Is fate really exist?

By kimheechul08

253 24 20

Setting someone free is the hardest thing to do.But its not the tears you cried that makes it so hard.Its the... More

Prologue
©1-best enemy
©2 - TRB
©3 - Moorim Academy
©4 - The Mansion
©5 - Baek Seung Gi
©6 - happy
©7 - curiosity
© 8 - the who??
©9 - weird
©10 - research project
©11 - 1st encounter
©12 - Ashley
©13 - Mall
©14 - Meet Ashley Park
©15 -sunrise trip
©16 - skateboard
©17 - kiss
©18 - did we?
©19 - farm
©20 - confession
©21 - advice
©22 - cousins
©23 - ligaw
©26 - real world

©24 - yes

10 1 0
By kimheechul08

Steph's POV

Lumipas ang isang linggo na hindi parin namin nasasagawa yung plano namin ni kris,hindi sumasang ayon ang panahon.Dahil this past few days,laging naulan....

Eto na,sasabihin ko na,hindi naman ako makapag sekreto sa inyo eh.....ganito kasi yun.Ayun Kay Kris....mas magandang sagutin si Justine kung saan nangyari yung mga memories namin na magkasama kaya eto.

1st plan: sunrise trip ulit,kaso dahil laging naulan,hindi kami matuloy tuloy.Kaya ang nangyari,failed!!!!,

2nd plan: Going to amusement park,ok na sana eh dahil may indoor naman ang kaso failed ulit dahil sa may bagyo....hindi kami pinayagan mamasyal,Baka daw mastranded pa kami sa daan dahil sa baha.Kaya wala ulit....

3rd plan: Park,gaya ng reason ng na unang dalawang plano,failed ulit....dahil ulit sa ulan....pesteng ulan,hindi nakisama.

4th plan: ahmmmm.....wala pa kaming idea ni Kris dahil puro epic lahat,pinagpaliban nalang muna namin....

Nandito kami ngayon sa academy,buti nalang natapos narin yung bagyo nung nakaraang araw.Dahil dun hindi na kami nakakalabas after ng klase namin sa hapon kaya nag aya ang mga TRB na mag mall daw kami mamaya....kaya naman excited kaming lumabas ulit kasama ang barkada.

Si Justine ba???? ayun,sweet parin...flowers everyday parin....morning and night greetings sa phone....paggising at bago matulog siya ang katext o kausap ko sa phone....para na talaga kaming mag shota. Sabi ni Kris M.U. daw kami...


"let's go"yaya ng mga TRB samin ni Kris after class. Linapitan naman ako ni Justine at kinuha niya yung bag na bitbit ko.


"Tara na "sabi niya at tumayo narin ako at sumunod na sa iba na nanguna ng lumabas.


"anong gagawin natin sa mall"tanong ko habang papunta kaming parking.


"kahit ano,kakain,shopping,arcade o manood ng sine."sabi nia...


"ah ok"


Nakarating narin kami ng parking lot....wala akong kotse dahil Simula nung sinabi niyang liligawan ako ni Justine,nagkaroon ako ng instant driver, dahil hatid sundo niya ako sa Mansion.Na mas favor sakin,bukod sa tipid sa gas eh hindi pa ako pagod sa pagdrive kahit 5 minutes away lang yung samin mula dito sa academy.



Alam narin ni Ashley na nanliligaw siya sakin,sinabi ng mga unggoy.....kaya ayun,hahaha......tawa nga siya ng tawa nung kinuwento ko sa kanya yung akala kong may something sila.......



After ng ilang minuto nakarating na kami ng mall na pag mamay ari nila Kris kaya naman pagpasok palang namin sa mall eh todo bati na ang mga  employees dun dahil kasama namin si Kris.



Unang ginawa namin,nag shopping kami....todo reklamo na nga yung mga boys dahil ang tagal daw naming mamili ng mga damit.Kaya naman,kahit gusto pa namin magtitingin tingin sa mga boutique na naroon,ay hindi na namin ginawa baka mamaya,mang iwan nalang sila basta.



Pangalawa.....nag arcade kami...parang mga bata lang eh noh..... Inubos namin yung token na binili ni Jayson kanina..



Pangatlo,nanood kami ng sine....anong pinanood namin?kahit ano lang,kung anong showing. Si bryle naman ang taya ng ticket sa sinehan tas si Minhyuk naman ang bahala sa popcorn at mga inumin....



Pang apat,dahil sa nagutom kami,ayun pumasok kami sa isang Korean restaurant na siyang paborito naming lahat.Ang taya?????si Mark at Justine lang naman,dahil sila daw ang wala pang share ayun sa iba.Kami ni Kris,eto makakapal ang mukhang nakikikain lang...hahaha....



"excuse me,may titingnan lang ako dun"paalam ni Jayson tsaka tumayo na after naming kumain.


"sama na ako bro"Minhyuk na tumayo narin....after ng ilang minuto tumayo na rin si bryle.


"san punta mo?"tanong ko sa kanya.


"puntahan ko lang yung dalawa"sabi niya at umalis na....kaya kaming apat na lang ang natitira.


Pinakuha narin ni Mark sa waiter yung bill namin at binayaran na nila ito.

"excuse me cr lang ako,sama ka bro?"tanong nito Kay Justine.


"sige,"sabi nito at tumayo na.


"dito muna kayo ha,cr lang kami"sabi niya samin ni Kris kaya tumango nalang kami.


Lumipas ang ilang minuto pero hindi parin sila bumabalik.


"asan na yung mga yun at hindi na nagsibalikan pa?"tanong ko kay Kris dahil kami nalang naman na ang naiwan dito sa table.


"oo nga noh,"sabi nito na may katext ata,kinakalikot niya yung phone niya eh...magkatapat kasi kami ng upuan kaya hindi ko alam if anong ginagawa niya.


"Tara na,cr din tayo"sabi ko at kinuha ko na yung gamit ko.


"sige"sabi nito at tumayo narin.


"punta tayo dun sissy"sabi nito na tinuturo yung mga taong nagkukumpulan pag kalabas namin ng cr.


"anong nangyayari dun?ang daming tao?"tanong ko,


"aba Malay ko,magkasama tayo di ba?"sabi nito,oo nga naman....isip Nicole,isip..


Kaya naman dahil dakila din kaming tsismosa ay pinuntahan nga namin kung anong yung pinagkakaguluhan nila dun.Pagdating namin,may nag aaway????



" Excuse me ha,ikaw ang nakabangga sakin kaya wag kang mag inarte Jan,at di kaman lang marunong mag sorry?"sabi nung girl sa boy.

"Why should I?"sabi nung boy na pinupunasan ang coffee na tumapon sa kanya.


"Aba't wala kang manners ah....hoy mister,courtesy na yun na pag may nabangga ka,magsorry ka sinadya man o hindi"sabi ni girl.

"ako pa talaga ang magsosorry eh ako na nga ang natapunan ng kape mo?stupid..."sabi nung boy.

"ano sabi mo?ako stupid?hoy mister,sino kaya satin ang stupid ha??ikaw itong bigla bigla na lang nangbubunggo tas ako pa ang may kasalanan????and FYI lang mister,hindi lang ikaw ang natapunan ng kape ko,ako rin..."sabi nito na tinuturo  pa ang damit niyang basa.

"tsk!!!!"boy


"ano?,wala kang masabi dahil totoo?"girl

"Stupid witch"sabi nung boy at tumalikod na.


Stupid witch?????Teka lang Parang familiar sakin yun,pati eksena.....san ko nga ba nakita yun????



"Hoy,san ka pupunta?hindi ka man lang mag so sorry?"sigaw ni girl na galit na.

"aba't talaga naman...makikita mo" sabi pa ni girl at wala namang pakialam si boy at naglakad parin siya nung biglang binato ni girl yung hawak niyang coffee kaya natamaan si boy sa likod.


"buti nga sayo"sabi ni girl at tumakbo na sa may escalator.


Familiar talaga eh....peste di ko maalala.....nung biglang may nagsalita sa mike.


"Stephanie Nicole Lee"sabi nung nakamike,wait lang pangalan ko yun ah.....kaya hinawi ko yung nasa unahan ko para makita ko kung sino yung lalaking nakamike.Pagtingin ko si Justine.....anong ginagawa niya?????

"Steph,nang dahil sa incident na yun,nakilala kita.......ganun mismong eksena,dito mismo sa spot na to."sabi niya na nakatingin sakin, so kaya pala familiar sakin yung eksenang yun,dahil samin pala nangyari yun.....stupid Nicole.


"Sa hindi inaasahan,naging schoolmate kita,hindi lang basta schoolmate dahil naging kaklase kita sa lahat ng subject dahil parehas tayo ng kurso"sabi nito at inabot sakin ni bryle ang isang bulaklak.


"Hindi lang  yun,sa araw araw na ginawa ng diyos....ewan ko ba kung bakit lagi tayong nagbabangayan......na sabi mo nga,ako ang best enemy mo,enemy # 1 ,mortal enemy mo at lalo na ako ang beast sa buhay mo at ikaw ang witch sa buhay ko......."sabi nia na nagpatawa sa mga nanonood samin kaya natawa narin ako at inabutan ako ni Mark ng bulaklak.


"Sabi ko sa isip ko dati kapag nagbabangayan tayo......,ang sarap mong itapon sa Mercury, ang sarap mong ipakain sa pating,ang sarap mong ihagis sa bulkang Mayon"sabi niya na lalong nagpatawa sa mga taong nakapalibot samin.Inabutan rin ako ni sissy ng bulaklak ,so alam niya to????


"Hanggang sa naging magkaybigan tayo,thanks to Ashley for that..."sabi niya ulit at inabutan ako ni Jayson ng bulaklak.


"Nang dahil dun until unting nagbago ang tingin ko sayo...."sabi nito na kinangiti ko,at inabot din sakin ni Minhyuk yung isang bulaklak.


"Ngayon gusto kong sabihin sa mga taong naririto kung gano kita kamahal,alam kung sinabi kong maghihintay ako,pero pwede bang sagutin muna ako ngayon?????promise liligawan parin kita araw araw kahit tayo na"sabi niya na hindi na maialis sakin ang pagngiti......oh my god.....buhay ka pa ba heart????


"Stephanie Nicole Lee,I love you,will you be my girl?"sabi nito at nilapitan ako habang inaabot sakin ang isang bouquet ng bulaklak.....shet!!!!!kinikilig ako...kaylangan ko na ata ng oxygen...



"sagutin muna si kuya"

"say yes"

"Oo na yan"

"Kuya kung ayaw ka niyang sagutin,akin ka nalang"



Sabi ng mga taong nasa paligid namin,,mas excited pa sila sakin....tsaka akin lang siya noh...




"yes"sabi ko at niyakap niya ako at nagpalak pakan naman ang mga tao.



"thank you and I love you"sabi niya at hinalikan ako sa forehead na siyang nagpahiyaw ulit sa mga nanonood.



"I love you too"sabi ko na niyakap din siya.


Pagkatapos ng nangyaring eksena na yun...napagpasyahan na naming umuwi na dahil nakakahiya na sa mga taong naroroon.


____________________________________________

A/n:

Sila na.......kinilig ba kayo????sa mga hindi....sorry naman.

Continue Reading

You'll Also Like

24.8K 1.5K 32
The story is about a very prominent Rajput family in Rajasthan, well-known in their village, and they have a large business empire of the jewelry and...
267K 1K 30
Just some AO3 shots not mine credit to owner ❤️
43.4K 3.1K 19
𝐼𝑡'𝑠 𝑎 𝑠𝑡𝑜𝑟𝑦 𝑜𝑓 𝑗𝑢𝑛𝑔𝑘𝑜𝑜𝑘 , 𝑊ℎ𝑜 𝑖𝑠 𝑎𝑏𝑢𝑠𝑒 𝑠𝑖𝑛𝑐𝑒 𝑐ℎ𝑖𝑙𝑑ℎ𝑜𝑜𝑑 𝑏𝑦 ℎ𝑖𝑠 𝑜𝑤𝑛 𝑏𝑟𝑜𝑡ℎ𝑒𝑟𝑠 . "𝐽𝑢𝑛𝑔𝑘𝑜𝑜𝑘...
48.1K 592 28
HEY GUYS THIS IS MY FIRST TIME WRITING A STORY AND DON'T EXPECT TO MUCH THIS A FAN FICTION LANGS.