Practicing My First Real Kiss

By seeyara

16.8M 210K 16.5K

Mars Ochoco wishes for nothing but to have her treasured first kiss with her crush, Ezekiel Bautista. Just as... More

Chapter 1: The First Kiss
Chapter 2: The Second Kiss
Chapter 4: The Steamy Long Kiss
Chapter 5: The Kiss in Public
Chapter 6: First Love's Kiss
Chapter 7: The First Real Kiss
Chapter 8: Almost Love
Chapter 9: The First Boyfriend
Chapter 10: The Escape
Chapter 11: The Upside-Down Kiss
Chapter 12: The Cheating Boyfriend
Chapter 13: The Break-Up
Chapter 14: The Unwanted Encounter
Chapter 15: The Pageant
Chapter 16: Kiss Under the Mistletoe
Chapter 17: The New Boyfriend
Chapter 18: The Rumors
Chapter 19: The Forced Kiss
Chapter 20: The Truth
Chapter 21: The Message
Chapter 22: The Fireworks
Chapter 23: The Irony
Chapter 24: The Truth About Her
Chapter 25: The Whisper
Chapter 26: The Phone Call
Chapter 27: The Birthday Party
Chapter 28: Secret's Out
Chapter 29: The Graduation
Chapter 30: The Last Kiss
EPILOGUE

Chapter 3: The Kissing Monster Gets Jealous

652K 10.6K 1K
By seeyara

Chapter 3


Grabe! Sa past boyfriends ko, hindi pa ako naka-experience ng ganung kiss. Hindi ko inakala na kapag naglapat ang mga labi namin, ganun ang magiging kalalabasan. Parang fireworks! Hindi ko maintindihan, parang may pagsabog na nagaganap sa dibdib ko. Dala na rin siguro iyon ng kaba at excitement.

Ngayon ko lang naalala, hindi kami close bago naging kami... Ano nga ba ang mga alam ko sa kanya besides the fact na magaling siya humalik at pervert siya?

"Sino 'yong kahalikan mo sa labas? I thought may nambasted sa'yo kahapon?" Hinarang ako ni Kuya sa sa pintuan ng room ko. Nakapamewang pa siya.

"Pwede bang sa loob na tayo ng kwarto ko mag-usap?" pakiusap ko sa kanya.

Pumasok naman siya sa kwarto ko at umupo sa edge ng kama ko. Ni-lock ko 'yong pintuan ng kwarto at nilapag ang mga gamit ko sa may study table. Tapos nito ay umupo ako sa tabi ni Kuya Kriz.

"So ano nga? Sino 'yong kahalikan mo? 'Di ba kakabasted lang sa'yo kahapon?" sunud-sunod niyang pagtatanong. Tiningnan ko ng masama si Kuya Kriz.

"Hindi ba't sinabi mo rin kahapon na playgirl ako? Nag-e-enjoy lang ako ngayon sa boyfriend ko," sabi ko. Binibiro ko lang siya pero nanlaki 'yong mata ni Kuya.

"Boyfriend mo na 'yon?! Agad-agad?! Nagpaligaw ka man lang ba?" Obvious ba? Hindi naman ako nanghahalik ng lalaki na hindi ko boyfriend! Unless ako 'yong hinalikan. Hindi ko rin naman pwede sabihin sa kanya na hindi ako niligawan, baka tumaas pa ang blood pressure niya.

"Yes po, Kuya. Boyfriend ko 'yon. Gwapo, mayaman, at mabait naman 'yon. May pagka-perv nga lang kung minsan," natawa ako sa huli kong nasabi.

Nanlaki ulit ang mga mata ni Kuya. "Anong sabi mo?!" sigaw niya sa akin.

Napakamot ako ng ulo. Sabi na ba, aandar na naman ang pagiging overprotective niya! Hinawakan ko sa magkabilang balikat si Kuya.

"Kuya, 'wag kang mag-alala at kumalma ka. Nag-promise sa akin 'yong tao na 'di niya ako iti-take advantage."

Pumiglas sa akin si Kuya at ako naman ang hinawakan niya sa magkabilang balikat ko. Kaso, inalog-alog niya ako!

"Siguraduhin mo lang! Kapag mas malala 'yong ginawa niyan sa'yo kesa don sa Ezekiel, malalagot sa akin 'yon!" banta niya. Sobrang seryoso niya kaya para ma-defuse ang init ng ulo niya ay tinawanan ko lang siya.

"Di niya magagawa 'yon, takot niya lang sa akin," sabi ko pa. Bumitaw si Kuya sabay pat sa balikat ko.

"Gusto ko siyang makilala. Kikilatisin kong mabuti 'yon!" Tumayo siya at lumabas na ng kwarto.

Napahinga ako ng maluwang. Medyo okay na ako kay Kuya Kriz, si Renz na lang ang problema. Ano ba kasing meron kay Mark para hindi niya ako pansinin? Kambal niya pa naman ako, dapat sinasabi niya sa akin 'yong mga hinanakit niya. Hindi 'yong naghuhulaan kaming dalawa kung ano ba ang problema.

***

After kong mag-shower at magbihis, pumunta ako sa room ni Renz.

Kumatok ako sa pinto ng kwarto niya. "Renz? Pwede ba tayong mag-usap?" sabi ko sa pinto. Alam kong nasa loob siya.

"Sige, pasok," sabi niya. Napangiti ako sa pagsagot niya.

Pumasok ako sa kwarto niya at sinara ang pinto. "Renz, galit ka ba sa akin?" tanong ko kaagad sa kanya.

Nakaupo siya sa kama niya habang nasa harapan niya ang kanyang laptop. Napatingin siya sa akin tapos ay napasimangot.

"Bakit naman ako magagalit sa'yo?" tanong niya pabalik. Kailangan niya pa bang itanong 'yan? 'Di nga siya namamansin at laging nagdadabog sa harapan namin ni Mark e. Pero hindi ko na sinabi 'yon. Syempre, makikipagbati nga ako.

"Kasi hindi ka namamansin. Tsaka ano bang meron sa inyo ni Mark?" tanong ko, medyo rinig sa boses ko ang pagka-irita. Ayoko kasi ng nanghuhula ako.

Sumenyas siya na umupo ako sa tabi niya sa kama. Sumunod ako. Huminga siya nang malalim. "Hindi naman ako galit sa'yo," umpisa niya. "Sa totoo lang, naiinggit ako sa'yo kasi crush ko si Mark."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Crush niya 'yong perv na 'yon?!

"Pero after kong makapag-isip-isip kanina, marami ka nang pinaraya para sa akin. Kaya I thought this time, ako naman ang magpaparaya para sa'yo. May onting tampo rin ako sa'yo kasi hindi mo sinabing kayo na. Kailangan ko pa bang malaman sa mga kaklase natin?" Tiningnan niya ako ng masama pero alam kong pabiro lang ito. Natawa ako sa ginawa niya.

Sinuntok ko siya ng pabiro sa braso. "Sa'yo ko kaya pinaplanong unang sabihin. Kaso umalis ka kaagad nung nalaman mong si Mark 'yong humalik sa akin," pagbibiro ko.

Natawa si Renz sa sinabi ko at napakamot sa ulo. "Sorry na for being so immature." Niyakap niya ako ng sobrang higpit.

Ibinalik ko ang yakap niya. "It's okay, kambal. Peace na tayo ha?" Humiwalay ako sa kanya and she nodded.

Ngumiti siya ng pagkalaki. "So, ipapakilala mo ba ako kay Mark?" Bigla akong nakaramdam ng hindi maganda pero I shook it off. Si Renz iyan, kakambal ko iyan.

Nginitian ko siya bago tumango. "Okay. Siguro bukas sa uwian."

She smiled.

***

Umagang-umaga, inis na inis kaagad ako. Kasi naman, hindi pa nga ako nakakalabas ng gate, naaamoy ko na 'yong usok ng sigarilyo ni Mark. Padabog kong isinara 'yong gate paglabas ko. Napatingin siya sa akin. Hindi ko siya pinansin at dire-diretsong naglakad.

"Huy! Ano bang ginawa ko sa'yo at di mo ako pinapansin?" tanong niya habang sinusubukang sumabay sa mabilis kong paglalakad. 'Di ko pa rin siya pinapansin. "Huy! Pansinin mo naman ako!" pakiusap niya.

Bahala ka sa buhay mo!

Pagdating naming dalawa sa school, pinagtitinginan pa rin kami ng mga tao. Nakakahiya kasi 'yong ginagawa ni Mark. Sorry nang sorry sa akin, walang pakialam sa dinadaan at nababangga niya. 'Di man lang nagso-sorry sa nabubunggo niya. Napaka-contradicting. Pero hindi siya nakuntento, bigla niyang hinigit ang braso ko at ihinarap niya ako sa kanya. Iniwas ko siyang tingnan.

"May problema ba tayo? Kagabi naman okay tayo, ha?" Hindi pa rin ako sumasagot. "Kapag hindi mo ako sagutin this instance, hahalikan kita dito!"

Narinig kong nagbulungan ang mga tao sa paligid. Humarap ako sa kanya at tinaas ang kaliwang kilay ko. Talaga lang ha? As if kaya niy—mpf! Hinalikan niya nga ako! I gasped loudly. Tinulak ko siya at nag walk-out. I heard him laugh tapos sinundan niya ako.

"Akala mo 'di ko kaya, 'no?" tanong niya. Halata sa boses niya ang pang-aasar.

Pumasok ako ng classroom, lahat sila nakatingin sa akin. Nakaabot na siguro sa kanila 'yong "show" sa hallway. Ang bilis talaga ng tsismis dito sa eskwelahan namin!

Nilapag ko 'yong gamit ko ng padabog. Lalabas sana ulit ako pero sumunod ulit siya kaya hinarap ko siya.

"'Wag na 'wag mo akong susundan kung ayaw mong malintikan!" banta ko sa kanya dahil sa sobrang inis. Hindi ko na hinintay pa ang response niya at lumabas na ako ng classroom.

Naglakad ako kung saan-saan. Forty-five minutes pa naman bago mag-flag ceremony dahil Friday ngayon. Pinagtitinginan ako ng mga nakakasalubong ko. Nakakaasar! Ang hirap maging instant celebrity dahil sa kahihiyan na ginawa ng boyfriend mo.

Naglakad ako pero wala talaga akong certain na direksyon, I just found myself na nasa mini-forest ng school. Marami kasing puno dito kaya siya tinawag na 'mini-forest'.

Umupo ako sa lilim ng isang puno. Pumikit ako at huminga ng malalim tapos sumigaw. "Nakakaasar ka, Mark!"

Ayos na sana siya. Wala akong problema sa kanya pagdating sa pisikal na aspeto pero hindi ko talaga gusto na may bisyo siya! Ipapakilala ko pa naman sana siya sa Kuya ko. At mas nakakainis pa itong ginawa niya ngayon! Bakit kelangan ipahiya mo ako sa buong school? Bakit kailangan niya akong halikan sa harap ng madla? Nakaka-stress!

Nagulat ako nang biglang may nagsalita. "Ayos 'yong eksena niyo kanina ng boyfriend mo ha?"

Kahit kilala ko kung sino 'yong nagsalita, nagkunwari akong hindi. Instead, hinanap ko kung nasaan siya. Luminga-linga ako sa paligid.

"Sino yan?" tanong ko habang patuloy na tumitingin ako sa paligid. I heard him chuckle. Nagulat ako nang may biglang nalaglag galing sa taas. Umupo siya sa tabi ko.

"E-Ezekiel?" nauutal kong tanong.

"Ganyan ka pala kapag na-i-i-stress ka sa boyfriend mo," sabi niya habang natatawa. Parang nakakalimutan kong binasted niya ako. Ang gwapo niya kasi sa malapitan. Natutunaw niya na naman 'yong puso ko. Dati kapag nagkakatitigan kami, kinikilig na ako. Ngayon pa kayang kinakausap niya ako at tumatawa sa harapan ko?

Huwag kang magpakita na naaapektuhan ka, Mars! Inirapan ko siya. "Sa lahat-lahat naman ng makakarinig, bakit ikaw pa?"

He sighed. Napalingon ako sa kanya.

"Ezekiel..." Napatingin siya sa akin.

"Zeke na lang." Wow. Close na kami? Ganon-ganon na lang after ng pambabasted niya?

Huminga ako ng malalim at tumango. "Okay. Pwede bang magtanong?"

He smiled at me. "Nagtatanong ka na kaya," sabi niya habang nakangisi. Pfft. Pilosopo.

Tiningnan ko siya nang masama. "Geez. Ang pilosopo mo. I meant another question."

He chuckled then nodded.

"May split personality ka ba?"

Natawa siya lalo sa tanong ko. "Bakit mo naman naitanong yan?" he asked after he recovered from his laugh.

Napakamot ako ng ulo. "Kasi... Hindi ba nung isang araw lang pinaiyak mo ako? Tapos kahapon sinalba mo ko don sa monstrous ex mo pero parang ikaw naman ang aaway sa akin. Ngayon, tignan mo, nagtatawanan tayo," paglilinaw ko. Naging seryoso siya bigla. Yumuko siya, nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko. Teka, na-realize niya na bang mahal niya ako?

"Sorry sa mga nasabi ko." Nalaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Masyado akong naging harsh sa'yo. Sana mapatawad mo ako."

Oh. Akala ko naman kung ano na...

Narinig namin ang warning bell. Mag-uumpisa na ang flag ceremony. Hinila ko palayo ang kamay ko at nginitian ko siya bago tumayo.

"Ayos na sa akin na nag-sorry ka," sabi ko bago siya talikuran. Nagulat ako nang hilahin niya 'yong braso ko. Napalingon ako sa kanya, nakakunot ang noo.

"Kung mas maaga sana kitang nakilala, sana hindi na kita sinaktan. Mars, please, hayaan mo akong itama lahat ng maling nagawa ko sa'yo."

Bumitaw siya at umalis na. Iniwan niya akong nakabuka ang bibig dahil sa gulat. What was that?! Anong nangyari?

***

Habang nakapila ako sa line ng mga babae sa section namin, napapansin kong panay ang lingon sa akin ni Mark galing sa kabilang pila. Napatingin ako kay Zeke at napansing nakatulala. Napaisip ako sa nangyari kanina. Naguguluhan pa rin ako!

Paano kung nag-confess nga sa akin si Zeke? Paano na si Mark? Ngayon ko lang naisip si Mark. Shit. Nawala talaga siya sa isipan ko kanina nung magkasama kami ni Zeke. Sa pagkakaalam ko, walang bisyo si Zeke at si Mark, obviously meron. Gentleman sa lahat ng nagiging girlfriend niya si Zeke. Si Mark, may pagka-perv talaga. Pero kahit naman ganyan si Mark at ilang araw pa lang kaming close at 'kami,' kahit papaano ay attached na ako sa kanya. At isa pa, he promised me na he would respect me at never niya akong iti-take advantage. Parehas rin namang kaunti lang ang alam ko sa kanilang dalawa.

Napakamot ako ng ulo. Mali ito, hindi ko dapat sila ipinagkukumpara. Magkaiba silang tao talaga. Meron talagang lalamang at may magkukulang sa iba't ibang aspeto. At napaka-unfair!

Siguro kung itatanong ulit sa akin 'yon ni Zeke, alam ko na ang sagot. Kasi, for sure, mas kilala ko na sila non.

***

Homeroom ang subject namin at talaga namang pansin kong nakatingin pa rin sa akin si Mark. Napapansin na nga ng teacher namin kaya laging nakangiti sa akin.

"Balita ko, may naghalikan sa corridor kanina? LQ pa raw nang ganung lagay!"

Tawa nang tawa 'yong teacher namin. Naramdaman ko naman ang pag-init ng magkabilang pisngi ko at mas lalong hindi nakatulong 'yong mga kaklase ko sa pagtili at pang-aasar!

"Sino nga ba 'yong dalawang 'yon? Magsitayo nga!" sabi ni Sir na natatawa.

Tumayo naman si Mark na nangangamot pa ng batok habang kinukulit ako ng mga kaklase ko na tumayo. Tatayo na sana ako nang marinig ko ang boses ni Zeke.

"Sir, may I go out?" tanong nito habang nakataas ang kamay niya. Natahimik ang mga kaklase ko. Hindi na niya hinintay pa ang sagot ng teacher namin at tumayo na siya. Dire-diretso siyang lumabas ng classroom.

Nagtaas naman ako ng kamay at nagtanong ng, "May I go out also, Sir?" Narinig ko namang mag-'awwww' 'yong mga kaklase ko. Ito ang huling paraan para makatakas ako.

"Miss Ochoco, hintayin mo munang makabalik si Mr. Bautista," sabi pa nito.

Tumayo ako at umaktong naiihi na talaga. Hinawakan ko pa ang puson ko. "Puputok na pantog ko, Sir! Please!" pagmamakaawa ko.

Tumango na lang si Sir kaya tumakbo ako palabas. Narinig ko pang nagsalita si Sir. "Paano ba yan, Mr. Villareal? Nasusulutan ka na ata?" Nagtawanan ang buong klase. Nako! Napahiya ko pa ata sa klase si Mark! Bad, Mars! Bad!

Tumakbo ako papuntang mini-forest. Nakita ko siyang naka-higa sa sanga ng puno. Lumapit ako sa kanya.

"Zeke?" Napabalikwas siya kaya muntik na siya mahulog. "Nako, sorry! Muntik ka pang mahulog dahil sa akin," sabi ko after niyang bumaba ng puno.

Nginitian niya lang ako. "What brings you here again?" tanong niya bago siya umupo sa ilalim ng lilim. Sumenyas siya na umupo ako sa tabi niya.

Umupo ako. "Uhm, umiiwas sa intriga," sagot ko.

"Mas iintrigahin ka dahil sa pagsunod mo sa akin." He chuckled.

"Bahala na." Huminga ako nang malalim at ngumiti.

"Ang saya ng ganitong feeling 'no? Nakatakas ka sa problema mo kahit papano." He chuckled again. Bakit ba napakamasayahin niya lately? "Pwede magtanong, Mars?"

Tumango ako tapos tumingin ako sa kanya.

"Kailan pa kayo naging kayo ni Mark?" tanong niya. Oh... Sasabihin ko na sana after 'yon ng binasted niya ako kaso iisipin niyang rebound ko si Mark.

Pinilit kong ngumiti sa kanya. "Hindi ko rin alam. Basta naging kami na lang," pagsisinungaling ko.

He sighed. Umiwas siya ng tingin. "Mahal mo ba siya?"

Lumakas 'yong tibok ng puso ko. Anong isasagot ko? Nakakabigla naman ang mga tanong niya! Saan nanggagaling ang mga ito? Napalunok na lang ako.

"O-Oo naman," sagot ko. Umiwas na rin ako ng tingin sa kanya. Akala ko hindi na siya magsasalita pa pero mali ako.

"Pwede bang kapag nagsawa ka na sa kanya, sa akin ka mapupunta?"

Nanlaki ang mga mata ko. Holy shiz! Ito na 'yong hinihintay ko pero bakit hindi ko siya ma-feel? Bakit parang may mali na? Hindi ko magawang kiligin!

"I-I think I should go." Tatayo na sana ako nang hawakan niya 'yong kamay ko.

"Stay," bulong niya. Hindi ako nakagalaw. Hindi ko alam ang gagawin ko. Parang naging estatwa na lang ako. Hindi kami nag-usap pero magkahawak kami ng kamay.

Bakit ganun? Ito 'yong gusto kong mangyari pero hindi ako nasisiyahan. Kapag nakita ba kami ni Mark, magagalit kaya siya? Kapag nalaman niyang umamin sa akin si Zeke, magagalit kaya siya? Teka... bakit ko ba siya iniisip?

Kasi technically, boyfriend mo siya.

Hindi ko namalayang nakatulog na kaming dalawa. Nakaunan ako sa balikat niya at nakaunan siya sa ulo ko. Nagising ako, pero mukhang tulog pa siya. I-cherish ko muna siguro itong moment. Matagal ko ring hinintay ito. Ang bango niya! Tiningnan ko ang mga kamay namin. Para silang puzzle pieces na meant na magkadikit para maging buo kami. Pero bakit may parte sa akin na nagsasabing may mali? May hindi tumutugma. Napabuntong hininga ako sa inis. Hayyy... Tama ba itong ginagawa ko?

"Uhm, Zeke?" tawag ko sa kanya. Gusto ko ng matapos ito. Nagi-guilty ako.

Naramdaman ko ang paggalaw niya. "Yes?" Kanina pa ata siya gising.

"Kanina ka pa gising?" tanong ko para makumpirma ang hinala ko.

He chuckled. "Sino namang nagsabi sa'yong natutulog ako?"

"I really think I should go now." Binitawan ko 'yong kamay niya at umayos siya ng upo. Tumayo ako at nagpagpag ng uniform. "Sige, babalik na ako," paalam ko sa kanya.

"Tandaan mo 'yong sinabi ko ah? Andito lang ako kung sakaling sawa ka na sa kanya," pahabol niya pa bago umakyat sa taas ng puno.

Oh my God, Zeke. What happened to you?

***

Pagbalik ko ng classroom, lahat sila nakatingin. Lumapit agad sa akin si Renz. Halata sa mukha niya ang takot at kaba.

"What's... up?" I asked her.

"Si Mark..." wala siyang ibang nasabi kundi ang pangalan ng boyfriend ko. Mukhang takot na takot talaga siya. Mukhang may hindi magandang nangyari while I was out.

"A-Anong nangyari kay Mark?" tanong ko. She looked down. Hindi maganda ang pakiramdam ko.

"Na-badtrip siya bigla nong lumabas ka. Ang tagal mo pang nawala tapos lumabas din siya at hinanap ka ata. Tapos nalaman na lang naming may binubugbog na siya sa corridor," bulong sa akin ni Renz.

Nanlaki ang mga mata ko at lumakas ang kabog ng dibdib ko. "What?!" Napatingin ako sa paligid and there was no sign of Mark. "Where is he?!" Tumingin ulit siya ng diretso sa akin.

"Na kay Madam M, sa Order and Discipline Office."

'Di ko alam kung bakit pero I just found myself na tumatakbo papuntang ODO. Sakto namang papalabas na siya at lumabas na rin 'yong nabugbog niya. Wala man lang galos sa mukha niya pero 'yong nabugbog niya... kawawa.

"Mark! Ayos ka lang ba?" tanong ko sa kanya pagkalapit ko. Tiningnan niya lang ako. Lalong nag-intensify 'yong takot ko dahil ang cold niya.

"Ayos lang ako," sagot niya bago umalis. Sinundan ko siya. Bumilis 'yong paglalakad niya kaya sinabayan ko 'yong pacing niya. Ano bang problema niya?

"Mark, ano bang nangyari? Bakit ka ba nakipagsuntukan?" tanong ko sa kanya habang sinusubukang makahabol sa mabilis niyang paglalakad.

Huminto siya then he glared at me. Napahinto ako. "Gusto mo ba talaga malaman kung bakit?" tanong niya sa akin. Sobrang galit siya. Hindi ko siya gusto kapag ganito siya.

Tumango na lang ako. "Oo," sagot ko.

He looked away. "'Wag na, wala ka rin namang pakialam." Sabay alis niya.

Oh my... ano bang nangyayari sa mga tao ngayon?

***

Uwian na at hindi niya pa rin ako pinapansin. Ano ba talagang meron sa kanya? Ano ba talaga ang nangyari? Ako nga ang dapat na magalit sa kanya dahil sa bisyo niya at sa pagpapahiya niya sa akin, pero bakit sobrang alalang-alala ako ngayon sa kanya? Syempre! Natural lang naman siguro ito. Nakipagbugbugan 'yong boyfriend ko at hindi ko alam ang dahilan.

Noong nag-warning bell ay siya ang pinakauna sa lumabas. Halos lahat sila ay napatingin samin. Ewan ko pero naiiyak na ako. Feeling ko may kasalanan ako sa kanya. Guilty talaga ako kahit saang anggulo ko tignan. Pero bakit naman siya magagalit 'di ba? We're not exactly a real couple.

Paglabas ko ng classroom, wala na siya. Sabi na, isa ako sa mga dahilan kung bakit siya nakipagbugbugan. Tuluyan na akong naiyak. Siguro kasi hindi lang ako sanay na kaaway ko 'yong mga palagi kong kasama, parang kapag nakakaaway ko 'yong isa sa mga kaibigan ko, naiiyak talaga ako. Kahit na sina Kuya at Renz.

Nakayuko ako habang naglalakad palabas ng school gate. Nagulat ako nang may tumabi sa akin habang naglalakad. Hindi na ako lumingon kung sino siya dahil amoy ko kaagad 'yong usok ng sigarilyo niya. Pero nagulat ako nang kunin niya ang mga gamit ko. Hinawakan niya pa ang kamay ko. Napatingin ako sa paligid kung may nakakakita pa sa amin. Wala ng masyadong tao. Pero dahil dito, napansin kong hindi ito direksyon papuntang bahay ko o bahay niya.

"Saan tayo pupunta, Mark?" Tumingin ako sa kanya. Nakakunot pa rin ang noo niya.

"Sa condo ko," matipid niyang sagot.

Pagdating namin sa condo niya, nilapag niya agad ang mga gamit namin at ni-lock ang pinto.

Tumingin ako sa kanya, hindi ko na ma-contain 'yong curiosity ko. "Mark, magtapat ka nga sa akin. Bakit ka ba talaga nakipagsuntukan?" tanong ko sa kanya habang nakapamewang. Naiinis na talaga ako sa ikinikilos niya.

Tumingin siya sa akin ng masama. "Gusto mo talagang malaman kung bakit?!" sigaw niya sa akin na pagalit.

Aba, kaya nga tinatanong ko 'di ba? "Oo!" sigaw ko pabalik sa kanya.

He grabbed my right arm and twisted it. Napangiwi ako sa sakit.

"Mark! Nasasaktan ako!" sigaw ko sa kanya.

"Sa tingin mo, sinong matinong boyfriend ang matutuwa kapag nakita niyang may ka-holding hands 'yong girlfriend niya? Hindi pa nakuntento, nakaunan pa sa balikat ng ibang lalaki?"

What?! Nakita niya? Napailing ako. Nakita man niya o hindi, hindi dapat siya maapektuhan dahil hindi naman talaga kami. It was just an agreement dahil sa proposal niya ng kissing lesson.

"I can explain!" sabi ko. Nagpupumilit akong pumiglas. Hindi niya ako binitawan. Nagulat ako when he started to kiss me aggressively. Pilit ko siyang itinutulak habang nagsimula na akong umiyak.

I thought he won't take advantage of me... I was wrong. Dead wrong.

He kissed my neck. Iyak ko lang talaga ang maririnig sa kwarto. Hindi na ako makalaban dahil sa lakas niya. He then suddenly stopped. Napatalon siya papalayo sa akin. I started to sob real hard. Halos hindi na ako makahinga. Lumapit siya sa akin ng dahan-dahan. He made me sit down before he hugged me tight. Na-realize niya siguro 'yong kagaguhang ginagawa niya.

"'Di ba sabi mo rerespetuhin mo ako? Ano 'tong ginagawa mo?" I said between my sobs.

"I'm sorry... I'm sorry..." I heard him whisper into my ears. I just sat there, letting this stranger hug me. Paulit-ulit siyang humingi ng tawad. Wala akong magawa kundi umiyak na lang. "I'm sorry... Nagdilim 'yong paningin ko. I didn't know what I was thinking... I'm so sorry... I'm very sorry..."

He pulled away then wiped my tears with his bare hands.

"I'm terribly sorry, Mars. I didn't know what came over me." Umiwas siya ng tingin at nagtiim ng panga. "Nakita ko kayo ng best friend ko, Mars. Hindi mo lang alam kung anong selos ang naramdaman ko. Gusto na ata kita, Mars."


Continue Reading

You'll Also Like

32.5K 1.5K 20
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
58K 772 6
Lahat dinaraan sa biro ni Chuck at ang laging biktima nito ay ang dalagang si Kiera. Magkatrabaho sila sa isang pelikula at duon din nagsimula ang bi...
12.7K 250 23
Lahat tayo ay binigyan nang pagmamahal at pananampalataya sa ating Panginoon. Siya ang ating Tagapagligtas, Makapangyarihan at higit sa lahat ang nag...
1M 34.4K 57
Krista has always been the master of her life, especially her feelings. Destiny? Kismet? Fate? No such thing. But the universe seemingly mocks her as...