CREWD ACADEMY: Malediction of...

By fevriyehiver

7.9M 250K 27.5K

PUBLISHED UNDER PSICOM Wattys 2016 Winner: Writer's Debut 🀦 Book 1 of CREWD ACADEMY 🀦 Welcome to CREWD ACAD... More

PLEASE READ BEFORE PROCEEDING
PUBLISHED UNDER PSICOM
Disclaimer
CAST
Malediction of Prophecy
Chapter 1: Spell
Chapter 2: Intruder
Chapter 3: She's In Danger
Chapter 4: Death Shadow
Chapter 5: Suspicious
Chapter 6: Investigation
Chapter 7: Confused
Chapter 8: Aureum Fairy
Chapter 9: Dragon Bellator
Chapter 10: Saviour
Chapter 11: Trouble
Chapter 12: Weird Dream
Chapter 13: Information
Chapter 14: Revelation
Chapter 15: The Fight
Chapter 16: Find Her
Chapter 17: Serria Land
Chapter 18: CREWD ACADEMY
Chapter 19: Idiot
Chapter 20: Connection
Chapter 21: CREWD Emporium
Chapter 22: FIVE CLASSES
Chapter 23: Red Flame vs. Blue Flame
Chapter 24: Avrelle
Chapter 25: Show Your Ability [1]
Chapter 26: Show Your Ability [2]
Chapter 27: Show Ability 3
Chapter 29: Accidental Mission
Chapter 30: Tenebris Orc
Chapter 31: Snow Monstrous
Chapter 32: Lavender
Chapter 33: Mortis Forest
Chapter 34: Invisibility Flower
Chapter 35: Magustic Town
Chapter 36: Praegrandis Daemon
Chapter 37: The Tres Marias
Chapter 38: Healing Potion
Chapter 39: Heart's Day
Chapter 40: Meet The Royalties
Chapter 41: Forbidden Ortus
Chapter 42: Guardian
Chapter 43: Memories Back
Chapter 44: Ara of the Maiores
Chapter 45: Dragon Sacred Tears
Chapter 46: Training Part 1
Chapter 47: Training Part 2
Chapter 48: Training Part 3
Chapter 49: Luminae Battle
Chapter 50: L Tournament Part 1
Chapter 51: L Tournament Part 2
Chapter 52: L Tournament Part 3
Chapter 53: L Tournament Part 4
Chapter 54: Accused
Chapter 55: Bait
Chapter 56: Preparation
Chapter 57: Bloody War Part 1
Chapter 58: Bloody War Part 2
Chapter 59: Bloody War Part 3
Chapter 60: Downfall
Last Chapter: Fallen
sensitivelysweet (fevriyehiver)
BOOK COVERS
Q AND A
Crewd Academy: Reign of Darkness

Chapter 28: Guidebook of Crewd

90.1K 3.3K 221
By fevriyehiver

□◇◇♡◇◇□

GUIDEBOOK OF CREWD

□◇◇♡◇◇□


Nagising ako at ang madilim na kalangitan ang unang nakita ko. Mabuti na lang ay nasisinagan ako ng buwan. Ang akala ko ay may tumulong sa akin ngunit nanlumo ako. Wala pala. Nakakatawa lang dahil inabot ako ng gabi rito nang walang nakakakita sa akin. Sino ba naman ako.

Siguro ay agad din tumila 'yong ulan dahil hindi lumubog dito. Masuwerte pa pala ako. Nakatulog pala ako nang hindi ko man lang namamalayan. Mabuti na lang at buhay pa ako.

Sinubukan kong igalaw ang katawan ko at unti-unting tumayo. Nakakagulat lang dahil hindi na masakit ang katawan ko! Napatingin ako sa itaas. May mga ugat-ugat naman kaya 'yon ang hinawakan ko at unti-unti akong umakyat. Nang marating ko na ang itaas ay siya namang ikinatuwa ko.

Nang tuluyan na akong makaalis sa hukay ay napangiti ako. "Hay.. finally! Papatayin ko talaga 'yong Charlie na 'yon!" Inalis ko ang mga putik na dumikit sa uniform ko.

Madilim dito sa gubat at nakakatakot ngunit dahil sa mga nagkalat na mga alitaptap kaya nagkakaroon ng konting liwanag ang buong paligid. Geez! Nakakatakot mag-isa!

Naglakad-lakad lang ako. Siguro makakabalik naman ako hindi ba? Tumingin-tingin naman ako sa paligid dahil para may kakaiba. Parang may nakatingin sa akin. Binilisan ko ang paglalakad. Natatakot na talaga ako!

"Selendria.."

Napahinto ako sa paglalakad nang may nakakatakot na malaking boses ng lalaki ang tumawag sa pangalan ko. Mabagal lang ang pagkakasabi niya ng pangalan ko na parang nakikipaglaro siya sa akin. At parang tinatakot niya ako. Hindi ko alam kung sino 'yon dahil hindi pamilyar ang boses niya!

Tumingin-tingin ako sa paligid ngunit wala akong maaninag na tao. Nagsimula nang kumabog ang puso ko kaya tumakbo ako. Shit! Tatakbo na naman ako!

Mas binilisan ko ang takbo ko dahil narinig ko na naman 'yon ngunit may kasama ng tawa ngayon. Shit! Naninindig ang mga balahibo ko! Demonyo ba 'yon? Baka patay na pala ako kaya sinusundo na ako?!

Naulit na naman ang pagtawag niya sa akin. Parang pinaglalaruan niya ako! Naiiyak na naman ako! Lumalabo na rin ang paningin ko dahil sa mga luhang nagbabadyang tumulo sa mga mata ko. Sobra na 'yong takot na nararamdaman ko na parang sinusundan ako ng kung sinong demonyo.

Nang maulit na naman ito ay tuluyan na akong napaupo at tinakpan ang dalawang tainga ko.

"Tama na! Tumigil ka na!" Sigaw ako nang sigaw at napahikbi dahil sa takot.

"Sendy! Wake up! Binabangungot ka!"

Ang boses ni Faye ang nakapagpamulat sa aking mga mata. Napaupo ako. My heart is beating so loudly. Ang bilis din ng paghinga ko at nandoon pa rin ang takot ko. Nanginginig ako sa takot. Napahawak na lang ako sa mukha ko at hindi ko napigilan ang paghagulgol.

"Sendy, don't cry. I'm here. You're safe."

Inalis ko ang mga kamay ko sa mukha at nakita si Faye na alalang-alala sa akin. Hinawakan niya ang mukha ko at pinahid ang mga luha ko. Kahit na maliit lang siyang nilalang ay kaya niya pa rin akong protektahan.

"Shh.. Don't be afraid, okay? Everything is alright now. Charlie saved you."

Napahinto ako sa paghikbi. Ha? Tama ba ang narinig ko? Panaginip na naman ba 'to?

"Hindi ba ako nananaginip ulit?" naiiyak na tanong ko. Umiling siya at ngumiti.

"Ang sabi ni Charlie ay kasalanan niya kaya nangyari 'yan sa'yo. Mabuti na lang at nakita ka niya at mabilis na dinala rito sa clinic."

Wala akong masabi. Akala ko walang nakakita sa akin. Akala ko hindi niya ako ililigtas. Nagkamali ako.

"Pero paano niya ako nakita?"

Tiningnan ako ni Faye nang matagal. "Iyon ang hindi ko alam dahil wala na siyang sinabi pa tungkol sa nangyari. Wala kaming kaalam-alam."

"Nasaan sina Dara? Airyn? Bakit wala sila rito?"

"Wala na sila dahil bawal ang maraming bantay at isa lang ang pwede. Kanina ay nandito sila ngunit pinaalis din sila kaninang 9:00 pm."

Napahiga ulit ako. Hindi na rin gaanong masakit ang katawan ko. Mabuti na lang at konting galos lang ang natamo ko. Hay.. Nakakapagod ang araw na 'to. Ang daming masamang pangyayari! Hindi ko sukat akalain na hahantong ako sa ganito.

"Pero nang dalhin ka ni Charlie rito ay may napansin ako sa kaniya." Napatingin ako kay Faye na nakaupo sa bedside table.

"Bukod sa maputik ang uniform na suot niya, may sugat siya sa isang kamay. May sugat din siya sa tuhod at binti. Nakita ko 'yon dahil nabutas ang pants na suot niya. At iika-ika pa siya kung maglakad. Parang may iniinda din siyang sakit. Gagamutin din sana siya pero agad naman siyang umalis. Ni hindi niya man lang sinabi kung ano ba ang nangyari sa inyo."


Napaisip ako. Paano niya kaya ako nakita? At paano niya rin ako iniligtas? Bakit parang mas malala pa yata ang sinapit niya kesa sa akin? Bakit hindi niya sinabi? Naguguluhan ako!

***

Three days had passed since the accident. I am fully recovered now. Mabuti na lang ay tinuturuan ako nina Dara ng mga lessons na napag-aralan nila noong absent ako kaya nakakasabay ako.

Sobrang nag-alala rin si Airyn sa akin. Ngunit ang nakakapagtaka ay ang biglang hindi pagpaparamdam ni Charlie. Ang sabi ni Airyn ay pagkatapos ng gabing dalhin ako ni Charlie sa clinic ay 'yon din ang huling nakita siya. Hindi na rin siya pumapasok. Mas lalong nabahala si Jater at Kairo dahil ngayon lang naging ganito sa Charlie.

Pilit nila akong tinatanong kung ano ba ang nangyari ngunit wala naman akong maisagot dahil nawalan ako ng malay noong nandoon ako sa hukay at umulan nang malakas. Iyon lang ang natatandaan ko at wala ng iba!

“I'm sure something strange happened that day. And he doesn't want to let us know.”

Iyan ang huling sabi ni Airyn.

Gusto kong alamin kung ano nga ba ang totoo!

"Uy! Makinig ka!" Napapitlag ako sa bumulong sa akin. Si Dara pala. "Baka mahuli ka ni Prof. Lander na tulala diyan!" banta niya.

"Lumilipad siguro 'yong utak mo?" natatawang tanong ni Val at nag-apir pa sila ni Dara.

Ngumiti na lang ako. Hindi ko na dapat pang problemahin ang lalaking 'yon! At saka isa pa ay kasalanan niya kung bakit napahamak ako! Bahala siya sa buhay niya!

"There's a book and its titled is Guidebook of Crewd."

Parang nagpantig ang dalawang tainga ko sa sinabi ni Prof. Lander. Parang ganiyan ang pangalan ng libro na kinuha ko sa secret room ni Mama, ah?! Napalunok ako at nakaramdam ng kaba.

“But that book is missing. It was 2008 when it was announced that it was missing. And they couldn't find it anymore. No one knows where it is.”

Maraming mga nanghinayang sa sinabi ni Prof. Lander. Napalunok naman ako. Bakit parang feeling ko tama ang sabi ni Charlie na magnanakaw talaga ako?

“I was just sad because I didn't get the chance to read it. Other professors say there are some dangerous magic listed there.” Napabuntong hininga si Prof. Lander. Mukhang malungkot siya. “Maybe they'll just make another book. But I can’t deny that the book is magical. Because the book itself wrote every page written there. And everything written there is all true.”

A guy who's wearing an eyeglasses raised his right arm.

"Yes, Mr. Hoshi?" The guy stood up.

"What if the book is not really missing? Baka ninakaw ito?"

Napaisip ang mga iba kong kaklase. At ayon na nga, nag-umpisa na ang mga theory nila. Parang matatae na lang ako sa kaba.

"Iyon ang hindi natin alam. Let’s not talk about it anymore. Okay class! What I want you to do now is to list down some dangerous magic that you know and explain-"

Biglang tumunog ang bell ng school kaya napatigil sa pagsasalita si Prof. Lander. Wohoo! Saved by the bell! Napangiti at napa-yes ang mga kaklase ko.

"Don't be happy. That will be your assignment. Bukas ipapasa 'yan. You can search in the library. At ang gusto ko ay year 2000 and above ang pinagkuhanan niyo ng reference. No assignment, no grade. Class dismissed."

Nag-unahan naman sa paglabas ang mga kaklase ko na parang isang buwan na silang bilanggo. Kailangan ko na sigurong masanay dahil lagi naman silang ganito.

"Ano pang ginagawa mo, Sendy? Tara na!" nagtatakang tanong ni Dara. Nakatayo na pala silang tatlo at ako na lang ang hinihintay.

"Lagi ka na lang lutang. Nagmumukha ka tuloy tanga." Napaka straight forward naman kung magsalita si Winzé.

"Hoy grabe ka naman kay Sendy!" sabat ni Val.

Tumayo na ako. "Ito na tatayo na."

Habang naglalakad kami sa corridor ay pinagbubulungan kami. Ewan ko pero parang naririnig ko ang pangalan ko.

"Nakakapagtaka naman! Parang si Sendy pinagbubulungan nila!" bulong sa amin ni Dara. Napansin din pala niya.

"Bilisan niyo na lang maglakad!"

Tumango kami kay Val. Nang makalabas na kami sa building na 'yon ay pinigilan kami ni Dara.

"Punta na kaya tayo sa library para magawa na natin 'yong assignment?"

We agreed and went to the library. Nang makapasok kami sa loob ay ang daming tao. Nakakamangha sa dami ng mga libro. Nandito rin pala ang iba pa naming mga kaklase. Nagsulat muna kami ng pangalan bago kami tuluyang naghanap ng libro na pagkukunan namin ng mga impormasyon.

"Subukan natin maghanap ng libro na about sa mga dangerous magic," suhestiyon ni Val habang kinakalikot ang mga libro na about sa Magic.

Nakahanap naman ng kulay pula na libro si Winzé na ang title ay List of Dangerous Magic. Bubuklatin niya na sana ito nang pigilan siya ng isang babae kong kaklase.

"Nabuksan ko na rin 'yan pero walang pakinabang. Noong year 1485 pa yan at ang hinahanap ay year 2000 pataas."

Binalik na lang ni Winzé 'yong libro sa kung saan niya ito kinuha.

"Kanina pa kami naghahanap pero wala pa kaming nahanap. Year 1968 pa lang ang pinakamataas na year ang nahanap namin. Bukod doon ay wala na.” Mukha ngang na-stress na ang mga kaklase ko sa kakahanap.

Bigla kong naalala 'yong sinabi ni Prof. Lander kanina. Bakit pala ang tanga ko? Kung nasa akin ang Guidebook of Crewd... ibig sabihin ay posibleng may makuha akong sagot doon?

"Eh paano na niyan—"

Hindi ko na pinatapos magsalita si Dara. "Mag cr lang ako."

"Sama ako!"

Umalis na agad ako at hindi na pinansin ang sinabi ni Dara. Hindi siya pwedeng sumama. Buti na lang ay hindi siya makulit.

Nagmadali akong maglakad at nang nasa dorm na ako ay dali-dali akong pumasok sa kuwarto ko at hinalughog ang kabinet ko.

"Nandito lang 'yon, eh!"

Tinanggal ko ang mga ibang gamit at nakita ko ang bag kung saan dito ko nilagay 'yong libro. Kinuha ko ito at saka ako umupo sa kama. Pinatong ko ito sa kama at dali-daling binuksan. Nang mabuksan ko ito ay tumambad ang iba kong mga gamit at ang libro..

"Tama nga ako.."

Nagningning ang mga mata ko nang hawakan ko ang libro. May kabigatan nga lang. Kulay white ang kabuuan nito at may mga snowflakes na design. Hinaplos ko ang mga kulay gintong letrang nakaukit dito.

"Ang ganda." Iyan lang ang tanging nasambit ko.

"Dangerous Magic ang dapat kong hanapin—"

Nagulat ako at naibalibag ang libro nang kusa itong bumukas at mabilis na nagsilipat-lipat ang mga pahina. Nakakabigla naman!

Napatayo ako nang bigla itong tumigil. Nilapitan ko ang libro at sinilip ito.

"Tama ba 'tong nakikita ko?" naguguluhang tanong ko.

Napaupo ako at binasa ang nakasulat dito.

"List of Dangerous Magic.. Tama! Ito na nga 'yon!"

Napatingin ako sa taas at may nakita akong date na nakasulat. Ang nakasulat ay January 4, 1969 to April 6, 2015. Nanlaki ang mga mata ko.

"Huh? Nakakapagtaka naman! April 6, 2015 noong una kaming pumasok dito."

Ang sabi ni Prof. Lander ay nawala ang libro noong 2008? Napaisip naman ako. Totoo kaya 'yong sinabi ni Prof. Lander na ang mismong libro ang nagsusulat dito? Ibig sabihin ay updated pa rin ito sa mga nangyayari kahit na mawala pa ito? Ang galing!

Muli kong binasa ang nakasulat sa pahinang ito. Ang sabi rito ay hindi sunod-sunod ang mga nakasulat dito. At may nakalagay rin na new sa ibang mga magic. Ibig sabihin ay bago pa lang itong naisulat dito? Binasa ko na lang ang mga magic at binasa rin ang mga kakayahan ng bawat isa.

May ilang nakapukaw sa atensiyon ko. Una na rito ay ang Dream Leaping. It is said here that the ability of Dream Leaping is to project into people's dreams and manipulate them. Nakakatakot naman!

Pangalawa naman ay Power Mimicry. The ability to permanently copy another magic and abilities if they are used on you. Pwede niya kopyahin ang magic ng iba kapag 'yong magic ay ginamit sa kaniya? Wow! Kung may ganiyan lang ako, kokopyahin ko 'yong magic ni Charlie tapos gagawa rin ako ng fire ball shuriken tapos ipapahabol ko sa kaniya. Hihi. Saya n'on! Pero bakit pala napunta sa kaniya usapan?

Ang pangatlo naman ay ang pinaka nakakuha sa atensiyon ko. May nakasulat na new sa magic na ito. Ibig sabihin ay bago lang siyang naisulat dito. Ito ay ang Ressurection Magic. Hindi ko pa man nababasa ang depinisyon nito pero may ideya na ako.

"The ability is to ressurect the dead, could be others or could be oneself..." Napaisip ako sa binasa ko.

Sino kaya ang may ganiyang magic? Nakakamangha pero nakakakilabot. Isipin mo pwede ka bumuhay ng patay?! At pwede mo rin buhayin ang sarili mo?

Sinarado ko na lang ang libro. Sumasakit ulo ko kakaisip sa mga pesteng magic na 'to! Hindi ko 'to pwedeng isulat dahil baka maghinala sina Dara kung saan ko galing ang mga sinulat ko.

"Ay panget!"

Bigla akong nagulat nang bumuklat ulit mag-isa 'yong libro. Problema ng librong 'to?! Ba't nanggugulat?!

Tiningnan ko kung anong title ng pahina. Meaning of CREWD. Naging interesado ako bigla. Ang ibig sabihin ay may pinanggalingan ang pangalan ng school na 'to?!

C stands for Charm or also known as Magic. R stands for Revampi, the oldest term for Vampire. E stands for the Extraordinary Abilities. W stands for the Wizard and Witch. And lastly, D stands for Dragon.

Natawa ako. "Anong kaek-ekan 'to?" puna ko.

Pero nawala ang ngiti ko nang makita ang mga pangalan nang nagpangalan at nagpatayo ng school na ito.




"Prince Daryll Arsenault, Prince Chaos Arsenault and Sorceress Anerva Eshivel?!"

****





Continue Reading

You'll Also Like

2M 71.6K 116
Terrensia Academy. Isang paaralan para sa mga estudyanteng may angking kakayahan at kapangyarihan. Isang akademiya na siyang nakatirik sa mundo ng sa...
4.9M 117K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...
924K 59.5K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...
1.4M 62.6K 61
Reincarnated as the Seventh Princess Book 1 (Trilogy) Despite the clichè title, a breath-taking story is yet to unfold, waiting to be told. Not ever...