Beyond Infinity (Short Storie...

By bittenapple

9K 298 87

My Sweetest Mistake | Our Own Commencement | My Only One | We'll Meet Again (English) | Thanks for Breaking m... More

My Sweetest Mistake
My Only One
We'll Meet Again
Thanks for Breaking My Heart
Waiting in Vain

Our Own Commencement

533 14 0
By bittenapple

Dedicated to AngelValguna! Happy Graduation classmate!

 Read mo yung note sa dulo mamaya, okay? ;D

***

OUR OWN COMMENCEMENT

by bittenapple

 

Marunong ka ba mag-bike? Ako kasi tinuruan ako ni Daddy nung bata pa ako. Nung una ayoko talaga, nakakatakot kasing mahulog at masaktan pero kinalaunan pumayag na rin ako. Nakakainggit kasi sila ate at Daddy eh, magkasabay silang nagbibike. Noon, hawak-hawak pa ni Daddy yung kamay ni ate, sabay silang nagbibike pero ngayon kayang-kaya na ni ate mag-isa.

At ayun na nga nagpaturo rin ako kay Daddy. “Wag kang mag-alala Christine, Daddy’s here for you,” sabi niya sa akin bago ako sumakay sa bisikleta. Alam kong hindi niya ako papabayaan... pero kahit ganun nahulog pa rin ako, nasaktan, nagalusan at nasugatan. “Gagaling din yan, Chris. Minsan kasi kailangan mong masaktan para matuto ka. Hindi naman kasi laging nandito si Daddy para bantayan ka, isang araw, may dadating din sayo pag wala na si Daddy, yung taong sasamahan ka sa bawat journey mo. Hindi ka niya aalalayan, bagkus, haharapin niyo ng magkasama lahat ng humps, uneven road at kung ano-ano pang hadlang” sabi ni Daddy habang ginagamot yung mga galos ko.

Siguro nga tama siya, minsan kailangan nating mahulog, masaktan at tumayo sa sarili nating mga paa. Hindi naman kasi laging may taong nakaalalay sayo, nagproprotekta sayo... Ganun din siguro sa pagmamahal...

Nasanay akong laging andyan si Daddy pero... isang araw, bigla na lang may tumawag kay Mommy, naaksidente daw si Daddy. He died the next day, masakit, wala na kasing mag-aalalay sa akin para tumayo. I missed my Dad so much...

I hope he’s proud of me, ngayon kasi ang highschool graduation namin. Hindi ako kasama sa honor students but still, I know I did my best and it’s because I want my Dad to be proud of me.

“Ngayon ay pakingan natin si Adrian Joseph Sy para sa kanyang valedictory speech,” sabi nung emcee ng graduation namin na si Mrs. Quijano. Oo, tagalog ang programme ng aming graduation.

Aakyat na sa stage si Adrian Joseph Sy, siya lang naman ang kaisa-isa kong boy best friend, pero mas sanay akong tawagin siyang AJ. Yeah, he’s my best friend but unfortunately, I fell in love with him...

Ngayon nasa may podium na siya, parang lahat-lahat ng nangyari sa amin ay nagflashback sa utak ko...

 

 Ѽ

 

Two years ago... Two years ago, isa akong simpleng estudyante (lagi naman eh), pacrush-crush lang kung kani-kaninong cute sa campus... basta, just an average girl. Nasa bleachers kami ngayon ng mga kaibigan kong sina Aldea, Yanna at Lysa. BFF kaming apat, si Aldea and Yanna nasa section A while kami ni Lysa nasa section B :/ but it’s ok, hahaha.

Yang si Aldea happy yan with her boyfriend, Rich, pero kahit ganun sa amin pa rin yan sumasama, BFF nga diba? Haha, next naman si Yanna, campus queen yan. Kabog ako sa ganda niyan. Si Lysa naman parehas kaming average lang, average sa ganda, average sa grades. Wahaha.

I’m Christine Saavedra, 2nd Year-B. Yan lang naman ako dati eh not until I met him...

Mag-isa ako nun sa ilalim ng umbrella tree sa may school grounds namin. Yun kasi yung time na pumasok pa ako pero after nung first subject namin pinatawag ako sa guidance office dahil may tawag daw para sa akin. Si Mommy pala... and she informed me that Dad passed away an hour ago. Tumakbo ako sa park at nagiiyak sa ilalim ng umbrella tree, wala masyadong tao dahil may klase pa nga.

Ayoko na kasing pumasok nun kahapon pero pinilit nila ako dahil ayaw na ayaw daw ni Daddy na umaabsent kami. Sana hindi na lang ako pumasok para sana nakasama ko man lang si Daddy ng mas matagal. 

I cried, sobra-sobra. Hindi ko na alam, basta ang sakit sakit. I love my Dad so much...

Pero biglang may humawak sa balikat ko. “Miss, are you ok?” that guy... yung nerd na hindi naman nerd sa sobrang gwapo. Ewan ko pero gusto kong mapangiti nung nakita ko siya. Siya si Adrian Joseph Sy, rank no. 1 lagi ng batch namin. He gave me his handkerchief. “Ah. Ah. Thank you. Uhm, sige, ibabalik ko na lang sayo pag nalabhan ko na,” I said kasi alam ko namang aalis na siya dahil may klase pa nga but I was wrong, instead of leaving, tinabihan niya ako sa damuhan sa ilalim ng umbrella tree.

He willingly gave his shoulders para iyakan ko. He was there para patahanin ako, para patawanin ako to forget the pain at para ipaalala sa akin that my Dad will be happier now because he’s with the Lord already. I don’t know kung tama ba yung nararamdaman ko pero parang I fell in love on the spot although I’m still in pain because of my father’s death. He stayed by my side hanggang nagbell na para sa recess, “Uhm- Adrian, sorry sa abala. I-I know a-ayaw mong may namimiss na lessons. Sorry talaga,” I apologized. Rank one kasi siya sa batch tapos nasayang yung two hours niya para samahan ako. 

“Just call me AJ. Hahahah! Ikaw talagaaa, Chris! Ok lang, psh, madali lang yun!” sabi niya. Edi siya na matalino, siya na madaling magets yung lesson, edi siya na...

“Uhm, sige AJ, Sorry pa rin. Ge, kain ka na. Balik na ako sa room baka hinahanap na ako nila Yanna,” paalam ko sa kanya. Kilala naman kasi niya si Yanna dahil classmates sila at nakapagkwentuhan na rin kasi kami kahit papaano kanina. In a way, nakalimutan ko rin yung sakit...

As days passed naging magkaibigan kami ni AJ, mabait siya, matalino, GWAPO. Hahaha, he was there simula nung unang araw ng burol ni Dad hanggang sa libing, 9 days, 40 days... Lagi siyang nandun sa tabi ko para suportahan ako.

Minsan nga naaalala ko yung sinabi ni Daddy nung bata pa ako: “Gagaling din yan, Chris. Minsan kasi kailangan mong masaktan para matuto ka. Hindi naman kasi laging nandito si Daddy para bantayan ka, isang araw, may dadating din sayo pag wala na si Daddy, yung taong sasamahan ka sa bawat journey mo. Hindi ka niya aalalayan bagkus, haharapin niyo ng magkasama lahat ng humps, uneven road at kung ano-ano pang hadlan”.  Feeling ko tuloy siya yung tinutukoy ni Daddy na sasamahan ako pag wala na siya. Si AJ nga ba yun, Daddy?

Ѽ

One day during our second year days... nagkawatak-watak na kaming magkakaibigan. Si Aldea kasi at Lysa may hidden relationship pala, oo parehas silang babae kaya tuloy nagalit si Yanna sa kanila kasi pinsan niya yung boyfriend ni Aldea. Ayoko namang kumampi sa isa sa kanila kaya hindi ako sumama sa isa sa kanila.

Napansin ni AJ na mag-isa lang ako sa canteen noon kaya sinamahan niyo ako. Simula noon, lagi na niya akong sinasamahan. In a way, nakilala ako sa batch namin dahil dun kasi nga rank 1 siya at talaga namang good- looking. He became my best friend since then, lagi ko siyang kasama, umaga, recess, lunch, uwian at madalas pati weekends...

Hanggang naging third year kami. Classmate ko na siya, syempre nag-aral ako mabuti tska naimpluwensyahan din ako ni AJ dahil pati break time pinag-aaral niya ako -.-

Ѽ

“I love you... best!” si Aj yun. Psh, ok na sana eh, may ‘best’ pa. Naku, sigurado may hihingin na naman ‘to, naglalambing eh. 

“Ano na namang kailangan mo, best?!” tanong ko sa kanya. “Psh, ano ba yan! Akala naman laging ganun. Di ba pwedeng sumagot ka na lang ng ‘I love you too, best?!” sabi niya. Ang sweet naman ng best ko pero ayoko nang mag-assume, baka mahulog lang ako at masaktan.  “’I love you’ is not a question so don’t expect an answer,” sabi ko.

“Ewan ko sayooo, best!” sabi niya. Tampo-tampuhan naman ‘tong si AJ, tinalikuran pa ako.  Hahaha.

Niyakap ko siya mula sa likuran, “ I love you moreee kasi, best!” sabi ko sa kanya. Oo, sa loob kasi ng mahigit eight months na naming friendship, I could say na talagang mas napapalapit na ako sa kanya, I don’t know kung friendship lang ba ‘to oh iba na yung nararamdaman ko.

“Oy! Grabe PDA oh!” sabi sa amin ng isang babae. Si Yanna pala kasama sina Aldea at Lysa, bati-bati na kasi kami, este sila, di naman ako kasama sa nag-away -.- Nagbago na sina Aldea at Lysa, nalito lang siguro sila sa orientation nila noon, ngayon may mga boypren na ang mga bruha... ako na lang wala. Nagkabalikan na rin sina Rich at Aldea. Kaya sila lahat sa mga boypren nila sumasama most of the time pero BFF na ulit kaming apat. Ok lang, may bespren naman akong gwapo.

“Hahaha, ewan ko sayo, Yanna!” I said sabay kalas sa pagkakayakap ko kay AJ, nasa ilalim kasi kami ng umbrella tree ngayon, sa exact place kung saan kami unang nag-usap. :D Madalas tuwing sabado, magkakasama kaming apat na girls plus yung boyfriend nila, ako naman chaperon ko si AJ. Alam nyo yung feeling na lahat ng kasama mo sweet tapos kayong dalawa nang-aasar lang sa kanila, yun ganun kami ni AJ 

*February*

Waaaah! February na and one week nalang before Valentine’s Day. So whuut? Wala naman akong care dyan! Kasoooo...

“Best! Tulungan mo naman ako oh!” sabi ni AJ, kasama ko na naman siya ngayon as usual, andito kami ngayon sa canteen. May sinusulat kasi siya ngayon at ako naman busing-busy kumakain, hahaha, eh sa nagugutom na ako eh -.- “Ano meron?” tanong ko.

“papasagutin ko na kasi ng oo si Kaela sa 14,” walang kaabog-abog niyang sabi. Ano?! Sinong sasagot? Sinong magpapasagot?!

“papasagutin ko na kasi ng oo si Kaela sa 14,”

“papasagutin ko na kasi ng oo si Kaela sa 14,”

“papasagutin ko na kasi ng oo si Kaela sa 14,”

 

Oo na, sige na, nag-sink in na sa utak ko, tama na, okay?  Ang lakas ng self confidence niya diba! Talagang papasagutin na daw niya ng “oo”... edi sila na, sila na! Magsama sila!

“Wala naman akong matutulong dyan eh,” sabi ko. Tss, alam ko namang may maitutulong ako sa kanya pero the heck, ayoko nga. Sige ikaw try mo kayang tulungang manligaw ng iba yung taong... yung taong... yung taong mahal mo. Sige, try mo! Masarap ba? Di ba masakit? Kaya AYOKO. 

“Sige na, best! Ikaw lang talaga mapagkakatiwalaan ko dito eh, pleaseeee, madali lang naman gagawin mo eh. Pleaseeeee,” sabi niya sa akin habang nagpupuppy eyes. “Psh, oo na! Sige na!” sabi koPasensya naman, di ko matiis eh.

At ayun si ako pumunta sa ganun, organize ditech, organize juon! Hay nako, nakaka-imbyerna! Masakit ‘to, kailangan daw special para kay Kaela! Psh, never niya ‘tong ginawa sa akin, kahit nung birthday ko tapos dun sa Kaela na yun... 

Dumating na nga ang Halloween este Valentines Day pala. Pwede magluksa? Hay nako, naayos ko na lahat ng pina-sched niya. Siguro nasundo na niya ngayon si Kaela, baka andun na sila sa resto... ako naman, eto andito sa bahay, nanonood ng Spongebob Squarepants. 

Dis-oras na ng gabi pero di pa rin ako makatulog. Ano kayang nangyari? Sinagot kaya siya ni Kaela? Sila na kaya? Nagkiss na sila? Waaaaah, di ako makatulog! 

1 message received.

Gabi na ah? Sino naman kaya ‘to? Si AJ na magthathank you sa akin dahil sila na dahil sa set-up na ginawa ko!

From: Best AJ ♥

                Best, gising ka pa?

Yun lang ang text siya sa akin, parang hindi siya... kasi pag nagtext yan laging may emoticons. Ano kayang nangyari?!

"Best AJ ♥" Siya nagsave niyan, di ako ha! Sa cellphone naman niya, "Best Chris Ganda ♥" name ko, hahaha, ako lang din nagsave nun 

To: Best AJ ♥

                Yup. Bakit? Should I congratulate my best friend na? :D

Ten minutes na pero wala pa ring reply, nakatulog na siguro...

Calling... Best AJ ♥

“Oh, bakit ka pa tumawag, mag-aalas dose na oh?”

"She dumped me, best."

“What?! Pero... everything was perfect. Plinano natin mabuti yun! Diba?!”

"Di ko naman daw kasi siya mahal, akala ko... tsk. Best?”

“Uhm bakit?”

"Pwede ba akong pumunta sa inyo ngayon?"

“AJ, gabi na oh, as in gabing-gabi na. Bukas na lang siguro”

"Please?"

“AJ, matulog ka na. Ipagpabukas mo na yan. Pupuntahan kita bukas ng umaga. Okay?”

"Okay. I love you best"

“I love you more... best”

Ang sama ng ugali nung babaeng lesheng yun! Busted-in ba naman si AJ as in Adrian Joseph Sy! Bobo ba siya? Psh, kung ako yun, di pa ako tinatanong go na agad ako... kaso hindi ako eh

Kumatok ako sa bahay nila.

“Ay, Good morning po, tita! Si AJ po?” tanong ko sa mom ni AJ, andito ako ngayon sa kanila, 6 am pa lang, imagine?! Psh, mahal ko eh, anong magagawa niyo?


“Aga mo naman ata Chris? Haha, asa taas sa room niya. Kahapon ka pa gustong puntahan niyan eh. Badtrip nung dumating. LQ kayo?” sabi ni tita with a wide smile, as in wide talaga abot hanggang tenga. Lagi kasi kaming inaasar sa isa’t isa... sana kami na lang daw. Sana nga...

“Hindi po! Hahaha, sige po puntahan ko lang po siya,” sabi ko. “Sige, hija!”

Sa room ni AJ... comportable na rin ako kahit kami lang dito, best friends nga eh... nakaupo pa nga ako sa kabilang side ng bed niya habang siya nakahiga.

“Best, ok lang yan. Maybe she’s not the one for you,” Ako yan, kinocomfort si AJ Andito naman kasi ako. Ako na lang, pwede? Ang sarap sabihin eh.

“Di ko lang talaga maintindihan yung reason niya” ano naman kaya yun?

“Bakit daw ba?”

“Wag mo na alamin!” sabi niya habang tinalikuran ako pero nakahiga pa rin siya, binaling lang niya yung katawan niya sa kabilang side. 

“Psh, bahala ka nga dyan. Pumunta pa ako dito para lang talikuran mo.” Tinalikuran ko rin siya.

“Pero ngayon... sa tingin ko tama ata siya...” sabi niya habang niyayakap ako, nakahiga pa rin siya at ako naman nakatalikod pa rin sa kanya.

Ano ba ‘tong puso ko, tumatalon eh.

Ѽ

 

Dumating na ang bakasyon! Wieee! Kaso hindi rin masaya kasi sa States magbabakasyon ngayon sina AJ at family niya. Di tuloy kami magkakasama.

 Ѽ

Calling... AJ  Oo, AJ na lang yung name niya sa cellphone ko

“Hello!”
"Beeeeeeest! Miss na kita!"

“Ah, sige, busy ako eh. Next time na lang”

"Best naman, minsan na nga lang ako makatawag eh"

“May pinapagawa kasi si Mommy sa akin. Next time na lang talaga, AJ”

"Aj? Best naman, may problema ba?"

“Wala, Geh, bye...”

Binaba ko na yung phone, di ko na hinintay na sumagot siya. Kung bakit AJ na lang ang name niya sa phone ko at kung bakit parang iniiwasan ko siya... balita ko kasi may kadate na siya lagi sa States. One month pa lang ganun na siya agad tapos ano? Pag nasaktan siya ako na naman lalapitan niya tapos ako na naman ang mag-aasume? Tapos ako na naman mahuhulog ng todo? Tapos ako na naman masasaktan?! Ako na naman pipilit tumayo sa sarili kong paa?

Ayoko na ng ganun eh. Masakit kaya.

Before magpasukan dumating na daw si AJ, ewan ko... di ko naman kasi tinatanggap yung calls niya at kung may message siya delete na agad, psh, ayoko na nga talaga eh.

Nagpasukan na at classmates pa rin kami, hindi ko siya pinapansin, di rin niya ako pinapansin. Siguro girlfriend na niya yung babae. Ganyan naman talaga siya eh, pag may kailangan lang at pag malungkot tska niya ako naaalala! (Weh, eh diba kaya kayo nagkakilala kasi ikaw yung malungkot nun?!)

June: “Ano na nagyari sainyo ‘teh? LQ?” -Yanna

July: “Ui, malala na yan, Chris!” -Aldea

August: “Oyyyy! Ano na bang nangyayari?! Wala na ba kayong balak magbati” -Lysa

September: “Wala na ba talaga ang abnormal na magbestfriends?” –boyfriend ni Aldea

October: “Ui, gusto mo pag-usapin namin kayo? Kateam ko yun sa Athletics club eh.” –boyfriend ni Lysa

November: “Pssst, wawa ka naman, ikaw lang loner sa ating pito.” –boyfriend ni Yanna

December: “Mahal mo siya, kaya ka ganyan...”- Yanna

Waaaaaaah! Miss ko na siya, ilang buwan na kaming di nagpapansinan! I miss him so much!

“Sa tingin niyo mahal ko siya?” tanong ko.

“Di kami bulag, Chris. Alam naman naming nahihirapan ka sa tuwing may kasama siyang iba. At ako rin naman kung may bestfriend akong gwapo katulad ni Adrian  eh siguradong mafafall din ako!”

“Hoy! Yanna! Psh, ipagpapalit mo ako?” ayan nag-aaway na silang dalawa, loner na naman ako. =.=

 Ѽ

Punta sa umbrella tree!

Siguro nga umbrella tree, di ka lang para pangcover sa ulan at sinag ng araw, para ka rin siguro sa luha...

“Ang daya-daya mo, AJ. Bakit ikaw masaya ka pag wala ako pero ako pag wala ka... eto mag-isa, malungkot...” sabi ko sa sarili ko.

“Ang daya-daya mo kasi, bakit mo pa ako iiwasan kung magiging malungkot ka rin naman pala?” tama ba yun? May narinig ba talaga ako? Si.... AJ? Katabi ko na pala.

“A-AJ?!”

Umiyak ako ng bonggang bongga, parang yung iyak ko lang nung una kaming nagkakilala. Di ko mapigilang umiyak eh, masakit... sobra.

Masakit man aminin... pero mahal ko talaga ang best friend ko kahit alam kong hanggang best friend lang naman talaga ang pwede niyang ituring sa akin, baka sister pwede pa pero yung mahalin niya ako ng higit dun... alam ko naman eh, na malabo. 

January: “Hello best!” – ako yan >.< Bati na ulit kami, wieee!

February: “I love you so much... Chris, my one and only best friend” – AJ

                Akala ko moment ko na yun, yung tipong sinabi niyang ‘I love you so much Chris’ kaso may karugtong na nanaman palang ‘my one and only best friend’...

March:  Pwede umiyak?! Nakapasa si AJ sa UP, ako hindi.  Tapos malapit na mag-graduation. 

“Di na tayo magkasama lagi pag college,” sabi ko kay AJ habang magkatabi kami ngayon sa ilalim ng umbrella tree.

“I’ll make it a point na magkikita pa rin tayo lagi,” he assured me.

“Psh, sigurado magiging busy ka sa napakarami mong babae! Makakalimutan mo na na best friend mo ako! -.-“ pagtatampo ko.

“Oo! Malapit na kitang makalimutan na best friend ko!” iiyak na ako dito.

“... panget ka kasi!!!” dugtong niya. Nang-aasar lang pala.

Di naman ako panget eh sadyang good- looking lang siya.

Ѽ

Tinawagan ko siya para icongratulate...

 “Congrats, Mr. Rank Number One”

"Salamat, Chris. Uhm, gusto mo sumabay ka na sa amin?"

“No need, best. Susunduin daw ako ng tito ko.”

"Ah. Sige, Chr--best! See you later"

“Bye. “

“I love you AJ“ sabi ko dahil alam ko namang binaba na niya yung phone... sana kaya kong sabihin sa kanya -.-

(End na ng flashback!)

At yun nga kami... BEST FRIENDS.

Ayan na siya magvavaledictory address na.

Ang galing ng best ko! Mahal ko yan!” sigaw ko pero syempre sa isip ko lang, ayokong gumawa ng eksena. Hahaha.

“To our Administrators, teachers, guest speaker, co-graduates, parents... A pleasant afternoon to all of you. It’s been four years since I last deliver my valedictory address when I was in grade school. Remembering those times, I promised myself I would do better when I reach my highschool but now I fully understand things that was once unclear to me which I think is a better achievement.

 

‘Commencement exercises’ yan ang malalaking salita na nakalagay sa stage natin ngayon pero diba magtatapos na tayo? Bakit nga ba commencement? Eh diba beginning ang meaning nun. It’s because, we will begin a new chapter of our lives... magiging college na tayo, we will learn more lessons, a new beginning for the new us, new us--- yung mas matured, yung mas nakakaintindi sa mga bagay-bagay. “

 

Shemaaaaaaay! Ang gwapo niya, ngayon lang ata siya nagsalita ng ganyan sa harap ng public -.- Waaah! Gwapo ng bespren ko!

Marami pa siyang sinabi... successdiscipline, may time management pa nga basta mga kaechusan...

“Pagpasensyahan niyo na, alam niyo namang hindi ko expertise ang gumawa ng speech, but still I tried because I know it’s a great opportunity to thank the people who were there and who are there for me.”

Sana naman isali niya ako diyan -.-

 

“First is ofcourse God... for giving me those people I’m with right now and also for giving me industry and patience... pero bakit courage hindi niya binigay? Hahaha.”

Okaaaay, tumatawa siya mag-isa. >.<

“Next is my family, especially Mom and Dad for being there to support me. Mom, Dad! Thanks for everything, I know I still have my own shortcomings as your child and I apologize for that. Sorry and thanks for everything. Lalong lalo na sa pangaasar niyo sa akin, because of that I realized everything.”

Ibang klaseng anak. Nagthank you sa pangaasar. Ano naman kaya yun?

“To my friends, Thank you very much... for being there for me. Hahaha, nagiging corny na ako dito eh. Pareng Rich, Stan, Drew, Alex... salamat, your part of it! Thanks a lot.”

Part ng alin? Victory? Corny mo AJ, di mo man lang ako binanggit. Leshe

“Lastly...”

Shemay, last na ‘to, ako na kaya? Sana... *crossed fingers*

“Lastly, I would like to thank Kaela......”

 

Uwi na ako! Kung pwede lang umuwi eh, hindi ko na pinakinggan yung sunod na sinabi ni AJ, psh, Kaela pa rin?! Ayoko na talaga. Di man lang ako binanggit kahit sa friends man lang.

Before I end this speech, pwede magkwento muna ?” He smiled.

Baliw, may magagawa ba kami?! Eh siya yung nagsspeech.

“Sometimes , something bad has to happen to you before you realize which one is really meant for you... I met a girl, she’s cute and... uhm, speechless talaga ako pagdating sa kanya >.<”

“Yieeeeeee!” sabi nung mga batchmates namin tapos sila Rich tumayo pa talaga para pumalakpak, abnoy talaga. Buti na lang Saavedra ako, di masyadong unahan kahit Fourth Year-A.

“She completes me, parang centrum lang diba? Pero totoo, she’s there to fill my emptiness. She’s there to make me smile. Hindi ko siya binanggit kanina kasi hindi naman ako magthathank you sa kanya... I want to apologize for being a coward. Kaya nga sabi ko kanina bakit hindi ako binigyan ni Lord ng courage pero ngayon I won’t let this happen twice, ayoko nang iwasan mo ako. Ay teka ah, pagbigyan niyo na ako, ngayon lang talaga ako nagkalakas ng loob...”

 

Psh, sino na naman kaya yan?! Di man lang ako sinama sa speech niya. Boset!

“... Wag na nga tayong magpaliguy- ligoy pa. I love my best friend...”

Alam ko na yan, mga 10 million times mo nang nasabi sa akin yan eh.

“... more than just a friend. Kaela dumped me, sabi niya may mahal daw akong iba. I just have to open my eyes wide... At talagang brinoadcast ko, diba Kaela? Hahaha” Natawa lang si Kaela...

Di na ako makahinga. Promise 

“I love my best friend... more than just a friend.”

“I love my best friend... more than just a friend.”

“I love my best friend... more than just a friend.”

“My best friend stayed by my side nung nasaktan ako... Dun ko narealize lahat. She’s there everytime I need her, para pasiyahin ako at patawanin... pero hindi yun ang dahilan kung bakit ko siya minahal... I have this feeling na para akong obliged na alagaan at mahalin siya. Nung time na matagal tayong di nag-usap, yun yung time na inipon ko lahat ng lakas ng loob ko para sabihin sayo ‘to... Siguro diring-diri ka na sa kinauupuan mo  ngayon dahil sa mga pinagsasasabi ko >.< “

 

Sampal-sampal sa sarili... Totoo ba talaga itech? Maghhyperventilate na ako sa kinauupuan ko eh!!!

“Christine T. Saavedra, my best friend na mahal ko higit pa dun... hahaha”

Ok na eh bakit ka tumatawa, malamang nahihiya ‘tong mokong na ‘to pero kinikilig ako. 

“Ako naman ang number one sa batch natin eh...”

“Alam ko, kailangang iflaunt pa?!” sagot ko.

“Ako naman ang number one sa batch natin eh... pwede bang ako rin ang number one sa puso mo? Hehehe. I love you, Christine T. Saavedra.”

I  love you, Christine T. Saavedra.” Wala ng best? Best friend? For real?

 

Sasagot naman ako pero pagtapos na ng graduation, nakakahiya naman eh. Na-end naman niya ng maayos yung speech niya, pulang-pula ang loko. Hahaha. Pero humakot yan ng award!! Proud girlfriend... Joke, hindi pa...

Right after the commencement exercises...

“Ui, Akala ko ba sasagutin mo na yung tanong ko?” pagpapacute ni AJ, Sus, di na niya kailangan yan gwapo na cute pa eh. 

“Ulitin mo muna yung sinabi mo kanina!”

“Chris naman, nakakahiya!”

“Psh, kinahihiya mo pala ako.” 

Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at tiningnan niya ako sa mga mata ng deretso...  “Ako naman ang number one sa batch natin eh... pwede bang ako rin ang number one sa puso mo? I love you, Christine T. Saavedra.”

“HAHAHAHAHA...” syempre tumawa muna ako, ang corny eh... pero sweet.

“Hindi lang number one... only one pa. I love you more AJ.”

“Talaga? Ang saya ko! Best grad gift mo sakin ‘to Chris! I love you MOST Chris.”

And yes, this is our own commencement... The beginning of our journey together.

Ѽ

 

“Chris hindi ko mapropromise na nandyan ako lagi sa harap mo to protect you. Di ko rin ipropromise na nandyan ako sa likod mo para suportahan ka... But I’ll promise you one thing, Chris, I’ll stay by your side and we will face each hardship, predicaments, hindrances, basta... we will fight together... I will always love you, Chris, ikaw ang number one and only one sa puso ko...”

“Ikaw lang din naman ang number one and only one sa puso ko, AJ!”

He hugged me .. ng sobrang higpit... ang sweet talaga ng boyfriend ko, oo boyfriend ko! Kami na since graduation, patatagalin ko pa ba eh simula second year mahal ko na tong mokong na ‘to!!

At kahit magkaiba na kami ng university na pinapasukanm, sinisigurado pa rin niyang na hindi ako nababalewala... na nararamdaman kong special pa rin ako. 

Dad’s right, dumating na siya sa time na hindi ko inaasahang may sasama sa akin. I know Dad let me knew this person para may sumama sa akin saang jouney man ako patungo.

Oo, nahulog ako, nasaktan, nasugatan at nagalusan ng maraming beses... pero tumayo pa rin ako, alam kong hindi iyon ang huling beses na masusugatan ako, alam ko namang walang perfect relationship eh pero knowing na ngayon hindi na ako nag-iisa dahil alam kong sasamahan niya ako sa bawat padyak ko sa pedal ng bisekleta ng buhay ko... Handa na akong harapin lahat ng humps, traffic light, uneven na daan at kahit pa yung underconstruction pa lang na daan para sa aming dalawa....

 

Ѽ end Ѽ

Note For ANGEL:

Classmate na di ko naman classmate! Wahaha, yan, I wrote this story for you as my simple graduation gift. Sorry naman at medyo magulo dahil dati ko pa yan naisip pero di ko maisulat kasi wala akong purpose noon. :D 

Di ko rin kasi nabigay agad yung letter para sa graduation mo, basta... First of all, syempre Congrats! Graduation nga ay commencement, start of a new journey... Hope you'll be wiser in terms of decision making lalo na sa course na kukunin mo. I know you can do great in whatever field you decided to go... Basta, ah, HARWORK, INDUSTRY, DISCIPLINE, TIME MANAGEMENT  AND PATIENCE nga sabi ni AJ. Hahaha, Di pa tayo masyadong magkakilala pero I know na mabuti kang kaibigan. Yesh, andrama ko. Wahahaha, basta stay ka lang sa kung anong ugali mo... friendly!

Sinulat ko 'to para sayo, halos 3AM na ako natapos kaninang madaling araw! hahaha, Gets mo naman siguro kung bakit Christine yung name nung girl diba?

Again, congratulations classmate! Labyowww! :D

Lovelots, 

BittenAMBER :>

-----------------------------------------------

I POSTED THIS STORY OVER A YEAR AGO AND LITTLE DID I KNOW THAT AFTER WRITING AJ'S VALEDICTORY ADDRESS IN THIS STORY... 'YUNG SARILING VALEDICTORY ADRESS KO NAMAN ANG ISUSULAT KO MATAPOS ANG ISANG TAON.

GOD IS GOOD, ALL THE TIME. GOD IS GREAT. ♥

Continue Reading

You'll Also Like

401K 5.3K 53
Dream or Love? Playing relationship is difficult. You or Him? Paano isang umaga gigising ka na lang nasa loob kana ng bilanggoan? All accusations are...
4.7M 315K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...
134M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
526K 19.3K 28
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...