Kasi sabi ni Koleen magupdate na daw ako. Hahaha! Kaya eto na ang update. Maguupdate ako on or before Christmas!
Guys, comment naman kayo oh! Sa Chapter 9 walang comment. :(
xoxo,
MIRA ♥
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
CHAPTER 11: CONFESSIONS OF A BROKEN HEART.
RAI’S POV
“NA-NASA TAGAYTAY TAYO?! ARE YOU INSANE?! MAY PASOK AKO BUKAS! ANONG ORAS NA OH! 10 IN THE EVENING! IBALIK MO NA KO SA AMIN!”
Tinakpan niya ang tenga niya. Grabe! Ano bang nasa utak ng lalaking toh?! At bakit ako pinayagan ni Mommy?! Nakupo! Magagalit din tiyak si Gielean sa akin pag nalaman to. Ano ba yan. X_X
“Whoa. Chill ka lang Jhi. Late ka na ata sa balita. Wala tayong pasok bukas. Sabado na kaya bukas.”
Tae. Sabado bukas?! Nakalimutan ko! Sana hindi na ako naglakad papuntang Lotus kanina.
“Uy Jhi, umimik ka naman jan.”
“Ano ba kasing gagawin natin dito?”
“Wala. Magpapalamig lang.”
“Magpapalamig lang gusto pa sa Tagaytay. Sana binuksan mo nalang ang aircon sa bahay niyo.”
“Eh gusto ko kasi kasama kita.”
“Baliw ka ba?!”
“Oo, baliw sa pagmamahal mo.”
Tapos nagsmirk na naman siya. Binatukan ko nga.
“Buang ka na talaga noh?! Kung ano ano na naman pinagsasabi mo!”
“Joke lang eh.”
“Joke joke joke! Joke mo mukha mo!”
Jan ka naman magaling eh. Lahat nalang kasi joke para sa'yo.
“Uy Jhi.”
“Ewan ko sa'yo. Ang labo mo kausap!”
Tapos sumakay nalang ulit ako sa sasakyan niya at chineck ang cellphone ko.
32 Missed calls. 54 new messages.
Wow ha. Ang dami naman masyado.
Nung chineck ko naman may text si Mommy na magingat daw ako at pinayagan nga daw nila akong sumama kay JC since walang pasok bukas. At isang tawag mula kay Daddy.
Pero dalawa lang yun. The rest ay puro text ni Gielean at Simmione. Pero majority ang kay Gielean. Mukhang alam na niya ang nangyari at pagagalitan na naman ako nito panigurado.
48 out of 54 messages. 31 out of 32 missed calls. Hay grabe Gielean! Wagas ka talaga magalala. Hahahaha! =))
“Talaga bang uupo ka lang jan at hahawakan ang cellphone mo?”
“Ay anak ni petrang kabayo!”
“Ang gwapo ko naman para maging anak ni Petra noh.”
“K. Ang hangen.”
Tapos binatukan ko ulit siya at bumaba na ng sasakyan. Umupo ako dun sa may sasakyan niya. Yung pinakaunahan. Di ko kasi alam ang tawag don. Hahaha!
“May balak ka pa bang iuwi ako sa amin?”
“Oo naman.”
“Kailan mo naman ako iuuwi don?!”
“Kapag sinagot mo na ko. Hahahaha!”
Tinignan ko siya ng masama. As in ung masama. Baliw na talaga tong gagong to. Ang lakas ng topak. Ang luwag ng tornilyo sa utak.
“Loko lang.”
“Alam mo JC, ang labo mo kahit kalian.”
Nilayo ko ung tingin ko sa kanya at tumingin sa lugar kung nasaan kami. Mejo kita pa naman kahit mejo gabi na dahil sa mga ilaw. Bigla siyang tumabi sa akin pagkatapos bigla niya akong inakbayan.
“Ang ganda mo Jhi.”
Tapos ngumiti siya.
Dugdug. Dugdug.
Ayan na naman ang weird feeling eh.
Tapos out of the blue...
“Ano ba kasing nangyare sayo? Bakit nawala ka bigla? Rather, bakit ka nagbago bigla?”
“Sorry.”
Tapos tumungo siya at hinawakan ang kanang kamay ko. Umiling ako.
“Di mo naman kailangan mag-sorry eh. Gusto ko lang sabihin mo ang totoo.”
“Sorry, di ko rin alam kung bakit nangyari to. Kung bakit ko ginawa yun.”
Hay. Wala talaga siyang sagot sa tanong ko? At dahil wala rin naman akong mahihita kung iintayin kong sagutin niya ang tanong kong wala naman daw sagot.
“Tara na, Overnight tayo dito diba?”
Pumasok na ako sa loob ng sasakyan. Sasabihin niya rin naman yan sa akin. Maghihintay nalang ako.
“Okay lang ba kung dun tayo sa rest house namin? Di daw kasi nalinis ung sa inyo.
Tumango lang ako.
Nagsimula na siyang magdrive papunta sa rest house nila. After 10 minutes nandun na kami. Handa nga talaga siya. Nilabas niya ung dalawang bag sa likod ng sasakyan niya. Yung isa, akin dahil un ung bag na nakuha ko nung Pasko at shempre ung isa kanya, dahil un ang bigay ko.
Pumasok na ako sa loob dahil kilala naman ako nung caretaker nila.
“Good evening po Ma'am Iya. Welcome back po.”
“Hi Manong Tom! Salamat po!”
Oo na, palagi ako nandito... dati... nung ayos pa kami...
“Handa na po ung kwarto niyo. Goodevening po Sir.”
Ngumiti nalang ako at umakyat na. Di ko na hinintay si JC. Susunod din naman yan eh.
Nagbihis na ako ng pantulog. Pagod na rin ako eh. Bukas ko nalang siguro kakausapin yung si JC dahil feeling ko matagal tagal pa kami magkakasama dito sa Tagaytay. And when I say matagal, baka matarakan pa ng absent note ang attendance ko. :|
12 MIDNIGHT nung nakatulog ako. Pero naramdaman kong may nagbukas ng pintuan. I heard footsteps pero hindi ako bumangon. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ako natatakot. Naramdaman kong umupo siya sa may tabi ng kama. Hinawakan niya ung mukha ko.
I missed his touch.
I missed his smell.
I missed everything about him.
“Jhi, sorry ah? Sorry nawalan ako ng pag-asa noon. Pag-asa sa'yo na baka di mo na ako tanggapin. Sorry dahil nawalan ka ng tiwala sa akin. Sorry dahil niloko kita. Sorry.. Sorry dahil hanggang ngayon mahal pa din kita. Hindi kita kayang mawala.”
“Yung mga panahong kinukulit kita kahit wala na tayo, gusto ko lang naman kasi na magpapansin sa'yo. Ayoko kasi na hindi mo ko pinapansin. Kaya kahit na alam kong naiinis ka, ginagawa ko pa din ung mga kaepalan na ginagawa ko para mapansin mo ko.”
“Jhi, sapat na ba yung panahon para mapagisipan mo ang lahat? Hindi na ako maglalaro ng ibang babae, bumalik ka lang ulit sa akin.”
Hinawakan niya ung kanang kamay ko.
Unti-unti nalang tumulo ung luha ko. Bwiset! Ayoko kasi ng ganito. Buti nalang nakatakip ng unan ung mukha ko.
Gusto ko siyang yakapin. Pero ayokong masira ung scenery. Baka bigla niyang bawiin lahat ng sinabi niya kapag nalaman niyang gising pala ako.
“Can we go back to where we started?”