It's Too Late

By JethroBatalla

122 1 1

More

It's Too Late

122 1 1
By JethroBatalla

                Mayroong isang lalaki na mapag-mahal, malambing, at maalaga, lalo na sa kanyang minamahal na kasintahan.  Lahat ginagawa niya para sa minamahal niya.  Mahilig siyang kumuha ng larawan ng minamahal niya, at mahilig dn siyang tumugtog ng instrumento.  Sa oras na malungkot ang kanyang minamahal, palagi siyang handa para pasiyahin ito.  At pag may sakit ang kanyang minamahal, inaalagaan niya ito ng mabuti.  Gusto niya na lagi niyang kasama ang kanyang minamahal.  Sa oras na natutulog ang minamahal niya, hinahawakan niya ang kamay nito at tinitingnan niya ito at pabulong na sinasabi nya,”You mean a lot to me.”  Ngunit sa kabila ng lahat, ang kanyang minamahal ay parang walang pakialam sakanya. Hindi niya masyadong pinapahalagahan ang oras at pagmamahal na binibigay sakanya ng kasintahan niya. Gusto niya pang kasama ang iba, pinapakita niya pa na mas masaya siyang kasama ang mga kaibigan niya kaysa sa kasintahan niya.  Hindi nya masyadong pinapahalagahan ang pagmamahal ng kasintahan niya dahil ang nasa isip niya ay lagi naman ganun ang kasintahan niya at normal naman yun sakanya.

                Isang araw, niyaya ang babae ng kanyang mga kaibigan na mag attend sa farewell party ng mga kaibigan niya. Ngunit anniversary ng mag kasintahan.  At sabi ng lalaki na sana ibigay nya naman itong araw sakanya, ngunit ang sabi ng babae, “Ang anniversary natin ay taon-taon nangyayare, pero ito last na naming pagkikita ng magkakaibigan dahil aalis na sila papuntang States.”  At wala ng magawa ang lalaki kundi pag-bigyan niya ang kanyang minamahal.  Buong araw ng anniversary nila na dapat magkasama sila ay nakalipas na mag-isa lang ang lalaki.  At ng dumating ang babae, ito’y pagod na pagod, inuubo at nilalagnat, at mabilis na inasikaso ng lalaki ang kanyang minamahal, at ito’y nakatulog ng mahimbing.

                Kinaumagahan, ng pagkagising ng babae, hinanap niya ang lalaki, ngunit hindi niya ito matagpuan.  Ilang araw ang nakalipas, dumating dn ang lalaki, at tinanong ng babae, “Ano bang nangyare sayo at bigla ka nalang nawala?” Habang nagsasalita ang babae, tahimik na pumasok ang lalaki sa bahay at biglang nahimatay ito.  Napaiyak ang babae at mabilis niya itong nilapitan at sumisigaw ng tulong sa mga kapitbahay.

                Habang nasa hospital ang lalaki, ang babae naman ay may nakitang notebook sa silid ng lalaki, at kinuha nya ito at binuksan niya ito, at nabasa niya ang sulat sakanya ng lalaki.

                SULAT NG LALAKI:

For all these years nangangarap ako na sana mahalin mo din ako tulad ng pagmamahal ko sayo. Sa oras ng kaylangan mo ng tulong, tinutulungan kita ng walang alinlangan at ng buong puso, dahil mahal kita.  May mga oras na busy ako, pero hindi ko man lang naisip na isa kang sagabal kapag nangangaylangan ka, dahil sa tuwing nagbibigay ako ng oras para sayo ay nasisiyahan ako at nawawala pagod ko.  Pero sa oras na nakikita kita na mas masaya pang kasama ang iba kaysa saakin, nasasaktan ako ng sobra. Pero hindi ako tumigil na umasa na balang araw ay mararanasan ko din ang pag-mamahal na galing sayo bago ako mawala.  These last years or days of mine, ginagawa ko na ang lahat para maging masaya ka kahit nasasaktan mo ako.  I went to see a doctor and nalaman ko na may dinadala akong sakit na cancer, at hindi na ako tatagal ayon sa sabi ng doctor.  Before I end up this letter, I wanna let you know how much you mean to me. I LOVE YOU SO MUCH.                    – (name ng lalaki)

                Habang binabasa ng babae ang sulat, siya ay umiiyak at nagsisisi sa mga pagkukulang niya sa kanyang kasintahan.  Ng natapos niyang basahin ang sulat, biglang may tumawag sakanya, at binalita sakanya ng nag aagaw-buhay na ang kasintahan niya, at mabilis siyang pumunta sa hospital, at ng nakita niya ang kasintahan niya na nag hihingalo, tumulo luha nya at nilapitan nya ito at kinausap nya ito at ang sabi nya,”Please. . . wag ka munang sumuko. . . mahal kita. . . wag ka munang mawawala saakin. . . (patuloy na umiiyak ang babae)  patawarin mo ako sa mga pagkukulang ko sayo, bigyan mo pa ako ng chance para alagaan at mahalin kita. . .”  Napaluha ang lalaki at sinabi niya sa babae (nagsalita ang lalaki ng  may mahinang boses at naghihingalo) ,”Sana nuon ko pa yan narinig sayo, sana narealize mo agad na kaylangan ko din ang pagmamahal, lambing, at pag-aalaga mo. But, it’s too late.”  Namatay na ang lalaki.

                                                                                            THE END

Continue Reading

You'll Also Like

411K 17.2K 35
Still aching from her internet ex-boyfriend's scam, Tamitha finds herself in deep trouble when she meets Roosevelt Sanvictores, the man in the photos...
Wattpad App - Unlock exclusive features