In His Paradise (Completed)

Galing kay Sevenelle

17.5K 474 97

Empress Cabrerra, a typical Manilena who'll set foot on a muddy province. Little did she know that she won't... Higit pa

Paalala
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 30
Wakas
Author's Note

Kabanata 29

440 10 2
Galing kay Sevenelle

Sick

I woke up at six in the morning of Wednesday feeling sick. Nahihilo ako at bumabaliktad ang sikmura ko. Nang maramdaman ko ang pag angat nito ay tumakbo ako sa banyo at halos isubsob ko ang mukha sa toilet bowl sa tindi ng sakit ng sikmura ko.

Suka ako ng suka ngunit kaunting tubig at puro laway lang naman ang lumalabas. Nang tumigil ang paghalukay ng sikmura ko ay agad ko itong ini-flash at nagmumog sa sink.

Naghilamos na rin ako at nagtoothbrush. Nang malasahan ko ang toothpaste ay muling bumaliktad ang sikmura ko ngunit pinigil ko ito. Binilisan kong magmumog.

Humarap ako sa salamin at nakita ang pamumula ng mukha at mga mata ko mula sa nangyari. Napasinghot ako sa sipon at ngumiwi nang gumuhit ang pinaghalong maasim at mapait na lasa sa lalamunan ko.

I've been waking up every morning feeling sick for three days. Nahihilo at bumabaliktad ang sikmura ko. I wasn't taking meds dahil gusto ko munang pumunta sa doctor. I don't do self medication. Nakakatakot iyon lalo na't hindi ko naman alam kung anong sakit ko.

Hindi pa naman ako nakapagpacheck up dahil busy pa ako sa opisina. Siguro'y sa sabado na lamang pagkatapos ng gig para sa isang brochure.

Alas otso ang pasok ko sa opisina kaya gumayak na ako. Nang makapagbihis ng office attire ay bumaba ako upang mag agahan.

Parang gusto ko ng something na may cheese... Iyong maraming cheese..

Nagtoast ako ng tinapay at nilagyan ng sunny side up egg. Nilagyan ko rin iyon ng ilang patong ng cheese. Nagtimpla din ako ng gatas na walang asukal. I don't know. Parang ayoko ng matamis na gatas ngayong mga nakalipas na araw. It was weird though.

My mouth watered from the sight of the food I have made. Agad ko itong nilantakan. Sarap na sarap ako at gusto ko pa sanang gumawa ng isa pa kaso ay mahuhuli na ako sa opisina.

Binitbit ko ang kahon ng cheese at inilagay iyon sa bag ko. Isinuot ko ang heels ko at lumabas ng bahay. I hailed a cab going to work.

Break time nang puntahan ako ni Alona sa cubicle ko. Napansin ko ang kakaibang braid ng buhok niya. Nagandahan ako roon. Siguro ay magpapaturo ako kung paano gawin iyon.

"Lunch na tayo?" Anyaya niya. Tumango ako at iniwan ang gawain sa mesa.

Bitbit ang bag ko ay nagmartsa kami papunta sa Marketing area upang tawagin si Nancy. Lumabas naman ito agad.

Pumunta kami sa dating kinakainan sa tapat lang ng building. Pumasok kami at nagsiupo.

"Anong order niyo mga Mam?" Anang waiter na medyo may katabaan pero maliit. Si Joe iyon.

Nagsisabi ng order ang dalawa. Nang matapos ay ako naman ang binalingan nila.

"Uhm.. Gusto ko ng... Salad. Iyong maraming cheese," wika ko at idinikta ang gusto ko pang kainin.

Nang tumingin ako kay Nancy at Alona ay mga weirdong tingin ang sumalubong sa akin. Nagtaas ako ng dalawang kilay.

"Bakit?"

"Anong bakit? Sigurado kang salad lang ang tanghalian mo?" Tanong ni Nancy. Nagkibit balikat lang ako.

Nang i-serve ang orders namin ay nadismaya ako dahil hindi ganoon karami ang cheese tulad ng gusto ko.

Naalala ko ang dala kong cheese sa bag kaya nilabas ko iyon at dinurog durog kasama ng salad. Nang isubo ko iyon ay napadaing ako sa sarap ng lasa. Halos mapapikit pa ako sa sarap na natikman.

"Ayos ka lang day?" Tanong ni Alona. Naroon na naman ang mga weirdong tingin nila.

"Masarap!" Sagot ko na lamang.

*****

Sa paglipas ng araw, akala ko ay wala nang weweirdo pa sa mga pangyayari sa akin. Hindi ko alam na may ilalala pa pala.

Alas diez ng gabi ng biyernes ay hindi ako makatulog. Paikot ikot lang ako sa kama. Hindi ako mapakali at parang may gustong gawin. I want to bake cookies.

Kahit ako ay hindi ko maintindihan ang sarili ko. These past days lagi akong random kung mag isip. At hindi ko mapigil ang sarili sa pag gawa ng kung anong gustuhin ko. And now I was dying to bake cookies late at night.

Bumaba ako sa kusina at isinuot ang pink apron ko. Inilagay ko sa mesa ang lahat ng mga kailangan ko. Good thing mayroon ako nung mga ingredients kung hindi ay baka saniban na naman ako ng kung anong espirito at maisipang mag grocery kahit sarado na ang mga marts.

Nagsimula ako sa paghahalo ng mga ingredients.. Wheat flour, vegetable oil, salt, corn starch, milk powder, butter, etc.. Hindi ko nilagyan ng asukal. No, I just didn't feel like making it sweet.

Pasado ala una ng madaling araw nang matapos ako at nilagay ang product ko sa ref. Dumiretso ako sa kama at agad na nakatulog.

Kinaumagahan ay nakaginhawa ako dahil hindi ako nagsuka. Siguro ay may nakain nga lang akong masama nitong mga nakaraang araw kaya ganoon.

But either way, I'm still planning to make it to a doctor. Para na rin makasigurado kung healthy pa ba ako o may sakit na.

Pumunta ako sa agency bitbit ang cookies na binake ko. I planned to give it to them.

Pagpasok ko ay naroon na ang co models ko na kasama sa shoot. Wala si Amber at si Melissa ang naroon. Narito rin si Crane. Kinawayan ako kaagad ni Candy kaya lumapit ako sa kanila at nilahad ang kahon ng cookies.

Niyakap ako ni Candy bilang pagbati. Nalanghap ko ang matamis niyang pabango at nagdulot iyon ng pagbaliktad ng sikmura ko.

Napabitaw ako sa yakap at diretso sa banyo. Narinig ko ang pagsunod niya kasama si Crane.

"Hala bakla! Okay ka lang?!" Si Candy. May humaplos sa likod ko at nakapagpagaan iyon sa nararamdaman ko.

"Hey.. Emp? You alright?" Si Crane at mukhang siya ang humahaplos sa likod ko. Hindi ako makasagot dahil tuloy tuloy ang pagsuka ko.

Pwe! Ang pangit ng lasa!

Nang mahimasmasan ako ay nagmumog ako. Hindi masyadong naalis ang pait at asim sa lalamunan ko.

"Water.." Kinuha ko ang inaabot na bote ni Crane. Nilagok ko iyon at nakaginhawa.

"Kaloka kang babae ka! Bakit bigla bigla ka na lang nasuka pagyakap ko sayo? Mabango naman ako ah!" Talak ni Candy habang inaalalayan ako ni Crane paupo.

"Hindi Candy.. May sakit lang ako nitong mga nakaraang araw.. Pupunta ako sa doctor mamaya," wika ko.

"I'll go with you," ani Crane. Tumango na lang ako.

"Tikman niyo 'to. I baked it," wika ko at binuksan ang box ng cookies.

"Wow! Thanks!" Ani Candy sabay dukot sa cookies. Ganoon rin ang ginawa ni Crane.

I looked at them expectantly.. Waiting for the two of them to utter a compliment.

Napanuod ko kung paano nagbago ang mukha ni Candy samantalang ganoon pa rin ang reaksyon ni Crane, nakangiti.

"Girl! Naubusan ka ba ng stock ng asukal? O nakalimutan mo lang? Kung ang mga walang love life bitter, ikaw naman matabang!" Komento ni Candy na nagpangiwi sa akin.

"Hindi ba masarap?" Disappointed na tanong ko.

"It's delicious!" Ani Crane at kumuha pa ng isa habang nginingitian ako. Ngumiti din ako.

"Thanks!"

"Girl, wala ka na bang pera pambili ng asukal?" Hirit ni Candy.

"Hindi ko talaga nilagyan ng asukal," sagot ko at dumukot rin sa kahon ng cookies.

"Bakit naman? Nagtatabang tabangan lang? Nandito naman si Crane para patamisin ka ah!"

Umirap ako sa kawalan. Nanunukso na naman si Candy. Hindi na lamang ako umimik.

Maagang natapos ang shoot. Alas dos pa lang ng hapon. Tirik ang araw sa labas at sobrang init. Nakakairita ang panahon.

"Sasama ka sa gimik?" Tanong ni Crane habang nag aayos kami ng mga gamit.

"Saan ba?"

"Sa Greenwich sa Mighty-M.." Sagot niya. Napaisip ako bago napangiwi.

"Ayoko roon. Gusto ko ng... Ice cream," sabi ko. Bigla akong naglaway nang maimagine ang malamig na ice cream sa dila ko. Yum yum!

"Then, do you want me to take you to Ice Cream Parlor?"

Pakiramdam ko ay nagningning ang mga mata ko sa narinig. Mabilis akong tumango at ngumiti.

"Sounds fun," wika ko.

Nagpaalam kami ni Crane na hindi makakasama dahil may ibang lakad kami.

"Magdedate na naman kayo?!"

Nagkatuksuhan na naman ang mga kasama namin. Inignora lang namin iyon, lalo na ako dahil sinakop na ng ice cream ang utak ko.

Nagmaneho si Crane patungo sa Ice Cream Parlor. Nang bumaba kami ay pinagbuksan niya pa ako ng pinto papasok sa shop.

Sumalubong ang malamig na tempretura at mabangong amoy sa loob ng parlor. Gustong gusto ko iyon.

Umupo kami sa isang sulok at malaya kong inilibot ang paningin sa loob. Matagal rin nang huling punta ko rito. Hindi naman kasi ako mahilig sa ice cream.

"Ako na ang oorder. Anong flavor sayo?" Nakangiting tanong ni Crane.

"Uhm.. Can I have cheese and ube flavor? And uhh... Vanilla, too!"

Pakiramdam ko ay nangingislap ng tunay ang mga mata ko habang sinasabi iyon. Narealize ko lang ang katakawang sinabi ko nang amused akong tinignan ni Crane.

"I.. Uh.. Cheese na lang.." Pagbawi ko dahil sa kahihiyan. Nakaramdam ako ng disappointment sa loob ko.

"No, I'll give you what you want. Okay? Wait here," aniya at nagtungo sa counter. Ilang minuto akong natahimik sa table namin.

Bumalik siya na may dalang tray. May apat na mangkok ng ice cream roon. Kinuha niya ang sa kanya na chocolate flavor at inilahad sa harap ko ang tatlo pang mangkok. Cheese. Ube. Vanilla.

Nakaramdam ako ng lubos na pagkatuwa ngunit napalitan rin iyon ng kahihiyan. Mukha akong patay gutom!

"Nakakahiya.." Usal ko sa maliit na tinig habang pabalik balik na tinitignan ang nag iisang mangkok ni Crane at tatlong mangkok ko.

"It's okay, Emp. Oorder pa ako ng dalawa para tig tatlo tayo. Would that make you feel better?" Aniya at nginitian ako. Tumango ako at ngumiti.

"Thank you.." Wika ko.

"Anything for you, Empress.."

The ice cream was an absolute heaven! I felt like I was craving for more but I refrained myself from getting another bowl. Nakakahiya at wala na akong mapaglalagyan sa loob ng tiyan ko.

Mag aalas kuwatro nang samahan ako ni Crane sa isang private doctor. Pumasok kami sa glass door at sinalubong ng isang secretary.

"Good afternoon Mam, Sir. This way please, have a seat," aniya at inilahad ang maliit na kamay sa isang wooden bench. Ang maikling buhok niya ay maayos na nakatali sa isang palumpon.

Umupo kami ni Crane sa upuan. Inilibot ko ang paningin sa clinic. May maliit ngunit kumportable na tanggapan. May isang table na para sa sekretarya, may mga files roon. May file cabinet sa gilid nito. Air conditioned ang lugar. Very light ang aura ng light green na dingding. Sa gilid ay may isa pang pintuan. Tingin ko'y naroon ang doctor.

"Ano pong concern natin Mam, Sir?" Tanong ng secretary at naglabas ng notepad. May sinulat siya roon.

"Gusto ko lang magpa check up. I was feeling sick this past days," sagot ko rito. May isinulat ulit siya roon bago tumango at inilahad ang pinto ng doctor.

"You can wait here?" Tanong ko kay Crane. Umiling siya.

"No. I'll accompany you," aniya.

"Hindi mo naman kailangang gawin..."

"I want to.." Pagpupumilit niya. Tinanguan ko na lang ito at pumasok kami sa pinto.

Sumalubong sa paningin namin ang isang babaeng doctor na tingin ko'y nasa mid thirties. Maamo ang mukha nito at may suot na spectacles. Ngumiti siya sa amin.

"Good afternoon doc," bati ko. Tumango siya na hindi naaalis ang ngiti.

"Have a seat," malugod niyang inilahad ang mga upuan sa harap niya. Umupo kami roon. I suddenly felt nervous. Hindi ko alam kung bakit ako nininerbyos! My gut's kind of telling me that I'm going to hear something...

"What can I do for you?" Malumanay na tanong ng doctor. I glanced at her name and read it was Dr. Gelin Vinluan.

"I was feeling sick this past days, Doctor.."

"For how many days already?" Tanong niya. Nagbilang ako sa isip.

"Six.."

"Anong mga nararamdaman mo?" Aniya at tinignan ako sa mga mata.

"Nagigising ako sa umaga na nasusuka. Lagi din akong nahihilo.."

Tumagilid ang ulo niya sa mga sagot ko. She eyed me suspiciously. Kumabog ang dibdib ko. Why? May malala ba akong sakit?

"Well.. Are you experiencing craving for specific food?"

Tumango ako at inisa isa ang mga kinahihiligan kong bigla. Isinama ko na rin iyong mga random kong ginagawa.

Matapos kong isinalaysay ang mga nararanasan ko ay binigyan ako ng mainit na ngiti ni Dra. Vinluan.

"When was your last period?" Tanong nito.

My last period? It was... It was.. Oh my God. Am I having the right conclusion here? Ang period ko ay dapat darating ilang araw matapos may mangyari sa amin ni Luke! I didn't realized I've missed my period for this month. It should be long due pero hindi dumating..

"I.. Uhh.. Last month. My period for this month should be.. Weeks ago but.."

Halos hindi ko maituloy ang sasabihin. Nagsisimula nang maghuramentado ang kalooban ko.

"According to what you have said about your activities lately, my presumption is that you are... Pregnant," aniya.

Pregnant. The word echoed inside my head. Parang may pumipiga sa lungs ko at hindi ako makahinga ng maayos.

"To confirm it, we should run some tests.. Would you want to do it?"

Wala sa sarili akong tumango. A part of me was hoping that her presumption is wrong. But another part of me.. loves the idea of carrying Luke's baby.

Nagsagawa ng urine test para sa akin. May well equip laboratory pala na karugtong ng opisina niya. Siya na rin ang nagprocess para makita agad ang result.

Naghintay kami ni Crane sa opisina niya. Walang umiimik sa amin. Kahit siya ay mukhang malalim ang iniisip.

Alas sinco pasado na nang lumabas si Dr. Vinluan sa kanyang lab. May suot pa itong surgical mask at gloves sa kanang kamay. Sa kaliwang kamay niya ay may papel.

"Are you good here? I have the result. And according to my findings..."

Tinignan niya ang papel at ngumiti sa amin ni Crane. Bumayo ang dibdib ko.

"It's positive. You are 18 days pregnant. Congratulations! Are you the father?" Tanong niya kay Crane.

Wala sa sarili akong napalingon kay Crane. Nakangiti siyang tumango sa doktor. Ako naman ay hindi alam ang mararamdaman. Nagbara ang lalamunan ko. Parang bumara roon ang puso ko.

Is this for real? I am really freaking pregnant?!

"Well then, I suggest you bring your partner to an Obstetrician Gynecologist for further information about her pregnancy," anang doktor kay Crane.

"And to you beautiful, take care of yourself okay? You're  not sick.. It's a blessing!" Aniya sa akin.

Wala sa sarili akong nagpasalamat at nagpaalam bitbit ang piraso ng folder sa kamay ko. Si Crane ang nagbayad ng bill.

Nang makarating sa kotse niya ay hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Ni hindi ko alam kung paano ko pakakalmahin ang sarili ko.

"You're pregnant.." Aniya pagkatapos umupo sa driver's seat. Hindi niya agad pinaandar ang kotse. "Congratulaions.."

Nilingon ko siya. Tulala lang siya sa kawalan at walang bahid ng ngiti sa kanyang mukha.

"Crane.."

Pumiyok ang boses ko kasabay ng pagtulo ng mga luha ko.. Nilingon niya ako. I can see the softness of his eyes.

"Sinong ama?" Tanong niya. Hindi naalis ang titig niya sa akin.

Napakagat labi ako. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong niya. I don't want to hurt him.

"Si Mr. Marquez? It's him, right? Mr. Marquez was the guy from your past. He's Luke.."

He knows.. He knows it was Luke..

Naiiyak akong tumango. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang disappointment sa mga mata niya. I clutched the envelope in my hand. May kumirot sa dibdib ko.

I am sorry, Crane..

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

5.8K 216 43
PART 1 OF 3 Ralia Austevores is a psychologist, family-oriented and lovely woman. However, every phase of toxic and broken relationships has been dif...
1.5K 97 44
Hiñago. An unwieldy surname to carry. Despite the weight, Damian, the 8th grandson of the province's most prominent clan-the Hiñagos- lived a happy...
1.6K 206 54
"An accident. A kiss. A cursed-accidental kiss with a man from a cursed family." Because of an accident, everything changed. An accidental kiss. It's...
35K 3.1K 45
Escaping an abusive man who claimed to be her husband is an endless nightmare for Gabriella Almarillo.