In His Paradise (Completed)

By Sevenelle

17.6K 474 97

Empress Cabrerra, a typical Manilena who'll set foot on a muddy province. Little did she know that she won't... More

Paalala
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
Author's Note

Kabanata 21

402 11 3
By Sevenelle

Mag-isa

Alas diez ng umaga ang umpisa ng launching ng Mighty-M. Marami ng sasakyan ang nakaparada sa parking lot nito. Ang iba ang pag aari ng guests at ang iba naman ay sa mga shoppers.

Magbubukas pa lamang ito ngunit agad nang dinayo ng mga tao.

Sumabay ako sa sasakyan ni Crane. Nakasuot siya ng pulang long sleeved polo dahil pula ang tema ng launching.

I was dressed in a red strapped cropped top paired with a high waisted white skinny jean. Nag suot din ako ng ankle boots. My hair was curled and pinned to the right side giving a clear view of the left side of my neck.

I was wearing less to no make up aside from my bloody red lipstick. I just wanted to softly highlight my facial features and make it look innocent yet daring.

Nakarating kami sa venue five minutes before the program. Naglakad kami palapit roon at agad namang in-escort ng ilang staffs malapit sa kinatatayuan ni Luke.

He was wearing a red coat and a white V-neck shirt under it. He was standing right there with full of confidence and power. His tousled hair was inflicting both coolness and hotness. The piercing on his right ear glitters every time light touched it.

Nang mapansin kami nito ay dumapo ang kanyang paningin sa braso kong naka-angkla sa braso ni Luke. Matagal na nanatili roon ang malamig niyang titig hanggang sa makalapit kami.

Ngumisi ito at pormal na nakipagkamay sa amin.

"I'm glad you have graced us your presence Mr. Crane Austria and Ms. Cabrerra," aniya at mabilis akong sinulyapan.

Ha! Kapal ng mukha nito. May pa-I'm glad I'm glad ka pang nalalaman matapos mong sirain ang gabi ng kaarawan ko? Pwes, I am not glad to grace you my presence, kung alam mo lang! Wika ng maliit na bahagi ng isip kong hindi pa nakapag move on sa nangyari noong nakaraang linggo.

"The pleasure is ours Mr. Marquez," sagot ni Crane bago ako inalalayan sa tabi niya.

Lihim akong napairap ngunit nakita pala iyon ni Luke. Tinapunan niya lang ako ng walang emosyong tingin bago ibinalik ang tingin sa harap.

"Bato. Semento. Yelo. Asungot. Unggoy," bulong bulong kong sabi.

Pasalamat siya at nasa gitna namin si Crane! Kung hindi ay ewan ko na lamang.

Inabala ko ang sarili sa pagtingin sa paligid maliban kay Luke nang makita ang isa pang taong hindi ko pa handang makaharap.

Violet Mercado sashayed her way to Luke giving him a peck on the cheek. She was wearing a red flowing dress that falls just above her knees. It was simple yet she looked gorgeous.

Nakaramdam na naman ako ng insekyuridad. Bakit ba lagi na lang ipinaparamdam ng mga tao sa nakaraan ko na ang liit liit ko?

Pinilit kong magtago sa katawan si Crane upang hindi ako makita ni Violet. It's not that I was afraid of her. I was just not ready to face her yet. Hindi dahil sa karuwagan kundi ay gusto ko na lamang makalimot.

And to honestly tell you, the presence of the both of them was just too much to bear. Tahimik na lamang akong nagdasal na sana ay matapos na ang launching na ito.

Akala ko ay makakaligtas na ako sa paningin nito ngunit sa kalagitnaan ng programa ay tinawag ang mga sponsors.

Kasama kami ni Crane roon bilang models at wala akong nagawa kundi kaladkarin ang sarili ko paakyat sa improvised platform.

Ibinalandra ang naglalakihang tarps at nagbigay pa sila ng flyers na may mga mukha namin ni Crane mula sa naganap na shoot.

Pagbaba ng platform ay ginawa ko ang lahat para lang huwag magkaroon ng eye contact sa pagitan nino.

Natapos ang launching at hindi pa rin ako nakatakas sa presensya ng mga ito dahil inimbitahan pa kami sa isang hotel reservation bilang celebration.

Hindi naman kami makatanggi dahil nakakahiya. Sa huli ay kinaladkad kong muli ang sarili ko patungo roon.

Kami ni Crane ang nahuling guest na pumasok sa maluwang na dining hall. Maliban kay Luke na kapapasok lang.

Nakahinga ako ng maluwang nang mapansing wala sa loob si Violet. Tama na na isa lang sa kanila ang kailangan kong pakisamahan. Hindi ko na kakayanin kung hanggang dito ay babagabagin ako ng presnsiya nilang dalawa.

Buffet ang stilo ng kainan. May mga waiter ding naglilibot ng drinks at wines.

Sabay kaming kumuha ni Crane ng pagkain ngunit nauna itong bumalik sa upuan dahil hindi ako makapili ng kakainin.

In the end, I settled for a scoop of rice and vegetable salad. I need to be conscious sa kakainin ko dahil may nag aabang na shoot para sa akin sa darating na week end.

Kinuha akong modelo ng isang lingerie shop na mayroon sa loob ng Mighty-M. Lingeries ang isusuot ko kaya hindi pwedeng hindi maganda ang katawan ko.

Pabalik na sana ako sa upuan nang makakita ng prawns. Bigla akong nag crave sa seafood kaya lumapit ako roon.

Nahawakan ko na ang pang ipit nang may nakisabay na humawak rito. It was Luke!

Napatingin kaming pareho sa magkapatong naming mga kamay at halos sabay na nagbawi ng mga ito. Tila napaso sa balat ng isa't isa.

"You go first," aniya at inilahad sa akin ang pang sipit. Dumapo ang paningin niya sa platong hawak ko. "Maraming pagkain. Wag mong tipirin ang sarili mo."

Nag init ang pisngi ko sa sinabi nito. Akala niya ba ay tinitipid ko ang sarili ko?! What the hell?!

Nakaramdam ako ng pagkapikon.

"Hindi ako nagtitipid! I need a perfect figure for an upcoming shoot for lingeries!" Mahinang singhal ko at tinaliman ang titig sa kanya. "Anyway, ayoko na iyang prawns. Nagbago isip ko!"

Umirap ako at nagmartsa pabalik sa upuan. Tahimik akong nagngingit habang tunutusok ang pagkain ko.

Buwisit na Luke! Napakaarogante! Napakayabang! Bakit kailangan niya pang punain ang mga bagay sa paligid? At ano naman sa kanya kung kaunti ang kakainin ko? Siya ba ang magugutom?!

Patapos na ako sa pagkain at may mangilan ilan na ring nag umpisang bumati at nakipag usap.

Hindi ko na muling sinulyapan si Luke dahil baka lumipad lamang ang plato ko sa pagmumukha niya.

Bumukas ang double doors ng dining hall at napatingin ang lahat sa pumasok. Nabitawan ko ang kutsara sa nakita..

Naglakad papasok ang nakangiting si Don Lucas at Donya Cynthia. Sa ilang taong lumipas ay kaunti lamang ang itinanda ng mga ito.

Sinalubong sila ni Luke ng malugod. Tinapik siya ng Don at niyakap ni Donya Cynthia.

"Congratulations anak," wika ni Don Lucas.

"Thank you Papa," sagot nito.

I was froze on my spot when Don Lucas scanned the room of people and stopped when his eyes darted on me.

Hindi ako nakagalaw sa kinauupuan ko. At ang tanging gumagalaw sa katawan ko ay ang puso kong kumakalabog sa loob ng dibdib ko.

Oh God, why do you keep on giving me surprises the past weeks?

Ngumiti ang Don at lumapit. Natigalgal ako sa kinauupuan ko. I was finding it hard to breathe.

"Empress?" Aniya at lumapat ang kanyang kamay sa balikat ko. "Ikaw nga!"

Bumulalas ito at nalulugod akong nginitian. Tumayo ako at pinilit ang sarili na magbigay ng ngiti.

"Opo Don Lucas," sagot ko.

"Tito Lucas. Nakalimutan mo na ba?" Aniya. Ngumiti ako ng awkward. "Ikaw talagang bata ka.."

Gusto ko sanang sabihin na noon iyon. Ngunit nanatiling tikom ang bibig ko.

Inakay ako nito palapit sa kinaroroonan ni Donya Cynthia at ni Luke. Napalingon ang mga ito sa amin, sa akin..

Nanlaki ang mga mata ni Donya Cynthia at lumarawan ang malaking ngiti sa mga labi nito.

"Empress, dear! Lalo kang gumanda!" Aniya at binigyan ako ng mainit na yakap.

Sinuklian ko ito pabalik habang sumusulyap kay Luke na walang ekspresyon sa mukha. Nakatitig lang ito sa amin at hindi nagsalita.

"Kamusta ka?" Tanong ng Donya sa akin.

"Ayos lang naman po," sagot ko. I tried to pull a smile though I know I was failing.

"Timothy, kailan mo ba ibabalik sa probinsya itong si Empress?" Tanong ni Don Lucas.

Napanganga ako sa tanong nito at nag aalangang sinulyapan si Luke. Nakatitig lang ito sa akin gamit ang malamig niyang tingin. Nilunok ko ang namuong laway sa lalamunan ko bago nagsalita.

"Nako, hindi pa ho ako uuwi roon. Marami po akong ginagawa rito sa Maynila," sagot ko.

Abot abot ang tahip ng dibdib ko sa nangyayari. Jusko, pwede bang himatayin na lamang?

"Sige. Kung ganoon ay iimbitahan na lamang kita na magdinner sa bahay ni Luke mamaya," ani Don Lucas.

"That's perfect! Hindi ko iyon naisip, mahal," bulalas ni Donya Cynthia. Literal akong napanganga sa kanilang idea.

What? What the heck?!

Lord, hindi pa ba sapat na nasa paligid si Luke simula kaninang umaga? Hindi pa ba sapat itong lunch celebration at talagang hanggang dinner pa? At may kasama pang Don Lucas at Donya Cynthia!

I think I'm gonna die!

*****

Dumadagundong ang dibdib ko habang nasa loob ng taxi. Papunta ako sa bahay ni Luke sa loob ng isang subdivision rito sa Maynila.

Noong una'y pinilit ng mag asawa na sunduin na lamang ako ni Luke. Ngunit ipinagpilitan ko rin na ibigay na lamang ang address at ako na lang ang pupunta mag isa. Sa huli'y bumigay din ang mga ito.

Kaninang nasa apartment ako ay nagdadalawang isip ako kung tutuloy ba. May parte sa aking nagsasabi na ipinapahamak ko na naman ang sarili ko.. Na hindi magandang ideya na pumunta pa sa bahay ni Luke.

It really smelled danger. Ngunit naisip ko, ilang beses na ba akong napahamak? Ilang beses na ba akong namatay? Ngayon pa ba ako tatakas kung gayong simula't sapol ay ako mismo ang nagdala sa sarili ko sa kapahamakan?

At isa pa, ang kasabikang lumalarawan sa mukha ng Don at Donya ay hindi ko kayang biguin. Lalo na't ipinaramdam nila na sa kabila ng mga pangyayari sa nakaraan ay hindi nagbago ang tingin nila sa akin. Hindi nila ako kinamuhian taliwas sa ipinapakita at ipinaparamdam ng kanilang anak.

Pumasok ang taxi sa loob ng isang mamahaling subdibisyon. Pinahinto ko ito sa nakasulat na address sa phone ko.

Nagbayad ako at bumaba. Nang umapak ang mga paa ko sa harap ng mataas na bakod at magarang bahay ay bumayong muli ang kalooblooban ko.

I pushed the door bell button with my sweaty fingers. Ilang sandali nang sabik na buksan iyon ni Donya Cynthia. Mabilis itong humalik sa pisngi ko.

"You're looking great, Empress," puna niya at inakay ako papasok sa malaking bahay.

"Thank you po," sagot ko at ngumiti.

Pasimple kong pinasadahan ng palad ang ilang kusot sa suot kong mid thigh length black flowing skirt na pinaresan ng black cropped top.

Nangingninig ang mga binti ko sa aking black stilettos at pigil na pigil ang paghinga ko. I was so damn nervous and I felt like flying back to my apartment!

Tumutunog ang aking heels sa makinang na tiles. Pumasok kami sa dining room at naroon na ang mag-ama. Mabilis lang akong tinapunan ng tingin ni Luke bago muling bumalik sa pakikipag usap sa kanyang cellphone.

"Good evening po," bati ko ay Don Lucas.

Napansin kong pinatay na ni Luke ang tawag sa kanyang telepono at itinuon ang pansin sa amin.

"Good evening, hija," wika ng Don at bumaling kay Luke na nakahalukipkip at matiim na nakatitig sa suot ko. "Timothy, aren't you going to acknowledge the presence of Empress?"

Nahihiya akong yumuko at nagkagat labi. Ang totoo ay hindi niya naman kailangang gawin iyon dahil alam kong napipilitan lang din siya sa sitwasyon.

Tumayo si Luke at lumapit sa akin. Hindi ko inaasahan ang paglapat ng isang halik sa gilid ng aking tainga. His teeth slightly grazed the soft flesh of my ear before pulling away and offering the chair beside his.

Nanginig ang mga kamay ko sa panandaliang pagdampi ng mga labi niya at bahagyang pagkagat sa balat ko. Nag iwan iyon ng kakaiba at nakanginginig na sensasyon sa aking katawan.

Wala sa sarili akong naupo sa tabi niya. Pakiramdam ko ay babaliktad ang sikmura ako.

Tahimik kaming kumain. Nabasag lamang ito nang magsalita si Don Lucas.

"Anong pinagkakaabalahan mo ngayon, hija?" Tanong niya at tumingin sa akin.

Nagpunas ako ng bibig gamit ang table napkin bago sumagot.

"Nagtatrabaho po ako sa isang kompanya ngayon at nagmomodelo," wika ko. Tumango tango ito.

"Wala kang nobyo?" Singit ni Donya Cynthia na ikinagulat ko. Hindi ako kaagad nakapagsalita.

"Ma, that's a personal matter," pigil ni Luke sa ina at tinapunan ako ng malamig na tingin.

"Wala po, Tita," nahihiyang sagot ko rito.

Natapos kaming kumain ay pinakiusapan ako ng mag asawa na manatili muna kahit saglit lang.

"I have something to talk about with Cynthia. Empress dito ka muna. Timothy, please entertain our guest," ani Don Lucas na nagpabagabag sa akin.

Lumabas ang mga ito at naiwan kami ni Luke sa loob ng living room. Matinding katahimikan ang bumalot sa amin.

Nakamamatay ang katahimikan sa pagitan namin sa bawat segundong lumilipas. I was sitting awkwardly in the couch about three feet away from him.

Wala akong balak na maunang magsalita. Nang siya na ang unang bumasag ng katahimikan.

"Why are you single?" Aniya at tinignan ako ng malamig.

Noong una'y hindi rumehistro sa isip ko ang tanong niya.

"Huh?" Ang tanging naibulalas ko.

Mas lalo pa akong nagulat nang sakupin nito ang distansya sa pagitan namin at matigas ang itsurang inilapit ang sarili sa akin.

"Tell me, why are you still fucking single all these years?!" Wika niya sa mariing paraan. He stared at me menacingly. His eyes were blazing with controlled anger and emotion.

I was gaping and staring at him in shock. Bumukas ang bibig ko ngunit walang lumabas na mga salita. My heart was smashing hard against my chest.

While I was struggling to find words, he was just there--- staring intently, inching his serious face close to mine and boring his gaze deep into my eyes.

Naamoy ko ang halimuyak ng kanyang pabango. His hot minty breath brushed against my face while he breathed furiously.

"Ano?! Bakit hanggang ngayon ay mag isa ka pa rin! Ako pa rin ba?!" Lumapat ang kanyang mga kamay sa magkabilang balikat ko at inayog ito na parang lalabas sa katawan ko ang sagot kapag ginawa niya iyon.

"Ha, Empress? Ako pa rin ba?!"

I was feeling claustrophobic. His proximity was drowning me into thousands of emotions. Warmth, comfort, longing, sadness, anger.. Everything.

Then suddenly, I was back to my right senses.

Itinulak ko siya palayo.

"Ano ngayon sayo kung hanggang ngayon ay mag isa pa rin ako?! Ano ngayon sayo kung pagkatapos ng ilang taon ay..."

Humikbi ako. Tumulo ang mainit na luha mula sa mga mata ko. Bumigat ang dibdib ko. May kung ano roon na nakadagan.

"..nasasaktan pa rin ako dahil sayo!"

Nanigas siya sa kinauupuan dahil sa sinabi ko. Pinahid ko ang mga luha sa pisngi ko gamit ang mga palad ko.

"Ano ngayon sayo kung hanggang ngayon ay naiwan pa rin ako?! Nakalubog at nag iisa! Masaya ka na ba?! Masaya ka ba na hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin ako! Nasasaktan pa rin ako! Ang bigat bigat pa rin dito!" Singhal ko at itinuro ang dibdib ko.

Nahihirapan akong huminga. Tuloy tuloy ang paglabas ng mga luha.

At bago pa ako makapag isip, lumapat na ang mainit niyang mga labi sa akin.

Continue Reading

You'll Also Like

25.3K 1.4K 56
[COMPLETED] Andrea Ryleigh Santiago becomes the president of section Humility unexpectedly without her will at first. Her classmates keep on botherin...
65.3K 2.3K 52
Panget man sa inyong paningin, may bonggang lablayp pa rin. Iyan si Purita Katigbak ng Brgy. Tralala. Ang babaeng pinagkaitan ng kagandahan ngunit ma...
17.6K 474 34
Empress Cabrerra, a typical Manilena who'll set foot on a muddy province. Little did she know that she won't be able to step back after the Greek God...
19.2K 610 48
Lalaking may isang salita. Lalaking paninindigan ang responsibilidad. Lalaking may takot. At madami pang katangian na meron si Nix Ferguson. Yung ban...