"NABASA KO NA YAN"

By mgahangal

70.5K 1.1K 584

(Isang nakakaaliw at kakaibang story description na magiging dahilan upang mahikayat ka at hindi mapigilan na... More

"NABASA KO NA YAN"
Chapter 1: The Development of Accounting Profession
Chapter 2: MANOK
Chapter 3: Arrozcaldo ni Karen
Chapter 4: Nobody
Chapter 5: AUTOLOADMAX
Chapter 6: Unlimited
Chapter 7: Cinderella
Chapter 8: Remembering Sunday
Chapter 9: ILONG
Chapter 10: Love Story
Chapter 11: Sudoku
Chapter 12: Pinky Promise
Chapter 13: Hatred
Chapter 14: Karne
Chapter 15: The Sims
Chapter 16 part 1: The Party
Chapter 16 part 2: The Overnight
NABASA KO NA YAN: CHRISTMAS EDITION
Chapter 18: Langgam
Chapter 19: Some Things are better left unsaid.
Chapter 20: Hey, Mr. Cool Cool
Chapter 21: Invisible Ties
Chapter 22: Good Luck
Chapter 23: Love Pollution
Chapter 24: Please Don't Go
Chapter Undefined: Gidaba eskerembojo

Chapter 17: Not Bad

1.4K 15 6
By mgahangal

Note: http://www.facebook.com/mgahangal pa like. LOL

Point of view of Lucy

===========================================================

I feel very loved!! :))

Napakasaya ng birthday ko kasi kumpleto lahat ng nawish ko for my birthday. I've got many gifts, many friends and many money! LOL. Yung iba ko kasing tita at tito cash ang binigay kasi wala na silang time para makabili ng gift para sa akin. But that's okay. Ang mahalaga, it turned out to be the most wonderful evening for me!

Dumating yung mga highschool friends ko pati yung mga college friends ko. Pero hindi dumating yung bestfriend ko, i mean, yung ex-bestfriend ko..

Well nevermind that! Masaya ako ngayon at kailangan kong imaintain yun hanggang sa matapos ang araw na ito.

Nasa terrace ako ngayon ng venue ng debut ko. Umalis na yung karamihan ng mga friends ko at natira yung mga relatives ko. Mag-isa lang ako dito, nagmumuni-muni at inaalala yung mga nagyari kanina...

then naalala ko yung nangyari dito kanina....

"Ayoko lang kasing makitang malungkot yung mga taong espesyal sa akin."

Napangiti ako, at nagmumukha akong timang dito. Hahaha! Pero nagulat ako sa sinabi niya, at natawa. Kailan pa ako naging espesyal sa kanya? Hawak hawak ko yung snow globe sa kamay ko, and I just can't help but smile.....

====================================================

WHOAH?!!! ANG LAKI NG BAHAY NILA REYNALDO!!!! GRABE.

Para siyang mansion tapos maraming nakasabit ng decoration kasi malapit na magchristmas. Malapit lang pala yung bahay nila doon sa venue kaya naman pala nagvolunteer siya na dito kami magovernight. 

"Grabe ang laki pala ng bahay ni Reynaldo." sabi ni Raul.

"Oo nga, siyempre malaki din kwarto niyan. Hahaha." sabi ni Scott.

"At maraming pagkain!" sabi naman ni Bruce.

Dumiretso kami sa kwarto ni Reynaldo, hindi nga nagkamali si Scott, ang laki nga ng kwarto niya! At hindi ko akalaing ganito kalinis yung kwarto niya.. kasi mahilig siyang mangulangot.

"Pasensya na hindi ko sinabi na ganito yung status namin.." sabi ni Reynaldo.

"Ano ka ba, ayos lang yun, ang bait nga ng magulang mo eh!" sabi ni Karson.

"Pambawi nila ito sa akin." sabi ni Reynaldo.

"Pambawi? Di ko gets." sabi ko.

"Uhh, kasi ambassador si papa sa Canada tapos si mama naman secretary. So palagi silang nandoon. Kaya ngayong Christmas, bumabawi sila sa akin." sabi niya.

"Anggaling naman, pero dapat pumasok ka sa mga schools like yung international school kasi kaya niyo naman." sabi ni Bruce.

"Ayoko, tsaka ang totoo talaga malinis ako sa mga bagay-bagay. Hindi ako mahilig mangulangot. Yung lang naisip ko para hindi ako magmukhang mayaman. Sorry guys." sabi niya.

"HAHAHAHAHAHAHAHA!" nagtawanan lang kami.

Anung gusto niyo magdramahan kaming mga lalaki? Masaya lang kami kasi naging totoo na si Reynaldo sa sarili niya.

Pumasok yung mama ni Reynaldo, ang sabi, "Nagugutom ba kayo mga iho?"

"Hindi naman po, okay lang kami." sabi namin.

"Okay lang kami mommy." sabi ni Reynaldo.

"Oh sige anak, aalis na kami ng daddy mo, babalik kami sa 24. Take care of yourself!" sabi ng mama niya.

"Grabe, aalis nanaman sila?" sabi ni Casio.

"Oo, masyado talaga silang busy and I understand that." sabi niya.

"Tama na nga yan, may gagawin pa tayo diba? Hahaha." sabi ni Karson.

Oo tama may gagawin pa nga pala kami! Hahaha. May pustahan kasi kaming nakaset ngayon. Pinsan ni Reynaldo at yung mga kaibigan niya yung makakalaban namin. Anung laban? Edi sa dota. Duh. Gusto mo tetris battle na lang?

Pero ang problema, we never expected na ganito kalate matatapos ang debut ni Lucy. May pasok pa bukas yung mga kalaban namin kaya naman umuwi na sila. Hating gabi na kasi at dapat natutulog na kami ngayon..

PERO HINDI KAMI SUSUKO. ANDYAN NAMAN SI RAUL EH. HAHAHA.

Tama, si Raul ang isa sa pinakadalubhasa sa pakikipagpustahan. Kahit sino tinatanong niya ng pustahan.Hindi naman kami natatakot makipagpustahan kasi hindi naman kami yung tipong naglalaro para mawala ang boredom. Sumasali kami sa mga tourney at dahil doon at simula nung natalo kami ng mga bata, mas lalo pa kaming nagpractice.

Akala niyo na bad influence ang Dota? Sa perspective ng iba, bad influnce daw.

Sa paningin lang nila yun, and we don't care. Haha!

Dalawa lang naman ang tao sa mundo, yung mga t*nga and yung mga hindi.

 Ang mga t*nga ay yung mga nakikipag-away o nakikipagdebate tungkol sa Dota.

Bakit pa kailangan makipagtalo kung tiwala ka naman sa sarili mo na hindi magiging bad influence ang dota sa'yo? Nasa sarili mo lang naman yun. Either magpaapekto ka o hindi.

At sa mga tao na kinocompare ang Dota sa GF at gumagawa pa ng kanta, MAS MAHALAGA PA DIN ANG GF SA DOTA. PERIOD.

Bakit pa kasi kailngan papiliin? Eh obvious naman yung sagot?

nuff said, at alam niyo naman na nasa positve side ako ng Dota and that is what's important.

You made a choice..

at pinanindigan mo. :))

Lumabas na kami sa bahay nila Reynlado, siguro mga 1:00 am yun. Nakaboxers lang kami habang naglalakad. Marami kaming nakikitang mga bata sa labas. Mga tambay, biruin niyo, madaling araw na mayroon pa din gising katulad namin? Hahaha. Mga maluluwag na damit, nakasuot ng sumbrero nang patalikod, may hawak na pellet gun at tinututok sa lahat ng dumadaan.

Hindi naman kami natatakot kasi kilala lahat yan ni Reynaldo, sa katunayan, parang ginagalang pa siya ng mga ito. Mukhang malaki ang utang na loob nila kay Reynaldo. Hmmmm..

Ilang minuto din na lakaran bago kami makarating doon sa pinakamagandang computer shop sa lugar nila Reynaldo. Dito kami maghahanap ng makakapustahan. Kaya naman umupo na kami at nagsimula ng maghanap si Raul ng mkakapustahan.

"Kuya, pwede ba kayong makapustahan ng 5v5?"

Paulit-ulit na sinasabi ni Raul kasama si Casio. Yung mga natira naglalaro lang naman sa facebook. Oo nga pala, dahil sobra kami, lima lang yung pwede maglaro sa amin. Eto ang aming roster:

langgam

langgam

langgam

langgam

langgam

limang langgam. yup pare pareho kami ng pangalan . strategy yun para malito yung mga kalaban. at yung limang langgam ay....

-Ako

-Casio

-Karson

-Raul

-Bruce

Kaming lima yung napagdesisyonang main players. Siyempre yung iba, magiging sub kapag wala yung isa. Kumpleto naman kami ngayon at mukhang maayos naman kaming lahat.

Pagkatapos ng mahabang paghahanap, nakahanap din kami! YEHEY! Hahahaha. Nakita ko na yung mga makaklaban namin, bakit parang ang tatanda na nila? Mas marami sila sa amin. Pero siyempre lima pa din kakalabanin namin.

Mabilis kaming nagstart. Nag coint toss at kami yung nanalo. Kami yung pumili kung saang side kami. Kinakabahan pa ako, grabe hindi ko alam kung anong mangyayari. May doubt pa din ako kung kaya namin toh.

Nagsimula yung game nang favor sa amin. Nakalamang kami kaagad, pero nung kalagitnaan, nahirapan naging pantay yung laban. Madalas pa akong namamatay. Pero dahil sa aming pagiging langgam..... PANALO KAMI! HAHAHAHA.

At dahil pustahan ito... may profit kami siyempre. Hahaha.

Tapos may biglang lumapit sa amin..

"Kuya, pwedeng bumanse?"

ang ibig sabihin ni kuya ay rematch. ngunit iisa lang ang nasa isip naming lahat..

ANG ITAKBO ANG PANALO. HAHAHA.

"Sorry kuya may pasok pa kami bukas eh." sabi ni Casio.

"Sige na kuya isa na lang." sabi nung lalake.

"Aw, alastress na pala, sensya talaga kuya." sabi ni Karson.

"Tara na, baka mapuyat pa tayo." sabi ko.

......at sabay-sabay kaming tumayo sa upuan at umalis sa computer shop.

MISSION SUCCESSFUL. LOL.

 Dumiretso na kami papunta sa bahay nila Reynaldo. Nadaanan nanaman namin yung mga tambay sa kalye. At ipinamalita namin na panalo kami. Haha. Yung hati ni Reynaldo pinamigay lang niya sa kanila..

"Bakit binigay mo lang sa kanila?" tanong ko.

"Kasi parang mga kapatid ko na sila, tsaka Christmas naman eh!" sabi ni Reynaldo.

"Hmmm, iba ka talaga. Hahaha."

Nung nakapasok na kami sa bahay, feel at home na feel at home kami. Hahaha! Ang saya-saya namin at hanggang ngayon ay pinaguusapan pa din namin yung panalo namin. Grabe noh? Si Raul ang kanina pang nagtutuloy ng usapan, dapat kanina pa kami ngchange topic eh. Hahaha.

Then, naagsalita si Karson.

"Okay mga langgam. Siguro naman alam niyo yung purpose ng overnight na'to. Eto ay para makapagshare tayo sa isa't isa at hindi makita ng mga taong magdramahan."

"Okay ako na mauuna." sabi ni Casio.

"Ano sa tingin ninyo ang dapat kong gawin para magkagirlfriend na ko?" dagdag niya.

"Maghanap ka ng babae dre. Kapag nahanp mo na, susuportahan ka lang namin. Tapos." sabi ni Bruce.

"Amp naman, yung maayos naman. Haha." sabi ko.

"Eh ano ba gusto mong pag-usapan natin?" tanong ni Jejomar.

"Kung, may time machine... sa anong time mo gustong pumunta at bakit?" tanong ko sa kanila.

"Ako, gusto ko sa pagkabata ko pa, para pinili kong mag-aral sa public kaysa sa private." sabi ni Scott.

"Ha? Bakit naman?" tanong ko.

"Madami kasing nambully sa akin dun sa dating kong school, lagi na lang pumupunta si mama sa school para magreklamo. Kaya naman tinawag nila kaong mama's boy. Kung naging matapang lang sana ako, hindi mangyayari yun. Hindi magiging over protective yung mama ko sa akin. Hindi niya ako ittreat na mahina. Akala niya mahina pa din ako ngayon..."

"Grabe dre, ang lalim ng pinaghuhugutan mo ah. Pero bakit mo pa kailangan bumalik sa panahon na yun, kung ngayon naman pwede mong ipakita sa mama mo na kaya mo na ang sarili mo?" sabi ni Bruce.

"Kasi yun talaga yung pinagsisisihan ko hanggang ngayon.."

"Sinisisi mo yung magulang mo kasi doon ka nila pinasok?" sabi ni Reynaldo.

"Eh.. ewan ko ba.."

"Nako dre.. gusto mo icompare ko pa yan sa tae?" sabi ko.

"YAN, sige sige." sabi nila.

"Osige eto,

sa lahat ng oras, panahon, taon, blah blah blah.. wala naman talagang fate. walang destiny. but we have our purpose here on earth. naniniwala ako kay God. At naniniwala ako sa miracle. Naniniwala din ako sa coincidence.Kung hindi ka man naniniwala kay God, I respect it.

Nung bata ka pa, tumatae ka kahit saan..

Kaya naman nilagyan ka ng diapers para sa ihi at tae mo...

Hindi alam ng magulang mo kung kailan ka iihi o tatae,

pero andyan sila palagi para palitan ang diaper mo. (maraming space para magmukhang mahaba yung chapter technique!!)

Kung nangyari sa akin yung nangyari kay scott nung bata ako, ganoon din ang gagawin ng mama ko. Ganoon din ang pagdadaanan ko. Ang magkakaiba lang ang perspective namin sa buhay. Ang aming mga values at principles. Pauilit-ulit ko naman sinasabi diba mga dre? Past is past and no one can't change it.

Kaya Scott, huwag mo nang pagsisihan yun. You have to move on kahit papano, tutulungan ka naman namin eh." sabi ko.

"Teka, parang feeling ko, plinano niyo toh? Hahaha." sabi ni Scott.

"Hahaha. Eto lang ang chance natin para maimprove pa sarili natin. Kasi kinabukasan, magigising tayo na parang walang nangyari." sabi ni Bruce.

"Yun oh, si master Bruce. Gusto mo ikaw na sumunod na magshare?" sabi ko.

At nagpatuloy pa ang aming "open forum." Kahit na matagal mo ng kasama ang isang tao, hindi mo naman siya makikilala ng simpleng observation lang. Dapat kinakausap mo din.

Pinagusapan namin ang mga babae sa classroom. Ang Dota.  Mga anime. Si Willie. Si Flavio. Ang mga ultimate source ng mga sagot kapag test. Ang mga plastic sa room. Pero mainly mga babae talaga pinag-uusapan namin. Hindi ko alam, pero masaya ako ngayon. Wala kaming tinatago sa isa't isa.

YEAH. NAGIGING MADRAMA NA ANG MGA PANGYAYARI KAYA NAMAN MAGLAAN TAYO ISANG MINUTO AT ISIPIN SI WILLIE.

.

.

.

.

Okay ba? Teka baka nainis ka pa. Wag naman. Nagpapasaya lang si Willie eh. Malay mo ba kung sinong Willie sinasabi ko.

Hindi matatapos ang overnight ng hindi nagffacebook.

At siyempre may trip kami. Maghahanap kami ng random friend at magwwall post ng kahit anong matype sa keyboard. Siyempre kung may kagalit yung isa ko kabarkada, yun yung iwwall post namin. Kapag hindi pa kami nakuntento, ililike pa yung mga photos niya para masaya. SIYEMPRE WALANG KJ. HAHAHA. Iniiwasan din namin na maoffend yung pinagttripan namin, pero pilyo kaming bata kaya come what may! ROFLMAO.

At nung turn ko na, hinanap nila agad yung profile ni Lucy at nagwall post.

"sfjiehgwnvi... matagal ko ng tinatago to."

o diba? wala akong magawa niya. badtrip.

tapos tawa pa sila ng tawa. sinong hindi mababadtrip dun diba? HAHAHA.

pero may hindi kami inaasahan na mangyari.

may nagcomment sa wall post ko.

.

Flavio Lacock: sino ka?

.

huh? sino ba siya? ewan ko. at nagtawanan na lang kami. HAHAHAHA.

SINO NGA BA SI FLAVIO?

Continue Reading

You'll Also Like

83.5K 2.3K 30
| This story is dedicated to those who have been bullied and have broken confidence. | Juliana Pamintuan is just an ordinary girl who's studying at N...
79K 5.1K 14
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
15.1K 319 6
My first story Nerd Mahirap Bobo Tanga Yun yung akala nila saakin pero nag kakamali sila dahil di pa nila ako kilala.... Msm Malalaman mo ang sagot...
2.8M 53.4K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...