In His Paradise (Completed)

By Sevenelle

17.5K 474 97

Empress Cabrerra, a typical Manilena who'll set foot on a muddy province. Little did she know that she won't... More

Paalala
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
Author's Note

Kabanata 26

424 13 6
By Sevenelle

Bargain

"Gabi na. What are you doing here?"

Marahas na bumayo ang dibdib ko. Nanlamig ako sa kinatatayuan. Nanginig ang mga binti ko hindi dahil sa lamig ng hangin kundi dahil sa taong nagmamay ari ng boses na iyon.

Ang taong dahilan ng pagluha ko.. Ng bigat sa dibdib ko. Ang taong dahilan kung bakit ako narito.

Dahan dahan akong humarap sa taong nakatayo sa aking likuran. Sinalubong ako ng mga matang natatamaan ng liwanag ng buwan.

And there was Luke, standing halfway from me and staring at me intently. He was wearing a black jean and gray shirt.

Nagtama ang paningin namin at umiwas ako. Pilit kong hinanap ang boses ko. Now is not the time to be tongue tied, Empress!

"Why are you here?" Imbes na sagutin ang tanong niya ay nagtanong ako pabalik.

I just don't know how to answer his inquiry. And I don't think what I am doing here was still his business.

"Are you stalking me? I'm telling you Luke, I won't be going to talk to you," wika ko. Matapang ko siyang tinignan. Nakipagtitigan siya sa akin.

"Galing ako sa manggahan. Dito sana ako dadaan pauwi sa bahay dahil si Luna ang dala ko," sagot niya nang hindi inaalis ang titig sa akin.

Napaiwas ako ng tingin at napasilip sa kabayong nakatali malapit sa papag.

Nakaramdam ako ng paghihimutok sa sagot nito. Of course! He wasn't stalking me! Why would he in the first place? Come on, get some commonsense!

Nang ibalik ko ang tingin sa kanya ay mariin itong nakatitig sa akin at nakatiim bagang. His jaw was clenched and annoyance was evident in his eyes. Ano na namang ikinagagalit nito?

"Kanina ka pa ba narito?" Kunot noong tanong niya. Napanguso ako at hindi sumagot.

"Naligo ka rito nang ganyan lang ang suot mo?" Aniya sa mas naiinis na tono. Madilim na rin ang mukha nito at salubong na salubong ang mga kilay. Kitang kita ko iyon mula sa liwanag ng buwan.

Sinamaan ko siya ng tingin sa kabila ng pagtambol ng dibdib ko. Nanatili ang mariin niyang titig sa akin.

"It's none of your business, Marquez," malamig na wika ko at umirap. I just hope he saw it despite the darkness.

"Bakit ba ang hilig mong iparada iyang katawan mo?" He said through gritted teeth. Hindi ako nagpatinag at bahagyang uminit ang ulo ko sa sinabi nito.

"What? Ipapamukha mo na naman kung gaano ako kababang babae sa paningin mo?" Mapait na wika ko. A familiar stab of pain grew in my chest.

He was taken a back from my retort. Ngunit hindi nagtagal iyon ay tumigas muli ang kanyang ekspresyon.

"Hindi iyon ang tingin ko sayo," aniya at kumunot noo. Napangiti ako ng sarkastiko.

"Really? Whatever! Why would I even listen to you? You make a big fuss about me shooting for lingeries. FYI, I already had shoots only on my bikini 'a lot of times before'. Baka nakakalimutan mo, ginagawa ko na iyon bago ka pa dumating sa buhay ko."

Hindi maipagkakaila ang anghang sa boses ko. Naiinis ako sa inaasta nito. Ayoko sa pakiramdam na idinudulot ng mga kilos at salita niya.

May dumaan na kung anong emosyon sa mukha niya bago ito madilim na tumitig sa akin. Sadness? Longing? Jealousy? No, that's impossible. Hindi ko kailangan lokohin ang sarili ko just to feel good.

"May nakakalimutan ka yata Cabrerra," aniya at huminto. Hinagod niya ng tingin ang kabuoan ng katawan ko bago tumitig diretso sa mga mata ko. Tumindig ang mga balahibo ko sa ginawa niya.

"Ang akin ay akin. At akin ka lang. I don't allow anyone to get a glance of my private property," pagpapatuloy niya at idiniin ng husto ang salitang 'private'.

"Shut up! And get lost, you idiot!" Singhal ko at mabilis na nagmartsa paalis ng tubig.

Ngunit bago pa ako tuluyang makapag walk out ay natisod ako sa isang bato na hindi ko nakita. Bumagsak ako sa mas maliliit na bato sa mismong harap niya.

Kumirot ang paa ko at ininda ang sakit. Napaupo ako sa batuhan habang hawak ang paa kong nasaktan.

This is the most embarrassing moment of my life!

"Shit! Hindi ka nag iingat! Are you fine?!"

Mabilis na dumalo si Luke sa akin at lumuhod sa gilid ko. Hinawakan niya ang masakit kong paa. Pakiramdam ko ay may naipit na ugat.

"Don't touch me!" Singhal ko rito at tinampal ang kamay niyang nasa paa ko.

"But I already touched you.." Aniya.

Tinignan niya ako ng seryoso at nanunulis ang kanyang mga labi. Fuck, was he kidding me?

Natigilan ako at napanganga sa sinabi nito. How could he?! How could he give me double meaning words?!

"Pervert!" Singhal ko. Pakiramdam ko ay namumula ang mukha ko sa galit at kahihiyan.

"Just being honest," simple niyang sabi. Nagngitngit ang kalooban ko. Napakakapal ng kanyang mukha para gawin ito sa akin!

Napatili ako nang bigla niya akong iangat sa ere at binuhat na parang bagong kasal.

Kasal.

The word reverberated inside my head. Ano kayang pakiramdam na ikasal sa kanya? Siguro ako na ang pinakamasayang bride kapag nangyari iyon.

Itinagilid ko ang ulo ko at nagising sa sandaling pantasya.

"Get off me!"

Tinulak tulak ko ang dibdib niya at pilit kumawala sa kanyang mga bisig.

"No. You can't order me around Cabrerra," malamig na sabi niya bago ako inilapag sa papag. "Wear your clothes."

Inginuso niya ang kumpol ng damit ko bago lumuhod sa paanan ko. Sinipat niya ang namamagang paa ko.

"Isusuot mo ang mga damit mo o huhubaran kita ng tuluyan?" Wika niya at seryoso akong tinignan sa mata.

Nagtaas ako ng kilay, nanghahamon. Hindi ko siya sinunod. Bagkus ay pinag ekis ko ang mga braso ko sa aking dibdib at bored siyang tinignan.

Tignan natin kung hanggang saan ang pasensiya mo Marquez. Mas matigas ang ulo ko kaysa sayo.

Hindi siya gumalaw sa kinaluluhuran at sinamaan ako ng tingin. Tinignan ko siya pabalik. There was a staring competition between us. I am not going to loose this game, Luke.

"Isa," bilang niya. Nagbabanta ang titig nito. Umirap lang ako sa kanya.

Umihip ang malamig na hangin at tumindig ang mga balahibo ko sa lamig. Pero nilabanan ko iyon sa ngalan ng ego ko. I am not going to loose.

"Dalawa," aniya sa mas mababang tinig. Hindi naputol ang titigan namin.

"Try me, Luke. I am not scared," wika ko at ipinakitang hindi ako natatakot sa banta niya.

Ngunit mabilis pa sa alas kwatro ang nangyari. Naramdaman ko na lamang ang marahang pagkakatulak sa akin pahiga sa papag at ang kanyang mainit na labi sa labi ko.

I was too stunned to react! Nanlalaki ang mga mata kong napatitig sa mga nakapikit niyang mga mata habang hinahalikan ako.

I was beginning to feel butterflies in my stomach and was about to respond to his kisses when he pulled away.

Malapit pa rin ang mukha niya sa akin at humahampas ang hininga niya sa mukha ko. Mabilis ang tahip ng dibdib ko sa nangyari.

Tumitig siya sa akin ng seryoso.

"Don't tell me I didn't warn you. Now get dressed or I'll continue what I was supposed to do," wika niya sa mababang tinig.

And as if on cue, my hands pushed his hard chest away and I returned to my sitting position a while ago.

Nanginginig ang mga kamay kong isinuot ang sun dress ko. Pinanuod niya ako magsuot ng damit at nang makasigurado siya ay muli siyang lumuhod sa harap ko.

Hinawakan niya ang paa ko at marahang hinilot. May pinisil siya roon at napahiyaw ako sa sakit!

"It looks bad. Iuuwi na kita," aniya at tumayo.

Natigalgal ako sa kinauupuan. Did I get the wrong idea here?

"Iuuwi mo ako?"  Kinakabahang tanong ko. Saan? Sa mansyon ng Marquez?

"Oo. Sa bahay niyo," sagot niya na nagpabalik sa akin sa katinuan.

Bakit nga naman niya ako iuuwi sa mansyon nila? Nakaramdam ako ng hiya sa naisip.

Lumuhod ulit ito ngunit nakatalikod sa akin. Tinapik niya ang kanyang likod.

"Sakay na."

Napatitig ako roon ng ilang sandali. A memory in the past came back. He also did the same thing when he wanted to show me the tree house.

"Why do you keep being stubborn?" Aniya nang hindi ako gumalaw sa kinauupuan ko.

Nag dalawang isip ako kung sasampa ako o hindi. Ayokong....

"Ah!"

Napasigaw ako nang bigla niya na lang akong buhatin katulad ng paraan niya kanina. Napakapit ako sa leeg niya habang mahigpit ang hawak niya sa akin sa mga bisig niya.

Binuksan niya ang pinto ng Vios at maingat akong inupo. Bumalik siya sa papag at pagbalik niya sa akin ay bitbit niya ang sandalyas ko.

"Uh.. Thanks," wika ko.

Hindi siya sumagot. Umikot lang siya sa driver's seat at naupo roon. Binuhay niya ang ignition. Sungit.

"Paano si Luna?" Tanong ko.

Hindi naman maaaring iwanan niya na lang basta ang kabayo niya. Sumulyap siya sa akin habang nililiko paalis ang kotse.

Napansin ko ang pagbakat ng mga muscles niya sa braso habang ginagawa iyon.

"Ipapakuha ko na lang," sagot niya.

Nanahimik ako sa upuan ko. A while ago, I was practically screaming the hell out of me because of Luke. And now, I was here in a car with him.. So close and silent.

I don't know if I have to open up a conversation or just shut up and stay silent 'til we get home. But the silence was making me uncomfortable.

"What are you doing back there?" Biglang tanong niya.

Okay. I thought the silence was enough to make me uncomfortable but I was wrong. This topic was more awkward.

Like, I can't just tell him.. 'Oh! I was there because I was trying to free myself from all the pain you've caused me!'

What the heck? I'm never going to say that! Especially to him! It will just make me look more of a loser.

"Naligo," tipid na sagot ko. Mabilis niya akong sinulyapan bago ibinalik ang tingin sa daan.

"Yon lang?" Nagdududang tanong niya. Bigla akong nakaramdam ng inis. Bakit ba lahat na lang ng gawin at sabihin ko ay kinukwestyon niya?!

"Ano pa sa tingin mo ang ginagawa ng tao sa Carayan, Marquez? Specifically, me? Mangingisda?" Sarkastiko kong wika at umirap.

Nanahimik siya saglit at tila nag isip ng malalim.

"Are you sure you weren't there to..." He paused. Parang nag iisip kung anong dapat sabihin o kung dapat niya pa bang ituloy ang sasabihin. Pagkatapos ay umiling siya. "Nevermind."

"Whatever," I said rolling my eyes.

But deep inside I was curious as hell. Anong dapat sasabihin niya? Anong katuloy niyon? Does he know? Am I too obvious?

What if he was there for long? What if he heard everything... Saw everything? But why he didn't show himself up? What if...

He was also there to move on?

Pero bakit kailangan niya pang mag move on? Kanino? Sa akin? But he already have Violet and... the baby.

Ipinilig ko ang ulo ko to stop over thinking. This isn't healthy anymore. Dapat wala na akong pakialam eh.

But on the other hand, and a fucking fact.. I can't move on in just overnight. Hindi naman ganon kadali iyon eh. Hindi ganoon kabilis.

He kept silent. I fell silent.  There was a deafening silence between us. It was like we're in a different side of  the world.

"Why do you hate me?"

Nabigla ako nang magsalita ito. Hindi siya lumingon sa akin at diretso lang ang mata niya sa daan.

Why do I hate him? Parang mali na siya ang nagtanong niyon. Niloloko niya ba ako?

"I should be the one asking you that. Do you hate me so much?" Wika ko pabalik at hindi rin siya tinapunan ng tingin.

Nag uusap kami ngunit parehong nananatili ang mga mata namin sa daan. Nakakaloko hindi ba?

"I don't hate you," aniya at tinapunan ako ng saglit na tingin.

May humaplos sa puso ko nang sabihin niya iyon. Gusto kong maniwala. Gusto ko siyang paniwalaan. Pero bakit parang ang hirap? Pagkatapos ng lahat... was he sincere?

"Then why do you love hurting me?" Paos ang naging tinig ko nang itanong ko iyon. Naninikip ang lalamunan ko at kumikirot ang dibdib ko. Pinilit kong huminga sa bunganga. Pakiramdam ko ay hindi sapat ang hanging nasasagap ng ilong ko.

Nagulat ako nang bigla niyang inihinto ang sasakyan. Medyo malayo pa ang sa amin mula rito.

Lumingon sa akin si Luke at nanatili ang titig sa akin. I bravely stared back at him. Hindi ko mabasa ang nasa mga mata niya. Bakit hindi na kagaya noon? Nahihirapan na akong tukuyin ang mga emosyong dumaraan sa mga ito.

"Am I hurting you?" Banayad ngunit nahihirapan ang tinig nito.

Hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. I don't even know what to feel! Pakiramdam ko ay bigla akong namanhid. Parang pareparehong emosyon na lang ang nararamdaman ko. Paulit ulit..

And I thought it was better that way. Iyong wala ka nang maramdaman.. Pero hindi pala.. Kasi mas nahihirapan ako ngayon. Nahihirapan ako kasi hindi ko na matukoy kung anong mga nararamdaman ko. Everything was just distorted. I can't make out anything.

"Fuck it!"

Napatalon ako sa kinauupuan ko nang hampasin ni Luke ang manibela. He looked frustrated and confused. Like he had made a wrong decision and he wasn't sure where that decision was going.

"Ano ba?! Ano ba dapat?! I tried! I tried not to mess up this time! I didn't want to mess up with your life again! Pinilit kong lumayo! Pinilit kong 'wag kang guluhin! Pero tangina naman! Kahit anong pilit ko sa sarili ko, sa'yo pa rin ang punta ng mga paang ito!"

He shouted in pure frustration. I was stunned on spot. I wasn't able to move. I just stared at him drop jawed.

Ginulo niya ang buhok niya at nahihirapang tumingin sa akin. Na para bang ang dami niyang dinadala. Na parang ang dami niyang gustong sabihin pero walang siyang mahanap na salita.

"Am I really hurting you?" His voice was hoarse. Parang nanghihina.. Was my mind playing tricks on me when I saw pain stroke his eyes?

Hindi ako sumagot. Ang luha ko na mismo ang gumawa ng paraan upang masabi ko ang lahat ng nasa dibdib ko kahit walang salita.

"Damn it!"

Kinalas niya ang seatbelt niya at hinila ako sa katawan niya. Nasubsob ako sa dibdib niya. His breathe was ragged. I could hear his heart thumping hastily.

Niyakap niya lang ako. Naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko. My heart melted. Napahikbi ako dahil sa halo halong emosyon.

"I'm sorry.. I am so sorry," paulit ulit niyang bulong.

"I didn't mean to hurt you.. I love you," aniya na nagpatigil sa akin sa paghikbi.

Kumalas ako sa pagkakayap sa kanya. I gaped at him unable to realize his words.

"Anong sinabi mo?" My voice almost appeared like a whisper. I didn't even heard myself because my heart was hammering crazily.

"I love you.. I still love you," pag uulit niya.

I stared at him. Ilang taon kong hinintay na marinig muli ang katagang iyan sa kanya. Ilang taon kong pinagdasal na sana marinig kong muli na sabihin niya iyan sa akin. I even dreamt of it almost every night!

Gusto kong maniwala. God knows how much I wanted to believe his words.. To believe him.

But I just can't!

I can't when Violet and their baby kept flashing on my mind! Call me an idiot but I'll never let myself be called a home wrecker.. A stealer..

If I'm going to believe him, it was like taking away the child's right to have a whole family.. It was like stealing the child's great future..

"Liar!" I shouted as tears started to prickle down my face. "Paano mo nagagawa ito Luke?! Paano nakakaya ng konsensya mo!"

Pilit kong hinampas ang dibdib niya. He didn't say a word. He just stared at me, letting me slam my both fists against his chest..

"Get out! Get out of the car!" Sigaw ko at tinulak siya palabas pero hindi ko nagawa.

"Out. Now!"

He finally let go. Bumaba siya ng walang imik. Lumipat ako ng upuan at kumambyo.

Napalakas ang apak ko gamit ang namamaga kong paa kaya gumewang gewang ang takbo ng kotse. Ininda ko ang sakit but I kept my control of the car.

Nasulyapan ko pa ang pagpanik ni Luke mula sa side view mirror pero hindi ko na pinansin. I kept driving away with my heart constricting from both pain and anger.

How dare he!

How dare he bargain his child for his declared love for me!

Continue Reading

You'll Also Like

348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
First Love By AMARE SUI

General Fiction

5.8K 216 43
PART 1 OF 3 Ralia Austevores is a psychologist, family-oriented and lovely woman. However, every phase of toxic and broken relationships has been dif...
34.8K 582 42
Liannah Kieth Ongpauco Madrigal is a bitch, spoiled-brat and a good-for-nothing daughter. She escaped from her family because of many reasons. First...