My Sweet Blackmailer

By TuronTuwingTrigo

49K 680 236

Falling in love with someone isn't always going to be easy... Anger... tears... laughter.. It's when you want... More

Ch. 1: Sizzling Summer
Ch. 2: The Unexpected School Year
Ch. 3: Iris
Ch. 4: CHEEKY CHEATER & The TALENTED MONKEY
Ch. 5: You're the Thing that's Right
Ch. 6: An Underwater ____
Ch. 7: Picnic
Ch. 8: Last Friday Night!
Ch. 9: The Limit
Ch. 10: "I've been inlove with her for the past 18 yrs."
Ch. 11: Jrissy <3
CH. 12: Because tomorrow might be good for something
Ch. 13.1: LIKES
Ch. 13.2: LIKES
Ch. 14: **
Bonus Chapter: A Christmas Special :*
Ch. 16: LOVE ME or MISS ME?
Ch. 17.1: MISSING
Ch. 17.2: MISSING
Ch. 18.1: Cupid is Blind!
Ch. 18.2: Cupid is Blind
Ch. 19 - Heartbreaks & Heartaches
Ch. 20: Hell Week T_T
Ch. 21: SUPERMAN
Ch. 22: The Most Precious Thing
Ch. 23: My Perfect MATCH!
Ch. 24.1: Twists and Turns
Ch. 24.2: Twist and Turns
Ch. 25: Gate 13
Ch. 26: Two Years Later </3
Ch. 27: Enchanted Kingdom
Ch. 28: Ang Bagong Buhay.... Jelo's Part
Ch. 29.1: Salisi
Ch. 29.2: Salisi
Ch. 30: Simsimi
Ch. 31: Ang Bagong Buhay... Ysabel's Part
Ch. 32.1 - Boarding
Ch. 32.2 - BE
CH. 32.3 - A
Ch. 32.4 - CH
Ch. 33: The Social Climber and The Pianist
Ch. 34 - Charm
Ch. 35: Bestfriends <3
Ch. 36 - Why did you have to go?
Ch. 37: "Di mo man lang ako inintay!"
Ch. 38 - I'd Lie
Ch. 39: Mga Nakaw na Sandali
Ch. 40 - You're My Idea of Perfect
Ch. 41 - Marshmallow
Ch. 42: I Love You.
Ch. 43 - Don't Change
Ch. 44: L I A R
Ch. 45: OCTOBER 13th ♥
Ch. 46 - After Everything

Ch. 15: Still & Always

843 10 0
By TuronTuwingTrigo

A/N: Good day, guys and girls. :D

Another love story na naman pala 'tong chapter na 'to. Bibitinin muna kung ano ang nangyari sa bahay ng mga Yuson. Remember? Yung end yung Ch. 14? :b

Maikling A/N lang 'to ah. Walang napasok sa utak ko eh.

Basta, dont't forget to READ, VOTE, COMMEND, ADD TO READING LIST and BECOME A FAN, wokay? :)

-TTT <3

--------------------------------------------------------

CHAPTER 15: Still and Always

[MEY'S POV]

Alam nyo bang sobrang love ko ang Friday? Bukod sa last day ito ng school, eh matatawag ko na ring Kiel Day ito. Palagi kasi kaming nalabas every Friday afternoon. Eh sakto this Friday eh half day. YEHHHHHHEEEEEY!

"Punta ko sa bahay nyo sa Friday afternoon ah, sabay tayo uuwi sa inyo." - kausap ko si Kiel sa phone

"HA?! Anong gagawin naten dito sa bahay?" - tanong ko

Kahit lagi syang napunta ng bahay every Friday or Saturday eh nagw-wonder talaga ko kung anong meron sa bahay namen at palagi nyang gustong tumambay don. HAHA.

"Gusto lang kitang makasama." - napa-smile naman ako sa sagot nya

Sabagay, bukod sa bahay namin 'to. Eh makakatipid kami sa gastos. Libre venue at pagkain. Hehe. :D

[KIEL'S POV]

Sa wakas Friday na. Ayon kay Mey, Kiel Day nga ito. At ngayon eh pupunta ko sa bahay nila dahil half day naman kami sa school.

"Ano, tara na?" - sabay na kaming naglalakad sa hallway

"Ah sige."

Medyo malayo ang bahay nila Mey sa school. Siguro mga 30-40mins. drive. At sa pagkakataong ito, hindi kotse ko ang ginamit kundi sumabay kami ni Mey sa kotse ng papa nya.

Pano may kumalat kasing balita na may pagala-galang maniac eh, kaya natakot ata yung papa ni Mey kaya nag-decide itonh ihatid nalang kami sa bahay nila. 

***BAHAY***

"Oh ano gusto mong gawin?" - tanong nya habang inaayos ang sarili, nagpalit na rin sya ng pambahay at kitang-kita ang hubog ng katawan nya.

She's wearing a printed super short-shorts at plain white shirt. Sa bahay ko lang kasi sya pinapayagang mag-shorts eh. Ayokong nags-shorts sya sa labas. Oh 'di ako na over-protective.

[MEY'S POV]

"Ah nood tayong Friends with Benefits tapos paluto tayong sisig at pancit canton." - yaya ko, kasi wala talaga kong maisip na gawin namen

"San tayo manonood?" 

"Dyan oh, sa computer."

Inayos nya yung uupuan nameng dalawa  habang ako ay nagpaluto ng snacks namen. Sisig kasi sobrang hilig nameng dalawa nyan. Tsaka pancit canton, kasi in-insist ko. HEHE.

Nood.nood.nood

Mamaya maya ay na-serve na samen yung sisig at pancit canton.

"Hmm, parang may kulang." - nag-isip ako

"Ano yon?"

"Saglit, kukuha ako ng kanin." - tumayo ako 

Pero imbis na bumaba ako para kumuha ng kanin eh tumayo ako sa harap nya at nilambing ko sya.

"Hmmmm. Bango mo ah." - sinimulan kong amuyin yung may part ng leeg nya

"HAHAHAHA. Ang kulit mo na naman eh." - sinubukan nyang umiwas, pero in a good way. Pakipot talaga 'tong lalaking 'to kahit kelan. Gusto rin naman.

"Eh. Minsan na lang kita kulitin eh. Ayaw pa. HAHAHA." - nilapit ako ang muka ko sa muka nya

"Pa-kiss nga ako." - sabi ko at hinalikan ko sya sa cheeks

"Bango talaga oh." - cuddle na kung cuddle ang ginagawa ko sa kanya

"HAHAHA. Mey! Kumuha ka na kaya ng kanin." - tawa sya ng tawa

"Eh." - patuloy ko syang inamoy at hinalikan

"MEY! Hahahahaha." - tuwang tuwa. May paghawak pa sya sa tyan ah.

"Sige na nga. Eto na bababa na! Kukuha na po ng kanin." - umalis na ako at bumaba ng hagdanan

"Bilisan mo." - utos nya

BAHAY MO?! KUNG MAKAUTOS AH. Hahaha.

"Sungit. I love you." - sigaw ko rin

After ilang years ay nakakuha na rin ako ng kanin. Hati kami sa kanin, sisig at pancit canton. Ang dami nyang nakain. Dahil sa maanghang na yung sisig at pancit canton, eh nauna kong matapos.

Inubos naman nya yung sisig. Ang adik talaga non kahit kelan.

Mamaya maya ay natapos na rin yung FWB.

"Baba muna natin 'tong mga plato." - in fairness, masipag rin pala 'tong lokong 'to

'Sige." - kinuha ko yung mga baso at sya ang nagdala ng mga plato

Nilapag lang namen yon sa kusina dahil wala talaga kaming balak hugasan pa yon. Kaya nga may katulong diba.

Oo nga pala. PAREHAS PO KAMING TAMAD KAYA NAGKAKASUNDO PO KAMI NG MAHAL KO.

We're proud to be FOREVER TAMAD. :)

Niyaya ko na syang umakyat ng hagdan. Pinauna nya ako at sya naman sa likod ko.

Nagulat nalang ako ng bigla nya kong niyakap sa bewang.

"HAHAHAHA." - kinikilig  ako, promise

We just spent the whole afternoon na magkatabi. Kwentuhan, nanood ng tv, natulog. Ay sya lang. Sya lang yung natulog. Nakahiga sya sa lap ko habang nakahawak sa kamay ko. Ako naman ay busy na panoorin sya habang natutulog.

"Ang swert ko naman sa lalaking 'to." - iniisip ko lang yan ah, hahaha. baka magising eh

Magg-gabi na kaya he decided to go home na. Tsaka malayo bahay ko sa school, bago pa makauwi yon. HAHA.

"Ako'y lalayas na." - kinuha na nya at cp nya at wallet

"Bilis naman. HAHA. Osige." - tumayo na rin ako para ihatid sya sa gate

Hinawakan nya ang kamay ko at niyakap ako ng sobrang higpit. Pagharap ko ay bigla nya kong hinalikan. Sa cheeks at sa noo. Feeling naman kayong sa lips ah. HAHAHAHA. :b

So dahil wala nga syang dalang kotse eh napilitan syang mag-commute. 'Di pa naman sanay yon. HAHAHA.

-----------------------------------------------------

11:00pm

Matawagan nga yon. Busy na naman sa computer eh.

"Ano, di ka pa matutulog?" - tanong ko

"Mamaya maya pa, nagc-computer pa ko eh. Ikaw ba? Mamaya na rin."

"Eh inaantok na ko eh. HAHA."

"Uh. Sigeeee na."

"Eh tutulog na ko. Tatawagan kita bukas ng umaga. Gigisingin kita. Magb-bike kami bukas ng mga kaibigan ko eh. Sama ka?" - oh diba. ang lakas ng loob kong mag-aya mag-bike kahit hindi ako marunong. hahahah

"Mmm. Osige na ngaaa. Goodnight." - feeling ko naka-ngiti sya habang sinasabi nya yon, haha

"Goodnight. Matulog ka na rin ah." - pagkasabi ko nyan ay binaba ko na rin yung cp ko, at humiga na sa kama

Teka! MAY NAKALIMUTAN AKO!

Tinawagan ko uilit sya.

"Hello?" - nagtaka ata kung bakit gising pa ko

"Ah, may nakalimutan kasi ako." - sobrang lapad ng ngiti ko tologo

"Ah ano yon?" - puzzled pa rin sya

"I LOVE YOU." - kinikilig na talaga ko!!!!

"HAHAHAHA. I love you too." - nako, pag tumawa ng ganon yon, kinilig rin sya. haha

Pagkatapos non ay binaba ko na rin ang phone ko at feeling ko eh nakangiti pa rin ako ng makatulog na ako.

(NEXT DAY)

Maaga akong umalis ng bahay at dun muna nag-stay sa bahay ng kabarkada ko dahil may gagawin rin kaming project and tuturuan nila akong mag-bike. Gusto ko kasi matuto mag-bike since gusto kong maging hobby namin ni Kiel yon. Biker kasi sya. HAHA. :') Hot noh.

[1 MESSAGE RECEIVED: .K ko 'to.(:] Oo, wag ng umangal. Yan talaga pangalan nya sa phone ko eh. HAHA.

{Akala ko tatawagan mo ko.}

K. Hindi man lang nag-goodmorning diba. HAHAHA.

{AH. Akala ko 'pag nag-bike kami tsaka kita tatawagan, mamayang hapon pa kasi.}

{K: Ah ganon ba. Teka, anong suot mo? Mamaya naka-shorts ka na naman ha.}

Oho. Over-protective ang aking soon-to-be-boyfriend eh. Ayaw akong pagsuotin ng shorts sa labas eh. Kahit yun lang ang nasa closet ko. HAHA. Pero ngayong nasa labas ako, for the first time eh naka-pedal ako at striped-yellow & gray shirt. Kahit feeling ko ang sagwa sagwa ng itsura ko ah. HAHA

{M: Hindi ah, naka-tokong ako.}

{K: Tokong? Ano yon?}

PADAL. YUNG HANGGANG TUHOD. KUHA MO?!

Syempre, medyo nagtatalo kami kasi hindi sya naniniwalang naka-pedal ako. Kahit nga ako eh, hindi makapaniwala na naka-pedal ako. Ang init ai! =_=

Hapon na. Yey! BIKE TIME na. Kahit hindi ako marunong eh nag-rent talaga ko ng bike. Japanese bike lang para hindi masyadong mataas. :D

At dahil hindi ako marunong mag-bike, inakay ko lang yung bike. Gawd, mas napagod pa kong akayin yung bike kesa aralin 'tong bike na 'to eh. Wew.

Lakad...lakad...lakad (habang yung mga kaibigan ko eh nakakalayo na sa pagb-bike)

"Ano marunong ka na?" - nagulat ako ng may nagsalita sa likod ko, sa Kiel pala

MUKA BANG MARUNONG AKO?! EH DI SANA KUNG MARUNONG AKO EH NAKASAKAY AKO DITO SA BIKE DIBA. KITA MO NAMANG INAAKAY KO DIBA. AMP.

"Hindi pa rin eh." - nahiya ata ako ng konte, hahahaha

Hindi ko na makita yung mga kasama ko. Umupo muna ako sa bench at itinabi ang Japanese bike na pink. May basket pa sa unahan yon. BONGGA!

Tumabi sya saken. Grabe. Nakita ko yung leeg nya. PAWISAN. Ang hot nya. Grabe. Ang sarap halikan. JOKE.

A'ah may, nagiging manyak ka na naman eh. HAHAHAHA. =))) Pero seryoso, ang hot talaga ng leeg nya.

FOR SHORT, ANG GWAPO & HOT NG LAHAT SA KANYA. MULA BUHOK HABANG KUKO SA PAA. :">

Natapos ang gabi ng ihatid nya kami ng mga kaibigan ko sa pinagrentahan namen ng bike kasii madalim na nun eh.

DAYS AND WEEKS PASSED.

No text, no phone calls, no everything. Hindi sya nagparamdam.

One thing's for sure. may problema na naman sya sa bahay nila.

Si Kiel kasi, hindi sya mahilig magsabi ng problema sa iba. Kini-keep nya sa sarili nya. Kaya minsan 'pag badtrip yon, ako ang napagbubuntunan, saken naiinis, nawawala sa mood, naasar, nab-badtrip.

In the end, lagi nyang solusyon eh mag-inom. At dahil sa mahal na mahal ko yung taong yan, iniintindi ko nalang. Ayoko nalang masyadong mangeelam. Syempre, family reasons eh. Ano namang alam ko don diba.

Pero syempre, as soon-to-be-girlfriend nya eh, supportive ako. Laging andito para sa kanya. intindi there, intindi here.

Sabihin nyo ng martyr ako, pero mahal ko lang talaga sya. Um yah, did I mention. Second time together na namin ngayon. The first time really did not work out well. That's why we decided to take another shot. Which is bawing-bawi naman nung mga nangyari in the past. Kaya sobrang masaya ako, at ayokong mawala ulit sya saken.

(A/N: Abangan nyo ang story ni Mey at Kiel. May gagawin ako. Wala pa lang akong naiisip na title. ABANGAN. HEHEHE.)

Tinetext ko sya kahit walang reply. Sweet goodmorning and goodnight messages, nagk-kwento ng ginagawa ko maghapon. Kahit walang reply ayos lang.

Pero minsan hindi ko tinetext, sabihin ang kulit ko diba. :)))

WEEKS PASSED.

Wala pa rin. Ganon. Baka hindi na ko kilala non ah. Ma-text nga.

[May problema ba tayo? Please sabihin mo naman, kesa muka kong tanga kakaintay dito.]

message sent

Intay ako buong araw. sa wakas, nag-reply ren.

{Mae, gusto kitang makausap.}

Kinabahan na ko. Mukang alam ko na papatunguhan nito ah. Saglit ko syang nakatext. So as usual, family problem nga ito at ayaw nyang sabihin ang rason, gusto nya daw eh personal.

Isang week na naman ang dumaan at ayun, no communication na naman.

SABADO. Na sana ang araw na ito ay nabura nalang sa kalendaryo.

Tinext ko sya.

{M: I love you. :)}

{K: Mey.}

{M: Po?}

{K: Gusto kitang makausap.}

{M: Ako din naman eh.}

{K: Gusto ko personal.}

{M: Sabihin mo na ngayon.} Actually, kinakabahan na ko ng mga oras na 'to. Alam ko na ang sunod nyang sasabihin. Ramdam na ramdam ko na yung tibok ng puso ko and I was holding back my tears. KIEL, WAG. WAG MO KONG IIWAN.

{K: Pag nagkita nalang tayo.}

{M: Ngayon na Kiel, please. May entrance exam pa ko bukas, ayoko ng may iniisip. Please.}

{K: Sorry.} LECHE! SABI NA ALAM KO NA 'TO EH. BAKIT, KIEL. BAKIT? WAG. HINDI KO KAYA.

{M: Ano ba kasi yon?}

{K: Gusto ko na kasi sanang tapusin yung satin. Alam kong marami na tayong napagsamahan.}

Gusto ko na kasi sanang tapusin yung satin. Alam kong marami na tayong napagsamahan.

Gusto ko na kasi sanang tapusin yung satin. Alam kong marami na tayong napagsamahan.

Gusto ko na kasi sanang tapusin yung satin. Alam kong marami na tayong napagsamahan.

Gusto ko na kasi sanang tapusin yung satin. Alam kong marami na tayong napagsamahan.

Gusto ko na kasi sanang tapusin yung satin. Alam kong marami na tayong napagsamahan.

Gusto ko na kasi sanang tapusin yung satin. Alam kong marami na tayong napagsamahan.

Gusto ko na kasi sanang tapusin yung satin. Alam kong marami na tayong napagsamahan.

Paulit ulit yan sa utak ko. Tumigil ata oras, puso at mundo ko ng mabasa ko yung text nya. ANONG TATAPUSIN?! THE  LAST TIME I CHECKED EH OKAY TAYO AH. BAKIT? HINDI KO KAYA 'TO.

{M: Kiel, bakit?}

{K: Andaming nangyayare, hindi mo alam.}

PWES, IPAALAM MO SAKEN NG MAINTINDIHAN KO.

{M: Hindi mo na ba ko mahal?}

{K: Mahal.}

{M: Eh bakit ganito?}

{K: Mahal kita, pero kailangan eh.}

KAILANGAN? BAKIT? BAKIT SA LAHAT NG MERON AKO EH IKAW PA YUNG KINUHA SAKEN?

AT BAKIT NUNG KINUHA KA SAKEN EH YUN PA YUNG PANAHONG SOBRANG SAYA KO NA. BAKIT?

Hindi ko matanggap ang mga nangyayari. To think eh may entrance exam pa ko bukas. Hindi ako pumayag, sabi ko ay maguusap kami sa personal. Kasi wala namang kaming problema as a couple eh. Biglaan. Parang kelan lang eh ang sweet sweet pa namen. 

Umiyak lang ako ng umiyak. Inaalala ko ang mga panahong magkasama kami. Masayang magkasama. Pero nawala ng ganon ganon na lang. SOBRANG SAKIT.

Sobrang sakit na parang kinuha sayo ang bagay na pinagkainga-ingatan mo ng buong buhay mo.

Yung feeling na sya lang yung lalaking ginusto mo nung una palang, pero hindi mo akalaing dadating yung panahon na sya pa mismo yung gustong kumawala.

--------

The first time may be a MISTAKE.

The second time, it's a CHOICE.

WHAT ABOUT THE THIRD TIME?

Kung meron man.

A/N: BITIN MUNA ULIT. Hee-hee. :b This chapter is open to all your reactions, comments, suggestions, and violent reactions. HAHA.

Example:

Anong prediction nyo sa samahang Mey at Kiel?

Prediction nyo sa paguusap nila ng personal.

Prediction nyo kung magkakabalikan sila.

ETC.

Bahala kayo. basta leave a comment ah. PLEASE. I'M BEGGING. Just wanna see your reactions. Dahil based on true life ito. :) Let's see kung match ang mga reactions nyo sa susunod na mga mangyayari.

COMMENT, OKAY. :p

---TTT <3

Continue Reading