Paper Stars (Self-Published)

By iamsayaallego

126K 4.1K 536

WATTYS 2018 WINNER The Heroes Category Synopsis: For a lot of people, a name holds the very meaning of a pers... More

Paper Stars
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas
Self-publishing Cover Reveal
Teaser
Self-Published
Books Giveaway
Books Giveaway Winners

Kabanata 16

1.9K 83 6
By iamsayaallego

KABANATA 16





Naging palaisipan pa rin para sa akin iyong mga huling binanggit ni Mimi patungkol kay Gene. Kahit nakaakyat na ako sa pader ng main house at binababa na ngayon ang puno ng sakura ay iyon pa rin ang nasa aking isip.

Hindi ba at nasambit ni Drake kanina na mga miyembro sila ng Emperors? Iyon din ba ang tinutukoy ni Mimi?

Sinigurado ko munang walang tao sa paligid bago ko mabilis na inakyat ang nakabukas pa ring bintana ng library. Pagkaakyat, nakita ko agad ang pagtindig ni Himamura mula sa upuan sa harap ng piano.

"Oh, thank God, Arianne..."

Agad niya akong nilapitan at inalalayang makababa mula sa lamesa.

"Are you alright? Hindi ka naman napaano sa labas?"

Natigilan ako sa tanong nito. Sasabihin ko ba sa kanyang kamuntikan na akong masaksak kanina? Nakaka-guilty tingnan ang nag-aalala nitong mukha. I promised him that I would take care of myself outside pero may nangyari pang ganoon. I shouldn't worry him too much.

Kinuha ko mula sa pagkakaipit ko sa garter ng aking shorts iyong dalawang lalagyan ng cookies na pinadala sa akin ni Mimi at inabot ko sa kanya iyong isa. Napakurap pa ito ng dalawang beses habang nakatingin sa inaabot kong pagkain bago niya ako sinulyapan.

"Pinabibigay ni Mimi," sabi ko habang muling inaabot iyong lalagyan sa kanya.

"Thanks..." Nahihiya nitong tugon bago tinanggap iyon.

Bumalik na ako sa aking upuan at muling binuklat iyong naiwan naming tuntunin. Puna kong nakatayo pa rin siya at masuring tinitignan iyong ibinigay ko sa kanya. Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon at binuksan na iyong lalagyan ng share ko. Ipinagpatuloy ko iyong pagbabasa habang kumukuha ng cookies sa lalagyag nang marinig ko ang paghila ng upuan sa aking harapan.

"So... you went to Yuujin's house?"

Nag-angat ako ng tingin at nakitang nakapatong lang ang kanyang mga kamay sa ibabaw noong lalagyan ng share niyang cookies habang seryoso namang nakatuon ang kanyang mga mata sa aking mukha.

"What?"

"Sinabi mo na lang sana para masamahan kita—"

"Ayan ka na naman, Himamura. Hindi ba't nasabi ko na sa iyo kanina kung bakit?" Pagpuputol ko rito sabay kuha ng isa pang cookie.

"Okay lang naman sa akin kahit maging masama na ang tingin nila sa akin. I can take that anytime. Ang hindi ko maatim ay iyong may mangyaring masama sa iyo habang nasa labas ka. Please Arianne. Hindi ako mapakali buong panahon na wala ka rito. Gusto na kitang sundan kaya lang ayaw ko ring mapahamak ka kapag nalaman nilang wala ka rito."

Hindi ko maituloy ang pagsubo ko sa cookie na hawak habang pinagmamasdan ang kanyang pagod na mukha. Ngayon ko lang napansin ang kaibahan ng kanyang ayos mula noong iwan ko siya. Magulo na ang buhok nito. Nakahubad na ang outer coat ng kimono at nakasabit lang sa katawan ng piano. Nakatupi ang kanyang mga manggas hanggang balikat showing his well-defined biceps. Sa hitsura pa lang niya ngayon, I can only imagine what he's been through habang hinihintay ang pagbabalik ko. Napalunok ako nang wala sa oras. Mas na-guilty pa tuloy ako.

But not knowing is better than knowing and then getting more worried afterwards.

"Ang OA mo, Himamura. Para namang may kung ano sa labas na ikakapahamak ko," pagtatakip ko na lang sabay subo sa hawak kong pagkain.

Iniwasan ko na lang ang kanyang mukha at baka masabi ko pa sa kanya ang totoo. Baka sa susunod nito ay hindi na niya talaga ako pahintulutan pang lumabas!

"Pero Arianne... hindi mo pa masyadong kabisado ang Asteria para lumabas kang mag-isa. Paano na lang kung may mga nakaabang na masasamang tao sa daan?"

Check.

Kumuha pa ako ng isang cookie at mabilis na isinubo iyon kahit nahihirapan na akong lumunok.

"Tapos pagkakaisahan ka nila."

Check.

Mabilis na naubos iyon at kumuha na naman ako ng isa pa.

"Tapos maglalabas sila ng sandata para takutin ka."

Isang malaking check! Iyong totoo, talaga bang hindi ito nakasunod sa akin kanina?

"Tapos—"

"God, Himamura, you're thinking too much!" Bulalas ko na lang sabay tayo para kuhanin iyong basong may lamang juice na nakalagay sa tray na nakapatong sa isang corner table at dali-daling ininom.

"I'm sorry but I just can't help but be worried knowing you were alone out there."

Nilingon ko siya at bakas sa mukha nito ang panghihina. I took in a deep breath bago siya nilapitan.

"Himamura, I'm sorry if I made you worry but as promised to you I came back alright, see?" Sabi ko at kaagad niya namang hinagod ng tingin ang buo kong ayos. Ilang saglit lang ay nag-iwas naman ito ng tingin at biglang namula ang mga tainga.

"At saka, I'm no ordinary girl. You forgot that I know how to defend myself," I confidently added bago bumalik sa aking pwesto.

Muli niya naman akong tinitigan. Binuksan niya ang kanyang bibig para magsalita pero sa huli ay pinili na lang nitong manahimik na lamang.

Well then, I guess that's that, huh?

Nagpatuloy kami sa aming pagbabasa nang nabasa ko iyong salitang bumagabag sa akin mula noong nagpaalam ako kay Mimi.

Emperors.

LJU Emperors.

Tumigil ako sa pagbabasa at saka nag-angat ng tingin. Nakakunot ang noo ng aking kaharap habang nakatuon ang atensyon sa librong binabasa. Iniisip ko kung mayroon siyang nalalaman tungkol sa Emperors.

Tumikhim muna ako para makuha ang kanyang atensiyon. Hindi naman ako nabigo nang mag-angat ito ng tingin.

"Yes, Arianne?"

"Hindi ba sa LJU ka nag-aaral?"

Kumurap muna ito ng isang beses bago ibinaba ang hawak na libro.

"Yes. This year will be my first year in Senior High," nakangiti nitong sagot, "Doon ka rin ba papasok?"

"Uh... unfortunately, I'll be home-schooled all throughout my high school years," I casually answered.

"Oh..." Usal nito bago nagbaba ng tingin.

"How is LJU by the way?"

Agad naman siya nag-angat ng tingin sa aking tanong. He gave me a small smile before answering.

"Okay lang. Ganoon pa rin naman. Lilipat lang kami sa building ng Senior High but the school grounds and the students remain the same. Gusto mong ipasyal kita doon pagdating ng pasukan?" Tanong nitong tila nae-excite sa possibility.

Nginitian ko siya ng matipid bago marahang umiling. Kaagad namang nawala ang tuwa sa kanyang mukha.

"I'll be very busy with my own studies by then... Sorry but thank you anyway," paliwanag ko, "Masaya na akong makarinig ng tungkol sa LJU mula sa iyo. Kwentuhan mo na lang ako tungkol dito."

Muli namang nagliwanag ang mukha nito sa aking huling nabanggit.

"Oo ba. Bibisitahin kita rito every weekend at iku-kwento ko sa iyo ang mga ginawa ko sa linggong iyon!"

Wow. Irereport niya talaga ang buong linggo niya sa akin pagdating ng weekend?

"Eh di nawalan ka na ng buhay niyan? Hindi ba dapat nagrerelax ka tuwing weekend? Mamasyal kasama ng mga kaibigan mo... Makipagdate sa girlfriend mo..."

Bigla naman itong natawa sa aking mga sinabi. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"I don't mind spending my weekends with you, Lady Arianne," sabi nito habang nagpapakita ng isang tila makahulugang ngiti.

"Hindi ka ba nabo-bore? Baka mamaya niyan, magkapalit na tayo ng mukha?" Sabi ko na lalo pa nitong itinawa.

"I also don't mind switching faces with you. And if you're bored here, we could go somewhere else where you don't have to climb fences just to get some sun," sabi nitong natatawa pa rin.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"That is if you want to.... You know..." Agad nitong sabi nang makita ang reaksyon ko.

Saglit akong tumikhim bago muling nagsalita.

"Anyway..." Pag-uumpisa ko at agad naman siyang umayos sa pagkakaupo at tila handang-handang makinig sa kahit anong sasabihin ko, "Alam mo ba iyong Emperors?"

Puna ko agad ang biglaang pag-awang ng kanyang bibig sa huli kong sinabi.

"How—"

"Uh, nabanggit kasi ni Mimi sa akin kanina..." Mabilis kong sagot, "May alam ka ba?"

Ilang beses ding siyang napakurap bago tumikhim.

"Hindi masyado..."

"Magkuwento ka dali!" Excited kong sabi rito na napakamot naman sa kanyang ulo at tila nagdadalawang isip.

"Uh..." May bahid ng pag-aalinlangan ang mga mata nito.

Matagal niya pa akong tinitigan sa mata bago nagpakawala ng hininga.

"Alright," sabi nito bago isinantabi ang hawak na libro. Pagkatapos ay ipinagsiklop nito ang kanyang mga kamay sa ibabaw ng mesa habang nanatiling nakatuon ang kanyang mga mata sa aking mukha, "I'll tell you what I know."

"Yes!"

Kaagad ko ring inilagay sa tabi ang libro bago inusog ang upuan para mas lumapit pa ako sa kanya. Ngumiti naman siya sa aking ginawa.

"Dati, nahahati sa dalawang klase ang mga estudyante ng LJU. Those who were members of the empire and those who were not," tumango ako sa kanyang sinabi.

I already knew this part. It was something Louise had always argued with Daichi before. Dati nga hindi talaga tumatanggap ng ibang estudyante ang LJU. Kailangan anak ka ng kasapi ng imperyo o hindi kaya naman ay konektado ang pamilya niyo sa imperyo.

After grueling years of restless arguments with the board, finally, they accepted Louise's proposal to allow ordinary students without any connection to the families enroll in the university. Kung hindi lang nagipit ang buong imperyo ng mga panahong iyon, they would have probably kept the tradition.

"Hindi pwedeng magsama sa iisang classroom ang mga anak ng imperyo at ang mga ordinaryong estudyante. Their reason being that the school's a critical venue to develop influences and form relationships with people. Parents from the empire's families don't want their sons or daughters falling for the... wrong persons," pagpapatuloy nito na may diin sa dalawang huling salita.

I'm not even surprised to hear these. Ipinapanganak ka pa lamang, nakaukit na sa dugo mo ang mga responsibilidad na gaganapin mo bilang anak ng imperyo. Daichi had predicted that this might happen but Louise insisted to him that this was what the empire needed to grow.

"But as they say that love knows no limits, some children from the empire started dating children from the outside," biglang dumilim ang ekspresyon ng mukha nito habang nagkukwento.

Nangalumbaba ako habang patuloy na nakikinig sa kanyang kwento.

"Nagkakagulo na noon between the PTA, the faculty, the school board and the student body government. Reports about students running away from their houses to elope came in almost every day. The police had become a constant in the school grounds. Security was heightened. The press were everywhere... It was awful..." Kumunot ang noo nito habang inaalala ang mga pangyayari.

"The times were dark then until they stepped up and changed everything," bigla namang lumiwanag ang mukha nito.

"Who?" I couldn't help asking.

Muli niya akong tinitigan sa mata bago marahang ngumiti.

"The Kurozawa clan's next generation."

Unti-unting napaawang ang bibig ko sa narinig.

"Or from what you've heard... The Emperors."

Really? The Emperors started with our clan?

"They removed the rules which divided the university into two classes. Binigyan nila ng diin na hindi ang pakikipagrelasyon sa ibang tao ang makakasira sa imperyo kung hindi ay ang pagkakasira ng relasyon sa pagitan ng anak at ng kanyang magulang. They emphasized that while it is important to strengthen the bonds between allied families inside the empire, it was also equally important to strengthen the bonds between the empire and the rest of the world."

Nanlaki ang mga mata ko sa pahayag na iyon. That was exactly what Louise had in mind!

"The parents of the empire were outraged at first pero dahil ang susunod na henerasyon ng pamilya ng Kurozawa na ang nagsalita, wala rin silang nagawa. Even the counsel were powerless against the combined forces of the Emperors."

"I didn't know those guys did something that amazing in the past," hindi ko mapigilang mapamangha.

"Well, yes, they were sort of legendary. Because of them the walls between the two classes have been taken down completely. Everyone respected them. Even the teachers looked up to them. They were truly Emperors in every sense of the word."

Tumango na lamang ako sa narinig. Hindi ko lubusang maisip kung papaanong ang katulad ni Gene ay nakagawa ng ganoon kalaking impact sa buhay ng mga estudyante sa madilim na panahong iyon.

"I think I would look at Gene differently from now on. I mean, what he did was amazing! He led the revolution against the empire's primeval ways of thinking. And he had done so effectively! That... that's amazing."

Biglang natigilan si Himamura sa aking sinabi. Mataman niyang pinagmasdan ang aking mukha na para bang may hinahanap na kasagutan.

"Sure, Yuujin was influencial too but..." He paused na may pag-aalangan, "It wasn't really him who shut the entire system down and changed everything for the better."

Natigilan ako bigla sa kanyang pinaalam. Unti-unti akong ginapangan ng kaba lalo na at bigla na lang pumasok sa aking isipan ang imahe ng nag-iisang taong alam kong posibleng tinutukoy nito.

If it wasn't Gene, then...

"It was Rage."

Buong magdamag na dilat ang diwa ko kakaisip sa aking mga natuklasan ngayong araw. Hindi maalis sa isipan ko ang mga binanggit ni Himamura tungol sa dahilan kung paanong si Gene ang naging pinuno ng mga Emperors.

"I remembered hearing his announcement over the universities' intercom one day. He was saying that effective immediately he was transferring the leadership of the Emperors to Yuujin Kurozawa. Sabi pa niya na may mas mahalagang bagay daw sa buhay niya na kailangan niyang bigyan ng atensyon simula sa araw na iyon. We only assumed it was time for him to begin his internship for the empire. And that was the last we heard from him."

Napaupo ako sa aking kama habang pinapakalma ang mga nanginginig kong kamay. Pakiramdam ko'y binubuhusan ako ng napakalamig na tubig habang pinapakinggan ang mga kwento ni Himamura tungkol sa kanya. How he was adored by many. How he used his name so everyone could be free. How he stood his ground against the counsel and won.

Alam ko naman kung gaano siya ka-stubborn when it came to things that he wanted done. Hindi siya madaling sumuko. Until that...

Nilunok ko ang nag-aambang bara sa aking lalamunan. Ramdam ko ang paghapdi sa gilid ng aking mga mata dahil sa pagpipigil kong umiyak.

I can't cry. I shouldn't cry. Walang magagawa ang mga luhang iyan para sa akin. Hindi na nila maibabalik pa ang mga oras. All I could do now is move forward.

Just like how you wanted it for me before, right, Rekka?

Puyat ako kinabukasan nang sunduin ako ni Milo para ihatid sa shooting range. Hindi ko pa rin mawala sa isipan ko ang tungkol sa grupong itinatag ni Rekka noon.

Anong nangyari sa grupo matapos noon?

Paanong nasali ang mga kagaya ni Drake dito?

Kasama pa rin ba sina Kyo at Kira sa Emperors?

Kahit noong nasa shooting range na ako at nakatuon ang paningin sa mata ng target ay iyon pa rin ang nasa isip ko. Kaya naman ay sumablay ang tira ko matapos kong kalabitin ang gatilyo.

"Damn it, Cursed One! That was an easy target, hindi mo matamaan nang maayos?!"

Inalis ko ang aking earmuffs at eye protector at inilapag sa katabing lamesa. Tinanggalan ko ng magasin ang hawak kong baril at itinabi ito sa mga naunang gamit bago ko siya hinarap. Nakapamaywang ito ngayon at kunot ang noo habang pinagmamasdan ang aking kagamitan. Nang ibaling na nito ang kanyang paningin sa akin ay mas lalo pa itong sumimangot.

"Anong tinutunga-tunganga mo riyan?! Isuot mo uli ang mga iyon at ulitin mo ang pag-eensayo kung ayaw mong ikaw ang ilagay ko roon sa target at pag-praktisan ko!"

Kumunot na rin ang aking noo sa kanyang pahayag pero hindi ko na lang iyon pinansin.

"Are you still with the Emperors?" Diretsahan kong tanong.

Pansin ko ang pagkabigla sa kanyang mukha pero agad din itong napalitan ng pagkainis.

"Who told you about that?" He asked on gritted teeth.

"Ibinulong lang ng hangin sa akin? Siyempre malalaman ko iyon. Gene was once your leader, hindi ba?"

He clicked his tongue nang marinig ang aking dahilan. I know he wouldn't dare confront Gene about this para tanungin kung totoo ngang sinabihan ako nito.

"So, are you?" Pag-uulit ko.

Agad naman akong ginawarang ng matalim na titig bago ako tinalikuran. Akma na sana itong aalis nang agad kong hinawakan ang kanyang braso. Napunta roon ang kanyang paningin bago ito marahas na binawi mula sa akin.

"Don't f*cking touch me!" He snarled at me.

Itinaas ko naman ang dalawa kong kamay.

"Chill," nakataas ang kilay kong utas, "Yes or no lang ang hinihingi kong sagot—"

"It's none of your god damned business, freak," sabi nito bago tuluyan nang nag-walkout.

Like that's going to stop me!

Mabilis kong tinakbo ang distansiya namin at muli siyang hinawakan sa braso para pigilan sa paglalakad. Katulad noong nauna nitong reaksyon, kaagad nitong binawi ang kanyang kamay na tila napapaso.

"Damn it!"

"Why is it so hard for you to answer with just a yes or no? Are you still with them or not?"

Pulang-pula na ang mukha nito sa sobrang inis.

"Hindi ka ba makaintindi!? Ang sabi ko wala kang pakialam! Now leave me alone!"

Akma na naman sana itong aalis nang may naisip akong paraan.

"How about a bet then?"

That surely got his attention dahil agad itong natigilan. Pagkatapos ay muli akong nilingon na nakataas ang kilay.

"A bet?"

Itinago ko ang nagbabadyang ngisi at tumango.

"Yep!" Mabilis kong sagot, emphasizing the sound at the end of the word.

Tuluyan siyang humarap sa akin at sa saka humalukipkip.

"What's in it for me?"

"Well..." Pagsisimula ko at umaktong tila nag-iisip, "If you win, I'll be your slave for a month—"

"Just a month?" May panunuya nitong sagot.

Gusto ko mang sumimangot sa angal nito pero hindi ko na lang ginawa at ipinagkibit-balikat ko na lang iyon.

"Fine, a year then."

"Much better," nakangisi nitong usal. Bakas sa mukha nito ang isang pangakong magiging impyerno ang buhay ko sa kanyang mga kamay.

"But if I win..." Saglit akong tumigil para matitigan siya nang mataman sa mata, "Sasagutin mo ang bawat katanungang sasabihin ko nang totoo, buong-buo, walang pag-aalinlangan at walang angal."

Agad naman akong pinandilatan nito nang marinig ang kondisyon ko.

"Madali lang naman ang gagawin. Each of us will be given a set of disassembled .45 caliber. A staff will double check that we have the same number of pieces."

Ipinilig lang nito sa isang banda ang kanyang ulo at tila naghihintay sa susunod kong sasabihin. Nang sa palagay ko ay wala itong balak umalma, nagpatuloy ako sa pagpapaliwanag sa rules ng bet.

"Mag-uunahan tayong i-assemble ito. Pagkatapos, kung sinong maunang makatama sa mata noong target, siya ang panalo."

Ilang sandali pa itong nakipagtitigan sa akin bago unti-unting umangat ang bawat sulok ng kanyang bibig.

"Sigurado ka bang ito ang gusto mong pustahan? Nakakalimutan mo yatang ako ang nagtuturo sa iyo kung paano gumamit ng baril?" He asked with that smug on his face.

Nagkibit-balikat naman ako.

"I think I can manage," sagot ko rito sabay pakita noong infamous smile ni Kira.

Medyo kinabahan pa ako nang kumunot ang noo nito at baka bigla na lang siyang umatras. But for a month now of practicing together, I'm pretty confident he's the type who wouldn't back down from a bet; especially if it has got something to do with guns. Kaya laking ginhawa nang makita ko ang pagbabalik ng maangas nitong ekspresyon sa mukha.

"Not my loss," sabi pa nito bago tinawag ang isang staff para ihanda ang aming gagamitin.

Hindi aabot sa sampung minuto, nakahanda na ang lahat sa dalawang lamesang sinadyang ipagtabi. Kakasuot ko lang ng aking eye-protector nang aking mapansin ang paglapit ni Kyo sa kanyang station. Agad ko namang isinukbit sa aking leeg ang earmuffs at saka sumunod sa kanya.

"Having second thoughts?" Mapanuya pa nitong tanong.

Panandalian kong pinagmasdan ang mga nakahilirang bahagi ng baril as I mentally counted them. Sinadya talagang tanggalan ng mga bala ang magasin bilang bahagi ng challenge sa pag-a-assemble. Matapos noon, ang target naman ang mabilis kong sinulyapan bago ko siya hinarap at saka umiling nang may malaking ngisi sa mukha.

"Not really. Are you?" Panunuya ko rin ditong agad namang sumimangot sa naging sagot ko.

"Well then... I'm looking forward to slaving you for a year," huli nitong sabi bago kami nilapitan ng isang trainor.

Kaagad kong inayos ang aking earmuffs at saka pumwesto. Pansin kong nakatanaw na rin si Kyo sa gawi ng trainor. Paulit-ulit ang paglalaro ng mga daliri nito habang nakaantabay kung kailan hihipan ng trainor ang pito nito bilang hudyat ng aming pagsisimula. Nang ibaling nito ang paningin sa akin, agad na sumilay ang isang mapang-asar na ngisi sa kanyang labi tila kampanteng isang napakadaling panalo ito sa kanya.

Iniwas ko na lang ang aking paningin dito at itinuon iyon sa nakatanaw na trainor na tila handa ng patunugin ang kanyang pito. Ramdam ko agad ang pag-usbong ng kaba sa aking dibdib na mabilis kong isinantabi. I don't need the nerves right now. I need to win.

Ipinikit ko ang aking mga mata at saka huminga nang malalim. Dahan-dahan ko iyong pinakawalan para huminahon ang aking puso. Habang ginagawa iyon, I made a quick assessment of the situation.

Kyo's skills are by far formidable kung ikukompara sa mag-iisa ko pang buwang kakayahan. I need to form a good strategy if I want to outwit him and win this game. Inalala ko ang lahat ng natutunan mula sa kanya at pati na rin iyong mga nabasa ko sa aking research. Somewhere in there, I may find a sure way to beat him. Pero higit sa lahat, kailangan kong maging kalma para magawa ang mga ito nang mabilis at mahusay.

Nang tumunog na sa wakas ang pito, agad kong iminulat ang aking mata at mabilis na ginalaw ang mga kamay. Mabilis kong kinuha iyong slide at agad na ipinasok doon ang barrel. Isinunod ko naman iyong bushing nito. Kinuha ko agad iyong recoil spring at guide nito at mabilis na ipinasok iyon sa slide.

Pagkatapos, dinampot ko na iyong receiver. Nagpapasalamat ako sa palaging pagpaparusa sa akin ni Kyo dahil mas tumibay at bumilis na ngayon ang aking mga daliri. Kaya naman, kung dati ay nahihirapan ako, ngayon ay madali ko na lang na naa-align iyong slide sa receiver ng baril.

Mabilis ko namang isinunod ang paglalagay ng recoil spring plug. Nang matapos iyon, binuksan ko agad iyong slide bago dumampot ng isang bala at walang pagdadalawang isip na ipinasok doon. Ramdam ko ang pagtitig ng aking kaharap pero binalewala ko lang iyon habang nire-release iyong lock.

Matapos noon ay agad akong humarap sa target at walang pag-aalinlangang kinalabit ang gatilyo.

"What the fu—"

Doon lang ako muling tumingin sa aking katunggali. Nanlalaki ang mga mata nitong nakatuon sa unahan habang nakasabit sa ere ang kamay na may hawak na magazine at akma na sanang ipapasok sa baril. Ilang saglit pa ay padabog nitong ibinagsak ang mga hawak bago ako hinarap.

"You cheated!" Pag-aakusa nito, "You took your shot kahit hindi pa tapos ang pag-a-assemble mo! That was clearly against the rules!"

"No, it wasn't," I confidently said as I basked on his bitter expression, "Ang sabi sa rules, ang sinumang unang makatama sa mata ng target ang siyang mananalo," eksakto naman ang pagdating ng target ko sa tulong ng automatic na mechanism dito.

I took it and showed the paper to the appointed judge. He nervously took the target from my hand and carefully examined it. Mabibigat at mabibilis naman ang pinapakawalang hininga ng aking kaharap na tila ay ilang segundo na lang ay puputok na ito sa sobrang galit habang hinihintay ang hatol ng kanyang tauhan.

"I-it's a bull's eye, Master Kyo," pagkukumpirma nito sa kanya.

Galit nitong ibinaling ang paningin sa nagsalita bago marahas na kinuha iyong papel. Nakuha pa nitong panlisikan ako ng mata at saka lang tinignan ang hawak. Nang makita na nito iyong butas sa gitna ng target, hindi ko na pinigilan pa ang pagkawala ng isang malaking ngisi sa aking mukha. Ramdam ko ang paghataw ng magkahalong kaba, tuwa at excitement sa aking dibdib sa mga posible pang malaman tungkol sa Emperors... tungkol kay Rekka.

Filled with renewed confidence, inayos ko ang aking tindig at saka taas-noo siyang tinitigan.

"I won."

Continue Reading

You'll Also Like

7.8M 248K 70
ʚ PUBLISHED UNDER PSICOM ɞ ʚ Wattys 2016 Winner: Writer's Debut ɞ Crewd Academy, a mystifying school where Selendria had innumerable questions on her...
1.4M 59.8K 45
[SELF-PUBLISHED] GALAXIAS SERIES # 1: CAMP LUNATICUS - "Hogar de los Valientes" Dauntless Academy, one of the four top schools of Kingdom Galaxias, i...
606K 16.3K 29
He doesn't have a heart. A literal heart. Not until one day... fate started doing experiment in their lives. Magic, spells, charms, and wizardry - wi...
681K 41.5K 51
A world where magic is everything. A world where anything is possible. A world where any creatures exists. And a world without the greatest witch of...