When True Love Comes Arrived...

By AngManunulatMissDee

147K 4.5K 337

Love is unstoppable ... So When True Love Comes Arrived, don't missed it. Coz you will never find a person wh... More

Introduction
S1
S2
S3
S4
S5
S6
S7
S8
S9
S10
S11
S12
S13
S14
S15
S16
S17
S18
S19
S20
S21
S23
S24
S25
S26
S27
28
S29
S30

S22

3.7K 126 8
By AngManunulatMissDee

Dahil sa sinabi ni Chynna kay Rhian, napag isip isip niya na kailangan niya ng kumilos. Dahil nakapaka bilis ng takbo ng oras, ayaw niyang masayang lang ang bawat oras na lilipas para sa kanila ni Glaiza.

"I need to do something, tama si Chynna hindi ko dapat sayangin ang oras ko, kailangan ko nang kumilos. It's time para ipaalam kay Mom and Dad ang tungkol sa amin ni Glaiza. Kung hindi nila ako tanggapin, ipaglalaban ko pa rin ang pagmamahal ko para kay Glaiza. At kung itakwil man nila ako bilang anak, maluwag kong tatanggapin. Dahil alam ko na balang araw matatanggap din nila ako. Walang magulang ang matitiis ang kanyang anak, so if that happen malinaw sa akin na si Glaiza ang pipiliin ko. Kung ifreeze nila ang mga bank account ko, dapat ngayon palang maunahan ko na sila. Kailangan ko mag withdraw ng pera para sa pagpunta namin ng America ni Glaiza. Ilalagay ko sa account ni Glaiza lahat ng money ko. Nang sa ganun meron na akong budget, sa pagtira namin don at sa pagpapagamot niya. At kung kulangin man dapat makahanap agad ako ng trabaho don, para may pangsupporta ako sa pang araw araw namin na gastos don. At ayoko iasa sa parent niya ang pamumuhay namin sa America. Sa America pwede na kaming magpakasal don, pero dagdag gastos. Hay naku Rhian kailangan mo nang maghigpit ng sinturon simula ngayon. Dahil hindi lang para sa sarili mo yung gagawin mong desisyon, para na rin kay Glaiza." she said to herself.

Maya maya pa nagising na si Glaiza. Sa sobrang lalim ng iniisip ni Rhian hindi niya napansin na gising na pala ang girlfriend niya.

"Lab?" pagtawag ni Glaiza.

"Hey? Gising ka na pala."

"Kanina pa mga 30 seconds ago, kanina pa nga kita tinititigan pero mukhang malalim ang iniisip mo. Okay ka lang?"

"Ah oo lab okay lang ako, okay na okay
Ikaw kamusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo nagugutom ka ba?"

"Lab okay lang ako, malakas ako kapag nandito ka sa tabi ko."

"Lab naman wag mo nga akong bulahin. Yung totoo?"

"Okay lang po talaga, medyo nabawasan yung pain ng buto ko."

"Binigyan ka kasi nila ng gamot, mamaya pupunta ko sa office ni Chynna kukunin ko yung resita ng gamot na iinumin mo."

"Sige lab, ah lab anong sabi ni Doc Chynna? Ano daw lagay ko?"

Di alam ni Rhian kung dapat niya bang ipaalam kay Glaiza ang totoo nitong kalagayan.

"Wala pang sinasabi si Chynna, sabi niya matatagalan pa raw ang paglabas ng test mo. Mga 2 to 3 days pa malalaman, pag aaralin kasi niyang maigi, para makasigurado siya kung ano talaga totong lagay mo." mas pinili ni Rhian na wag nang malaman ni Glaiza ang totoo para di na ito mag isip pa at mabahala. "Saka wag mo muna intindihin yan, kasi as long as magkasama tayo hindi ka manghihina. Dahil ako ang brilyante na magbibigay sayo ng lakas, magsasangalang sayo sa masasamang tao na gustong manakit sayo, at ang brilyanteng mag aalaga, poprotekta sayo. Ako ang iyong brilyante na nag aalab sa pagmamahal sayo mahal kong Sang'gre." sa tinurang binitawan niya kay Glaiza.

"Ayos sus, ang corny mo lab. Brilyante talaga ah?"

"Oo naman, ikaw naman yung pinili ng puso ko para mag may ari nito." banat ni Rhian kay Glaiza.

"Lab kahit di mo ko banatan, at kahit wala kang gawin para pakiligin ako. Malaman ko lang na ako ang mahal mo masaya na ako." kinuha nito ang kamay ni Rhian at hinalikan.

"Gusto ko lang makita kang nakangiti, kasi kanina kitang kita ko na sa mga mata mo na nahihirapan ka na. Nahihirapan din kasi ko, kaya buti na nga lang at dalawang oras ka na ring nakapag pahinga."

"Kanina in pain yung katawan ko, but I feel better now andyan ka e. Ah lab kailan tayo uuwi? Gusto ko na kasing umuwi ng bahay, parang ang lungkot lungkot kasi dito."

"Kung gusto mo nang umuwi ipapaalam ko na kay Chynna. Punta lang ako sa office niya sandali lang ako don. Wag mo akong mamiss agad ah?"

"Sige lab I will wait for you here. Bilisan mo, kasi ngayon palang namimiss na kita." lambing nito kay Rhian.

"Ay sus kakasabi ko lang, oh siya sige na po." sabay halik sa labi ni Glaiza.

"I love you Lab ko." sabi ni Glaiza matapos halikan ni Rhian.

"I love you more."

Habang naglalambingan ang dalawa hindi nila napansin ang pagpasuk ni Chynna.

"Ehem, guys do I disturb you?" bungad nito.

"Chynna, ikaw pala? Papunta na sana ko sa office mo." nahihiyang sagot nito.

"No need Rhi pauwi na rin naman na ako, dinaan ko lang to." sabay abot ng envelop.

"Ano to?"

"It's a recommendation letter, may kaibigan ako sa Amerika his name is James pwede niya kayong tulungan sa medication ni Glaiza."

"Lab anong ibig sabihin ni Chynna?" nagtatakang tanong nito.

"Hindi mo pa ba sinasabi Rhi?"

"Lab ang alin?"

"Ah ano kasi Lab gusto kong gumaling ka agad kaya nag decide ako na sa America ka magpagamot. Hmm Chynna can you give us a minute? Just wait for me outside."

"Okay Rhi." sabay labas ng kwarto.

"Lab bakit kailangan nating pumunta pa ng America? Tell me the truth, malala na ba ang sakit ko?"

"Lab wag mong isipin yan, kaya nga sa amerika ko gustong ipagamot ka kasi don mas high-tech ang gamit. At hindi 50/50 ang maging rates ng survival mo, I don't wanna lose you kaya gagawin ko lahat para gumaling ka."

"Just tell me the truth first bago ko pumayag sa gusto mo."

"Lab pwede ba this time ako ang masunod? Kapakanan mo naman ang iniisip ko, kaya sana pumayag ka na sa gusto ko."

"Lab sa gagawin mong desisyon di mo ba naisip ang magiging reaksyon ng parents mo? Rhi handa ka bang harapin ang pamilya mo at aminin sa kanila kung anong meron tayo?"

Hinawakan ni Rhian ang kamay ni Glaiza.

"Isa lang ang sigurado ako lab kahit anong mangyari ikaw ang pipilin ko. Mahal kita at handa akong harapin ang magiging reaksyon nila sa desisyong pinili ko. Kaya sana pumayag ka na sa gusto ko, dahil para rin sayo to."

"Okay sige, papayag lang ako kapag nasabi muna sa parents mo ang tungkol sa atin. At kung ano man ang magiging desisyon nila na makakabuti para sayo, yun ang susundin natin."

"No Glaiza, ako ang masusunod." madiing sagot ni Rhian.

"Pero Rhi ..."

"No buts Lab, dahil kapag di ka sumang ayon sa gusto ko. Mababalitaan mo na lang napalutang lutang sa ilog pasig ang katawan ko." she said seriously pananakot niya kay Glaiza. "Kausapin ko lang si Chynna hinihintay niya ako sa labas. Tatanong ko rin kung pwede na kitang ilalabas." at agad itong lumabas ng kwarto.

Hindi na nakakibo pa si Glaiza sa sinabi ni Rhian, ayaw niya ring magpatalo pa sila.

Paglabas ng kwarto ni Rhian naka tayo lang si Chynna at umiiling iling sa kanya.

"Tsk tsk grabe ka Rhi, kailangan mo pa talagang takutin ang jowa mo para lang mapasunod sa gusto mo?"

"Chynna hindi naman pagiging possessive, all I want is the best for her. Di naman ako magkakaganito kong wala siyang sakit."

"Pero Rhi she deserve to know the truth, para maintindihan niya kung bakit ka nagkakaganyan."

"Ayoko Chynna mas mabuti nang wala siyang alam. Dahil ayoko din na nag iintindi siya."

"Okay if that what you think na makakabuti sa kanya. Anyway bukas na kayo umuwi dito na kayo magpalipas ng gabi ni Glaiza. She need oxygen dahil hirap na rin siya sa paghinga. Meron ka pang 8 hours para paghandaan lahat, but I suggest unahin mo muna magpabook ng plane ticket. Para kung ano man ang mangyari sa face off niyo ni Tito Dave, pwede ka nang umexit kasama si Glaiza. I have to go, good luck sayo." sabay tapik sa balikat ni Rhian. "Siya nga pala Rhi, libre ko na lahat ng medical test na ginawa kay Glaiza pati yung pagstay niyo dito. Yung pambabayad mo dito ibili muna ng singsing, you know what I mean Rhi. Time is running so fast, so don't waste it." pahabol pa ni Chynna.

Natouch naman si Rhian sa ginawa ni Chynna para sa kanya.

"Thank you so much Chynna, tatanawin kong malaking utang na loob 'to." she said habang teary eyes.

"Sus maliit na bagay, sige na alis na ako. Bumalik ka na sa tabi ni Glaiza." at tuluyan na itong nagpaalam kay Rhian. Tuwang tuwa naman si Rhian sa supportang binigay ni Chynna sa kanya.

Pabalik na sana si Rhian sa kwarto ni Glaiza nang makita niya ang mga Nurse sa information dec na nagkakagulo. Kaya lumapit siya dito ...

"Guys 300 nalang yan bagsak presyo kaya bilhin niyo na."

"Sigurado ka ba talagang hindi iitim to Donna?"

"Oo Carl stainless yan matibay."

"Oy Carl yan ba ang bibigay mong singsing sa jowa mo sa pag alok mo ng kasal sa kanya?"

"Oo tol itong tinda ni Donna."

"Yan? Hahaha nyeta ka tol ang kuripot mo! Ang ibinibigay sa babae yung totoo yung mga worth 15k yung tunay e yan stainless lang yan. Baka ipakain yan sayo ng jowa mo!" kanchaw ng isang Nurse sa kasamahan niya.

"Hoy Bogart ang yabang mo ah? Hindi nasusukat sa halaga ng singsing ang pagmamahal ng isang tao! Hindi pinipresyuhan ang pag ibig noh! Kaya Carl push mo yan, kasi kung totoong mahal ka ng taong pagbibigyan mo niyan tatanggapin niya kung ano yung kaya mong ibigay sa kanya. Ang tunay na Pag ibig marunong makuntinto, hindi yun humihiling ng mas higit pa."

"Yun oh may hugot! Sige na Donna yung couple ring na, sa akinse na ang bayad nito ah?"

"Sige okay lang! 500 nalang yan best wishes sa inyo ng jowa niyo."

"Ayos salamat!"

Nang mag alisan ang mga Nurse tinawag ni Rhian ang nagbebenta ng singsing.

"Hey Donna right?"

"Yes po Ma'am bakit po may kailangan kayo?"

"Ah nakita ko kasi kanina na nagbebenta ka ng singsing. Hmm meron pa ba?"

"Yes Ma'am meron pa! Marami pong bagay sa inyo."

"Actually hindi para sa akin para sa girlfriend ko." she proudly say.

"Ahh see, ito Ma'am pili po kayo." sabay labas ng mga binibenta niyang singsing.

Panay naman ang pili ni Rhian sa mga paninda nito ngunit wala siyang makitang fit na magugustuhan ni Glaiza.

"Ahh wala na bang iba?"

"Wala po ba kayong nagustuhan?"

"Wala e, walang may diamond."

"Hahaha proposal ring po ba?"

"Oo."

"Meron po ako ito isa nalang, for most special girl the round shape para sa tunay na pag ibig na wagas at walang katapusan. Stainless po yan at plastic naman yung diamond pero matibay hindi po yan iitim."

"Wow ang cute for sure magugustuhan niya 'to, magkano?"

"150 pesos lang Ma'am."

"What? E pwede nang mapagkamalang tunay na 'to ah?" gulat niyang tanong.

"Hahaha Ma'am hindi po lahat ng mukhang tunay e totoo. Parang pagmamahalan niyo ng girlfriend mo, hindi tanggap ng ibang tao. Pero sinasabi ng puso mo na yun ang tunay na pag ibig at sa kanya mo nakita yung forever mo."

"Ganyan ka ba magbenta may kasamang hugot? Hahaha pero nakakatuwa ka."

"Hahaha lahat po tayo may hugot sa buhay, saka strategy ko po yan."

"Okay I'll take it. Here." sabay abot ng isang libo.

"Ay Ma'am wala akong panukli."

"Okay lang keep the change." she said at ngumiti.

"Wow naman thank you Ma'am. Sana Yes ang isagot ng girlfriend niyo, basta yung sasabihin niyo hindi puro mabulaklak lang at mga linyang kinupya sa pelikula ha? Dapat hindi lang yung galing sa puso, dapat yung galing din sa atay, balunbalunan, bituka, baga niyo."

"Oo naman, anyway salamat dito."

"Walang anuman po."

At agad nang bumalik si Rhian kay Glaiza na pinagmamasdan pa ang singsing na binili niya.
.

.

.

Pagpasuk niya ng kwarto ngiting ngiti siya kay Glaiza.

"Lab ang tagal naman ng pinag usapan niyo ni Chynna." maktol nito.

"Lab naman sandali lang ako nawala miss mo na ako agad. Sorry naman po may nakausap lang kasi akong Nurse." sabay upo sa tabi ni Glaiza.

"Lab wag kang assumera naiihi na ako, can you please help me?" sagot ni Glaiza

"Ay ganun? Kala ko naman namiss ako. Oh siya bangon ka na." tinulungan ni Rhian na bumangon si Glaiza.

"Gusto mo ba pumasok pa ako sa cr?"

"No need dyan ka nalang kaya ko naman."

"Okay sige."

Kaya si Glaiza pumasok na nang Cr ...

Dali dali naman inopen ni Rhian ang phone niya at plinay ang music.

Now Playing "MINAMAHAL" by Sarah G.

Oooh... haaa...
Ohhh... aaaahh...

Narinig naman ni Glaiza si rest room ang kanta.

"Aba mukhang good mood ang lab ko ah?" she said to herself.

Naalala mo pa ba
Nung tayong dalawa'y magkaibigan pa lang
Akalain mo nga namang
Aabot tayo sa araw na ito

Wala siyang kaalam alam na nakaluhod na si Rhian sa labas ng rest room at hinihintay ang kanyang paglabas.

Tumingin sa aking mga mata
At dinggin ang nais isumpa

At paglabas ni Glaiza nakita niya si Rhian na nakaluhod sa harap niya..

"Rhi?" nagsimula nang maluha si Glaiza.

Ako ay iyo magpakailanman
Ika'y minamahal
Ng puso kong ligaw
Walang sinisigaw kundi ikaw
Ikaw ay akin, walang katapusan
Pinapangako na
Mamahalin kita
Hanggang sumapit ang huling umaga

"Lab importante ba yung word na mahal? Ewan ko lang pero para sa akin mas importante ka, lam mo kung bakit? Kasi how can i say "Mahal Kita"... Kung wala ka naman!!
Kahit ilang beses pa akong masaktan dahil sayo, di kita iiwan, di ako susuko. Dahil kung may isang libong dahilan para iwan ka, hahanap pa rin ako ng isang dahilan para ipaglaban
ka. At hindi ko kailangan ng maganda at sexy na babae sa buhay ko. Ang kailangan ko lang, yung babaeng magmamahal sa akin ng totoo. At sa aming relasyon ay mananatiling tapat at kontento. Kaya Glaiza Santos Cruz tinatanggap mo ba ako na maging kasama mo hanggang sa pagtanda?" sabay abot ng singsing. Di naman mapigilan ni Glaiza ang maiyak sa pagpopropose ni Rhian.

"Lab naman tumayo ka nga dyan." she said.

"Sumagot ka muna."

"Tatanggi pa ba ako? Ito na yun eh! Yes, yes na yes. I'm willing to spend the rest of my life with you."

Tumayo si Rhian at agad hinalikan si Glaiza. Halik na punong puno ng pagmamahal at saya.

Ilang beses nang nasaktan, lumuha at iniwanan
Muntik nang mawalan ng pag-asang muling iibig pa
Ngunit bigla kang dumating at ang mundo'y lumiwanag
Wala nang hahanapin pa
Ikaw lang ang minamahal
(Ako ay iyo magpakailanman)
(Ika'y minamahal)
(Ng puso kong ligaw)
Walang sinisigaw kundi ikaw
Ikaw ay akin, walang katapusan
Pinapangako na
Mamahalin kita
Hanggang sumapit ang huling umaga
(Ako ay iyo magpakailanman)
(Ika'y minamahal)
(Ng puso kong ligaw)
Walang sinisigaw kundi ikaw
Ikaw ay akin, walang katapusan
Pinapangako na
Mamahalin kita
Hanggang sumapit ang huling umaga
Huling umaga...
Aaaah.

End of the song..

================================

A/N : Hey guys comment your feedback about this scene. Thank you for reading, and sorry for my typo.

Continue Reading

You'll Also Like

216K 9K 53
Archana Louisse Young - President of the Student Council. She is trusted by the Reed family to regulate Lauxshire University's policy. She is known...
3.7M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...