Half-truths | Vicerylle Onesh...

Oleh planktonology

119K 2.2K 490

Collection of oneshots. Hindi po ako masyadong mag-uupdate dito ha. Kapag may naisip lang bigla. :) Lebih Banyak

2: Tickler
3: Entries (TKJ)
4: Manic
5: Tenses
6: Lens
EXTRA~
7: Omegle
8: Ice Cream
9: Origami
10: Logoleptic
10: Logoleptic II
11: 3D
12: 11:11
13: Kalachuchi

1: Pill

26.6K 191 19
Oleh planktonology

“Kailan mo ba kasi ako balak isama sayo? Ang tagal-”

“Vice?” sabi ng isang babae sa kabilang side ng nakasarang pinto. Hindi na nagulat dito si Vice, sa tinagal ng stay niya sa lugar na ‘to ay nasanay na siyang maging alerto. Ang isang tenga niya’y nakalaan sa kausap, habang ang kabila naman ay nakikinig sa kahit anong ingay sa labas ng apat na sulok na ito.

“Bilis magtago ka muna. Mamaya na ulit.” bulong nito sa kausap niya. Dali-dali namang sumuot ito sa ilalim ng higaan at tinakpan ni Vice ng nilatag na kumot ang siwang.

Pagkatapos ay nag-ayos siya ng sarili, itinago ang mga papel at panulat na nakakalat sa mesa niya at inilagay sa ilalim ng unan at sinubukang magmukhang kalmado at parang walang tinatagong sikreto. “Pasok.” tawag niya.

Pumasok ang isang nurse na may dala-dalang tray at ngumiti sakanya. Ngumiti rin ng bahagya si Vice ngunit hindi na mapakali ang mga kamay niya sa ilalim ng mesa. Pilit niyang pinipigilan ang paggalaw involuntarily ng mga kamay niya pero walang epekto. Inilapag ng nurse ang tray sa harap niya at hinain siya ng pagkain, tubig, at nagtabi ng isang pill dito.

“Okay ka lang ba? May kailangan ka ba?”

Umiling si Vice at hindi tumingin sa nurse. “Thank you.”

Ngumiti ulit ang nurse sakanya bago ito lumabas at sinarang muli ang pinto.

Sumilip muna ang kausap niya kaninang nagtatago sa ilalim ng higaan, sinisigurong wala nang ibang tao sa kwarto maliban kay Vice. Gumulong siya at tsaka tumayo at pinagpag ang damit.

“Sana naman masarap na ‘to.” sabi niya at kinuha ang isang meatball sa plato at sinubo ng buo. Pinanood lang siya ni Vice habang umiinom ng tubig. “Okay narin. Ano nga namang aasahan mo sa pagkain sa ospital?” sabi ng lalaki at naupo sa higaan.

Kinuha ni Vice ang gamot at inikot-ikot ito sa mga daliri niya.

“Ano, iinumin mo yan? Tapos magrereklamo ka sa sakit ng ulo mamaya at mabubwisit sa kamay mong di mapakali?” sabi ng lalaki. Nilingon siya ni Vice na nakakunot ang noo.

“Sinasabi ko sayo, pag ininom mo yan, mas lalo ka lang hindi makakalabas dito. Hindi kita maitatakas.” binuksan niya ang drawer na nasa tabi ng higaan ni Vice na may lamang apat na pills na katulad ng hawak ni Vice ngayon. “Sige na.”

Nilagay ni Vice ang gamot sa drawer at dahan-dahan itong sinara. Tinapik naman siya sa balikat ng kaibigan para magpaalam.

“Tatlong araw nalang, pre. Makakalabas ka rin. Mas safe na tumakas pag wala na yung side effects ng gamot mo.” sabi niya bago buksan ang pinto.

“Vhong.” tawag ni Vice sa kaibigan. Lumingon naman ito sakanya. “Salamat pre.”

Ngitian naman siya nito. “Wag kang madrama dyan. Iinom tayo nila Ryan paglabas mo. Sige na.” binuksan niya ng konti ang pinto at lumingon-lingon muna sa labas para tingnan kung may tao ba sa paligid. Dahan-dahan itong lumabas at sinara ng tahimik ang pinto.

Kinuha ni Vice ang mga tinago niyang papel sa ilalim ng unan at tiningnan ang drawing na dalawang araw na niyang ginagawa. Drawing ito ng dalampasigan sa isang dagat sa Bataan. Ang paborito niyang lugar.

Pilit niyang binubura ang ilang linyang balu-baluktot ang pagkakaguhit dahil sa panginginig ng mga kamay niya, ngunit tuwing inaayos niya ang mga linyang ito at gumuguhit ng panibago ay baluktot parin ang kinalalabasan. Sa sobrang inis, pinunit nalang niya ang drawing kasama ang iba pang papel na hawak niya.

~

Nakaupo si Vice sa higaan niya, nakadungaw sa bintanang parang rehas dahil sa grills. Wala mang orasan sa kwarto niya, alam niyang malapit nang dumating ang lunch at ang gamot niya.

“Good afternoon!” bati ng isang boses na ngayon lang niya narinig. Hindi yun ang nurse na laging nagdadala ng pagkain niya, at hindi rin yun ang nurse na sumusundo sakanya tuwing consultation niya sa doctor. At isa pa, bukas pa ang schedule ng next therapy niya.

“Bukas.” sabi niya.

Pumasok ang isang nurse na ngayon lang niya nakita sa buong stay niya sa lugar na ito. Sigurado siyang kilala niya ang lahat ng staff dito, madalas din siyang tumatambay sa rec room dati noong wala pa siyang planong tumakas. And that was only a week ago.

Nahihirapan siyang idescribe ang babae. Hindi niya alam kung dahil sa epekto parin ng gamot, o dahil mahirap lang talaga siyang ilarawan. Nag-settle nalang siya sa isang word, maganda ito.

“Ikaw ba si Ernie?” tanong nito habang nakangiti.

Sandali namang napatulala si Vice sa babae at nang matauhan ay inilayo ang tingin dito. “Ah.. Hi-hindi..” sabi niya na nauutal. Pilit niyang inalala kung kasama ang disorganized speech sa side effects ng gamot na iniinom niya, pero hindi niya maalala.

Kumunot naman ang noo ng nurse at tiningnan ang papel na nasa tray na dala niya. “Ay, hindi ba ito room 14A? Ano bang room ‘to?”

“11A.” sagot ni Vice.

Napapikit ang nurse at natawa. “Sorry, sorry. Akala ko yung isang one ay four. Thank you.. ah anong pangalan mo?”

“V-Vice.”

“Thank you Vice. Pasensya na ulit sa abala.” ngumiti ito bago tumalikod para lumabas ng kwarto.

“Sandali!” tawag ni Vice. Lumingon naman sakanya ang babae.

“Bago ka ba dito? Kasi ngayon lang kita nakita.”

Ngumiti ulit ito. “Ah, oo. Kahapon lang ako nag-start. Oo nga pala, I’m Karylle. Sige ha.” at tuluyan na itong lumabas at sinara ang pinto.

Hindi naman mapakali si Vice sa kinauupuan niya. Tumayo ito at sumilip sa window ng pinto at nagkagulatan sila ng nurse na nagdadala ng pagkain niya. Natawa naman silang pareho at pinagbuksan na niya ito ng pinto.

“Diyos ko naman Vice nagulat ako sayo! Sorry, gutom ka na ba?” sabi ng nurse at ginawa ulit ang lagi niyang ginagawa.

“Ah.. oo.” pagsisinungaling niya.

“Medyo natagalan pa kasi ako dun sa isang pasyente eh. Pasensya na. May gusto ka bang gawin o may kailangan?”

“Wala naman.”

“Sige, mauna na ako ha. Yung gamot mo.” paalala ng nurse bago siya lumabas.

Umupo si Vice at nagsimula nang kumain. Inaalala parin niya ang mukha ng babaeng nakita niya kanina. Siguro dala lang ng pagkamiss niya sa buhay sa labas ng lugar na ‘to, ang normal niyang buhay. Tinago niya ulit ang gamot sa drawer at nahiga na.

~

Nagising siya sa pagkatok na narinig niya. Sumilip siya sa bintana, hindi pa naman gabi. Hindi pa oras ng dinner. Pumunta ito sa pintuan at sumilip sa window. Si Karylle. Binuksan niya ang pintuan.

“Hello. Uhh, okay lang bang pumasok ako?” tanong nito sakanya habang nakangiti.

Hindi naman nakapagsalita si Vice at tumango lang at tumabi para makapasok ang nurse.

“Nagra-rounds lang ako. Gusto ko lang makilala lahat ng tao dito, mas okay daw kasi yun.” sabi nito sincerely. Natuwa naman si Vice nang hindi gamitin ng nurse ang term na pasyente, pakiramdam niya tuloy ay normal siya, maayos, magaling.

“Bakit wala ka sa rec room?” tanong ni Karylle at umupo.

Naupo narin si Vice sa gilid ng higaan niya. “Magulo kasi dun minsan.” sabi niya habang nakayuko.

“Pero nakakatulong din yung pakikipag-usap sa iba, para hindi ka manibago paglabas mo dito.”

Napatingala si Vice sa sinabi niya. Nasa tono niya ang paninigurado, ang pagiging hopeful, ang pagiging sincere. Gusto niyang makalabas si Vice dito. Gusto niyang maging normal ulit ang buhay nito.

Ngumiti siya ng konti. “Buti ka pa.”

Napataas naman ang noo ni Karylle. “Hmm? Anong buti pa ako?”

“Buti ka pa may pakialam. Na kinakausap mo yung mga pasyente dito, hindi lang dinadalhan sila ng pagkain o ng gamot, o tatawagin para sa therapy, o kung may bisita, o anuman. Nakikipagkwentuhan ka.”

“Kasi alam kong makakatulong yun.” at ngumiti siya. “Alam kong mahirap yung side effects ng medication pero sana wag mong sukuan. Sige, babalik ako bukas ha? Thank you Vice.” sabi nito at umalis na.

Hindi niya alam kung bakit, pero nung dumating ang hapunan niya kasama ang gamot, ininom niya ito agad agad.

~

“Vice, get ready. Hinihintay ka na ni Dr. Crawford sa office niya para sa therapy mo.” tawag ng nurse sa labas ng pinto niya. Kanina pa nakapag-ayos si Vice kaya lumabas narin ito agad.

Spacey, comfortable, cold. Yun lang ang mga bagay na gusto ni Vice sa pagpunta sa office ng doctor niya para sa therapy, wala nang iba. Hindi niya alam kung sadya ba talagang ganito ang ambiance sa loob, nakakaantok na parang gustong mang-hypnotize. Nakaupo siya sa malambot na couch habang nakaupo naman ang doctor niya sa desk nito.

“So, Vice. How are you feeling?” sabi ng doctor calmly. Hindi niya alam kung paano iaaddress ito, parang mas bata pa kasi ito sakanya.

“Okay lang naman, doc. Maliban sa side effects..”

“Of course. It’s normal, hindi ganun kadaling mag-adjust ang katawan ng tao sa ganyang medication. Pero pag nagtagal, mababawasan din yung intensity. Unless there is discontinuity of intake.” sabi ng doctor at napahinga ng malalim.

Kinabahan naman si Vice at mas lalong nanginig ang mga kamay niya. Hindi siya makatingin sa doktor.

“Vice, if you want this to work, if you want to recover, please be honest with me.” hinila ng doktor ang upuan niya at umupo sa harap ni Vice.

“Nakikita mo pa ba si Ryan? O may panibago?”

Hindi siya sumagot at nanatiling nakapako ang tingin sa sahig. Hindi mapakali sa kakagalaw ang mga kamay at binti niya.

“Vice. This might upset you, but I have to remind you this. Makinig ka okay?”

“Is this a prank? You got me, okay. That photo editing was flawless.” sabi ni Vice habang tumatawa at inilapag ang picture sa mesa na ipinakita sakanya ng barkada niya. “Sinong gumawa nito? Galing ah.”

“Vice...” sabi ng isa niyang kaibigan calmly.

“Cut the crap, guys. Paikot-ikot nalang tayo dito eh. Okay na nga, naloko niyo na ako. O tara na inom na tayo.” at nagsimula na siyang maglakad palabas ng kwarto. Hinarang naman siya ng isa pa niyang kaibigan.

“Vice makinig ka muna. Hindi kami nagbibiro dito. Wala ka talagang kasama sa picture na yon! You were talking to nobody!”

Naglakad siya pabalik at kinuha ang picture sa mesa, pinagpupunit ito habang galit na galit at kinwelyuhan ang kaibigan. “So anong sinasabi mo, ha? Na baliw ako? Na may imaginary friend ako, ganon? Ikaw ata sira ulo eh?”

Pilit siyang nilalayo ng iba pa nilang kaibigan at dahil narin sa dami nila ay narestrain nila ito. “Gago ba kayo? I was with Ryan. He’s a childhood friend!”

Hindi kumibo si Vice. Alam niya ang kwentong ‘to, oo naman. Paulit-ulit na itong pinaalala sakanya. Hindi siya naniwala dito hanggang sa ipinasok na siya sa lugar na ‘to, sa isang mental institution.

Napahinga siya ng malalim. “Hindi ko alam, doc.”

“Ang ano, Vice? Anong hindi mo alam?”

“Hindi ko na alam kung ano ba yung totoo sa hindi.” he said after a long pause. Tumingala siya at napatingin sa window ng pintuan ng office at nakita niyang nakadungaw si Vhong na masama ang tingin sakanya. Iniwasan niya ito ng tingin, nagkusot ng mata, pero nandun parin ang lalake pagtingin niya.

“Vice, may nakikita ka ba ngayon?” tanong ng doktor.

Tumango lang si Vice. “Doc.. si Vhong, hindi ba siya totoo? Binibisita niya ako minsan..”

Umiling lang si Dr. Crawford. “Anong sinasabi niya sayo?”

Napatingin ulit si Vice sa pinto at nandun parin si Vhong na mukhang dismayadong-dismayado sa sinasabi ni Vice. Hindi niya inalis ang tingin dito at nagkwento sa doktor niya. “Masama daw para sakin yung gamot. Na itatakas daw niya ako dito.”

“Ilang araw ka nang hindi nakakainom ng gamot?”

Napaisip si Vice. “Limang araw.”

“Vice, alam kong mahirap. But this treatment, it needs trust to work. Doktor mo ako, I always have your best interests at heart. Hindi kita bibigyan ng gamot na mas lalong makakasira sayo, na mas lalong magpapahirap sayo. Alam kong nasabi ko na ‘to sayo dati, but schizophrenia has no permanent cure at the moment. We can only suppress the symptoms by the help of your medications. What you can do is take them responsibly and ignore the hallucinations, the delusions. Learn to distinguish between what is real and what is not. Feel them. It won’t be easy, I know, but you have to try.” Dr. Crawford leaned closer to him. “It helps to have a constant, an anchor to reality. Na pag nakita mo siya, alam mong totoo lahat.”

~

“Vice?” sabi ng isang pamilyar na boses sa labas ng pinto.

“Pasok.”

Sumilip muna si Karylle sa loob at nginitian siya bago pumasok. “Hello.”

“Hi.” he said monotonously.

Hinila niya ang upuan para itabi sa higaan ni Vice. “O, bakit?”

Bumangon siya sa pagkakahiga at sumandal sa pader sa ulo ng higaan niya. “Wala, yung session kasi kanina.” at kinwento niya kay Karylle ang nangyari.

Hindi agad kumibo ang nurse. Tumango lang ito at nagpalumbaba. “Sa lahat naman ng sakit, para maging effective ang treatment, dapat tinatanggap mo muna kung anong kinahaharap mo. Kung ano yung problema.”

“Yun nga eh. Ang hirap pag yung mismong kalaban mo eh yung sarili mo. Ito.” at tinuro niya ang kanyang isip. “Ako rin mismo yung sumisira sa sarili ko.” napayuko siya, tila nahihiya sa kausap. “Natatakot ako sa sarili ko..”

“Vice, isa lang ang kalaban mo pero marami kang kakampi.”

Natawa naman si Vice. “Hindi pa ako binibisita ng family ko, kahit ng mga kaibigan ko. Magdadalawang buwan na ko dito. Natatakot sila sakin, natatakot silang baka makasakit ako. Na baka makasira ako sa pangalan ng pamilya namin. Ewan ko sinong kakampi ko.”

“Si Dr. Crawford. Sina Manong Norbert. Sina ate sa kusina. Mga nurses. Ako.” Karylle offered a reassuring smile. “Mag-promise ka Vice, iinom ka na ng gamot mo. Hindi mo na papansinin yung hallucinations mo. Please, Vice.”

Napangiti naman siya. “Okay.”

“Hindi! Itaas mo yung right hand mo tapos sabihin mo promise.”

Ginawa naman ito ni Vice. “Promise.”

“Ayan.” tumayo na siya at ngumiti. “Good night. Wag mong kakalimutan yung sinabi ko sayo ha.”

Tumango si Vice at ngumiti rin. “Thank you. Good night Karylle.”

~

Nagising si Vice sa naramdaman niyang pagkalabit sa likod niya. Natutulog siya ng nakaharap sa may bintana at pag-ikot niya sa kabilang side ng higaan ay nakita niya si Vhong.

“Huy! Bangon na dyan. Ngayon na tayo aalis.” pagpipilit nito sakanya.

Lumayo sakanya si Vice at pumikit. “Vice, wag mo na isipin. Utang na loob. Mawawala rin yan.”

Niyugyog siya ni Vhong at hinihila para bumangon. “Tumatakbo ang oras, ano ba! Bilis na!” bulong nito.

Dumilat si Vice at bumangon. “Alam kong hindi ka totoo. Alam kong hindi kayo totoo ni Ryan. Gawa lang kayo nitong sira kong utak, o.” sabi niya na may panggigigil habang nakaturo sa isip niya.

Kumunot ang noo ni Vhong. “Ano na naman ba ‘to?”

“Gusto mo kong tumakas dito kasi gusto kong umalis dito. Kasi gusto ko nang bumalik sa buhay ko. Pero hindi ka totoo.”

Lumapit sakanya si Vhong at kinwelyuhan siya. “Ininom mo yung gamot no? Uminom ka ng gamot! Gago ka niloloko ka lang ng mga tao dito! Pag hindi ka sumama sakin ngayon, hinding-hindi ka na makakalabas dito. Wag mo ‘tong sasayangin Vice.”

Pumiglas siya sa pagkakahawak ni Vhong at tinulak ito ng sobrang lakas. “Alis na.”

Tiningnan lang siya ni Vhong na galit na galit. “Bahala ka.” sabi nito bago siya lumabas ng pinto.

~

Lumipas ang ilang araw na hindi nagmimintis sa pagbisita si Karylle kay Vice kasabay narin ng hindi pagpapakita ni Vhong. Dahil dito, naging malapit sila sa isa’t isa at nagkakwentuhan tungkol sa mga buhay nilang dalawa.

Sa lahat ng pagbisita ni Karylle, kailanman ay hindi ito pinuna ng mga nurses na naghahatid ng pagkain ni Vice o ang talagang nag-aasikaso sakanya. Kahit isang beses ay hindi nila nabanggit sakanya si Karylle o nagtanong kung anong meron sakanilang dalawa at lagi silang nag-uusap.

He started to doubt if Karylle exists. Gusto niyang tanungin ang doktor niya sa susunod niyang consultation kung may nurse nga bang Karylle ang pangalan sa lugar na yon pero natatakot siya. Karylle is really kind and fun to be with. She listens. She actually cares for him. She is after his recovery. Simula nung frequent visits ni Karylle sakanya, umiinom na siya regularly ng gamot niya. The side effects were awful, but he endured because he was doing it for her. Ayaw niyang madisappoint ito sakanya.

Iniisip niya kung lahat nga ba ng delusions ay masama. Pero paano nga kaya kung hindi rin pala siya totoo? Na projection lang siya ng malungkot at nag-iisa niyang isip? Hindi niya alam kung kaya niyang hindi pansinin ito, hindi niya alam kung kaya ba niyang pigilan ang sarili niyang mag-hallucinate ng isang Karylle at hindi na ito makita pa.

Nakarinig siya ng apat na katok at umikot ang door knob. Alam niyang si Karylle na ito. Nakaupo siya sa tapat ng mesa, kakainom lang ng gamot niya.

“Hi.” bati ni Karylle at nginitian siya. Umupo ito sa harap niya.

Hindi siya sumagot at inabot ang kamay ni Karylle sa mesa. First time niya itong ginawa kaya medyo nagulat din ang nurse sakanya pero hindi naman ito pumalag.

Yumuko siya at pumikit. “Ang gulo ng buhay ko. Hindi ko alam kung anong totoo at hindi, at ang hirap nun. Pero nandyan ka, tinulungan mo ko. Karylle, gusto ko lang makasiguro.” inangat niya ang ulo niya at tumingin sa mata ni K. “Totoo ba ‘to? Totoo ka ba? Natatakot ako, parang hindi ko kaya kung all this time nasa utak lang pala kita. Hindi ko alam kung anong gagawin ko..”

Inalis ni K ang pagkakahawak nila ng kamay ni Vice at saka tumayo. Lumapit siya dito at nag-crouch ng bahagya para magkapantay sila. Kinuha niya ang mga kamay ni Vice at inilagay sa mga pisngi niya. “Ikaw lang ang makakapagsabi kung totoo ako, Vice. Ikaw lang ang makakaalam.”

Lumapit siya lalo kay Vice, pumikit, at hinalikan niya ito.

Nang maglayo silang dalawa, napangiti nalang si Vice. Marahil ay lahat ng bagay sa mundo ay pagtatakhan niya kung totoo nga ba o ilusyon lang, pero nakakasiguro siyang ang kaharap niyang babae ngayon ay mas totoo pa sa araw at mga bituin.

f.

[A/N: I can just imagine Billy as a doctor. GAHHH. :"> Hahaha ayon ewan ko kung bakit naisipan kong magsulat ng ganyan, sana okay lang naman. Eto nalang siguro yung thank you ko sa mga nagbasa ng All This Time at nagbabasa ng Fix You. Haha thank you ;)]

Lanjutkan Membaca