Matapos mapagusapan ang dahilan kung bakit magkasama sina Roberto(Daniel's Dad) at Alicia(Kathryn's Mom) umuwi na ang mag-amang Padilla.
" Ma... Bakit? " Tanong ni Kath na parang naguguluhan pa din.
" Anak, balang araw malalaman mo, kung bakit. " Paliwanag ni Alicia sa kanyang anak.
'' Ma, please. Sabihin mo lang sa akin. Di mo na ba mahal si Papa? hindi na po ba niya tayo babalikan? May mahal na ba siyang iba? please Ma, sabihin mo lang sa akin. Bakit ganito, biglaan? Akala ko ba walang secrets, Ma? Ma? Kung hindi namin kayo nakita... hindi pa namin malalaman 'to? " litong tanong ni Kathryn sa kanyang ina.
Nahuguluhan pa si Kathryn sa lahat ng pangyayari. Wala siyang kaalam-alam na lumalabas pala ang kanyang ina at ang ama ni Daniel. Si Daniel naman, gulat na gulat sa nalaman. Pero hindi gulat ang nanaig sa kanyang nararamdaman, kundi galit.
Galit dahil ganun ganun nalang ipinagpalit ng kanyang ama ang kanyang yumaon na ina.
Paakyat na sana si Daniel ng tinawag siya ng kanyang ama.
" Anak, we need to talk. "
" Talk about what? About how you're madly in love right now? that you just forgot about my mom?! come'on Dad! Sanay naman na tayong hindi naguusap diba? You dont need me and neither do I. "
Hindi nakasagot si Roberto. Naiintindihan ni Roberto si Daniel, na hindi pa ito ang tamang panahon para maintindihan sila ng kanilang mga anak.
Si Alicia at Roberto ay parehong nagmamahalan. Almost perfect, ikanga. Dahil parehas nilang mahal at isa't isa hanggang sa nagplano silang magpakasal. Tumutol dito ang mama ni Roberto, kaya't pinaghiwalay sila. Napagplanuhan ng kanyang ina na sa states muna sila titira. Dahil sa sobrang pagmamahal ng magkasintahan, nagtanan sila.
Lumipas ang isang linggo, nakatanggap si Roberto ng tawag na agad niyang ikinagulat at hindi nagdalawang isip na umalis at iwan si Alicia.
Lumipad si Roberto patungo ng America at dun nakilala si Monica. Naging matalik silang kaibigan hanggang sa dumaan si Monica sa matinding problema na wala na siyang ibang makapitan kundi si Roberto.
Hindi nagdalawang isip si Roberto na tulungan si Monica. Pinanindigan niya ang dalang bata ni Monica, kahit alam nilang dalawa na hindi siya ang ama.
Pero hindi alam ni Roberto na may kapalit pala lahat ng pagtulong niya sa kanyang matalik na kaibigan. Kailangan nilang ikasal dahil sa nabuo nilang bata. Walang ibang nagawa si Roberto kundi ang sumang-ayon.
Sa kabilang parte naman ng mundo kung nasaan si Alicia. Buntis si Alicia, at hindi niya alam kung sino ang ama. Dahil nung iniwan siya ni Roberto ay may nangyari sa kanila at dahil na din sa lungkot at galit na kanyang naramdaman naglasing siya at nakilala si Alexander, kung saan sa sobrang kalasingan nilang dalawa hindi na nila alam ang nangyari.
Minahal ni Alexander si Alicia. Kung saan, nagpapasalamat din si Alicia, dahil pinanindigan ni Alex ang batang nag-ngangalang Kathryn, kahit na pareho silang walang idea kung kanino ito. Lumipas ang isang taon, tuluyan ng nagpakasal sina Alex at Alicia.
( Off-topic na ba ako? ahuehue. )
" Padilla. " Tawag ni Kathryn.
Hindi sumagot si Daniel at bigla nalang itong nilagpasan at naglakad ng dirediretso kasama ang kanyang barkada.
Gusto sana kausapin ni Kathryn si Daniel, tungkol sa nangyari kagabi. Kaso mukhang ayaw ni Daniel na pagusapan ang mga bagay tungkol doon.
Hinintay ni Kathryn si Daniel kung saan sila nagtututor. Pero hindi dumating si Daniel.
Kasama ni Daniel ang barkada niya sa band room ng P.U , umiinom.
" Tol. Ano ba problema natin? " Tanong ni Lester.
" May magiging kapatid ata ko. " Sabay tagay ni Daniel sa bote ng alak.
" Ha? pano? nakabuntis si tito?! hindi ba late na? " litong tanong ni Katsumi.
Binatukan naman ito ni Lester at Katsumi.
" Pare, ano ba istorya? " tanong ni Seth.
" Wala. the end. " Tapos dineretsong inom ni Daniel ang isa pang bote.
" Pare, baka ikakasal si tito sa iba tapos may magiging step sister si Daniel! Hahahahahaha ! " Lokong sigaw ni Katsumi na pinapangiti lamang ang kanyang problemadong kaibigan.
Binitawan ni Daniel ang kanyang hawak na bote. Dahilan para mabasag ito.
" JK...J-just k-kidding. " Tinakpan ni Katsumi ang kanyang mukha gamit ang kanyang kamay na nakapeace sign.
Hindi sumagot o umimik si Dj, umalis nalang ito at isinara ang pinto ng napakalakas.
Lahat sila nagtinginan kay Katsumi na hindi maimulat ang mata dahil alam niyang apat na mata ang nakatingin sa kanya.
" Oo na. Nagbibiro lang naman ako eh. Anong alam kong sineryoso niya..."
" Sineryoso ang alin? " Biglang sulpot ni Jc na kararating lang dahil pinakiusapan siya ni Daniel na hanapin si Kath at sabihing umuwi na siya.
" Wala! " sigaw ng tatlo at sabay sabay tumayo para maglinis ng mga boteng nainom nila.
_____________
Hanggang diyan muna :) sorry kung magulo. :(