In His Paradise (Completed)

By Sevenelle

17.6K 474 97

Empress Cabrerra, a typical Manilena who'll set foot on a muddy province. Little did she know that she won't... More

Paalala
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
Author's Note

Kabanata 24

407 11 6
By Sevenelle

Babalik

Isang linggo akong babad sa trabaho. Tinapos ko na ang mga kailangan kong gawin upang makapag file ako ng leave for two days.

"Sigurado ka bang hindi ka magpapahatid? I can drive you," wika ni Crane pagkatapos akong sunduin sa trabaho sa hapon ng biyernes.

"I can manage. Magco-commute ako, okay? Kaya ko ang 10 hours na biyahe. Don't worry," sagot ko habang inaayos ang mga laman ng maleta ko.

Maliit na maleta lang ang dala ko dahil apat na araw lang naman ako roon. Sa katunayan ay nagulat ako sa detalyeng ibinigay ni Mabel. Hindi ko naman akalaing bukas na pala ang kasal. Ni hindi man lang ako nakapaghanda ng regalo. Agaran din ang pagfile ko ng leave.

"Kailan ang balik mo? Do you want me to fetch you at the bus terminal?"

Isinara ko muna ang maleta bago ko hinarap si Crane at sumagot.

"Sa Martes. Yeah, I'll just text you," wika ko at ngumiti.

Inihatid ako ni Crane sa unang terminal ng bus na sasakyan ko. Bale dalawang bus ang kailangan kong sakyan para makarating sa bayan ng Arnedo at magtr-trycicle ako papunta sa Sto. Ignacio mula sa bayan.

"Take care. Text me kung nasaan ka na, okay? Para hindi ako mag alala," ani Crane at yumakap sa akin. Dumampi ang mga labi niya sa aking noo.

"Yes. Thank you sa paghatid dito," sabi ko at nagpaalam na.

Sumakay ako sa bus at pumwesto sa tabi ng bintana. Air conditioned naman ito kaya hindi ako maeexpose sa hangin habang nasa biyahe.

Nakatulog ako sa unang bus. Alas kuwatro ng madaling araw nang lumipat na ako sa pangalawang bus at hindi na ako dinalaw ng antok. May apat na oras pa akong biyahe.

Tumanaw na lang ako sa madilim na paligid. Nagiging mapuno na ang dinaraanan namin.

Hindi ko maitatanggi ang kasabikan sa aking dibdib. I missed Mama and Toffy so much..

Nagpigil ako ng luha at pasimpleng nagpunas ng sipon sa ilong. Kahit nalulugod ako sa aking pagbabalik sa probinsiya ng Arnedo, mayroon pa ring parte sa akin na nangingibabaw ang bigat sa loob.

I can't believe after four long years, I'm actually going back to the place where everything started. Kung saan unang nabago ang lahat.. Kung saan tuluyang bumaliktad ang mga mundo namin.

Hindi ko inakalang ngayong araw ay tatapak akong muli sa lugar kung saan ko naranasan ang sakit na noon ko lang naramdaman sa buong buhay ko.

Iyong lugar na pilit kong kinakalimutan. Iyong lugar na pilit kong pinagsasarhan ng pintuan sa kasalukuyang buhay ko..

Heto na't babalikan ko na.. Muli akong aapak.. Pero ang hiling ko lang, sana sa pagkakataong ito ay hindi ako muling malubog sa putik. Iyong putik na ilang taon kong sinubukang takasan.. Pero wala eh, naiwan ko ang tsinelas ko.. Hindi ko pa rin naiahon. Nagkalugmok pa rin ang mga ito sa putikan kasama ang puso ko.

Minsan kahit pala anong takbo mo, babalik at babalik ka sa isang lugar sa buhay mo. Madalas kasi, ang akala natin kapag tumakbo na tayo palayo ay tuluyan mo nang matatakasan ang pinanggalingan mo. Isang bagay ang nakakalimutan natin, bilog ang mundo.

Wala itong sulok. Walang exit. Walang kanan o kaliwa. Ang tanging choice mo lang ay dumiretso ng dumiretso. At magugulat ka na lang na nasa lugar kang muli na nilisan mo.

Isang patunay na darating talaga tayo sa puntong kailangan nating harapin ang mga bagay bagay. Walang problemang napagtataguan.

Maybe you can run.. But you can never hide. Mapapagod ka lang sa pagtakbo. Mapapagod ka at tuluyang hihinto at haharapin ang tinatakbuhan mo.

Sa apat na taong lumipas akala ko nakalayo na ako ng takbo. Akala ko milya na ang natakbo ko. Pero nakakapagod palang tumakbo lalo na kung hindi ka naman umuusad.. Kung sa bawat paghakbang mo ay may humihila sayo pabalik. Nakakapagod. Nakakasawa.

Nanumbalik ako sa kasalukuyan nang makita ang pamilyar na arkong nagsasabi ng 'Welcome to Arnedo'. Napatalon ang puso ko.

Halo halong emosyon ang nararamdaman ko. Tuwa. Sabik. Saya. Lungkot. Pangungulila. Pagsisisi. Galit. Everything wrapped in a volatile of whole turmoil of emotions.

Halos hindi ko namalayang nasa harap na kami ng Arnedo Public Market at kailangan ko nang bumaba.

Bitbit ko ang maleta ko at hand bag sa pagbaba. Tirik na ang araw dahil alas otso na ng umaga ngunit nangingibabaw ang masamyong simoy ng hangin.

Saglit pa akong napatigil sa paglalakad upang pumikit at lasapin ang sariwang hangin. Nang makontento ay inilibot ko ang paningin.

Malaki na ang iginanda ng lugar. Bago na ang pintura ng Public Market. Mas buhay tignan ang paligid ngayon kaysa noong unang nasilayan ko ito.

Tanaw ko ang dating park. Ngayon ay may makukulay na bulaklak na. Mayroon na ring maliit na fountain.

"Pandesal! Pandesal kayo diyan! Bagong luto at mainit pa!"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng tinig. Nanumbalik ang alaala sa akin. Ako, si Luke... At ang batang nagtitinda ng pandesal na si Jimboy.

"Ate, pandesal? Masarap ito!"

Lumapit ang nagbibinatang si Jimboy sa akin. Natatandaan ko pa ang mukha nito. Nagmature ang kanyang mukha at pangangatawan. Tumangkad din siya. Tingin ko'y high school na ito. Ang bilis ng panahon.

Ngumiti ako rito. Binuksan niya ang styro box at ipinakita ang mga pandesal. "Mainit init pa yan ate. Bili ka na."

Ganitong ganito din ang sinabi niya noon. Tandang tanda ko pa..

"Magkano ba?" Tanong ko.

"Dalawang piso isa, Ate. Masarap po iyan. Sigurado akong hindi mo pa ito natitikman dahil mukhang bago ka lang po rito."

Natawa ako ng tuluyan dahil iyang mismong linyang iyan ang sinabi niya noon.

Tumingin ito ng nagtataka sa akin. Nalito siguro kung bakit ako natawa.

"Sige, magkano ba lahat iyan?" Tanong rito.

Nagliwanag ang kanyang mukha.

"Talaga ate? Papakyawin mo?" Gulat na tanong niya. Nakangiti akong tumango.

Masigla niyang ibinalot ang mga pandesal sa malaking supot at ibinigay sa akin. Inabutan ko siya ng limang daan.

"Nako! Wala po akong panukli riyan!" Gilalas niyang wika. Napangiti ako.

"Sa iyo na ang sukli," wika ko. Namilog ang mga mata niya.

"Talaga po?!"

Tumango ako at kinuha ang palad niya. Inilagay ko roon ang pera.

"Nako! Salamat po ate!" Tuwang tuwa ito. Nakaramdam din ako ng katuwaan sa puso ko.

"Walang ano man. Masaya akong nakita kitang muli, Jimboy," wika ko at ngumiti.

Nakita ko ang pagkagulat at pagkalito sa kanyang ekspresyon ngunit kumaway na ako at tumalikod sa kanya.

Pumara ako ng trycicle at sumakay roon.

"Manong sa Sto. Ignacio ho! Sa mga Cabrerra," wika ko.

Habang nasa tricycle ay lumipad na naman ang isip ko.

Akala ko malulungkot na alaala lang ang babalikan ko sa lugar na ito. Pero isa si Jimboy sa patunay na may magagandang alaala din pala akong babalikan.

Madalas kasi ay binabalot ng lungkot ang mga puso natin. Ayaw nating balikan ang mga alaala dahil nalulungkot lamang tayo. Ngunit mali pala, maraming magagandang alaala na masarap sanang balikan kung hanggang ngayon ay kapiling mo pa rin ang taong kasama mong gumawa sa alaalang iyon.

Hindi ang mga alaala ang nakakasakit sa atin kundi ang kalungkutan na dulot ng mga alaalang hanggang sa nakaraan na lamang.. Hanggang doon na lamang sila mabubuhay.

My ride in the tricycle was the longest ten minutes of my life. Pakiramdam ko ay pinabagal ako ng mga alaala.

Nang tumigil ang tricycle sa harap ng lumang bakod namin ay mabilis akong bumaba at nagbayad.

Alas nueve ang kasal sa simbahan sa bayan. At may halos isang oras na lang ako upang mag ayos.

Wala ng tao sa bahay at may note na nakalagay sa kama ko kasama ang gown na isusuot ko.

Mabilis akong naligo at nagpatuyo ng sarili. Isinuot ko ang kulay creamy white na damit pang abay.

Tube iyon at bahagyang palalim ang gupit kaya lumabas ang kaunting cleavage ko ngunit hindi naman masagwa. De tali ang likod, paekis ekis iyon at natagalan ako sa pagribbon niyon.

Hapit ang itaas na bahagi ng gown at flowing sa baba. Long back iyon ngunit hindi naman sumasayad sa semento. Ang harap ay hanggang sa itaas ng tuhod ko.

May mga maliliit at kumikinang na beads bilang disenyo kaya pinarisan ko iyon ng kumikinang kong silver close heels.

Hinayaan ko nang nakalugay ang buhok ko dahil kulang na ako sa oras. Minimal make up na lang din ang ipinahid ko sa mukha.

Bitbit ang white pouch ko ay nagtricycle ako papuntang simbahan sa may bayan.  Mahigpit ang hawak ko sa buhok ko upang hindi tangayin ng hangin.

Pagdating ko roo'y magsisimula na. Nakapila na ang mga kasama sa entourage kaya hinanap ko na din ang pila ko.

Inassist naman ako ng nag aayos at itinabi ako sa isang pamilyar ngunit hindi ko kilalang lalake. Maputi, matangkad, singkit, matangos ang ilong, manipis ang mapulang labi at mukhang intsik.

"Hi. I'm Kaizer," wika niya nang mapansin ako sa tabi niya. Ngumiti ito at nawala ang mga mata niya.

Napangiti din ako at nagpakilala.

"Empress," pakilala ko.

"Yeah, I know.." Aniya na ikinagulat ko. Pero bago pa ako makapagtanong ay umandar na ang entourage.

Nang kami na ng partner kong si Kaizer ay inangkla ko ang braso ko sa kanyang braso habang sa kabila ay hawak ko ang bulaklak.

Naglakad kami sa isle. Bago ako makaliko upang umupo sa pwesto sa pangalawang pew sa harap ay nalingunan ko pa si Mama na nakaupo sa bandang gitna. Nginitian ko siya at kinawayan. Kumaway siya pabalik.

Napansin ko ang bahagyang pagtanda ng itsura ni Mama. Siguro ay dahil sa stress. Pumayat at nangitim rin siya.

Nang makaupo ako ay binati agad ako nila Monette at Michiko ngunit hindi sila makapag ingay dahil lahat kami ay nakaabang sa papasok na bride. Yumakap at humalik lamang sila sa akin.

Si Jude ay nakatayo na sa dulo ng isle kasama ang kanyang mga magulang at naghihintay sa kanyang bride.

Bumukas ang pintuan ng simbahan at dahan dahang pumasok roon si Mabel. Nakasuot ito ng mahabang gown at natatakpan ng belo ang mukha. Ngunit naaaninag roon ang kanyang malaking ngiti. May suot din siyang maliit na tiara at nagmukha tuloy siyang prinsesa.

Tumugtog ang pamilyar na Here Comes The Bride at nakilahok ako sa kasabikan ng lahat.

Sa bandang kalahati ng isle ay sinalubong siya ni Tito Mark at Tita Bella, at sabay sabay silang naglakad palapit sa altar. Umiiyak si Tita Bella at naluluha si Tito Mark. Paanong hindi ay ikakasal na ang unica hija nila?

Sa kalagitnaan ng seremonyas ay may naalala ako. Hiniram ko ang programme kay Michiko at tinignan ang page ng Order of Entourage. Pinasadahan ko ng daliri ang katapat ng pangalan ko sa groom's men.

Kaizer Ming C. Chen...

Saan ko na ba narinig ang pangalang ito?

*****

Napaka-leche talaga! Kung nasaan ako ay kailangang naroon talaga siya?! This is the worst idea I've never imagined! I never saw this one coming! Being with Luke here in Arnedo is an absolute nightmare!

Tumungga ako ng tumungga ng wine. Narito kami sa bahay nila Mabel para sa reception. Oo, ganito rito sa probinsya. Hindi sa kung saang hotel ginaganap ang reception kundi ay sa bahay ng isa sa ikinasal.

At sa kamalas malasang tunay ay napadpad ang unggoy na si Luke rito sa Arnedo!

Nakita ko ito kaninang picture taking sa simbahan. Groomsmen din pala ang loko! At ni hindi ko iyon alam dahil hindi ko naman binasa ang buong order of entourage! Hindi ko din siya napansin at nakilala dahil bagong gupit pala ito.

Hinahanap ko noon si Mama pagkatapos ng kasal dahil hindi ko pa siya nalalapitan simula nang dumating ako. At nakita ko siyang kausap si Luke at tila nagkukumustahan.

Nagugulat akong lumapit sa kanila dahil hindi ko alam na narito si Luke. Nang makalapit ako ay agad akong niyakap ni Mama.

"I missed you anak. Welcome back here," wika niya at humiwalay sa pagkakayakap.

"I missed you too, Ma," wika ko at bahagyang sinulyapan si Luke na nakatayo lang sa gilid namin.

"Oh! Naalala ko pala anak, nakuha ko na iyong pinadala mong pera at naibayad ko na rin kay Mr. Aragon. Mabuti't nakumpleto mo ang daang libo?"

May bahid ng pag aalala sa mukha ni Mama. Napakagat labi ako at mabigat ang loob na bumuntong hininga.

"Ang totoo ay hiniram ko ang kulang sa kaibigan ko, Ma. Hindi kasi natuloy iyong shoot na inaasahan kong pagkukuhanan ng pera para makumpleto iyon," wika ko at hindi maitatago ang pagkadismaya. Nagkagat labi pa ako upang magpigil ng luha dahil ramdam ko ang bigat ng dinadala ni Mama.

Matamlay  akong napalingon kay Luke na ngayon ay nanigas sa kinatatayuan. May bahid ng gulat at guilt sa kanyang mukha. Nakabukas ang bibig nito ngunit hindi makapagsalita. Nakatitig lamang siya sa akin na may pagkagulat.

Ayan! Tama iyan! Makonsensya ka sanang tipaklong ka!

Hanggang ngayon ay naghihimutok pa rin ang damdamin ko kapag naiisip ang kawalang hiyaan ng unggoy na ito.

Bago pa siya makapagsalita ay nagpaalam na ako kay mama upang makihalo bilo sa mga pinsan ko at upang iwasan na rin ang isang 'unimportant negotiation' kasama si Luke. Ayokong marinig ang mababaw niyang dahilan!

At ngayon nga'y kanina pa ako hinahabol habol ni Luke pagdating rito sa reception. Asa naman siyang kakausapin ko siya pagkatapos ng kabaliwan niya.

Umalis na ang karamihan sa mga bisita. Maghahapon na din kasi. Ang mga kamag anak at ilang kaibigan na lamang ang nananatili sa bahay nila Mabel.

Tahimik akong nakaupo sa isang sulok na table at sumisimsim sa juice ko. Hindi pa ako maharap ng mga pinsan ko dahil abala sila sa pag asikaso ng lahat.

Gusto ko sanang tumulong ngunit pinigilan nila ako dahil pagod pa raw ako mula sa biyahe.

Sumusulyap ako sa paligid at kanina ko pa napapansin ang mga tingin ni Luke mula sa malayo. Dineadma ko na lamang.

Nang mapalingon akong muli sa direksyon niya ay nakita kong papalapit siya sa kinaroroonan ko.

Mabilis kong binitawan ang basong hawak ko at tumayo. Naglakad ako papunta sa kung saan. Ang totoo ay hindi ko alam kung saan ako pupunta at ramdam ko ang paghabol ni Luke sa akin.

Bago pa ako makapagdesisyon kung saan ako pwedeng magtago ay naabutan niya na ako sa gilid ng bahay nila Mabel kung nasaan ang mga tanim nilang orchids. Napamura ako ng tahimik.

Huminto siya sa harap ko. Akmang aalis ako ay mabilis niyang hinaklit ang pulso ko kaya napabalik ako sa kintatayuan ko.

"Mag usap tayo."

Hindi iyon pakiusap. Hindi iyon tanong. Isa iyong utos. Ang kapal din ng mukha nitong utusan ako! Nag init ang ulo ko.

"Get off me," wika ko sa isang pigil na sigaw.

Hindi niya ako binitawan. Pinasadahan niya ng kamay ang bagong gupit niyang buhok at tinignan lamang ako ng mariin.

Maaappreciate ko na sana ang kanyang kagwapuhan ngunit hinahigh blood talaga ako sa presensya nito.

"I said, get off me Marquez!" Marahas kong binawi ang pulso ko. Humapdi iyon at namula. Bumaba ang tingin niya sa namumula kong pulso at ibinalik ang tingin sa mga mata ko.

Lumalarawan ng tahimik na pagsusumamo sa mga mata niya. Ngunit hindi ako papayag na magpaapekto roon.

"Makinig ka naman sa akin.."

Tinignan ko siya ng sarkastiko at inirapan.

"Makinig? Bakit? Noong nasa opisina mo ba ako pinakinggan mo ako?!" Tumaas ang boses ko ngunit pigil na pigil iyon dahil ayokong gumawa ng eksena sa kasal ng pinsan ko at ng kaibigan ng lalaking kaharap ko.

"Pagbigyan mo naman ako kahit ngayon lang.." Aniya.

"Pagbigyan?! Bakit? Pinagbigyan mo ba ako noong panahong kailangan ko?!"

Mabilis ang naging paghinga ko upang kalmahin ang sarili ko. Nagtaas ito ng dalawang kamay bilang pagsuko.

"Okay! I'm sorry! Ayoko lang namang makita ng ibang tao iyang----.."

"Hep!" Nagtaas ako ng daliri upang putulin siya sa sinasabi. Pinandilatan ko siya ng mga mata. "Your sorry won't change anything! At ayokong marinig iyang lintik na rason mo!"

Bumuntong hininga siya at mariin akong tinignan. Nag isang linya rin ang mga labi niya na halatang nauubusan na ng pasensiya.

Nako! Wag niya akong dramahan ng ganyan at talagang ubos na ang pasensiya ko!

"Magkano ang ibinayad mo? Babayaran ko," seryosong sabi niya.  I clenched my teeth with controlled anger.

I was seething with rage. Iniinsulto niya ba ako? Tingin niya ba papayag ako sa gusto niya?

"Hindi ko kailangan ng pera mo!"

Tumalikod na ako upang umalis. Nakailang hakbang na ako nang nagpahabol siya ng salita.

"Akin ka lang Cabrerra. Ako lang ang dapat makakita at makahawak sa pagmamay ari ko. Tandaan mo iyan.."

Madilim at madiin ang tinig niya. Ramdam na ramdam ko ang kaseryosohan nito sa sinabi.

Marahas na humahampas ang dibdib ko. Nanginig ako sa hindi ko malamang dahilan.. Nanlalambot ang mga binti ko sa narinig ngunit hindi ako nagpapigil sa pag alis.

Continue Reading

You'll Also Like

10.5M 227K 40
The relationship that he wanted and invested has a termination date, a one-month rule that he have always honored. That's Dominick "Dock" del Fierro...
478K 12.3K 24
Isla Azul Series #2 (COMPLETED) Nang mamatay ang mga magulang ni Jail, agad inako ng tatlong kapatid niyang lalaki ang responsibilidad sa kumpanyang...
39.4M 1.1M 50
Minsan kahit gaano natin i-plano ang buhay natin darating at darating talaga ang panahon na sisirain iyon ng mapaglarong tadhana. At dalawa lang ang...
171M 5.6M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...