***
CHAPTER 9: HER PLANS
***
TATLONG ARAW na ang nakalilipas simula nang bumalik sina Ysiquel at Rainne. Isang gabi lamang silang nanatili sa villa ng mga Fuentes dahil nagkaroon ng emergency meeting si Ysiquel at hindi maaaring wala siya roon. Nagalit si Ysabelle sa anak pero babawi na lamang daw si Ysiquel sa asawa sa ibang pagkakataon.
Nanunuluyan sila sa mansyon ng mga Fuentes alinsunod sa hiling ni Ysabelle para siguradong may magbabantay kay Rainne kapag wala ang asawa.
Walang problema rito ang bagong kasal. Mainam na rin daw ito sabi ni Ysiquel dahil marami itong inaasikaso sa opisina at magkaklase naman ang kapatid na si Samara at si Rainne.
Nakaupo na naman si Rainne sa may balkonahe at pinagmamasdan ang langit.
For some unknown reason, it keeps her calm and at ease. Kahit na ang daming tumatakbo sa isip niya, masaya pa rin siya kahit papaano na tanggap ni Ysiquel ang magiging anak nila... Kahit hindi siya matatanggap ng kabiyak bilang asawa. Basta tatanggapin nito ang anak nila ay ayos na.
Masakit... pero ano nga ba ang magagawa niya? She is just the mother of his child and his wife in paper.
Nothing more, nothing less.
Isang pagkatok ang gumising sa kanyang ulirat pabalik sa realidad.
"Pasok."
Nagbukas ang pintuan at sumilip si Samara bago pinatuloy ang sarili. May dala siyang notebook at pencil case.
"Hi ate!"
"Hi, Sammy," pagngiti ni Rainne sa hipag. Unti-unti na siyang nasasanay sa pagtawag sa kanya ng dalaga ng 'ate'.
"May itatanong sana ako. Mali pala, magpapatulong sana ako," she chuckled on her mistake.
Tumayo si Rainne at sinalubong sa gitna ng silid tulugan nila ni Ysiquel.
"Ano 'yon?"
"Nagawa mo na ba 'yong research paper sa marketing?"
"Oo. Kahapon ko pa natapos."
"Ay grabe! Tulungan mo ako, ate! Nalilihis ang isip ko sa pagsasagot!" Samara pouted at her.
"Halika. Wala naman akong ginagawa." Umupo sila sa may balkonahe na kaninang tinatambayan ni Rainne.
Nagsimula na sila ng pagtuturo at nagpadala rin ng pang-meryenda si Samara dahil nahihiya pa rin si Rainne sa pamamahay ng mga Fuentes. Kumbaga, nasa coping up stage si Rainne.
Isang oras din ang ginugol nila para matapos ang pagpili ng mga research files para sa dalaga.
"Thank you talaga, ate! My gosh! 'Di ko alam ang gagawin ko kung wala ka!" natatawang hayag ni Samara.
"Hindi mo ba tinanong si Karen?" Ang tinutukoy ni Rainne ay ang matalik na kaibigan ni Samara na kaklase nila sa parehong subject.
"'Di ko matatanong 'yon! Kapag naggawa kasi kami ng project ng bruhang 'yon, aabutin kami ng madaling araw dahil mas mahaba pa ang chika kaysa gawa." Natawa sila pareho. "Papasukan mo pa rin ang buong sem?"
"Oo. Apat na buwan na lang naman ang sem at mahigit isang buwan pa lang naman ang baby. Pero balak ko pa ring magpatuloy... kahit online lang."
"Alam ba ni kuya ang plano mo?"
"Hindi pa." Nag-iwas ng tingin si Rainne sa dalaga. Wala pa silang napag-uusapan ni Ysiquel dahil sa pagpasok nito sa trabaho.
"I knew it. Hindi kayo nag-uusap ni kuya, ano?"
"P-pagod siya sa trabaho, Sam," she defended him kahit na hindi niya sigurado.
"Naaah. I think pinaiiral na naman no'n ang pride niya. Ikaw naman, ate, i-seduce mo kasi si kuya! Mag-asawa na naman kayo!" eksayted na saad ni Samara.
Hindi makapaniwala si Rainne na mismong kay Samara pa nagmumula ang mga katagang iyon. Kung tutuusin, mas mature pa si Samara sa maraming aspeto, hindi gaya niyang inosente... noon. Magkasing-edad sila pero ibang-iba ang ugali nila.
Naiilang pa rin siya sa maraming bagay... And it includes being close with Ysiquel. Madalas kapag natutulog sila na magkatabi, nangangarap siyang yayakapin siya ni Ysiquel mula sa likod at hahaplusin ang sinapupunan niya. Pero hanggang pangarap na lamang yata iyon. Lagi siyang nakatitig sa likod ng binata kapag natutulog na ito. Walang ibang nangyayari sa kanila maliban sa kanilang paghiga at pagtulog—that remained as the bedroom's purpose.
"Sige. Pag-iisipan ko 'yan," she smiled at her.
Nang gabing iyon, nagsalo-salo sa dinner ang mag-asawang Kyle at Ysabelle, Ysiquel, Rainne at Samara.
Bumalik na sa Singapore ang mga kapatid ni Samara na sina Sebastian at Sander. Samantalang umuwi na rin sa U.S. si Ymannuel dahil may nalalapit pa itong importanteng exam at presentation bukod pa sa kasintahan nitong naghihintay sa kanyang pagbalik. May kani-kanilang buhay ang mga Fuentes pero nananatili pa rin silang malapit sa isa't isa kahit na naka-base sa ibang bansa. At isa pa, walang nakatitiis sa kanilang mga magulang... lalo na sa kanilang inang si Ysabelle.
"Rev, hija, kumusta naman ang pagbubuntis mo?" tanong ni Ysabelle.
"Ayos naman po, ma. Random pa rin po ang time ng morning sickness pero nasasanay na rin ako," nahihiya niyang pag-amin.
"And your cravings, hija? Have you been eating well?" This time, ang haligi ng tahanan na si Kyle ang nagtanong.
"Yes, pa. Nakahihiya nga po minsan kay Sammy na sa kanya ako humihiling kapag nasa school kami e," natatawa niyang sagot sa biyenan.
"Ano ka ba, ate?! Ayos lang 'yon! Kaysa naman itong si kuya na walang ginagawa." Sinamaan siya ng tingin ni Ysiquel na tahimik pa sa pagkain at umirap lamang ang dalaga.
"Hay naku, hindi ko alam kung saan ko pinaglihi 'yang Kuya Quel mo! Napakabugnutin!" Pagtawa ni Ysabelle. "Pero ang pagbubuntis ko sa kanya ang pinakamahirap at kumplikado." Nag-iba ang timpla ng mukha ng butihin ina.
"Bakit naman, mom?" Samara asked.
"May misunderstanding kasi kami ng dad mo that time and I ran away from all the stress. Kaya sa States pinanganak si kuya mo and didn't meet your dad until he was like 5? Pero sa inyong apat nina Eman, Kyle was there from the very start."
Pinag-link ni Kyle ang kamay nila ni Ysabelle at ngumiti. Kitang-kita sa mga mata nila na sobrang mahal na mahal ang isa't isa.
"Kaya kayong dalawa, kung may hindi pagkakaunawan, makinig sa bawat isa. Do not run away dahil mag-asawa na kayo. You are not kids anymore," paalala ni Kyle sa dalawa.
"Yes, pa," pag-sang-ayon ni Rainne.
"Yes, dad," Walang emosyong sagot ni Ysiquel.
Matapos kumain ay dumeretso na sila sa kani-kanilang mga kwarto. At gaya ng mga nakaraang gabi, Ysiquel never spoke a word with her.
Deep inside, she was starting to break. Was this the fairy tale she dreamed of having with her prince? Or masyado talaga siyang umasa?
Either way, hindi pa rin niya nakalilimutan ang bilin ng mother-in-law niya na pukawin ang damdamin ng kabiyak. She will do it.
Nakaupo ngayon si Ysiquel at nagbabasa ng ilang documents bago matulog. May investment na magaganap bukas at sinisigurado niyang pulido ang lahat.
Napalingon siya nang lumubog ang isang bahagi ng kama. His wife just got out of the bathroom and she's drying her hair with a towel.
Amoy na amoy ni Ysiquel ang strawberry-scented na sabon na ginagamit nito. Napalunok siya nang bumaba ang mga mata niya sa nakatalikod na katawan ng asawa.
Rainne was wearing a black silk nightie na see-through ang likod. She made sure na lahat ng underwear din niya ay para sa may asawa na talaga before she moved in. She wanted to do her mother-in-law a favour and try out Samara's opinion about seducing her husband.
Kinakabahan siya dahil unang beses pa lamang niyang magsuot ng ganito ka-daring na damit. She had them after the wedding but placed it aside. But this time, she wanted to change and make her husband look at her and like her.
Napaupo nang maayos si Ysiquel at lumingon sa ibang direksyon. Unang beses niyang nakita si Rainne na ganoon ang suot and for him, she was irresistible. She was a temptress.
Lingid sa kaalaman ni Rainne ay nagtitimpi si Ysiquel basta magkatabi o maglapit sila. Parati nitong naaalala ang gabing inangkin niya si Rainne.
Her moans, her screams, her pleasures...
Lahat-lahat ay nagiging sariwa sa isipan niya.
But he knows nothing about her, and the same goes for her. They're strangers tied into a marriage with no love. Just a bond and a baby.
But after the baby is born, he's considering divorcing her.
Kaya habang kaya pa ni Ysiquel, umiiwas ito sa asawa. Kahit na gabi-gabi ay temptasyon lagi ang kasama.
Pero...
Hanggang kailan niya ba ito matitiis kung sa bawat panahon na nagkakalapit sila ay gustong-gusto niya itong angkinin nang paulit-ulit?
"Good night," Rainne smiled at him.
Hindi na siya sumagot. That's how he is.
Itinaas ni Rainne ang kumot at sumampa sa kama. Nakita ni Ysiquel sa peripheral vision niya ang mapuputi at makikinis na legs ni Rainne na inangkin niya.
'Damn! Her seduction is working!' Pag-iisip ni Ysiquel.
Napakamot siya at saka bumangon patungo sabanyo. 'Kung ayaw mo ng cold shower na naman. Don't do this to me, buddy. I'mtrying to resist here.'
***
P R I N C E S S T H I R T E E N 0 0
JO ELLE