Friendzone (Resumed)

By AlterStrike54

395 13 36

Meet Ian Morano, The King of Girl Friends, Yep, you read that right people, he is the King, pero hindi ng GIR... More

Friendzone
Prologue: The King and his SIX Queens
Chapter 1: The Fated Applicants
Chapter 2: And the Nightmare (?) Begins
Chapter 3: After All This Time
Chapter 4: Hidden Intentions
Chapter 6: His Plan, My Vow

Chapter 5: Stuck and Struck!

20 0 6
By AlterStrike54

"Grabe naman oh! ngayon pa nangyari to!" Banas na sabi ni Regine sa kawalan. Parang isinusumpa na kasama nya ako ngayon sa tumirik na Elevator na sinakyan namin. Nakakatawa parang kanina lang kung anu-anong kalokohan ang lumalabas sa bibig nya kesyo type nya raw ako o anuman, tapos ngayong meron syang chance na gawin ang gusto nya para naman sya na ang pinakamalas na tao sa mundo sa reaksyon nya.

"Badtrip much?" Pang-aalaska ko.

"Feeling much?"  Balik pambara nya

"Wishing much?" Di naman ako papatalo

"Assuming much?" Talagang ayaw nyang tumigil.

"That depends on you, pero kung ako sa yo, yang init mo ng ulo eh wag mo sa akin ibuhos dahil di ko rin naman kasalanan kung tumirik tong elevator na sinakyan natin. Di ako ang may ari ng Meralco para mag-schedule ng exclusive brownout, kaya wag mo akong titigan na parang pati ang Global Warming eh ako ang may gawa."  Sinagot ko na sya ng mahaba nang di na magkaroon ng shouting match dito sa loob ng Elevator.

At ayoko ng may mabigat na atmosphere sa aming dalawa, wala yun sa "plano" ko

*Levin Soriano's POV*

"Bad timing naman tong brownout na to!" narinig kong sabi ni Danica. Napakabihira nyang magsalita, pero this time, napilit sya ng pagkakataon na ibuka ang kanyang bunganga para magbigay ng opinyon sa nangyari dito sa opisina. Narinig lang namin mula sa Intercom na nagkaroon daw ng Emergency Maintenance ang mga Generators at Electrical Lines dito sa opisina kaya mawawalan ng kuryente dito sa building namin. When I asked about it sa isang trabahante na dumaan, ang sinabi nya lang ay 'may ia-upgrade daw na linya sa loob pero may natapik silang maling wire kaya nagkanda-leche leche ang kuryente'

Which is di ko pinaniniwalaan. After all, wala pa rin dito sila Bossing at yung malanding si Regine. Halatadong may intensyong landiin si bossing eh. Speaking of the subject matter, nasaan na kaya yung dalawang yun? Don't tell me.....

"Girls, dito lang kayo ah, hahanapin ko lang yung dalawang VIP natin, baka kung ano na ang nangyari sa dalawang yun eh." paghingi ko ng paalam sa kanila. Kailangan ko silang makita agad! Iba ang tumatakbo sa utak ko. Lalo na't sabay silang nawawala. Kinakabahan talaga ako

*Ian Morano's POV*

Five minutes after mawalan ng ilaw sa Buong Building, talagang banas na si Regine. Nakaupo na sya sa sulok and I was about to lend a hand para tumayo sya nang biglang.......

Ting!................. Boooooggggsssshhhhhh.............

Bumalik ang ilaw at bumalik sa pag-andar ang Elevator, na syang aking ikinawalan ng Balanse. Tumaob ako at napahiga sa naka-upo pa rin na si Regine. Sa bigat ko napa-higa sya dahil di nya kinayang saluhin ang bigat ng katawan ko, napahiga rin sya. Ramdam ko ang lambot ng katawan nya na nadaganan ko. Talagang may hubog na ang katawan nya.

"Errr... baka gusto mong tumayo, ambigat mo kaya!" Sabi ni Regine na para makabalik ako sa katinuan mula sa mundo ng di kanais-nais na panaginip at pangyayari.

Patayo na sana ako, pero natulala ako sa mga sumunod na nangyari.

Bumukas ang Elevator at tumambad sa amin ang gulat na gulat na si Levin.

"Sinasabi ko na nga ba eh!"

Mukhang trouble ito pag nagkataon. Lalo na at si Levin ang nakakita sa amin sa ganitong ka-awkward na posisyon

*End of Chapter 5: Stuck and Struck!*

Continue Reading

You'll Also Like

2.3M 148K 51
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
1.3M 30.9K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...
371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...