In Denial Love

By yellowtulip

473 50 0

Ano bang pipiliin mo? Ang aminin sa sarili mo na nagmamahal ka nang muli? O ang patuloy na itanggi sa sarili... More

Prolouge
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Epilogue

Chapter 8

28 3 0
By yellowtulip


Chapter 8

"Gusto ko lang malaman kung ano ako sayo. Kase naguguluhan ako eh.. Kung san ako lulugar."

Hinde ko na alam yung sasabihin ko. Masyado na rin maraming nangyare.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

SEMBREAK na.

At oo. Natapos ang isang semester na walang nabago sa nararamdaman ko para kay Nervin. At oo, in denial nga siguro ako tulad ng laging sinasabe ni Jane.

Anong gagawin ko eh natatakot ako weh. Baka masaktan lang ulit ako.. Pero mapaglaro talaga ang tadhana kase kung kailan naman okay na ko at natanggap ko na sa sarili ko, saka pa dumating ang araw na kinatatakutan ko.

OO. MAHAL KO NA SYA. INLOVE NA NGA TALAGA AKO.

Pero anu naman ang magagawa ko? Kung biruan lang lahat sakanya? Siguro nga, ito n yung tinatawag nilang one sided love.

Palagi pa rin kaming magkatext. Halos kada may pagkakataon siguro.. Sweet. Oo. Sobra. Pero hanggang biruan lang naman kase to eh. At alam ko sa sarili ko na hinde naman pwedeng maging totoo. Alam ko na wala akong dapat asahan..

Pero.. Bakit ganun?

Bakit kahit alam ko na biruan lang, eh gusto ko pa rin maniwala minsan? Yun bang gusto ko nalang utuin yung sarili ko para kunware masaya kami at mahal namin ang isa't isa.. Assumung diba?

Nakakatawang isipin na ang alam nya eh di rin ako seryoso sa mga sinasabe ko. When in fact, yun naman din lahat ng gusto kong sabihin. Lage nyang sinasabe na niloloko ko raw sya.. Puro kasinungalingan at joke lang naman raw yun.

Kung alam lang nya..

Minsan sa likod ng mga biro at kasinungalingan, may iba pang nagtatago bukod sa katotohanan.

Maaaring...

PAG'IBIG.

Lahat ng bagay na ginagawa nya, makes me love him more.

This is a battle, a battle between myself and I. Between fear and what I feel. Oh, let me rephrase that. A battle between FEAR and LOVE.

Dalawang salita. Four letters. Pero naging napakalaking tanobg sa buhay ko.. Minsan, kahit ilang beses nating itanggi sa sarili natin, tayo pa rin ang talo.

And I lost miserably. I'm a LOSER. A loser inlove.

Ngayon alam ko na kung ano ang nanalo between those battles. Dahil kahit ilang beses ko pa itanggi, wala pa rin. It seems na mas lalo ko lang syang minamahal habang dinedeny ko.. In that battle,

LOVE wins. And I lose.

Siguro dineny ko nga noon. At oo, natakot ako. Ayoko lang naman masaktan eh! Ayoko lang naman umiyak ulit. Pero paano? Paano? Natalo na ko e. Game over na. Dead end na. No more lives left.. Talo na talaga ako.

Pero bakit kung kailan tanggap ko na yung nilalaman ng damdamin ko, at saka pa darating ang bagay na kinatatakutan kong mangyari?

Hinde ko mapigilan umiyak. Masyado na kong attached sa tao na yun. Sweet talaga kami pag magkausap kami.. At mula pa noon, hinihiling ko nang magkatotoo lahat ng biro na to.

Nakakatawa noh? Siguro iniisip nya na naglolokohan lang kami. Pero mali sya. Kung nagbibiro man sya, ako hinde.

Napaka powerful ng JOKES noh? Una, dahil the hardest words to say, ay masasabi mo sa pamamagitan nya. Pangalawa, dahil napaka'playful nyang element. Minsan kase, di mo alam kung joke pa ba talaga o totohanan na.

Diba dapat jokes are meant to make us happy? Pero bakit sometimes, jokes can hurt? Lalo na kapag gusto mong magkatotoo ang joke na yun.

Mahal ko si Nervin. At inaamin ko na ngayon yan sa sarili ko.. I've denied it several times pero ngayon, hinde na. Mahal ko na talaga sya. Mahal na mahal ko na.

Narealize ko na I've tortured myself many times. Over and over again.. Lalo na kapag dine'deny ko noon na mahal ko sya. But now, di ko na napigil.

Siguro nga, kapag tumibok ang puso, wala ka na talagang magagawa kundi sundin ito.

Sabi ng marami, ang love raw ang nagpapaikot ang mundo.. Mali sila. Hinde naman axis ang love para mapaikot ang mundo eh. Pero ang love, yun ang dahilan kung bakit may saysay ang buhay.

Life is a song. Love is its lyrics. Pag'ibig ang nagbibigay ng kahulugan sa buhay natin.

And now, I know na kung sino ang lyrics ng buhay ko. SI NERVIN.

Sya nga talaga.

---

Di ko naisip na darating pa
Ang isang tulad mo saking pag'iisa
At ngayon buhay ko ay nagbago
Ito'y dahil sayo..

At nasabi kong di na iibig pa
Ngunit di magawa nung makita ka na
At muli nadama ang pag'ibig
Saking puso'y ikaw na..

Ikaw pala ang hanap ko,
Ang nais ko,
Ang hinihintay ng puso ko
Tunay na kung sya ang kapalaran mo ay darating sa buhay mo..

Ikaw pala ang langit ng pag'ibig ko
Binuhay mo ang puso ko
Sana kailanma'y hindi magbabago..

Oh, tanging sayo nadama ang tunay na pagmamahal
Ang pag'ibig natin sana ay magtagal....

Ikaw pala ang hanap ko,
Ang nais ko,
Ang hinihintay ng puso ko
Tunay na kung sya ang kapalaran mo ay darating sa buhay mo..

Ikaw pala ang langit ng pag'ibig ko
Binuhay mo ang puso ko
Sana kailanma'y hindi magbabago..

Napangiti ako nung kinanta nya yan. Kanina pa kaming 10PM magkausap at lampas 2AM na. Hinde maalis yung ngiti sa mga labi ko kase ang sweet namin sa isa't isa.

Wag na muna kayo kumontra ha? Alam ko ang assuming ko. Pero kunware lang naman totoo eh.. Kahit ngayon, hayaan nyo lang akong pangarapin sya..

"Di ka pa ba inaantok? Baka naiinis ka na sakin kase pinuyat kita."

"Kung naiinis ako sayo de sana pinatay ko na tong phone dba?" sagot nya naman.

"Hm. Okie."

"Hntayin na lang natin mag'shutdown to. Tapos sleep na tayo."

"Sige." sabi ko sa masayang tono.

Yan ay dahil masaya talaga ako. Na kausap ko sya. Na marinig ko ang boses nya.. LVS nga ako sa boses nya eh. Last Voice Syndrome.

HAHAHA! Imbento! xD

Ayun. Ilang saglit pa ay namatay na yung phone nya. Namatay kase bigla ung tawag eh.. So ayuun. Nag'GM na lang ako bago matulog.

Goodmorning! Ü
Puyat pero masaya! :)
Eh salamat dun sa nakausap ko na nagtyaga sa kadaldalan ko at dumamay sa pagpupuyat ko. Hehe!
Sweetdreams everyone.
Keepsafe.
Godbless! :3
~
#Sohee

Ayan ang nilalaman ng GM ko. Pagkasend nyan sa lahat. Pumikit na ko.. I slept smiling. Matagal ko ring hindi nagawa to.

Kinabukasan...

Okay. Magkausap nanaman po kami sa phone. Hehe! Ayan.. Medyo nakakakilig na ah! Ssshh.

Enebeeeeyy!!! XD HAHA!

Eto. Nakaupo ako sa living room, walang tao sa bahay pero nakangiti ako mag'isa. Hehehe. :)

"Iloveyoutoo! Hahaha. Assuming ko. Di ka naman nag'iloveyou eh. Haha. Pero alam ko namang love mo ko eh! Hahaha." -ako yan

"Hahaha. Assuming ka nga talaga. Pero totoo naman eh." -ako

"Totoo nga na assuming ako. Haha. Pero ganun talaga weh kapag kasi minsan talagang ganu---

"Hinde yon!"

"Eh? Alin ba un lang naman ang sina---

"Iloveyou!"

Iiihhh. Kilig na talaga ko so much! Hahahaha. Wag na kaseee. So much kilig! Kilig so much! HAHAHA! :">

"Iloveyoutoo! Hahaha"

Biruan lang to. Sample lang yan. Kung kayo ba naman binibiro ng ganyan eh, di nyo ba gugustuhing maniwala na lang?

"Di ako nagsabi nun. Hahaha" -sya

"Huuu. Pakunware pa si beb." -ako

"BEB. hahaha"

At tawa na lang po kami ng tawa.

Hehe. Masaya talaga ko marinig ko palang ang boses nya. Eh sabagay, text pa nga lang masaya na ko e! :')

"May itatanong ako."

Yan. Kanina pa sya ganyan pero di naman nya tinutuloy. Haha. Parang ewan lang diba.. Hahaha.

"Ano?" sagot ko.

"Tatanong ko na talaga ah. Seryoso to."

"Okay. Ano nga yun?"

"Uhmm. *clears throat*"

"Ano?"

"Uhmm.."

Ay. Panay ganun lang. Tas sasabihin mamaya wala lang! Adik na ba talaga tong taong to?

"Mahal mo ba ko?"

Dugdug. Dugdug.

"A-ah. Oo naman!" energetic kong tugon.

"As a friend or ano?"

Kinabahan na talaga ko. Sa tono ng pananalita nya, di na nga talaga sya nagjojoke. -__- Patay!

"E--ehh.. Bakit mo naman tinatanong?"

"W-wala lang."

"Bakit nga?"

"Gusto ko lang malaman kung ano ako sayo. Kase naguguluhan ako eh.. Kung san ako lulugar."

Hinde na talaga magandang biro to ah!! At kung seryoso man sya, di na talaga magandang tanung yan ah!! Nakooo. Pano ko naman to sasagutin? Kelan ko nga lang naamin sa sarili ko na mahal ko na sya eh. Tapos eto na kagad? >__<

Panu ko ba sasabihin?

*inhale, exhale*

"Anu.. Eeh. Kaseee..."

"Ano?"

WAAAA!! Di pwede to!! Babae pa rin ako!! Bakit ba kelangang ako pa ang magsabi!! :'/ Huhu.

Nagtry ako ng maraming beses pero I failed. Dko kaya weh. Nakakatakot talaga kase. T__T

Sasabihin ko na tala---

*call ended*

Pumyemas! Bakit ngayon pa naputol?!! Nakareceive ako ng text mula sakanya..

From: Nervin Crisostomo

kung naihirapan ka, wg mo nang sbihin.. ok lng sken. cge kaen lang aq tpus 2log nrn,, kaw rin!

No! This can't be. Sasabihin ko na. Kelangan na eh.. Andito na lang din naman. Wala eh. Eto na talaga. Bahala na talaga si Lord sakin. :(

To: Nervin Crisostomo

Sasabihin ko na talaga. Promise. Last na..

Nai'send ko na at wala nang bawian to. Nasabi ko na yun.

Natagalan bago sya nakapagreply. Kumakaen nga talaga siguro.. Hayy. Sge na. Please. Sasabihin ko naaa..

From: Nervin Crisostomo

cge,maya

Okay. Mamaya. Mamaya na. Mamaya na.. Hinde ko na alam ang mangyayare samin after nun pero sana naman, wag yung iniisip ko. >___< haaayyyssssttt.

---

Magkatext nanaman kami ngayon. Na as if eh walang magaganap na aminan mamaya.. Okay. Assuming ako. Ako lang ang aamin. Dahil wala naman syang aaminin.. Kase wala naman syang gusto sakin. </3

Nasasaktan ako sa katotohanang wala akong dapat asahan sakanya. Napapaisip ako kung pano ko sasabihin.. Naiisip ko kung magkaibigan pa rin kami after nun. Kung iiwas sya. Tsk! Di ko kaya. :(

Haayyy..

Di mawala sakin ang takot at kaba.

Di ko sya kayang mawala..

Mamimiss ko yung mga biruan namin.. Tsk. Nasa peak ako ng drama ko nung bigla syang nagtext.

From: Nervin Crisostomo

ui call kn, mllowbt n q eh. ualang charger kena lola.

From: Nervin Crisostomo

bka may kausap ng iba..
sorii...
ghe. ingat...

Shocks! Nandun sya sa lola nya! Patay. Mamayang 10PM pa kase ako pwedeng tumawag.

Bakit ba kase may oras ang unlicall sa network ko! Haysss.

Nireplyan ko sya. Medyo late message ata kaya late ko na din natanggap text nya..

Gustong gusto ko nang tumawag eh. Pero nung 10PM na, cannot be reached na sya. Malamang nalowbat na yon. :(

Pero ilang saglit pa, nagvibrate yung cp ko. Shocks! Siya! o.O

From: Nervin Crisostomo

pssst! twag kna dli! bago ma lwbat, pintay q muna pra ma resrve eh,
last txt..

"Ikaw lang ang nakakaintindi sakin sa ngayon.. Ayokong maging awkward. Hayy! Ang hrap."

At nag'usap na kami. Sinabi ko na special sya sakin.. Sinabe ko na wag sya magsalita. Nagets naman na daw nya pero..

"Gusto ko lahat ng katangian mo. Kase.. Kase.. Bat ba magugustuhan lahat ng katangian ng isang tao? Gets mo naman diba? Gusto ko lahat ng katangian mo kase gusto.... *inhale*

"..mo ko?" parang pabulong pero yun ang pagkakaintindi ko.

"Alam mo naman pala weh!"

"Sabe ko mokong!"

"Tss. Tinatawanan mo lang ako eh. Akala mo madali to?"

"Anu gusto mo magalit ako?"

*call ended*

Oh my goodness!!!! Di naman siguro sya galit? :(

Sinubukan kong tawagan sya pero cannot be reached na.

Waaa. Nalowbat na sya! :'/ sana di sya nagalit sakin.. Sana bukas, ganun pa rin kami. Sana hinde na maging awkward saming dalawa tong desisyong ginawa ko..

Malalaman ko yan bukas.. Kung makakauwi sya agad. Tatawagan ko sya. Sasabihin ko na talaga ng diretso.. Di na kayang dalhin pa ng puso ko.. Ang bigat. Sobrang bigat.

---

Nakakatawa. Ngayon ko lang nagawa to nuh.. Medyo nakakahiya ako. Pero okay ndn kase nalabas ko ung nasa loob ko..

From: Nervin Crisostomo

Psst!? :)
yehey! naka hnap aq ng charger! xD
may piso balance papla q! last txt. cll kna dli!

Eeehh? Okay. Sige. Tinawagan ko sya ulit at ayun. Para nanamang baliw na gustong ipatuloy sakin yung sasabihin ko. Haayy.. Di ba nya alam na nahihiya na rin ako?!

"Eh diba, sinabe ko na kanina! Na gusto ko lahat ng katangian mo kase gusto kita!" mabilis at derederetso kong sabi.

"H-ha? Ano yung huli mong sinabe?"

"Wala nang ulitan!" grabe. Hiyang hiya ako! >_<

"Ano nga? Dko narinig talaga."

"Tssk. Sabi ko, gusto kita!"

"Ayy! Sira! Tsk.. Hello?? Dyan ka pa? Yung earphones eh! Tsk. Ano ulit yun?"

"Ayoko na! Ang hrap sabihin tas di mo lang maririnig?!"

"Sige na di ko talaga nari--

"Gusto nga kitang baliw ka!"

Katahimikan.

"Ano? Dko narinig. Baliw lang narinig ko."

"Tsk. Narinig mo."

"Hinde."

"Oo."

"Hinde. Promise."

"Mamatay man ako?"

"Ay grabe!"

"Kita mo! Narinig mo naman. Pinapahirapan mo pa ko."

"Oo na. *slight tawa*"

"Pinagtatawanan mo lang ako weh."

"Di sa ganun."

"Yan ah. Di na ko madaya. Masaya ka na?!"

"Oo." sabi nya sabay konting tawa.

Dko na alam kung pinagttripan nya lang ako or whatsoever. Pero in fairness talaga! Nasabi ko na.

"Shmily!" sabe ko bigla sakanya.

(inspired yan dun sa nabasa kong short story entitled "Shmily.")

Palage ko yun sinasabe sakanya. Kahit sa text nga e. Lageng meron nyan kada goodnight ko..

"Ano ba kase yun?"

"Iloveyou."

"H-HA?!"

"Iloveyou yung dulo. Diba S-H-M-I-L-Y? Yun. I-L-Y diba?"

"Eh ano yung S-H-M?"

"Wag na yun."

"Ano nga? Sige na. Plssss"

Hayy. Ang lakas talaga mamilit neto.. At sadyang malakas pa sya nyan sakin. :')

"See. As in makita."

"Oh tapos? Yung H?"

"How. As in paano."

"At yung M?"

"Much. Tss."

"Aaahh. See How Much I Love You."

Napangiti ako. Hayy. Lord. Ibigay nyo naman po tong happiness na to. Sobrang saya ko po eh! Ü

Ayown. Mtutulog na raw sya pero tapusin na raw namin yung 15mins.

(Naka'cut kase every 15mins)

So ayuuun. Kantahan ko raw sya. Putakte. >__< edi yown.

Spending my days and nights just thinking of you
How you make me wanna smile with the things that you do
When will I hear you say
Love's coming on your way
And that you start to feel the same...

Cause everyday, everynight,
I keep looking at the skies
And I pray that someday
You will wake up in my arms
And love will never end..

We belong together
Always and forever
Call my name and I'll be there...

"Tapos na. Tsk. Panget boses ko. Lalo sa phone."

"Ganda nga weh."

"Tss. Wag ka mambola."

"Nagsasabi lang ako ng katotohanan."

"Baka maniwala ako ah."

"Pakakantahin ba kta kung hinde?"

"Oo na. Thank you."

Tapos ayun. Konting usap pa at malapit na palang macut ito. Waaaa!! Pede bang wag nalang macut? Choss! XD

"Goodnight na." -ako

"Goodnight! Ingat."

"Kaw rin. Sweetdreams! Godbless. Pray."

"Sige."

"Shmily!" energetic pa ko nyan.

Tapos may parang sinabe sya pero di ko naintindihan.

"Ano yun?"

"Ala na."

"Please?"

"Sabi ko, 10, 9, 8, 7.."

Nagbibilang sya. Tss. Ilang segundo nalang maka'cut na. -__-

"Wala na. Tsk!" -ako

"..6, 5, 4.."

"Bukas wah!"

"..3, 2, sge, 1.. iloveyou!"

*call ended*

What?! o.O I'm so dumbfounded. Astonished. Waaaaahh!! Nakatulala  rin ako. Nagblink ako ng two times!

Sabay smile. :"">

Iiiiiiihhhhh!!! So happy. So happy. So happy talaga!!!!!!!! Sana nga walang magbago.. Sana maging okay yung mga susunod na araw. At kahit medyo imposible, sana, gusto nya rin ako.. Hayyy.

iloveyou.

iloveyou.

iloveyou.

Goodluck sakin kung makatulog ako neto! Haha. This day was very exhausting. Sobrang nakakapagod. Sobrang nakakahiya. Sobrang nakakabigla.

But then,

I'm completely happy. :3

A/N: Odiba? Ansarap magsulat ng isang chapter kapag inspired. Hehe. Ayuun. Sana magustuhan nyo.. Pavote naman po. Like. Comment and Be a fan. :)

Mahal ko kayo! Godbless.

*yellowtulip~

Continue Reading

You'll Also Like

Minsan By MaJee

Teen Fiction

124 2 7
“minsan, may mga bagay talaga na hindi mo aakalaing pagdadaanan mo. Minsan pa nga ay maguguluhan kang pumili kung sino ba talaga sa kanila ang dapat...
122 47 12
Sa muli naming pagkikita Sinong mag aakalang muli akong mahuhulog sakanya? Ano ba talagang gustong gawin sa akin ni tadhana? Ang kalimutan ka o ipa...
2.1K 133 25
Naranasan niyo na bang ma-InLove? Ngunit sa di inaasahang pangyayari hindi ito ang tipo na Lalaki na pinapangarap mo? Patuloy mo pa rin ba itong mama...
24.8K 507 42
Kaya mo bang maging masukista? Para sa taong mahal mo? Pano kung 40 days na lang ang natitira sayo para mahalin siya? Kaya mo parin kaya?
Wattpad App - Unlock exclusive features