The Campus Ms. Cupid (One Sho...

By cole_nie

270 11 2

AKO ANG TINAGURIANG "ms. CUPID" sa campus namin. Kaya nga cupid diba, meaning ako yung gumagawa ng paraan par... More

one shot lang

270 11 2
By cole_nie

"Love is an open doo-o-or" kasalukuyan akong kumakanta habang nanonood ng Frozen. Paborito ko talagang kanta sa Frozen, eh yung Love is an open Door" kasi totoo naman diba? Love is an open Door.

Ako si Psyche Mapagmahal. Aka Ms. Cupid. Di, parang baliw lang, kasi si PSYCHE ay partner si CUPID, dapat hindi nalang Ms. CUPID ang tawag sakin kundi, Psyche ang pinakamagandang mortal. Totoo naman yun di ba?

"Psyche!" Bulalas ni Jade na halatang kagagaling lang sa pagtakbo.

"Bakit Jade? May problema ba?" May pag-aalalang tanong ko sa kanya.

Bigla nalang humagulgol ng iyak si Jade, hindi ko alam kung bakit sya ganito.

"Huminahon ka Jade, pag-usapan natin. Wag ka ng umiyak" sabi ko sa kanya habang hinahagod ko ang likod nya. Nakayakap na kasi sya sa akin, habang nakaupo sya sa tabi ko.
"Ka-ka-kasi si Ma-Manuel" sabi ni nya habang humihikbi sya.

"Ano? Anong nangyari kay Manuel?"

"Psyche, nakita ko sya kayakap nya si Dennis" sabi ni Jade, habang pinupunasan nya yung mga luha sa pisngi nya.

"Psyche, tulungan mo ko! Baka iwan ako ni Manuel, di ko kaya!" Malungkot na sabi ni Jade at muli nanaman syang umiyak.

"Dont worry Jade, hindi ka iiwan ni Manuel" pagpapagaan ko ng loob nya.

"Malay mo naman kinocomfort nya yung tao di ba?"

"Hindi eh! Psyche one time nakita ko sila nun sa bench!"
"Anong ginagawa nila?"

"Nag-iiyak si Dennise, habang nakayakap sya kay Manuel"

"Malay mo naman Jade may problema lang si Dennise"

"Hindi ko alam! Hindi ko na alam!" Umiyak pa lalo sya.

"Oh sige, ganito nalang, dahil ako si Ms.CUPID tutulungan kita"

"Talaga?" Umaliwalas naman ang mukha nya ng sabihin ko yon.
"Oo naman, bukas pagpasok mo sa campus, I assure na ok na kayo"

"Thank you Psyche!"

(Kinabukasan)

"Manuel?" Tawag ko sa nakatalikod na lalaki na di ko sure kung sya nga.

Humarap yung lalaki. Grabe ang gwapo nya, para syang lalaking version ni Venus.

"Bakit?" Tanong nung Guy
"Ay, sorry kala ko kasi si Manuel ka" medyo nahihiya na sambit ko sa kanya.

Pagkatapos nun, umalis na sya na hindi ko manlang natanong ang pangalan.

Pinagmasdan ko sya habang naglalakad papalayo sa akin.

Ito ang araw na napana si Ms. CUPID. Araw na may naramdaman akong spark. Araw na parang may kung ano sa sikmura ko. Araw na naramdaman ko na parang nakikipag karera ang puso. Ang araw na na in love ako. July 14, 2013. Sa ganap na 8:14 ng umaga. Isang lalaking magpapabago sa pananaw nya, sa pananaw ko?

Matapos ang araw na iyon hindi na sya naalis sa isip ko. Tuwing matutulog ako sya lang napapanaginipan ko. Tuwing may nangangailangan ng help ko dahil sa lovelife nila, bigla bigla nalang akong naiingit. Bigla nalang akong nalulungkot. Di ba nga dapat masaya ako kasi may tao na naman na nagmamahalan? Pero bakit ganito, bakit ganito nararamdaman ko?

I hate this feelingggggggg!!!!

One day, napagpasyahan ng mga kaibigan ko na pumunta sa Engeener Building para sa gaganaping meeting para sa darating na School Festival. Isa kasi ako sa representative ng course namin which is architecture para tumulong magprepair.

Lumipas ang araw at ito na nga ang big day ng campus ang school festival kung saan ang lahat ng mga courses ay magsasama sama ng isang buong araw. As in kahit gabi na magkakasama parin kami.

Tuwing naiisip ko si Mistaken Guy naiinlove ako. Si Mistaken Guy yung love of my life ko yung nakita ko nung, July 14 , 2013 sa ganap na 8:14 ng umaga.

Hanggang nagyon di ko parin sya nakikita, pero ni minsan di nawala pagmamahal ko sa kanya.

Lumipas ang segundo, minuto, oras, araw, buwan at taon, pero wala pa din.

"Psyche, andami mo nanaman natulungan na lovers ah" sabi ni Chinnie isa sa friends ko.

"Di ka ba nagsasawa? I mean di pa ba naiinlove? Di mo ba gagawin yung ginagawa mo sa iba para sa sarili mo?

"Di ko alam Chinnie" sabi ko ng malungkot.

"Si Mistaken Guy na naman ba? Hay move on Psyche, move on!"

"Sya lang naman ang love of my life ko, ang dream guy ko for-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla nalang dyang nagsalita.

"For 3 years?" Dugtong nya sa sinabi ko.

Tinaaas ko naman ang ulo ko habang sinasabing "oo! For 3 years sya lang!"

"Ewan ko sayo! Basta PSYCHE sabay tayo bukas pagpasok sa campus. MS. CUPID"

"Oo na Chinnie"

Kinabukasan nga pumasok kasabay si Chinnie. Malungkot ako kasi ngayong araw na ito July 14, 2016 kung saan 4 years ko na sya lang talaga.

"Psyche, nabalitaan mo ba?" Tanong sa akin ni Chinnie.

"Ang alin?" Balik tanong ko sa kanya.

"Si Mr. Sungit ng engineering eh babalik na dito! Alam mo kasi nung 2013 ata eh nag-enrol dito tapos umalis din agad!"

"Ano naman?"

"Wala lang gwapo kasi sya at famous"

Tumango nalang ako sa sinabi nya.

Umupo muna ako sa bench kasi 8:00 am palang naman. 8:30 pa kasi ang klase ko.
Habang si Chinnie naman kasama si Collen boyfriend nya. Ako nga rin yung nagmatch sa kanila eh.

Habang nagpapahinga or rather nagpapalipas ng oras, biglang may umupo sa tabi ko.

Nang tingnan ko sya biglang may spark, biglang may kung ano sa sikmura ko, biglang bumilis yung tibok ng puso ko, same thing nung nakita ko si Mistaken Guy.

"Mi-mistaken guy?" Biglang buka nalang ng bibig ko.

Tumingin naman sya akin na parang nagtatanong.

"Ha?"tanong nya.

"Ah-ah so-sorry" sabi ko na nagkandautal na sa pagsasalita.

Pagkatapos nag-iwas na sya ng tingin.
Tiningnan ko ang relo ko as araw na July 14, 2016. Sa ganap na 8:14 ng umaga nakita ko ulit sya after 4 years of waiting.

Natapos ang lahat ng klase ko at ito ako ngayo nakaupo sa bench kung saan nakita ko ulit sya.
Ang saya-saya ko talaga ngayon as in ang saya ko.

"Huy! Huy PSYCHE!" Tawag sa akin ni Chinnie.

"Bakit mo ba ako pinapunta dito?"

"Nakita ko na ulit sya" sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya. Nakatingin lang sko sa gate, nagbabakasakali na makita ko ulit sya.

"Sino? Si Mistaken Guy ba?"

Tumango nalang ako bilang sagot sa kanya.

"Talaga ano pang hinihintay mo panain mo narin sya para magkagusto din sya sayo"

"Sana ganung kadali yun, alam mo naman na wala akong powers di ba?"

"Ito naman di mabiro"

Kinagabihan sya padin ang nasa isip ko. At pinangako ko na sasabihin ko na sa kanya ang nararamdaman ko. Hindi dapat ako maiyak kasi si Ms. CUPID ako di ba, minamahal ng lahat.

Nandito ako ngayon sa main gate ng cmpus hinihintay ko sya. Sasabihin ko na talaga na may feelings ako sa kanya. Alam kong di ko pa sya kilala pero mahal ko talaga sya. Nakita ko na sya at papasok na sa gate matapos nyang ipark ang kotse nya. Maaga pa naman at kaunti palang ang mga studyante na napasok.

Pumunta agad ako sa harapan nya, pagkatapos nyang ilagay ang iphone nya sa bulsa nya.

"Hi!" Panimulang bati ko sa kanya.

Tumingin naman sya sa akin.

"Ako nga pala si-"

"Sabihin mo nalang kung ano nga sasabihin mo!" Sabi nya ng pinutol nya ang sasabihin ko.

"Ah kasi, GUSTO KITA! Ay mali MAHAL KITA! Simula nung makita kita na inlove na agad ako sayo kahit di ko alam ang pangalan mo, kahit na di pa kita kilala"

Halata ko ang gulat nya. Pero tinalikuran nya lang ako at walang sinabi.

Pero nagsalita ulit ako.

"Kahit na hindi ka sumagot, MAHAL PADIN KITA! SANA PANSININ MO NAMAN AKO! PARANG HINDI KA LALAKI"

Dapat siguro di ko nalang yun sunabi dahil dun nagsimula kung bakit si Ms.CUPID umiyak ng sobra.

Tumigil sya sa paglalakad at humarap sa akin.

"What?anong sinabi mo? Sorry Miss pero hindi kita gusto. Wala akong pake kung ano man yang nararamdaman mo"

Habang nagsasalita sya hindi ko na napigilang tumulo ang mga luha ko.

"Kaya pwede huwag mo akon kulitin" sabay talikod nya at umalis na lang.

Nakatunganga lang ako habnang iyak ng iyak dahil sa mga sinabi nya.

Natapos ang klase ko na lutang na lutang ako. Umuwi narin ako kaagad.
Dahil hindi ko na talaga kaya...

Lumipas ang isang linggo na iyak lang ako ng iyak minsan na nga lang umibig si Ms. CUPID ganito pa.

"Ano PSYCHE? Iiyak ka nalang dyan ng iiyak!" Pumasok pala si Chinnie, ni hindi ko manlang naramdaman. Manhid na siguro ako.

"Masakit kasi, masakit dito oh!" Sabi ko sa kanya habang tinuturo ang nagdurugong puso ko.

"Shh, tahana na PSYCHE di lang sya ang lalaki sa mundo" pagcomfort sa akin ni Channie.

"Di ko kaya!"

"Alam mo kung alam ko lang na si Steven Santos aka Mr. Sungit ng engineering pala si Mistaken Guy mo eh pinigilan na sana kita."

Nakuwento ko kasi sa kanya lahat ng nangyari. Nalaman ko din na sya pala dati yung kunukuwento sa akin ni Chinnie.

"Chinnie, hindi na ako iiyak" sabi ko habang pinipunasan ang luha ko.

"Yan mag move on ka na!"

"Hindi ako mag momove on Chinnie" halata sa muka nya na gulat sya.

"Hindi ako titigi hanggat hindi rin sya nagkakagusto sa akin"

"What do you mean?"

"Hindi ako susuko!"
"Bahala ka"
"Trust me Chinnie last na ito pag di pa rin, alam mo na".

Hindi nga ako tumigil sa pangungulit ko kay Steven. Araw-araw ko syang kinukulit.

"Huy Steven! Pwede pasabay?" Tanong ko habang hinahabol ko sya sa paglalakad.

"Tsk!" Ngumisi lang sya sa akin.

Sinabayan ko parin syang maglakad. Siguro sa araw-araw na pangungulit ko sa kanya, napagod na sya sa kakareject sa akin.

Isang umaga sa campus, hinihintay ko ulit si Steven. Naka upo lang ako sa bench kung saan nakita ko sya noon.

"Hi Psyche!" Bati sa akin ni Harry isa sya sa mga ka batch ko said architecture.
"Hi!" Bati ko rin sa kanya habang may ngiti sa labi ko.
Nagkuwentuhan lang kaming dalawa at tawanan ng tawanan. Tumigil lang ako sa pgtawa ng makita ko si Steven na nakatingin sa amin rather sa akin na parang badtrip.

"Hi Steven!" Bati ko sa kanya.
Tumayo na ako at nagpaalam na kay Harry.
"Bye Harry!"

Lumapit ako kay Steven habang nakatingin parin sya sa akin.
"Hi!" Bati ko ulit.

Tapos tinalikuran nya ako na lagi naman talaga nyang ginagawa. Sanay na ako

Pagkatapos ng klase pumunta ako ng engineers building para gulatin si Steven pero ako ang nagulat.

Nakita ko sya na may yakap na ibang babae. Alam ko na hindi dapat ako magselos kasi wala lang naman ako sa kanya. Ano ba tong nararamdanman ko ang sakit, ang sakit ng puso ko.
Parang gumuho yung buong mundo ko.

Umuwi na ako sa bahay matapos ang pangyayaring yon. Kaya pala ayaw nya sa akin kasi may girlfriend na sya. Bakit hindi nya sinabi na may girlfriend na pala sya? Pinaasa nya lang ako. Oh ako lang yung nag assume na nagkakaroon na rin sya ng feelings sakin? Siguro nga ito na yung time para malinawan ako na hindi nya talaga ako gusto. Gagawin ko na yung sinabi ni Chinni na dapat noon ko pa ginawa bago nya ako nireject, eh di sana hindi ako nasasaktan ng ganito. Eh di sana naging Ms.CUPID nalang ako forever ng Campus at hindi na nainlove. Si m
MS.CUPID na masaya noon dahil sa pagmamahal, pero ngayon nagdurusa naman dahil doon.
Dapat talaga noon pa ako nag MOVE ON!!

Simula ng nakita ko yun di ko na sya pinapansin, di ko na rin sya kinukulit at pagmakikita ko sya ako nayong umiiwas.
Mahigit 3 months narin siguro ng iniiwasan ko sya.
Minsan nga ramdam ko na gusto nya akong kausapin pero lumalayo agad ako. Natatakot na kasi ako na masaktan ulit, mahal ko parin kasi sya.

"Psyche!"
Narinig ko na may tumawagsa pangalan ko, kaya naman tiningnan ko kung sino.
Nagsisisi ako na lumungin pa ako. Nakita ko pagharap ko si Steven nakatingin diretso sa mga mata ko. Ako na ang umiwas ng tingin at maglalakad na sana palayo pero hinawakan nya ang braso ko.

Nagpupumiglas ako pero lalo lang nyang hinihigpitan.
"Ano ba? Bakit ba Steven? Ano bang problema mo?" Tanong ko sa kanya.

Bigla namang kumunot ang noo nya.
"Tinatanong mo kung sinong problema ko?!" Sigaw nya sa akin.

"Ikaw! Ikaw PSYCHE, ikaw yung problema ko!"

"Bakit ako? Iniiwasan na nga kita diba? Hindi na rin kita kinukulit? Hindi na rin kita pinipilit na gustuhin ako! Please lang Steven, gusto ko ng mag move on" sabi ko sa kanya na halos pumatak na ang mga peste kong luha.

"Ayun na nga yung problema ko eh! Hindi mo na ako pinapansin! Hindi mo na rin ako kinukulit! Pero sana naman PSYCHE, huwag kang mag move on"
Halos natulala ako sa mga sinasabi nya sa akin. Ano wag akong mag move on, anong gusto nya magpakatanga lang ako sa kanya forever!
"Ano bang sinasabi mo ha?!" Tanong ko sa kanya.

"Ayokong mag move on ka!" Sigaw nya ulit sa akin.

"Tama na Steven! Huwag mo na akong paasahin! Nasasaktan na kasi ako!"

"Kasi-"
"Kasi ano, kasi ano Steven!" Sigaw ko ulit sa kanya.

"Gusto na kasi kita! Ah hindi, MAHAL NA KITA PSYCHE!"

Humagulgol na talaga ako sa iyak sa mga pinagsasabi nya.

"Mahal kita Psyche! Sorry kung hindi ko masabi sayo!"

Niyakap ako ni Steven ng mahigpit, hindi ako makapaniwala na mahal nya din pala ako.

"Sana matanggap mo ako, sana mapatawad mo pa ako" sabi nya sa akin ng nakayuko.

"4 years na kaya kitang hinintay, magpapaka choosy pa ba Ko?"

"So, pinapatawad mo na ako?"
Tumango ako sa sinabi nya.
"So tayo na?"

Tumango ulit ako.

"Yes! Yes!" Sigaw sya ng sigaw.

Tinitigan nya ako hanggang sa bumaba sa mga labi ko. Unti unti nyang nilapit ang mukha nya sa akin at hinalikan ako. Halik na nagsasabing mahal na mahal nya ako.

FEBRUARY 13, 2017. 4:14 ng hapon. Thursday. Sa araw na ito, napana rin ni Ms. CUPID si Steven Santos aka Mr. Sungit.

Continue Reading

You'll Also Like

28.8M 915K 49
[BOOK ONE] [Completed] [Voted #1 Best Action Story in the 2019 Fiction Awards] Liam Luciano is one of the most feared men in all the world. At the yo...
96.7K 317 23
fetish ဖြစ်တာတွေ ချက်ဖြစ်ခဲ့တဲ့ roleplay တွေ α€α€€α€šα€Ία€–α€Όα€…α€Ία€–α€°α€Έα€α€²α€·α€α€¬α€œα€±α€Έα€α€½α€± တချို့က α€€α€­ α€…α€­α€α€Ία€€α€°α€Έα€šα€‰α€Ία€α€¬α€–α€Όα€…α€Ία€žα€œα€­α€― တချို့က α€€α€­ α€α€€α€šα€Ία€œα€―α€•α€Ία€α€»α€„α€Ία€α€¬ တချို့က α€€α€­α€–α€Όα€…α€Ία€α€²α€·α€α€¬α€œ...
191M 4.5M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...
9.9M 500K 199
In the future, everyone who's bitten by a zombie turns into one... until Diane doesn't. Seven days later, she's facing consequences she never imagine...