My Bodyguard

By DisenchantedNow

9.7M 121K 5.6K

Dahil sa dami ng death threats na natatanggap ni Kristoffer para sa kanila ng anak niyang si Kyle, humingi na... More

My Bodyguard
Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Epilogue

Nineteen

192K 2.5K 76
By DisenchantedNow

 19


MAIAH

"Hindi ko alam na marami ka palang time para humingi ng chance na taliwas sa mga sinasabi mo noon."

"Dahil tinutulak mo ako sa mga babaeng hindi ko naman gusto. Hindi mo alam na yung babaeng gusto kong bigyan ng time at atensyon ay ang babaeng nagtutulak sa akin sa kung kani-kanino na wala namang panama sa 'yo." Katwiran ni Tony.

Aba't! May mga banat pa talaga siyang ganyan! Bakit ba napakahilig mangloko ng mga lalaki? Yung mga ganitong palipad hangin na kahit alam naman nilang hindi dapat sabihin, sasabihin pa talaga. Para ano? Para makaisa sa mga babae?

Sinamaan ko siya ng tingin. "Tumigil na tayo dahil wala naman tayong pagkakasunduan. Bumalik ka na doon kay Sir Kristoffer dahil mas kailangan mo yung gawin kaysa ang mag-aksaya ng oras na makipag-usap sa akin. Hindi ito yung time na pinag-uusapan nating dalawa ang bagay na 'to."

Napangiwi si Tony sa sinabi ko. Halatang kokontra siya pero, hindi ko iyon narinig sa kanya. "I just wanted to let you know that I'm damn serious about what I said. I wanted to have a chance with you. And I promise, I will do good."

Mahirap mangako sa isang bagay na wala ka namang kasiguraduhan; kagaya ng pagbibigay ko sa kanya ng chance, in case. Hangga't maaari, ayokong bigyan siya ng chance pero sa huli ay masasaktan lang din siya dahil wala naman talagang patutunguhan ang gagawin niya. Mas mabuting maaga niyang malaman na hanggang dito lang talaga ang pwede kong maibigay para sa kanya. 

Napabuntong hininga ako. "Thank you for being serious."

Naghintay pa siya ng ilang saglit kung may idadagdag pa ba ako sa sinabi ko pero napatango na si Tony nang hindi na ako muling nagsalita pa. "I will let you think. But again, I'm sorry. I'm really am. Hindi na iyon mauulit. Not until... Not until you will become my girlfriend." At gumuhit ang munting pagngiti na iyon sa kanyang mga labi na para bang nakahinga siya ng maluwag sa naging takbo ng pag-uusap naming dalawa.

"Bumalik ka na. Baka may kailangan si Sir."

Tumango siya at tuluyan nang tumalikod. Muli akong napabuntong hininga. Bakit ba ako ang nakita mo, Tony? Dahil ba matagal na tayong magkasama? Dahil sanay ka na sa sakin? Dahil araw araw mo akong nakikita? Hayyy. Ang sakit sa ulo isipin ng sagot. Siguro nga, walang matinong sagot kapag ang tanong ay tungkol sa pagmamahal. Ang hirap hirap hanapan ng tamang sagot.

Muli kong binuksan ang laptop at pinilit kong bumalik sa trabaho. Iniwaksi ko muna ang isipin tungkol kay Tony at sa mga sinabi nito pati na rin ang kapangahasang ginawa niya sa akin. Sa ibang araw ko  na lang iintindihin ang bagay na yon. Kailangan ko nang madaliin ang kaso ng mga Martin. Hindi na ako pwedeng magtagal dito. Kailangan ko nang bigyan ng solusyon ang kaso nila para masolusyunan na rin ang problema ko sa puso. Para matigil na 'to sa pag-aasam kay Kyle na hindi ko naman makukuha, kahit kailan.

Muli kong pinag-aralan ang pasikot-sikot ng lugar na pinagtataguan ng High Class Syndicate. Ito ay isang magarbong bahay sa Laguna. Aakalain mong normal na bahay ng isang bilyonaryo at makapangyarihang tao.

Pero ng chineck ko ang structure ng bahay, kung paano ito ginawa, puno ito ng mga hidden doors, ng maraming kwarto, at may 2 basements pa ito. Kumplikado ang structure ng bahay. Kailangan talaga naming mag-ingat sa operation bukas. Delikado kung delikado. Pero hindi pa ba ako sanay? Ilang taon ko na tong ginagawa. Ilang beses na akong nalagay sa alanganin. Pero alam kong laging nandyan sila Daddy at Mommy para bantayan ako. Kailangan lang ng magandang plano; ng matalino at maingat na plano, mapapatumba ng Elite Team ang most notorious syndicate ng Pilipinas.

Bakit ba kasi nage-exist ang mga ganitong tao? Hindi ba pwedeng magpakamatay na lang sila para hindi na rin kami mahirapang maghanap sa kanila?

Ilang oras ring nakababad ang mga mata ko sa harap ng laptop. Napapikit ako dahil humahapdi na rin ang mga mata ito. Nagpaalam muna ako sa mga ka-team mate kong makakasama ko bukas na kausap ko via messenger para mag-break sandali.

Kailangan ko ng kape. Pampagising.

Muli kong naisip si Kyle. Tulog na kaya siya? Hindi ko na kasi siya napansin simula nung tinanong niya ako kung nasaan ang Daddy niya. Gustong-gustong kumilos ng mga paa ako paakyat ng hagdan at patungo ng kwarto niya para i-check kung natutulog na nga siya. It's still my responsibility to keep him safe.

Napabuntong-hininga ako. Hanggang tingin at tanaw na nga lang talaga ako. I cannot have him. I cannot have his heart. He can't love me. That's the reality. And reality hurts me like hell.

Napagpasyahan kong tumayo na lang at pumunta ng kitchen para magtimpla ng kape.

Pero napakunot ako ng noo kung sino ang napagtanto kong nasa bar, at umiinom ng alak.

Why is he drinking? Nag-away ba sila ng Daddy niya? Hindi pa pala siya tulog.

Iniisip ko kung ano'ng dahilan ng pag-iinom niya ngayon. Hindi lang naman ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang umiinom. Pero bakit parang ang laki ng problema niya ngayon? Is it because of Kate?

Kumirot ang sugat ng puso ko. Hanggang ngayon, mahal niya pa rin talaga ang ex niya. At ito namang ex niya, gusto siyang balikan. At malaki ang possibility na mangyari yon. Malapit na ba? Hindi ko ba talaga pwedeng agawin ang puso niya?

Pero paano ko nga naman maaagaw eh, wala naman akong ginagawa. Pero paano kung wala naman ako sa lugar para ipaalam ang nararamdaman ko? Tsaka alam ko na rin naman ang mangyayari kung aamin man ako. It's useless. And I'm not worth it. Siguro ganito rin kasakit ang nararamdaman ni Tony ngayon. At siguro nga, ganito kasakit ang magmahal. Lalo na kung hindi mo pwedeng abutin yung taong mahal mo.

At mukhang walang balak tumigil ng lalaking ito sa pagtungga ng vodka sa harap niya. Kaya napilitan akong lapitan, kahit na ayaw ko sanang gawin iyon.

"Stop it." at inagaw ko sa kanya ang bote ng alak na iniinom niya.

"Hmmmm ..." ito lang ang nasabi niya at marahang itinaas ang mukha at sinisipat kung sino ang nasa tabi niya ngayon.

Hindi ko kayang pigilan ang sarili kong humanga sa kabuuan ni Kyle. His face is just, so perfect. Parang pinasadya. Yung kagwapuhan na hindi mo matatanggihan, yung hindi mo maiiwasan, at hinding-hindi mo gugustuhin na alisin ang mga mata mo sa pagkakatitig sa kanya hanggang sa matunaw na lang siguro siya. Ang swerte lang ni Kate. At kung nasaktan nga niya si Kyle, hindi ko maiwasang isipin kung ano ang dahilan.

Kung sana ako na lang si Kate, sigurado namang hindi di kita sasaktan. Pero malas ko at hindi ako si Kate.

"I don't understand why you have to drown yourself with this. Hindi naman buburahin ng alak ang sakit ng puso mo. Kaya tumayo ka na. Matulog ka na lang nang may magawa kang matino."

And then he smirk. Like the sexy smirk he always have that makes every girl fall and drool over him, including me.

"Y-You know w-what... I-I don't kn--know y-you... B-But you look sooo... Sooo, fa--miliar. You... You... Look li--ke the wo--man I love but... But..."

What now, Kyle? Magkamukha kami ni Kate? Totoo ba? Hindi ko pa nakikita ang ex niya kaya hindi ko alam kung totoo ang sinasabi niya. Pero malamang, sinasabi niya lang 'to dahil lasing na siya.

At lumungkot ang mga mata niya. "...B-but, unfortu--nately, ... S-she...She a-already has, she alrea---dy h-has someone.. Pero... Pero sabi n-niya, wal-la daw... Wala daw yun! Bu---t... But what d-did I see? What is that?.." Napatungo siya at tinuro ang dibdib. "M-Masakit... Masa---kit kaya... D-dito."

Ako rin. Masakit rin ang dibdib ko. Masakit dahil nasasaktan din ako. Pwede bang magdamayan na lang tayo?

Napabuntong-hininga ako. Kung pwede ko lang palitan si Kate sa puso mo, bakit hindi. Willing na willing ako. Pero hindi naman ganon kadaling gawin iyon. Dahil alam kong hindi ko siya mapapalitan. Hindi mo ako hahayaan.

Pinilit ko siyang itayo pero agad din akong sumuko dahil napakabigat ng lalaki na to. Lango na sa alak, at hindi na mabuhat ang sarili. Halatang wala na sa katinuan.

"Let's go. You are drunk. You really should sleep. Itulog mo na lang yan." at muli kong sinubukan na itayo siya. Naitayo ko naman pero nahawi ng braso niya ang bote ng vodka na nakapatong kaya bumagsak ito at gumawa ng ingay. Agad namang pumunta ang mga bantay na security sa labas na naalarma.

"Ano'ng nangyari, Maiah?!" agad nilang tanong.

"Nalaglag yung bote ng vodka. Sorry guys. Lasing kasi si Mr. Martin. Pwedeng pakihatid na lang siya sa itaas? Sa kwarto niya? Ako na lang maglilinis ng mga bubog dito." sabi ko.

"Hindi, kami na lang ang maglilinis dito. Hindi ka pwedeng maiwan mag-isa dito mamaya may sumugod, mapagtulungan ka pa. Kaya mo naman yata si Sir" katwiran ni Al.

"My Dod, ang bigat kaya niya. At ano'ng akala niyo sakin? Magpapatalo? Na hindi ko kayang makipaglaban? Isa pa, meron namang naiwan sa labas, di ba? We're on a safehouse, guys. Wala pang nakatunton na kalaban dito for 10 years." katwiran ko.

"Baka nga mabigat si Sir Kyle, pare. Tulungan mo na lang si Maiah." sabi ni Chris. Tumango naman si Al at tinulungan akong akayin ang magaling na lalaking to paakyat ng kwarto.

"M-Maiah... Mai--ah..." tawag niya habang umaakyat kami ng hagdan.

Napakunot-noo ako. "Ano'ng problema mo?"

"O, mukhang namimiss ka ni sir Kyle, ah." biro ni Al at napangiti sakin.

"Huwag mo nga akong biruin, Al. Not in his dreams." sabi ko.

Dahil totoo naman. There's no way that he'll miss me. There's no damn reason. There's no damn possibility. If only they know how he hates me. Muli na namang kumirot ang puso ko.

Nakarating na kami sa kwarto at inihiga namin siya sa malaki niyang kama.

"O, bakit dalawa yung kama niya ?" tanong ni Al na napansin ang kama ko sa di kalayuan.

Nalingon ko iyon. Mabuti na lang hindi nila alam na magkasama kaming dalawa sa iisang kwarto dahil siguradong iba ang iisipin ng mga 'to kapag nalaman nilang ako ang natutulog sa kabilang kama.

"Ah... K-Kasi nga, mayaman siya. Dala-dalawa yung kama." alibi ko.

"Baka naman yung isa ay para sa mga babae niya. Sabi kasi nila, babaero daw tong si Sir. Palibhasa gwapo atbilyonaryo." kwento niya.

Hindi ako maka-oo sa sinabi niya. Pero alam kong may katotohanan iyon. Kung gwapo at bilyonaryo ka, walang imposible sa buhay mo. At kung pakasalan ka pa ng isang Kyle Joseph Martin, siguradong jackpot ka na.

"O sige baba na ako. Mukhang tulog na tulog na tong boss mo." paalam ni Al.

"O sige. Thank you." at tinanguan ko siya. Saka lumabas si Al.

Muli kong nilapitan si Kyle. Mukhang tulog na nga siya dahil wala ng malay. Inayos ko ang kamay at paa niya na lumagpas sa kama. Pinagmasdan kong muli ang makinis at gwapo niyang mukha. Namumula ito dahil sa kalasingan. Pero hindi man lang nabawasan ang kagwapuhan.

Nangahas akong hawakan ang mukha niya. Ito ang unang beses at siguradong huli na din. Sinuwerte lang dahil may nakaw na pagkakataon. At kung kasalanan ang hawakan ang mukha mo, handa akong makulong, Kyle. Hindi ko maiwasang mapangiti. Tuwang-tuwa ang puso ko ng madampian ng palad ko ang malambot niyang kutis.

It really feels like heaven. Mukha pa lang niya, ganito na ang reaksyon ng sistema ko.

"M-Maiah... Mai--ah... Hmmm..." tawag niya.

At hindi ko talaga maintindihan kung bakit niya ako tinatawag kanina pa.

"I'm here, Kyle. I'm here." at nahalikan ko ang noo niya "I really hope you can be mine." Hindi ko na napigilan ang mga salitang yon. Gustong-gusto kong sabihin na mahal ko siya pero, natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Masakit na hindi mo man lang masabi ang nararamdaman mo, ano pa kaya kung tanggihan ka at ipamukha sa yo na hindi mangyayari ang inaasam mo?

"Maiah... I-I ha--, h-hate you!" muling sambit ni Kyle.

At doon ako natigilan. Saka ko siya natitigan.

"Tama na. Nasasaktan na ako simula pa lang. Hindi mo naman kailangang doblehin. Hindi mo na kailangang ulit-ulitin. Alam ko naman simula pa lang, ayaw mo na sakin. I'm trying hard to accept it. I'm really trying, Kyle."

Hindi kinaya ng mga luha ko. Kailangan na nilang tumulo. Kailangan nilang lumabas, kailangan daw nilang i-express kung ano'ng klaseng sakit ang nararamdaman ko ngayon.

Pero agad akong nagpunas ng mga luha at umalis sa kama niya at wala sa loob na sumubsob sa kama ko.

Why is love so complicated?

***

KYLE

Parang gustong madetach ng utak ko sa bungo ko. Damn alcohol! Pinilit kong idilat ang mga mata ko. Hindi na ako makatulog sa sobrang sakit ng ulo ko, kahit na gusto pang pumikit ng mga mata ko. Kaya idinilat ko na dahil baka iuntog ko na ang ulo ko kung pipilitin ko pang matulog ulit.

Naparami pa yata ang inom ko, ah. Mas marami pa ang nainom ko nung makita kong naghahalikan  si Maiah at Tony kaysa nung pagkatapos naming magbreak ni Kate.

Kunot-noo akong napatayo. God! I badly need a coffee. And then there's a familiar feeling inside my stomach. Kaya kahit hilo ako, pinilit kong tumakbo sa CR para sumuka.

I really hate getting drunk. But somehow, alcohol will get you numb from pain, for a while. It will make you forget for a couple of hours.

Maiah and Tony kissing is still fresh in my mind. And damn! I can see it everywhere!

Binalak ko na ang lahat kagabi pagkatapos kong makipag-usap kay Dad. Pero lahat ng plano ko ay nauwi sa wala. Wala naman palang patutunguhan dahil huli na pala ako.

At parang hinihiwa ang puso ko sa idea na yon. Parang gusto ko ulit dampian ng alcohol. Parang gusto ko ulit lunurin sa alak pansamantala. Baka sakaling kapag nalunod ay tuluyan na siyang makalimot.

Ewan ko ba kasi sa puso kong ito, nagmamahal ng maling babae. Kaya ako tuloy ang nagdudusa sa rejection.

Fuck! Hindi ko maiwasang mapamura sa sakit... Ang skit sa puso at ang sakit na din sa ulo.

Kumalma na ang tyan ko. Kaya pinilit ko na ring tumayo. Nagtuloy-tuloy ako sa labas at napansin kong wala si Maiah sa kama niya. Ano'ng oras na ba? At bakit wala siya? Magkasama ba sila ni Tony ng ganito kaaga? O magkatabi silang matulog ngayon? Hindi ko maiwasang magselos sa idea na yon. I just... I love her and it deeply hurts every time it reminds me that she chose Tony over me.

Am I destined for unhappy ending?

Lumabas ako ng kwarto. Kailangan ko ng kape para ikalma ang sarili ko. Lalong sumasakit ang ulo ko sa mga pinag-iisip ko.

Naabutan ko sila Daddy at yung Chief ng Elite Team sa living room. The Chief is working on his laptop while talking to someone on the phone.

"O Kyle." pansin ni Daddy.

Tumango ako bilang acknowledgement. "Hey Dad... Where's Maiah?" tanong ko habang sapo ang ulo ko.

I still can't help it but to ask about her. My heart can't help it. Sanay na rin naman kasi akong nakikita siya agad sa umaga dahil lagi kaming magkasama. She's really guarding me 24/7 and it's the first time I didn't see her this early morning.

And I know this is one of the worst effects of rejection and heartbreak.

Napakunot-noo si Daddy. "Hindi ba nagpaalam sa yo? Sabi niya nagsabi daw siya sa yo." sagot ni Daddy.

"About what? I was ... I'm drunk and I just woke up. I can't find her anywhere in our room." and I am still frowning.

"Maiah's on the way for their operation. Pupuntahan nila ang kuta ng mga sindikato."

Nanlaki ang mga mata ko. "What?!"

Fuck! Why does she needs to come? That's too dangerous! At parang nawala na parang bula ang sakit ng ulo ko.

Natigil din sa ginagawa niya si Chief.

"Bakit mo naman pinayagan si Maiah na sumama dun, Chief?! That's too dangerous for her. After all, babae pa rin siya! Big time syndicate ang kalaban nila!" hysterical kong sabi.

Kita ko sa expression ni Chief ang pagkagulat. He's confused with my sudden burst of reaction because Maiah decided to go to this dangerous operation.

"Ano ba, Kyle! You don't have to shout! Maiah insisted to join the group. We tried to stop her but she's persistent." paliwanag ni Dad.

"There's a lot of ways to stop her! Dapat sinabi mo sakin, Dad! Bakit wala akong alam?"

"And if I tell you, can you stop her?"

Napatiim ako ng bagang. "Marami akong paraan kung siya lang naman ang pag-uusapan." at agad akong bumalik ng kwarto.

Nakalimutan ko na yung kape.

Continue Reading

You'll Also Like

21.5M 699K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
1M 19.2K 48
Nagtago siya ng ilang taon pero sapat na ba iyon lara hindi sila mahanap ng kaniyang asawa? Mayroon kayang dadating at mawawala sa buhay niya? Mga si...
614K 1.3K 7
Cleiya Delano has a boyfriend named Morgan Savedra, a successful bachelor in town and the new Chief Executive Officer of the Savedra Company. However...