ZBS#10: Peach Firefly's Haunt...

By iamyourlovelywriter

2M 49.6K 3.4K

Catchline: "Hindi ko hinangad na dumating ka sa buhay ko, pero nangyari na ang nangyari, wala na akong magag... More

Teaser
Prologue
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
EPILOGUE

Chapter One

87.2K 1.6K 67
By iamyourlovelywriter

Chapter One

"Granmy, bakit po kailangan nating magvisit sa hospital? Hindi naman po ako sick hindi ba?"

"No you are not Hexel, kailangan lang nating pumunta sa hospital dahil si granmy ang may sakit at itatanong na rin natin sa pedia mo kung papalitan ba ang mga vitamins mo."

Lumabi si Hexel sa narinig niya mula sa lola niya, she is already seven years old at nagdi-drink pa siya ng vitamins. They are sweets and she likes them pero nakakasawa na mas gusto niyang uminom ng softdrinks and ice tea keysa sa vitamins niya.

"I don't want to drink na po vitamins lola kasi its not yummy anymore. Hindi na ako magkakasakit kasi I am already seven years old na." tumawa lang ang kanyang lola sa kanyang sinabi.

"You need to be healthy ayokong sabihin ng mommy mo kapag nagkita na kayo na hindi kita inaalagaang mabuti."

"Kailan po darating si mommy at si daddy?" nalungkot ang lola niya sa tanong niya pero gusto niyang malaman. Nakikita lang niya ang mommy at daddy niya sa pictures and sometimes she reads their letters too. Her mommy writes tagalog letters kaya naiintindihan niya while her daddy wrote English kaya she needs to study more English word para makapagreply siya. Marunong na rin siyang magwrite kaya nagsusulat siya ng letters sa mommy and daddy niya. Pero mas gusto niyang makita ang parents niya, hindi pa niya nakikilala ang mga ito.

"Malapit na silang dumating just be a good girl Hexel."

"Okay." Mahinang sagot niya, she really wanted to see them and hug them.

"Good, bumaba na tayo at kanina pa naghihintay ang doctor sa clinic niya." Madalas silang magpunta sa hospital kapag may sakit ang lola niya o kaya naman ay kapag siya ang sick, ayaw niya sa hospital kasi may mga injections ang mga nurses and doctors and it hurts when they inject her something. And nurses and doctors have masks making them look like villains sa mga movies.

"Good morning ma'am, are you Ma'am Agatha Domingo?" tanong ng girl na may mask din.

"Yes."

"Kanina pa po kayo hinihintay ni Doctor Gilmore sa clinic niya." Kilala niya ang doctor ng lola niya. Nagsmile sa kanya ang girl na bumati sa kanila at binigyan siya ng lollipop na tinanggap naman niya at nagsmile back siya dito. Her lola said she needs to be courteous and friendly all the time kahit na nahuhurt na daw siya. A proper lady doesn't show her pain in front of people kaya iyon ang sinusunod niya, she wanted to be a good girl para sunduin na siya ng mommy at daddy niya.

"Good morning Mrs. Domingo." Bati ng matangkad na doctor. "And little Hexel." Kinarga siya ng doctor at saka tinap sa head. "Mabuti at sumama sa iyo itong apo niyo Mrs. Domingo." Mabait naman si Doc Gilmore, siya ang palaging doctor ng granmy niya at kilala na rin niya ito. "Ang laki ng apo niyo and she is getting prettier."

"Mana sa lola, doc." Pinaupo siya ng doctor sa couch habang nagtatalk ito with her lola, napatingin siya sa door. It's open kaya lumabas siya tapos hindi siya napansin ng girl kanina na bumati sa kanila dahil may kausap ito kaya naglakad-lakad lang siya.

"Puno na ang mga private rooms hindi na natin pwedeng i-accommodate ang pasyente, kailangan nilang maghintay para makakuha ng private rooms." Napatingin siya sa nagsalitang matangkad na babae hindi niya makita ang mukha nito dahil may hawak itong clipboard. Tumingin-tingin lang siya sa paligid hanggang sa may nakita siyang mga nurse and doctors na nagtutulak ng may gulong na bed kaya mabilis siyang umiwas pero sa kaiiwas niya ay hindi niya napansin na may hagdanan na pala sa likod niya.

"Grandmy!!!" pasigaw na tawag niya sa lola niya.



"IKAW talagang bata ka hindi ba sinabi kong magbehave ka? Kung hindi ka umalis sa clinic ni Doc Gilmore hindi ka mahuhulog sa hagdanan." Sermon sa kanya ng lola niya pero nakangiti lang siya dito.

"Sorry na po grandmy, it was an accident." Nasapo lang nito ang ulo nito napatingin siya sa ward kung saan sila naroroon. Wala na daw private rooms kaya doon muna siya ayaw sana ng kanyang granmy pero wala na itong choice.

May pilay siya pero sabi ng doctor okay lang naman siya kaya umuwi sila pero kinagabihan ay inapoy siya ng lagnat kaya dinala siya sa hospital. Natakot ang lola niya na baka may dengue daw siya.

"Anong gusto mong kainin magpapabili ako ng foods."

She mentioned a lot of foods that she likes hindi naman nagreklamo ang lola niya, her granmy gives her everything she likes that is why she loves her so much. Umalis itong saglit kaya tumingin siya sa mga kasama niya sa room, they are all kids like her. Hindi nag-uusap iyong iba she wants to talk to them home schooling kasi siya kaya wala siyang mga friends gusto niya ng friends.

Bumaba siya sa bed niya sabay tulak sa dextrose stand, naexplain na sa kanya ng lola niya ang mga bagay na iyon kaya alam na niya. Her lola said na hindi dahil bata ka kailangan wala kang alam, she is already seven and needs to know simple things.

Una niyang pinuntahan ang isang girl na nakaupo sa bed at nakatingin sa malayo. "Hi, anong name mo?" tanong niya dito tumitig lang ito sa kanya, may mga scratches ito sa face. "My name is Hexel, what is your name?" nakangiting tanong niya. "My lola brought me here dahil mataas ang fever ko akala nila dengue pero I am fine na pala." Tumingin lang siya sa batang babae, she looks so sad at hindi nagsasalita akala niya tuloy ay pepe.

"I'm Ainsley and this is my friend Chloe, bestfriends kami." Sabay silang napatingin sa batang kumakain ng orange katabi ng isang pretty girl na may nakasabit din na dextrose sa arm nito. "Visitor lang ako."

"Ang dami pala natin dito ano? Anong sakit mo?" may isang batang babae pa ang lumapit sa kanila tulak din ang dextrose stand nito. "Ako masakit ang tiyan ko kaya dinala ako dito ng nanay ko sabi nila hindi daw ako natunawan. Ako nga pala si Zyrene."

Napatingin siya sa katabing bed niya, may isang bata doon na kanina pa umiiyak. Hindi ito nakatingin sa kanila kasi naka-face ito sa wall.

"Sino siya?" tanong niya.

"Siya si Diana Rose, huwag mo siyang itouch ha kasi ayaw niyang pa-touch." Isang cute na may maliit na mata na bata ang lumapit sa kanila may hawak itong cake. "Ako pala si Crischelle Chua and I am four years old, ako ang pinakabata dito."

"Hindi naman ikaw ito yata ang pinakabata kasi ang small niya." turo ni Ainsley sa isang batang ang liit-liit na nga, halos buto at balat na ito. "Anong pangalan mo?"

Ngumiti ang batang babae. "Georgette."

"Hi Georgette." Lumapit siya dito. "Kakilala ni lola ang owner ng hospital-."

"Kung ganoon pwede bang bayaran na rin ng lola mo ang hospital kasi wala kaming pambayad mahirap lang kami." masungit na wika ng isa pa na kanina pa tahimik, kumakain din ito pero iyong skyflakes lang ang kinakain nito.

"Oo ba, anong pangalan mo?" tanong niya habang nakatitig sa batang iyon na pamilyar sa kanya para kasing nakita na niya ito somewhere.

"Monica."

"Kapangalan kita ako si Monique." Sagot ng batang una niyang nilapitan.

"Ako si Karylle, I am five years old malapit na akong mag-six at gusto kong maging pulis paglaki ko."

"Bakit ka nandito?" tanong ng mga ito kay Monique pero umiyak lang ito.

"Ang daddy ko, may sugat ang daddy ko. I want to see him na." nakatingin lang sila dito habang umiiyak ito, hindi rin niya alam kung paano ito patatahanin.

"Hala bata, akala namin wala kang kasama kasi walang dumadalaw sa iyo dito simula ng dalhin ka dito." Si Monica.

"Hindi ako pinuntahan ni mommy, ni ate Marie at ni kuya Cael?" tanong ni Monique sabay punas sa luha nito. "No, nagla-lie kayo-."

"Monique." Napatingin sila sa labas dahil may tuwag dito.

"Lola!" bumaba agad ito pero pinigilan niya dahil may nakasabit sa arm nito. Ang lola nalang nito ang lumapit at yumakap dito. "Lola, okay na po ba si daddy? Kasama niya ang doll ko kaya nasave po siya hindi po ba? Gusto ko na pong makita si daddy."

"Pupuntahan natin ang daddy mo, Niq." Masaya na ito mukhang makakalabas na rin ito.

"Lalabas ka na Niq, ba-bye!" paalam ni Zyrene dito.

"Babalik ako dito dadalawin ko kayo sasabihin ko sa daddy ko na dalhin niya ako dito." Sabi ni Monique.

"Ingat ka Niq at magkikita din tayo uli."

"Ba-bye ate Hexel. Bye! Bye friends!"

Friends? Gusto niyang mapatalon sa saya sa narinig niyang sinabi ni Monique, friends... may friends na siya.

"Malapit na rin akong lumabas kukunin na ako ni nanay." Singit ni Zyrene. "Pero baka mamaya pa iyon dahil mangungutang pa daw siya sa bangko pangbayad sa hospital. "Teacher ang nanay ko." Proud na sabi nito.

"Bukas pa ako lalabas eh." Si Karylle naman iyon.

"Sabay na pala tayo bukas Karylle," singit naman ni Chloe.

"Ikaw Hexel kalian ka lalabas?" tanong ni Crischelle sa kanya.

"Kapag sinabi na ni lola." Lumapit siya kay Georgette. "Ikaw? Kalian ka lalabas?"

"Ayoko ng lumabas." Nakangiting sagot nito. "Kasi wala din naman akong nanay at tatay hindi kasi nila ako isinama."

"Saan sila nagpunta?"

"Umalis na sila hindi ako kasama ibinigay nila ako sa mga bad guys."

"Bad guys? Huwag kang sasama sa kanila." React agad ni Diana. "Pinatay nila ang mama at papa ko pati na rin ang brother ko na nasa tummy ni mommy. Huwag kang sasama sa kanila kasi bad sila."

"Ayokong sumama sa kanila pero binili daw nila ako sa parents ko."

"Binili? Bakit? Laruan ka ba para bilhin?"

Tumawa lang si Georgette, hindi niya alam kung paano pa ito nakakatawa ng ganoon. Kapag tumatawa kasi ito ay nakikita na ang mga buto nito sa katawan at tila nahihirapan na itong huminga.

"Gusto kong tumakas na dito para hindi na magbayad si nanay at tatay, mahal dito." Ani ng masungit na batang babae. "Bakit kailangang magkasakit ang mga mahihirap? Dapat sa mga rich nalang kasi sila naman ang may pera para magpahospital."

"Wala namang pinipili ang sakit kahit mahirap at rich ay pwede." Si Ainsley na binigyan ito ng orange na agad naman na kinain ni Monica na para bang noon lang nakakain ng ganoon. "Masarap ba?"

"Oo ano ang tawag diyan?"

"Orange ito, here, sa iyo na ito hindi naman kumakain ng orange si Chloe." Naawa siya kay Monica dahil palagi siyang nakakakain ng orange pero hindi nga niya inuubos pero ito ngayon lang nakakakain.

"At bakit kayo walang mga bantay?" nagsibalikan sila sa kanilang mga bed ng may nurse na pumasok sa room nila. "Nasaan ang mga guardians ninyo? Hindi kayo pwedeng maiwan ng kayo lang."

"Lumabas lang si granmy para bumili ng foods."

"Nangutang pa si nanay at tatay pambayad sa hospital."

"May business pa sina mommy at daddy, lumabas lang si yaya para mag-CR."

Kung anu-anong rason ang narinig niya na ikinatawa niya kasi mukhang galit na galit na iyong nurse. Mabuti nalang at pumasok iyong mommy ni Karylle na napagalitan dahil iniwan sila. Isa-isa din na nagsidatingan ang mga guardians nila.

Gusto niya ang mga nakilala niyang mga bata kasi feeling niya hindi siya iba sa mga ito. Unlike sa ibang mga bata, kapag may meeting si lola ay may mga batang kasama ang mga kameeting ng lola niya. They played with her pero after the meeting ay hindi na ito nagpapakita sa kanya o kaya naman ay parang hindi na siya kilala kapag nagkita uli sila.




NAGISING nalang siya ng may tumusok sa pisngi niya, tinanggal niya ang kumot sa kanyang mukha at napatingin sa gumising sa kanya. May isang batang lalaki na sa tingin niya ay matanda sa kanya ang nakatayo sa tabi ng kanyang bed.

"Hindi ka si Ainsley." Sabi nito.

"Kuya Clive nandito si Ainsley at Chloe." Pupungas-pungas siyang bumangon at sinundan ng tingin ang batang lalaki na lumapit sa isa pang batang lalaki sa bed ni Chloe.

"Kuya bakit mo ginising si Hexel?"

"Akala ko kayo eh wala namang tao diyan noong huling punta namin dito."

"Nauna kasi si Chloe kay Hexel sa hospital." Nagwave lang sa kanya si Ainsley at ngumiti naman siya habang nakatingin sa mga ito. Nasabi ni Ainsley na may mga brothers ito, mukhang ang dalawa ang tinutukoy nito.

"You need to go home nagwoworry na si mommy at si daddy."

"Sasamahan ko pa si Chloe dito."

"Lalabas na si Chloe, kasama namin sina tita Sabrina at tito Rajeev. Tumakbo lang kami dito kaya naunahan namin sila."

Napangiti siya habang nakamasid sa mga ito, wala siyang brother o kaya naman ay sisters at nakakainggit pala kapag meron kang ganoon. Kapag nahanap na ang pinsan niya ay ilolove niya ng husto iyon at ibibigay din ang lahat. Sabi ng granmy niya ay matanda lang siya ng dalawang taon sa pinsan niyang nawawala pa hanggang ngayon. Bumalik siya sa paghiga at tumagilid pahiga upang makita ang mga ito.

Unti-unting bumibigat ang talukap ng kanyang mga mata at bago siya matulog ay sinabi niya sa sarili niyang kapag matanda na siya ay hahanapin niya ang mga ito. They will become her ultimate friends for life, she wants to have them as her sisters kaso nakaka-sad mag-isa, gusto niya ng maraming kasama.

Pagkagising niya ay nakalabas na ang mga bata, naiwan na naman siya pero hindi na siya malungkot ngayon kasi alam niya magkikita din sila.

"Lola, pwede ko bang hanapin ang mga friends ko dito sa hospital?" tanong niya dito.

"Oo naman bakit alam mo ba kung saan sila nakatira?"

"Hindi pa po." Kinuha niya ang isang maliit na notebook kung saan niya sinulat ang mga names ng mga ito. "Pero I know their names po lola I asked."

"Kapag naging good girl ka at nasa tamang-edad ka na papayagan kitang hanapin sila pero ngayon kailangan mo pa munang magpagaling."

"Ay, gusto ko ng umuwi eh."

"Uuwi din tayo mamaya hinihintay lang natin ang--." May pumasok na nurse sa loob ng room nila may dala itong something na naka-wrap sa white na blanket.

"ANo po iyan lola?"

"Ibinigay siya sa atin ni God."

"Huh? Christmas na po ba?" inilapit ng lola niya ang gift na iyon at nagulat siya ng makitang baby pala iyon. "Hala may baby."

"Pinsan mo na siya ngayon Hexel."

"Siya ba ang daughter ni uncle Landuree?"

"Hindi siya ang nawawalang pinsan mo, masyado pa siyang baby para maging five years old. Aalagaan na natin si Dalziel Ross mula ngayon kasi patay na ang parents niya at wala ng mag-aalaga sa kanya. Kaya natin siyang alagaang dalawa hindi ba?"

"Oo naman po lola, may little cousin na ako pwede ko na siyang maging brother din." Ngumiti ito sa kanya kaya mas lalo siyang napangiti. Ngayon hindi na siya magiging lonely kasi may makakasama na rin siya, sila ng lola niya.

"Hexel ito ang tandaan mo, kailangan mong mag-aral ng mabuti. Kailangan mong matuto ng maraming bagay dahil kapag wala na ako marami ka ng aalagaan. Hindi magiging madali ang lahat ng bagay pero kailangan mong harapin ang lahat. Kung may gusto kang makuha kailangan mo iyong paghirapan."

Hindi niya maintindihan ang sinabi ng lola niya, bakit kailangang gawing mahirap ang mga simpleng bagay? Minsan gusto nalang niyang maging bata palagi kasi kapag old ka na ang dami mo ng kailangang gawin, ang dami mong kailangang isipin at ang dami nilang problema. Ayaw niya ng ganoon, ayaw niya ng mahirap.


Pero ayaw din niya na maging bata kasi gusto niyang tumanda at makita uli ang mga friends niya dito. Gagawin niya ang lahat...


<3 <3 <3

a/n: Happy reading folks... dito muna ako habang hinahanap ko pa ang drive ko na tapusin ang ZBS 9.

Continue Reading

You'll Also Like

Losing My Mind By Cher

General Fiction

3.5M 114K 27
Hala! Nahulog-log-log-log si Alerica Bernadette nang unang beses niyang makita si Achilles Sanz Vejar. Her young heart beat for him and it stayed tha...
460K 3.3K 7
If you want to read the whole story, you can read it on Dreame (@yourhope15) or Goodnovel (Hope Castillana) or purchase a book on Immac Printing and...
2.4M 155K 53
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
1.8M 6K 5
Dela Marcel Series: Kristoff Uno Dela Marcel Story by: Diyosangwriter Cover by: CookieMallows