THE REALMS 1 [Unedited.Comple...

By amer0127

7.3K 401 869

Hinati ni Eliah sa labingdalawang Realm ang dati'y isang kontinente. Ang Geran, Depir, Serihch, Keenl, Merad... More

NOTE:
THE REALMS BOOK 1
PROLOGUE:
THE REALMS: BOOK I
REALM GRAPH
1: AIY
2: HART
3: BLACKAMOORLUNA
4: GEOLUHÀR
5: REALYANSA
6: YLNAFIZEI-YSBBAH
7: SUPRAMISIA
8: GEOENKANTHIZ
9: LABIMBAKAS
10: MANSON
11: RODRIA
12: BIYAYA
13: JINN
14: MADRASTA
16: WALUMPU
17: DRAGO
18: REPTUS
19: INFERNIS
20: VERRI
G L E N N

15: DEPIR

217 9 23
By amer0127


"Baronprotektor!"

Nagising si Cazmir ng may tumawag sa kaniya mula sa kung saan. Umalingawngaw ang garalgal na tinig babae kaya naman napabalikwas siya ng bangon.

Mula sa pintuan nang kilalagyang silid ay tumambad ang isang ginang na nakatayo paharap sa kaniya. Hindi maaninag ang mukha subalit base sa boses ay masasabing isa itong matanda. Nakalutang ang babae at kung mamasdang maigi ay parang isa itong uri ng espiritu.

"Sino ka?"

Hindi umimik ang ginang, sa halip ay tumalikod ito na wari'y pinasusunod siya sa kung saan. Sinundan nga ito ng baronprotektor hanggang sa marating ang isang silid aklatan.

Pagpasok sa nasabing silid ay nawala na ang babae.

"Nasaan ka? Sino ka?" sigaw nya.

Hindi pa man halos natatapos ay bigla na lang lumitaw sa harapan niya ang Ylnafezei-Ysbbah. Nakalutang ang nasabing aklat na hindi lalagpas sa kaniyang dibdib.

Bumuklat ng kusa ang nasabing bagay hanggang sa umabot sa pinakadulong pahina na kung saan ay napunit na. Pagkalapit ni Cazmir sa aklat ay biglang humangin ng ubod lakas at bago pa dumampi sa kaniya ang hangin ay napadilat na siya.

Natamaan ng sinag ng araw ang kaniyang mukha mula sa nakabukas na paralungawan.

"Panaginip," bulong ni Cazmir sa sarili.

Dalawang araw na ang nakalipas matapos ang nangyaring kaguluhan sa kapitlyo ng Ozhgo ay hindi pa rin naibabalik ang mga nasirang establisyemento sa syudad ng Radiyzh. Magkagayonman ay sinisikap ng mga mamamayan na manumbalik sa normal na pamumuhay.

Matapos makapag-ayos ay tinungo ni Cazmir ang silid ni Conrad. Naabutan niya ang batang hari na nag-aayos ng sarili.

"Magandang umaga haring Conrad," Yumukod siya rito at ganoon din ang ginawa ng huli. "Kumusta na ang lagay ni Deitrich?"

Malungkot na lumingon ang bata. "Hindi pa rin siya nagigising hanggang ngayon."

Nilapitan ito ng baronprotektor at tinapik sa magkabilang balikat. "Wala kang kasalanan sa nangyari kaya huwag masyadong malumbay. Magiging maayos din ang lagay ni ginoong Deitrich," Naglakad si Cazmir palabas ng silid bago muling nagsalita. "Ihahatid ko lang si Ram sa Traveil at babalik agad ako rito upang tumulong sa pag-aayos sa mga napinsalang lugar-tatagan mo ang loob mo, ikaw ang hari ng Ozhgo at hindi dapat na makita ng mga tao na napanghihinaan ka dahil sa'yo sila humuhugot ng lakas."

Pagkasabing iyon ay umalis na si Cazmir, naiwan namang natitigilan si Conrad.

Ito ang unang pagkakataon sa loob ng halos lagpas dalawampung taon na nagkaroon ng matinding kaguluhan sa Ozhgo kaya nalugmok ang marami lalo na ng masaksihan ang hindi magandang nangyari sa protektor ng kanilang bansa. Gayunpaman ay kailangang magpatuloy sa pag-usad sapagkat hindi natatapos doon ang buhay.

Nang umagang iyon ay taas noong hinarap ng batang hari ang buong Ozhgo at naghayag ng hindi pagsuko sa mga kalaban. Sa ganoong paraan ay makakatulong siya upang mabuhayan ng loob ang mga Ozhgonian. Habang paunti-unting bumabangon ang nasabing kaharian ay tumungo naman sina Cazmir at Ram sa Traveil para sa ikatlong bahagi ng pagsasanay na may kinalaman sa pagiging ganap na protektor.


-----

DEPIR

Mula sa mataas na bahagi ng kastilyo ay tinanaw ni Josef ang buong syudad ng Sepls. Ilang saglit ay dumating si Anton upang magbigay ng balita.

Pagkatapos ng pag-uusap ay tinungo ng dalawa ng malaking bulwagan na nasa ibaba ng palasyo. Nagtipon ang mga tao roon na galing pa sa iba't-ibang bayan sa lalawigan sapagkat nabalitaan nila na magkakaroon ng mahalagang anunsyo.

Agad nagwika si Josef pag-akyat ng entablo matapos nilang marating ang bulwagan. Bumaling naman ang atensyon ng mga tao sa kanila ni Anton matapos silang makita ng mga ito.

"Isang panibagong araw sa inyo Deperian! Ikinalulungkot kong ibalita na si haring Claude ay wala na."

Nagulat ang lahat sa kanilang narinig.

"Paanong nangyari 'yon?" bulalas ng iilang tao.

"Sino na ngayon ang magiging hari? Wala ng natitirang angkan si haring Claude?" segunda ng iba.

"Nasaan ang protektor?"

Nagkagulo ang mga tao at nabalot ng ingay ang paligid.

Lumapit si Manson sa harap ng entablado at nag-angat ng kamay. Natahimik naman ang mamamayan ng makita siya.

"Sino siya?" bulong ng isang ginang sa kasama nito.

"Siya si Anton na galing sa kilalang pamilya ng Manson."

"Siya ba ang susunod na magiging hari?"

Nagkaroon ng bulungan at natigil lang iyon nang magsalita na ang Manson.

"Batid kong nakikila niyo ako mga kababayan. Ako si Anton na galing sa kilalang pamilya ng Manson." tinawag ng ginoo ang isang alagad na naka-itim. Lumapit ang huli na may dala na telang supot na may bahid ng natuyong dugo. Inutusan niya na ilabas ang laman ng nasabing supot at laking gulat ng mga tao ng makita ang ulo ni Haring Claude.

"Ako si Josef Demambro, Anak ng yumaong si Oldnick Demambro, pinuno ng Blackamoorluna. Ako ang pumugot sa ulo ng hari," singit ni Josef.

Kasunod ng salitang iyon ay magkakasunod na sinunog ng blackamoorluna ang mga bandila ng Depir na nagkalat sa buong lalawigan. Ang bandila ng pulang rosas na sumisimbolo sa kaharian ay tinupok ng apoy.

Naghiyawan at nabalutan ng takot ang mga tao ng masaksihan iyon. Lalo na ng makita na nagbagsakan sa mga haligi ng pader ang panibagong bandila. Bandilang sumisimbolo sa blackamoorluna.

"Ang Depir ay nasa ilalim na ng aming pamumuno! Ang sino mang susuway ay magagaya sa kaniya," Kinuha niya ang ulo ni Claude at ihinagis sa mga tao na napaatras naman at napasigaw.

"Traydor ka Anton! Paano mo ito nagawa, hindi ba'y nagpapalaganap ka ng ebanghelyo ni Eliah!" matikas na wika ng isang ginang. "Parurusahan ka ng manlilikha!"

"Oo, ililigtas kami ng protektor!" nabuhayan ng loob ang iilang tao kaya lamang ay muli silang natahimik ng marinig ang isang malakas na halakhak.

Mula sa likod ay isang batang babae ang marahang lumalakad palapit sa kinaroroonan nina Josef at Anton.

"Natatandaan ko pa ang lasa hanggang ngayon." Napakagat labi si Lilith habang malumanay na nagsasalita.
"Wala ng protektor na magliligtas sa inyo dahil kinain ko na siya gaya ng gagawin ko sa'yo."

Pagkalahad nito ng kamay sa ginang na nagwika laban kay Anton ay lumutang ito at napunta sa tapat ng Madrasta. Biglang gumalaw ang manyika. Pagkabuka ay bumanat ang bibig nito kaya tumambad ang walang kasing talim na mga ngipin at walang anu-ano'y nilamon ng buo ang ginang. Nagtalsikan ang ilang dugo sa sahig dahil sa nangyari at mas lalong nagimbal ang mga nakasaksi.

"Kung nais niyo pang mabuhay ay susunod kayo sa nais namin!" -Anton.

"Inuulit ko, ang Blackamoorluna na ang maghahari sa lugar na ito at ang sino mang susuway at mamamatay!" maawtoridad na bulalas ni Josef.

Wala ng nagawa ang mga mamamayan na nasa loob ng lalawigan ng Ego kun'di ang sumunod. Ngayong wala ng protektor na magtatanggol sa kanila ay tiyak ang kapahamakan kung susuway sila sa nais ng mga kampon ng kasamaan.

Nanatili ang lahat sa ganoon kalagayan ng dumating ang isang tauhan at lumapit kay Josef.

"Pinuno, may mga namataan ang ating mga kasamahan sa timog-kanluran. Libo-libong mandirigma na galing sa probinsya ng Gyban at papasok sila sa tarangkahan ng Superbia at Pikk."

"Ang samahan ng Greibak," sambit ni Anton. "Mukhang nagdedeklara na sila ng rebelyon laban kay Claude."

"Huwag silang hayaang makapasok," malumanay na tugon ni Josef.

"Naisara na namin ang mga tarangkahan at may mga mandirigmang blackamoor na rin ang mga nakahilera sa itaas ng mga harang upang pigilan sila." tugon ng tauhan.

"Ipaubaya niyo na sa akin ang mga mahihinang nilalang na iyon—" natigilan si Lilith sa pagsasalita.

"Ako na ang bahala sa kanila Madrasta," suhestyon ni Anton.

"Tama siya kamahalan, sa ngayon ay kailangan munang ihanda ang inyong sarili para sa isang malaking pasabog," ani Josef bago bumaling sa mga tao. "Sumunod ang lahat kay Anton at tutungo kayo sa tarangkahan na nasa timog-silangan. Ang sinoma na susuway ay agarang papaslangin!"

Agaran na naghanda si Anton at tirik na ang araw ng marating nila ang nasabing tarangkahan. Lahat ng mamamayan ay pinagbihis ng itim na kasuotan at binigyan ng sandata saka inihelera sa labas ng mataas na pader ng Ego.

Nagtungo ang Manson sa mataas na parte ng pader at sinipat ang mga kalaban. Doon ay tumambad ang napakaraming mandirigma. Nasa unahan si Exiquia na kasunod si Huan, Teo, at Tiago.

"Anong ginagawa ni Anton?" tanong ni Exiquia.

"Pinuno, ayon sa espiya natin na nasa loob ng lalawigan ay patay na ang tiyuhin niyong si haring Claude maging si protektor Adalric. Ngayon ang lalawigan ng Ego ay nasa ilalim na ng pamumuno ng ginoong nagpakilala na anak ng yumaong si Oldnick Demambro, siya si Josef Demambro na bagong pinuno ng blackamoorluna." paliwanag ni Matias na ikinabigla ng apat.

"Si Anton na ebanghilista ay umanib sa mga blackamoorluna?" tanong ng babae na tinanguan lang ni Matias.

"Marahil ay alam niyo na ang balita?" malakas na bigkas ni Anton mula sa itaas ng harang. "Kung hindi kayo tatalima sa utos ni pinunong Josef ay mapipilitan akong tapusin kayong lahat."

"Narito ako upang bawiin ang nararapat para sa akin!" matikas sa sigaw ng babaeng mandirigma. "Hindi kampon ng kadiliman ang maghahari sa lupain ng aking mga ninuno, kaya kung nais mong dumanak ang dugo ay simulan mo na!"

Napangiti ang Manson sa winikang iyon ni Exiquia. "Kung 'yan ang nais mo," saka ito sumenyas sa mga nakahilerang kawal sa tapat mismo ng tarangkaran. Matapos ang hudyat na iyon ay lumusob na rin ang kabilang partido.

Hindi naman alam ng mga tao ang kanilang gagawin sapagkat mga natural na mamamayan lamang sila na pinagbihis ng itim na damit at binigyan ng sandata upang magmukhang kalaban. Kung aatras sila ay tiyak ang kamatayan nilang lahat kay Anton, kung susuong naman sila sa laban ay pareho rin ang kahihinatnan. Kahit ano ang pagpilian ng mga tao ay parehong kamatayan ang naghihintay.

Dumanak ang napakaraming dugo ng mga oras na iyon. Nagkalat ang mga piraso ng patay na katawan ng tao. Nagtagumpay ang mandirigmang Greibak subalit nanatiling nakangiti si Anton habang nakamasid mula sa itaas ng harang.

"Nakakaaliw pagmasdan na kayo-kayo mismo ang nagpapatayan!" Humalakhak ang ginoong may asul na buhok.

Hindi siya pinansin ni Exiquia, sa halip ay bumaling ito sa mga kasamahan. "Sa tarangkahan!" sigaw niya habang nakataas ang sandatang nabahiran na ng dugo.

Mabilis na tumungo sa tarangkahan ang dalampung kalalakihang may naglalakihang katawan. Tig-sampu sa kanan at kaliwa ang pagbitbit ng malaking trosong patulis ang duluhan. Malakas nilang iniuntog ang dulo ng nasabing bagay sa malaking pinto na gawa sa matibay na kahoy.

Nauyog ang pinto subalit hindi agad ito bumigay kaya nagpatuloy lamang ang mga kalalakihan sa kanilang ginagawa.

Tumuon naman ang pinuno kay Anton na noong mga sandaling iyon ay muli na namang nagtaas ng kanang kamay at humudyat ng pagsalakay. Nang buksan ng ginoo ang kamay ay nagsulputan sa kaniyang hilera ang mga taong nakaitim. Isinentro ng mga ito sa mga Greibak ang mga hawak na sandatang pana.

"Vis Dimittere Tenebris."

Pagkasabi niyang iyon ay magkakasabay na lumitaw mula sa talim ng palaso ang hindi kalakihang itim na zirculo. Nang pakawalan ng mga tauhan ang sandata ay trumiple ang dami ng palaso matapos dumaan sa itim na bilog-mahika.

Umulan ng napakaraming palaso na halos matakpan ang kalangitan na ikinagulat nilang lahat.

"Salamangka?" nagtatakang sabi ni Exiquia sa sarili.

"Ihanda ang pananggalang!" sigaw ni Huan. "Binibining Exiquia, madali ka!"

Mabilis na umaksyon ang mga mandirigma. Nagtipon ang lahat sa gitna at saka iniangat ang pahabang pananggalang na gawa sa matibay na metal. Ang ilan na hindi nakasalag ay tinamaan ng palaso at namatay.

"Pinuno, gumagamit ng salamangka ang ating kalaban, kung wala tayong gagawin ay masasawi tayong lahat!" suhestyon ni Teo habang patuloy sa pagsalag sa mga panang tila hindi natatapos sa pagbagsak.

"Paanong nakagamit ng mahika ang Anton na iyon?" tanong ni Matias na nagbigay din ng katanungan sa isip ng bawat isa.

"Hindi na mahalaga iyan, sa ngayon ay kailangan nating mapatigil si Anton sapagkat sa kaniya nanggagaling ang pag-atake." tugon ng babaeng mandirigma.

"Kami nang bahala ni Tiago," usal ni Huan. "Teo magsama ka ng mga mandirigma upang maging pain at ikaw naman Matias, lumayo na kayo sa lugar na ito kasama si Binibining Exiquia."

"Sinong nagsabing aatras ako?" galit na sambit ni Exiquia na hindi na halos natapos sapagkat muling nagsalita si Huan.

"Malabong matalo natin ang taong may kakayahang gumamit ng salamangka. Protektor lang ang makagagapi sa kaniya, hindi ka maaaring mamatay Binibining Exiquia dahil ikaw na lang ang natitirang tigapagmana ng kaharian ng Depir."

"Pero hindi ko kayo maaaring iwan-"

"Tama si ginoong Huan, pinuno. Kayo ang pag-asa ng kahariang ito, kung mawawala kayo tiyak na kawawa ang mga mamamayan." -Matias.

Hindi na naka-imik pa ang babae sa mga sinabing iyon ng mandirgima.

Nang magkatanguan at makapagdesisyon na ang lahat ay agad nilang isinagawa ang plano. Si Teo kasama ng iilang mandirigma ang naging pain kaya bumaling sa kanila ang mga namamang kalaban. Sinamantala iyon nina Matias na mabilis tumakbo palayo sa lugar na iyon kasama ng pinuno at ng ilang tao.

Sina Huan at Tiago ay tinungo ang kinaroroonan ni Anton upang pigilan ito at salakayin. Binunot ni Huan ang nakatagong sandata na nasa kaniyang likuran. Isa itong makapal na parehabang bagay na gawa sa purong ginto. Ihinampas niya ito sa hangin at bigla na lang humaba ng anim na talampakan na ang dulo ay isang patalim na gawa sa mamahaling kristal.

Namangha si Tiago ng makita ito.

"Isa ito sa makabagong sandata na ibinigay sa'kin ng isang panday mula sa Saphiro," wika ni Huan na nakatingin pa rin sa direksyon ni Anton. "Tara na!'

Ilang pagbagsak ng pana ang iniwasan ng dalawang mandirigma habang palapit sa kinaroroonan ni Anton. Nang masiguro ni Huan na nasa tamang distansya na siya ay saka niya ihinagis ng ubod lakas ang hawak na sandata.

Bumulusok ito paitaas kay Anton. Naiwasan ng huli ang pag-atake subalit naantala ito sa paggawa ng salamangka. Tumama naman ang sandata sa isang gusali na nasa kabilang bahagi ng pader.

"Tagumpay ang plano," ani Tiago.

"Nakalayo na si Binibining Exiquia," bigkas ni Huan na nagpatuloy sa pakipagsagupa ng biglang bumukas ang tarangkahan.

Samantala, mabilis na nakalayo sa labanan sina Exiquia, Matias at mga kasamang mandirigma. Ang huling naaninag na lang ng binibini bago tuluyang makalayo ay ang pagbukas ng tarangkaran kasunod ng maugong na hiyaw ng digmaan.

Magtatakipsilim na ng tuluyang matapos ang labanan. Dumami ang mga patay na katawan at dugong nagkalat. Naglipana rin sa paligid ang mga buwitre na siyang kumakain ng laman ng patay na tao.

Kinuha ni Anton ang makabagong sandata na muntik ng tumama sa kaniya at saka ito binitbit. Pagkatapos ay nagtungo siya sa kinaroroonan ng sugatang si Huan. Naliligo na ito sa sariling dugo dahil sa mga tinaming pinsala.

"Anong tawag sa makabagong uri ng sandatang ito?" nakangiting tanong ni Anton kay Huan na nakaluhod at pilit na tumatayo.

"k-kristalyon." nanghihinang tugon ng mandirigma.

Pagkasabing iyon ay walang habas na itinusok ni Anton ang sandata sa bibig ni Huan. Tumagos ito hanggang sa batok na siyang dinaluyan ng napakaraming dugo. Pagkahugot ng kristalyon ay walang buhay na humandusay ang katawan ng mandirigma.

"Salamat sa regalo."

Masayang nilisan ng Manson ang dakong iyon sapagkat nagtagumpay itong malipol ang buong mandirigma ng samahang Greibak.

Pagbalik ng palasyo ay naabutan ng ginoo sina Lilith at Josef na nakatingin sa pitong buntis na dinakip niya sa probinsiya ng Kavejy sa Ozhgo.

"Hindi ito ang hinahanap natin," bungad ni Lilith

"Sinunod ko lamang ang sinasabi ng propesiya," tugon ni Anton

Napakibit-balikat lamang si Josef sapagkat wala rin naman itong ideya sa kaganapan.

"Hindi na bale, gagawin ko na lang na laman tiyan ang mga ito," Ihinagis ng Madrasta ang manyika sa loob ng piitan at hinayaan nitong lamunin ng buo ang pitong nagdadaang tao.



------

TRAVEIL.

Pagdating ng kastilyo ng nasabing realm ay nagtungo sina Cazmir at Ram kay haring Zigfred na nakaupo sa trono nito no'ng mga oras na iyon.

"Maligayang pagdating baronprotektor at sa'yo baguhang protektor," bungad ni haring Zigfred.

Nagbigay galang ang dalawang bisita bilang tugon. "A-ako po si Ram," pakilala ng binata matapos yumukod.

"Ikinalulugod kong makilala ka."

"Ako rin po."

"Haring Zigfred, pansamantala ko munang iiwan sa iyong pangangalaga si Ram upang gawin ang huling pagsasanay. Kailangan kong bumalik sa Ozhgo upang tumulong sa pagsasa-ayos."

Tumango ang magandang lalaki. "Ikinalulungkot ko ang nagyari sa Ozhgo, ipaabot mo ang aking pakikidalamhati kay haring Conrad."

"Makararating."

"Maiba tayo, nais kong ipakilala sa iyo ang makakasama mo sa iyong pagsasanay," Bumaling ang haring Traveilis sa bandang kanan ilang hakbang mula sa kanilang p'westo.

Mula sa lagusan ay lumabas ang isang magandang binibini. Nang makita iyon ni Ram ay natigilan at napanganga siya sa taglay nitong kagandahan.

Paglapit sa harapan ng trono ay nagsalita nang mahihinhin ang binibini.

"Ako si Aliyanah, ang protektor ng Traveil realm."


~~~~

Vis dimittere tenebris: A latin words meaning, Release dark force.

Continue Reading

You'll Also Like

53K 1.5K 72
This is a school where magic exist. A school where people with special abilities belong. What if there is a girl who don't believes on magic enters t...
4.5K 151 34
Astra, the long lost star of Asteria and Asteria, the long lost starry place of Astra. Date published: January 17, 2018 Date Finished: April 22, 201...
297K 6.5K 59
Isang babaeng misteryo ang tunay na katauhan. Malalaman na kaya niya ang gusto niyang malaman? Makakamtan na kaya niya ang gusto niyang makamtan? Paa...
9.5K 657 62
(Completed) TCPAA - New Generation: In a world filled with deception and hidden truths, a story unfolds. One lies, one secret, and one mistake intert...