LOVE. It's just one word with four letters, but it can change everything and maintain anything.
Love ba kamo? Love is action. Love is tolerance. Love is giving. Love is sacrifice. Love is receiving. Love is powerful. Love is everything. Love is happiness. Love is mysterious.
Andaming meaning ng love 'no? Andaming words na pwedeng gamitin para idescribe 'yon. For all we know, love is universal yet we are confused about it. Bakit nga ba? What is love anyway? Ano bang mapapala ko diyan? Kayo ba may napala na kayo diyan? Bakit ba ang big deal ng love sa ating mga tao? Sa palagay ko mapapagod lang tayong lahat sa kakatanong kung ano nga ba ang love. Kagaya kasi ng buhay, ang pagibig ay mas maraming itinatanong kesa sinasagot na mga katanungan. Paano mo nga ba mabibigyan ng meaning ang love? Siguro nga lahat ng tao mayroong definition ng love themselves, but there is a deal - one cannot define love, because love is not a single fixed entity.
I once thought I knew what love was. I thought I was finally able to define what love is when he said that our love is forever. Kaso parang biglaan na lang na nag-expire 'yong forever namin. Hanggang March lang pala 'yon. Kung nagtatak sana siya sa noo niya ng: Best before March 28, 2013, e'di sana hindi ako umasa na hanggang mamatay kami ang itatagal ng forever niya. Hanggang doon lang pala. End of contract na agad. Wala man lang palugit. Biglaan na nga hindi pa ako nabigyan ng pagkakataon na makapagreact. Bastusan lang? Kung kailan ko ineenjoy 'yong sinasabi niya sa'king forever tsaka naman mawawala. Love is forever, forever pa siyang nalalaman, hindi naman niya napanindigan. Siguro nga forever is a word we can just dream of. Hanggang doon na lang. We always think it will never end. It will always be the same, but the act of forever itself disallows forever to actually exist. Forever was a lie and so as what's between the two of us.
"I'm sorry Alexa. We're better off without each other. This is for the best. Let's break up."pagkasabi sa'kin ni Patrick noon, wala akong nasabi para akong tinanggalan ng boses, naramdaman ko na lang na may pumapatak na mga luha mula sa mga mata ko.
Marami akong hindi maintindihan. I don't know what happened to me pero noong matauhan ako sinampal ko na lang si Patrick at mabilis na lumakad paalis. Hindi ko na kinaya na manahimik at umiyak na lang habang wala siyang ibang ginagawa kung hindi tumayo sa harap ko at pagmasdan ako na umiiyak.
Hindi na kita maintindihan Patrick. Sabi mo mahal mo ako? Bakit mo ako binibitawan ngayon? Bakit mo ako sinasaktan? Bakit mo ako pinaasa sa forever na 'yan? Kung gaano kita kamahal ganoon mo din ako nasasaktan ngayon. Mahal ba kita dahil ganyan ka o ganyan ka kasi alam mong mahal kita?
"Alexa!"sigaw ni Patrick. Diretso lang ako sa paglakad habang pinupunsan ko ang mga luha ko na patuloy sa pagbagsak. Unggoy ka talagang Patrick ka! Ang lakas ng loob mong habulin pa ako! Sino ka ba sa akala mo? Nasayang lang ang pagpunta ko sa graduation niya ngayon. Senior ko si Patrick, second year highschool pa lang kasi ako. Kung kailan babatiin ko siya sa pagtatapos niya ng highschool eentra siya ng "Let's talk." tapos makikipagbreak? Abnormal nga talaga siya! Daig niya pa ang may tama ng alak o droga. And now he's acting like he cares for me? Niloloko na nga niya ang sarili niya, dinadamay niya pa ako! Ang selfish niya, di ba?
Napatigil lang ako sa paglalakad nang mahawakan niya ang isa kong kamay dahilan rin para mapaharap ako sa kanya. Tiningnan ko lang siya. "Don't make this hard for me Alexa. You know how much I love you."sabi ni Patrick sabay akmang pupunasan ang mga luha ko pero tinabig ko ang mga kamay niya. "Love me? Ano ba 'to? Ano bang kasalanan ko sa'yo para pagtripan mo ako ng ganito? Kung joke time 'to sabihin mo na sa'kin para tumawa na ako. One second you'll break up with me, the next second sasabihin mong alam ko kung gaano mo ako kamahal? Nahihibang ka na ba? Sige nga Patrick, enlighten me at sabihin mo sa akin ngayon, gaano mo nga ba ako kamahal? Ano 'to gaguhan?" bulyaw ko sa kanya. Wala na akong pakielam kung sino ang mga nakakarinig at nakakakita sa'min ngayon. Basta galit ako, kasi nasaktan ako. Nasasaktan ako, kasi umasa ako. Umasa ako, kasi mahal ko siya.
Tinanggal ko ang kamay ko sa pagkakakapit niya nang hindi siya sumagot. "Oo gaguhan, gago kasi ako!"sagot niya. Bakas sa mukha niya ang inis. Ngayon aware na ako na pinagtitinginan na kami miski ng mga magulang na dumadaan. Gumagawa na kami ng eksena dito sa gilid ng auditorium na siyang pinagdausan ng graduation ceremony nila Patrick. "Buti alam mo!" sigaw ko pabalik sakanya.
Tatalikod na sana ako nang magsalita siya muli. "Lalake ako Alexa." sabi niya. Gusto ko siyang balibagin ngayon mismo. Anong klase bang dahilan 'yan? Feeling niya ba nasa teleserye kami para bigyan niya ako ng ganyan kapangtangang dahilan? So kapag lalake siya makikipagbreak siya sa'kin? Makes sense doesn't it? Lumingon ako at sumagot sa kanya. "So? Babae naman ako Patrick!" Napahilamos na lang siya ng kanyang mga kamay sa mukha niya. "Alam mong hindi 'yon ang ibig kong sabihin Alexa!"sigaw niya sa'kin. Siya pa talaga ang galit ngayon? Ang kapal talaga ng pagmumukha niya! "E'di ipaliwanag mo! Tanga nga kasi ako! Nakalimutan mo na ba 'yon? Kaya nga nagpauto ako sa'yo e'." bulyaw ko sakanya.
"I'm going to college marami akong pwedeng makilala doon..."A', oo nga naman Alexa. Mas maraming maganda sa college kesa sa'yo. Billions of girls better than you, better than who and what you are. Sino ka lang ba? Isang Alexa Salvador na anytime pwedeng palitan ng kahit sinong magustuhan niya. "...at ikaw rin second year highschool ka pa lang marami ka pang makikilala na mas better sa'kin." patuloy niya, sa mga rason niya. Yeah, right. Now he is acting as if everything is for my own sake. "Here we go again with those lame excuses of yours, you honestly think I would buy that act Mr. Villarama? Kung nagsasawa ka na sa'kin you should've just said so! Sana hindi ka na nahirapan magsugarcoat ng reasons mo." with that tumalikod na ako pero natigil ako noong hawakan niya ulit ako sa kamay. Ano pa bang kailangan niya?
"Love..." halos pabulong na niyang sabi. Love? Tsk. That's what he calls me - scratch that- that's how he used to call me kapag sinusuyo niya ako at naglalambing siya. "Stop it Patrick. You don't even know what love is." At ako rin Patrick, sadly, I don't know what love is too. Siguro nga we fell inlove at the wrong time with the wrong person. Paano nga naman kami magmamahal, kung ni meaning ng love hindi namin alam parehas.
At tuluyan ko na nga siyang iniwan doon. Siguro nga minsan kailangan mo na talagang bumitaw even if you want to hold on tighter. Mahirap kasing lumaban ng mag-isa, you'll end up hurting yourself.
Ilang linggo ko din dinamdam ang break up namin ni Patrick. First love ko 'yon e', first boyfriend ko pa. Saklap ng lovelife ko 'no? Wala tuloy akong ginawa kung hindi umiyak at magmukmok sa kwarto sangkatutak na nga na sermon ang ginagawa ng bestfriend kong si Lynette sa'kin. Sabi niya sa'kin nakipagbreak lang si Patrick sa'kin naging libangan ko na daw ang magkulong sa kwarto ko at ngumalngal. E’ sa nagluluksa ako sa pagkabrokenhearted ko eh'. Andali pa lang sabihin na over acting lang 'yong mga iniiyakan ang mga ex nila 'yon pala kapag ikaw na 'yong nasa sitwasyon na 'yon, mas lumalala ka pa sa kanila. Tama nga sila ang pagmomove on, easier said than done.
"Hoy! Tumigil ka nga nang kakangalngal diyan Alexa!"bulyaw sa'kin ng bestfriend kong si Lynette, pagkapasok na pagkapasok niya sa kwarto ko. "Lyns naman e'! Anong gusto mong gawin ko? Magpaparty?" tanong ko habang nakasubsob pa rin ang mukha ko sa unan ko. "Oo, magpaparty ka na lang! Kaya tumigil ka na nga diyan! Para kang hindi mabubuhay ng wala si Patrick a'!"sigaw niya ulit sabay hablot ng unan na yakap-yakap ko kanina. Kaibigan ko ba talaga 'to? Hinarap ko siya nang may mga luha pa rin sa mga mata ko "Sabihin mo nga sa'kin Lyns, paano ako mabubuhay ng wala si Patrick?"tanong ko sa kanya. "E'di huminga ka! H'wag ka ngang tanga!"sabi niya sabay hampas sa'kin ng unan na hinablot niya sa'kin kanina. Bastos talaga ng babaeng 'to! Umupo naman siya sa side table ko at may pinatong na box ng cake tapos naglagay sa plato at kumain. Tumayo na ako sa kama at lumapit kahapon pa ako hindi kumakain e', akmang kukuha na ako ng ilayo niya sa'kin 'yong cake. "Hindi pwede di ba nagluluksa ka pa?"mapangasar niyang tanong. Sabi ko na e'. sinadya niyang kumain sa harap ko. "Nagluluksa ako pero hindi ako nagpapakamatay." saad ko sabay kain na rin ng cake na dala niya. Bakit naman ako magpapakamatay? Hindi naman siya ganoon kagwapo para magpakamatay pa ako! Sige lang Alexa, convince yourself.
Walong taon na ang lumipas mula ng pangyayaring iyon. Pero sariwa pa rin sa alaala ko. Akala ko ba: you will only know the meaning of love once you fell inlove? Anak ng tokwang kasabihan 'yan! Ilang syota pa ba kailangan ko para madefine ang love?! Ganun pa man kailangan magpatuloy ng buhay kahit walang lovelife. Wala man akong karelasyon may love pa rin naman. Galing sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko, sa mga katrabaho ko, kay Lynette at sa mga estudyante dito sa school. Guidance councilor na kasi ako ngayon ng mga highschool students sa school kung saan kami parehas na grumaduate ni Patrick. Sa totoo lang, nagulat din ako sa daan na napili kong tahakin. I studied Psychology noong college I'm sure that time that I want to become a psychiatrist, pero I made a decision I never thought I would. I never actually saw myself to be in here dati. Talagang life will take you to a road you never see yourself going, and it turns out to be the best road you've taken.
Hindi ko nga alam kung guidance councilor ako dito o love guru eh'. Kadalasan kasing inihihingi ng advice ng mga estudyante ay tungkol sa love life. Naalala ko tuloy 'yong lola ko na nasermonan ako noong mga panahon na ipinagluluksa ko ang pagkabroken hearted ko kay Patrick. Ang sabi niya noong panahon daw nila ang pinoproblema ng mga kabataan bukod sa pagaaral ay and baon tapos kami daw ang pinoproblema lovelife, hindi naman daw ako mabubuhay ng love love na 'yan, hindi ko naman kasi daw makakain 'yon pagnaghirap na ako. Nakakatawa, nakakaloko pero totoo din naman.
Speaking of being a love guru sa mga estudyante dito, ito ako ngayon may kinakausap na student dito. "Ate Lex..."panimula niya. Kapag kami-kami lang kasi ng mga bata, pumapayag akong tawagin nila akong ate para mas komportable silang magkwento sa'kin. "...may kaibigan po kasi ako na humihingi ng advice. Nahihiya daw po kasi siya sa'inyo kaya sa'kin niya po pinatanong." patuloy niya. Sino naman kayang kaibigan 'yan? "Ano bang problema niya?"maagap kong tanong sa kanya. "Bago ko daw po ikwento sa'yo basahin ko muna 'yong tula na ginawa niya para doon sa babae." sabi ni Art sabay buklat noong papel na kanina niya pa hawak. Tapos ay sinimulan na niyang basahin 'yong tula na sinasabi niya.
Love is sweet and simple,
it's always within the people.
It may not be forever,
but it will last as long as we're together.
It didn't change even in the longest period of time,
for I know all my love belongs to you, and yours is mine.
This is a simple poem I wrote for my dearest view,
to say I still love you.
Something strucked me there. Okay na sana nilagyan pa ng forever. Mas mapait pa ako sa ampalaya kapag naririnig ko ang forever. Bitter pa rin pala ako, kaya paano ko sasabihin na naka-move on na ako? Despite that 8 years had already passed, I'm still stocked with the past. "Sigurado ka ba na hindi ikaw 'yang sinasabi mong kaibigan mo?"natatawa kong tanong kay Art. "Hindi po 'no!" agad din naman niyang sagot. "Okay! Chill! Ano ba ang tanong niyang kaibigan mo?" sabi ko ng dinidiin ang salitang kaibigan. Sumimangot siya saglit at nagtanong na. "Ano daw po ang gagawin niya para mapatawad ng babaeng nasaktan niya? Mahal na mahal daw po kasi niya 'yong babae pero kinailangan niyang makipaghiwalay. What does it take to win the girl back daw po?" Natulala ako sa tanong ni Art. Bakit biglang pumasok sa utak ko si Patrick? "If he really wants his girl back, he'll do everything and anything. Hindi ko alam kung paano ako magaadvice sa kaibigan mo e', above anyone else mas kilala niya 'yong girl mas alam niya kung paano makukua ulit 'yong loob no'n"sabi ko kay Art. Hindi ko alam kung bakit lingon ng lingon si Art sa pintuan. Nandoon ba 'yong kaibigan na sinasabi niya?
Kung kanina nagulat ako sa tinanong ni Art, ngayon nagulantang ako. "E' Ikaw, Ate Lex, kung ikaw 'yong girl, anong kailangan niyang gawin para mapatawad mo siya?" Ano nga ba ang gagawin mo Alexa kung ikaw 'yong babae? Hindi ko alam ang isasagot ko I was caught off guard. "Kapag mahal mo kasi Art, hindi pa nagsosorry napatawad mo na." tugon ko. Totoo naman di ba? There is a thin line between love and hate. Mabilis mapalitan ng hate ang love. At kung gaano kabilis ‘yon, ganoon din kabilis maibalik si love kapalit kay hate.
Pagkatapos ng usapan namin ni Art, bumalik na siya sa klase niya. Habang nasa office ako pumasok ako sa isang room sa loob ng office ko, na intended for student records nang may narinig naman akong tumutugtog sa may office. Baka si Kaela na student assitant ko 'yon, nagpapatugtog na naman siguro ng radio.
[A/N: Play the music at the side ------> Still Into You by Paramore (Gareth Bush Cover)]
♪ ♫ Can't count the years on one hand
that we've been together
I need the other one to hold you.
Make you feel, make you feel better.
It's not a walk in the park
to love each other.
But when our fingers interlock,
Can't deny, can't deny you're worth it ♪ ♫
♪ ♫ Cause after all this time.
I'm still into you ♪ ♫
Habang pinakikinggan ko 'yong kanta, alam kong boses ni Patrick 'yon. Actually sanay na akong marinig 'yong boses niya sa radio kasi singer na siya e'. Ang tanga ko 'no? Kaya bitter pa rin ako e', kaya hindi pa rin ako maka-move on. Ang dating ko kasi number 1 fan niya sa sobrang updated ko sa career niya ngayon. Pero bakit parang live 'yong boses? Hindi ko pwedeng itanggi sa sarili ko 'yong bagay na 'yon pero ayaw kong umasa. "Kaela! Pakihinaan naman 'yong radio mo nagaayos kasi ako ng records dito medyo nadidistract ako!" sigaw ko. Pero hindi sumagot si Kaela. Lumabas ako sa room ng student's record at liningon ko 'yong loob ng office, wala pala akong kasama at tuloy 'yong pagtugtog at kanta. Dumiretso ako sa pinto. Pagkabukas na pagkabukas ko sa pintuan bumungad sa'kin 'yong mga highschool students na may dalang cartolina na may nakasulat na iba't ibang mensahe:
"Can you forgive me? Because I can't forgive myself if you don't."
"A day isn't enough to ask forgiveness, that's why I'm asking for a lifetime to make it up to you.”
"I love you and I still do."
Pero isang cartolina lang ang umagaw ng pansin ko."You're right, our love isn't forever but I'm sure it’s timeless..."
Ngayon hindi ko na pwedeng itanggi sa sarili ko kung sino 'tong gumawa ng lahat ng ito. Nahawi ang mga estudyante at doon naglakad papunta sa'kin 'yong kumakanta. Even through the years he still never fails to amuse me. Patrick Villarama, kailan mo ba papatigilin ang puso ko sa pagtibok ng pangalan mo?
♪ ♫ Some things just,
Some things just make sense
And one of those is you and I
Some things just,
Some things just make sense
And even after all this time
I'm into You
Baby not a day goes by that
I'm not into you ♪ ♫
♪ ♫ I should be over all the butterflies
But i'm into you (I'm in to you)
And baby even on our worst nights
I'm into you (I'm into you)
Let em wonder how we got this far
Cause I don't really need to wonder at all
Yeah after all this time
I'm still into you
I'm still into you
I'm still into you ♪ ♫
"I had never loved anything in the world as you."saad niya matapos kumanta. Nangyari na ba sa'yo na iyak ka ng iyak dahil sa isang taong mahal mo na sinaktan ka? Iyong sobrang sakit tapos maiinis ka na lang kasi ngiti pa lang niya napatawad mo na siya? Gano'n 'yong nangyayari sa'kin ngayon. "Am I forgiven Love?" tanong niya sa'kin na may mga ngiti sa kanyang mga labi. "Ang kapal ng mukha mo! Ano ka nanalo sa lotto? Gumawa ka pa ng eksena papansin ka!" reklamo ko sa kanya. "Seryoso ka diyan? Ikaw lang naman ang babaeng minahal ko, mahal ko, minamahal ko at mamahalin ko pa eh. Tsaka sabi mo basta mahal mo 'yong tao, hindi pa man siya humihingi ng tawad mapapatawad mo na!"sagot niya. So siya pala 'yong kaibigan ni Art na nanghingi ng advice sa'kin? Ang talino talaga! Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kanya o ano.
"Sino naman nagsabi sa'yo na I'm still into you?" tanong ko nang nakataas ang isa kong kilay. "Aren't you?" balik niya ng tanong. "Am I?" I mocked him. Sumeryoso naman 'yong mukha niya, napasobra ata ang trip ko. "Hindi naman kita mahal eh'!" sabi ko. Lalong sumeryoso ang mukha niya. Hindi ko alam kung bakit inabot ng walong taon bago magpakita uli sa’kin si Patrick. Kung dahil ba sa career niya o kung dahil sa nahirapan siyang hanapin ako, pero kuntento na ako na malamang mahal niya pa in ako kagaya ng pagmamahal ko sa kanya. Sana nga lang ngayon na ‘yong right time para magmahal kaming dalawa.
"...kasi mahal na mahal parin kita!"sigaw ko sabay yakap sa kanya. Naghiyawan naman 'yong mga estudyante na kinontrata niya. Minsan kahit nasaktan ka na, pinapatawad mo pa. Minsan kahit hirap ka na, hindi mo pa rin binibitawan. Minsan kahit sobrang masakit na, binabalewala mo. Minsan tanga ka na, minsan mahal mo lang talaga. Akma naman siyang hahalik sa'kin noong bumitaw kami sa yakap nang sumigaw 'yong mga estudyante: "Bawal po P.D.A. dito!" kasabay ng pagtawa nila. Kaya niyakap nalang niya ako muli sa bewang. "Don't put this chance to waste."bulong ko sa kanya. "I won't." sagot din naman niya agad.
Akalain niyong pagkatapos ko ng highschool ay hiningi pala ni Patrick ang kamay ko sa mga magulang ko? At sa loob ng walong taon, anim na taon do’n ibinuhos niya sa pamamanhikan at paghingi ng tawad sa angkan ko. Angkan talaga, dahil hindi lang sa mga magulang ko siya humingi ng tawad. Pati sa lolo’t lola ko, sa mga pinsan ko pati sa mga tito’t tita ko, pero pinakakawawa siya sa bestfriend kong si Lynnette. Naawa tuloy ako bigla sa kanya. Pinagsabay niya ang pressure sa showbiz career niya at pagkuha muli ng tiwala ng mga taong malapit sa’kin. Sa ngayon, tiwala namin sa isa’t-isa ang magkasama naming binubuo. Lalo pa’t ngayon ay may isang taon na lang kami bago magpakasal. Masaya na kami, kasi ngayon sabay na naming haharapin ang mga pagsubok na dadating, pwede ko na bang sabihin na ‘…and they lived happily ever after.’? Hindi na siguro kailangan pa.
There are many stories to tell about love. Sobrang dami na sasakit ang ulo mo kung paano ikwekwento lahat. Well, in this story, we love each other and that's the beginning and end of everything. Gano’n kasi talaga e'. Love is just love it cannot be defined. When you love someone you just do. No but's, no may be's and no why's. Because in love you don't need to be smart, you'll just know when you do. Because that's love. Love just happens.
[A/N: Dedicated to Ate hunnydew :) She was a big help sa'kin para maayos ko 'yong flaws ng ongoing story ko. Thank you po ate! :* ]