THE REALMS 1 [Unedited.Comple...

Par amer0127

7.3K 401 869

Hinati ni Eliah sa labingdalawang Realm ang dati'y isang kontinente. Ang Geran, Depir, Serihch, Keenl, Merad... Plus

NOTE:
THE REALMS BOOK 1
PROLOGUE:
THE REALMS: BOOK I
REALM GRAPH
1: AIY
2: HART
3: BLACKAMOORLUNA
4: GEOLUHÀR
5: REALYANSA
6: YLNAFIZEI-YSBBAH
7: SUPRAMISIA
8: GEOENKANTHIZ
9: LABIMBAKAS
10: MANSON
11: RODRIA
12: BIYAYA
13: JINN
14: MADRASTA
15: DEPIR
16: WALUMPU
17: DRAGO
19: INFERNIS
20: VERRI
G L E N N

18: REPTUS

194 10 18
Par amer0127


"Baronprotektor, maaari mo ba akong bigyan ng ilang payo upang magtagumpay ako sa pagpapaamo ng dragon."

Lumingon si Cazmir sa baguhang protektor. "Kailangang maging ganap ang iyong supramisia."

"Maging ganap? Paano?"

"Sadyang mailap ang mga dragon, subalit kung ganap ang pagdaloy ng supramisia sa buo mong pagkatao ay hindi ka mahihirapan. May mga pagkakataon pa nga na dragon na mismo ang lumalapit sa isang protektor gaya ng aking tiyo noon na si protektor Axeliz."

"Talaga? manghang sambit ni Ram na pagkalaon ay dinama ang sarili. "Paano ko naman magagawa ang ganoon?"

"Iyan ang dapat mong matutunan. Isa pa nga pala, Ram. Puno ng kababalaghan at kakaibang nilalang ang isla ng Jolif, mag-ingat kayo."

Biglang napadilat si Ram. Habang nakahiga at puno ng pagtataka ay nilibot niya ng tingin ang paligid. Naroon siyang muli sa nakatumbang puno kung saan siya pansamantalang nagpahinga bago suungin ang yungib.

"Mabuti'y gising ka na,"

Napatingin ang binata sa pinagmulan ng tinig. Si Aliyanah.

Tumayo ang kanina'y nakaupong binibini habang nakatunghay kay Ram. "Mukhang ayos ka naman na, maiwan na kita," saka ito humakbang palayo subalit muling natigilan ng marinig ang binata na uminda ng sakit dahil sa pagpilit ng kilos.

Doon lang napagtanto ni Ram na puno pala siya ng galos at paso sa katawan.

"A-anong nangyari?" marahang sumandal ang binatang protektor sa gilid ng puno.

"Muntik na tayong mamatay," mahinhin man ang tinig ay ramdam tikas sa prisensya ng dalagang protektor.

Nang marinig ni Ram ang mga sinabing iyon ng kausap ay saka niya lamang naalala ang mga nangyari.

Noong nasa kweba sila ay may kung anong nilalang ang sumalakay sa kaniya. Bago pa magamit ang salamangka ay nagbuga na ang nilalang ng apoy na nagdulot ng napakalaking pagsabog. Pagkatapos noon ay nawalan na siya ng malay tao hanggang sa magising na lang na kasama si Aliyanah.

Mabagal na tumingala si Ram upang masdan ang sikat ng araw na natatakpan ng matatayog na mga puno. "Ilang oras na kaya akong natutulog? Nakakahiya," sambit niya sa isipan.

"Labindalawang oras kang tulog," ani Aliyanah na akala mo'y nabasa ang isip niya.

Muling nakaramdam ng pagkailang si Ram matapos marinig iyon kaya siya napabulong. "Ganoon katagal niya akong binantayan? Napakamaalalahanin niya nama—"

"Huwag mong isiping nag-aalala ako sa'yo kaya kita binantayan, nagkataon lang na ito ang pinakaligtas na lugar sa ngayon, dahil naabala natin ang mga Reptus,"

"R-reptus?"

Tumango si Aliyanah bago muling umupo kaharap ang binata. Nakadama na naman si Ram ng pagkailang subalit hindi niya ipinahalata.

"Sila ang mga nakasagupa natin kagabi—sila ang nais kong mapaamo."

Halos nanlaki ang mata ni Ram sa narinig. "Hindi naman sila mga dragon—"

"Dragon din sila subalit natatangi, ibang uri sila ng dragon."

Nanahimik saglit ang binata at muling inaalala ang itsura ng nasabing nilalang. Naglaro sa utak niya ang wangis ng Reptus na animo'y dambubalang sawa na mayroong apat na paa. Parehong matatalim at mahahaba ang mga kuko't pangil ng nilalang. Matayog ang dalawang sungay, puno ng balahibo ang mukhang bahagi at buong likuran nito hanggang sa pinakadulo. Nakakatakot ang mga mata, amoy asupre, bumubuga ng apoy at higit sa lahat ay mabangis at mapaminsala. Malayo sa dragong inaakala niya.

Muli siyang bumaling kay Aliyanah at nagwika, "Subalit ayon sa baronprotektor ay wala naman dragon na bumubuga ng apo—y."

"Ang Reptus," mahinhin na supladang tugon ng binibining protektor.

Napakibit balikat ang binata habang minamasdan si Aliyanah na muling tumayo at humakbang palayo. "Iiwan mo na—"

"Kukuha lang ako ng makakain natin," naputol na naman sa pagsasalita si Ram. At dahil na rin sa sinabi ng babae ay saka niya lang napansin na nawawala na ang supot na ibinigay sa kaniya ni Cazmir.

"Nalalaglag siguro sa kweba," anang isip ng binata.

Nang tanghaling iyon ay sabay na kinain ng dalawang protektor ang mga isdang nahuli ni Aliyanah. Habang ngumunguya ang dalaga ay hindi maiwasan ni Ram na sulyapan ito. Kahit saan kasing anggulo tingnan ay talaga namang napakarikit ng binibini.

"Baka matunaw ako niyan," sita ng binibini bago nagtuloy sa pagkain.

Nahiya naman si Ram kaya mas binilisan na lang nitong ngumata.

Nang matapos sa pagkain ay pansamantala silang nagpahinga habang ninanmnam ang payapang kapaligiran.

Muling napalingon si Ram sa dalagang nakasandal sa gilid ng punong nakatumba. Tahimik ito at nakapikit subalit alam ng binata na hindi ito tulog, nakikiramdam lamang sa mga maaaring mangyari.

Nang mamasdan ni Ram ang mukha ng binibini ay mas lalo siyang nahumaling rito. Ang mata, kilay, ilong, labi, at buong wangis ay perpekto. Maituturing na diyosa ang taglay na kagandahan ni Aliyanah.

"Mapapamahal talaga ang kahit sino," anas ng isipan niya habang patuloy na nakamasid sa kabuuan ng babaeng protektor. Naantala lamang siya ng bahagya itong gumalaw kaya kunwari'y lumingon si Ram sa ibang dako. Nabawi lang ang tingin ng binata nang marinig na humihilik na ang binibini.

Napangiti ng bahagya si Ram at masaya itong minasdan. "Kahit ang paghilik niya, mahinhin pa rin—pero suplada, mahinhin na suplada," Nilapitan niya ito at isinandal ng maayos dahil sa matutumba na. Hindi naman nagising ang babae sapagkat malalim na ang pagtulog nito, halatang napagod at napuyat kagabi.






------

Nagising si Aliyanah matapos masilaw  sa apoy ginawa ni Ram. Madilim na ang paligid, bukod sa liwanag ng buwan at mga bituin ay ang siga ang nagbigay tanglaw sa paligid nila.

Tumayo ang dalaga matapos alisin ang kasuotan ni Ram na nakatabing sa kaniyang katawan habang natutulog kanina.

"Kain na," anyaya ng binata na nakasandal sa isa pang puno na hindi kalayuan sa pwesto ng dalaga.

Sa harap ng binata ilang hakbang ay makikita ang siga na may karne ng kuneho sa ibabaw na iniikot-ikot niya. "Sakto at luto na ito." Hinati niya ang karne kahit mainit pa kaya naman napaso siya subalit hindi nagpahalata si Ram upang hindi mapahiya. "Ang init!"

"Salamat,"

Habang nilalantakan ang karne ng kuneho ay nagbukas ng usapan ang binatang protektor.

"Nga pala," aniya bago nilingon ang binibini. "Hindi pa ako nakapagpasalamat—kaya s-salamat sa pagligtas sa akin sa kweba."

"Walang anuman, sigurado akong ganoon din ang gagawin mo, kung sakaling ako naman ang malagay sa panganib. Mga protektor tayo, iyon ang layunin natin—ang magligtas."

Natuwa si Ram sa narinig. "Hindi naman pala siya ganoon kasuplada," sabad ng isipan niya. "Salamat ulit—maiba tayo, ilang taon ka ng nagsisilbi bilang protektor ng Traveil—"

"Eksakto isang taon ngayon," mabilis na wika ng Traveilis kaya hindi na umimik ang binata. "Hindi mo ba itatanong ang tungkol sa amin ng hari?"

Halos mailuwa ni Ram ang kinakain dahil sa sinabing iyon ng kausap. "Ah- kasi," napa-ubo ng kunwari ang binata.

"Totoo na ako ang magiging ikawalumpu niyang asawa," seryosong sambit ni Aliyanah.

Napabaling na lang kunwari ang binata sa kinakain nito upang hindi mapaghalataan na interesado siya sa sinabi ng kausap. Nakakagulat sa parte ng Meradian na bigla itong nalahad ng ganoong klase ng talakayin kahit hindi pa naman sila gaanong magkakilala.

"Siyam na taong gulang pa lamang ako ng paslangin niya ang aking mga magulang at simula noon ay kinukupkop niya ako upang gawing asawa. Sa oras na maging ganap akong protektor ay ikakasal na kami."

Hindi alam ng meradian protektor kung anong mararamdaman sa mga inihayag ng binibini. Parang hindi ito masaya at puno ng galit ang mga mata nito habang patuloy na naglalathala.

"At sa araw na iyon ko siya papaslangin."

Nabitiwan ni Ram ang kinakain. Totoo nga ang pakiwari niya. Puno ng galit si Aliyanah. Hindi alam ng lalaki kung papaano tutugon, hindi niya alam ang totoong storya subalit nakasisiguro siyang malaki ang kasalanang nagawa ni haring Zigfred kaya ganoon na lamang ang tindi ng galit ng dalaga para rito.

"Hindi mo magagawa iyon," hindi alam ni Ram kung saan niya nahugot ang mga sagot na iyon, kusa na lang lumabas sa bibig niya ang mga salita. "Ikaw ang pinili ng supramisia, ibig sabihin noon ay busilak ang iyong puso kaya hindi mo—"

Hindi na natapos ng Meradian ang sinasabi dahil nakita niyang naluha na lang ang babae. Mas lalo tuloy siyang nataranta.

"May nasabi ba akong hindi maganda?"

"Naiinis ako sa sarili ko dahil sa kabila ng lahat ng ginawa niyang kalapastangan sa aking pamilya ay hindi ko siya magawang tapusin. Maraming beses ko ng naisip na gawin iyon sa kaniya, subalit hindi ko magawa!" Nagpunas ito ng luha saka ngumiti. "Paumanhin,"

"Hayaan mong ang hustisya ang gumawa ng daan."

"Hustisya? Hindi umiiral ang hustisya sa mga katulad ni Zigfred. Siya ang hustisya sa realm na ito."

Hindi na naka-imik si Ram, napayuko na lang siya habang nakikiramdam sa dalaga.

"Ang dami ko ng sinasabi," muli itong ngumiti. "Hindi ko kasi alam kung mabubuhay pa tayo pagkatapos nito,"

Napangiwi ang binata dahil doon. "May pagkawirdo rin pala ang babaeng ito."

Magtutuloy pa sana sa usapan ang dalawa ng bigla silang makarinig ng malakas na huni mula sa Reptus na hindi kalayuan sa kanilang kinaroroonan.

Mabilis na kumilos si Aliyanah at ihinanda ang sarili. Ganoon na rin ang ginawa ni Ram.

"Natunton na nila tayo," hindi pa man natatapos ang binibini sa pagsasalita ay bigla ng bumulusok ang apoy patungo sa kinaroroonan nila.

Mabilis silang naka-iwas subalit natupok ang mga puno matapos tamaan ng apoy. Pag-akyat ng dalawa sa mataas na bahagi ng mga puno na hindi naapektuhan ng apoy ay doon tumambad ang dalawang Reptus na nakalutang sa ere. Isang kulay pula at isang kulay asul.

"Nakalilipad sila?" ani Ram.

"Nakalimutan mo atang mga dragon din sila,"

Nanlilisik ang mga mata ng mga ito habang nakatanaw sa dalawang protektor.

Ilang saglit ay magkasunod na namang bumuka ng bibig ang dalawang dambubala. Kumalat na naman ang matapang na amoy ng asupre kasunod ng pagbuga nito ng apoy.

"Rodria," sabay nilang wika pagka-iwas sa ikalawang pag-atake.

Lumundag si Aliyanah sa likod ng namumulang Reptus at sinakyan ito. Nagkakawag naman ang nasabing nilalang habang patuloy na nagbubuga ng apoy. Samantalang si Ram ay panay ang pagsalag at pag-iwas sa atake ng asul na Reptus.

Makalipas pa ang ilang saglit ay lumiwanag sa kinaroroonan ni Aliyanah at ng pulang Reptus na halos mabalot ang buong paligid. Nang mawala ang nakasisilaw na liwanag ay nagkakawag ng matindi ang dragon bago bumagsak na kasama ng dalaga sa dako kung nasaan ang ilog.

Tatakbo na sana si Ram patungo roon kaya lamang ay humarang sa ibabaw niya ang galit na asul na Reptus.

Ikinampay nito ang makaliskis na buntot na bumulusok sa binata dahilan para tumalsik ang huli at tumama sa puno. Nabitiwan ni Ram ang kaniyang Rodria bago bumagsak sa lupa. Talaga namang napakalakas ng pagtama niya sa puno kaya halos hindi siya makatayo.

Pabangon pa lang ang binata ng muling humampas ng magkakasunod ang buntot Reptus. Wala itong mintis.

Nabalot ng makapal na usok ang dakong iyon at ng mawala ang usok ay tumambad ang duguan niyang katawan na halos malupaypay sa nangyari.

Gamit ang makaliskis na buntot ay nilingkis siya ng dragon saka ini-angat sa ere.

Tila wala ng buhay si Ram dahil sa mga pangyayari kaya hindi na niya makuhang umalma.

Ilang saglit pa ay tuluyang pinaluputan ng dambuhala ang buo niyang pagkatao upang durugin kaya lamang ay biglang nagliwanag ang katawan ni Ram na naging dahilan ng pagtanggal ng dragon sa pagkakalingkis. Napaso ito sa init ng katawan ng binata.

Ang kulay puting liwanag ay naging asul pagkatapos ay kumalat ito sa ere habang sinasabayan ng pag-ihip ng malakas na hangin. Hindi nagtagal, ang asul na liwanag ay naging kulay ginto at bigla na lang sumabog sa kalawakan.

Nagdulot ang malakas na pwersa sa pagkatumba ng mga puno sa ibaba. At pagkalaon ay sabay na bumagsak si Ram at ang asul na Reptus sa lupa.











Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

297K 6.5K 59
Isang babaeng misteryo ang tunay na katauhan. Malalaman na kaya niya ang gusto niyang malaman? Makakamtan na kaya niya ang gusto niyang makamtan? Paa...
568K 28.2K 58
"She's not a mage or a monster or a magical being. She's not anything we know of.. She's not even human." "She's the most unique existence." "She's d...
6.1K 1.1K 28
May anghel na pinatapon sa lupa dahil sa kanyang kapilyuhan. At ang kanyang misyon ay baguhin ang ugali ng kanyang alaga para makuha muli ang kanyang...
221K 6.3K 64
A fantasy story that will prove that power isn't that important to protect your love ones. The warmth that you give, the love that you share and the...