Once Upon a Song: Remembering...

By mylessthanslashthree

274 8 0

waaaaah. here's my first story. sana magustuhan nyo. a comedydrama love story. pero di ko alam kung seryoso... More

Remembering Sunday

chapter 1.

145 3 0
By mylessthanslashthree

Sunday, isang normal na araw para sa mga taong gala dito, gala doon. At hindi ko nga alam kung saan ako kinakaladkad ni buttercup at bubbles. Oo PPG sis kami, mga taong Patay na Patay Gutom. Anyenyenye, korni. Pero seriously, gutom na ko.  Bakit nga ba kasi kanina pa kami lakad ng lakad? Ang init-init.

Eto ako, gutom at naglalakad, samantalang may malaki kaming bahay, madaming foods sa ref, may kotse kami, may driver, may maids and most of all, I have money and I can afford a taxi.

Ang ganda ganda ng sketchers kong sapatos, kabibili ko lang ka –

*TOINKS!

"Aray!" noo ko. "Ay pisti kang poste ka! Magsorry ka! Magsorry ka!"

Himas himas ko pa yung noo kong maganda na nauntog sa poste at naglakad ako ulit. Tsss..

 "Dennisse"

Someone called my precious name.

Ah si buttercup.

"Bakit ang bagal mo maglakad?" tanong nya.

I stopped for awhile and balik poise. "kasi maganda ako", I answered with matching blink blink eyes pa.

Oo nga pala, ako si Dennisse Laurel, isang artista, pero syempre joke lang. Ma. Fatima Dennisse Baes, that’s my name. azar noh? May maria na, may Fatima pa, virgin na virgin. Minsan nga tinanong ko ang nanay ko kung bakit yun yung name ko kasi pwede namang Dennisse lang, at ito ang sagot ng mabuti kong ina, "Akala ko kasi magiging mabait ka", o diba nakakatouch? naiyak nga ako e.

Anyway, 16 years old na ko, 4th year high school from Southern Art University. Isang babaeng biniyayaan ng tunay na kagandahan. Yeah, I’m sexy, undeniably adorable and drop dead gorgeous. A sweet, short haired girl, 5’4" of height. Again, maganda ako, sexy, mestisa. Uulitin ko, MA.GAN.DA.A.KO. Spell ko pa?

Teka, bakit parang ako lang yata mag-isa ang naglalakad? Nasan na yung dalawa?

Lumingon ako sa likod.

"Arrie? Lindsey? Baka naman maunahan pa kayo ng snail nyan?"

Huminto sila at tumingin sa paligid. Sabay tanong "Nasan yung snail?"

OmyG.  --W

Sila naman sila buttercup at bubbles, si Arrie Castillo at Lindsey Dela Cruz. Sila yung mga taong nakasalo ng isang batya ng pagiging slow.

"Ha? Ah. Wala. Walang snail, what I mean is… ang bagal nyong maglakad"

"Sabi mo mabagal maglakad ang magaganda?", sagot ni Lindsey with open wide smile.

May sinabi ba kong ganon? Parang wala naman.

Oh thank God I’m blessed with smart friends.

After 547874975874656 years of walking…

"Ehem. Are you guys sure that we are going to ride that train? "

E kasi naman, di naman sa kaartehan,. But haller? They forced me to ride that PNR. You know? The Philippine National Railway? The old train ? yung train na parang bibigay na in one blow lang ni kuyang pogi na nakablue at may kasamang panget na girl.

Eto nanamaaaaaaaan! Inaatake nanaman ako ng pagiging mean ko. Sabi nga ni author, dapat daw mean ako, at pinaninindigan ko lang. di naman kasi talaga kagandahan yung babae. Enough, ayoko ng bigyan nga atensyon ang mga uri nila.

Back to the train, like I said, maalog sya kasi nga luma na. baka kasi may umalog sakin, alam mo na…

Left brain: Asa ka pang may aalog jan.

Righty brain: oo kahit papano meron !

Left brain: in your dreams

Right brain: I am the right brain and you were always left so SHADDAAAAFFFF! (shut up yon, may history kasi ako ng pagiging ngongo. Char)

Pinakikilala ko nga pala sa inyo si Right and Left brain. (kumaway kayo, kaway! Ayan kumaway na sila) sila nga pala yung magkabila kong utak na magkasundo lang pag nanlalait ng iba pero magkaaway pagdating sa pagdedescribe sakin

"Ano Dens? Maiiwan ka na jan? " Arrie shouted at me.

"Sasakay tayo? " ako ulit

"sige dens, tulak mo nalang yung train para mabilis yung takbo nya" –Lindsey

O sige, sagutin ako ng matino para makaalis na tayo dito. --"

"Tara na Dens! Narnia kaya yan pag pasok natin sa loob"

Utuin daw ako?

Sa loob ng train …

So ayun nga, maalog sya, as expected. Nakakahilo. Buti nalang nakaupo kami. I cupped my face with the folder I’m holding.

ek? San galling ‘tong folder na ‘to? Wala naman akong hawak na ganito kanina ah.

Ay umalog! May lubak ba sa railway? Bakit parang may humps?

Nakakahilo tuloy.

Nakakahilo --"

Nakakahilo --"

Nakaka---- hi---- lo *O*

Gosh! The guy wearing blue shirt, he’s… he’s standing infront of me. Sakto pag tanggal ko ng folder, sya agad yung nakita ko.

HEAVEEEN MEEEEHN! Emergahd. He’s so handsome.

Okay na yung view ko, just take that ugly girl away from him. Nakaakbay pa kasi sya dun sa babae, panira lang.

"Arrie, look at the guy infront", I whispered at arrie habang nakatakip parin yunhg folder sa muka ko.

"Sino? yan? E mukang laging giniginaw. Bigyan ng jacket!, Arrie commented with evil tawa.

"Stupida! Yung nakblue hindi yung nakared"

Monggoloid talaga toh.

"Sino ba kasing –" bigla nya ding tinakpan yung muka nya ng folder. "ohmygollywow! Ang wafu ni fafa"

"Sebe ke seye e. nekekeenleb debe? "

Ganun kami mag-usap –sa likod ng folder. Minsan sisislipin naming sya tapos takip ulit.

"Do you think that’s his girlfriend? " –arrie

Nag-iisip ako weyt.

Left brain: Girlfriend? Yuck!

Right brain : baka tita nya lang.

Left brain : o kaya inaalalayan nya lang.

Right brain: or baka naman, may taning na yung buhay nung babae kaya kailangan nyang pasayahin bago mamatay.

Sabi ko sa inyo e, close sila pag nanlalait ng iba.

*sulyap ulit

*takip folder

"Baka may eye defect", hula ko lang.

Sige na nga share ko na nga si kuang pogi sa inyo. Hmmm… gwapo sya. (paulit ulit?) tall, mga 5’10” ? maputi, matangos ang ilong, may piercing eyes, kissable lips, may hikaw na black sa left ear. Clean cut hair. Disente. Actually, he looks like a rich kid, hindi sya bagay sa old train at sa babaeng kasama nya, sakin siguro oo. Bwahahahaha.

Enebe. And the most attractive thing is…

*song plays

♫Mapapansin mo ba?

Masyadong mahaba.. jump to the chorus

♫At kung ikaw ay nakatawa

Ako pa ba ay nakikita

Nalilimutan ko ang itsura ko

Kapag kausap na ikaw

Sana naman akoy pakinggan

At nang ikaw ay malinawan

Dahil nabihag mo ang aking paningin at damdamin

Oh! Chinito... Chinito...

“Arrie. Makapal naman muka mo. Tanong mo yung pangalan.”

“huh? Im shy. Baka kasi kainin ako nung babae, mukang gutom pa naman. Hahaha” tawa to infinity and beyond.

*tanggal folder konti

*silip ulit

Uh-oh. Nahuli kami ni kuyang pogi, ang sama tuloy ng tingin samin.

Obvious ba kasi kami? Si arrie kasi tawa ng tawa.

“uy dennisse, arrie. Nagtago ako dun. Di nyo naman ako hinanap”. Bigla bigla nalang sumusulpot si Lindsey, nakapout pa.

Engot kasi sya, sabi nya, laro daw kami ng hide and seek. Di naman naming alam kung sinong taya. Kaya ayun, nagatago din kami.

HAYBUHAAYY!

“tara na. bababa na tayo”. She added.

Tumayo na kami, but suddenly, the train stopped abruptly. Nabunggo ko tuloy si kuyang pogi.

The time seems to stop. Nakadikit kami. Skin to skin. Tapos nagkatinginan pa kami. Sheeett! Ang bango nya. Langhap sarap!

Magsisimula na ba ang love story ko? This is the start of forever.

My heart beats so fast. Yung parang may mga butterflies sa tyan ko. Tapos sya  lan yung nakikita ko. Sya lang, kami lang dalawa. He smiled at me. Pero echos ko lang yon kasi salubong yung kilay nya habang nakatingin sakin.

The time runs again.

Nabitawan nya yung babae at lumipad ito.

“bwahahahaha! Ang panget!” oops. Natakpan ko agad yung bibig kong di makapagpigil.

I cant help it. Madami din naman sa loob ng train yung nagpipigil ng tawa.

May iapapanget pa pala sya? Grabe.bwahahaha bakit pa kasi sya nabuhay sa mundo kung ganon lang din naman yung magiging mukha nya? Mehehe.

Si Arrie and Lindsey naman… ano pa nga ba? Edi ayun, tawang tagumpay din. Bwahahaha.

“babe sorry, I was bumped by the girl. I’m really sorry babe”, the guy apologized, habang inaalalayan nya yung babae.

Babe. Babe. Yuck!

“Don’t touch me. I can manage”, tinabig ni girl yung kamay ni boy.

Huwow. Ang taray ni ate.

Yun lang! ang sama talaga ng tingin sakin ni kuyang pogi.

Yung dalawa ko naming mga mababait na friends, nangingibabaw na yung boses kakatawa.

I tapped them at their shoulders.

“Oy awat na. baka kabagan na kayo jan”

nakakahiya sila kasama. (parang ako hindi tumawa)

"Sorry Dennisse, we can't help it. she looks like a jellyfish. bwahahahaha", sabi ni arrie na tawa ng tawa to forever.

"Wahahaha. totoo yun. ulitin mo nga yung pagbunggo mo. Hahahaha. Laffftreep grabe!”, si Lindsey naman na may pahawak hawak pa sa tyan nya.

Ano bay an. Natawa din tuloy ako. Okay lang. bababa na naman kami.

“hahahaha. Guys next station pa pala tayo. Hahahaha” –Lindsey

“hahahahaha. Baliw ka Lindsey. Hahaha”, -Arrie

Ako naman -à”hahahaha –ha.ha. ha? HA?!”

Next staion pa?!

“Is being a brat really your nature miss? You love seeing others at their worst, don’t you? You poor little KSP girl. Tsk.”, the guy confronted me.

“Wait. Ako?” tinuro ko yung sarili ko.

Aba! Tinaasan ako ng kilay ni kuyang pogi na may regla. Ayos ah!

“Are you talking to me?” tanong ko ulit.

“Who else?”, he answered then turn his back.

Wow. Speechless ako dun. Naiwan nakabukas yung bibig ko. In short… NGANGA!

Ako brat? Ako ksp? Ako? Ako? As in ako?

Right and left brain: hindi. Ikaw.

Parang kumirot naman yung puso ko dun. Isang stranger, sinabihan ako ng ganon sa harap pa ng madaming tao. Hah! Kahit gwapo pa sya, papatulan ko yan!

“Hey you mister red alert! You don’t have the right to insult me! You don’t even know who am i! I’m not a brat or KSP!”

Woooo! Deep breath! Mainit.

He faced me again with his brow lifted.

“so you’re telling me that you’re not a brat when you’re acting like one?”

“mister, it’s not my fault if your ‘babe’ flew away. And you cant blame us if she’s so nakakatawa. Libre mo kasi kay Belo minsan para gumanda naman sya kahit tumatalsik sa malayo!”

“What did you said?”

“bingi? Kailangan paulit ulitin? Retarded much?”

Right brain: sige lang, galitin mo! Para makaganti!

“AGAIN?!” he said at gritted teeth and nanlilisik na mata.

Uh-oh. Galit na talaga sya.

Left brain: what did you said dens? Trouble alert! Trouble alert! Run for your life!

Girls, RUN! >_<

I pulled Arrie and Lindsey’s hand and we run. Palabas sana kami ng train but unfortunately…the door went close.

“You’re a dead meat!”, the guy shouted.

Aww.

“Hala dens, sarado na”, Arrie stated in biting lips.

“Next station pa naman tayo e” –Lindsey

“Mamaya na magpakaslow  Lindsey. Did you just heard the guy? I’m a dead… waaaaaaaaaaaaaaah! Ayan na syaaaaaaaaa!”

I didn’t expect na hahabulin nya talaga ako. Like.. why?  Anong mapapala nya sakin? T^T

I should be happy. A hot and gorgeous guy is chasing after me. Pero sana not this way.

“Pag nahuli kitaa!”

Lagi akong natotrouble, pero hindi ako tumatakbo. Naalala ko nga nung 8 years old ako, may sinapak akong lalaki na kaklase ko kasi tinitignan nya ko habang hirap na hirap akong nagsasagot ng addition. Yung nagcoconcentrate ako tapos nakatingin sya? Ayun black eye! Tapos nung second year hig school naman ako, sinabunutan ko yung maarte kong kaklase. Ayaw nya kasi isubo yung lollipop na binibigay ko kasi ayoko na. arte arte. Malinis naman yung bibig ko! Pero hindi pa ko nakikipag away sa isang stranger.

“Excuse me po! Padaan po! Excuse po!” mahirap tumakbo sa loob ng tren ha.

Waaaaaaaaaaaa! Run! Kahit mahirap, tinakbo ko kaya lang..

Oops! Dead end.

Nakarating na ko s adulo. May naaninag akong madilim na espiritu sa likod ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

“Huli ka!” humarap ako para tumakas ulit sana.

Anong gagawin ko? Kuya nate help T^T.

Nakorner na nya ko. He gripped my wrist.

“Come with me!” hinihila nya ko. NO. KINAKALADKAD nya ko.

Nakakaasar umeksena sa tren.

“Where are you taking me?”

“Apologize to my girl”

Apologize? Ako?  “NO! ayoko!”

“You have to! Whether you like it or not!”

“no way! Let go of me!”

“shut up!”

“no! Rape! Rape!”

“You KSP girl. Stop it!”

Sumigaw parin ako. But how can he rape me here? Masikip kaya ditto at madami pang tao, dapat doon kami sa walang ta –huh?! Ano ba Dennisse! Kung ano ano pa iniisip mo.

“Help! This guy is harassing me! Help!”

“Hey! I said stop it”

Benelatan ko sya. Nakatingin na din samin yung mga tao.

“lex? What the hell are you going to do with that girl?”

And a girl from under world showed up. May kasama nga pala sya. Pero mabuti na din na dumating sya, makakatakas pa ko.

“Cess”, tawag ni kuyang pogi na may regla.

Lumuwag ang pagkakahawak nya sakin. Opportunity!

Ok. Take one step backward. Unti unti kong hinila ang kamay ko.

“Lex. Come on”

Another step.

“Cess, she has to apologize to you”

Another step.

“you know I can pull her hair if I want to. But I won’t step down to her level”.

Aba tong panget na to! Ang OA ha!

Balik ulit. Balik ulit!

“Hoy panget! Wa – ”

“Hey watch your mouth!”, the guy cut what I’m gonna say. EPAL.

“Shaddaff!” (dati nga akong ngongo. Wag kayong magulo) “I’m not yet finish! Pasensya na kung nabunggo kita mister. Kaya lang ang OA mo. At ikaw chaka na mukhang tigyawat na tinubuan ng mukha! Hindi kita papatulan dahil may charity heart ako, baka pag pinatulan kita, wala ng matirang ganda sayo. And FYI –”

“Say those words again and I’ll ki –

I pulled his hair to cut the long story short. Kanina pa nya kasi ako binabara. Actually, isang hibla lang ng buhok nya yung sinabunutan ko. DUH?! Baka mamaya madumi pa yung buhok nya noh!

“What was that for?”, takang takang tanong nya.

I tip toed and get closer to his face. I smirked as I say “Kukulamin kita!”

Operator: Narnia Station. Narnia station.

Sakto!

“Babye!” at ako’y naglaho sa kanyang paningin.

PS. Hindi po ako magician. Tumakbo kasi ako palabas ng tren.

Goodbye mister poging may regla. I wont see you face again. Sayang L

******************************

(knocks on the door)

“Baby com’on. Wake up. You’ll be late for school”

*toktoktok

Naalipungatan ako sa ingay na galing sa labas.

Waaaaaaaaa! Kuya nate is so early.

Sinilip ko yung alarm clock sa bed side.

It’s just 6:00 am. Ugh. Ignore. Sleep again.

*Toktoktok

Ge lang. 5 minutes. Just five minutes for a nap. zzzzZZZ.

Tumagilid ako at niyakap ang minon kong unan.

♫ What day is it?

And in what month

this clock never seem so alive

I cant go on and I cant back down

I’ve been losing so much time…

I am walking through a beautiful garden. Hindi ko alam kung anong ginagawa ko dito sa ganitong kalagitnaan ng gabi. Ang ganda. May red roses, butterflies and the moonlight. Perfect! I am wearing a white knee level dress.

I keep on walking, and then I heard someone singing from my behind.

Pumihit ako para tignan kung sino yung kumakanta.

His face is blurry. Hindi ko sya masyado makita. He’s holding a guitar under the arc covered with red roses.

♫Coz theres you and me, and all of the people

With nothing to do, nothing to loose

And theres you and me and all of the people

And I don’t know why I cant keep my eyes off of you..

Matangkad sya, maputi but im not sure if he’s handsome because its to smoky.

May usok effect pa kasi e. Ano ba? May nag-iihaw ba?

“Sino ka?”, tanong ko.

“Hindi ako sinuka, inere ako”, sagot nya.

Ah loko to ah. Mehehe joke lang, di pa sya sumasagot.

“Sino ka?” ulit ko.

Aba’y di parin sumasagot. Baka hindi ako maintindihan.

“Who are you?” baka Japanese. “Dare? Dare?” tama ba? –“

Pipi ba ito? Baka koreano… ah.. saranghe lang alam ko.

“Nanung guri mo?” Ajejeje. Natutunan ko lang yung kapampangan na yon somewhere XD

Ano? Di ka talaga sasagot? “Hello? Buhay ka pa ba?”

“Dennisse”, atlast! He called my name. “Will you…

*Slamming of the door

“Will you wake up dens?”

Nandito si kuya Nate? I turn around. Where are y –

*BLAAAAAAGG!

“Dennisse!” sigaw ni kuya Nate.

Back to reality.

A-aray ha? Y-yung muka ko. Yung muka kong magnda. Pwede namang bumagsak na likod yung tatama, bakit kailangan yung muka ko pa? plakda ako sa sahig T^T

Unti unti kong inangat ang ulo ko.

“Kuya nate” paiyak na ko. Masakit talaga promise.

“Baby. I’m sorry. Are you alright? Sorry talaga. Hindi ko sinasadya. Kaya mo bang tumayo?”

Natataranta na si kuya nate. Pero inuna parin nyang kunin yung unan na nalaglag kaysa kay dennisse na bumagsak. Tsss..

“Kuya nate, will you please help me first?”

“Ow. I forgot. I forgot. I’ll take you to the hospital”, inakay nya ko para makatayo.

Hospital? Doctor? Nooooooooooo!

“Kuya nate, I don’t like hospitals. Ice cream will do.”

Akay pa nya ko tapos ningitian ko sya. He smiled back.

“Ow. I get you”. He pinched the tip of my nose. “Haha. Next week, I’ll treat you”

Ang sweet ng kuya ko noh? Nag-iisa lang yan sa earth.

“Kuya matutulog lang ako ulit.”

“baby, it’s already 8:30”

8:30 palang pala e.

“8:30?! Phgysics namin!”

“I’ve been trying to wake you up”

“You should have tried harder”

Late na ko. Terror pa naman yung bisugo na yon.

Too much conversation. Gotta move quickly. Kukwentuhan ko nalang kayo habang naliligo ako.

Isa akong sawimpalad. Sawimpalad sa talent. My mother’s a painter and my father a musician. Pero nasa ibang bansa sila lagi for some business matters. So ayun nga, si kuya Nathaniel Baes lahat ang nakasalo ng talent nila ama’t ina. Samantalang ako…

♫Coz baby you’re a firework. Come and show them what you worth…

Langaw: sunoooooooog!

♫ Bem bem bem even brighter than tge men men men…

Tipaklong: peste kang langaw ka! Si dennisse lang yon, kumakanta!

Ipis: maganda pa boses ko. Nubayan.

Pati mga insekto nagrarally sa boses ko. Hay buhaay. Ang hirap ng walang ibang talent kundi ang gumala at mang-api ng kapwa. Buti nalang maganda ako. Balikan natin yung kuya ko. Ayun gwapo parin. Syempre, nasa lahi naming yun :3 habulin sya ng chikabebs, torpe naman. He’s the best kuya ever. Two years lang yung gap naming but he acts like my mother, father, son, holy spirit. Amen. Ajujuju.

That’s all bow.

Aw! My head hit the door.

Good Morning =__=

************************************

“Dennisse” he called my name. “will you…

“Dennisse!”

“Ay kalabaw dennisse will you!” gahd my head. Shocks, andun na. ginising pa ko ni Arrie. Kainis.

“Ano?” there’s a hint of annoyance in my voice.

“Anong will you?”,Arrie asked innocently.

“Kasi I’m almost there, then here you are waking me up” matutulog nalang ulit ako.

Ipinatong ko yung ulo ko sa braso ko na nasa armchair.

“Denni –

“Baes! Sleeping at class hours again?”

Patay. I was caught by our terror teacher.

“Ah. M-maam”

“I think you deserve detention”, she proclaimed in a calm but obviously angry voice.

AGAD?

“That’s why I’m waking you up”, Arrie murmured.

May magagawa pa ba ko?

Well I can sleep there, after all detention is favorable for me.

At detention…

Nagising ako sa kalabit ng isang taong di ko alam kung sino.

“Miss. Masyado ka na yatang natutuwa sa pagtulog mo dito?”

Natutuwa sa pagtulog? Ano daw? Sino ba ito?

I raised my head.

“seriously, did you plan it na madetention to sleep here?”, the guy asked me.

Nakatayo sya sa harap ko. Kinusot ko yung mata kong medyo antok pa.

“Sort of”, I answered.

The guy is tall, white and… handsome. Infairness kahit nakaeye glasses sya, gawapo parin.

“So what are you going to do? Just stare at me?”. Kaya lang, he’s kinda arrogant. “Sign this record book and you may go”.

He handed me the record book na in 2 years ko dito (transferee lang ako nung third year kaya two years palang ako dito) kalahati na siguro nung record book yung pinupuno ng pangalan ko. I signed it.

“oh. Thank you for your very kind approach” then I gave it back to him. Tumayo na ko.

Masungit, gwapo pa naman.

What’s with the earth? Madami ngang gwapo, masusungit naman.

Lalabas na ko but he called my name.

“Dennisse”, he mouthed. “Will you…

Natigilan ako sa huling sinabi nya. Sandali lang.

I know that voice. I know that line. I-I know him...

****************************

[A/N: so ayun na nga po yung first chapter ng kalokohan kong istorya. ipagpatuloy nyo po lamang sana ang pagbabasa. salamat sa pagsakay sa LRT 1. wahahaha. de joke lang xDD]

Continue Reading