Isang segundo (Completed)

By CheckYesImJuliet

2.8K 72 50

It takes a second to like someone, but it takes forever to say goodbye. More

PROLOGUE
00:02
00:03
00:04
00:05
00:06
00:07
00:08
00:09
00:10
00:11
00:12
00:13
EPILOGUE

00:00:13

421 9 7
By CheckYesImJuliet

MAGKAKAKONEKTA ANG MGA KALULUWA NG TAO. Sabi ni Nicholas Sparks, iyon ang dahilan kung bakit sobrang sakit ng bawat paghihiwalay. Sabi niya, baka libong taon na kaming nabuhay bago ang buhay na ito, at maaaring pinaghihiwalay nila kami dahil sa iisang rason. Kaya kung libong beses na kaming nagpaalam sa isa't isa, maaaring magkita kami ulit. Kaya umaasa ako na ang paghihiwalay na ito ay susundan nang muli naming pagkikita.

Kurt Russel Sosa ang pangalang ibinigay sa akin ng tatay ko. Nakagawian niya na iyon... ang gawin ang mga bagay-bagay para sa akin.

Kurt ang palayaw ko. Nasa unang taon pa lang ako ng kolehiyo at kasalukuyang miyembro ng varsity sa University basketball team.

Ito ang una at huling taon na rin na mag-aaral ako dito. Kung kaya't ine-enjoy at sinusulit ko na 'yung mga nalalabi kong oras at panahon dito. Nilalaro-laro ko na nga lang ang pag-aaral, dahil alam kong hindi ko na iyon magagawa sa oras na dalhin na ako ni daddy sa larangan na siya lang ang may gusto para sa akin.

Isa akong 18-year-old na lalaking mahilig sa basketball. Bukod sa pag-aaral at sa barkada, iyon lang ang pinagkaka-abalahan ko ngayon. Sa totoo lang, iyon na lang ang ipinapasok ko araw-araw. Hindi na ako masyadong nagpupursigi sa pag-aaral, tutal hindi ko naman kailangang alalahanin ang kinabukasan ko... Dahil pinlantsa na iyon ng tatay ko, sa paraang siya lang ang nag-plano para sa akin.

Kung titignan ako, para lang akong normal na college student. Pero sa totoo lang... sobrang malayo ako sa normal na estudyante o normal na kabataan. Kahit gustuhin kong maging normal, hindi pupuwede.

Hindi rin ako na-link sa kahit na sinong babae. Hindi rin naman kasi ako sumubok pumasok sa kahit na anong relasyon. Hindi na ako nakiki-uso sa lovelife-lovelife na iyan, dahil ang mga katulad ko ay walang karapatan pagdating sa bagay na iyan. Kahit may magustuhan ako, hindi pa rin uubra. Sigurado naman kasi ako na darating ang araw na ipagkakasundo ako ng tatay ko sa isang babaeng ni hindi ko kilala. Isang babae na siya lang din ang may gusto para sa akin. Kulang na lang, siya na mismo ang ikasal sa babaeng iyon, para sa akin.

Siguro iniisip ng tao na masyado nang moderno ang panahon at mundo para sa mga pagkakasundo-sundo, kasal-kasal... Pero hanggang ngayon may mga nabibiktima pa rin ng sistemang iyon.

Hindi na ako magpapaka-hipokrito pa. Oo, may itsura ako. Kung idadagdag pa ang pagiging varsity member ko, natural lang na makilala ako sa iskwelahan namin... Lalo na sa mga babae. Pasensya na lang sila dahil hindi ko talaga binibigyan ng pansin at oras ang mga bagay tulad ng 'pag-ibig.'

Siguro, awtomatiko nang tinanggal ng utak ko 'yung ideya na iyon dahil sa kawalan ko ng karapatan para doon. Siguro paraan na rin iyon ng utak ko, para protektahan ang puso ko mula sa sakit na puwede kong maramdaman.

Kahit 'yung mga tinatawag nilang fling-fling lang? 'Wag na! Sayang lang ang oras ko sa kanila. Sanay naman na akong wala iyon. Hindi ko ikamamatay, hindi ako matitigang. Kuntento na ako sa ganito. Bibilang na nga lang ang oras na mayroon ako, sasayangin ko pa ba sa kanila?

Napagkakamalan na nga akong bakla dahil dito, pero kiber ko naman sa mga hanash nila? Nawalan na lang talaga ako ng pakialam.

Wala eh... sa dinami-rami ng puwedeng maging tatay ko, bakit ba si John Kennedy Sosa Jr., pa ang napunta sa akin? Kung minamas ka nga naman talaga.

May-ari siya ng isang matagumpay na hotel company dito sa Pilipinas at sa iba pang bansa sa Asya. Masyado siyang makapangyarihan, kaya wala akong laban sa kanya. Tinamad na lang din akong magrebelde, kasi alam ko namang wala rin akong magagawa sa huli. Wala rin naman akong maayos na dahilan para gawin iyon, kaya siguro ako walang gana.

Itong pagpili sa unibersidad na pinapasukan ko ngayon, ang pinakahuling bagay na magagawa ko dahil sa sarili kong kagustuhan. Nangako siyang hindi ako pakikialaman sa buong taon na ito, kapalit nang pagsunod ko sa lahat ng gusto niya pagkatapos nito.

Hindi ako puwedeng magkagusto sa kahit sinong babae lang... Alam ko naman na mahihirapan lang ang taong iyon 'pag nagkataon. Hindi na ako nagbabalak na pumasok sa kahit anong relasyon, may dumating man na pagkakataon o wala... Dahil oras na matapos ang school year na ito, siguradong hindi ko na maaasikaso pa ang aspetong iyon ng buhay ko. Paniguradong tututukan ako ni daddy, bilang nag-iisa niyang tagapagmana. Hindi niya rin naman papayagan na magkaroon ako ng karelasyon na kung sino-sino lang.

Oo, nakakasakal. Pakiramdam ko, hindi ako makahinga. Wala akong kalayaan... walang fun. Pero ayos lang iyon sa akin. Tanggap ko nang hindi magiging kagaya sa iba ang buhay ko. Tanggap ko nang hindi ako magiging kasing normal katulad ng ibang ka-edaran ko, pati ng mga kaibigan ko. At ayos lang sa akin iyon. Tanggap ko na sana ang ganoon...

Kung hindi ko lang nakilala ang babaeng iyon. Tanggap ko na sana ang lahat, kung hindi lang siya dumating... para iparamdam sa akin kung paano talaga mabuhay.

Ang kaso... nakilala ko siya.

Isang taon na rin mula nun. Nung mapatunayan kong tama nga ang sinasabi nila... na ang pag-ibig, hindi hinahanap, hindi hinihintay. Darating na lang ito sa panahon na hindi mo inaasahan.

At hindi inaasahang pagkakataon, ang babae'ng iyon... bigla-bigla na lang dumating sa buhay ko nung araw na iyon.

-

WITH MATCHING NGINIG pa ako habang umiihi, nung bigla na lang bumukas 'yung cabinet sa gilid ng dulong cubicle. At mula doon may lumabas na isang babaeng gumagapang, habang natatakpan ng buhok ang mukha.

Nanlaki ang mata ko, pero hindi ako nakasigaw. Biglang nagtama ang tingin namin nung bahagya niyang hinawi 'yung buhok niya. At ang tingin niyang iyon ay bumaba... Bumaba sa...

Agad-agad kong itinago ang patutoy ko, saka isinara ang zipper ng pantalon ko.

"Naka-lock 'yung pinto sa kabila" sabi niya nung makatayo na siya saka lumabas ng CR na parang walang nangyari.

Wala naman sa isip na napasilip ako doon sa cabinet na nilabasan niya, at nakita ang CR ng babae. Mabuti na lang at walang tao, kung hindi baka napagkalaman pa akong namboboso..

Para akong na-Chronicles of Narnia. O mas tama bang sabihin na Chronicles of Sadako?

Pero teka, wala man lang bang "Ay sorry!" O kaya naman, "Hala, hindi ko sinasadya, pogi!"

Ano, ganoon-ganoon na lang iyon? Iyon na 'yun?! Matapos niyang makita 'yung... 'yung... 'yung ano ko?! Hindi man lang ba siya hihingi ng tawad sa junior ko?!

Tumakbo ako palabas para habulin 'yung manyak na babae, at suwerte namang naabutan ko siyang naglalakad lang.

"Hey! Sadako!" sigaw ko sa kanya pero hindi niya ko nililingon at patuloy lang siya sa paglalakad. Wala naman masyadong tao sa paligid, kaya hindi ako nahihiyang sumigaw. "Hey! Oy ikaw- Manyak!"

Noon lang siya huminto at lumingon sa akin, kaya naman napahinto rin ako sa pagsunod sa kanya.

Ang. Ganda. Niya. Pala.

Wala sa isip na napalunok ako nung makita 'yung poker na expression sa mukha niya.

"Na-nakita mo ba... 'Yu-yung ano... Um. Did you see anything?"

ANG TANGA!

Oo, ang tanga ko sa parteng iyon. Napatikhim na lang ako nung mapagtanto kong ang tanga-tanga nung tanong na lumabas sa bibig ko. Nakakahiya. Anong katangahan iyon, Kurt? Anong klaseng tanong iyon...

'May nakita ka ba?' Juice ko, nakakawala ng pogi points 'yung katangahan na iyon. Ano ba, Kurt! Ang tanga-tanga.

Napatingin ako nung sarkastiko siyang tumawa. Pero mas nakakatanga pa 'yung isinagot niya sa akin, "Ano naman kung nakita ko nga?"

Pagkasabi nun, tinalikuran niya lang agad ako. Naiwan akong nakakunot lang ang noo.

Nakakainis. Ang manyak niya na nga, ang taray pa. Aba, wala pang ibang babae na nakakita nito, bukod sa nanay ko! Anong karapatan niyang makita ito? Badtrip talaga!

"Hoy babaeng walang manners!"

Lumingon siya ulit, "Ano na naman bang problema mo? 'Wag mo ngang sayangin ang oras ko!"

Talaga namang oras niya pa ang nasasayang...

"Hindi ka man lang ba mags-sorry sa akin ha?"

"Hah! Over your dead body!" sarkastiko niyang sagot. "Wala sa bokabularyo ko ang salitang 'yon. Palitan mo ng 'sorry' ang pangalan mo kung gusto mong tawagin kitang ganun!" inirapan niya na naman ako. "And as if naman may makikita ako sa'yo... eh bading ka naman!"

"Ano!? Anong sabi mo!? Hoy! Pinagtitripan mo ba ko ha?!" sigaw ko pa, pero hindi niya na ako pinansin. Ininsulto niya pa ang anaconda ko!!! Matapos niyang hamakin 'yung ano ko, hindi man lang siya humingi ng tawad at dere-deretso nang umalis. At sinabihan niya pa akong- bading?! Sino, ako?!

Wow... sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nabadtrip ng ganito. May mas papangit pa ba sa araw ko?

-

IYON ANG ARAW kung kailan ko siya unang nakilala. Well, hindi ko pa talaga siya kilala noon. Naisip ko noon na bago lang siya, at hindi niya ako ganoong kilala. Marami man kasing tao sa University, at imposibleng makabisa ko silang lahat... alam ko na bago lang siya. Nun ko lang siya nakita, ni hindi ko nga naitanong ang pangalan niya-

Bakit ko naman itatanong ang pangalan niya, in the first place? Besides, hindi niya ako kilala kaya paniguradong bagong salta lang siya.

Ayoko na sanang makita pa siya ulit dahil naiinis lang ako sa tuwing maiisip ko na nakita niya 'yung... 'yung ano... basta iyon nga! Siya na nga kasi itong nakakita, siya pa 'yung may lakas ng loob na insultuhin 'yung nakita niya. At bakit kasi sa dinami-rami ng ng taong puwedeng mabosohan nung babae na iyon, bakit ba nagkataon na ako pa?!

Kaya nga, humiling ako sa mga ninuno ko, na huwag ko na sanang makita 'yung babae na iyon. Kaya lang wala yatang signal at mukhang hindi na-send, dahil nakita ko pa rin siya. Sa ayaw, at ayaw ko talaga, nakita ko pa rin siya.

"Aaaaaaaaaaaaaaaah-" napasigaw ako nung kukuha sana ako ng bola sa cabinet, pero my humila sa akin na kamukha ni Sadako.

"Sssssshhhhh!" sabi nung Sadako na tumakip sa bibig ko at humila sa akin papasok ng cabinet. Tinanggal ko 'yung kamay niya sa bibig ko nung medyo matiwasay na kami sa loob ng cabinet.

"Ano bang-"

"Sssh!!!" tinakpan niya ulit 'yung bibig ko, pero tinaboy ko na naman 'yung kamay niya. Hobby niya bang magtago sa loob ng cabinet? Seryoso ba siyang nagaala-Chronicles of Sadako?

Magsasalita na naman sana ako, kung hindi ko lang narinig na may mga tao sa labas.

"Nasaan na ba 'yung babae na 'yun, tol?"

"Aba ewan ko! Nakita ko siyang pumasok dito eh!"

Tahimik lang ako habang sinisikap na maging stable ang puwesto sa loob ng cabinet, kahit pa hindi ko alam ang dahilan kung bakit ako nagtatago kasama siya. Siya, ayun parang baliw na nakasilip sa konting uwang sa gilid nung pinto ng cabinet.

"Oh, nakikita mo ba siya dito? 'Di ba wala nga!"

"Nakita ko talaga na dito siya pumasok eh. Ano 'yun multo?"

Ano na naman kaya ang ginawa niya at hina-hunting siya nung mga lalaki na nasa labas ng cabinet.

"Paano siyang magiging multo, eh nabayagan niya nga ako?!"

Nanlaki ang mata ko nung marinig ko 'yung salitang iyon. Naaalala ko kasi si junior, at kung paano siyang ininsulto nung Sadako na ito. Pakiramdam ko na-trauma ako dahil sa ginawa niya. Awtomatiko na akong naaapektuhan kapag nakakarinig ng kahit anong salitang may kaugnayan sa junior.

"Tara hanapin natin sa labas!!!"

Nung maramdaman naming wala na 'yung mga lalaki sa labas, nagmadali kaming lumabas sa cabinet.

"Ano na naman bang ginawa mo? Sino 'yung mga 'yun-" Hindi ko pa man natatapos ang tanong ko, tuloy-tuloy na siyang lumabas, naglakad at umalis. Ganoon lang, na para bang wala na namang nangyari... katulad nung unang beses kaming magkita. Para bang wala lang talaga sa kanya na nadadawit niya ako sa mga kalokohan niya. Ayoko pa naman na nagugulo ang pang-araw-araw na routine ko. Ayos na sa akin 'yung tahimik kong nagagawa 'yung mga gusto kong gawin. Kailangan kong masulit ang lahat ng oras ko, hanggat kaya ko pa.

Pero... Akala ko naman, pagkakataon ko na iyon para makilala siya. Bakit kaya parang ang ilap niya? Tsaka, sandali... bakit parang ang bastos na naman niya? Bingi ba siya, hindi niya ba ako naririnig? Bulag ba siya, invisible ba ako, hindi niya ba ako nakikita? Kinakausap ko pa siya, tapos hindi niya ako papansinin? Pero bakit nga naman namin kailangang magkakilala, in the first place?

-

"Okay guys, thirty minutes water break! Bumalik kaagad kayo, kung ayaw niyong magkaroon tayo ng one-hour extension. Hoy, nakikinig ba kayo?"

"Yes coach!" sagot namin kay coach.

Ano kayang magandang palabas sa Sta. Mesa mamaya? Madalas akong nanonood ng mga mumurahing pelikula doon, sa tuwing maaga kaming natatapos sa training. Ang lakas kasing maka-old school sa feeling. Sino naman kasi ang maniniwalang may tig-bebente hanggang trenta pesos na pelikula pa ngayon.

"Chix naman kasi talaga dude..."

Naglalakad ako papuntang locker room nung marinig ko ang mga teammate ko na tila may pinagchi-chismisan na naman. Mga kalalaking tao, daig pa ang mga babae sa pagchi-chismisan. Paniguradong may pinag-uusapan na naman silang babae.

"Marami ngang nagsasabi, eh. Hot naman daw talaga" narinig kong sabi ni Vincent.

"Sino ba kasi? Patingin nga!" Saktong pagpasok ko sa locker room, nakita ko si Miko na inaagaw 'yung cellphone na pinagkakaguluhan nila.

"Hm, the rumors must be true" sabi naman nung may pagka-englishero naming miyembro, si Raymond. Nakakainis siya minsan, pero talagang sanayan na lang.

"Let me see" hirit naman ni Jerry na nakikigaya lang kay Raymond sa pagi-ingles. Sanayan na lang din.

"Ano sa tingin mo? Maganda 'di ba? Tsaka makinis, maputi... Mukha namang malinis" sabi ni Vincent kay Miko.

"Oo, maganda nga. Maganda nga siya. Kaso sayang lang 'no..." sagot ni Miko na ikinakunot ng noo ko. Para akong itinutulak ng kuryosidad ko para makisali sa chismisan nila.

"Eh s'yempre ganun talaga, sa hirap ng buhay ngayon... Wala ng choice 'yung iba kundi kumapit sa matalim...." seryosong sabi ni Jerry. Na medyo nakakapanibago, dahil hindi siya ganyan magsalita.

"Tss, siya nga iyon" mahinang sabi ni Vincent. "Siya nga 'yung babae'ng madalas nilang makita sa bar."

"Matalim naman 'tong akin ah? Bakit hindi na lang siya dito kumapit?" hirit ni Jerry. Sabi na nga ba, puro kalokohan at kababuyan lang ang natural na lalabas sa bibig nung kolokoy na ito, eh.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko, natural na akong nakisali sa pag-uusap nila.

"Hoy hoy hoy! Ano ba 'yang pinag-uusapan niyo na naman? Rinig na rinig kaya hanggang sa kabilang building 'yung pagchi-chismisan niyo" sabi ko habang papunta sa puwesto nila at pinipilit na maging normal kahit naiilang talaga ako. Sa isang mabilisang tingin, nakita kong retrato nga ng isang babae ang pinagkakaguluhan nila kanina pa. Ano pa bang nakapagtataka doon, puro kalokohan talaga 'yung mga ugok na 'to.

"Oh eto, si Kurt na ang huhusga!" sabi ni Vincent, habang pinapausog si Miko para makaupo ako sa bleacher.

"You should check this out, dude" sabi ni Raymond na siya nang may hawak sa cellphone.

Martilyo Girl of the Year

Iyon ang mga katagang nakasulat sa poster na nasa cellphone na hawak ni Raymond. Nanlaki ang mata ko at lumakas ang kabog ng dibdib ko nung makita ko 'yung mukha nung babae sa retrato... Si Sadako... Anong martilyo? Bakit tinatawag nilang martilyo si Sadako?

"A-ano 'to?" tanong ko sa kanila, habang tinititigan pa rin ang retrato. Gusto kong makasiguro kung siya nga ito, baka naman kasi namamalikmata lang ako. Baka naman kamukha niya lang 'yung babae sa retrato.

"Ay, hindi siya pamilyar sa'yo? Sikat kaya siya sa campus. Usap-usapan na nagtatrabaho 'yan sa isang bar diyan malapit sa Altura" paliwanag ni Jerry sa akin. "Bayarang babae daw, eh. Sayang nga 'no?"

"Tuwing gabi, maraming nakakakita sa kanya na labas-pasok doon sa bar na iyon" sabi naman ni Vincent. "Wala nga raw kaibigan 'yan kasi galit sa kanya lahat ng babae."

"What a waste" saad ni Raymond. "She's cute pa naman. Kaso mukhang gamit na ng iba. I don't use secondhand stuff, too bad."

Se-seryoso ba? Ba-bakit parang wala naman sa itsura niya? Mukha nga siyang anghel, eh. Kahit hindi pa ako nakakakita ng anghel, dahil hindi pa naman ako nakakadalaw sa kabilang buhay... Pakiramdam ko lang, ang angelic niya. Inosenteng-inosente 'yung mukha niya. Kung idi-disregard ko 'yung dalawang pagkakataon na nag-ala Sadako siya sa harap ko... Ganoong imahe 'yung makikita ko sa kanya.

Pero puwede rin naman, kung iisiping mabuti. Maaari naman na totoo nga. Kasi nung isang araw, sinilipan niya ako. Tapos 'yung mga lalaki sa gym, binayagan niya daw. Baka naman may ugali talaga siya. Baka may pagka-manyak lang talaga siya. Wala man sa itsura niya, baka nasa lahi nila, tapos namana niya.

"Don't tell me, interesado ka rin sa kanya?" tanong ni Vicente sa akin. "Naks. Naging lalaki na siya." Sunod-sunod naman silang nang-asar.

Ako na naman yata ang napili nilang pagtripan.

"Ganyan naman pala ang tipuhan ni Kurt, eh. Baka mahilig sa thrill!!!"

"Tigilan niyo nga ako" pigil ko sa sabay-sabay nilang pang-aalaska. "Hindi ako interesado sa babae na 'yan."

Ako, interesado? Sa Sadako na iyon? No way! Hindi sa ganoon... Kaya lang kasi, parang may pakiramdam ako na tumutulak sa akin para alamin kung ganoon nga siya. Hindi ko alam. Bakit pakiramdam ko dapat kong siguruhin kung ganoon nga talaga siyang klase ng babae.

Bakit?

Dahil sinilipan niya ako? Dahil isa ako sa mga nabiktima niya? May nalalaman pa siyang, sarado-sarado 'yung pinto sa kabila, iyon naman pala iba talaga ang motibo niya.

Sa oras na malaman ko na ganoon nga siya, idedemanda ko siya sa ginawa niya sa akin! Kung kinakailangan kong gumawa ng batas para lang maipakulong siya, gagawin ko.

"Hindi ba masyadong OA na 'yon?"

"Ang alin?" tanong ni Jerry sa akin.

Tsaka ko lang napagtantong nasabi ko pala ng malakas 'yung iniisip ko. Magpapalusot pa sana ako sa kanya pero narinig namin 'yung sigaw nina Miko na nauuna sa aming maglakad.

"Hoy dalian niyo!!! Anong oras na oh? Patay tayo kapag na-late tayo kahit isang minuto!"

"Baka ma-extend na naman 'yung training" sabi ni Jerry at nauna nang tumakbo. "Ikamamatay ko na 'yon, pre" sigaw pa niya.

Aabangan ko na lang siguro na magkaroon kami ng pagkakataon na magkita ulit. Hindi ako mage-effort para lang sa babae na iyon. Pansamantala na rin akong iiwas sa mga cabinet. Ano bang malay ko, baka bigla na lang sumulpot iyon. Ayoko nang madamay pa sa mga kalokohan niya.

Continue Reading

You'll Also Like

746K 26.1K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
26.8M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...