! Tayo kasi yung—siyempre sa future—malay mo—Ay anak ng tokwa, ikaw kasi Hope ang landi mo!" tapos nagwalkout si Miks para kumuha ng tubig. Tawa lang kami ng tawa ni Chelsea.

Pero mabalik tayo sa present time.

"Sa wakas graduate ka na." Sabi sa akin ni Ate. "Akalain mo yun? Akala ko 6 years ka sa high school eh."

"Sorry ka ate hindi inabot ng K-12" tapos tumawa siya pero bigla naman niya akong tinitigan. "Alam kong matindi ang pinagdadaanan mo, Hope. Alam kong pinipilit mong maging strong, and I know that you are strong. I"m proud of you." Sabay yakap niya sa akin. Alam ko ang sinasabi niya. Alam ko ang ibig niyang sabihin.

"Kaya ko 'to Ate. Kaya ko hanggang nandiyan siya. Kaya ko kasi nandiyan pa siya. Pero... kapag--at kapag lang 'to ah-- kapag nawala siya, pwede bang... wag mo akong iiwan? Ate, araw araw akong iiyak, araw araw akong magkukulong sa kwarto ko, wala akong kakausapin, hindi ako kakain, sisigaw ako, madedepress ako, sisigawan kita kapag tinry mo akong icomfort pero Ate, wag kang susuko sa akin ha? Wag kang magagalit. Kasi alam kong magugunaw ang mundo kapag nawala siya, kaya ate please tulungan mo akong buuin ulit 'to? Please?" Tinitigan lang ako ni Ate, yung tingin na nakangiti pero alam mong nagaalala pero hindi niya pinapahalata.

"Ikaw pa ba ang iwan ko? Isa pa, may choice ba ako? Kapatid kaya kita." Tapos niyakap niya ako. "Oh siya, wag na tayong magdramahan dito kasi baka masira ang makeup mo. Bilisan mo na. Susunduin ka nila Chelsea at Miks hindi ba? Nasaan na ba sila?"

Chineck ko yung cellphone ko, may ilang missed calls na pala ako. Maya maya tumawag na ulit si Miks, pagsagot ko--

"ANO BANG TRIP MO? MANGDADAMAY KA PA NG PAGKALATE. Hindi ka ba natutuwang gragraduate ka?! Medyo himala 'to--" Inilayo ko yung phone ko tapos noong narinig kong hindi pa siya tapos, binaba ko na.

"Sino yun?" tanong ni Ate. "Joke. Rinig ko si Miks. Lakas ng boses niya. Bilisan mo na baka malate ka!" Kaya agad agad akong lumabas sa may gate namin at nandon na nga yung dalawa sa BMW ni Miks. (Baka nakakalimutan niyong rich kid si bakla--este si Kuya).

Pagpasok na pagpasok ko sinermonan na agad niya ako.

"BAKIT ANG TAGAL MO HA? LATE KA NA NAMAN! Kailan ka ba magbabago?!" Dada lang siya ng dada doon pero tinitigan ko lang silang dalawa. Si Miks naka suit, si Chelsea nakadress at nakakulot yung buhok. Muntik na akong maiyak.

"Mga bes, limang taon niyo akong pinagtiyagaan, salamat talaga." Natigil sa kakasermon si Miks tapos si Chelsea lumapit sa akin para yakapin ako. Maya maya pa nagiiyakan na kami doon.

"Huy ikaw, Chelsea. Tanda mo ba? Lagi mo akong pinapakopya ng assignment. Ikaw naman Miks, lagi mo akong pinipicturean kapag nakakatulog ako sa classroom, pero yun yung mga bagay na hinding hindi ko makakalimutan sa high school experience ko with you. Salamat at biniyayaan ako ng mga kaibigang tulad niyo. Salamat talaga kasi hinding hindi niyo ako iniwan, kahit tatanga tanga ako, kahit wala akong ginawa kung hindi sundan si Enzo, mahalin si Enzo, magpakabaliw kay Enzo, nandiyan lang kayo. Sobrang salamat. Hindi ko talaga kakayanin lahat 'to kung wala kayo."

"Kahit tatanga tanga ka, ikaw inspirasyon ko kung bakit hindi ako sumusuko kasi kung ang isang Hope Yazon nga nakuha ang isang Enzo Gutierrez, ano't ano pa ay mananalo din ako sa lotto--" Aba sirang ulo 'to.

Nagkwentuhan lang kami sa loob ng kotse ng mga hindi namin makakalimutan na experience sa buong high school hanggang sa sabihin ni Kuya Driver na nandito na daw kami sa school.

Punong puno ang school, halos lahat naka togang puti. Graduation na talaga!

Ang unang sumalubong sa akin sa school?

Si Ma'am Mira. Akalain mo yun?!

"Hope, Congratulations." Sabay ngiti. Naku if I know deep inside iniisip nito paano ako nakapasa. Eh di dahil kay Mico! Kung hindi pa ako tinutor ni Mico ano na kayang nangyari sa buhay ko. Speaking of Mico, hinila ako ni Miks para tingnan yung parang maliit na bilog na nabubuo sa may bandang gilid ng stage. Pagtingin ko...

Tres Gwapitos kasama si Venice.

"Hope, tanda mo ba noon noong palagi tayong nasa unahan ng pilang yan? Para lang makita sila? Para makapagpicture?" Asar sa akin ni Chelsea.

"Oo naman. Hinding hindi ako aalis hangga't di ko nakikita si Enzo. Pero pag malapit na ako natatameme naman ako tapos mauunahan ako ng iba."

"Torpe mo kasi noon." Asar ni Miks.

"At bakla ka noon, wag ako." Balik ko sa kanya. Magaasaran pa sana kami pero ngumiti na lang ako at tumitig sa mga babae/lalaki na nakapila para lang mapalapit sa Tres Gwapitos at kay Venice na medyo busy sa kakaselfie sa kanila. Malamang kasi last day na ngayon at graduation na kaya sobrang todo na yang mga tao sa pagpapapicture. Kahit mga freshman, sophomore at junior nagpapapicture.

Si Bryle busy magpacute, si Venice siyempre maganda pa din kahit ngingiti lang para ng diyosa sa kinatatayuan niya, si Mico naman malamang hindi ngumingiti. Napatawa na lang ako kasi ang sungit pa rin niya. May mga babaeng humihigit sa kanya at sinasamaan lang niya ng tingin kaya panakaw na lang silang nagseselfie. At pagtingin ko kay Enzo...

Nakatingin na siya sa akin.

Hindi ko alam kung bakit ang saya ko ng makitang nakatingin siya sa akin.

Una sa lahat, dati kapag ganyan, si Enzo yung palaging sabaw, yung lumilipad yung utak tapos mga after 3 minutes hihiwalay na yan sa Tres Gwapitos kasi ayaw niya ng tao. Pero ngayon, nakatayo siya, nakangiti, at nakatingin sa akin.

Ilang segundo pa kaming nakatayo at nakatitig sa isa't isa hanggang sa itulak siya ni Mico sabay tawa. Agad agad naman akong lumapit sa kanila.

"Hoy Mico! Anong problema mo?!" Sabay hampas sa balikat niya.

"Para kasi kayong tanga. Magkatitigan." Sagot niya.

"Ganoon talaga kapag in love ka, Mico. Lahat ng tao nawawala, siya lang ang nakikita mo. At lahat tumitigil, siya lang ang naiisip mo." sabi ni Enzo bigla.

Kami naman ni Mico napanganga at napatitig lang sa kanya, tumingin ako kay Mico na nakatingin lang din kay Enzo na parang gulat na gulat kami sa mga sinabi niya. Kailan pa naging cheesy si Enzo?!

"What? Can't I be in love?" Sagot niya, sabay kibit balikat, lapit sa akin sabay nakaw ng halik sa pisngi ko. "Congratulations, babe. You made it."

Pulang pula na ako doon. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil nasa school kami tapos ang cheesy ni Enzo at nakikita ng lahat ng fangirls 'to. Leche dati ako yung nandoon sa posisyon nila, ngayon ako na yung babaeng mahal niya.

Lord, kung ano man po yung past life ko, malamang ang dami ko pong sinakripisyo. Kaya salamat po sa magandang buhay. Salamat po!

"Ano ba? Be sensitive naman oh. Hindi ba pwedeng patulong naman sa pagmomove on?" Asar ni Mico, nilapitan ko siya tapos hinug ko. Sinamaan naman niya ako ng tingin. "Hindi ka nakakatulong. Kapag hindi ka umalis, hindi kita papakawalan." Bigla naman akong hinawakan ni Enzo at hinigit palapit sa kanya.

"I won't let you. She's mine." Sabay akbay sa akin. WOW. Pwede huminga?!

"Tama na, sumosobra na yang haba ng buhok mo Ate Girl di na makatotohanan. Halika na. Bumalik ka na sa pila mo Yazon. Doon ka sa dulo puro ka kalandian." Higit sa akin ni Miks. Minsan hindi ko pa rin sure kung bakla siya o hindi.

Maya maya pa nagsimula na ang graduation ceremony. Nakapila kami by last name. Nauna si Venice Buenaventura, Chelsea del Mundo, Enzo Gutierrez, Mico Loyola, Bryle Ortega, Miks Ortiz at noong ako na, lahat ng binanggit ko tumayo at pumalakpak. Si Miks sumigaw pa ng "FINALLY!!! AKALAIN MO YUN! GO HOPE!" At dahil ginawa nila yun pumalakpak na din yung iba, hindi ko alam pero nangingilid yung luha ko. Alam mo yung pakiramdam na finally part ka ng something? Something special? Na kung hindi nangyari sa akin lahat 'to, wala. Maglalakad ako doon, tatawagin pangalan ko, tapos uupo na ako. Pero ngayon, pumapalakpak sila habang naglalakad ako. Sobrang saya ko. Sobrang swerte ko na nandito ako.

Nagpatuloy lang yung graduation ceremony. Isa isa tinawag para kumuha ng mga diploma nila, noong turn na ng Tres Gwapitos, lahat na ng babae sumisigaw. Siyempre last time na nila makikita ang Tres Gwapitos eh.

Noong turn ko na kumuha ng diploma sumigaw si Mico ng "SURE PO BA KAYO DIYAN?!" Sinamaan ko siya ng tingin tapos nagflash yung camera sa unahan ko... at alam kong mukha akong unggoy na sinapian sa graduation picture ko. SALAMAT MICO!

Bago matapos yung graduation, umakyat si Enzo Gutierrez para sa Valedictorian's speech!

Yes! Valedictorian ang boyfriend ko! Again, hindi ko alam kung paano ko nakuha ang ganitong buhay! Ang swerte ko ba? Ang saya saya ko!

Tumayo siya sa podium, lahat naman ng babae kinikilig, kahit nga yung katabi ko eh. Sabunutan ko 'to eh. Akin yan uy! Akin!

[Now Playing: Till My Heart Stops by Too Far Moon]

[You can search the song sa youtube. I can't place it sa media section kasi naglagay ako ng edited video ng HENZO made by 'Ahleks Maurawr' (thanks Ahleks!) check the video out!]

"Hi, good morning. First of all, I want to congratulate all of you for making it. I told myself that I will try to speak Tagalog, so forgive me if I'm not very good at it. Anyway, I know that almost all of us has mixed feelings about today. Some are happy because finally we made it through high school, some are sad because we're afraid of change, we don't want endings, we don't want something that has been a constant part of us go. But, I am saying this to all of you, and I mean it... Do not be afraid of change. Embrace change."

"I really hate change. Well, at least that was before. I don't want new people in my life. I hate it when something new happens because I've been so familiar with everything. Never have I thought that 'change' would be the best thing in my life. My last year in Girlinlove University, I met this lovely girl and till now I thank the Gods for letting me have her in my life. She saved me. She's the change that happened to me. She made my life better. And no, this is not bullshit because I'd rather not speak than say something that is bullshit. Sorry Dean."

Sinabi bigla ni Enzo Natawa lahat pero ako naluluha na ako. Ako yun. Alam kong ako 'to.

"But back to what I was saying. Embrace change. One because it's inevitable, and second because you'll never know what it will bring you. Do not fear change, do not fear the next step. You guys are all going to be college students and will choose the paths that you want to take for the rest of your lives. For me... I'm... "

Natigil siya. Napatungo. Tumahimik. Lahat ng tao sa auditorium naghihintay ng susunod na sasabihin niya. Napatingin agad ako kay Bryle kasi siya yung pinakamalapit sa akin sa barkada, pero nakita kong nag aalala lang siya kay Enzo.

"I'm not going to college."

Narinig ko lahat ng maliliit na tunog na galing sa iba't ibang tao. Puro 'huh?' 'hala' 'bakit?' 'anong problema'. Lahat sila gumagawa na ng maingay na tunog pero lahat sila napatingin ulit noong nagsalita na si Enzo.

"I know you're all asking why, or am I crazy? I'm the valedictorian and I won't go to college? What the hell am I thinking right? Honestly, if I can, I will. I am allowed to dream and in my dream the next step for me is to go to college. I will take B.S Bio, yes. Pre Med. I want to be a doctor. I want to heal people. I want to help those who are suffering. Such a patriotic thing to say right? But trust me, I know. I know how those people feel. I know the pain, I know the sadness, I know the unfairness... Because... I, too, am sick."

Lahat naman ng estudyante napahinga ng malalim at parang pinipigilan yung paghinga dahil sa narinig nila. Sinasabi ni Enzo 'to sa lahat. Bakit? Anong gusto niya? I mean, wala akong pakialam. Masaya ako na finaface niya yung sakit niya, pero knowing him, isa siyang private na tao, alam kong napakahirap nitong ginagawa niya.

"I have ARVD. Arrhythmogenic Right Ventricular Dysplasia. Okay, overwhelming? Well, it's a progressive disease where my right ventricle... Okay, I guess this is the part where I try really hard to speak Tagalog. Okay. Ang sakit ko ay ARVD. Sakit siya sa puso. Yung right ventricle ng puso ko (which we learned or was supposed to learn in Biology guys) ay hindi ginagawa ang function niya kaya nagkakaroon ng right ventricular failure. Kailangan ang right ventricle kasi siya ang nagdadala ng oxygen-depleted blood sa lungs."

Ineexplain niya nga maayos yung sakit niya, tinuturo pa niya yung puso niya at yung lungs niya.

"Over time, dahil progressive disease nga siya, magkakaroon ng right ventricle failure wherein yung right ventricle ko won't do its function which is to pump blood sa lungs. Dahil diyan may mali na agad sa circulation sa puso ko, right now my right ventricle has failed, and nadamay na yung left ventricle. Kapag nagfail din ang left ventricle ko magkakaroon ng bi-ventricular failure at delikado na para sa akin yun. Yung sakit ko is non curable, walang gamot. Ang solusyon na pwede is maintenance ng gamot or heart transplant. But the doctors said that I can't do that, because once upon a time I was a hard headed guy who was going through a rebellious phase and I refused to take my meds or even do heart transplant. Later in life will I realize that that is one of the most stupid thing I have done in my life. I honestly refused to take meds because I'm dying anyway, so why prolong the agony? But then I met her... " tapos bigla niya akong tinuro. Lahat naman tumingin sa akin.

"Again, I was really afraid of change, and when Venice introduced Hope to our barkada I was thinking that 'Oh man, this is not a good idea'. But then again, I'm not a perfect person and I do make mistakes and back then, if I did something to push away Hope, I may have killed my past self for doing it. Not kidding." Nagtawanan lahat ng mga tao. Ano kayang nakakatawa doon?!

"Again, Hope was... well, she was my hope. She gave me hope. She was this girl, who's always smiling, always very positive... she's a ball of sunshine, and my life was very dark and when I met her everything changed. She was the missing piece in my life. She was the yin to my yang, the light to my dark, the hope to my dying soul. She was my saving grace. After knowing her, I talked to my parents (who are both doctors by the way and are trying their very best to help me recover) to let me start my medications again, (well, I was drinking my meds because if not I would be dead by now, but I could've done a lot of things to get better, but I never did.) I asked them if I could have a heart transplant but they said that it's too late to have a transplant because my body is too weak for that. They said that they rather research for meds that will slow down the progress of ARVD than lose me in a sudden failure of the heart transplant. And yes, I guess that would be better since that time I never told anyone, even the Tres Gwapitos, about my sickness."

Ngayon niya lang 'to sinabi. Hindi ko alam kung maiinis ba ako, magagalit o ano eh. Kaya naman pala. Sana... sana mas maaga ko pa siya nakilala. Para sana matagal na siya nakapagpagamot. Sana. Pero wala na eh. Ayan na. Tapos na. Ang kaya ko na lang gawin ay ang samahan siya, suportahan siya at mahalin siya. Hanggang sa huli.

"I know. Sucks right? Sucks that I want to continue with my life, but I can't. And no, I'm not telling you all of these to pity me. I'm the kind of person who won't say anything personal about my life, but I realize that... I want to pass the message that you guys should live your life. If you guys are depressed because you got dumped or someone broke your heart, cry over it and be done with it. Life is too short to dwell on those things. Enjoy life. Embrace changes. Face your fears. Again, if I can, I will. That's my message. I know that entering college is scary, but do not fear. Do it, because you are given the opportunity to do it. Others can't. Others won't. Also, don't waste time. Time is very precious. Time really is gold. If I could trade anything for more time in this world, I would. But all I can do now is pray that I'd be given more time, an extension, to do things that I love with the people that I love. Because I don't want to leave them just yet. I don't want to. I know soon enough I will. But I am fighting, I will fight. And if I can do it, so can you. So congratulations to all of us. Good luck with college. And live life. Live life to the fullest. Please. Live for me. Thank you."

Lahat nagpalakpakan, yung iba tumayo pa. Tumayo na rin ako. Di ko napigilang umiyak. Yung katabi ko bigla akong niyakap. Section C ata 'to. Bigla niyang sinabi na "Alam mo noong una naiinis ako kasi sa lahat ng babaeng pwedeng piliin ni Enzo, bakit ikaw pa. Pero ngayon, thank you. Thank you kasi napamulat mo yung mata ni Enzo at thank you kasi napapasaya mo siya."

Awkward na tinapik ko yung likod ng babae at ngumiti sa kanya, sabay tingin kay Enzo na mahinahong bumaba sa hagdan ng stage. Grabe. Ang hinhin niya. Mas mahinhin pa siya sa akin, pero bakit ang manly pa din?!

Maya maya, may nagabot sa kanya ng isang bouquet ng red and white roses. Tinanggap niya ito sabay naglakad papunta sa... akin?

Oo! Sa akin nga. Unti unting naglalakad si Enzo papalapit sa akin. Yung ibang mga kabatch namin nag yiyiee na, yung katabi ko halos mag epilepsy na sa kilig. SUS! If I know kaya 'to kinikilig kasi lalapit si Enzo sa kanya. Hay naku, wag ako.

Konting hakbang pa at nandito na nga si Enzo sa harapan ko. Binigay niya sa akin ang bouquet sabay ngumiti.

"Hope, I know I've been saying this a lot... but thank you. Thank you for saving me. Thank you for extending my life. Thank you for giving me a reason to wake up each day with something to look forward to. Thank you for being my 'hope'."

Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko...

Pakiramdam ko sa ginagawa niya, unti unti...

Unti unti siyang nagpapaalam.

Kaya hindi ko alam ang mararamdaman ko. Masaya ako sa mga sinasabi niya. Dahil limang taon kong hinintay na sabihin niya sa akin yang mga salitang yan... pero, bakit parang ang sakit?

Maya maya pa, ginawa niya ang bagay na hindi ko ineexpect na gagawin niya.

Bigla siyang lumuhod sa harapan ko.

Lahat ng tao napatigil, lahat nanahimik, lahat nakatingin lang sa amin.

Enzo...

"You are the reason why I'm here right now, I want to be with you, Hope. I want to spend the remaining days of my life with you. So will you..."

Oh my god.

Is he-- Oh my god, is he--

"Will you marry me, Fiella Michelli Hope I. Yazon?"

He proposed. 

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

93.7K 4.7K 70
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
446K 974 2
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
9.3M 285K 37
OLD SUMMER TRILOGY #1 Estella and Yori have always been rivals ever since high school because of debate competitions. They would always switch places...
800K 41.1K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...