Gyan's pov
Isang tulog na lang!!! Naeexcite na ako!!! Mukang hindi na ako makakatulog nito!.
Tanghali na din ako na gising kasi sobrang pagod ko sa shoot. Kinuha ko phone ko at may text si Maicah.
Message from: Maicah
"Good morning Love! Gising ka na! At magbreakfast ka na."
"Love tulog ka pa?"
"Love pag gising mo text mo ko ahh."
"Take your lunch na love!!!"
Nagreply naman ako sa text ni Maicah
To:Maicah
"Hi Love!!! Kakagising ko lang po sobra akong na pagod sa photoshoot. Kakain na din po ako."
Message sent---
Buzzzz!
At nag text siya ulit
"Okay love. Dito ako ngayon sa company pinagreport ako about sa sales sige later na lang. Baka gabihin din ako ng uwi."
Ayun tamang tama pagkakain ko na ligo ako agad at nag punta sa mall.
May binili ako para kay Maicah at nag punta sa kanila.
Pagkadating ko sa kanila pinapasok naman ako ni Nanay Ising. Nilagay ko na sa kwarto ni Maicah yung binili ko for her.
Nagpaalam na din ako kay Nay Ising. At umalis na umuwi na din ako sa amin at kinausap ko lang ate ko sa California.
Maicah's pov
Sa wakas na tapos na din ako dito sa company at sa report ko tinetrain na kasi ako ni Daddy para pag ako na nagmanage madali na lang sa akin.
Nagdrive na ako pauwi ng bahay.
Pag dating ko sa bahay sa dining na ako dumretsyo kasi gutom na din ako.
Hindi naman na ako kinausap ni Nay Ising kasi nakita niya na pagod na din ako.
Pagkabukas ko na ilaw ng kwarto ko may nakita akong Giant teddybear sa kwarto ko at may boquet of flowers at may box.
Binuksan ko naman agad yung box at may damit akong nakita. Ang ganda nito at finit ko agad sa akin. Tamang tama lang yung sukat sa akin. May nakita akong letter sa box.
"Hi Gorgeous this dress is for you wear it tomorrow evening I'll pick up around 6:00pm okay I love you"...
----Gyan
"Uhh ang sweet niya!"
Agad ko naman na tinawagan siya
Dialling Gyan...
"Hello love?"
"Yes?"
"Thank you sa bear at boquet tsaka dito sa dress ."
"Nafit mo na ba?"
"Yes! Saktong sakto sa akin yung fit ang galing mo love"
"Buti na lang akala ko masikip na yan sayo e"
"Ohh mangangasar ka na naman!"
"Hindi love sige matulog ka na anong oras na oh alam kong pagod ka oa."
"Sige love at ikaw din matulog ka na."
Binaba ko na yung call at nagshower na ako at nagpatuyo and na tulog na din ako.
"Gooooood morning!!!" Bati ko pagbaba ko
"Ohh princess you look so happy today huh!" Sabi ni Daddy
"Yes Dad and this day will be a perfect day for us"
"Okay come and sit here"
Nag almusal na kami ni Daddy si Mommy kasi nauna na.
"Princess we'll go ahead"
"Okay"
Dahil Saturday ngayon free day ko at nagyaya ng dinner si Gyan. At may binigay pa na damit.
Ang bilis lang tumakbo at nag wash na ako para pagdati ni Gyan tapos na ako.
Sinuot ko na ang dress na bigay niya sobrang ganda ko sa black dress na itonat fit sa katawan ko kaya kitang kita ang hubog ko dito at nag make up na din ako at ginamit ko yung perfume na gustong gusto niya.
Kinatok na ako ni Nay Ising at bumaba na ako.
"Wow! Ang ganda niya din ngayon hindi ko maexplain yung na raramdaman ko"
Lumapit na ako sa kanya ramdam ko ang parehas na mabilis na pagtibok ng puso namin.
"You look so perfect love"
"You too love you're so beautiful" sabi ko sa kanya.
"Abay syempre noh mag papatalbog ba ako sayo hahaha!"
Sumakay na kami sa sasakyan niya at himala may driver kami ngayon hahaha!. Ang panget din naman kung ang ganda ng suot niya tapos driver ko lang din siya.
Mejo madilim yung dinadaanan namin ni Gyan at napansin ko na malayo din ito.
"Love saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya
"Relax love malapit na tayo"
Maya maya ay tumigil na din yung sasakyan at ipinark na. Pag baba namin may mga umalalay sa amin.