School Life With You

By areyouohkaye

45.3K 5.1K 7.5K

Chelsea Reyes, a former homeschooler since childhood, wants to go to regular school as a Grade 10 student. Sh... More

PROLOGUE
01: Home Is Cool (part one)
01: Home Is Cool (part two)
02: Every First Day (part one)
02: Every First Day (part two)
02: Every First Day (part three)
03: What's wrong with EA (part one)
03: What's wrong with EA (part two)
03: What's wrong with EA (part three)
04: Freedom Spree (part one)
04: Freedom Spree (part two)
04: Freedom Spree (part three)
05: Choose Me (part one)
05: Choose Me (part two)
05: Choose Me (part three)
05: Choose me (part four)
06: Classroom unwanted Royalties (part one)
06: Classroom "unwanted" Royalties (part two)
06: Classroom "unwanted" Royalties (part three)
06: Classroom "unwanted" Royalties (part four)
07: Meet Everyone (part one)
07: Meet Everyone (part two)
07: Meet Everyone (part three)
08: Money and Fame (part one)
08: Money and Fame (part two)
08: Money and Fame (part three)
08: Money and Fame (part four)
09: Leader in the Making (part one)
09: Leader in the Making (part two)
09: Leader in the Making (part three)
09: Leader in the Making (part four)
10: It's on, Albion (part one)
10: It's on, Albion (part two)
10: It's on, Albion (part three)
11: ill will in amity (part one)
11: ill will in amity (part two)
11: ill will in amity (part three)
Yohan and Cheska
12: Words Matter (part one)
12: Words Matter (part two)
12: Words Matter (part three)
12: Words Matter (part four)
13: Not Alone (part one)
13: Not Alone (part two)
13: Not Alone (part three)
14: Mind Games (part one)
14: Mind Games (part two)
15: I'm "not" a Charm (part one)
15: I'm "not" a Charm (part two)
15: I'm "not" a Charm (part three)
15: I'm "not" a Charm (part four)
15: I'm "not" a Charm (part five)
16: All fun, until... (part I)
16: All fun, until... (part II)
16: All fun, until... (part III)
16: All fun, until... (part IV)
17: Find Yourself (part I)
17: Find Yourself (part II)
17: Find Yourself (part III)
17: Find Yourself (part IV)
18: The Underdogs (part I)
18: The Underdogs (part II)
18: The Underdogs (part III)
18: The Underdogs (part IV)
18: The Underdogs (part V)
19: Beleaguering Hearts (part I)
19: Beleaguering Hearts (part II)
19: Beleaguering Hearts (part III)
19: Beleaguering Hearts (part IV)
19: Beleaguering Hearts (part V)
20: I Know You (part I)
20: I Know You (part II)
20: I Know You (part III)
20: I Know You (part IV)
20: I Know You (part V)
20: I Know You (part VI)
Epilogue
SLWY Main Characters + Illustration
announcements & message for y'all :)
Book 2! (announcement)

09: Leader in the Making (part five)

481 75 54
By areyouohkaye

Chapter Nine - V
Leader in the Making

"Tapos na ba kayo?" Tanong ni ate Heather nang makalapit siya sa mini circle naming apat na mga Grade 10. Inutusan kasi kami na mag-brainstorm ng mga platforms namin, habang nagmememorize ng mga introduction namin para sa isasagawang kampanya na sisimulan mamaya. It's such a busy day, kaya naman naka-excuse na kami sa mga klase namin this week.

Ate Heather is so beautiful especially this close! Her hair is curly, she has this long lashes, pointed nose, and clear fresh face! Grabe napa-fangirl ako saglit at saka ko lang napansin na pinalabas na nila ang mga grade 7 to grade 9, siguro dahil lunch time na rin.

"Oo ate, kaso si kuya Xian tulog, hindi namin makausap." sabi ni Jason sabay turo sa lagay ni kuya Xian na nakasandal sa upuan habang mayroong libro sa mukha nito.

"Leave it to me." Ngumiti si ate Heather sa amin at dumiretso kay kuya Xian na marahas na tinanggal ang libro na nakatakip sa mukha niya.

"Hoy Xian! Umayos ka nga, porke wala tayo sa campus natin matutulog ka na diyan? WOW, hiya naman ako sa'yo! Ang dami mong ginawa huh? Pagod na pagod ka diyan?!" Napanganga kaming apat sa nasaksihan. Bigla pang napaupo si kuya Xian at nag-ayos ng postura. Patuloy naman siyang sinesermonan ni ate Heather habang antok na antok ang mukha.

"She's the secretary of Senior high SSG from grade 11, at napapasunod niya si kuya Xian ng ganyan?" tanong ni Jason na nabibilib kaya napatango-tango din kaming tatlo bilang pagsangayon.

"Nalinga lang ako sandali nakatulog ka na dito?" Napabaling kaming muli dahil sa pagpapatuloy ni ate Heather.

"Stop nagging Heather, just go back to your work." Masungit na utos ni kuya Xian at bumaling na ito sa kabilang direksyon para siguro maihiga ang mukha niya sa table.

"Hoy! Umayos ka nga huwag mo kong ma-go back go back to work diyan! ako masusunod dito, remember?" Niyugyog ni ate Heather ang balikat ni kuya Xian kaya napabangon ito muli. "Pipilit-pilitin mo kong maging campaign manager tapos ganyan ka?" Napa-crossed arms na ito at napataas ng kilay.

"Fine, what will I do?" Galit na tumingin si kuya Xian saglit sa babae pero agad ding umiwas ng tingin. Takot ba siya o ano?

"Baka jowa siya ni kuya Xian?" Intriga naman ni Vincent kay Jason habang nakatingin silang pareho sa dalawang seniors namin na nagtatalo.

"Say master muna." Sabi pa ni ate Heather na ngayon ay napangisi.

"Oo nga noh." Pagsang-ayon ni Jason kay Vincent. Napatango naman sina Vincent at Jason nang sabay habang nakatuon pa rin sa pinapanood. Natawa tuloy ako, chismoso din pala ang mga lalaki?

"I think they're not together." Bulong naman ni Alice sa amin.

"I agree." Sabi ko, kaya napatingin sa amin sina Jason at Vincent. Nagtawanan naman kami ni Alice nang makita ang reaksyon ng dalawa na tila nabasura ang kanilang thesis proposal.

"Paano niyo nasabi?" Tanong ni Jason.

Gusto ko lang talagang kontrahin ang dalawang lalaking 'to kaya kumampi ako kay Alice. Wala naman akong alam sa love psychology kaya hinayaan kong si Alice ang magpaliwanag ng napansin niya. Besides, I wanna see how she see things.

"Kuya Xian is not facing his body towards ate Heather while they're talking, so it means he's not that interested." Sabi nito kaya napatango-tango ako. Ganoon ba yon?

"Pero nag-aaway sila, malamang ayaw ng lalaki na harapin ang babae kapag ganon." Sabi ni Jason.

"Bakit naman?" I asked.

"Kasi baka halikan ng lalaki ang babae." Nakangising sagot ni Vincent habang nakatingin sa akin kaya tinaasan ko siya ng isang kilay.

Ganon ba yon? o sadyang nagjojoke lang tong si Vincent?

Alice chuckled. "This is what I think... they are not together but they have a past."

"Oooh showbiz." Kumento pa ni Jason.

Nagpatuloy naman si Alice na sabihin ang kanyang deduction habang pinagmamasdan niya sina kuya Xian at ate Heather. Kaya siguro nanalo sila Alice sa 1st round ng Game of 10s kasi magaling siya mag-observe.

"Kuya Xian is ignoring ate Heather because it may trigger their past that's why he's not facing her. While ate Heather, she doesn't care about their past... I think she's just like that... makulit." Napatango-tango kami sa sinabi ni Alice at muling pinagmasdan sina kuya Xian at ate Heather.

Nag-adjust ng upuan si kuya Xian at iniharap ito sa side kung saan wala si ate Heather na patuloy sa pangungulit. Isinandal ni kuya Xian ang ulunan nito sa mesa at pinangtakip muli ang libro.

"See that act? That's an ayaw kitang harapin coz you're cute move." Natatawang sabi ni Alice kaya napanganga ako. "He's being defensive about his feelings, so he chose not to trigger what he feels or about to feel." Dagdag pa niya kaya nanlaki mga mata ko.

"Told you, gusto niya kasing halikan." Tatawa-tawa pang sabi ni Vincent kaya sumali naman si Jason sa kanya.

Tsk! Halik agad? Napaka-walang sense ng dalawang toh. Napailing ako at pinagmasdan na lang sina kuya Xian at ate Heather.

Nagulat ako dahil naalala ko bigla si Sean kay kuya Xian nang mag-adjust ito ng upuan niya para talikuran si ate Heather. Wth?! Sean also did that move to me when I was bugging him. So you mean to say... No way! OMG yes!!! --- Joke, no pala! Nagkataon lang yon Chelsea, ano ka ba? Desperate much? Hayst!

Madami pang pinaliwanag si Alice na hindi ko na napakinggan kasi busy ako sa pag-iisip.

"Oh sige na Alice, agree na ako sayo. Ang galing mo talaga!" Pagsuko ni Jason at tumango-tango naman si Vincent habang patuloy pa rin sila sa panonood sa eksena. Tuluyan na akong na-distract at hindi ko na nasundan ang bangayan nila ate Heather at kuya Xian.

Kung totoo ang sinasabi ni Alice... then Sean think that I'm cute? And he's being defensive? Why? Should I consult a psychologist just for this matter? Or maybe... I should really stop thinking that this is about me.

"Fine!" Inis na sabi ni kuya Xian at tumayo na ito. Nilampasan niya si ate Heather na malawak ang ngisi na parang nanalo.

Dumiretso sa harapan naming apat ang nakakunot-noong si kuya Xian. Nakakatakot ang awra niya ngayon na parang gusto pumatay ng mga istorbo sa tulog. Laging salubong ang kilay ni kuya Xian kaya sa tingin ko tatanda siya nang maaga, pero bago yon, feeling ko nasa panganib kami ngayon. Shocks! I feel like I'm shaking.

"You done?" Seryoso nitong tanong, tumango naman kami. Nakarinig pa ako ng paglunok, ewan ko kung kay Vincent yon o kay Jason, o sa kanilang dalawa?

"Chelsea's the president, Vincent is the VP, I'm the secretary, and Jason is the representative. At ito po ang mga naisip naming platforms." Sabi ni Alice at inabot nito ang listahan namin kay kuya Xian. Alice is just calm and collected, parang wala siyang kinakatakutan! Sana ganyan din ako.

Ni-scan saglit ni kuya Xian ang listahan at saka ito tumango.

"You three are dismissed for lunch, Chelsea I'll talk to you for a sec." Sabi nito nang hindi ako tinitignan, pero napatango ako kaagad.

Lumabas ng room si Kuya Xian na masama ang mood at nilampasan muli ang mapang-asar na mukha ng magandang si ate Heather. Nakahinga naman kaming lahat na maluwag nang makaalis na si kuya Xian.

"Pagpasensyahan niyo na yon, nireregla eh." Sabi niya kaya natawa kami na medyo kabado pa rin.

"Ate may tanong ako..." sabi ni Jason kaya gulat kaming napatingin sa kanya. Oh no, hindi ko siya kilala! I quikcly get my things para masundan na sa labas si kuya Xian at tumayo na ako.

"May past kayo ni kuya Xian?" Tanong nito na parang close na sila ni ate Heather, natawa naman ang maladyosang babae na parang walang pakialam sa estado ng closeness nila ni Jason.

"Oo manliligaw ko dati, pero binusted ko." narinig ko ang tawanan nilang apat bago ko maisara ang pintuan ng conference room.

Natawa na lang din ako habang napapailing, that's cute! Para tuloy nabawasan ang takot ko kay kuya Xian nang malamang na-busted siya. Natatawa at natutuwa naman ako kasi mayroong isang ate Heather na nagtanggal ng intimidating aura ni kuya Xian. Nakita ko si kuya Xian na nakadungaw sa quadrangle. Tinabihan ko siya pero mayroon pa ring malaking gap sa pagitan namin.

"I think you should change your position." Diretsong sabi ni kuya Xian habang nakatingin pa rin sa malayo kaya naman napanganga ako sa gulat ng pagiging straightforward niya. Hindi man lang bumwelo!

"B-bakit po?" Am I not qualified? Mas gusto niya ba si Alice na maging president?

"Because you're a transferee, walang magtitiwala sa'yo." Napatigil ako sa sinabi niya pero suminghap ako at hinintay ang paliwanag niya.

Para bang pinagdudahan niya na kaagad na kaya ko, pero madami kasing nagsasabi sa akin na hindi dapat ako tumakbo ng president kasi nga ganito, transferee lang ako. Humarap ito sa akin na seryoso lang ang mukha. Handa akong makinig sa mga suhestiyon ng mga tao sa paligid ko, kasi kapag ako lang ang susundin ko, baka di rin makabuti sa akin. Syempre depende yan sa sitwasyon, at ngayon, si kuya Xian ang mas madaming alam sa mga ganito, kaya magtitiwala ako sa sasabihin niya.

"Sayang ang tandem niyo ni Vincent kung siya lang ang mananalo. You have to trust me on this one. Loyalista ang mga taga EA, and they will never appoint a new face for the presidential position." Paliwanag nito. I digested his words and nodded as soon as I get what he meant.

"Then ano po ang dapat kong pwesto?"

"VP or secretary, no... you'll be the VP. You have to switch positions with Vincent." Seryoso nitong sabi, so I nodded again. Medyo nagulat pa ako dahil hindi si Alice ang ni-appoint niya bilang president or VP, akala ko ba siya ang best pick ni kuya Xian?

"I will talk to him, thank you kuya Xian." I awkwardly smiled a bit. He's good in eye contact, pero kay ate Heather? Hindi siya ganito.

"No, thanks for trusting me." He told me with a calm voice. I relaxed a bit kasi ang polite ng pagkaka-approach niya sa akin. Talagang kinausap niya ako mag-isa para hindi ako mapahiya sa mga kasama ko at para na rin maintindihan ko ang punto niya. Siguro panlabas lang na anyo ang nakakatakot sa kanya.

"You know what they say... trust a Beleaguer's order in times of danger. So thank you for being rational, President." I told him, and finally I made him smirked at me and nodded. Para nga siyang napatigil sa sinabi ko at natuwa nang ma-absorb niya na iyon.

"Kuya..." I don't know if I should call him that or Mr. president? Anyway, nagpatuloy pa rin ako.

"Can I ask you something, when Vincent and I won?" I don't know where my confidence is coming from, maybe because I become brave enough to kick our barrier because he looked like he's impressed?

"Why don't you just ask it right now?"

Dahil feeling ko hindi pa kami close, at hindi naman siguro kami magiging ganoon ka-close para tanungin ko siya bigla tungkol sa feelings niya for ate Heather. Bakit ko siya tatanungin tungkol doon? Kasi gusto kong makakuha ng idea kung pareho ba talaga sila ni Sean. Yeah I know this is crazy! Pero kapag tinanong ko siya ngayon, posibleng hindi siya sumagot nang maayos. Pero kapag mayroon akong alas tulad ng hinahangad niya na victory ng ChelVin tandem, ay wala na siyang takas. He will have to answer my question properly, and I think he will, coz I feel like he is a man of words.

And yes, I am curious about this. Kasi hindi ko pa naranasan ang "love" and "relationship". Hanggang crushes pa lang, kaya gusto ko sanang maunawaan ang "feelings" ko at ng ibang tao.

"You won't like it if I ask you now. That's why I am trading our victory in exchange for your answer, proper answer." Sabi ko kaya napatango siya na tila nakuha ang ideya ko.

"Okay, I'm in." sabi nito na napapatango na tila natutuwa sa iprinisenta kong kondisyon.

"I see why Freya chose you." Dagadag pa nito kaya nagtaka ako. Freya didn't choose me to be in Beleaguer other than the reason about my family background that she dug.

Tatanungin ko pa lamang sana siya nang pinutol niya ang tingin nito sa akin na parang may tinignan sa likuran ko. Ngumisi si kuya Xian sa akin nang tignan ako nitong muli.

"We have a deal right?" Tanong niya kaya napatango ako agad, "Then win."

"We will." Buo ang loob na sabi ko kaya tumango ito.

"You may take your lunch." Utos nito saka tumalikod na para umalis.

Napabuga naman ako ng hininga nang makaalis na siya. Ang stiff ko siguro habang kausap siya? I don't know. But like I said, I can handle guys... maybe not just the flirty ones like Vincent, snobbish like Sean, but also the serious ones like kuya Xian. I'm proud of myself.

Nakangiti akong humarap sa aking likuran para pumunta na sa left wing nang may bumulaga sa akin na isang gwapong nilalang. Nawala bigla ang ngiti ko dahil baka isipin niyang baliw ako or what.

"Hey." Bati nito na parang tinatamad na kausapin ako.

"H-hi?" Bati ko rin. "What's up?" Dagdag ko pa para naman maging casual ang dating ko.

"Ms. Mara told me to inform you that we'll be having a test for Math quiz bee." Sabi nito kaya napakunot noo ako, napa-singhap naman siya na parang kinakalma ang sarili. Hala sorry na agad Sean!

"She told me that you are part of the Acad org." Maikling paliwanag nito kaya sinubukan kong pagtagpiin ang lahat.

"Ah! Oo nga." Sabi ko habang tumatango-tango, muntik ko pang masapok ang noo ko dahil hindi ito nag-function kaagad kanina. Acad org told us, during our orientation, that we will be having a surprise elimination exams for the quiz bee. And I think the time has come.

"Anong oras?" Tanong ko pa.

"1 pm." Bored na sabi nito kaya tumango naman ako. Ang cute lang ni Sean kasi kinausap niya ulit ako. Buti nalang siya ang nautusan ni Ms. Mara!

Aalis na sana siya nang wala sa wisyo kong natawag ang pangalan niya! Oh my gosh! What should I tell him? Why did I even called his name without being aware?

"What?" Masungit niyang tanong at sinalubong mga mata ko.

Should I tell him I was unconscious when I called his name? Eh? Maniniwala ba toh?

"Ahm... nothing." Sabi ko at awkward na natawa.

"Don't talk to me if you don't have an important business to say." Madiin nitong sabi. Parang nabuhusan ng asido ang ego ko dahil sa sinabi niya.

"Ah okay, sorry." Napayuko ako. Inaamin ko na napahiya ako sa part na yon. I assumed that we are already close friends and he will take it lightly, but Sean's different. He don't see me as I see him. I am just a classmate to him.

"Sean bibi kooooo!!!!" Nagulat ako at nag-angat ng tingin nang biglang may yumakap kay Sean patagilid. Ang nguso nito ay inaabot ang pisngi ni Sean na lumalayo sa kanya.

"Hey! stop it." Madiing sabi nito na conscious sa pagtitig at pagkagulat ko.

"No Sean lemme kiss you first!" humaba pa lalo ang nguso ni ate Heather na parang gigil na gigil. Yakap niya si Sean patagilid na nakatrap ang mga braso nito sa nanggigigil na yakap ni ate Heather kaya hindi makawala si Sean.

Oh my gosh?

May relasyon sila?

Kaya ba ayaw ni ate Heather kay kuya Xian, kasi sila na ni Sean?

Akala ko si Sean at Freya ang may something?!

For a second, I forgot that I was shocked of what's happening. Para bang nafocus bigla ang paningin ko kay Sean na parang na-aagrabyado ang rights of liberty niya. Masungit ito na parang iritadong bata na pinanggigigilan ng kung sino. Natawa ako sa itsura niya, kaya napatingin siya sa akin bigla at napahinto siya sa paglayo sa nguso ni ate Heather. Wrong move! Kasi dahil doon ay nahalikan na siya sa wakas ni ate Heather sa pisngi. Bigla akong natahimik at nag-iwas ng tingin. Why am I still here?

"Yeay finally!" tuwang tuwa na sabi ni ate Heather. Pinakawalan niya na si Sean at ginulo ang buhok nito. Napapress naman ako ng mga labi para makapagpigil ng ngiti dahil masama ang tingin sa akin ni Sean.

"Why are you still here?" madiin niyang tanong habang salubong ang kilay. Muntik na akong mapa-aww dahil sa gulo-gulo ang buhok niya tapos ang attitude pa rin niya.

"Sungit mo talaga." Sabi ko sabay nguso.

"Oh? Kilala mo si Chelsea, Sean?" gulat na tanong ni ate Heather.

"Yeah, see you around ate Hetta." sabi nito at inalis na ang tingin sa akin. Tumalikod na siya at naglakad paalis.

ATE???

MAGKAPATID SILA? EH HINDI SILA MAGKAMUKHA!

"Hoy! Dumalaw ka naman sa bahay pag weekends! Buong summer break kang hindi nagpakita." Pahabol ni ate Heather, tumango lang si Sean habang naglalakad na palayo. Napatingin sa akin si ate Heather at ngumiti.

"He's my cousin, kaklase mo siya?" Oh I see! Magpinsan sila. Tumango ako sa tanong niya kaya napanganga siya.

"Omg! So kaklase mo din ang kapatid ko!"

"Eh? Sino po kapatid mo?"

"Si Hajie!"

"Ah yung tahimik na gwapo na kaclose ni Sean pero hindi nakikisama sa mga tropa ni Sean na mukhang mga pasaway. I think Hajie's a quite guy." Sabi ko, bigla naman siyang kumapit sa braso ko habang nakangiti na parang close na kami.

"Yeah! He is my opposite! Ah wait... jowa ka ba ni Sean?" Hindi ako kaagad nakaangal kasi tuloy-tuloy siya sa pagsasalita habang hinahanatak ako sa gawi papuntang canteen.

"H-huh---"

"Pasensya ka na nasaksihan mo yon, miss ko na kasi si Sean. Di bale next time di na ako sisingit sa alone times niyo." Kinikilig niya pang sabi, tuloy-tuloy siyang nagsalita kaya di ko na nasabi na walang kami ni Sean.

Sinabi niya rin sa akin na parang familiar ako. Tinanong pa nga niya kung magkakilala na kami dati pero sabi ko hindi ko alam.

"Oh well baka na foresee ko lang na kayo ni Sean ang magkakatuluyan kaya naging pamilyar ka." Sabi pa niya sabay tawa.

Naglunch kami ni ate Heather na magkasama dahil hindi ko na mahagilap si Vincent. Sila Violet at KKK naman ay nakijoin sa amin. Magkakilala sina Violet at ate Heather dahil pareho silang taga Charm House, pareho din silang maganda, at maingay. Requirement ba sa Charm na maging babaeng bakla?

Pinagkukwentuhan nila/namin yung mga boys sa classroom namin, mainly Axel na crush ni Violet. Tapos biglang napunta sa akin ang topic.

"Kamusta naman sina Sean at Chelsea sa room niyo? Ayieee." pangaasar niya pa sa akin kaya napanganga si Violet at natawa naman sila Kier, Kisha, at Kris.

"Ate they're not together!" sabi ni Violet kaya kumunot noo ni ate Heather.

"Huh? Ang bagal naman ni Sean? Ligawan stage pa lang ba Chelsea?" Tanong niya kaya umiling ako agad.

"Omg ate, wala pong kami." sabi ko at tumango-tango naman si Violet like her life depends on it. Ilang braincells kaya ang nabawas dahil sa pagtango niyang ganon?

"Sus! Kunwari ka pa! Eh ramdam ko yung kuryente ng pagtititigan niyo kanina ni Sean." malawak ang ngisi niya kaya mas lalong natawa sina Kier at halos himatayin si Violet sa maling ideya ni ate Heather.

"Sean and Chelsea equals... SeanSea! Ang cute." Nanggigigil niya pang sabi sabay pisil sa pisngi ko. Kahit na ayaw ko magpapisil ng pisngi ko hinayaan ko na lang siya dahil ang saya niya eh.

"Hahahaha putek, may team ChelVin na nga, may team SeanSea pa!" napapailing na sabi ni Kris.

"This is crazy." sabi ni Violet na napasalo ng noo niya habang napapailing.

Yeah, I think I am super ship-able.

Samantala... Nakapag-test ako nang maayos para sa Math quiz bee around 1 pm to 2 pm. Kaya naman hindi kami nakapag-kampanya until later at 3 pm. Nakatambay ang partylist namin ngayon sa isang spare room dito sa left wing. Na-anunsyo na rin ang final line up namin pati na rin ng iba pang mga partido. I was browsing the news article at The Prophets online to see the other official candidates while the others are busy socializing.

"Kuya Vincent kapag nanalo ka as president ano gusto mong itawag sayo?" tanong ni Cindy, grade 9. Napatigil tuloy ako at napatingin kay Vincent na natatawa ngayon.

"El presidente." Suggestion ni Jason.

"Too spanish." Mabilis na response ni Vincent.

"Edi pinuno na lang!" Suhestiyon pa ng isa.

"Di ko bagay!" Natatawang sabi ni Vincent.

Nang natahimik ang lahat dahil wala nang makumento at maisip, ay napatingin kami kay Vincent na tila napapaisip rin.

"Just call me... Master." Sabi niya kaya nagtawanan ang mga bata, napa-iling naman ako sa kalokohan niya. Nahagip ni Vincent ang tingin ko kaya lumapit siya sa akin at umupo ito sa arm rest ng upuang ito.

"Chels, tawagin mo rin akong Master gusto ko ikaw yung unang tatawag sa akin kapag nanalo ako." Sabi nito na parang batang nakikipag-deal, pangiti ngiti pa siya. Napaka-dramatic talaga ng isang toh.

"No, I'll call you Vincent pa rin." Diretsong sabi ko kaya naman bumagsak ang mga balikat niya.

"Killjoy!" Natatawang kumento ni Jason na nasa tabi ni Alice, nagmemerienda rin sila katulad ng iba.

"It's fine." Pabebeng sabi ni Vincent na tinatapik pa ang balikat nito na tila pinapakalma ang sarili.

"She's the boss." Sabi pa nito sabay pat ng ulo ko.

"Ayieeee! ChelVin!" Kumento ni Jason kaya napakunot noo ako. Kanino niya nalaman--- Oh! I remembered that The Prophet's article exposed our ship name.

"Hoy anong ChelVin ChelVin kayo diyan? Share ko lang pero SeanSea ang bet ko." Nakapamaywang na sabi ni ate Heather na salubong ang kilay.

"Who???" Gulat na tanong ni kuya Sid na isa ring campaign manager namin.

"Yung pinsan kong si Sean plus Chelsea... SeanSea!" Masigla na ulit si ate Heather at nakangiti pa ito nang sabihin niya yon.

"Huh? Sila ba?" Tanong ni Jason na halatang nalilito, napatingin pa siya kay Vincent... na naka-poker face lang.

"Oops shet! Sorry Alice." Sabi pa ni Jason na natatawa.

Nagtaas ng kilay si ate Heather kay Jason. "Bakit ka nagsosorry kay Alice?"

"Naging fling sila ni Sean---"

"It's okay Jason, matagal na yon." nakangiting sabi ni Alice, nginitian din nito si ate Heather na nagkibit balikat na lamang.

"Kuya Vincent okay lang yan, hindi naman sina ate Chelsea at kuya Sean. May pag-asa ka pa!" Sabi pa ni Belle na kasama namin ni Sean sa academic club. Nasaksihan niya yata kanina na nagsusungit na naman si Sean sa akin bago at pagkatapos naming mag test. Awkward namang ngumiti si Vincent kaya natawa ako.

"Ayan naiipit ka ngayon dahil dikit ka nang dikit sa akin." Bulong ko, pilit niya na lamang akong nginitian.

"By the way, have you seen the line up?" Tanong niya kaya umiling ako. "Kalaban ko si Shaira sa pagka-presidente." Nang sabihin niya yon ay namilog ang bibig ko.

Hinanap ko kung anong partylist ni Shaira sa article na pinost ng The Prophet's at nagulat ako kung anong partylist iyon! Partylist nila ate Lira na isang Dauntless na hindi niya kinuha si Vincent dahil sa akin.

PEOPLE's CHOICE LINEUP

President: Shaira Alonzo, 10 Corinthians

Hindi ako naka-react kaagad dahil sa nabasa ko. Muntik na kaming maglaban muli ni Shaira! At ang matindi pa ngayon dito, hindi ikakampanya ng Dauntless house si Vincent. Kaya baka si Shaira ang iboboto ng ibang mga Dauntless. Eh ang pagkaka-alam ko, si Shaira ay miyembro ng house Amity. Paano na ito? May mga boto siya sa Dauntless at Amity House.

"At alam mo kung sino ang vice-president?" Tanong ni Vincent kaya napatingin ako sa kanya at umiling ako kaagad.

"Sino?"

"Girlfriend ko." Ngumiti ito nang malungkot kaya napakunot noo ako.

Ang ibig sabihin ba nito, makakalaban ko ang jowa niya? Napatingin akong muli sa listahan at nakita ko ang pangalan ng secret girlfriend ni Vincent.

Vice President: Ariella Roque, 10 Romans

Napalunok ako sa nabasa, isa na namang Romans! For sure malakas siya sa masa katulad ni Alice. Dapat na ba akong mag-secretary na lang?

Teka... ako naman siguro ang iboboto ni Vincent 'di ba?

~•~•~•~•~

January 02, 2021

Happy New Year everyone!

This year I'm praying to finish this story within 2021. SLWY will surely be a long one, coz I want to show the journey of high school students within the whole school year. Pagkatapos siguro ng Chapter 10, malalaman niyo na ang Point of View ni Shaira, at ng iba pang mga characters ng kwentong ito. So stay tune, stay healthy, and happy! I declare success and victory in your lives! Keep safe!

-areyouohkaye

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 18.5K 51
HIGHEST RANK ACHIEVE - #1 in Bloody Category (1 week) #2 in Brutal Category - HELL IS EMPTY. ALL THE DEVIL IS HERE - Humanda ka na Isusunod ka na ni...
22K 1.2K 30
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
4M 101K 53
Adonis Academy School for BOYS? Pangalan palang, lalaking lalaki na. Isang tingin mo palang sa pangalan ng school nila, alam mo nang mga kalahi ni Ad...
7.5M 202K 71
"Far from being Ordinary Girls" ang papasok sa isang sikat na paaralan kung saan nandoon ang mga kalalakihang pinapangarap ng lahat. Mga kalalakihang...