Proving That 7 Letter Word
***12***
"So Ces-chan payag ka na ba ? May partner ka na oh. " tiningnan ko yung lalaking nag alok sakin na magiging partner ko . Ok lang siya ?!
"Uhh.. "
"Payag na yan. Hindi na yan mag iinarte ako partner niya eh . Ang gwapo gwapo ko kaya. " nakatingin lang ako sa kanya at hindi nagsasalita . Kapag pumayag ako na makapartner ko siya baka maging total mess pa ang party ni Kyne dahil sa pag aasaran naming dalawa.
"So it's settled then, Ces-Chan and Aj will be the partner . Maghanap na kayo ng couple Anime Character ah . "
"Ano ?! T-teka ! Anong couple ? Dapat bang isang anime lang yun ?! Hindi pwede ! " sabi ko kay Kyne . Anong couple sinasabi nito ? Pumayag na nga kong makapartner 'tong AJ na 'to tapos couple character pa icocosplay namin ?!
"Kaya nga may partner diba ? Ibig sabihin, it's for couple anime characters . After all, it's my party so please Ces-chan pumunta ka na . " nag puppy eyes siya sakin . Bakit ba ko napunta sa sitwasyon na 'to ?!
"PAYN! "
***
Nung uwian na dumiretso ako sa bahay ni Queenie . Wala naman akong ibang mahihiraman ng costume kundi siya lang .
"Queenie help !! "
"Oh ? Anong problema mo ? "
"Wala akong costume para sa party ni Kyne . " sabi ko kay Queenie habang nakahiga sa kama niya . Buti nga wala ngayon yung pinsan niya, less worries.
"Wait, hahanap ako sa closet ko . "
Maya maya bumalik na rin siya at may inabot saking short black wig at maid costume . Maid costume ?!
"Bakit Maid costume yan ? Hanggang sa party ba naman ni Kyne maid pa rin ako ?! "
"Si Aj partner mo diba ? Si Usui daw icocosplay niya eh . Eh si Misaki lang naman yung partner niya so, mag maid costume ka . " tinitigan ko lang yung costume na inaabot niya . Seryoso ba talaga siya ?
"Payn. "
"Nako Prances feeling ko maganda yun . Siguradong kayo ang best partner dun . "
"Tss. Teka, sino bang icocosplay mo ? "
"Si Kuro Usagi . Dun nalang siguro ako hahanap ng partner ko marami naman dun . "
"Pwede ba yun ? Eh ako nga nirecquired na may partner pagpunta tapos ikaw sa event ka maghahanap ng partner ?! "
"Well, si birthday girl naman yung nagdecide eh." tumawa lang siya nun at talagang feeling ko pinagtutulungan nila ko .
Mabilis na lumipas yung araw, saturday na kagad. Nakapag ayos na rin ako ng sarili ko . Invited nga rin pala si Paulo sa Event lahat yata ng cosplayer sa School ininvite ni Kyne .
"Sasabay ka pa ba sakin ? " tanong sakin ni Paulo.
"Nahiya naman ako sa anong mo eh no ? Sana man lang tinanong mo ko ng maayos. Hindi na, hihintayin ko nalang yung partner ko . " parang nagulat siya sa sinabi ko .
"May partner ka ? Sinong partner mo ? "
"Si Aj pinsan ni Queenie."
"Ah." yun lang yung sinabi niya tapos umalis na siya . Anong problema nun ?
Sinundo ako ni Aj sa bahay kasi may sumundo na daw kay Queenie . Wala naman siyang ginawa kundi asar asarin ako sa costume ko . Pwede niya daw akong kunin as personal Maid niya tutal bagay naman daw sakin maging Maid .
"Ano ? Payag ka na ba ? Kukunin kitang Maid ko, 10 pesos isang araw . "
"Ang kapal mo naman ! Sayo nalang yung 10 pesos mo bigyan pa kita ng bente jan eh ."
"Oh sige, akin na bente. " napapoker face nalang ako sa sinabi niya .
This guy is hopeless .
Pagdating namin sa event ang dami na kagad bumungad na mga cosplayers. Malamang cosplay party 'to eh .
"Nice meeting you again, Princess Prances . " bati sakin ni Nickers .
"Nandito rin ba sila Netski ? "
"Yeah. Ayun sila oh . " tinuro niya sila Netski at Natsume na kabi kabilaan ang nagpapapicture . As always, nasa kanila talaga ang attention .
"Sino ba yang kasama mo ? Mukhang ang yummy ah . " sabi niya tapos tumingin kay Aj . Si Aj parang nailang at tumingin nalang sa ibang direksyon .
"Hindi yummy yan, bitter ! "
Nagtawanan lang kaming dalawa tapos lumapit na samin si Kyne .
"Yaay ! Ces-chan ! You look perfect with Usui-san . "
"I don't think so . Hindi pa ba mag start yung party ? "
"Maya maya lang may special guests pa kasi eh . "
"Ok . "
After 30 minutes or so, dumating na nga yung special guests niya . Hindi ko kilala kasi mga International Cosplayers daw yun . Ang sabi ni Usui etse ni Aj , Sila Reika, Kaname at Azu daw yun . Kilala niyo ba sila ? -__-
"Ces-chan ! Mag uumpisa na yung Rampage mag line up na kayo ! "
"Ano ? Anong Rampage ? "
"Sinali ko kayo ni Usui-san san sa contest . Ito yung number niyo oh . " may inabot siyang number na nakalagay sa maliit na bilog na cardboard . Yung katulad lang sa mga beauty pageant .
No choice na ko kundi pagbigyan ang request ni Birthday girl . Ayoko namang mag inarte lang no . Nung rampage na, nakisabay lang ako kay Aj sa mga ginagawa niya and sa last part may binigay siyang flower sakin . Nagtilian naman yung mga bisita sa ginawa ni Aj . Tinaggap ko na lang yun kahit na medyo nahihiya ako sa ginawa niya. Sila Natsume at Netski iba naman ang ginawa .kumanta si Natsume habang nakaupo lang si Netski . Maya maya nakisabay na rin si Netski so parang nag live concert silang dalawa dun . Tahimik lang yung mga nanonood at finifeel ang 'Love is in the Air' performance nila .
Nagsalita na yung special guest nila na Reika yata yung pangalan .
"We have 3winners for this competion . The second runner up is.. " may kinuha siyang envelope at binasa yung nakalagay dun .
"Chelsea and Kevin cosplaying Petra and Levi of Shingeki no Kyojin . " nagpalakpakan yung mga tao tapos umakyat silang dalawa sa Stage . Binigyan sila ni Kaname 'yata' ng Medal . Cosplay Competition nga yata 'tong birthday party ni Kyne eh .
"And for our first runner up let's call the sweetest couple .. Natsume and Netski cosplaying Yukki and Yuno of Mirrai Nikki . " umakyat din silang dalawa nun sa stage at ako naman ay gustong gusto ng umuwi .
"And lastly for our Anime Couple Cosplay Competition winner is .. " nag pause siya tapos ang tahi tahimik talaga . As if namang mananalo kami eh puro kalokohan lang naman yung ginawa namin ni Aj --
"Prances and Aj cosplaying Usui and Misaki of Maid Sama . " nagpalakpakan yung mga tao at parang lutang yung isip ko . Nanalo kami ?
"Tara na pretty girl akyat na tayo sa stage ! "
"Teka, nanalo tayo ? "
"Oo nga ! " hinawakan niya yung kamay ko tapos inalalayan ako papunta sa stage . Merong inabot na Throphy samin si Reika nagpicture din kaming mga 'couple' nun tapos shinake hands kami nung tatlong guests . Tuwang tuwa nga si Aj eh , Idol niya yata yung mga yun .
Kumain na rin kami after nung competition na yun tapos maya maya tumunog yung phone ko . Nung tiningnan ko yung caller ID , international number . Sinagot ko naman kagad yun at pumunta sa tahimik na lugar .
"Hello Prances ? "
"Hello po Ma'am ? " Mom pala ni Paulo yung tumatawag siguro mangangamusta lang .
"May importante sana akong sasabihin sayo ngayon . "
"Anything ma'am . "
"3weeks from now, we're thinking na dalhin na rin si Paulo dito . It's a request from his Dad na dito na siya pag aralin . Inaasikaso na namin yung papers niya and I'm sorry Prances pero I think kailangan mo ng maghanap ng bagong malilipitan . "
..to be continued :)