KINABUKASAN pumasok uli siya sa kanyang trabaho. Ang sabi pa ni Sir Mon ay yung absent niya kahapon ay with pay. Kaya naman masayang-masaya siya at nakatulog na rin siya ng mahimbing kagabi.
“Charity, tanggal ka na ba sa trabaho?”
“Hindi ah!”
“Bakit wala ka kahapon?”
“Sa field nila ako pinagtrabaho.” Pagsisinungaling niya.
“Mabuti naman. Akala naming tinanggal ka na.”
“Buti nga at hindi nagalit si Sir Mon.”
PAGKATAPOS ng trabaho niya ay dumiretso siya sa kanyang eskwelahan. Ang klase niya ay six hanggang ten ng gabi.
Pagkatapos ng klase niya nakita niya ang boyfriend niya, si: REGGIE BRIONES. A tall, white handsome man. He was a call center agent, eleven to seven, night shift.
“Reggie!” tawag at bati niya dito.
“Charity.” Ganting bati nito sa kanya.
“Bakit nandito ka?”
“Sinusundo ka.”
“Bakit?”
“Delikado na ngayon ang panahon. Ihahatid na rin kita para may peace of mind ako.”
“Ang sweet mo naman…”
“Halika na, para umabot ako sa shift ko.”
“Hmmm…”
“At malapit na ang Valentines. Maraming mangho-hold up at nangho-hold-up para may pambili sila ng regalo sa girlfriends nila.”
“Uh huh. Pero… ganon ba yun?”
“Ikaw naman, minsan na nga lang akong magbiro, sakyan mo na.” kunwa ay pagtatampo nito.
“Oo nga naman. Uso talaga yun ngayon. Marami noon sa news.”
Magkahawak-kamay sila sa jeep habang nakahilig ang ulo ni Charity sa balikat ni Reggie. Hindi namalayan ni Charity ay nakatulog na siya. Sa sobrang pagod, hindi na niya naaasikaso ang sarili niya.
NAGHAHANDA siya sa pagpasok sa trabaho niya ng may nag-text sa kanya. ‘D ka pa ba magba2yad ng utang mo?’ ‘D pa. La pa aq pera. Pro sa sweldo q try q hulog kht 1k.’ sagot niya sa text. ‘Pag d ka pa hulog papu2lis kta’ sagot nito. ‘hulog aq. Pramis. Wag pulis. Cra future q.’ sagot niya at hindi na nag-reply ito. Napa-buntong hininga na lang siya.
“Ate, may problema ba?”
“Wala naman, Hope. Marami kasi akong babayaran. Katiting na naman ang matitira sa atin.”
“Ayos lang yun, Ate.”
Sa edad na bente-tres ay napakarami na niyang iniintindi. Dahil maaga siyang naulila. Kung minsan ay napapagod na rin siya at sumusuko na siya. Ngunit hindi pwede dahil mamatay sila ng kapatid niya ng dilat.
DAHIL absent ang receptionist siya ang tumao. At dahil wala naman masyadong tao inilabas niya ang kanyang ever reliable blue notebook. Blue dahil iyon ang paborito niyang kulay.
Ang laman ng blue notebook ay ang goals niya; dream; plan for future at utang.
Mayaman na siguro sila kung wala silang utang. As of now mayaman sila, sa utang nga lang.
ATE ANGIE:
P 2,000,000
P500 P500
P500 P500
P500 P500
Balance: P 1,900,097 > present
Mr. SG
P8,000,000
P1000
P1000
P1000
P1000
P1000
Balance: P 7,000,095 > Present
Aling Anita: (Apartment)
P2,500
P2,500
P2,500
Total: P7,500> present
Sweldo this month:
P8,000>sweldo
P1000>Mr. SG
P2,500>apartment
P500>Ate Angie
P500>kuryente
P2,500>pagkain
P500>tubig
Total of: P7,500
Extra:P500 L
“HAY… Ang hirap kitain ng pera. Wala ng matitira pang pamasahe. Hindi pa kami makaipon…”
“Ano yan?” si Mon.
“Ay palakang pangit!” gulat na sigaw niya sabay sarado ng notebook. “Bakit ka ba nanggugulat?”
“Kanina pa ako dito, tinatawag kita hindi mo ako pinapansin.”
“Ah… bakit nandito ka?”
“Yayayain sana kitang kumain.”
“Ayoko.”
“Bakit tapos ka na?”
“Hindi.”
“Eh, bakit?”
“Kasi, wala na akong pera. Tapos wla rin akong pamasahe. In short wala kaming pangkain.”
“Libre kita.”
“Ayoko.”
“Bakit?”
“Ayokong umasa lang sa libre. Atsaka naniniwala akong walang libre sa mundo.”
“Just take it as my help.”
“Ayoko ng tulong. Minulat kasi ako ng magulang ko sa sariling kayod.”
“Ito naman… kahit minsan lang.”
“P-Pero…”
“Wala ng pero-pero.”
“K-Kasi…”
“Halika na. Kapag hindi ka sumama sa akin, bubuhatin kita papalabas ng building. Gusto mo bang ma-tsismis tayo?”
“Siyempre, hindi.”
“Oh, that’s nice. Tara na?” tanong nito at tumango siya.
SA ISANG COZY restaurant sila humantong. A Chinese restaurant to be exact. Nang iabot at buklatin niya ang menu ay nalula siya sa mga presyo ng pagkain. Isang dish lang ay worth six hundred pesos! Ni hindi niya malaman kung paano iyon niluto o kung ano ang content noon.
“Anong gusto mong kainin?”
“Uhmmm… tinitignan ko pa lang itong menu busog na ako.” Bulong niya dito. He chuckle.
“Addict ka ba?”
“Hindi noh! Practical lang ako. Halika, sa carinderia na lang tayo kumain mahal na ang ulam na thirty-five pesos doon.” He chuckle again. “Bahala ka nang mag-order. Ang mahal kasi ng mga pagkain. Isa pa hindi ko alam ang mga pagkain dito. Atsaka, kahit hindi mo na lang ako pakainin. Ibigay mo na nga lang sa akin yung pera at sa carinderia ako kakain tapos yung matitira pambayad ko na lang ng utang at pamasahe.” Mahaba niyang paliwanag.
“Wag mo nang isipin iyon, Charity.” Saway nito sa kanya. “Waiter!” tawag pa nito sa waiter. “We’ll give now our orders.” Nag-oorder ito habang siya ay nililibot ang tingin sa kabuuan ng restaurant.
Sa araw-araw maraming tao ang kumakain rito. Habang sila kung minsan ay dalawa lang beses kumain sa isang araw.
“Charity, nag aaral ka ba?” tanong ni Mon na pumutol sa pag-iisip niya.
“Huh?”
“Do you study?”
“Oo.”
“Saan?”
“PUP.”
“What course are you taking up?”
“Accountancy.”
“You know I can give you a job.”
“Pero hindi pa ako graduate. Mag-o- OJT pa ako.”
“You can work for me and at the same time practice your profession.”
“Anong trabaho?”
“My assistant.”
“Eh, paano ko mapa-practice yung accountancy?”
“Patuturuan kita sa mga accountant doon. Ng libre.”
“Libre?!” bulalas niya.
“Magandang opportunity iyon. Your job was always close to me.”
“Oo magandang opportunity nga iyon-“
“Accept it as help coming from a friend.”
“Yun na nga eh.”
“You know Charity, minsan may mga bagay na hindi ka makakakuha kung puro pride at principles lang ang paiiralin mo. Look at this opportunity, maraming advantages. You can go home at 4:00 for your classes at night.” Paliwanag nito. “Plus, mapa-practice at marami ka pang matututunan about accounting. Matututo kang makihalubilo sa mga tao dahil lagi kita kasama kahit saan.”
“Kahit saan?! Pati sa Cr?!” gulat niyang tanong.
“Hindi siyempre.” Kalmadong sagot nito. “Unless gusto mo…”
Sabi nito at kinindatan siya, sa ginawang ito ni Mon ay bumilis ang tibok ng kanyang puso. Naramdaman niya nag init ng kanyang mga pisngi kaya’t agad siyang yumuko.
“Oh my! My darling! Fancy meeting you here.” Sabi ng isang maarte pero sweet na boses. Pag-angat ng tingin, isang magandang babae. Parang Diyosa na bumaba sa lupa.
“Kimberly!” bulalas ni Mon. Marahil ay girlfriend ito noon. Pero bakit hindi ito nagalit ng nakita nitong may iba siyang kasamang babae?! Sabagay, hindi naman siya kagandahan para pagselosan. Mukha itong Diyosa at siya naman ay alipin. Mukha itong modelo.
“Kim, I’d like you to meet Charity.”
“Nice to meet you Charity.” Sabi nito at inabot ang kamay niya. Nang magdaop ang palad niya ay parang nahiya siya. Napakalambot ng kamay nito samantalang ang knaya ay magaspang.
Sumabay ito sa pagkain nila. Kahit maarte at mayaman ito ay napakabait niya. Kahit siya siguro ang lalaki ay magkakagusto siya dito.
“So Charity, since you’re going to have a job at CU Company, you should change your wardrobe. And apply a bit make-up.”
“Naku, eh wala naman ho akong pera pambili.”
“You know, I have some old stuff that I can give you.”
“Naku, nakakahiya po.”
“It’s okay, I don’t need those stuffs.” Sabi pa nito. “I’ll send them to Mon’s office so you can have it.”
“M-maraming salamat po.”
“You’re welcome sweetie.”
Nang hapong iyon ay papasok siya sa kanyang klase. Paalis na siya at inaayos ang kanyang knapsack.
“Ate kailanagan ko ng pambili ng project. Kahit thirty pesos lang. Ako na bahalang pagkasyahin iyon.”
“Sige Hope, bahala ka na dito ha? Bago ka matulog, isara mo lahat ng bintana pati yung pintuan. Kumain ka ha? Wag kang papalipas ng gutom.”
“Opo.”
“Sige, alis na ako.”
“Ingat ate.”
Paglabas niya ng bahay ay may tumawag sa kanya.
“Charity! Talk to me in English huh? So where are you going?” si Mon.
“Anong ‘talk to me in English’?” tanong niya.
“It’s what the pin says in your back pack.”
“Ah! Iyon ba? Wala yan, kalokohan lang. He he he.”
“So, where are you going?”
“Papasok sa school.”
“Hmmm…”
“Charity!” tawag sa kanya ng isang tao. Nang lingunin niya, Reggie pala. Isang halik sa pisngi ang ginawad nito bilang pagbati sa kanya.
“Rech… Anong ginagawa mo dito?”
“Actually, ihahatid sana kita sa school mo. Ang kaso may kasamaka na yata.”
“Hindi, dumaan lang iyan dito. Reggie, boss ko, si Sir Mon. Sir Mon, si Reggie po, boyfriend ko.”
“Charity, just make sure to report at my office tomorrow morning so we can talk about your job and you can get the clothes Kimberly sent to my office.”
“Thank you, Sir Mon.”
“I should get going. Nice to meet you Mr.-“
“Briones.” Pagtatapos ni Reggie. At nagkamay ang dalwa.
“Sige, bye.”
“Ingat ho Sir Mon.”
Nang makaalis si Mon ay nagpatuloy sila ni Reggie sa paglalakad ngunit nanatiling tahimik ito.
“Rech, bakit tahimik ka?”
“Hindi mo nabanggit na binbigyan ka pala ng trabaho ng boss mo. Tapos andito pa siya.”
“Rech, hindi pa kasi tayo nagkaka-usap. Gusto ko sa iyo sabihin ng personal.”
“Bakit parang close kayo?”
“Mabait talaga iyang si Sir Mon. Teka.. Rech, nagseselos ka ba?” natatawang tanong nito.
“Bakit hindi ako mgseselos eh ang gwapo-gwapo ng boss mo.”
“Wag kang magselos Rech… mabait lang talaga si Sir Mon at ikaw ang mahal ko hindi siya. I love you…
“Promise?”
“I promise.”
Bumaba ang mukha ni Reggie sa mukha niya. Lumapat ang labi ni Reggie sa labi niya at mariin siyang hinalikan.