Catching Snowflakes

By charmseeker16

714 8 4

What will you do if one day you see and meet your kpop crush in person? What if he's not the guy you imagin... More

Catching Snowflakes
Chapter 2: Look at me now
Chapter 3: Say Hello

Chapter 1: Kamikaze

147 1 0
By charmseeker16

ONE | 1

Kamikaze shots. could make you drunk after... 5 shots or more? depends on your stamina. lols

masarap siya :)


 Let's set the mood for party. Shall we? HIGH HIGH by GD&TOP :>


---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hindi naman ako lasinggera pero ewan ko ba kung bakit ako napilit ni Yoori na uminom.

She's the one who recommended me to her boss na maging photographer para sa coffee-table book project ng fashion magazine nila. Kakapanalo ko lang kasi sa isang major photography contest sa states so medyo binabagyo ako ng projects ngayon.

At kahit na madami akong offers back in Manila, Inuna ko talaga to. Biruin mo, free plane tickets back and forth sa Seoul, free accommodation, and a six-digit salary $_$

Pero ang pinakang reason kung bakit talaga ako pumayag despite my fear of riding planes ay...

KPOP.

Seriously, I could meet some Kpop idols and asked them to sign my albums. Kung dati I could only see their photos on the net. This time I'll be the one taking it. Sounds fun right? They'll never know how much of a fan girl I am. Haay.

Five minutes after ako mabunggo nung sobrang rude guy sa airport dumating na din si Yoori, a dead ringer for Lee Hyori. She looks so chic with her cropped brown hair and gold sequined top. What do you expect sa isang associate editor ng isang fashion magazine? Ang taray lang.

Sorry nga pala siya ng sorry sa kin. Hindi daw niya inakala na matatagalan yung meeting nila. No big deal naman sa kin na nalate siya pero sa kanya oo, she keeps on insisting that she'll treat me out on a dinner as a sign of apology. Syempre, nung una ayoko kasi nakakahiya pero napagisip isip ko na aside from free food, pwede din ako makuha sa kanya ng tips sa pag gagala dito sa Seoul.

We had dinner sa isang small restaurant at Hongdae. The food was superb! It tasted different from the Korean dishes that I've tried back in Manila. Authentic talaga! The seafood bibimbap and the bulgogi are both heavenly na para na kong sasabog sa dami kong na-order at kinain. Yoori was laughing at me. Paano daw ako hindi tumataba eh ang takaw ko daw. Sabi ko nasa metabolism lang yan pero actually yung totoo lang, lagi akong nag pi-pilates every morning.

Pauwi na sana ako sa hotel pero humirit nanaman si Yoori. Try ko daw yung clubs dito sa Itaewon. Ayoko sana KASO napaisip nanaman ako. May probability na may makita akong Kpop idols...if I get lucky

Sheesh.

Puro chance meeting nanaman yung naiisip ko. Syempre I can't help but to be delusional. Now that I'm here at Korea, nothing is impossible. Andito na ko sa motherland of kpop ano pa ba uurungan ko diba?

So ayun...maling-mali yung pagsama ko kay Yoori. Alam ko kasi na hindi ko talaga kaya i-handle yung alcohol. Ako kasi yung tipo na inaalagaan pag nakakainom. Sabi ko nga sa sarili ko wag uminom. Mag cocktail drinks na lang ako tapos maging alert. KASO nanaman si Yoori hinila ako pataas ng VIP lounge.

Cool yung place. Makinang, madami rin foreigners like me, at madaming alak. Sobrang upbeat ng music. Electro pop-ish yung dating tapos nakakarinig din ako ng remixed kpop songs. Just like in Manila pero mas madaming LED lights and stuffs nga lang.

Makapag enjoy na nga!

Tomorrow afternoon pa naman yung meeting ko kaya if ever malasing ako eh okay lang kasi I could sleep the whole morning.

"Hanna-ah, I want you to meet my friends" Sabi sa kin ni Yoori. Wala pa siyang tama kahit nakakailang shots na yan. Iba talaga mga Koreans, Strong!

Tinuro niya sa kin yung friends niya na bigla na lang sumulpot sa tabi namin... o di ko lang talaga sila namalayan. Ngumiti sa kin yung babae na blond. Astig yung hitsura niya. She looks fierce and somehow familiar yung dalawa naman niyang katabi, ung isa naka shades. Sinong matinong tao ang mags-shades sa loob ng club? Yung isa naman naka mo-hawk. Ngumiti din siya sa kin.

And I smiled back to them.

Teka lang...

No way.

Syempre hindi sila to. Baka kamukha lang diba? Uminom ulit ako ng isa pang shot ng soju. Pampainit lang diba?

"Guys, meet my Filipino friend, Hanna. She'll be your official photographer for the project." Ngiti lang ako sa kanila.

"Sup?" yun lang sinabi ko para mukha naman akong astig.

"Oh my gosh. You're so cute!" sabi nung blond na babae kay Yoori. Tapos mukhang umagree yung dalawang kasama nila. Nagsalita sila in-korean. Di ko masyado maintindihan. Konti lang naman kasi alam ko. Yun lang mga napapanuod ko sa mga dramas at yung usual ng sinasabi nila yung alam ko.

"Call her unni, Chae-cat!" tapos sabay tingin sa kin. " Aigoo. I know right? She's damn cute." dagdag pa ni Yoori tapos tawa ng tawa pa. Nagulat yung Chae-cat. Tapos nag sorry sa kin.

"but Unni, She looks younger than me. I'm envious!"

"Doesn't matter." Sabi ko habang ni-raraise ko yung margarita. "I rather look bad ass like you. By the way, where did you buy those studded rings?" tinanong ko yung Chae-cat. Tapos sabi niya nabili daw niya sa NY. Oh? Wala akong budget papuntang NY kaya magt-tiyaga na lang ako sa online shops.

Tumabi sa kin yung naka mo-hawk tapos si guy naman na naka shades. Umiinom lang ng wine. Sobrang cool nilang tingnan. Kahit nawe-weirduhan ako sa kanila. In a sense parang may sinasabi sa kin yung isip ko eh... kaso nahihilo na ko ng slight.

"Do you always go here?" sabi ko ng malakas kay kuyang naka Mohawk. Syempre ngumiti nanaman siya. "Yes and No." sabi niya sa kin mejo malapit yung mukha niya sa kin. Cute pala niya. Kaso nung tumayo siya kanina hindi siya ganun katangkad eh.

Di naman sa sobrang tangkad ko. Pandak din kasi ako

"What do you mean by that?" sigaw ko ulit kasi naman ang lakas ng music, kahit nasa VIP room kami feeling ko hindi niya pa rin marinig eh.

"if we have free time, we do hang out here but not frequent. But yeah.. this is one of our favorite place." Sabi niya sa kin. Napa 'aaah..' na lang ako siguro kasi wala din ako masabi mukha pa naman madaldal yung guy.

"You're name again?" tanong ko sa kanya.

Sasabihin na dapat ni Kuya kaso natapunan ko yung skirt ko ng margarita. Kaya tumayo ako.

"Tss..I'll go fix my self. Where's the..."

"First door you'll see after you turn right" sabi niya agad. Tapos nag-thank you ako agad sa kanya. Kakahiya naman pati ba naman sa Korea medyo clumsy pa din ako?

Pumunta ako ng CR tapos inayos ko yung skirt ko. Di naman halata kasi madilim kaya okay lang. nag retouch na din ako make-up. Bago kasi kami pumunta dito ni Yoori, dumaan kami ng apartment niya tapos pinahiram niya ko ng clothes. Not to brag pero I look pretty... hot.

Yun naman yon. Sariling pagbubuhat ng bangko. *laughs*

Lumabas ako agad. Mejo masakit yung ulo ko kasi idagdag mo yung usok at yung ingay.

Pumunta ako sa bar station tapos humihingi ako ng water. Thank goodness marunong mag english yung bartender kasi kanina hindi kami magkaintindihan nung nauna na bartender. So medyo umupo muna ako tapos pahinga ng slight.

"Kamikazie, miss."

Anong gagawin ko dito?

"I didn't order that" sabi ko dun sa bartender baka nagkakamali lang siya ng nabigyan. Tinitigan ko yung glass

"Its free. On the house." sabi niya sa kin. Well, bakit hindi ko pa tanggapin. Nag thank you ako sa kanya tapos tinikman ko. Masarap siya in fairness. Mejo, lasang lime spritzer but andito yung kick ng alcohol.

And the next thing I know

I was in the middle of the floor and surrounded by everyone...

dancing like there's no tomorrow.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

author's note: oh hell yeah! advance merry christmas everyone :) Obvious naman kung sino yung kpop group na tinutukoy diba? :) 

Continue Reading