THE REALMS 1 [Unedited.Comple...

By amer0127

7.3K 401 869

Hinati ni Eliah sa labingdalawang Realm ang dati'y isang kontinente. Ang Geran, Depir, Serihch, Keenl, Merad... More

NOTE:
THE REALMS BOOK 1
PROLOGUE:
THE REALMS: BOOK I
REALM GRAPH
1: AIY
2: HART
3: BLACKAMOORLUNA
4: GEOLUHĂ€R
5: REALYANSA
6: YLNAFIZEI-YSBBAH
7: SUPRAMISIA
8: GEOENKANTHIZ
9: LABIMBAKAS
10: MANSON
11: RODRIA
12: BIYAYA
13: JINN
14: MADRASTA
15: DEPIR
16: WALUMPU
17: DRAGO
18: REPTUS
20: VERRI
G L E N N

19: INFERNIS

186 9 8
By amer0127


Isla ng Jolif
(Traveil Realm)

"Ano ang iyong pakay sa isla ng mga dragon, madastra Lilith?" magalang na tanong ni Anton habang nakatanaw sa papalubog na araw.

Nakap'westo ang dalawa sa isang talampas malapit sa batuhang bundok at mula roon ay minamasid ng babae ng kadiliman ang bahagi ng gubat na natupok ng apoy.

Nang mapansin ay nabaling din ng tingin doon si Anton. "Mukhang may sagupaang naganap sa dakong iyon,"

"Matinding sagupaan, Anton, napaka-interesante talaga ng mga dragon," nakangising tugon ni Lilith

"Tila yata mayroon kayong binabalak?"

"Malalaman mo rin, Anton, nalalapit na," saka ito humalakhak.

Naantala ang usapan ng dalawa matapos magliparan ang mga dragon patungo sa batuhang bundok. Saglit na nabaling ang tingin nila roon.

"Sa oras na manumbalik ang buo kong kapangyarihan, hindi magtatagal ay mababawi rin natin ang mga bagay na ninakaw ng liwanag mula sa atin, at ang mundo ay sasakupin ng Infernis," pagkasabing iyon ay sabay silang naglaho sa kawalan.




-----

GERAN.

Ang realm na pinamumugaran ng mga pinakamamalakas na tao. Ang mga Geronos(tawag sa mamamayan ng Geran) ay sadyang hinubog sa pakikipaglaban sapagkat iyon ang layunin ng Ylzeimt Geronos noon pa man, Ang pisikal na lakas ang magliligtas.

Ang Geran ay nasa kanluran ng Eloim Osean na kadikit na bansa ng Depir. Probinsiya ng Gyban-Depir at probinsya ng Birse-Geran ang hangganan at dagtutugtong sa dalawang bansa. Sa pagitan ng dalawang probinsiya ay nakatayo ang matayog na pader na binuo ng mga Geronos upang maging tanda ng hangganan ng isa't-isa. Sa harang na iyon ay mayroong isang lagusan upang makatawid ang mga tao sa bawat realm.

Noong gabing iyon, mula sa kampo na nasa taas ng pader ay natanaw ng isang Geronos ang ilang taong mabilis na tumatakbo palapit sa sa lagusan.

Nagbigay siya ng hudyat sa mga kawal na nagbabantay sa lagusan upang bigyang pansin ang mga taong palapit sa kanila.

Nang makitang sugatan ang mga ito ay agad nilang tinulungan at dinala sa pinakamalapit na pagamutan sa probinsiya ng Birse.

Ilang minuto matapos ang pagliligtas sa mga Depiriang sugatan ay may mga dumating na blackamoorluna.

Sinalakay ng nasabing grupo ang mga Geronos na kawal at ginapi. Pagkatapos ay tinawid ng mga blackamoorluna ang lagusan at sinalakay ang lahat ng makitang baryo sa probinsiya Birse. Dumanak ng dugo nang gabing iyon.

Eksakto naman na nasa lugar na iyon si Fahrouk. Ang protektor ng Geran.

Kayumanggi ang kulay. Malaman ang katawan na halatang hubog sa ensayo. Anim na talampakan ang taas. Ang Geoluhàr ay mababakas sa gitnang bahagi ng buhok hanggang sa likuran. Maliban sa balabal na nakapalupot sa leeg ay wala siyang suot na damit pang-itaas kaya sambulat ang malulusog niyang kalamnan sa dibdib, braso at tiyan. Sa kanang bahagi ng braso ay natatak ang simbolo ng Geran, ang maabong alupihan.

Mula sa kulay abong dragon ay tumayo ito at tinanaw ang mga kabayahang natutupok.

"Rodria!"

Kasabay ng pagsabing iyon ay ang mabilis na pagtalon nito mula sa sinasakyang dragon.

Nang matukoy ng protektor ang mga kalaban ay mabilis itong nagpalabas ng bilog-mahika. Mula roon ay nagsulputan ang kulay puting usok na nagkorteng patalim bago bumulusok sa mga blackamoorluna.

Maraming namatay na kalaban at nasawi subalit marami rin ang naka-iwas.

Eksaktong pagbaba ng Geronos sa lupa ay siya namang pag-atake ng dalawang kalaban na mayroong taglay na kapangyarihan.

Isa sa likod at isa sa harap.

Mabilis ang mga ito na nagpalabas ng itim na bilog-mahika at mula roon ay bumulusok patungo sa protektor ang mga maliliit na itim na bolang enerhiya.

Magkakasunod na sumabog ang mga iyon matapos tumama sa kinaroroonan ng Geronos. Napangisi naman ang dalawa sa pag-aakalang tapos na ang laban. Subalit nagkakamali sila.

Sa hindi malaman na dahilan ay bigla na lamang naputol ang magkabilang braso ng kalabang nasa unahang bahagi. Napahiyaw ito sa gulat at sakit samantalang nahintakutan naman ang ikalawang kalaban kaya mabilis itong tumakbo.

'Wag ka ng magtangka," bulong ni Fahrouk na nakasampa na pala sa balikat ng tumatakbong kalaban.

Gamit ang mga hita ay binali nito ang leeg ng kalaban at saka ihinampas ng pabaliktad sa lupa. Walang buhay itong lumagpak sa lupa.

May dumating ulit na tatlong kalaban na sasalakay pa sana subalit mabilis na tinapos ng bagong dating na Geronos.

"Ikalimang heneral, Blaster," nakangiting saad ng protektor matapos itong lapitan at kamayan.

"Paumanhin kung nahuli ako ng dating protektor Fahrouk," ani ng ginoo sa malaking tono ng boses habang nakayukod. Sa pustura ng katawan nito ay parang bato-bato at puno ng pilat ay masasabing mabangis ang ginoo sa pakikidigma.

"Protektor Fahrouk, Ikalima, sinalakay ng mga blackamoorluna ang hangganan ng Depir at Geran," eksena naman ng isang kawal na kadarating lamang.

"Paano ito nagsimula?" Malumanay na tanong ng protektor.

"Marahil ay tinutugis nila ang mga Depirian na aming sinagip, nasa pagamutan ng Birse ang anim na kataong iyon, maaari niyo po silang kumprontahin."

Pagkasabing iyon ay mabilis nilang tinungo ang pagamutan. Ang ikalimang heneral naman kasama ng iba pang kawal ay nagtungo sa mismong pader-balaybay upang kalabanin ang natitirang blackamoorluna sa lugar na iyon.

Pagdating ni Fahrouk sa pagamutan ay doon niya nakita ang isang matangkad na babae kasama ang may kaliitan lalaki na nahihimbing ng tulog. Ayon sa manggagamot ay ang dalawang ito na lamang ang naisalba sa kamatayan.

Samantala, sa bilis ng aksyon na ginawa ng mga Geronos sa pangunguna ni heneral Blaster ay natugis lahat ang mga sumalakay na kalaban. Naisara na rin ang lagusan sa pader-balaybay.

Mula sa mataas na harang ay tinanaw ng maskuladong heneral ang kabilang bahagi ng pader. Ilang saglit ay nakaaninag siya ng maliit na liwanag mula sa malayo, habang tumatagal ay parami ito nang parami hanggang sa halos mapuno ang buong kagubatan. Doon niya napagtanto na mga tao ito na may hawak na sulo.

"Sino ang mga iyan?" tanong ng isang kawal habang nakatingin sa mga tao sa ibaba na bahagi ng Gyban ng Depir.

"Mga blackamoorluna," mahinang sambit ng ikalimang heneral.

"Bakit nasa Gyban sila at napakarami?" sabad ng isa pang Geronos.

"Mukhang may hindi magandang nangyari sa Depir," tugon ni Blaster. "Maghanda kayo," saka bumaling ang ginoo sa mga kasapi na nasa itaas ng pader. Pagkatapos ay tumawag siya ng dal'wang kawal. Ang isa ay inutusan na magtungo kay protektor Fahrouk habang ang isa pa ay nagpadala ng mensahe sa haring Geronos gamit ang agila.

Mula naman sa ibaba, isang kilometro ang layo ay ngumisi lang si Josef habang nakatanaw sa hangganang pader. Pagkadaka ay hinarap nito ang mga kasamang blackamoorluna na umaabot sa tatlumpong libo ang bilang.

Tumawag siya ng pitong katao na lumapit sa kaniya. Matapos iyon maganap ay magkakasunod niyang sinaksak sa puso ang pito at saka iwinisik ang mga dugo nito sa lupa.

Nagkaroon ng korteng bituin na may anim na anggulo kasunod noo ay naglitawan mula roon ang mga sinaunang letra.

Matapos magbigkas ng sinaunang salita ay biglang umilaw ang simbolong nabuo sa lupa. Pagkaraan ng ilang minuto ay humangin ng malakas dahilan upang mamatay ang mga sulo. Kasunod noon ay unti-unting nilamon ng lupa ang patay na katawan ng pitong lalaki.

Nang tuluyan ng mawala ang mga katawan ay nagkaroon ng kulay itim na lagusan sa gitna ng simbolo. Mula roon ay lumitaw ang napakalaking kamay na may mahahaba at matatalim na kuko, mabalahibo, mabaho na parang naagnas na.

"Kamay ng Infernis, magpakita ka ng bangis!" sigaw ni Josef.

Mula sa kinaroroonan nina Blaster ay biglang nabaling ang kanilang atensyon matapos nawala ang liwanag sa ibaba.

Kitang-kita ng ikalimang heneral kung paano kumorte ang isang itim at napakalaking bola ng enerhiya mula sa isang dambuhalang kamay.

Nang kumislap ito ay mabilis na napasigaw ang ginoo sa mga kasama.

"Magtago ang lahat!"

Hindi pa man natatapos ang heneral sa pagbigkas ay tumama na ang itim na bolang enerhiya sa mataas na pader.

Isang nakapangingilabot na pagsabog ang naganap.



-----

OZHGO.

"Baronprotektor!"

Nagising si Cazmir ng may tumawag sa kaniya mula sa kung saan. Umalingawngaw ang garalgal na tinig babae kaya naman napabalikwas siya ng bangon.

Mula sa pintuan nang kilalagyang silid ay tumambad ang isang ginang na nakatayo paharap sa kaniya. Hindi maaninag ang mukha subalit base sa boses ay masasabing isa itong matanda. Nakalutang ang babae at kung mamasdang maigi ay parang isa itong uri ng espiritu.

"Sino ka?"

Hindi umimik ang ginang, sa halip ay tumalikod ito na wari'y pinasusunod siya sa kung saan. Sinundan nga ito ng baronprotektor hanggang sa marating ang isang silid aklatan.

Pagpasok sa nasabing silid ay nawala itong parang bula

"Nasaan ka? Sino ka?" sigaw nya.

"Kailangan mong sumama sa akin, sa lalong madaling panahon," isang tinig mula sa kawalan ang biglang nagsalita.

"Sino ka ba?"

"Wala na tayong oras, baronprotektor, madali ka at ipakikita ko sa'yo ang Infernis."

Muling lumitaw ang prisensya ng matanda at pagkahawak nito kay Cazmir ay hindi na nakagalaw ang huli. Napako ang baronprotektor sa kinatatayuan kaya sinubukang nitong ilabas ang Rodria at gumamit ng mahika subalit nabigo siya.

Marahan silang hinigop ng isang lagusan patungo sa kung saan.



-----

Patakbong tinungo ni haring Conrad ang silid ni Cazmir matapos mabasa ang isang mensahe mula sa realm ng Geran.

"Baronprotektor," sigaw ng batang hari. Subalit nagulat siya ng wala siyang maabutan sa silid.

Saglit na gumala si Conrad sa buong silid upang hanapin si Cazmir subalit hindi niya ito nahagilap maliban sa Rodria na nakalapag lamang sa sahig malapit sa pinto.

Nakaramdam ng hindi maganda ang batang hari kaya napadulog ito ng dasal sa manlilikha.

"Mahabaging, Eliah, anong nangyayari sa aming mundo? Tulungan mo po kaming makayanan ang mga ito."

Continue Reading

You'll Also Like

9.5K 657 62
(Completed) TCPAA - New Generation: In a world filled with deception and hidden truths, a story unfolds. One lies, one secret, and one mistake intert...
9.7M 529K 39
Ang Unang Serye. "Isang araw, nagising na lang ako sa loob ng kuwentong isinulat ko." Natuklasan ni Faye na nagagawa niyang makapasok sa kuwento na k...
89.1K 1.7K 62
UNDER EDITING [ A not so ordinary story of demons and angels | Fallen book #1 | Tagalog ] Not all those who has white wings are good, and not all tho...
4.9M 226K 36
Dark Series #1 "Every game has a story." *** Our life is a game. Each of us has our way on how to play it. Some want it to be as simple as possible...