Maicah's pov
Andito na ako ngayon sa school at hindi ako mapakali dahil natatakot ako sa kung ano man ang pwedeng mangyari. Tulala lang ako at hindi pumapasok sa isip ko ang tinuturo ng Prof namin.
Nang biglang may tumawag sa akin
"Okay Miss. Funtabella! Explain how to balance a line in Industrial production?!"
"Sorry po Ma'am" at yumuko ako
"Please pay attention in my class if you're not interested kinldy leave in my room!"
At nagturo na ulit si Ma'am at na tapos na ang aming klase.
"Friendship!" Pagtawag ni Steph sa akin
"Okay ka lang ba?" Hindi ko parin siya ounansin at dumeretsyo lang ako sa pag lalakad
"Friendahip ano ba! I know you're not okay!" Paghawak niya sa braso ko
"Friendship okay lang ako gusto ko lang mapag-isa" sabi ko sa kanya
"Ano bang problema mo bakit ayaw mong sabihin? para may magawa ako!" Sabi nito sa akin
"Okay tumawag si Alina sa akin!"
"Then?"
"Tinakot niya ako na ikakalat niya sa campus na malandi ako!"
"Huh!!! That slut!"
"Friendship please calm down makikipag usap ako kay Ron ngayon"
"Para saan pa friendship!" Sigaw ni Stepgmh sa akin
"Makikipaghiwalay na ako!"
"Ang tagal mo ng sinabi yan pero ano magmaka-awa lang siya suko ka na!"
"Iba na ngayon friendship hirap na hirap na ako!" At na paiyak na ako
Lumapit naman siya sa akin at niyakap ako.
Maraming nakakita sa akin na kablock namin pero hindi na lang namin pinansin. Kasi ang iniisip nila yung sa about kanina.
Papunta ako ngayon ng Gym para puntahan si Ron at nagulat ako ng makita ko si Alina na nakayakap kay Ron. Hindi ko alam kung tutuloy pa ba ako pero kailangan kong gawin toh at sa harap din ni Alina.
"Hey bitch! Why are you here?!" Agad na salubong sa akin ni Alina
"Alina stop it!" Saway naman ni Ron kay Alina
"Kaya mo yan Maicah! Makikipag break ka lang naman sa taong minahal mo! Oo minahal mo lang naman ng sobra pero sinayang ka!"
"Andito ako para makipag hiwalay sayo Ron!" Sabi ko dito
"Wow! At ngayon ka lang talaga nakipag hiwalay!" Inis na sabi ni Alina
"Pwede ba Alina umalis ka muna! Hindi ka kasali sa usapan!" Sabi ni Ron kay Alina. At umalis naman si Alina
"Maicah pwede wag tayo dito mag-usap" sabi ni Ron sa akin at hinawakan ako sa braso
"Bitawan mo nga ako!" Pero hindi ako binitawan nito. Nagpupumiglas ako pero lalong humigpit yung hawak niya.
"Ano ba Ron nasasaktan ako! Bitawan mo ako!" Hinila niya ako papunta sa sasakyan niya at isinakay ako.
Nagdrive siya at papunta ito sa condo niya. At pinark na ang sasakyan niya. At binuhat ako para hindi ako makatakas. Hinampas hampas ko ang likod niya para bitawan ako at umiiyak na ako.
"Ron please ibaba mo na ako" pagmamakaawa ko dito pero hindi niya ako pinapakinggan.
Maraming tao ang nakakakita sa amin at hindi man lang nila ako tinutulungan nung pasakay na kami ng elevator may isang boses ako na sobtang familiar sa akin.
"Bring her down"
"Yung boses na yun! Yun yung boses ng taong nagpapasaya sa akin!"
"Dude I said bring her down!" Biglang tumaas ang boses nito
"Ow you! The girl last night! So I guess you're jealous miss pretty lady!" Sabi ni Ron kay Gyan
"Anong kagabi anong meron?"
"I said bring her down! If you don't want to get hurt!" Galit na galit na sinabi ni Gyan. At pinagtitinginan na kami dito
"Sorry pretty lady but she's my girlfriend!" At papasok na sa elevator
Nang biglang hinatak niya si Ron at napaatras ito na takot ako kasi baka bigla akong malaglag. Ibinaba naman ako ni Ron at nilapitan niya si Gyan.
"Bakit ba ang kulit mo!" Sabi ni Ron at sa takot ko wala akong magawa kundi umiyak lang.
Na gulat ako sa nakita ko ng biglang binalibag ni Gyan si Ron sa laki nito nagawa niya yun at inilagay ni Gyan ang braso ni Ron sa likod nito na nakapilipit. Kitang kita kay Ron na nasasaktan ito.
Pero iyak parin ako ng iyak
"I already warned you if you don't want to get hurt bring her down! But you push me into my limit! Hindi tinatrato ng ganun ang mga babae!" Sabi ni Gyan at hinawakan niya ako kamay ko at hinatak paalis ng building ng condo ni Ron at sumakay na kami sa sasakyan niya
"Pwede ba wag ka ng umiyak jan!" Pasigaw na sinabi ni Gyan at galit na galit
Inihinto niya yung sasakyan
"Sabi ko diba na wag ka ng umiyak!"
"H-hindi k-ko naman alam n-na mag-k-kaganun si r-Ron e" patuloy lang ako sa pag iyak ko at sa sobrang pag-iyak ko unti unting dumilim yung paningin ko.
------------------