MONTGOMERY 5 : Waiting For Su...

Autorstwa SilentInspired

4M 88K 6.8K

Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away... Więcej

Uno
▪ 1 ▪
▪ 2 ▪
▪ 3 ▪
▪ 4 ▪
▪ 5 ▪
▪ 6 ▪
▪ 7 ▪
▪ 8 ▪
▪ 9 ▪
▪ 10 ▪
▪ 11 ▪
▪ 12 ▪
▪ 13 ▪
▪ 14 ▪
▪ 15 ▪
▪ 16 ▪
▪ 17 ▪
▪ 18 ▪
▪ 19 ▪
▪ 20 ▪
▪ 21 ▪
▪ 22 ▪
▪ 23 ▪
▪ 24 ▪
▪ 25 ▪
▪ 26 ▪
▪ 27 ▪
▪ 28 ▪
▪ 29 ▪
▪ 30 ▪
▪ 31 ▪
▪ 32 ▪
▪ 33 ▪
▪ 34 ▪
▪ 35 ▪
▪ 36 ▪
▪ 37 ▪
▪ 38 ▪
▪ 39 ▪
▪ 40 ▪
▪ 41 ▪
▪ 42 ▪
▪ 43 ▪
▪ 44 ▪
▪ 45 ▪
▪ 46 ▪
▪ 47 ▪
▪ 48 ▪
▪ 49 ▪
▪ 50 ▪
▪ 51 ▪
▪ 52 ▪
▪ 53 ▪
▪ 54 ▪
Wakas
My heart speaks

Simula

184K 2.8K 270
Autorstwa SilentInspired

Nanliit ang aking mga mata habang pinagmamasdan ang papalayong taxi na sinakyan ng isang pasahero. Luminga ako sa paligid at nag-abang ng panibagong taxi.

Wala sa sariling napatingin ako sa sapatos ko habang naghihintay. Pinaglaruan ko ang mga bato sa aking paanan habang naghihintay ng masasakyan.

"Yeah, see you later baby." Hindi ko napigilan ang mapatingin sa aking gilid.

Saksi ang aking mga mata sa ginawang paghalik ng kapitbahay ko sa kanyang kasintahan bago ito sumakay sa kotse at umalis. Wala sa sariling napangiti ako at napailing na lamang.

Hindi na bago sa akin ang tanawing 'yon. Halos araw-araw ko yata sila nakikitang ganyan. Sa pananatili ko sa Canada sa loob ng dalawang taon, kabisado ko na yata lahat ng galaw ng mga kapitbahay ko rito.

"Good morning, Evangeline," bati ng aking isang taon nang kapitbahay gamit ang kanyang matigas na Ingles.

Matamis akong ngumiti. "Good morning, Martha."

"On your way to the hospital?" tanong niya.

Tumango ako at maagap na napatingin sa narinig kong papalapit na sasakyan. Mabilis kong sinenyasan ang taxi.

"I need to go. Have a nice day!" paalam ko habang pasakay ng taxi.

Ngumiti ito at kumaway sa akin."Take care!" rinig kong sigaw niya.

Tuluyan na akong sumakay at kumaway sa kanya habang papalayo ang taxi na sinasakyan ko. Sinabi ko ang destinasyon ko kung saan ako nagtatrabaho sa loob ng isang taon.

Noong unang dating ko rito ay hindi agad ako nakapasok sa trabaho. Mahirap, oo, pero sinuwerte naman ako dahil pagkalipas nang mahigit isang taon, natanggap na ako bilang nurse sa isang sikat na hospital dito sa Canada. Masaya na rin ako dahil nakatutulong ako sa pamilya ko sa Pilipinas. Nakabili na kami ng bahay sa tulong ng ipong pinapadala ko. Sina nanay at ate na lang ang magkasama roon kaya minsan ay hindi ko rin mapigilan ang mag-alala sa kanila pero alam kong hindi pababayaan ni ate si nanay.

"Here...." Inabot ko ang bayad nang tumigil kami sa hospital.

"Good day, ma'am!" saad ng taxi driver.

Ngumiti ako at tumango. Tuluyan na akong lumabas at pumasok sa hospital. Habang naglalakad ay sinuot ko ang aking identification card. Dumeretso ako sa station namin at agad tiningnan ang duties ko ngayong araw.

"Buti naman at nandito ka na! Hinahanap ka ni Mr. Smith! Ayaw uminom ng gamot na hindi ikaw angnagpapainom. Sumasakit na ang braincells ko!" hysterical na wika ni Helda, ang kababayan kong Pilipino na nurse rin.

Napahawak ako sa batok ko.

"Pagpasensyahan mo na 'yon. Alam mo naman si Mr. Smith, maarte talaga," paliwanag ko.

Tumango ito at inabot na sa akin ang kit kung nasaan ang mga gamot ni Mr. Smith. Mabilis kong kinuha 'yon at dumiretso sa executive room nito. Kumatok muna ako bago pumasok.

"You're here! My favorite nurse is here already!"

Natawa ako sa narinig kong masayang bati ni Mr. Smith. Lumapit ako roon at sumalubong sa akin ang tatlong laptop na nakaharap sa kanya. Nasa tabi niya rin ang isa sa mga 'butler' niya; hindi ko alam na uso pa pala ang mga 'yon sa panahon ngayon.

"Mr. Smith, I told you to stop working and don't stress yourself until you're completely well," sermon ko sa matanda.

Nilapag ko ang kit sa tabi at nagsimulang ayusin ang dextrose ng matanda. Inayos ko rin ang mga gamot at antibiotics niya. Sinaksak ko ang mga 'to habang abala siya sa pagbabasa ng kung ano sa laptop niya. Ang alam ko ay isang mayamang telecom owner si Mr. Smith. Wala raw itong asawa o anak na magbabantay sa kanya kaya pag nagkasakit ay deretso sa hospital.

"I know.... I know..." aniya habang patuloy siyang nakatingin sa kanyang laptop."But I can't trust the people around me to take care of my business," dagdag niya.

"Why? You told me that your brother was helping you."

"You can't trust people. Even if they are your family, Evie."

Natigilan ako sa sinabi niya. Sinara ko ang kit at dinampot na 'yon. Humarap ako sa kanya at saka siya tiningnan.

"But they're family. There should be trust between you and your brother. In the Philippines, family is a big deal. They're the only ones who can help you whenever you're in need," paliwanag ko.

Umiling ang matanda.

"Sometimes yes, but sometimes no. Sometimes, they can be your worst enemy."

Hindi ko mapigilan ang manglambot ang puso sa sinabi niya. Siguro ay sobra-sobra ang naranasan niya sa kanyang pamilya para sabihin niya ang mga 'to. Hindi pala dahil mayaman ka ay masaya ka na. Hindi pa rin sapat ang pera.... lalo na kung wala ka namang mga taong tutulong sa'yo.

Nakatatakot mabuhay sa mundo na pati pamilya mo ay hindi mo pinagkakatiwalaan. Maswerte pa rin akong may pamilya akong pinaglalaanan ng pagod at pagpupursigi.

"Don't think too much, Mr. Smith," I breathed.

Napatingin ako sa orasan ko at ngumiti sa kanya.

"I need to go. I'll come back later for your afternoon medicines," paalam ko.

"Okay, Evie," sniya.

Tumalikod na ako at lumabas. Bumigat ang puso ko dahil sa sinabi ni Mr. Smith pero pinilig ko nalamang ang ulo ko. Araw-araw ay iba't ibang kwento ang naririnig ko rito sa hospital. Ang nakatatawa ay hindi na ako nasanay at lagi na lang akong nadadala sa kanila.

"Yung mga gamot ni Mrs. Gina?" tanong ko kay Helda pagkarating ko sa station.

Nilapag ko ang kit sa harap niya at inayos ang salamin ko. Natigilan ako nang malungkot siyang nakatingin sa akin. Kumunot ang noo ko at ngumiti nang matamis sa kanya pero hindi nagbago ang expresyon niya.

"Sabi ko nga, ako ng kukuha!" natatawa kong bawi.

"Ako na ang bahala kay Mrs. Gina. Sagutin mo muna 'tong tawag para sa'yo...."

"Tawag?" tanong ko.

Tumango siya. Lumabas siya sa station at hinila ako papasok. Kahit naguguluhan ay nagpatianod pa rin ako sa kanya at siya mismo ang nag-upo sa akin sa upuang kaharap ang landline kung saan kami tumatanggap ng international calls.

"Tumawag na ba sina nanay?" tanong ko.

Magdadalawang buwan na kasi akong hindi nakatatanggap ng tawag. Alam ko naman kasi na busy sila roon at nagtatrabaho rin ang ate ko kaya hindi na ako nangungulit minsan. Wala naman din kaming wifi para mag-Skype o ano man kaya nagtitiis na lang ako sa minsanang usap sa landline.

Umiling si Helda. "Hindi, Evie. Basta ako na ang bahala kay Mrs. Gina. Kung gusto mo mag-early outngayong araw ay ayos lang din."

Mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya kaya inabot ko na lang ang telepono at huminga muna bago magsalita. Nararamdaman ko ang pag-akyat ng kaba sa puso ko kaya kinalma ko muna ang sarili ko.

"Hello? This is Evangeline Yu speaking," bungad ko.

"Evie! Bruha ka! Buti naman at nahanap na kita! Si Raffie 'to!" Napangiwi ako sa narinig kong boses.

Naramdaman ko ang mabilis na pag-init ng mga mata ko. Alam kong dapat ay matuwa ako dahil tumawag ang kaibigan ko mula nung nasa sinapupunan yata ako ng nanay ko pero nalulungkot ako ngayon. Isa sa mga natutunan ko habang nasa ibang bansa ako ay ang katotohanang sobrang nakatataba ng puso tuwing makaririnig ka ng pamilyar na boses sa telepono.

"Bakla! Na-miss kita! Nakaiinis ka!" Napatingala ako para mapigilan ang sarili ko sa pag-iyak.

"Mas na-miss kita, bakla!" aniya gamit ang matinis niyang boses.

Napahalakhak ako at naramdaman ko ang sobrang saya sa puso ko.

"Teka nga! Nakalimutan ng beauty ko ang totoo kong pakay kung bakit ako nagsayang ng sweat for two months para mahanap ka!"

"Ano?"

"Bakla... kailangan mong umuwi ng Pilipinas!" maingat ngunit desidido niyang sabi na tila may pinipigilan siyang sabihin.

Mahigpit kong nahawakan ang telephone cable line na nasa gilid ko. Mas lalong nanikip ang puso ko habang naririnig ang kaniyang boses.

"Bakit?" pigil hininga kong tanong.

"Ang nanay mo! In-admit dito sa hospital namin two months ago! Hanggang ngayon, hindi pa siya nalalabas! Anak ng Diyos! Nasa intensive care unit siya! Comatose!"

Parang nalaglag ang puso ko sa sinabi niya. Napatayo ako at mabilis na nagsitakasan ang mga luha sa aking mga mata. Nagsimula nang manginig ang kamay ko habang pinakikinggan si Rafael sa kabilang linya.

"B-bakit walang nagbalita sa akin?" puno ng hinanakit kong tanong.

Hindi ba dapat ay tinawagan na ako ni ate?

"Hindi ko alam bakla! Nasagasaan ang nanay mo. Hindi ko alam kung sino ang nakasagasa pero mabilis na na-settle ang bills ng nanay mo! Akala ko ikaw ang nagbayad pero nagtaka kami nang walang dumadalaw sa kanya. Hinanap kita pero hindi ko alam kung saan magsisimula. Ayaw ko mang magsalita nang masama sa impakta mong kapatid pero hindi ko rin siya mahanap!"

Napahagulgol ako sa narinig ko mula sa kanya. Sinubukan kong ibuka ang bibig ko para magsalita pero walang lumalabas. Pati paghinga ay nahihirapan ako kaya wala akong nagawa kung hindi ang humikbi nalang.

Naguguluhan ako. Wala ako maintindihan. Tila panaginip lamang ang lahat ng ito... na sana nga... sana nga panaginip lamang ito.

Pilit kong pinipilig ang ulo ko para kumalma pero walang nangyayari. Napahawak ako sa puso ko sa sobrang sakit nito. Nagsisimula na ring pumitik ang ulo ko sa sakit.

"Wag kang umiyak, bakla! Pati ako, naiiyak! Umuwi ka na rito! Tutulungan kita! May kilala akong mangkukulam. Matagal ko naman nang gustong ipakulam ang impakta mong kapatid!"

Marahas kong pinunasan ang mga luha sa mata ko. Sinubukan kong tumigil sa pag-iyak pero sadyang matigas ang ulo ng mga mata ko dahil ayaw tumigil ng mga 'to. Hindi ko mapigilan ang maisip kung nasaan ba ang ate ko—bakit niya nagawang iwan si nanay. Ayaw ko mang mag-isip nang masama tungkol sa kanya ay hindi ko mapigilan.

Kahit kailan ay hindi kami nagkasundo pero alam kong kahit kailan ay hindi niya kayang iwan si nanay. Siguradong may rason kung bakit siya wala.

"Bakla, ano ba!"

"Rafael... wala akong pera. Paano ako uuwi riyan sa Pilipinas? Hindi ko alam ang gagawin ko..." Impit na hikbi ang kumawala sa akin.

"Ano? Anak ng tinapa naman! Teka, magtatanong tanong ako ng pwedeng tumulong. Bakla ka talaga! Sumasakit ang beauty ko sa'yo! Pati make-up ko, nasira na! May duty pa ako."

"Rafael, wag na. Ako na ang bahala."

Napahawak ako sa noo ko dahil sobra nang sumasakit ang ulo ko sa lahat ng katotohanang pumapasok dito. Hindi ko kayang ipasok lahat at tanggapin nang mabilisan. Hindi ko nga alam kung nananaginip lang ba ako o ano. Ang maisip na mag-isa ang nanay ko roon habang nandito ako ay mas lalong nagpapabigat ng kalooban ko.

Ang maisip na nag-aalaga ako ng iba habang siya ay hindi ko maalagaan ang mas nagpapahirap sa akin.

"Basta hahanap ako! Babalitaan kita! Wag ka nang umiyak!"

Hindi ko alam kung bakit pero mas napahagulgol ako dahil doon. Napahawak ako sa puso ko sa sobrang sakit at hindi ko alam kung paano ako hihinga nang maayos. Hindi ko rin alam kung paano ako kukuha ng lakas.

Bahagya ko pang kinurot ang sarili ko para magising sa masamang panaginip na 'to pero wala...

Totoong totoo 'to.

"Ms. Evangeline Yu?"

Napa-angat ako ng tingin sa tumawag sa akin. Nakita kong bumubulong ang 'butler' ni Mr. Smith sa kanya. Matamang nakatingin sa akin ang matanda habang masinsinang nakikinig sa sinasabi ng 'butler' niya.

Tumango 'to. "Ms. Yu, my boss wanted to know if you want to go to the Philippines right now?"

Patuloy lamang sa pag-agos ang mga luha ko. Hindi ako makasagot dahil wala sa tamang pag-iisip ang utak ko para magdesisyon. Ang nasa utak ko lang ay mag-isa na lang ako at kailangan kong magdesisyong mag-isa. Kailangan kong makita ang nanay ko pero paano...

Anong gagawin ko?

"I can get you to the Philippines immediately," ani Mr. Smith.

"But... I don't have money. I... I... I don't know Mr. Smith."

I bit my lower lip.

"Fix my discharge papers. Let's get Ms. Evangeline Yu to the Philippines."

Mas lalo akong napahagulgol dahil doon. I clutched my shirt and I cried my heart out. Hindi na ako nahiya sa sobrang sakit ng puso ko.

"Right now, sir?"

"Right now!" ma-awtoridad niyang tugon.

"Come, I'll fix everything. Let's get you to the Philippines."

I nodded. "Thank you... Thank you!" I breathed.

Napahawak ako sa puso ko habang nililibot ang paningin sa buong airport. Kalalapag pa lang ng eroplanong sinakyan namin nina Mr. Smith. Tulad ng pangako niya, wala kaming pinalagpas na pagkakataon. Ang ginawa ko lang ay inayos ko ang resignation letter ko sa hospital na pinagtatrabahuan ko at nag-impake. The rest... si Mr. Smith na ang nag-ayos. Dalawang araw lamang ang nakalipas ay ito na, nandito na ako.

"We're here," aniya.

Tumango ako.

Ramdam na ramdam ko ang Pilipinas dahil sa kakaibang temperatura nito kumpara sa Canada. Naririnig ko na rin ang pag-uusap ng mga tao gamit ang lenggwaheng kinalakihan ko.

"Thank you so much, Mr. Smith. I'll repay your kindness, I promise. Just give me time..."

Umiling si Mr. Smith at saka inabot ang kamay ko. He held it and smiled at me. Lumapit ang isang bodyguard niya at saka siya binulungan. Tumango siya bago bumunot ng sobre sa bulsa niya.

"Here... it's my help. You don't need to thank me. I should be the one to thank you for taking care of me for half a year in the hospital even though my sickness is not a big deal. I also want to thank you for letting me know a person who loves her family dearly. I adore you, Ms. Yu."

Umiling ako. Gusto kong sabihin na babayaran ko pa rin pero wala na akong lakas na gawin pa iyon.Tsaka na lang, kapag may ibabayad na ako sa kanya. "Thank you so much..." Wala na akong masabi kung hindi salamat.

Sa mga ganitong pagkakataon ay kailangan na kailangan ko talaga ang tulong ni Mr. Smith.

Unti-unti niyang binitawan ang kamay ko at tinapik ang aking balikat. "So... goodluck, Ms. Yu. I hope to see you again," aniya.

"Thank you, Mr. Smith. I hope so too. Take care of yourself, okay? Don't stress yourself too much and drink your medicines on time," saad ko.

Tumango ito at tumalikod na. Gamit ang tungkod niya ay dahan-dahan siyang naglakad palayo. Sumunod naman sa kanya ang mga bodyguards niya. Tumalikod na rin ako at dinampot ang gamit ko.

"Ito na... Evie," mahinang bulong ko sa sarili ko.

Humakbang na ako paalis pero kusang tumigil ang paa ko sa paghakbang.

"Tito... tito..." nakarinig ako ng pag-iyak ng isang bata.

Luminga-linga ako sa paligid at nakakita ng isang batang babaeng umiiyak. Kumunot ang noo ko nang mapansing kakaiba ang paghinga niya. Hahakbang na sana ako palapit pero naalala kong kailangan kong magmadali papunta ng hospital.

But...

I'm a nurse.

Pinilig ko ang ulo ko at tinuloy ang paglakad palapit sa batang babae. Umiiyak ito at hinahabol ang hininga niya. Lumuhod ako sa harap niya at hinawakan siya sa balikat. Malamig ang temperatura niya kaya mas nag-alala ako.

"I can't breathe...." she said between her breathing.

"What?"

Mabilis kong binaba ang bag ko at kumuha roon ng paperbag. Nilagay ko 'yon sa bibig niya at tinulungan siyang kalmahin ang paghinga niya. Alam niya kung ano ang gagawin niya dahil agad siyang sumunod sa akin kaya hula ko ay natural sa kanya ang ganito.

I guess she has an asthma.

"What's your name, baby girl? Where are your parents?" tanong ko habang lumilingon sa paligid.

"I'm... I'm... lost. I can't... find my Tito Carl. I'm Vanessa Claveria."

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

4.3M 64.3K 34
Sequel of Invisible Girl (Jared's side story) This time, siya naman ang bibida! All rights reserved 2013 alexisse_rose© Highest rank achieved: #5 in...
1.6M 51.5K 44
Good side and bad side.
250K 13.9K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
600K 10.5K 38
"I fell in love with you the first time I saw you. Kahit na suplado ka, self-centered, selfish, and conceited. I thought deep down inside you, mabait...