Second Chance Book 2: Our Des...

By MiarraMaeM

949K 14.9K 3.8K

(2nd book) Sabi nga sa kasabihan "We were born to be true not to be perfect" Lahat ng tao nagkakamali. Ang ta... More

Chapter 1: Ang pagbabalik
Chapter 2: Asar
Chapter 3: Formality
Chapter 4: Argue
Chapter 5: Despedida
Chapter 6: Meet up
Chapter 7: Meeting
Chapter 8: LQ again
Chapter 9: Sakit sa ulo!
Chapter 10: Baboy.
Chapter 11: Next Level
Chapter 12: New home
Chapter 13: Together
Chapter 14: Night
Chapter 15: Malas!
Chapter 16: High-tempered
Chapter 17: Jealous
Chapter 18: Balik
Chapter 19: Sermon
Chapter 20: Welcome back!
Chapter 21: Bwiset >.<
Chapter 22: Time
Chapter 23: Special Day
Chapter 24: Lasing
Chapter 25: Bad day
Chapter 26: BV
Chapter 28: Bulag
Chapter 29: Unfortunate
Chapter 30: Alone
Chapter 31: Fake
Chapter 32: Mean.
Chapter 33: Karma
Chapter 34: Instant
Chapter 35: 1st day workout
Chapter 36: Truth
Chapter 37: Litrato
Chapter 38: Unexpected
Chapter 39: Batangas
Chapter 40: Buking
Chapter 41: OMG.
Chapter 42: Honest
Chapter 43: Over
Chapter 44: Official
Chapter 45: New
Chapter 46: Happy & Satisfied
Chapter 47: Gift
Chapter 48: Parking instructor
Chapter 49: Not again
Chapter 50: Sleep
Chapter 51: Instagram
Chapter 52: John's POV
Chapter 53: Resto
Chapter 54: Paul's POV
Chapter 55: 2 years after
Chapter 56: Unready
Chapter 57: A day to remember
Chapter 58: The Wedding Ceremony
Chapter 59: The Finale

Chapter 27: Pak dis layp.

13.3K 229 70
By MiarraMaeM

J: "See you in 2 weeks Jam."

"See you."

J: "Hug ko?"

Niyakap ko sya.

"Ingat ka don."

J: "I will. Text kita kapag dumating na kami don."

"Okay."

J: "Smile naman dyan, para ma-inspire akong mag-trabaho."

Ngumiti ako pero sarcastic.

J: "Yan. Kung inaalala mo yung kagabi, wag kang mag-alala. Magtetext ako sayo parati."

Di naman kasi yun yung kaso kung bakit ako ganito -___-

"Sige."

Sumakay na sya sa kotse nya.

J: "Sige na Jam. Alis na ko ha. Kahit anong problema, wag kang magdadalawang isip na magsabi sakin. Tsaka yung kay Michael ha?"

"Wala ka na namang aalalahanin don. Kasi tapos na ang contract natin sa kanya."

J: "Who knows. Anyways, bye. I love you."

"Love you."

He smiled & go.

Bumalik ako sa condo unit namin na parang walang energy.

Di rin kasi ako msyadong nakatulog kagabi. 

Napaasip kasi ako talaga.

May nangyayare kaya sa kanila ni Alyna na hindi ko alam?

Hindi naman siguro.

Di nya magagawa sakin yun eh.

Na-stress ako >.<

Bakit ganon, kapag na-stress ako, nagugutom ako.

Arggggg >.<

Buksan ang brownies. Kain!

Di kontento.

Buksan ang lasgna, Luto, kain.

DI kontento.

Buksan ang ref, kuha lahat ng pwedeng makain >.<

-

-

-

BURRRRRPPPP!

*Fast Forward*

BURRRRP!!!


Nagdaan ang limang araw at wala akong ginawa kung hindi mag-stress eating sa bahay >.<

Di ako lumalabas. Kasi wala ako sa mood.

KATUNGA lang ako..

Kain, Tulog, Tunganga >.<

Nagtetext si John.

Pero once a day lang.

Papaalam kung san sila pupunta at ano ginagawa nila.

Pero di naman tumatawag >.<

Asan na naman ako?

Eto nasa kusina!!!

Naka-halumbaba sa lamesa.

Hawak ang phone.

Kumakain habang nag-iisip.

Bored na bored na ko sa bahay.

Di ko rin alam ang nangyayare sa outside world kasi nga di ako lumalabas.

Ganito ga talaga kapag wala ka sa mood >.<

Nag-aalok ng gala sakin si Kaye.

Tinatamad naman ako.

Wala lang, wala talaga ako sa mood kumausap sa iba.

Kami na lang ng pagkain ang nagkakasundo -___-

BURRRRRPPP


Takte! Dami ko na yatang nakain!!

Biglang nagpatak yung kutsara sa ilalim ng lamesa.

Dadamputin ko sana yung kutsara.

Kaso ang sakit sa tyan kapag yumuko >.<

Parang nahihirapan din akong huminga kapag naiipit tyan ko.

Jusmiyo.

Ang taba ko na >.<

Nung nakuha ko na yung kutsara.

Pagka-tunghay ko.

Para akong tumakbo, kasi pinagpawisan talaga ako habol ang hininga.

Badtrip.

Biglang may nag-door bell.

Sino naman to >.<

Ayoko nga ng istorbo eh.

Naglakad ako papunta sa may pintuan.

Binuksan.

"Oh, Paul, bakit nandito ka? Pasok ka."

Pumasok sya at pinaupo ko sa sofa.

P: "Bumisita lang. Gusto lang ng makakausap."

It's been a week since nagbreak sila ni Kaye.

"Problema na naman?"

P: "Di ah. Sa totoo lang, sinusubukan ko na mag-move on."

"Good for you. Kamusta naman?"

P: "Mahirap syempre una pa lang, pero makaka-move on din ako ng tuluyan."

"Time heals all wounds."

Ngumiti sya.

"Teka, nagpagupit ka? Ngayon ko lang napansin."

Yung medyo messy look nya na buhok, ngayon balik sa college hairstyle nya.

Yung spike spike na ulit, at mas maiksi sa messy look nya.

Nagmukha tuloy syang mas bata.

P: "Kala ko di mo mapapansin. Okay lang ga?"

"Oo! Bumata ka dyan!"

P: "Nakiki-uso lang sa mga babae na nagmu-move on. Pagupit din ng buhok pag may time."

Natawa ako.

Ang informal nya ngayon ah.

"Okay yan, emotional cuts :P"

P: "Ako, may napansin din ako sayo."

"Ano?"

Ngumiti sya ng nakakaloko.

Tumingin mula ulo hanggang paa.

"Ay di ko na yata kailangan tanungin. Alam ko na."

P: "Stress ka?"

"Pano mo alam?"

P: "Parehas pala tayo ng habit eh. Stress eating."

"Weh? Bakit ang daya mo? Tumataba ako, ikaw hindi?"

P: "Nag-ggym na kasi ulit ako ngayon. Mga 3x a week?"

"Papalaki ng katawan?"

P: "No. Di ko target yun. Gusto ko lang maintain ang healthy lifestyle ko."

"Nako, ako yata walang balak mag-maintain. Tinatamad pa rin ako eh."

P: "You need motivation."

"Ano namang motivation?"

P: "I dunno? Maybe... hmm. Turn your stress into inspiration & motivation?"

"Di ko gets?"

P: "Katulad sakin, kung ano nagpapa-stress sakin. Yun ang ginagawa kong motivation. For example, sa case ko, stress sakin yung break up namin, kaya ang ginawa ko, yung break up na yon ang  naging motivation ko. And thinking maybe someday, our break up will be my source of strength and this will help me to turn myself into a new person who I supposed to be, 100% recovered & healed."

"Putek, ang lalim. Nganga ako."

Tumawa sya.

P: "Lalim ga? May pinanghuhugutan yata.Pero seriously, naniniwala akong kakayanin ko."

"Sure ka?"

Paano naman kapag nalaman nitong may iba na agad si Kaye. -____-

P: "Of course. Teka, ikaw, ano nagpapa-stress sayo?"

Naisip ko yung hmmn.

Paano ko magiging motivation yung iniisip mo na parang niloloko ka ng mapapangasawa mo?

Ngayon pa lang uurong na ko?

Ganon?

O susundin ko yung sinasabi ni Paul?

Parang di ko kasi kaya.

Mas nagiging weak nga ako kapag naiisip ko yun eh.

"Ah wala, yung restaurant namin. Kinakabahan lang ako, kasi baka mamaya di mag-click."

P: "Sus, akala ko naman kung anong stress na yung sinasabi mo eh. As long as tama ang pamamalakad & good business strategy + marketing. Okay na okay yan. Si John pa, kilala ko yun. Never pa yun naging unsuccessful sa mga binabalak non lalo pagdating sa business."

"Sabagay, major nyo yan eh. Business."

P: "Buti pa kayo. Nag-share kayo ng pangarap sa isa't isa."

"Ganon naman dapat."

P: "Pero nung kami pa ni Kaye, parang di namin naisip yan."

"Paanong hindi? Eh diga dinala mo pa nga sya sa Amerika?"

P: "Oo pero...parang yung pangarap kasi namin naging panaginip na lang. Di naman nag-work eh. Kasi nga si Kaye msyadong selosa. Di nagwork yung relationship namin at ang plano namin, dahil sya naka-focus lang sakin, hindi sa business."

"Mahirap din naman kasi sa mundo nyong myayaman. Kahit ako nga din kailangan ko pa mag-adjust."

P: "Tiwala lang naman ang kailangan eh."

"Isa pa yun, ang hirap magbigay ng tiwala kapag naghihinala."

P: "Kailangan nga kasi ng tiwala para walang hinala. Ang problema kasi kay Kaye, sya lang naman ang naglalayo ng sarili nya sakin eh."

"Mahirap nga din kasi yung mundo nyo. Di sya sanay makipag-sosyalan, di rin sya sanay mag-English ng bongga, duguan ilong non parati eh. Alam mo naman yun, gusto non nasa-comfort zone lang."

P: "Eh lagi nga nya ko kasama."

"Basta mahirap ipaliwanag eh. Kilala ko yan noon pa, sanay kami talaga sa normal na buhay lang. Di naman kami nag-hangad ng gantong buhay eh. Kaya nag-aadjust pa."

P: "Hay. Bakit pa kailangan natin tong pag-usapan. Tapos na nga pala to."

"Oo nga, wag na nating pag-usapan. Teka ano gusto mo kainin?"

P: "Kahit ano."

"Nako, nakain ko na kasi yung mga pagkain sa ref eh. Limang araw kasi akong di nalabas, mag-grocery pa ako."

P: "Wag na lang, okay lang ako."

"Ay alam ko na, papa-deliver na lang tayo ng pagkain."

P: "Ikaw ang bahala, di rin naman ako ganon ka-gutom e."

"Sus! Bisita ka dito kaya kailangan pakainin ka no. Magagalit si John kapag nalaman non na hindi man lang kita pinakain dito sa bahay."

P: "Para namang di magkakilala, alam mo namang okay lang sakin. Di naman ako maarte."

"Basta wag ka na kumontra."

Nagpa-deliver ako ng pizza.

Andun lang kami sa may sofa at nanonood ng TV.

Parehas kaming tahimik habang inaantay ang pagkain.

P: "Natutulog ka ga ng maayos?"

"Ah eh. Oo naman, bakit?"

P: "Bakit parang ang laki ng eyebags mo?"

"Wala, pinagpuyatan ko talaga yang eyebags na yan para ma-attain ko."

P: "Di ka pa rin nagbabago, mapagbiro ka pa rin."

"De joke lang. Wala naman, ewan."

P: "Parang di ako convinced na dahil lang yan sa resto nyo. Let me guess. Is it the same issue as last week?"

"Hindi naman, wala to."

P: "Bakit kapag ako nag-oopen sayo. Ang daya."

"Wala nga promise."

P: "May hindi ka sinasabi eh."

"Wala kaya."

P: "Jam! Simula college kilala na kita."

"Asus, anong kilala ka jan! Eh sa mall lang naman tayo nagkakilala hanggang sa mag-break tayo, hindi mo ako sobrang kilala."

P: "Di kasi tayo nagkaroon ng gaanong oras na magkakilala, lalo naging busy ka sa pagtatrabaho mo nun. Remember?"

Tumawa ako.

"Aba tanda mo pa yun! Oo nga."

P: "Sabi ko naman kasi sayo noon, ako na ang bahala, tutulungan na kita. Kung hindi mo ako tinaggihan, eh di sana tayo pa rin."

"Ay ganon! Kasalanan ko pa?"

Tumawa sya.

P: "Oo! Paanong hindi mo magiging kasalanan, matigas ang ulo mo."

"Hindi matigas ang ulo ko, gusto ko lang talagang mag-trabaho para sa sarili ko."

P: "Which is hindi naman kailangan."

"Kailangan. Porket spoiled ka nina tita eh."

P: "Tanda mo pa yung sa Baguio? Yung sa zip line?"

O______O

"Ow sht. Wag mo ng banggitin yun. Hiyang hiya ako."

P: "Yung iyak ka ng todo, tapos nalaman nina Ate at Kuya Teban through facebook? Naging viral nga yung picture mo na yun eh."

"Kasi naman si Kaye eh."

P: "Ang saya kaya non. Sana nga maulit ulit eh."

"Nako ha, ayoko na mag-zip line."

P: "Face your fears!"

"Wag na uy, papatayin nyo ako."

P: "Nakakamiss noon no? Di pa komplikado ang buhay." 

"Oo nga eh."

P: "Sa tingin mo, kung hmmmn. Wag na pala, awkward."

"Hindi ok lang."

P: "Naisip ko lang, paano kung tayo yung engage ngayon. Masaya kaya tayo, kasing saya nyo ni John ngayon?"

Napaisip ako.

Hindi dun sa kung kami ni Paul.

Mas napaisip ako dun sa sinabi nyang, kasing saya namin ni John.

Dahil sa palagay ko, hindi na kami ganoon kasaya.

Bago pa man kami mag-live in.

Okay pa ang lahat.

Pero nung nagkasama na kami sa isang bubong.

Akala ko mas maiintindihan ko sya, at ang mundong ginagalawan nya.

Pero hindi pala.

Naging turmoil pa ito.

-___-

P: "Nevermind."

"Ay sorry napa-isip ako ng bongga"

P: "Ok lang, naisip ko lang din naman eh. What if lang naman."

"Alam ko sa palagay ko... Hmmmn. Magkagalit tayo parati."

P: "Bakit naman?"

"Pag-aawayan natin yung pag-aabroad."

Natawa na naman sya.

P: "Oo nga no, alam ko naman na ayaw mo mawalay sa pamilya mo. At naisip mo talaga yung pag-aabroad."

"Nako, ayoko talaga mawalay sa kanila no."

P: "Alam ko, kung ikaw naman ang nasa kalagayan ni Kaye. Hindi kita pipilitin eh. Syempre igagalang ko yung gusto mo."

"Mabuti naman kung ganon, mabuti mature ka na."

P: "Oo nga eh. Alam ko naman noon pa na hindi ako naging mature. Lalo sa pagdedesisyon."

"Ang tagal na nun eh. Importante, natuto ka."

P: "Jam..."

"Oh?"

P: "Humihingi ako sayo ulit ng tawad."

"Saan?"

P: "Dun sa noon."

"Ano ka ga, tagal na nun eh. Tyaka napatawad na kita matagal na."

P: "Oo nga, pero sana hindi kita sinaktan. Ako lang naman ang tanga talaga. Ang ayos ayos natin, ako yung nagloko. Dahil lang yun sa wala kang oras sakin. Sobrang immature right?"

"Tagal na nun eh, may kanya-kanya na tayo ngayon. Tsaka di naman kita sinisisi dahil mali ko rin yun eh. Kagaya ngayon diga? Walang gaanong oras sakin si John, kaya alam ko na rin ang pakiramdam."

P: "Eh di maghahanap ka na rin nyan ng iba?" pang-asar nya.

"Sira! Hindi ah!"

P: "Biro lang. Alam ko naman na yung itsura mo na yan, kahit mataba ka na ngayon. Wala sa dugo mo ang manloko."

"Aba! At talagang pati weight ko eh nadawit na naman eh no?"

Tumawa sya.

*Doorbell*


"Teka yan na yung pizza"

Tumayo ako at pumunta sa may pinto.

P: "Jam ikaw na lang kakain nyan, alam ko namang kulang pa sayo yan eh."

"Loko! Mang-asar pa ha."

P: "Joke! Aalis na rin ako maya-maya eh."

"Aba kumain ka muna no!"

Pag-bukas ng pinto.

P: "Sige sayo yung 3/4. Akin yung 1/4 ha" rinig ko yung halakhak nya.

O___________O

"Anong ginagawa mo dito?"

K: "Dinadalaw ang bestfriend ko! Masama ga? Tagal mong di lumalabas ah. Jusko, mabubulok ka jan ha!"

Dare-daretso SILANG pumasok sa loob at nagtatanggal ng sapatos.

Ow sht.

 >.<

"Bakit.....

Bakit...

Kasama mo si Michael?"

M: "Ayaw mo?"

Tumawa ng malakas si Kaye.

K: "Ikaw Jam ha! Di mo sinabing magkakilala pala kayo nitong si Michael!"

"Te-teka..."

Akmang papasok si Kaye sa may salas.

Hinarangan ko sya.

K: "Oh, di mo man lang kami papasukin ni Michael?"

M: "Oo nga Jam. Napagod kami kalalakad sa mall. Ang sakit na rin sa tenga ng boses ni Kaye. Dami nyang kwento lalo sa lovelife nya."

"Shhhh..."

K: "Huh?"

"Wa-wala. Wag na lang kayo dito. Msyadong gulo pa yung condo namin eh."

K: "Ano ka ga naman Jammy! Okay lang yan. Eto ngang si Michael galing na sa bahay eh, ang gulo-gulo pa don.. Pinakilala ko kina Mama."

"Pinakilala?!"

K: "Oo! Gustong gusto nga sya nila Mama eh... Kakikilala pa lang..." sabay pulupot sa braso ni Michael.

At tumawa sya.

"Basta wag kayo dito... "

Nang biglang nakita ko na nasa likod ko na lang si Paul.

O________O

Nanlaki ang mata namin ni Kaye.

Bumitiw si Kaye sa pagkakahawak sa braso ni Michael.

WTH >.<

Bala-balatong yung pawis ko.

Jusko.

K: "Pa-Paul?"

Ngumiting pilit si Paul.

P: "Hi."

J: "Paul.. Hmmn."

P: "I have to go Jam. Salamat sa oras ha? Yung pizza, next time na lang. May appointment pa ako."

Nag-beso sya sakin.

O______O 

Bago nya buksan ang pinto.

P: "Nice meeting you Michael." sabay bukas ng pinto at lumabas.

-_____________-

Napatingin ako kay Kaye na in shock pa.

Natahimik kami.

M: "Bakit ang tahimik nyo?"

"Ah eh. Wala. Pasok na kayo sa loob. Umuna ka na Michael. May pag-uusapan lang kami ni Kaye."

Umuna na si Michael sa loob.

Nag-usap kami ng pabulong ni Kaye.

K: "Bakit di mo sinabing nandyan si Paul?"

"Malay ko gang pupunta kayo dito?"

K: "Eh bakit sya nandito?"

"Kailangan nya lang ng kausap."

K: "Bakit di mo ako inabisuhan kanina? Narinig kaya nya usapan natin kanina?"

"Natural, sa lakas ng boses nyo, impossibleng hindi."

K: "Bakit kasi di mo agad sinabi!?!?"

"Kasalanan ko pa? Ikaw jan ang landi landi sa harap ni Michael."

K: "Eh ano naman?! Malapit na namang maging kami"

"Sayo pa talaga nanggaling yan ha?"

K: "Oo naman, sa lakas ng pakiramdam ko. At talagang ginagawan ko ng paraan."

"Nakakahiya ka!"

K: "Anong nakakahiya don?!"

"Basta malandi ka!"

K: "Oi Jam ha, nakakasakit ka na ng damdamin!"

"Tanga ka eh! Di ka nag-iisip! Padalos-dalos ka! Pinakilala mo pa si Michael sa inyo! Grabeng kagagahan yan!"

K: "Anong pakelam mo?!"

"Ah ganon? So wala akong pakelam?"

K: "Wala! Sumosobra ka na eh, kung mapag-salitaan mo ako, parang sobra sobra naman yung ginagawa ko. Kaibigan lang kita, kaya wala kang karapatan na pagsabihan ako. Eh kung yung nanay ko nga hindi ako napapag-sabihan ng ganyan. Ikaw pa?!"

"Wow ha. WOOOOOW Kaye!"

Nag-iinit na dugo ko sa babaeng to ah >.<

K: "Michael! Let's go!"

M: "Huh? Kararating pa lang natin."

K: "Eh kasi pinapauwi ako ni Mama, samahan mo ko."

M: "Dito na lang kaya muna ako? Pagod pa ako eh."

K: "Sabi ko kay Mama kasama kita eh."

M: "San tayo pupunta?"

K: "Sa bahay nga sabi. Tara na kasi."

Maya-maya ay nasa likod ko na si Michael.

Kunwari ok lng kami >.<

M: "Ok ka lang mag-isa dito Jam?"

"Oo naman."

K: "Let's go Michael."

Pagkatapos nilang mag-lagay ng sapatos.

M: "Bye Jam. See you soon I guess?"

"Bahala na. Sige ingat."

Si Kaye hindi lumilingon.

Nakakairita.

Ako pa ang tinakot nya! >.<

Lalo na akong na-stress!!!

Putakte!

Makalabas nga! Lecheng buhay to!!!

Tinawagan ko si Trisha.

"Hello Trisha! Samahan mo nga ako lumabas!"

T: "Bakit?"

"Wala gusto ko lang!"

T: "Nasa trabaho ako eh."

"Eh di pagkalabas mo."

T: "Mag-oovertime ako eh. Kailangan ko mag-pasa ng article bukas ng umaga. Eh ang dami ko pang isusulat at i-eedit."

"Naman eh!"

T: "Next time na lang. Sige na, marami pa kong ginagawa."

-_______-

"Hello Anne! Samahan mo nga ko gumala."

A: "Sorry Jam. I have errands to run. Call you later!"

Putakte talaga >.<

Last chance si Len.

*The number you have dialled is out of coverage area, please try your call later.*


Kulang na lang itapon ko ang cellphone ko eh!

So ano? Nganga na naman ako!

Kailangan ko ng pagkain!!!!

Pumunta ako sa ref.

At pagbukas ko.

Wow, wala nga palang stock >.<

Nakaka-bwiset lang talaga!!!

Dali-dali akong bumaba ng condo para bumili ng pagkain.

Hindi para mag-grocery!

Wala ako sa mood, magbitbit ng bongga!!!!

Bumili ako sa 7/11 na katapat ng condo.

Bumili ako ng double dutch ice cream.

Tapos maraming maraming mogu-mogu.

Isama mo pa ang isang buong chicken at ensaymada!

Bumalik ako sa condo.

At hinihain ang pagkain.

Taas paa akong kumakain, at parang may galit sa mundo habang ngumunguya

Kung kelan gusto mong gumala, saka ka naman walang makasama.

>.<

Biglang may nagtext.

Si John..

Kahit papaano gumaan naman ang pakiramdam ko.

Pagbukas ko ng text.

"Dinner later at Don Alfonso 1980. Don't be late! See you there Ms. Sy. Don't wear a dress with long slit or else… You know what I mean. HAHAHA. Just kidding. See you!"

Wrong send?

Uso pa pala yon?!

Para akong tinabunan ng gumuhong tipak ng bato </3 :'(

Kung sino pa yung inaasahan mo na magpapagaan ng pakiramdam mo, sya pa pala yung mas magpapabigat.

Ang saklap :'(

Sumubo ako ng ensaymada na di inaakalang mabubulunan.

Swerte ko talaga!

Pak dis laypppp! >.<

_______

Taasan ko ng konti yung kota, kasi mag papasukan na ulit eh :)

Di ko kayang ma-update every night :D

_______

Will update if there would be at least 50 votes and 40 comments :)

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 38.2K 72
Alyx owns a pair of eyes that can see things not normally seen by other mortals, and this has doomed her to live the life of a loner. But what if thi...
113K 3.3K 60
Anim na magkakaibang tao Pero pagtatagpuin ni Tadhana ano kayang mangyayari? Would they just met and just be a enemies? Or maybe they just met and r...
2.4K 76 6
compilation of my crazy imagination with the big bang members. lalo na kay GD♥
449K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022