Say You Love Me

By dizzy-gurl

6.5K 162 96

The Irony: Dash has been chasing her first love of 5 years, Chase Conrad Villegas. Ginagawa niya ang lahat ma... More

Say You Love Me
CHAPTER 1: High School Love
CHAPTER 2: Hello Mahal, I Exist!
CHAPTER 3: Hindi Ako Stalker!
CHAPTER 4: #OplanMakeChaseFallInloveWithMe
CHAPTER 5: Contract Signing
CHAPTER 6: Servant Duties
CHAPTER 7: Meeting Kyle
CHAPTER 8: Size Doesn't Matter!
CHAPTER 9: Failed Stalker!
CHAPTER 10: 1-on-1 with the (Future) Brother-in-Law
CHAPTER 11: My Ideal Guy
CHAPTER 12: Dash's Male Version
CHAPTER 13: Ai - "Love"
CHAPTER 14: Someday
CHAPTER 15: Emotions
CHAPTER 16: Unanswered Questions
CHAPTER 17: Kuya Headphones
CHAPTER 18: Gayuma
CHAPTER 19: Amazed
CHAPTER 20: Make Him Jealous
CHAPTER 22: Best-est Day
CHAPTER 23: Cynical
CHAPTER 24: Ruckus
CHAPTER 25: One Time Big Time

CHAPTER 21: Effort

142 3 8
By dizzy-gurl

[ DASH's POV ]

Ikinuwento namin ni Daiki kay Mischa ung nangyari sa plano namin na pagselosin si Chase. Halata sa mukha niya yung disappointment dahil sa naging result ng plano namin. Akala kasi namin nagkakaroon na ng liwanag yung lovelife ko eh, hindi pa pala. Kung kami ni Mischa ay disappointed, nagdidiwang naman si Daiki. Paano, nakuha na niya ang matagal na niyang inaasam na makuha. Ang number lang naman ng bestfriend ko! Naku, goodluck na lang kay Mischa.

Papunta na ako sa club namin ng naisipan kong kumain muna sa canteen. Habang kumakain, may dalawang gwapong nilalang na lumapit sa akin.

"Hi Cookie Girl!"

"Mag-isa ka yata ngayon Ms. Chaser?"

Umupo sila sa harap ko at nagsimula na din silang kumain. Teka.. bakit parang may kulang?

"Kung si Chase ang hanap mo, hindi namin siya kasama ngayon," sabi ni Art sabay inom nito sa coke niya.

"Ah.. nasaan siya?"

"Dumiretso ng Lounge. Para ngang nagmamadali kanina eh," sagot ni Josh habang busy ito sa pagnguya ng apple niya. "Ui, penge ng chips mo Ms. Chaser ha?"

Sad naman. Akala ko pa naman makikita ko ngayon si Chase.. paano ba naman kasi kahapon bigla na lang siya nawala kaya hindi ko nasulit na kasama ko siya kahapon. Tapos hindi ko din siya nakita kaninang umaga dahil nagmamadali kong inilapag yung baunan niya sa table niya.... Nakita ko na naman kasi yung antipatiko nilang kaklase sa classroom nila. Hanggang ngayon iniiwasan ko pa din yun dahil umiinit ng sobra sobra ang ulo ko kapag naaalala ko yung nangyari nung araw na yun.

DASH: *sigh*

"Okay ka lang ba Cookie Girl? Parang ang tamlay mo yata ngayon?" concerned na tanong sa akin ni Art. "Gutom ka pa ba? O ito oh, kuha ka ng sandwich ko. Abnoy kasi tong si Josh eh. Pati yung baon mo kinakain na din niya."

"Grabe ka naman! Anong gusto mong palabasin sakin? Na matakaw ako??"

"Oo." Sabay na sagot namin ni Art. Natawa naman kaming tatlo dahil doon.

"Anyway," patuloy kong pagsasalita. "Okay na din na wala si Chase ngayon. May ikekwento kasi ako sa inyo. Pero promise niyo sa akin, hindi niyo ko pagtatawanan ha?" sabi ko sa dalawa habang seryoso ko silang tinitignan.

Seryoso din nila akong tinignan. "Promise," Sabay nilang sinabi habang nakataas ang kanan nilang kamay.

Ikinuwento ko sa kanila ung plano naming tatlo nina Mischa at Daiki. Habang nagkekwento ako, seryoso lang silang nakatingin sa akin tapos bigla silang magkakatinginan dalawa. Para bang nagagawa nilang magusap gamit lang ang mga mata nila.

Matapos kong magkwento, tahimik lang sila. Pero matapos ang ilang segundo, bigla silang tumawa ng ubod ng lakas. Sa sobrang lakas, napatingin na sa amin yung mga ibang kumakain sa canteen! Kakainis, nangako sila sakin na hindi sila tatawa eh!!

"Wag nga kayong maingay! Shh!!!" suway ko sa dalawa na hanggang ngayon ay wala pa ding tigil sa pagtawa. "Nakakainis naman kayo eh!! Nangako kayo sa akin na hindi niyo ako pagtatawanan. Pero pinagtatawanan ninyo ako ngayon!!!!"

"Hahaha! Sorry, hindi ko talaga mapigilang matawa sa kwento mo kasi Cookie Girl. Hahaha!" natatawa nitong sinasabi habang nakagawak pa ito sa tyan. Binatukan ko nga tong Art na to. Kainis kasi!

"Tama na yan Art. Baka mamaya mapikon pa sayo si Dash. Hehehe,"

Sinamaan ko na lang ng tingin si Josh. If I know isa din tong natatawa eh! Kainis talaga, di na nga ako magkekwento sa dalawang to!

"Ewan ko sa inyo. Wala kayong mga isang salita. Sabi niyo di kayo tatawa eh. Kainis kayo." May pagtatampo sa boses ko nung sinabi ko yun. Totoo naman kasi eh. Nakakatampo ginawa nila huhu.

"Sorry Dash kung na-offend ka namin. Pero sa totoo lang, hindi ikaw ang pinagtatawanan naming ni Art." Pag-eexplain naman ni Josh.

"Eh kung hindi ako, sino?"

"Si Chase ang pinagtatawanan naming. WAHAHAHAHAHAHA!!!" tawa ulit ni Art. Kumalma na kanina eh. Tapos eto na naman siya, parang baliw na walang tigil sa pagtawa.

"Chase? Anong meron kay Chase at natatawa kayo ng ganiyan? Tignan mo tong kaibigan mo, nagmukha ng baliw kakatawa."

"Ah.. hayaan mo na yang si Art. Matagal na talagang baliw yan eh. Ewan ko ba kung bakit sinasama pa naming yan sa grupo.Tsk." kalmadong sinabi ni Josh. Nagpatuloy na din siya sa pagkain niya.

Medyo confused pa din ako sa sinasabi nilang dalawa. Ano bang nakakatawa sa kwento ko? Anong nakakatawa kay Chase? Anong meron?

"Cookie Girl," hinawakan ako ni Art sa balikat ko. Mukhang nagawa na niyang pakalmahin ang sarili niya. "Hindi kayo nag-fail ng mga kaibigan mo sa plano niyo. Hindi nasayang ang effort mo."

"What do you mean?"

"It was actually effective. Siguro kaya hindi mo napapansin kasi hindi ikaw yung taga-salo ng init ng ulo niya. Right Josh?"

"Yep," Josh while still chewing on his apple. "Hindi mo napapansin kasi hindi mo nakikita. Pero kami ni Art, kitang kita namin kung paano magselos si Chase."

"EEEEHH???!!! TOTOO BA YANG SINASABI NIYO??!! NAGSESELOS NGA TALAGA SI CHASE???!!!"

Yung pag-asa ko na akala ko eh mas malalim pa sa 6ft under the ground, ay biglang tumaas ng level dahil sa mga narinig. Ang ibig ba sabihin nito ay may pag-asa na ako kay Chase??? Anong level na kaya ako sa kaniya?? May feelings na kaya siya kahit konti sa akin?? Waah, ang dami kong tanong!

"Well, these past few days napapadalas ang init ng ulo ng kaibigan naming yun. Masungit siya in general lalo na sayo o di kaya ay iritable siya for a valid reason. Pero yung pagsusungit niya nitong mga nakaraang araw, wala sa lugar eh. Kahit kami na walang ginagawa sa kaniya, bigla na lang niya susungitan. Minsan pa nga makikita na lang naming na nagsasalubong na ang kilay niya, eh wala naman siyang kausap. Nakatitig lang siya sa kawalan tapos bigla na lang siyang magiging ganun." Kwento ni Art. Grabe parang hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Nagkakaroon na nga yata ng konting effect ang presence ko kay Chasie my loves!

"At madalas din ang pagtambay niya sa Lounge ng mag-isa," Pagpapatuloy ni Art. "Usually yayayain niya kami doon tumambay eh. Pero nitong mga nakaraang araw, bigla na lang siyang mawawala tapos malalaman na lang namin sa staff na nandoon siya. At iyon nga, maabutan naming siya tulala, malalim ang iniisip tapos salubong na ang kilay. Pagtatanungin namin kung may problema ba siya, sasabihin niyang wala."

"Nag-aalala na nga kaming dalawa sa kaniya eh kasi hindi naman siya laging ganito. Para bang may kakaiba sa kaniya ngayon. Tapos ito na nga, nagkwento ka sa amin. Then saka naming napagkonek-konek ni Art yung mga nangyari. Then narealize namin kung bakit siya nagkakaganun these past few days." Singit na Josh na hanggang ngayon ay busy pa din sa pagkain niya ng apple. Kailan kaya siya mawawalan ng kinakain? Madalas kasing may kinakain to everytime na lang na nagkikita kami eh.

Hindi nasayang ang effort mo.

Hindi nasayang ang effort mo.

Hindi nasayang ang effort mo.

Paulit ulit itong nag-eecho sa utak ko hanggang sa nakauwi na ako ng bahay. Pagkapasok na pagkapasok ko ng kwarto ko ay agad kong tinawagan si Mischa para ikwento sa kaniya yung nalaman ko.

"Kyaaaaa~!!!!!"

Agad kong nilayo yung phone sa tenga dahil tila mababasag yung eardrums ko sa tili ng bestfriend ko.

"Aray naman Mischa! Mabibingi ako sa ginagawa mong yan eh! Paano na lang kung nag-confess na sakin si Chasie my labs, edi hindi ko na narinig kasi bingi na ako!" pabiro kong sabi ditto.

Narinig kong tumawa ng malakas si Mischa sa kabilang linya sabay nagpatuloy sa kaniyang kakatili. "OMG BESTIE!!!! EFFECTIVE ANG PAGPAPASELOS NATIN! IPAGPATULOY LANG NATIN TO AT MALAPIT NA NATIN MAKAMIT ANG IYONG PANGARAP!!"

"Actually.. may sasabihin ako sayo."

"Ano yung, Bestie?"

"Ahm.. wag na natin ituloy yung plano."

"WHAT?!?!?!?!"

Bigla kong nabitawan yung phone ko dahil sa sobrang lakas ng boses ni Mischa. Seryoso, mabibingi talaga ako kapag tumagal pa ako sa phone kausap tong kaibigan ko!

"Aray ko naman Mischa! Wag ka namang sumigaw. Seryoso, mabibingi talaga ako sayo!"

"Eh sorry na Bestie hehe. Eh bakit baa yaw mo ng ituloy yung plano natin kasi?" bumalik na sa kalmado at malumanay na boses si Mischa. Thank Lard at kalmado na siya ulit.

"Ayoko na ituloy kasi baka lalo lang lumayo loob sakin ni Chase. Sapat na yung alam kong may effect na yung presence ko sa kaniya. Ayun. Sana maintindihan mo Bestie.."

Narinig kong huminga pa ng malalim si Mischa bago ito sumagot. "Fine Bestie. It's your call. Basta I'm really so glad na naglevel up ka na sa paningin ni Chase. Yey! We should celebrate!"

"Oo naman Bestie! This weekend magbebake ako ng cake!"

"Yatta~~"

"By the way bestie,"

"Hmm?"

"Inaccept mo na ba friend request ni Daiki sa Facebook? Tsaka tinext mo na ba siya?"

"Ughhhhhhhhhhhhhhhhh"

From Chase, nag-shift na ang topic naming kay Daiki. Nagsimula ng mag-rant si Mischa tungkol kay Daiki (kung gaano siya kakulit at persistent sa panunuyo dito) at inabot kami ng tatlong oras sa paguusap dahil dito. Oo, ganun kahaba at kadami ang reklamo ni Mischa kay Daiki. Pero if I know, unti unti na din siyang nafafall doon sa friend ko eh. Alam niyo kasi, parang si Chasie itong si Mischa e.. may pagka-Tsundere din. Hehehe.

Hanggang sa pagtulog ko, iniisip ko pa din yung mga sinabi ni Art and Josh kanina. Haiii~~ konti na lang, konting konti na lang at mahuhulog na sakin si Chase!

=== START OF TEXT ===

Chasie my labs! Thank you sa effort na turuan kami ni Daiki ha ^_^ super appreciated! I will do my best para pumasa ako sa exams ko sa lahat ng subjects (and para i-accept mo na din friend request ko! Hehehe). THANK YOU!!!!

PS: patay na patay si Daiki sa bestfriend kong si Mischa. Sobrang crush niya yun as in! Wala lang, share ko lang din hehehehe

=== END OF TEXT ===

[ CHASE's POV ]

THE NEXT DAY

PS: patay na patay si Daiki sa bestfriend kong si Mischa. Sobrang crush niya yun as in! Wala lang, share ko lang din hehehehe

Umagang umaga, ito agad yung una kong nabasa. Nakita ko pa lang yung pangalan ni Daiki, medyo nairita na ako eh kaya nag-quick scan lang ako sa text.

Teka, binasa ko ulit yung text.

Patay na patay si Daiki sa bestfriend kong si Mischa.

Huh? Edi ibig sabihin, wala siyang gusto kay Dash???

Biglang nagising ang diwa ko ng makarinig ako ng katok sa pinto ng kwarto ko.

"Brother, gising na. Let's have breakfast together."

"Yes Kuya, sunod po ako. Be there in a minute!"

Uhh.. whatever. As if naman may pakialam ako kung may gusto si Daiki sa bestfriend niya. As if affected ako sa fact na wala siyang gusto kay Dash. As if I care.

Naabutan kong kumakain na si Kuya pagkarating ko sa dining hall. Again, with his strawberry milk and this time, may strawberry fruits na nakaserve sa kaniya. Ugh, yuck strawberries.

"Woah there Brother. What's up?" bungad na tanong sakin ni Kuya habang ngumunguya pa ito ng strawberries.

"What do you mean?"

"You looked happy today. May nangyari bang maganda sayo?"

"Huh? I am always like this Kuya. Anong pinagsasasabi mo."

"No, Brother. These past few days laging salubong ang kilay mo kapag kumakain tayo. Para bang papatay ka ng tao. Pero today, you looked so happy. Nakakapanibago. Diba Nanay Flor?" sabi ni Kuya sabay tingin kay Nanay Flor na nakatayo lang sa tabi namin.

"Yes Young Master," pag-sang ayon naman nito. "Mukhang maganda ang gising ni Chase kaya masaya siya ngayon."

"It seems. Care to share, brother?" nakangiti pa sa akin si Kuya habang naghihintay ng reply ko.

Napailing na lang ako sa kanilang dalawa.

"I.. I just had a nice dream. That's all." I smiled as I sip my cup of coffee.

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 75K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
1.3M 58.4K 56
Autumn Skylar Claveras, the brat. Sunod sa luho. Kailan man ay hindi sya lumuluhod sa kanino man. Marami ang nagkakandarapa sa kanya. She has a beaut...
35.1M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
62.8M 1.4M 55
Nakakabagot ang buhay. Lalo na pag papasok ka nang school, kakain, humiga sa pera, maligo sa puri, mamili ng babae, at matulog. Paulit-ulit lahat ara...