Ang Mutya Ng Section E

By eatmore2behappy

134M 5.3M 3.3M

Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung... More

eatmore2behappy
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Not an update!
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 125.02
Chapter 125.03
PART TWO
Part Two

Chapter 20

994K 39.9K 20.2K
By eatmore2behappy

Sorry

Jay-jay's POV

Pwede bang ibalik yung oras? Sana pala hindi na ko lumabas ng cubicle kanina o kaya hindi na ko nag-cr para hindi ko na-encounter tong mga coloring book na to.

Panibagong problema tong mga to. Ang sakit sa ulo!

"Anu pang hinihintay mo Jay? Luhod na.." sabi ni Freya habang nakangiti sakin.

"A-ayoko." Sagot ko sa kanya at agad na nagbago ang mood nya.

"What?! Anung ayaw mo?!" Galit na sabi nya habang nagpapapadyak.

"Jay... Just do what she said." Utos ni Aries.

Huminga ako ng malalim. Nakaka-irita sila. Silang lahat na nakapaligid sakin. Para bang kaligayahan nila ang kahihiyan ng iba.

Yung mga ganito'ng tao yung masarap patikimin ng sarili nilang gamot. Yung kasabihan sa US na 'Taste of there own medicine'. Basta sinasabi nila yun kapag binabalik nila yung lakokohan nung tao sa gumawa.

"Okay..." Sagot ko na ikinangiti ni Freya ng husto.

Dagdagan ko kaya ng kulay yung muka nito gamit ang kamao ko. Makakangiti pa kaya sya?

"Anu pang hinihintay mo? Luhod na!" Sabi ni Freya.

Excited lang? Hindi makapaghintay? Huminga muna ko ulit ng malalim. Mga ilang ulit ko ding ginawa yun.

Totoo'ng lagi akong nakikipag-away dati. Ewan ko, feeling ko mawawala yung galit na nararamdaman ko kapag nasaktan ko sila.

Pero kung meron man akong natutunan sa pakikipag-away ko, yun ay labanan ang dapat labanan at wag pag-aksayahan ng oras ang hindi dapat nilalabanan.

Sa sitwasyon ko ngayon, mas gusto kong lumaban kahit hindi na dapat patulan ang mga kagaya ni Freya.

"Gagawin ko yung gusto mo pero bago yun, hindi ba dapat mag-sorry ka muna." Sabi ko habang seryosong nakatingin kay Freya.

Bahagya syang tumawa. "Kanino? Sayo? Why would i?"

"Hindi sakin... Anu nga ulit pangalan nun?... Tss. Yun! Ella."

Bigla'ng naging seryoso ang muka ni Freya at ganun din ang dalawang Canvas na kasama nya.

Hindi lang away na suntukan ang alam kong gawin. Marunong din akong lumaban sa ibang paraan.

Biglang naging interado si Aries at bahagya'ng lumapit samin. Malinaw sakin na girlfriend nya si Ella kaya alam kong may chance na maki-alam sya.

"Kay Ella?" Tanung ni Aries at tumingin kay Freya bago ibalik ang tingin sakin.

"Bakit sakin?" May mahinhing boses na nagsalita.

Pare-pareho kaming napatingin dun at bumungad sakin ang babaeng kaakbay ni Aries dati, yung mukang Koreana. Sya yung Ella? Nagbago na isip ko, gusto ko na pala syang makilala. Mas maganda sya sa malapitan.

"W-what are you talking about? B-bakit ako mag-sorry kay Ella? Wala naman ako'ng ginawa sa kanya." Tarantang tanung ni Freya.

"Pero sinabi nyo kanina sa CR, 'Si Ella'ng malandi, lahat nalang ng famous sa school nilandi'. Narinig ko sa inyo yun."

Natigilan si Freya sa sinabi ko. Halata rin ang takot nya. Bull's eye!

Nagkuyom ang kamao ni Aries kasabay ng pagsalubong ng kilay nito at pagtitig ng masama kay Freya.

"W-what? No! Wag ka nga gumawa ng kwento! Hindi namin sinabi yun..." Humarap sya kay Ella. "..Maniwala ka samin! Gumagawa lang ng kwento yang babae na yan! Diba girls?" Tanung ni Freya sa mga kasama nya'ng Canvas.

"O-oo... T-totoo yung sinabi ni Freya." Pilit na sagot nung dalawa.

"See... Gumagawa lang ng kwento ang babae'ng yan!" Muling humarap sakin si Freya at nanlilisik na yung mata. "..Wag ka nga'ng gumawa ng kwento! Gusto mo lang makaligtas sa pinapagawa namin sayo!"

Napataas ang isang kilay ko sa sinabi nya. Hindi yata nakaka-intindi ng instruction tong babae na to.

"Bakit ko ililigtas yung sarili ko sa pag-gawa ng kwento? At kung hindi mo naiintindihan, lilinawin ko sayo. Handa akong lumuhod, halikan yang sapatos mo at mag-sorry sayo kung magso-sorry ka muna kay Ella dahil sa mga pinagsasabi nyo tungkol sa kanya." Paliwanag ko.

In short, hindi ko nililigtas ang sarili ko. Gusto ko lang maging patas yung paghingi ko ng sorry. Pare-pareho kaming may ginawa'ng mali sa loob ng CR. Tsaka parang unfair sakin dahil binasa ko lang naman sila ng tubig.

Lumapit si Aries kay Freya at mahigpit na hinawakan ang kwelyo nito.

"Tinawag mong malandi si Ella?!" Galit na tanung ni Aries.

Kita kong pangingilid ng luha ni Freya. Sa takot na rin siguro kay Aries. Hindi ko pa nakikita'ng magalit si Aries pero dahil magkapatid sila ni Kuya Angelo malamang pareho sila.

"H-hindi... Maniwala ka samin Aries. Hindi namin sinabi yun." Mahinahong sabi ni Freya at may halong paki-usap.

Medyo naaawa na rin ako sa kanya pero naumpisan ko na. Masama na yung ginawa ko sa masama pero naunahan na ko ng inis sa kanila. Ayoko mang may mangyari'ng hindi maganda sakanila kailangan din nilang madala.

"Sayo pa talaga nang-galing yun! Anu'ng karapatan mong husgahan si Ella?!" Galit na sabi ni Aries.

Sa itsura ni Aries halatang napaka-laki ng galit nya kay Freya. Napaka-protective din ng dating nya kay Ella.

Bakit parang nakaka-inggit?

"Aries!" Biglang sumigaw yung Canvas-1. "Makinig ka.. Pwede'ng narinig nga ni Jay-jay yun mga sinabi nya sa CR pero hindi kami ang nagsabi nun?"

Lahat nakatingin na ngayon kay Canvas-1. Ha?! Anung gusto nyang sabihin? Eh sila-sila yung nasa CR. Alangan naman na galing sa tao sa labas yun.

"Gina-gago nyo----"

"Hindi naman nakita ni Jay-jay yung nagsalita diba? Narinig lang nya." Dagdag nung Canvas-1.

Anung gusto nila'ng sabihin? Kakapasok lang nila sa CR nung lumabas ako ng cubicle? Imposible!

Parang nagkaroon ng ideya si Freya. "Totoo yun. Nasa loob sya ng cubicle nung may nagsabi nun."

Binitiwan sya ni Aries. Halata'ng lalu syang nainis sa ginagawa nung mga coloring book.

"Kung hindi kayo ang nagsabi nun, sino?! SINO?!" Galit na sigaw ni Aries.

Kahit ibang Section halatang natatakot din sa kanya.

"Si Mica... Sya ang may sabi nun." Sabi ni Canvas-1.

Lahat sila tumingin sa katabi ni Ella. Sya nga yung kasama nila Freya kanina yung naiiba. May halong pagtataka at takot ang itsura nya.

"H-ha?" Sagot nya.

"Totoo yun.. sya yung nagsabi nun habang nagku-kwentuhan kami kanina sa CR." Paliwanag ni Freya.

Totoong magkakasama sila pero parang imposible na sya yun.

Hinawakan ng dalawang lalaki yung Mica at dinala sa harap ni Aries. Nakita kong ngumiti si Freya sa dalawang Canvas na kasama nya.

"Sinabi mo yun?" Mahinahong tanung ni Aries.

"H-hindi..."

Hindi talaga. Malumanay ang boses nung Mica, hindi ko nga narinig ang boses nya sa loob eh.

"Sya talaga yun Aries. Kasama namin sya sa CR.." Humarap sakin si Freya. "..Nakita mo din sya sa loob diba?"

"Oo.. pero----"

"See? It's her not us!" Mataray na sabi ni Freya.

"Oo nga pero hindi----"

"Sya dapat ang parusahan!" Sigaw ni Canvas-1.

"Teka nga! Hindi ko----"

"Oo nga.. parusahan na yan!" Dagdag ni Canvas-2.

Pakshet! Pagsalitain nyo ko!

Lalapit na sana ko kay Aries para magpaliwanag pero bumagsak yung isang lalaki'ng may hawak kay Mica at nasundan pa nung isa.

Si Calix!

Agad nyang niyakap si Mica. "Wala'ng pwede'ng manakit sa kanya! Dadaan muna kayo sakin!"

Pinilit nagpumiglas ni Mica pero mahigpit ang yakap sa kanya ni Calix.

"Wag kang maki-alam dito!" Sigaw ni Aries sa kanya.

Naalarma din ang ibang Section A. Napatingin ako sa Section E at nakita kong lumapit si Keifer kay Calix. Sinundan sya ni Felix, Kit at dalawa pa.

"Basta gulo ang hilig nyong makisali no?!" Mayabang na sabi ni Aries.

Okay... Hindi na kailanga'ng pakiramdaman. Mauuwi lahat to sa away! Wala bang aawat sa kanila. Guard! Security! Teacher! Kahit sino?!

"Section E nga kami diba? Wala'ng sinusukuang laban." Sabi ni Felix.

"At wala ring iwanan." Dagdag ni Kit.

Ramdam ko yung tensyon sa pagitan nila. Isama pang lumapit na rin yung ibang Section A sa tabi ni Aries.

Putik yan!

Lalapit na sana ko para maki-awat pero bigla'ng may humatak ng buhok ko.

"Aray! Anu ba?!"

"This is all your fault!" Sigaw ni Freya habang patuloy sa pagsabunot sakin.

"Anung ako?! Kayo kaya----" Malakas na sampal ang nagpatigil sa'kin.

Pakiramdam ko namanhid ang pisngi ko sa sakit. Hindi na kaylangang itanong kung sino gumawa non. Obvious naman na si Freya.

Wag kang makikipag-away! Hindi dapat patulan yan!

Tama! Hindi na dapat----aaaarrrggghhhh!! Nakakagigil ang pagmumuka nya!

Gumanti ako ng sampal dahilan para bumagsak si Freya sa lupa.

La! Napalakas yata!

Ramdam ko ang pag-tigil ng lahat at pagtitig sa'min. Bigla nalang umiyak si Freya at nagumpisa na ring mamula ang pisngi nya.

"Ang kapal ng muka mong gawin 'yon kay Freya!" Sigaw ni Canvas-2.

Akala ko susugurin ako nung dalawang Canvas pero laking gulat ko ng makita'ng hawak nila yung timba at ihahagis ang laman sakin.

Huli na para tumakbo ako, huli na rin para umiwas. Tanging pagtakip na lang sa muka ko gamit ang mga braso ko ang ginawa ko.

Hinintay kong mabasa ako pero sa halip na tubig, mainit na katawan ang tumama sakin. May yumakap sakin. Saktong pagtingin ko kung sino yun ay ang tilamsik ng tubig sa timba na tumama sa yumakap sakin.

David?

Tinignan nya ko. "Quits na tayo." yun nalang ang nasabi nya at bigla nalang syang bumagsak sakin.

Pinilit kong pigilan ang pagbagsak nya at napahawak ako sa likod nya. Bukod sa basa, malagkit ito at parang putik meron ding gumagalaw.

Napaupo ako sa sahig dahil sa bigat nya. Dun ko lang din nagawang tignan ang likod nya. Puro putik at.... BULATE!!

Yun pala yung nilagay ni Canvas-2 sa timba. Yuck! Eeiihhh!

Pero hindi yun ang inaalala ko. Walang malay si David! Ang init din nya.

Anung gagawin ko? Tumingin ako sa Section E para humingi ng tulong pero busy sila sa panunuod ng away. Nagsusuntukan na si Aries at Keifer.

Anu ba? Wala bang tutulong samin?

Continue Reading

You'll Also Like

365K 968 15
Fullfil your sexual imagination with these different stories that'll make your feel good.
7.7M 199K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
31.7M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
38.6K 343 38
Book 2 of The Good Step Father She knew it was her fault.Her step dad was locked in prison for the crime of rape against her.Young and vulnerable,she...