When They Believe The Lie (Co...

By Miss_Aech

148K 5.8K 1.5K

Four hearts will crashed because of one lie. He Hates Me Romantically Side Story 2nd Installment of Chase of... More

When They Believe The Lie
The Beginning
Chapter 1 - #HerFirstLove
Chapter 2 - #Krypton
Chapter 3 - #LittleSecret
Chapter 4 - #ThePromise
Chapter 5 - #FalseAlarm
Chapter 6 - #BreakApart
Chapter 7 - #AnotherStory
Chapter 8 - #Reason
Chapter 9 - #Confession
Chapter 10 - #Number14
Chapter 11 - #Realized
Chapter 12 - #MarlboroGirl
Chapter 13 - #Friends
Chapter 14 - #Afraid
Chapter 16 - #Flavor
Chapter 17 - #Happy
Chapter 18 - #DifferentWorld
Chapter 19 - #WantHer
Chapter 20 - #Reality
Chapter 21 - #Kiss
Chapter 22 - #Downfall
Chapter 23 - #Revenge
Chapter 24 - #Command
Chapter 25 - #Better
Chapter 26 - #Worried
Chapter 27 - #LettingGo
Chapter 28 - #Fate
Chapter 29 - #Call
Chapter 30 - #Removing
Chapter 31 - #Threat
Chapter 32 - #Mine
Chapter 33 - #Protected
Chapter 34 - #MyKryptonite
Chapter 35 - #Smitten
Chapter 36 - #Bite
Chapter 37 - #Unfair
Chapter 38 - #WrongWay
Chapter 39 - #Finally
Chapter 40 - #Melting
Chapter 41 - #Don'tLeave
Chapter 42 - #Danger
Chapter 43 - #Rescue
Chapter 44 - #Care
Chapter 45 - #GiveUp
Chapter 46 - #Fight
Chapter 47 - #Father
Chapter 48 - #Right&Wrong
Chapter 49 - #Mission
Chapter 50 - #Stay
Epilogue (Part 1)
Epilogue (Part 2)

Chapter 15 - #Encounter

2.7K 134 32
By Miss_Aech




"Sa tingin mo? Anong iniisip nung babaeng 'yun?" tanong ni Jett habang tinuturo ang isang babaeng nakaupo sa isang bench at nagbabasa ng libro.

Mag-isa lang siya sa bench may nakasalpak na earphones sa tenga niya. Habang kami naman ni Jett ay nakaupo sa bench din, di kalayuan sa harap nung babae.

"Hmmm, sa tingin ko iniisip niya ang librong binabasa niya. Syempre diba? Kapag nagbabasa ka, iniisip niyo ang mangyayari." sagot ko.

Nakita ko siyang umiling. "If you're going to be a writer, you should think more than what you see. If you want to create a character, to help you create one, you need to observe the people around you..." sagot niya at tumingin sa'kin.

"She's reading and she thinks reading is the only way to escape the reality...kasi malungkot siya. Kasi may problema siya. And then boom, you have some story fabric in your mind," sagot niya at tumingin muli sa babae.

Napangiti ako, "How about yung lalakeng 'yun," sabi ko sabay turo sa lalakeng pa-cool lumakad tapos nakataas noo pero wala namang ibubuga.

"His parents are complimenting him too much. Lumaki ulo kaya pa-cool," sagot niya.

Tumawa kaming dalawa dahil mukhang lahat nang mga tao sa park ginawan na namin ng storya. Ngayong buong summer may trabaho ako sa 7/11 at ngayon kaka-out ko lang at sinundo pa ako ni Jett para daw tumambay muna sa park.

"Dapat di kana nag-part time kasi magkakapera kana sa mga sulat mo," sabi ni Jett.

Ngumuso ako, "Matagal pa 'yun, at least kumikita naman ako araw-araw," sagot ko.

"Birthday nga pala ni Mama sa sabado. Punta kayo sa bahay, ah." anyaya niya.

Tumango ako, "Sure, magdadala nalang kami ni Mama nang kakanin." sagot ko.

"Sige, bayaran ko nalang." sabi niya.

Kumunot ang noo ko, "Wag na uy, regalo nalang namin kay Tita. Plano na'yun ni Mama nung nakaraan..." pagtanggi ko.

Ngumiti siya, "Ah, ganun ba? Sige, salamat." sagot niya.

"Jettro?" isang babaeng nakasuot ng blue dress ang tumawag kay Jett.

Nakangiti itong lumapit samin at kumakaway, "Babe?" patanong na sabi niya habang tinitignan ang babaeng papalapit.

Babe?? Girlfriend niya??!!

Nang makalapit siya ay sumulyap sakin ang babae pero bumalik kaagad kay Jett at ngumiti.

Umupo siya sa tabi ni Jett kaya umusog palapit sakin si Jett. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ng syota niya.

Tsss...may syota na pala siya di man lang nag-shi-share. Tsk. Bakit Kyona? Dapat kailangan niyang sabihin sayo? Pero, kung iisipin close naman kami a? Bakit di man lang nya nabanggit?

Kunsabagay ay di niya naman alam na ex ko si Kram pero wala namang saysay kung sasabihin ko pa kasi nga wala na kami ni Kram, alangan naman ipangalandakan ko pa? Eh kinakalimutan ko na nga.

"Gumagala lang," tipid na sagot ni Jett.

Nakita kong ngumuso 'yung babae, "Sino siya?" tanong niya sabay tingin sakin kaya naman napatingin narin si Jett sakin kaya naabutan nila akong nakabusangot.

Tinuro ako ni Jett, "Ahh siya? Siya si Kyona, friend ko..." sagot niya at bumalik ang tingin sa babe niya.

Lihim akong napairap. Anong friend? Anong friend lang? Special friend kami, ah? Pero sino nga ba naman ang lalakeng magpapakilala sa girlfriend niya na may special friend siya? Psh.

"Babe, si Kyona Penesa a.k.a Reccess sa WriCo (Writers Corner), Kyona si Babe..." pagpapakilala ni Jett samin.

Kumunot ang noo ko, "Babe? Gusto mo din bang tawagin ko siyang babe?" tanong ko.

Kumunot din ang noo ni Jett tapos yung babe niya humagikhik. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Psh.

"Why? Babe ang pangalan niya. Babelyn." sagot ni Jett at medyo namangha.

Napaawang ang bibig ko. What the fudge? "Di mo siya girlfriend?" tanong ko nalang bigla.

Ngayon ay napakagat labi si Jett at umiwas ng tingin, "She's my friend l, Kyon. Wala akong girlfriend..." pabulong na sagot ni Jett sa huling sinabi niya.

Napakagat labi ako at doon ko lang narealize na dire-diretsyo ang tanong ko na parang nagseselos. Kaya umiwas ako ng tingin. Hindi naman ako nagseselos. Naiinis lang ako at ewan ko kung bakit.

Nang makaalis na yung lintek na Babe nayun na Babe pala ang pangalan ay naging awkward ang paligid pero bigla yung binagsak ni Jett.

"Wala talaga akong girlfriend..." sabi niya.

Napatingin ako sa kaniya sa sinabi niya, "Eh ano naman?" tanong ko at umirap saka humalukipkip. Wala naman akong pakialam, a?

Pinunasan niya ang kaniyang ilong na para bang pinipigilang ngumisi, "Eh bakit nakasimangot ka kanina?" tanong niya.

Ngumiwi ako, "Wala lang, may nakita lang." sagot ko.

Eh bakit ko ba dinedeny? Ang totoo niyan ay naiinis naman talaga ako, pero paano kung tanungin niya akong bakit? Anong isasagot ko? Sasabihin ko na hindi ko alam kung bakit naiinis ako? Ano 'yun?

"Sabi mo e." yun nalamang ang sinabi niya kaya napatingin ako sa kaniya. Nakangiti siya na parang ewan. Ngumuso nalang ako.

Bwesit! Bakit ka naman kasi maiinis, Kyona? Ano naman ngayon kung syota niya nga talaga 'yun? Tsk.

Ah, alam ko na! Alam ko na. Alam ko na! Naiinis ako kasi naiinis ako kay Jettro Ian Ramirez kasi isang taon na din kaming magkaibigan at close pa hindi niya man lang sakin nabanggit na may syota siya! Madaya! Madaya siya! Oo 'yun na 'yun....

Pero bakit ganito? Pero bakit ganito ka bilis ang tibok ng puso ko?

-

Sabado at gaya nga ng sabi ni Jett, birthday ni Tita Gloria kaya nandito kami ngayon sa bahay nila Jett. Iilan lang ang imbitado kaya kakaonti lang kami.

Parehas kami ni Jett na wala nang ama. Kaya sila bumalik dito sa Cebu kasi patay na'yung Papa niya. Kaya sila umuwi dito kasi dito ang hometown ng Mama niya.

Maraming pagkaing inihanda sila Tita Gloria at lahat ng ito ay gastos lahat ni Jett. Ang laki nga ng ipinagbago ni Tita Gloria, di na siya masyado nagsisigarilyo sabi ni Jett tapos di narin masyado umiinom. Nag-iisang anak lang si Jett kaya Mama's boy,

"Proud na proud talaga ako sa baby boy ko!" nanggigigil na sabi ni Tita sabay yakap kay Jett. Si Jett naman ay napangiwi at mukhang nahihiya sa mga bisita lalo na sa mga kaedad naming babae na mukhang kinikilig pa.

Napairap ako at tumayo sa kinauupuan ko para kumuha ulit ng pagkain sa lamesa. "Pangatlong balik mo na'yan sa lamesa, di kaya tumaba kana niyan?" may biglang bumulong sa akin kaya naman napapitlag ako at napatingin sa bumulong.

Nagulat pa ako ng malapit ang mukha niya sa akin, bahagya akong lumayo, "A-anong pangatlo? Pangalawa pa lang to!" depensa ko.

"Hindi, pangatlo mo na'yan! May cake pa doon, kuhanan kita para tumaba kana," sabi niya at umikot para kumuha ng cake.

Nginitian niya pa ako ng nakakaloko tapos nagulat pa ako na ang laki laki ngpag-slice niya sa cake. "H-hoy! Konte lang!" puna ko sa kaniya sabay lapit sa kaniya at pinigilan siyang ilagay 'yun sa pinggan ko.

Para tuloy kaming mga baliw dito tapos nung nilagyan niya ako ng icing sa pisnge, gumanti din ako.

"Mama, oh! Nag-aaway nanaman si Ate Kyona at si Kuya Jett!" sumbong ni Khrisa sabay turo sa amin.

Kinantyawan tuloy kami nang mga bisita. Mga kapitbahay lang naman namin ang mga bisita at iba pang mga kaibigan ni Tita pero kalabanan ay mga tiga rito lang din.

"Bagay na bagay silang dalawa, hindi ba?" sabi nang matandang lalake na nakatira sa tapat ng bahay namin. Si Lolo Norbing, ang papa ni Ate Mimi.

"Sinabi mo pa, Norbs! Nakikita ko 'yan palagi, kahit noong high school pa sila..." sagot naman nung matandang babae na nasa kabilang kanto lang sa amin na si Nanay Dora.

"Ay, Nay! Wala pa ho dito si Jettro nung high school," puna ni Tita Gloria.

"Ah, ganoon ba? Eh sino pala 'yun?" tanong ni Nanay Dora.

Napakagat labi ako nang marealize kung sino ang tinutukoy nila.

"Kilala ko ang lalakeng 'yun! Napakabait na bata at mukhang mayaman pa! May magarang na kotsye at laging nililibre ang mga batang nakatambay sa labas ng bahay nila Kara noon..." sagot naman ni Lolo Norbing.

Sumang-ayon naman ang iba na kilala daw nila 'yun.

"Si Kuya Kram!" biglang sagot ni Khrisa. "Si Kuya Kram 'yun!" ulit niya pa.

Tinakpan ni Mama ang bibig niya. Mahirap kung matalino ang kapatid mo kasi natatandaan niya lahat. Tsssk!.

"Oo, tama. Si Kram! Nasaan na nga pala 'yun, hija?" tanong naman ni Aling Jacquilyn. "Baka naman mayroong Kuya 'yun at maireto sakin," kinikilig na sabi ni Aling Jaquilyn.

Umiling ako, "Wala, Ate." sagot ko. Si Aling Jacquilyn talaga. Palibhasa ay malapit nang mawala ang edad sa kalendaryo kaya naghahanap na ng mapapangasawa.

"Sayang ang batang 'yun, pero nandiyan naman si Jettro, mas bagay kayo..." sabi ni T'yo Billy, ang isa ding naghahanap nang mapapangasawa.

Umiling-iling na lang ako. Wala na nga si Kram pero palagi naman siyang pinag-uusapan. Kung hindi sila ay pinag-uusapan din sa facebook, mga kabataan na kumakain sa 7/11. Mamamatay puso lang naman 'yun.

Kinabukasan ay pumasok na ako sa trabaho sa 7/11. Kahit bakasyon ay marami paring tumatambay dito at kumakain. Masaya naman dito kasi friendly naman ang mga katrabaho ko.

Oras na para mag-out ako pero bago paman ako mag-out may inutos pa sakin ang manager namin na ayusin ang mga cones para sa ice cream.

Biglang may pumasok kaya napatingin ako roon. Nang makita ko kung sino 'yung pumasok ay nabitiwan ko ang cone na hawak ko buti nalang at hindi sa floor tumama.

Lumapit si Kram sa counter habang nakatutok sa phone niya kaya di niya ako nakita. Si April na ang umasikaso sa kaniya na papalit sakin. Ang mga tingin ni April ay namamangha. Shit! Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ayoko na talagang makita pa ako ni Kram. Ilang buwan na ba akong nagtatago sa kaniya?

Yumuko ako at aalis na sana pero tinawag ako ni April, "Girl, ikaw na maglagay ng ice cream. Sir, lapit ka lang doon sa kaniya." sabi ni April.


Umakto akong umuubo habang nakayuko parin at nakatakip ang mukha, "Ikaw na, April, inuubo ako baka mahawaan lang si, S-sir." inipit ko pa ang boses ko para di mahalatang si Kyona ito pero nang sumilip ako sa kaniya ay mukhang abala naman siya sa cellphone niya.


Inagaw na nga sa akin ni April ang cone at siya na gumawa. Bago ako tuloyang umalis ay sumulyap muna ako kay Kram na ngumingiti habang nakatingin sa phone.

Mabigat parin sa pakiramdam pero pakiramdam ko unti-unti nang humihilom ang sakit. Unti-unti na talagang nasasanay ang puso ko.

-

Bigla akong nagising sa pag-alarm ng cellphone ko. Pagkauwi ko galing trabaho pagkatapos tumulong gumawa nang kakanin ay natulog ako kaya sobrang pagod ako. At dahil maya-maya pa si Mama dahil nasa restaurant siya at cook doon ay nagpa-alarm ako para sumaing.

Si Khrisa naman ay dala naman ni Mama kasi nga gusto siya doon ng may-ari at may kalaro namang mga bata kaya mag-isa lang ako sa bahay at ewan ko kung bakit pa ako pinagsasaing e ako lang naman ang kakain nito kasi busog naman sila pag-uwi nila.

Lumabas nalang ako ng kwarto at tumambay sa salas. Tinatamad akong magsaing kaya umupo nalang ako dito sa salas at nakatutok rin sa laptop.

Nagulat nalang ako nang may bumusina ng malakas sa labas. At nang silipin ko sa labas ay nakita ko ang pamilyar na sasakyan. Kotsye 'yun ni Dewlon! Lumabas sa front seat si Kirt at dumiretsyo pasok sa gate na hindi pala na-lock papasok sa bahay kaya sinalubong ko siya.

"Samahan mo kami, dali! Magbihis kana!" excited na sabi niya at hinila na ako papasok sa kwarto.

Kahit anong apila ko ay halata namang pwersado akong sumama sa kanila. Hanggang sa ayun, nakapagpalit na ako ng pang-party na damit. Alam naman niyang di ako sanay dito kahit medyo stupida naman ako noong high school at happy go lucky ay di ako mahilig sa ganitong klaseng lugar.

Pagkapasok namin ay marami nang taong nagsasayawan kahit ala sais pa lang naman ng gabi. Agad kong nakita si Nicaela kasama si Zander sa isang lamesa. Bigla naman akong kibahanan. Kapag andyan si Zander, andyan si Kram.

At nakita ko pa sa bandang roon ang mga co-players ni Kram sa baskeball. Si Gian at ang iba pa...

"Oh andyan na pala kayo!" sabi ni Nicaela na may hawak na wine glass.

"Uy, Minor ka palang ah." puna ni Kirt sa kaniya.



Umirap si Nicaela, "Magbibirthday naman ako next next week so it's okay." sabi niya.

Sa mga nagdaang buwan ay nakasanayan ko nang makasama sila Nicaela at kahit noon ay naiinis ako ngayon ay binabawi ko na. Mababait naman sila at totoong kaibigan.

"C'mon guys. Nandoon si Dreena sa taas kasama si Kram." sabi ni Nicaela at tinuro ang taas kung saan may pangalawang palapag pa ng mga taong nagsasayawan din.

Nanlaki ang mata ko at sumabog na ang kabang nararamdaman ko. Si Dreena? Andyan na siya!? At sino pa daw? Si Kram? Ayoko...ayoko pa. Ayoko pa silang harapin ng sabay.

Napabitaw ako sa pagkakahawak ni Kirt sa braso ko. Tumingin siya sakin. "Kirt uuwi na ako." sabi ko at tatakbo na sana paalis pero hinawakan niya ang braso ko.

Seryoso ang kaniyang mukha, "Kyona hanggang kailan pa ba? Magkaayos na kayo ni Dreena..." pakiusap niya.

Napaawang ang bibig ko. Tumungo ako at napakagat labi, "Kirt, please...hayaan mo muna akong mag-isip. Hindi na ito tungkol noon o tungkol kay Kram. Tungkol na to ngayon sakin..." malungkot na sabi ko at inalis ang kamay niyang nakahawak sa braso ko pagkatapos ay umalis.

Tungkol parin to kay syempre, pero mas tungkol na ito ngayon sakin. Kailangan ko nang kumalimot kasi hindi na ito dapat. Kasi kailangan na ng puso ko ng kapayapaan.


Nang sa wakas ay makalabas ako sa parang bahay na parang bar ay huminga ako ng malalim. Grabe! Sobrang dami nang tao at iba't-iba ang mga amoy nila. Para akong nahihilo na ewan dahil sa mga iba't-ibang ilaw sa loob.

Aalis na sana ako nang makita si Kram na nakatingin sakin ng diretsyo. Nanlaki ang mata ko at napaawang ang bibig. Madilim ang kaniyang tingin at marahas ang kaniyang paglakad palapit sakin.


"Bakit ka nandito?" tanong niya at nakakunot noo.

Fuck. Ito nanaman ang puso kong muling nabubuhay.

"Paalis na ako." sagot ko at iniwas ang tingin sa kaniya.

Ilang buwan na ba simula nang magtama ang mga mata namin? Ngayon ko nalang nakasalubong ang kaniyang mga mata at sobrang naiilang ako.


"Sinong kasama mo pauwi?" tanong niya kung kaya't nabuhay na ang tinatago kong nararamdaman sa kaniya.


Bakit ganoon? Bakit ang dali lang bumalik kaagad? Pero, tama na. Oo nga at mayroon pang natitira pero ayoko na kasi sumusobra na.


"Mauna nako." sagot ko habang di parin siya tinitignan.

Bigla niyang hinawakan ang braso ko kaya naman pakiramdam ko ay para akong kinukuryente.


Nang magtama ang mga mata namin ay nanghina ako. Puno nang galit ang lungkot ang bumalot sa mga mata niya.

Tumingi siya sakin pero umiwas tumagal sa pagkakatitig na mukhang naiilang din, "K-kamusta kana?" tanong niya sa mababang boses.

Parang may kung anong kumirot sa puso ko, pero parang mayroong nagbago. Wala na yung sobrang sakit na nararamdaman konkapag ganito siya. Hindi narin ako naiiyak kahit masakit na.

Oo alam ko mayroon pa akong nararamdaman para kay Kram, pero alam ko rin na unti-unti na itong nawawala.

Ngumiti ako ng mapakla, "Ayos lang, buhay pa at masaya..." sagot ko ng pabulong.

Nang magtama ang mata namin ay mas lalong kumirot ang puso ko. Unti-unti niyang binitiwan ang braso ko. "Mabuti naman..." sagot niya at tumagilid.

"Sige, ingat sa pag-uwi..." huling sabi niya at pumasok na sa loob.

Shit. Bakit kasi kailangan pa namin magkita ulit?

**
Don't forget to comment ang vote. :)

Continue Reading

You'll Also Like

637K 39.8K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
3.1M 120K 39
Alas Ferrer is blind. After witnessing the death of his sister and father before his eyes, he refused to continue living and see again. Alas was sent...
6.2K 791 125
MERAKI TRILOGY 2 | Completed An epistolary... Are you familiar with RPW? In other words, pekeng mundo. Have you ever been into this world? If not...
10.6K 642 63
Amoureux Series #1 A life full of love and happiness that's the life of Elijah Manalo, a life that everyone wants to get, a life with a solid squad a...