Practicing My First Real Kiss

By seeyara

16.8M 210K 16.5K

Mars Ochoco wishes for nothing but to have her treasured first kiss with her crush, Ezekiel Bautista. Just as... More

Chapter 1: The First Kiss
Chapter 3: The Kissing Monster Gets Jealous
Chapter 4: The Steamy Long Kiss
Chapter 5: The Kiss in Public
Chapter 6: First Love's Kiss
Chapter 7: The First Real Kiss
Chapter 8: Almost Love
Chapter 9: The First Boyfriend
Chapter 10: The Escape
Chapter 11: The Upside-Down Kiss
Chapter 12: The Cheating Boyfriend
Chapter 13: The Break-Up
Chapter 14: The Unwanted Encounter
Chapter 15: The Pageant
Chapter 16: Kiss Under the Mistletoe
Chapter 17: The New Boyfriend
Chapter 18: The Rumors
Chapter 19: The Forced Kiss
Chapter 20: The Truth
Chapter 21: The Message
Chapter 22: The Fireworks
Chapter 23: The Irony
Chapter 24: The Truth About Her
Chapter 25: The Whisper
Chapter 26: The Phone Call
Chapter 27: The Birthday Party
Chapter 28: Secret's Out
Chapter 29: The Graduation
Chapter 30: The Last Kiss
EPILOGUE

Chapter 2: The Second Kiss

800K 11.5K 1.6K
By seeyara

Chapter 2


Pagpasok ko sa loob ng bahay ay sinalubong ako nina Kuya at Renz. Umiwas ako ng tingin kay Kuya Kriz—a.k.a Krisantimo, ang baho 'no?—pati na rin kay Renz. Mukhang nawiwirduhan siya sa akin dahil sinabi kong magpapasundo ako.

But here I was, nakauwi safely ng mag-isa. Makakalagpas na sana ako nang magsalita si Kuya Kriz.

"At saan sa tingin mo—Maria Marciana Ochoco—ka pupunta?"

Napahinto ako sa tanong ni Kuya. Napatingin ako sa kanilang dalawa habang naka-cross arms sila ni Renz. Mas mukhang pa silang kambal.

"Uhm, sa kwarto?" sagot ko habang suot-suot ang pinakapekeng ngiti na nagawa ko today.

Tumaas ang isang kilay niya. Magsasalita sana siya nang unahan siya ni Renz.

"Without even explaining bakit ngayon ka lang nakauwi? At 'di ba sabi mo, magpapasundo ka kay Kuya Kriz? Teka nga—may ginawa ba sa'yo si Ezekiel?!" sunud-sunod na tanong nito. Bakit napasok sa usapang ito si Ezekiel? Tiningnan ko siya ng masama. Traitor!

"Walang ginawa sa akin si Ezekiel, okay?" I snapped at them.

Sumimangot siya. "Kaya pala namumugto ang mga mata mo 'no? Binasted ka 'no?" tanong nito, nang-aasar.

Lumaki ang mga mata ni Kuya Kriz sa narinig niya. "And who the hell is this Ezekiel guy? At anong binasted? Nanliligaw ka?! I thought you're a playgirl, Mars?" sunud-sunod niyang tanong habang nakangisi.

Bakit ba ang lalakas mang-asar ng mga kapatid ko?

Inirapan ko silang dalawa. "It's none of your business, Kuya and Renz! At kailan pa kayo naging si Mama at Papa? E wala namang mga pakialam sa akin 'yong mga taong 'yon, kayo pa kaya?!" I snapped at them again.

Totoo naman e, wala naman talaga akong kwenta para sa mga magulang ko. Lagi lang naman napupuri sa bahay na 'to si Renz at 'yong isa ko pang Ate.

Hindi sila umimik kaya nag-walk-out ako. Ang galing ko talagang tumakas sa isang sticky situation! Hindi naman ako galit, umiiwas lang ako sa pagiging overprotective ni Kuya Kriz. Pero surely, mamaya may mangungulit sa akin at aalamin kung bakit namumugto 'yong mga mata ko. Sino pa ba? E di 'yong kambal kong traydora!

***

Hindi ko sila pinansin during dinner. Mabuti at wala pa sina Mama at Papa. Baka hindi pa ako ganahang kumain kung nagkataon kasi kapag nandito sila, wala akong ibang nadidinig kundi compliments kay Renz. Hindi naman sa insecure, pero damn it, kailangan pa bang i-compare kami to the point na pinapahiya na ako? Minsan talaga naiisip ko na sana iba na lang mga magulang ko. Pero naisip ko rin na if that happened, hindi na ako magkakaroon ng kakambal at awesome na kuya.

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. "Ano bang nangyari kanina?" tanong ni Renz.

Bigla ba namang pumasok? Hindi man lang kumatok? I sighed.

Hindi ko sinagot ang tanong niya, instead ay tinarayan ko siya. "Hindi mo ba alam na matagal nang nailagay sa dictionary ang word na 'privacy'? At FYI, naimbento na ang 'pagkatok' before entering someone's room," tanong ko habang nagbibihis ng pambahay. Umupo siya sa kama ko.

"Whoa. Ang taray mo, kambal. Kung inaakala mong ma-o-offend ako sa sinabi mo, mas lalo lang kitang kukulitin kung anong meron!" she said with an evil smile.

Napabuntong-hininga ako. So much for privacy. "Oo na! Sasabihin ko na! Bwisit," sabi ko habang sinisenyasan siyang umusog sa pagkakaupo niya.

Ngumiti siya ng nakakaloko sa akin nang tabihan ko siya. "Ano na, kambal?" pangungulit niya pa.

Napakamot ako sa batok ko. Kahit kakambal ko siya, nakakahiya pa ring sabihin ang nangyari kanina.

"Uh... Kasi... Binasted ako ni Ezekiel," pag-amin ko. Nanlaki ang mga mata niya. "Oh my God! Nako, kambal! Okay ka lang?" Nabigla ako nang niyakap niya kaagad ako. Paano ko naman kaya sasabihing nagka-first kiss na ako?

Niyakap ko siya pabalik. "Akala ko ba tatawanan mo ako kapag umiyak ako dahil kay Ezekiel?" tanong ko sa kanya, pagpapaalala sa sinabi niya kanina.

Dahan-dahan siyang humiwalay sa akin at sumimangot. "Kakambal kita 'no. Magagawa ko ba naman 'yon?" she asked, bewildered.

"Kaya pala naiiyak ako kanina kahit comedy 'yong pinapanood namin ni Kuya. Umiiyak ka na pala non!" sabi niya habang nakasimangot.

Nagtaka ako nang bigla siyang napangiti ng nakakaloko. "Hmm... Anyway, may napanood kaming horror kanina. Hindi ko alam pero nagka-butterflies ako sa tiyan ko. Dude, may nangyari ba after ng basted scene niyo?" tanong niya habang tumataas-baba ang mga kilay niya.

Sabi na nga ba! Mahuhuli't mahuhuli ako nitong babaeng 'to.

Tinakpan ko ang mukha ko ng dalawang kamay ko. "May first kiss na ako pero hindi si Ezekiel!" pagmamaktol ko bigla.

Nagulat na lang ako nang biglang tumili siya nang tumili. Tumalon-talon pa siya sa kama ko. Binato ko tuloy siya ng unan.

"Renz! Shut up!" sita ko sa kanya. Napaupo siya bigla. Natawa ako nang mapansing parang nagti-twinkle na ang mga mata niya.

Ngumiti siya nang nakakaloko. "So, kambal, sino 'yon? Gwapo ba? O baka manyak lang sa tabi-tabi yan ha?!"

Binatukan ko siya kaagad. Ganon ba ako ka-cheap? Well, technically oo.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Asa ka! Anong tabi-tabi sa daan? Ano ako, cheap?!" tanong ko sa kanya.

Sumimangot siya. "Oo na! Sorry! So, ano nga?" tanong niya ulit.

Napapikit ako sa inis nang maalala ko 'yong nangyari kanina. "Gwapo siya pero manyak. Higupin daw ba ang dila ko?!" I said with a groan.

Tumawa nang malakas si Renz.

She leaned in. "At sino naman 'yang maswerteng lalaking nakahigop ng dila mo?" tanong niya, halatang kinikilig. Pero halatang nagpipigil din siya sa pagtawa sa aking kahihiyan. Pwede na bang pumatay ng kakambal mo?

Napabuntong hininga ako. Wala naman kasi akong matatago sa kanya. Might as well tell her the truth. "Si Mark Villareal," pag-amin ko.

Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ni Renz. "What?! No!" she yelled then stormed out of my room.

Napaisip ako sa inarte ng kapatid ko. Anong nangyari don? Sinabi ko lang 'yong pangalan ni Mark, nag-iba na 'yong timpla niya. Hindi kaya in-offer-an din siya ni Mark ng kissing lessons?

***

"Maria Marciana Ochoco!"

Nagising ako sa sigaw ng nanay ko. Ang aga-aga, mala-armalite na naman ang bibig ni Mama.

Kahit antok na antok pa rin ako ay bumangon na ako sa kama. Sinimulan ko na ang umaga ko sa aking mga morning ng rituals. Hindi ako pinapansin ni Renz kahit anong kulit ko sa kanya. Nagtataka na nga rin si Kuya Kriz sa inaasal niya. Ano kayang meron kay Mark at Renz? Matanong nga 'yong kissing monster na 'yon!

Papalabas na ako ng gate nang may naamoy akong usok ng sigarilyo. Kanina pa umalis si Kuya Kriz at hindi naman nagyoyosi si Papa. Isang tao lang ang naiisip kong may lakas ng loob na magyosi sa harap ng bahay ko.

Sinigawan ko kaagad siya pagkalabas ko ng gate. "Hoy! Kissing monster! Bakit ka nagyoyosi sa harapan ng bahay ko?"

Napatingin siya sa akin habang humihithit-buga ng yosi niya. Binugahan niya ako ng usok nang makalapit ako sa kanya. Bastos! Napaubo tuloy ako. Kaya ayoko ng may nagyoyosi e, hinihika ako!

Kinurot ko siya sa braso niya. "Walang hiya ka! May hika ako!"

Tinapon niya sa sahig 'yong yosi tapos tinapakan. He grinned. "Good morning din sa'yo." Bigla niyang hinawakan ang batok ko sabay hila at hinalikan ako sa lips. Saktong-sakto pa sa paglabas ni Renz. Napatingin siya sa amin habang hinahalikan ako ni Mark.

Awkward.

Dinabog niya 'yong pinto sabay nag-walk-out. Napabitaw sa akin si Mark dahil sa kalabog ng gate.

"Ano bang meron sa inyo ng kapatid ko?" tanong ko habang nakataas ang aking mga kilay. Napakunot ang noo niya.

"Kapatid mo?" he repeated. Tumango ako. "Hindi ko nga ka-close 'yong si Florencia e."

Mukha nga, Florencia tawag niya, e.

Lalo akong nagtaka sa sagot niya. "E bakit nung kinwento ko 'yong kamanyakan mo sa akin kagabi, bigla siyang nagalit nung binanggit ko 'yong pangalan mo?" Napansin ko na lang na naglalakad na kami at dala-dala na niya lahat ng gamit ko.

He shrugged. "Baka naman type ako ng kapatid mo." Tiningnan ko siya ng masama. Hindi naman siya natinag sa kayabangan niya. "Wala ka namang dapat ikaselos, ikaw naman ang girlfriend ko, 'di ba?" He grinned. Nakakainis 'tong lalaking 'to!

Muntik ko ng malimutan, kami na nga pala. "Speaking of which, boyfriend na kita, 'di ba? So kapag inaway ako mamaya sa school ni Jillian, ipagtatanggol mo ako." I smiled at him sweetly.

Again, he shrugged. "Pag-iisipan ko," sagot nito. Hindi ko napigilan ang inis ko. "Sampalin kaya kita hanggang sa mabungi ka?" I glared at him.

Tumawa siya bigla. "Hindi ka naman mabiro. Oo na! Poprotektahan kita. Mahal na kaya kita!"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

He just winked at me. Nakakakilabot, I swear.

Pagpasok naming dalawa sa campus, pinagtitinginan kami ng mga tao. Nagbubulungan pa nga 'yong iba. Ano ba 'to, nako-conscious na ako. Napansin ko pang 'yong ibang mga babae, masama 'yong tingin sa akin. 'Yong mga lalaki naman ay naka-thumbs-up kay Mark, habang nakangisi lang ito sa tabi ko.

Hindi ko na napigilan at nagtanong na ako sa kanya. "Mark, nagtataka na ako sa mga tao sa paligid natin... Bakit sila ganyan?"

Umakbay siya sa akin at ngumiti ng pagkalaki. "Kalat na kaya sa school na ikaw ang dahilan ng break-up ni Ezekiel at Jillian. Idagdag mo pa na girlfriend ka na ng crush ng bayan," paliwanag niya. Napakayabang talaga nitong lalaking 'to. Hindi na ba mababawasan ang kayabangan niyang 'yan?

Tiningnan ko siya ng masama. "Hindi ba talaga titino 'yang bibig mo? Puro na lang kasinungalingan lumalabas," tanong ko sa kanya.

Nagkibit-balikat siya. "Bigyan mo nga ako ng isang kasinungalingan na sinabi ko," he challenged me.

This time, I was the one who's smirking. "'Yong kanina, sabi mo mahal mo na ako," sagot ko habang nakataas ang isang kilay. Akala mo ha?

Sumeryoso siya bigla. "At sinong nagsabing kasinungalingan 'yon?" he challenged me again.

Naramdaman kong namumula ang mukha ko. "E-Ewan ko nga sa'yo!" Binilisan ko na ang paglalakad para hindi kami magkasabay. Mars naman! Bakit ngayon ka pa nag-blush?

Sinundan niya ako. "Uy! Nagba-blush 'yong girlfriend ko!" sabi niya, sabay tawa.

Nang makarating kami sa loob ng classroom ay nilapag niya ang mga gamit ko sa aking upuan. Tumingin siya don sa katabi kong lalaki—may seat plan kasi e—masamang tingin pala. Tinaboy niya ito at sinabihang palit daw sila ng upuan. Napakasama ng ugali nitong lalaking 'to!

"Pwedeng don ka sa upuan mo?!" Inakbayan niya na naman ako. Nakarinig naman ako ng tili sa likod. Bakit kailangang don pumwesto sa likuran 'yong mga kaibigan ko? Nakikita tuloy nila kung paano ako tsansingan ni Mark.

"Gusto ko sa tabi ng girlfriend ko. Bakit ba?" malakas niyang sagot.

Oh my God! Nakakahiya. Biglang pumasok sa loob ng classroom si Ezekiel. Napatigil siya nang nakita niya kami, at umiwas naman ako ng tingin. Nabaling tuloy ang paningin ko sa sumunod na pumasok, si Renz. Nginitian ko siya pero hindi niya ako pinansin.

Napabuntong-hininga ako nang sinubukan ulit akong akbayan ni Mark. "Dyan ka na nga!"

Tumayo ako at lumabas ng classroom. Makapaghilamos nga para mahimasmasan!

Pumunta ako ng CR at sa hindi inaasahang pagkakataon, na-trap ako sa mga tingin nina Jillian at ng kanyang tropa.

"Well, well, well. Nandito na ang mang-aagaw," she said as she crossed her arms.

Ito na nga ba ang sinasabi ko. Kukuyugin nila ako rito sa CR habang mag-isa ako.

Napalunok ako ng laway. "Wala akong inagaw sa'yo," sagot ko sa kanya. Sige pa. Magmatapang ka pa, Mars! Para masabunutan ka. Pero totoo naman ah, hindi ko naman inagaw sa kanya si Ezekiel.

"Oh, come on! Huwag ka ng magsinungaling. Si Zeke na ang mismong umamin sa akin kahapon," sabi niya habang nakatingin ng masama sa akin. Siguro kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa ako naging chop-chop lady.

Huminga ako ng malalim. Mars, don't crumble. Huwag papaapi kung alam mo namang wala kang ginawang masama. "Kung ano man 'yang sinabi niya sa'yo, imbento niya lang 'yon," I said, crossing my arms. Tarayan ba? Ilalabas ko ang taray ko ngayon!

She huffed. "Sinasabi mo bang inimbento niya lang 'yon?! Ha! Ang ganda mo ha?" she said sardonically. Tiningnan niya pa ako mula ulo hanggang paa. 'Yong tingin na nakakainsulto.

"Ngayon mo lang ba nalaman? Matagal na kaya akong maganda." I smirked at her. "Meron ka bang patunay na may gusto talaga sa akin si Ezekiel?" I challenged her. Natahimik siya. Tignan mo, hindi handa sa confrontation. Lakas nang loob makipag-away!

Her nostrils flared. Mukhang ito na ang katapusan ko!

"Pu—Zeke?!" Nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin sa likuran ko. Umikot ako at nandun nga siya, masama ang tingin kay Jillian. Lumapit siya sa amin.

"Tigilan niyo nga siya," sabi niya sabay hablot sa braso ko at hila sa akin palabas ng CR.

Habang kinakaladkad niya ako, pahigpit ng pahigpit 'yong hawak niya sa braso ko. Bwisit 'tong lalaking 'to! Que se joda na gusto ko siya, wala siyang karapatang saktan ako ng pisikal! Pumiglas ako sa mahigpit niyang pagkakahawak sa akin.

"Ezekiel! Nasasaktan ako! Saan mo ba ako dadalhin?!" sigaw ko sa kanya. Natauhan siya at biglang tumigil. Binitawan niya ang braso ko na parang nandidiri. Ano ba ako sa paningin niya? Basura?

"You should be grateful I saved you from her," he said, his face serious.

Aba, peste 'to! Sino bang nagsabing iligtas niya ako? Kaya ko naman si Jillian nang mag-isa!

Hindi ko na napigilan at pumamewang na ako. "Excuse me lang ha, hindi naman ako humingi ng tulong sa'yo. Kaya ko mag-isa si Jillian."

Bigla siyang natawa. Ano namang nakakatawa sa sinabi ko?!

"Bitter ka ba sa akin dahil binasted kita?" he said, smirking.

What? Ang kapal ng mukha niya! Halos papantay na sa kakapalan ni Mark.

Tiningnan ko siya ng masama. "Ang kapal din naman ng mukha mo 'no? Bakit ba lagi na lang ganyan ka? Ang yabang mo!" sigaw ko sa kanya.

He looked at me as if he was bored. "Wala akong pakialam sa nararamdaman mo, okay?"

Aba! Hindi pa ba siya nakukuntento sa pananakot niya sa akin kahapon? Sasagot pa sana ako nang may humawak sa magkabilang balikat ko at hinila ako. Mukhang nagulat din si Ezekiel.

"Okay, okay. I'll take it from here." I heard Mark's voice. "Tol naman, wala naman sanang talunan ng girlfriend," sabi nito bago niya ako hinila palayo kay Ezekiel. Okay... What was that?! Pinag-aagawan ba nila ako?!

***

Buong araw akong hindi pinansin ni Mark. Ewan ko ba kung bakit. Ako nga dapat ang magalit dahil wala siya sa tabi ko nung inaway ako nina Jillian. Imbes siya na boyfriend ko, si Ezekiel ang nagligtas sa akin laban sa ex-girlfriend niya. Pero kasalanan rin naman ni Ezekiel dahil siya ang puno't dulo ng gulo. Mas okay nga na siya ang sumagip sa akin. Ang hirap nang nadadamay sa mga ganitong away. Nakakainis na naiipit ako sa gulo nilang mag-ex!

Akala ko buong araw niya akong hindi papansinin. Pero nung uwian, pagkalabas ko ng room ay hinihintay niya pala ako. Walang sabi-sabi niyang kinuha 'yong mga gamit ko at hinawakan 'yong kamay ko. Though he's acting like a real boyfriend, nakikita ko pa rin 'yong pagka-aloof niya ngayon. I wonder why he's acting this way.

"Galit ka ba sa akin, Mark?" tanong ko sa kanya para makaiwas sa tingin ng iba. Syempre, PDA kaya! Holding hands sa loob ng campus.

"Bakit naman ako magagalit sa'yo?" tanong niya, pero wala ang tingin niya sa akin.

Galit nga siya. Hindi man lang niya ako matapunan ng tingin. Napabuntong-hininga ako, ang bigat kasi sa pakiramdam.

"Kanina ang kulit-kulit mo tapos simula nung nakita mo kami ni Ezekiel, bigla ka na lang di namansin," pagpapahayag ko ng observation ko.

I heard him sigh. "Gusto mo ba talaga malaman kung bakit ako nagkakaganito?" tanong niya. Finally, tumingin na siya sa akin pero parang natakot ata ako sa intensity ng tingin niya.

Tumango ako. "O-Oo naman! Syempre!" Sino bang hindi? Ayokong sinusungitan ako tapos hindi ko alam ang dahilan.

"Nagseselos ako," he said, his voice low.

Napakamot ako sa ulo ko gamit ang free hand ko. "Mark naman! Wag mo nga akong pagtripan!"

Umiwas siya ng tingin at hindi umimik pa. Bakit naman siya magseselos? Hindi naman talaga 'kami'. As far as I know, part lang ito ng condition niya dahil sa offer niya.

Hindi ko na rin siya pinansin pa pero may oras na tinitignan ko siya. Grabe naman 'to, ang sama talaga ng aura niya. Baka hindi lang halik ang gawin nito sa akin! He looked so pissed.

"Mark, saan tayo pupunta?" tanong ko nang mapansin kong hindi ito 'yong daan papuntang bahay namin. Hindi pa rin siya lumingon.

"Di ba tuturuan kitang humalik? Alangan namang sa bahay mo, 'di ba?"

Nakahinga naman ako nang maluwag. Pero bigla akong napasinghap. Saan niya ako dadalhin para mahalikan?!

Natawa siya bigla. "Grabe naman 'to maka-react! Sa bahay kita dadalhin kasi may ibang tao dun! Ayoko namang dun ka sa condo ko, baka mag-chicken out ka bigla." He chuckled. Ay, mood swings? PMS-ing much? Baka may bloody visitor si Mark!

Napakunot ang noo ko. "May condo ka?" tanong ko. Wow, mayaman. Pwedeng pagkakitaan—not!

Napahinto siya sa paglalakad at lumingon sa akin. "Oo, di mo ba alam?" tanong niya na parang hindi makapaniwala.

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya. If I know, nagsisinungaling na naman 'yan. I just shrugged. "Anyway, anong una mong ituturo sa akin?" tanong ko.

He grinned. Naman e, kakaiba iniisip nito kapag ganyan 'yong ngiti niya.

Nagsimula ulit siyang maglakad kaya sumunod na rin ako. Hawak niya pa rin kasi ang kamay ko. I didn't exactly have a choice.

"Napag-isipan ko kasi 'yong five basic kisses muna. Tapos sa ibang araw 'yong mga tricks," sabi niya habang nakangiting nakakaloko. Mas okay na itong mukha siyang sira kesa galit. Parang papatayin niya lahat ng taong nakatingin samin sa sobrang bad mood niya e.

Napaisip ako. Kagabi pa ako binabagabag nito e. "Ilang kiss ang ituturo mo sa akin kada araw?" tanong ko.

Napaisip naman siya. "Dalawa," sagot niya. Teka, ilan ba ang klase ng halik ang ituturo niya? Kung 100 'yon, 50 days kaming magiging magkarelasyon.

"Ilang klase ba ng halik ang ituturo mo sa akin?" tanong ko ulit. Kailangang malaman ko ito. Pwede naman siguro akong mag-back-out kung hindi ko magugustuhan ang isasagot niya.

Ngumisi siya. "Kung ilan 'yong alam ko," simple niyang pagsagot. Nako, paano kung araw-araw ay padami nang padami 'yong nalalaman niya? Paano kung nagre-research pala siya? Baka hindi na kami maghiwalay non!

Nang makarating kami sa bahay nila ay sinalubong kami ng maraming katulong. Bumati lang sila kay Mark matapos non ay pinakilala niya ako sa kanila. Nagulat na lang ako nang biglang may middle-aged woman na tumakbo papalapit sa amin at niyakap ako.

She smiled at me. "You must be Marciana? My son's girlfriend, right?" she asked, looking back at me.

I just nodded. Napatingin ako sa direksyon ni Mark. Namumula si gago at napakamot siya sa batok. Ngayon ko lang na-realize na sign ito nang pagkailang niya.

"Mommy, ayaw niyang tinatawag siyang Marciana, Mars na lang."

Ngumiti sa akin 'yong mommy niya habang tumatango. "I'm Evita Villareal, Mark's mom. Gusto mo tawagin mo na rin akong Mommy?" she asked, winking.

Nanlaki ang mga mata ni Mark. "Mommy!!! 'Wag mo nga akong ipahiya kay Mars, please!" he pleaded.

Natawa lang ang Mommy ni Mark. Napayuko naman ako dahil sa pinararating ng Mommy ni Mark. She liked me for her son.

"Uhm, okay po, M-Mommy." Nakakahiya ito. Mukhang kinikilig pa ang mga katulong nila sa kanilang nasasaksihang 'meet-the-parent'.

She grinned at me. Mukhang natuwa talaga siya sa pagtawag ko sa kanya ng 'Mommy'.

"Sige, maiwan ko na kayo, I need my beauty rest dahil magdi-date kami ng daddy ni Mark bukas. Do whatever you want in this house, walang manggugulo sa inyo," she said. She winked at me again before she walked away. Ang weird ng mommy ni Mark. Mukhang alam ko na kung kanino siya nagmana.

Napatingin ako kay Mark na sobrang namumula pa rin sa kahihiyan. He looks so cute. Umakbay siya bigla sa akin then he dragged me to their sofa. Pinaupo niya ako at tumabi siya sa akin.

"So, saan mo gustong matutunan ang first lesson mo? Sa kwarto ko? Sa guest room? Sa balkonahe? Sa kitchen? Sa hagdan? Sa garden? O sa banyo?" sunud-sunod niyang tanong.

Binatukan ko siya dahil sa mga binigay niyang options, tapos ay tiningnan ko nang masama. "Anong banyo? Nasisiraan ka na ba ng bait?" I hissed at him.

Nagkibit-balikat siya. "Hindi ba't sabi ni Mommy, gawin natin ang kahit anong gusto nating gawin? Wala namang iistorbo satin!" pagpapalala niya. Nakangiti pa siya ng nakakaloko. 'Yan na naman siya! Naramdaman kong uminit ang mukha ko.

Hinampas ko siya sa braso. "Ano ka ba? Dito na lang," sagot ko habang lumilingon sa paligid namin.

"Okay," sabi niya.

Nagulat ako nang bigla niyang nilapit ang mukha niya sa akin. Bakit hindi man lang siya nagsabing start na pala? Napalunok ako. "Now na?" tanong ko. Tumango lang siya at seryosong nakatingin sa mga mata ko. "Anong kiss ito?" pabulong kong tanong sa kanya.

Tumingin muna siya sa mga labi ko bago sumagot. "Smack," bulong niya pabalik.

Napalingon ulit ako sa paligid namin. "Uhm, Mark? Baka biglang lumabas si Mommy—"

"Shut up." Ipinikit niya ang kanyang mga mata at dahan-dahang lumapat ang labi niya sa labi ko. Sa hindi ko malamang dahilan ay napapikit na rin ako. He didn't move his lips, tulad nga ng sabi niya, 'smack' lang muna. I tried to peek at napatingin ako sa taas. Nakita ko ang mommy ni Mark na kilig na kilig. Nang mapansin niyang nakatingin ako, napaatras siya bigla.

"Oops..." narinig kong sabi niya. Bigla na lang itong pumasok sa isang kwarto. Ako 'yong unang humiwalay sa halik namin ni Mark.

Dumilat si Mark at mukhang nagtataka. "Bakit?" tanong nito. Napansin niya sigurong namumula ako.

Napatingin ulit ako sa taas. "Nakita ko kasi si Mommy. Kilig na kilig siyang nanunuod sa atin," sabi ko habang nakasimangot. Ramdam na ramdam ko ang pag-init ng tenga ko.

Ngumisi siya. "Sus, hayaan mo siya," sabi niya. "Dali, ikaw naman humalik sa akin, quiz mo," he said while moving his eyebrows.

Paano kung may makakita ulit sa amin? Nakakahiya na nga na nakita kami ng mommy niya. Ayokong maulit pa ito sa iba. Sumimangot ako. "Pwede bang sa kwarto mo na lang para walang makakita?" tanong ko sa kanya.

He only rolled his eyes.

"Sige na nga," sabi nito. He stood up then picked up our stuff.

Umakyat na kami sa taas at dumiretso sa kwarto niya. Sinara niya ang pintuan.

"Ila-lock ko ba?" tanong niya habang nakahawak sa doorknob.

I nodded. Baka kasi may maglakas ng loob at sumilip. After niyang i-lock 'yong pinto, pinaupo niya ako sa kama niya. Pinaghintay niya ako ng kaunti dahil nagbihis pa siya ng pambahay. Pagkabalik niya ay umupo kaagad siya sa harap ko. Nakatitig lang siya sa akin. Bakit kaya?

He rolled his eyes. "Ano pang hinihintay mo? Halikan mo na ako!" sabi niya na parang naiirita. Sama talaga ng ugali!

Tiningnan ko siya nang masama. "Oo na! Eto na nga 'di ba?" sabi ko, naiirita na rin. I put my right hand on his left cheek tapos unti-unting lumapit sa kanya. I thought this would be the easiest kiss dahil pagdidikitin niyo lang naman 'yong lips niyo and then tapos na. Ginaya ko lang 'yong ginawa niya at tiningnan ko muna siya nang maigi sa mata, tapos tumingin sa lips niya. Sana naman hindi ako mukhang OA nito sa paggaya ko sa kanya. Napansin kong napalunok si Mark. Nininerbyos ba siya?

Unti-unti kong nilapit 'yong lips ko sa lips niya hanggang sa magkadikit na sila. I finally closed my eyes. Medyo mas matagal 'yong pagdikit ng lips namin ngayon kesa kanina. Lalayo na sana ako nang bigla niyang hawakan ang batok ko pati na rin ang pisngi ko. I gasped when his lips moved. Napadilat ako nang wala sa oras pero hindi ko na nagawa pang magprotesta. Parang gusto ko na rin ang nangyayari. I just found myself closing my eyes again and kissing him back.

Matagal-tagal rin kaming naghalikan at napansin ko na lang na nakahiga na kami. Oh my God! Iba na 'to! Napadilat ako. I pushed him lightly pero hindi pa rin siya tumigil. Ayoko pang pumunta sa next level! So I pushed him harder this time at natumba siya sa sahig. Napaupo naman ako sa kama.

Napatingin ako sa sarili ko. Oh no, gusot-gusot na ang uniform ko! Napatingin naman ako kay Mark, mukhang nagulat din siya sa kinilos niya. Pero noong nakita niya akong nakatingin sa kanya habang hawak-hawak 'yong lips ko, natawa siya bigla.

Tumayo siya sa pagkakabagsak niya sa sahig at tumabi sa akin. "Muntik na 'yon," I heard him chuckle. Pero hindi ako nakapag-respond dahil iniisip ko 'yong muntik ng manyari. Muntik na kaming... ack! No way!

Nagulat ako nang hawakan niya ang dalawa kong kamay. Tumingin siya ng diretso sa aking mga mata.

"Look, I'm sorry. Hindi ko sinasadya," he said, apologizing for what happened. He looked sincere at mukha rin siyang kinakabahan sa reaction ng mukha ko. Ano bang facial expression ko?

Hinintay niyang makasagot ako pero hindi ko pa rin mahanap 'yong boses ko. Tumango na lang ako. Takte, unang lesson pa lang, sabit na! What more sa susunod? But he said he'll try not to do this again.

Napapikit siya ng mata. "Kung hindi ka pa rin convinced, sige. Nangangako akong hinding-hindi ako magti-take advantage sa'yo. Re-respetuhin kita," sabi niya pagkadilat niya. Napangiti ako sa sagot niya and so did he.

"Better?" he asked.

I nodded.

Nagkwentuhan muna kami bago mag-proceed don sa last kiss na ituturo niya. Nagpadala siya ng merienda pagkatapos. Gutom na kasi kaming dalawa. Na-discover namin na marami pala kaming similarities. Musically-inclined din siya, mahilig kumain, at movie-buff. Nakakatuwa naman. At least nagkakakilala na kami ng weird kong boyfriend.

Anyway, after naming mag-merienda ay humiga kami sa kama niya. Hindi na ako kinabahan dahil nag-promise siya sa akin na rerespetuhin niya ang pagkababae ko.

"Anong kiss 'yong ginawa natin kanina?" out of nowhere ay bigla kong naitanong.

Lumingon siya sa akin. He chuckled. "'Di ba nga sabi ko smack?" sagot niya. Hindi naman kasi 'yon ang tinutukoy ko!

"I meant the last one! 'Yong muntik ng mag-lead sa... you know," I said.

I was surprised when he blushed furiously. Umiwas siya ng tingin sa akin. Mas maganda atang titigan ang kisame kesa sa mukha ko.

"'Yon ba? French kiss na kaya 'yon. Masyadong kang nag-level up," sabi niya nang natatawa. "Wala pa nga tayo sa intimate kissing. Err... nagdaan din pala tayo dyan kanina, so nag-level up ka talaga," sabi niya habang nakangiti. Pero kita pa rin na namumula ang pisngi at tenga niya.

"You're blushing!" hindi ko na napigilan pa at sinabi. Tawa ako nang tawa sa kanya dahil parang siya ang ninakawan ng first kiss sa aming dalawa. Sobra kasing pula ng mukha niya. Grabe, kiligin daw ba? Maasar nga. "Ituro mo na sa akin 'yong next sa smack." I grabbed his collar at ipinaharap siya sa akin.

He blinked twice. "Hindi mo ba napapansin na nase-seduce mo ako ngayon?" tanong niya matapos lumunok.

I smiled at him. "Hindi ba halatang sinasadya ko?" pagsisinungaling ko.

Umupo siya bigla. "Stop it! Baka 'di ko mapigilan!" he said.

I chuckled. Nakakatawa talaga siya kapag nahihiya. Hinila ko siya at napahiga ulit siya.

"Ituro mo muna sa akin then I'll stop seducing you." I grabbed his collar again. I saw him swallow hard. Wala palang panama sa akin 'tong lalaking 'to e.

"Oo na! Sige na! Passionate 'to a!" sabi niya.

I nodded. Nagulat ako nang halikan niya kaagad ako. Mabagal lang siya at masasabi mong passionate nga kasi parang ini-enjoy mo lang 'yong moment. He opened his lips slightly, na-gets ko naman na itong passionate kiss. Madali lang siya kung feel mo 'yong moment at synchronized kayo ng kissing partner mo.

He was the one who pulled away first and stood up. Inalalayan niya akong tumayo tapos non ay lumabas kami ng kwarto. Bigla siyang huminto at humarap sa akin. Ano kayang problema nito? Don't tell me 'di pa tapos?

Nagulat ako nang batukan niya ako. "Wag mo ng uulitin 'yon a! Baka hindi na ako makapagpigil sa susunod!" sabi niya at seryoso talaga siya.

Natawa ako sa reaction niya. Fine, na-touch ako. Determinado siyang hindi mabali 'yong promise niya na rerespetuhin niya ako. I smiled at him.

"Sorry! Nag-try lang naman ako kung gagana sa'yo 'yong seducing powers ko," paliwanag ko.

Sumimangot siya. "Masaya ka na ngayon at gumana?" tanong nito.

Tumango ako habang nakangisi. "Syempre naman!" sabi ko.

Natawa na rin siya sa akin. "Lika na nga! Gutom lang 'yan!" Hinila niya na ulit ako at nagsimulang maglakad.

"Yes! Food!" I cheered while trailing after him.

Sa kanila na rin ako naghapunan. Nakasabay namin ang mommy niya. Grabe nga siya mang-asar kung ano 'yong ginawa namin sa kwarto ni Mark. Hindi pa nakatulong na nag-blush kaming pareho kaya tawa nang tawa si Mommy. Puro asar ang inabot namin sa kanya.

After naming kumain, hinatid niya na ako sa bahay. 7 p.m. na kasi, baka pagalitan na naman ako ni Kuya Kriz.

Bumaba kami sa kotse niya at parehong huminto sa harap ng gate.

"So, sunduin kita ulit bukas ng umaga?" tanong nito habang hawak-hawak ang dalawang kamay ko.

Tumango ako. "Okay." Nginitian ko siya.

"Okay, bye," sabi nito bago lumakad pabalik sa kotse niya.

"Mark! Wait!" tawag ko sa kanya. Lumingon siya. Hinila ko siya at hinalikan sa lips, smack lang syempre. Humiwalay ako sa kanya at nginitian ulit siya. "Paganti sa ginawa mo kahapon bago ka umuwi. Bye!"

He grinned then waved his hand goodbye.  

Continue Reading

You'll Also Like

2M 76.3K 164
Sml? An epistolary.
3.5K 114 10
Paano kung may gusto kang bagay, at yung bagay na yun ay may pagmamayari na. palalayain mo nalang ba? o babalik ka sa dating gamit na minahal mo. A c...
565K 7.4K 33
Naranasan niyo na ba ito? yung tipong MAHAL ka niya pero iniwan ka pa din niya? nagtatanong sa sarili kung may kulang ba? di pa ba sapat lahat ng gin...
3.4K 96 19
Ano nga ba Thin Line sa buhay ng tao? Cover Designed by: ShiningRock. Thankyou. <3