Desperate Secretary (Complete...

By ifitsmeanttobe

2.8M 45.4K 6.8K

"I'll do everything just to have you.. cause i'm desperate.." More

Desperate secretary.
Chapter one.
Chapter two.
Chapter three.
Chapter four.
Chapter five.
Chapter six.
Chapter seven.
Chapter eight.
Chpater nine.
Chapter ten.
Chapter eleven.
Chapter twelve.
Chapter thirteen.
Chapter fourteen.
Chapter fifteen.
Chapter sixteen.
Chapter seventeen.
Chapter eighteen.
Chapter nineteen.
Chapter twenty.
Chapter twenty one.
Chapter twenty two.
Chapter twenty four.
Chapter twenty five.
Chapter twenty six.
Chapter twenty seven.
Chapter twenty eight.
Chapter twenty nine.
Chapter thirty.
Chapter thirty one.
Chapter thirty two.
Chapter thirty three.
Epilogue.
Ramdom Facts and the Sequel ♥

Chapter twenty three.

78.2K 1.3K 249
By ifitsmeanttobe

Chapter twenty three.  

~Franco's Point of view~

Tuluyan ng nag-sara ang pintuan ng opisina niya. Hindi niya sinagot ang mga sinabi ko sakanya..napaupo naman ako sa sofa ng opisina niya habang nakatulala. Paulet ulet na tumatakbo sa isip ko ang mga sinabi niya.. 

"Mas maayos ang buhay namin ng wala ka!"


Pakiramdam ko naninikip yung dibdib ko ng bigla kong maalala ang mga salitang nagpadurog talaga ng puso ko...masakit isipin..na yung dating kulang nalang eh ipamukha sakin na ako lang mahalaga sa buhay niya at hindi niya kaya ng wala ako ay pinamumukha na sakin ngayong..isa akong walang kwentang tao. 

Yun ang naramdaman ko ng i-sumbat niya lahat sakin ang mga ginawa ko...pakiramdam ko..wala akong kwentang tao. 

Napatingin naman ako sa office table niya..nakita ko ang larawan ng mag-ina ko...mag-ina ko. Ang tanga tanga ko, sa loob pala ng dalawang taong paghihintay ko sakanya...may pamilya na pala akong nabuo. Pamilya ko sila...akin sila. 

Tumayo ako at kinuha ang picture frame na pinaglalagyan ng picture ng dalawang tao na importante sa buhay ko...buo ang desisyon ko, tutuparin ko ang mga sinabi ko sakanya. Kaylangan namin mag-pakasal..sa ayaw't sa gusto niya..kaylangan mabuo ang pamilya namin. 

---------

Isang buong linggo akong nagmasid sa labas ng  café ni Jam. Sa Isang linggong pagmasid ko sakanila ng anak ko nakaramdam ako ng pangungulila...gusto kong lumapit sakanila pero hindi ko alam kung paano ko gagawin yun..nag-isip nalang ako ng pwede kong gawin mapapayag lang siya sa kagustuhan ko..at ang naisip ko lang ay..mapapapayag ko lang siya sa tulong ng anak ko. 

Mukhang sumasang-ayon naman sakin ang tadhana dahil nakita kong sumabay sa paglabas ng isang customer ang anak ko ng hindi nahahalata ng guard. Ano bang klaseng guard 'to? Walang kwenta..hindi manlang tinitignan kung nakalabas naba yung bata. Lumapit ito sasasakyan ko at mukhang balak nanaman sipain ang mga gulong ko..binuksan ko naman ang pinto ko para makalapit sakanya. 

"Hi baby..you want some toys?" Tanong ko sakanya kahit alam kong hindi niya ako kayang sagutin ng maayos. Pinakita ko sakanya ang isang kotseng laruan na binili ko..halos matunaw ang puso ko ng makita ko ang mga ngiti sa kanyang mga labi. Kaya pala una palang magaan na yung pakiramdam ko sakanya...dahil anak ko siya..dugo ko ang dumadaloy sakanya. 

Kinarga ko ang anak ko at pinasok sa sasakyan ko..eto ang paraan na gagawin ko..hindi kasi ako magaling sa suyuan.. mas magaling lang ako sa santong paspasan. 

"Hello Mr. Mercado..napadala mo naba sa unit ko yung mga sinabi ko sayo?" Tanong ko sa abogado ko pagkasagot palang niya ng tawag ko..tinignan ko naman sa passenger seat ang anak ko..nakita kong ngiting ngiti naman ito habang naglalaro..napangiti nadin ako ng masisip ko na malapit na kaming mabuo. 

"Yes sir, nasa unit niyo na po yun..pinadala ko kay Cecile." Sagot naman niya. 

"Mabuti naman kung ganun. Thank you Mr. Mercado." Sabi ko ng tuyang magpalaam. Nagmadali akong pumunta sa unit ko.

Buhat buhat ko si Kielle na papasok ng unit ko. Iniupo ko siya sa sofa ko at pumasok sa loob ng kwarto ko para kuhanin yung ibang laruan na binili ko para sakanya. Pagkalapag ko naman ng mga iyon sa harapan niya halatang tuwang tuwa siya. 

"Car.." Napangiti naman ako ng magsalita siya. 

"Yes car..eto baby ano 'to?" Tanong ko pa sakanya at pinakita ang laruan na tauhan ni batman..tinignan niya naman ako. Natutuwa talaga ako kapag natitigan ko ang mga mata ng anak ko..pakiramdam ko kasi nabubuhayan ako ng loob..nagkakaron ako ng pag-asa na magiging buo din ang pamilya namin. 

"Wow Betmen.." Napatawa naman ako ng malakas sa naging sagot ng anak ko..nakita ko din na humagikhik siya. Ganito pala ang pakiramdam ng maging ama...pakiramdamam mo, kahit wala kang kwenta, nagkakaroon ng halaga ang buhay mo. 

"Itaw.." Sabi pa niya sabay turo sakin..naguluhan naman ako sa gusto niyang iparating sakin. Saka ko lang na-realize..na baka tinatanong niya ako kung sino ako...napangiti naman ako sakanya bago ko siya sagutin. 

"Ako si Daddy." Sabi ko ng malapad ang ngiti sakanya...yung ngiting totoo. Anga sarap sabihin..ako yung tatay niya. Nakakataba ng puso.

"Didy...itaw Didy." Natawa naman ako sa sagot niya sakin. Kinarga ko siya at nilagay sa lap ko. 

"Opo..ako po si Didy." Sakay ko naman sa trip ng anak ko. Nagulat naman ako ng bigla siyang maglambitin sa leeg ko. 

"Didy..milk." Sabi niya ng nakayakap sakin. Natuwa naman ako sa paghahanap niya ng gatas..kaso hindi ko alam kung paano gumawa nun kaya kinarga ko nalang siya papunta ng kusina at pinakitaan ng madaming pagkain..buti nalang hindi tinopak at kinain nalang yung mga bibnigay ko. Ang sarap sa pakiramdam ng may anak..alam ko na yung parating sinasabi ni Seb na..makita palang niya yung anak niya nakakalimutan na niya yung mga problema niya, tama siya. Kasi ngayon pakiramdam ko ako ang pinaka masayang tao dahil kasama ko ang anak ko. 

Binuhat ko naman pabalik ang anak ko sa sala ko at doon pinaglaro..binuksan ko din yung TV ko at pinanuod siya ng cartoons. The whole time nakatingin lang ako sakanya ng nakangiti. 

Nagulat ako ng sumampa siya sa sofa kung saan ako nakaupo at biglang yumakap sakin at siniksik ang ulo niya sa leeg ko Nagtaka naman ako sa ginawa niya. 

"Anong gusto ng baby ko?" Tanong ko naman sakanya. 

"Sleep yeye..sleep." Sabi niya sakin. Naguluhan naman ako, sinong yeye?

"Sinong yeye baby?" Tanong ko sakanya. Sinong yeye ang mautulog? 

"Yeye..yeye." Sabi niya sabay turo sa sarili niya..sa katangahan ko napa 'ahh' nalang ako. Haha. Pota san galing yung yeye nayun? 

"Okay sleep na ikaw dito.." Sabi ko ng humiga sa sofa at pinatong ko siya sa akin para makatulog. Pinatay ko naman yung TV para makatulog siya ng mahimbing sa ibabaw ko.  

Hindi ko namalayan na natulog nadin pala ako nagising nalang ako sa pagbagsak na bukas ng pinto ko. Sinilip ko kung anong meron..nakita ko si Jam na nakatayo malapit sa pinto na nakatulala..ineexpect ko ng pupunta siya, dahil alam kong hahanpin niya ang anak namin. 

"What the fuck Franco. Anong pumasok sa isip mo at kinuha mo ang anak ko?!" Sigaw niya ng makalapit siya sakin. Madiin ang pagkakasabi niya nito sa akin. Tumayo at binuhat si Kielle para dalhin ito sa kwarto..tulog pa kasi ang bata, pero bago ako makapasok sa kwarto..hinawakan ni Jam ang braso ko para mapigilan. 

"Akin na ang anak ko. Uuwi na kami." Madiin na pagkasabi niya. Hinarap ko siya bago sagutin. 

"Walang uuwi. Mag-uusap tayo." Sabi ko din ng madiin sakanya bago ako tuluyang pumasok sa kwarto ko para ihiga ng maayos ang anak ko. 

"Hindi uuwi na kami ng anak ko, wala tayong dapat pag-usapan dito." Sabi niya ng nakasunod sa akin. Hinarap ko siya at hinatak bago pa mapalapit sa anak ko..hinatak ko siya palabas ng kwarto. Kayalangan namin mag-usap. 

"Ano ba 'tong ginagawa mo Franco?!" Sigaw niya sakin. Hindi ko siya pinansin at kinuha ko nalang yung papeles sa ibabaw ng center table ko..nagulat naman ako pagkaharap ko sakanya ay tumutulo na yung mga luha niya..bigla naman akong nanlambot. 

"Tangina Franco! Hindi mo alam yung pag-aalalang ginawa mo sakin dahil sa anak ko! Hindi mo alam yung pakiramdam na bigla-bigla mo nalang kukunin tapos hindi mo manlang pinaalam! Halos mamatay ako sa kakahanap sakanya, alam mo bayun?! Hindi! Kasi sarili mo lang ang iniisip mo!" Sigaw niya sakin habang umiiyak..hindi ko alam pero napatulala nalang ako. Ginawa ko lang naman kasi yun..dahil no choice ako, yun lang ang paraan para makausap ko ulet siya. 

"Yun ba talaga ang gusto mo?! Yung nahihirapan ako ng todo?! Wala na bang iba Franco?! Kasi alam mo, nakakapagod sobra! Hindi kita maintindihan! Bakit mo ba ginagawa 'to?! Anong dahilan mo?!" Sigaw pa niya. Nakikita ko na nga sa mga mata niyang nahihirapan siya..pero gusto kong matupad yung plano ko. Nilapag ko sa harapan niya yung papeles na hawak ko. 

"Pirmahan mo 'to." Sabi ko. Tinignan niya naman yung mga papeles sa harapan niya at binasa. 

"Wow. Marriage contract. Seriously?! Anong gusto mong iparating at meron nito sa harapan ko?!" Sigaw niya. Tama..marraige contract ang nasa harapan niya..pinagawa ko yun sa abogado ko..legal yun. Naisip ko na mas mabuting yun muna ang asikasuhin ko..saka ko na siya ihaharap sa altar kapag okay na..ngayon ang kailangan ko lang ng kasiguaraduhan na..akin siya. 

"Kaylangan mong pirmahan yan." Sabi ko lang sakanya. 

"Hindi ko pipirmahan 'to! This is bullshit! Ano bang dahilan mo at ginagawa mo 'to?! Kung tungkol sa anak mo, pwede kang maging ama sakanya! Hindi kita tatanggalan ng karapatan basta ba sakin siya titira!" Sabi niya. 

"No..this is not just about Kielle...this is about our family." Sabi ko ng titig na titig skanya..gusto kong iparating na..yun talaga ang pinaka gusto kong gawin sa buhay ko ngayon..ang makasama siya. Sabi ko naman diba? Hindi ako magaling sa suyuan. 

"No. Hindi ko pipirmahan yang walang kwentang marraige contract nayan." Sabi niya. Tinignan ko naman siya bago ako sumagot. 

"Then okay...hindi kayo uuwi ni Kielle hanggat hindi mo pinipirmahan yan." Sabi ko. Totoo yun..hindi ko sila hahayaan na makalabas ng building na'to..madami na akong body guards na nag-aabang sa baba. 

"Bakit mo ba ginagawa 'to?" Mahina pero madiin na pagtatanong niya. 

Tinitigan ko naman siya sa mata para patunayan na totoo ang mga sasabihin ko. "Kasi pamilya ko kayo...mahal ko ang anak ko, at higit sa lahat...mahal kita."

"Don't expect that I'm going to believe in your words again, because the last time I believed in you...nasaktan lang ako." Sabi niya ng walang emosyon, pagkaptapos ay pinunasan niya ang kaniyang mga luha at tumayo bago pumasok sa kwarto kung nasan ang anak namin. 

Naiwan akong natulala..at paulet ulet na tumatakbo sa isip ko na..oo nga pala dahil tanga ako...nasaktan ko siya.

----------------------------

Taray ni Franco! hahahahahahah. 

Dedicated to:dAwnycoOL. Isa sa mga masipag mag-comment. Walang palya. Thanks for reading dear! :* 

i'm open for dedication request guys..post lang kayo sa MB ko. ;))

Vomments please :)))

|ifitsmeanttobe| Jeron Teng's ♥

Continue Reading

You'll Also Like

63.9K 587 11
[Aviator's Series #01] (THIS IS AN INCOMPLETE CHAPTERS. THE COMPLETE VERSION IS AVAILABLE IN DREAME @GORGEOUSYOOO) Synopsis I was so young when I dec...
4.6M 104K 55
SOON TO BE PUBLISHED UNDER GRENIERIELLY PUBLISHING __ Red Society 2: Meast Trigon "Fifth" Schneider Growing up in a broken family makes Kiara's life...
1.5K 59 65
STUDENT COUNCIL SERIES BOOK TWO Donnah Martinez and her sister was saved from their hellish life by Quintez 'King' Pascual, the Knight Ground's undef...