She's the Gangster's Bitch...

By niknicx

1.9M 29K 2K

So, you're THE GANGSTER???! Well I'm THE BITCH! I DARE YOU, to fall in love with me.... Ang storyang ito ay R... More

Important Matters
Prologue
Prologue - FULL VERSION
Chapter 1 - "The Flashback Starts"
Chapter 2 - "Meet THEM"
Chapter 3 - "First Day - Part One"
Chapter 4 - "First Day - Part Two"
Chapter 5 - "Practice? Oh ow..."
Chapter 6 - "Contest Jitters"
Chapter 7 - "The Contest"
Chapter 8 - "Who is he?"
Chapter 9 - "Suspicions"
Chapter 10 - "She's Broken"
Chapter 11 - "Victory Party"
Chapter 12 - "Challenge Accepted"
Chapter 13 - "Bitch's Plans"
Chapter 14 - "Hello Singapore!"
Chapter 15 - "Falling"
Chapter 16 - "He likes me? He likes me not."
Chapter 17 - "Boy Next Door"
Chapter 18 - "His or His Moves?"
Chapter 19 - "Let me Court You"
Chapter 21 - "Tanoli 101"
Chapter 22 - "Twisted Mind"
Chapter 23 - "He's Mr. Gangster"
Chapter 24 - "Without Him"
Chapter 25 - "Revelation"
Chapter 26 - "Everything has Changed"
Chapter 27 - "Everything About HIM"
Chapter 28 - "He's Definitely my Boyfriend"
Chapter 29 - "Torn Between Two Lovers"
Chapter 30 - "Dark Agenda"
Chapter 31 - "The Hunter's Burden"
Chapter 32 - "Is it Over?"
Chapter 33 - "The Traitor"
Chapter 34 - "The Wedding"
Chapter 35 - "Her Greatest Downfall"
Chapter 36 - "Commander's Revenge"
Chapter 37 - "Jasmine on Duty"
Chapter 38 - "Her Lost"
Chapter 39 - "The Bitch is Back"
Chapter 40 - "Parting Time"
Chapter 41 - "Mr. Adriano"
Chapter 42 - "Grand Ball - Part 1"
Chapter 43 - "Grand Ball - Part 2"
Epilogue

Chapter 20 - "Back to School.......with HIM?"

33.9K 491 24
By niknicx

Yuri's POV

"YURI!", napalingon ako sa tumawag saken. Nandito kasi kami ni Jazz sa parking lot ng school, kaka-park ko lang kay Jacob.

"YURI! NANDITO AKO!", hinanap ko ulit kung saan nanggagaling yung boses. At ayun nga, nakita ko si Eyd na tumatakbo papunta samen.

"WAAAHHH! Eyd NAMISS KA NAMIN!", nagulat naman ako sa sigaw ni Jazz.

"Hahahaha! Anu ka ba Jazz, para namang hindi tayo nagkita nung Sabado. Nagpalibre ka pa nga ng ice cream saken.", sabi naman ni Eyd nang makalapit na samen.

"Wala lang, OA lang ako. HAHAHA!", sagot ni Jazz.

"Matutuwa pa sana ko kung si Yuri ang nakamiss saken. Namiss mo ba ko?", biglang harap naman sakin sabay taas baba pa ng dalawang kilay. At dahil namiss ko naman talaga siya dahil matagal kami hindi nagkita nung pumunta kami ni Chad sa SG, hindi na ko mag iinarte. Haha!

"Oo na! Miss na kita noh! Libre mo din ako ice cream ha!", natatawang sabi ko.

"HAHAHA! Magkaibigan nga kayo. Oo na rin! Akin na nga yan, ako na magdadala.", tapos kinuha na niya yung mga libro na hawak ko. Ang sipag ko mag aral noh? Nagdadala ako ng libro, pero syempre, on my own sexy way. Hahaha! Lumakad na rin kami papunta sa classroom.

"HOY EYD! MAY MGA DALA DIN AKO!", sigaw ni Jazz. Hahahaha! Kahit kelan talaga to.

"Padala mo sa boyfriend mo!", sabay na sigaw namin ni Eyd, kaya nagtawanan nalang kami habang si Jazz, nakangusong naglakad kasunod namin.

"Mr. Tancinco!", narinig naming tawag nung isang prof namin kay Eyd.

"Yes ma'am? Bakit po?", sagot naman ni Eyd.

"Pakitulungan naman ako, mejo marami lang kailangang dalin sa Dean's Office. Okay lang ba?"

"Sure ma'am. *sabay harap sa akin* Yuri, mauna na kayo ni Jasmine. Sunod nalang ako.", nakangiting sabi niya sabay abot saken ng mga gamit ko. Nginitian ko nalang din siya tapos dumeretso na kami ni Jazz sa room.

"So, there comes the ultimate bitch.", ANO DAW? Yan lang naman ang narinig ko pagpasok na pagpasok ko sa room namen kaya napahinto ako sa pagpunta sa upuan ko. Lunes na Lunes, pinepeste ako ng libag na to!

"Ano nanaman ba problema niyang Demi na yan?", bulong saken ni Jazz na nasa likod ko lang. Tinignan ko lang siya na parang nagsasabe na MALAY KO, tsaka ako dumeretso sa upuan ko na nasa likod ng upuan ni Chad. Si Deming libag naman, nakaupo sa teacher's table sa harap na kala mo reyna.

Oops, speaking of Chad my loves, bakit kaya wala pa siya? First time ko pumasok nang wala pa siya, unless absent siya? E umaabsent lang naman yun pag may saket e. Don't tell me?? MAY SAKET SIYA???

Hinanap ko agad si Maki para itanong kung nasan si Chad, pero wala din siya dito. Nasan na kaya yun? 7:24am na, at 7:30 ang class namin.

"Hey bitch, don't you dare ignore me.", ako ba kausap nun? Sakin nakatingin e. Napansin ko naman yung mga kaklase namin na napatingin lang sameng dalawa ni libag. Hinahamon ba ko nito?

"Ay, ako ba kausap mo? Kala ko kasi, nababaliw ka na at kinakausap mo sarili mo. *smirk*", lakas ng loob nito ah. Pag ganitong wala ako sa mood dahil hindi ko pa nakikita si Chad, wag siyang sasabay.

"Really? E alam naman ng lahat ng tao dito na ikaw lang ang ultimate bitch, sabihin na nating nasa top 2 si Jasmine. Akala mo ba palalagpasin mo yung pag-kidnap mo kay Chester papuntang Singapore? Ganun ka na ba kadesperada para lang makasama siya? How pathetic.", teka, teka, yun pala pinagpuputok ng butsi nitong bruhildang to.

Tumayo ako at lumapit sa kanya na nasa harapan pa din ng classroom. Nagsimula nang mag ingay ang mga classmates namin, kanya kanya ng pag-cheer. Nang makalapit ako kay libag, tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, pagkatapos ay ngumiti ako ng bongga.

"OW EM G!, classmates dalin niyo na to sa derma!", sigaw ko habang tinuturo si Demi.

"Excuse me! Kumpara sayo, mas makinis ako!", mukhang gulat na gulat naman siya sa sinabi ko. Defensive ba to o sadyang insecured lang sa beauty kong mala-Dyosa!

"Hahahaha! Sorry Demi ha. Concerned lang naman ako sayo. Mukhang may allergy na yang buong katawan mo. Ang KATI mo kase!", sabe ko kaya naghiyawan nanaman ang mga kaklase namin. Dapat kasi, matuto siyang pumili ng makakalaban. Hahaha!

"How dare you!", inis na inis yung mukha niya. NakakaTAWA! Hahaha! Akmang sasampalin na niya ko kaso napatigil siya.

"Oo par! Hahaha! Bugbog sara----- OOOOWWW, what's happenin' here?", napatingin ang lahat nang marinig si Maki na nagsasalita sa may pinto. Magkasama sila ni Chad! OMG! Buo na ang araw kooooo!

"Honey! Buti nalang dumating ka. She's humiliating me infront of our blockmates oh!", panira talaga tong libag na to. Tumakbo ba naman bigla papunta kay Chad sabay kapit sa biceps! Nakanguso pa! At teka nga, ANO DAW? HONEY? Lakas makakulo ng sexyng blood type AB ko!

"Yuki...", bulong ni Chad habang nakatingin saken. Yuki daw.. Yuki.... AKO YUN DI BA???! AKO YUNG TINAWAG NIYA?? Hindi niya pinansin si Demi???

"HAHAHAHAHA! See? Ni hindi alam ni Chester ang pangalan mo.", at pinagtawanan pa ko ng haliparot na to! Hindi niya alam, ang boba niya! Ang sweet kaya, si Chad my loves lang tumatawag saken ng ganun :)

Nagsalubong nanaman ang kilay ng bruha nang makitang todo smile pa rin ako habang nakatingin kay Chad. Kaya ayun, hinawakan ba naman sa pisngi si Chad, tapos pinilit niyang humarap sa kanya. Kawawa naman ang Chad ko, napaharap sa maligno!

"Ah, ehh, Yuri! Eto nga pala yung panyo mo.", biglang lapit saken si Maki, sabay abot nung panyo. Ito yung naiwan ko sa kotse ni Chad nung hinatid ako ni Manong Richard Gomez. Kala ko naman si Chad na mag aabot saken, tsatsansingan ko pa naman sana sa kamay habang inaabot niya. Pero di bale na nga! I'm sure hinawakan niya tong panyo na to.. :)

OH HAIL THIS LUCKY HANKY! :) Hindi na to makakatikim ng laba kahit kelan. Hahaha!

Maya maya pa, dumating na yung prof namin kaya nagsi-upuan na rin ang lahat pati sila Chad na nasa may pinto pa kanina. YEY! Nasa harapan ko na ulit ang sexyng likod niya :)

"Hindi pa tayo tapos.", nadisturb ang pagtitig ko sa likod ng Chad ko nang bumulong si Ms. Allergy na sa likod ko pala dumaan kahit sa tabi ni Chad ang seat niya. Nginitian ko lang siya ng super wagas! Wafakels ako kahit hindi na matapos yang paghahamon niya noh! Ako pa tinakot? Hahaha!

Maki's POV

Tsss, kahit kelan talaga, panira ng plano yung Demi na yon. Hindi naman dapat ako magbibigay ng panyo kay Yuri e. Dapat si Chester. Nagpasama pa siya saken na balikan yung panyo ni Yuri dahil naiwan niya sa kotse. Muntik na nga kaming ma-late. Tapos, ayon, umepal naman yung spoiled brat na yon.

Alam niyo naman siguro ang ugali nun, walang ginawa kundi magsumbong kay Witch na nanay ni Chester. Palibhasa, magkasundo silang parehong mangkukulam. Kaya ayun, inagaw ko nalang yung panyo na hawak ni Chester para lang walang maisumbong tong Demi na to.

Hindi tuloy maipinta ang mukha ni Chester ngayon. Mukhang wala siyang balak makinig sa discussion. Wala kasi yang tigil sa pagbanggit nung panyo. Alam niyo bang hindi niya binitawan yun mula nung binigay sa kanya ni Mr. Gomez? Tinatawagan pa ko sa madaling araw para lang itanong kung pano niya ibibigay. Sabi ko naman, kay Dale siya humingi ng advice. Hay nako, kahit ako ay hindi makapaniwala na ganito pala mainlove ang bestfriend ko.

Knock Knock.....

"GOOD MORNING SIR! SORRY I'M LATE. Inayos ko pa po kasi ang schedule ko.", sino naman to? Ngayon ko lang to nakita ah. Napatigil naman sa pagdidiscuss ang prof namin.

"IKAW??", O___________O ------, sabay na sigaw nila Yuri at Chester. Kilala nila?

"HELLO KIANA BABES!", kumaway pa nang kumaway yung lalaki. Nilapitan siya nung prof namin sa may pinto, sandali pa silang nag usap.

"Class, bagong blockmate niyo. New student siya from Westlane University of Photography and Design.", sabi ni Sir Gio.

"You better introduce yourself first.", sabi naman niya dun sa lalaki.

"Hi blockmates! I'm Lester Yuan Jiang. 19 years old, a model and a photographer. Friends na tayo ha! :)) ", todo smile pa niya. T-teka, SIYA SI LESTER? Kung hindi ako nagkakamali, siya yung sinasabi ni Chester. Patay tayo jan.

"Ang ccuuuuuttte! Waaaaahhh! Lester marry me naaaa!", narinig kong sabi nung babaeng classmate ko na nasa likod ko.

"Girl, akin siya! OMG! Siya yung hot na hot na model!", sabi pa nung isang, BADING! Ba yan! Pati beklush kinikilig!

Lagot na, lalo nang masisira ang araw ni Chester nito! Pagtingin ko sa kanya, ang dilim na ng aura ng mukha niya. Nakakatakot!

"Sir! Pwede po bang magrequest? Okay lang po ba kung tabi kami ni Kiana? Siya palang po kasi ang kilala ko dito."

"No problem. Mr. Santiago, may you please transfer-------", napatigil si Sir Gio sa pagsasalita.

"HINDE!", biglang sigaw ni Chester. Tumahimik ka par! Pigilan mo naman sarili mo.

"May problema ba Mr. Adriano?", gulat na tanong ni Sir.

"Ah, wag niyo na pansinin sir. Ako po ang kausap niya, hindi kayo.", biglang sagot ko naman. Mabuti nalang at nakaisip ako agad ng sasabihin.

"If that's the case, Mr. Jiang, you may now take your seat beside Ms. Chua. Masyado nang naaabala ang klase naten.", at ayun, wala nang nagawa. Dun na talaga umupo yung Lester sa tabi ni Yuri.

Yuri's POV

Nanlaki ang tantalizing eyes ko sa nakita ko. HANGGANG DITO BA NAMAN? Wala ba talagang balak tumigil tong mokong na to? At feeling close siya sa blockmates namin ha.

Gusto kong makita kung ano reaction ni Chad nung makita niya si Lester, kaya lang di ko makita kasi nasa likod niya ko. Kala ko pa naman kanina, ayaw niyang tumabi saken si mokong, yun pala, si Maki naman kausap niya.

Tinignan ko rin reaction ng mga blockmates namin, as usual, yung mga babaeng nagmamalinis dito na pahinhin effect pa kunwari, ayun, kilig na kilig. Gwapo naman kasi talaga si Lester e. Napatingin ako kay Demi, at nagulat ako kasi nakangiti siya saken ng bongga. Lakas makainis ng mukha! Insecured nanaman to dahil may tumabi saking gwapo.

"Hi Kiana Babes! Good Morning!!", super to the max wagas na energetic na sabi ni Lester nang makaupo siya sa tabi ko. Ganito ba talaga siya lagi? Hindi nawawalan ng energy e. Malayong malayo kay Chad na laging seryoso at tahimik.

Inirapan ko lang siya, halos mawala na nga yung itim sa mata ko dahil todo irap talaga. Pero ang hindi ko maintindihan, parang gusto ko nang mapagod sa pagtataray sa kanya. Parang gusto ko na siyang maging kaibigan. Wala namang masama diba? Kaibigan lang naman. Malinaw pa rin sakin na si Chad pa rin ang one and only love ko. At hindi mababago yun :)

BEHIND THE SCENES...

Yuri: Ehem, NICX, sabihan mo nga yang mga readers mo! Lalo na yang JAMAICABIANCATUNACAO na yan! Bakit gusto mo pang mag POV si Chad ko ha?? Gusto mo pang kwentuhan ka niya ha? Ako nga bihira kausapin, tapos ikaw magpapakwento pa? AWAY gusto mo? Ikaw naman ONEMAI, talagang DYOSA ako!

[a/n: AGAIN and AGAIN, salamat pa rin sa mga nagcocomment :) Pasenya na ha. Hayaan niyo na, at least special mention kayo ni Yuri diba? :) Anyways, alam kong kulang sa ganda ang update na to. Bawi nalang ako next time :) Thank you sa time niyo! Till the next UD :)]

Continue Reading

You'll Also Like

199K 3.7K 21
Dice and Madisson
2.3M 67.8K 75
NOTE: The King's trilogy is still unpolished. Please forgive me for being too lazy to edit this work of mine and please accept my gratitude for readi...
798K 41K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...
4.8M 18.5K 5
❝ How can an assassin queen love someone if in the beginning she's already broken? ❞ ❝ How can a campus king love someone if in the beginning he ju...